You are on page 1of 28

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Florante at Laura
(Damdamin at Motibo)

Self-Learning Module
Filipino - Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Florante at Laura (Damdamin at Motibo)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Juverina A. Ligutan
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S. Pascual,
Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Jeiyl Carl G. Perucho
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-710
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang Florante at Laura ay isang awit na punong-puno ng mga aral.


Bawat aralin ay may magaganda at mahahalagang kaalaman na maaaring
maging gabay sa pang-araw-araw na buhay. Nagbibigay ng kaalaman tungkol
sa kasaysayan kung paano nabuhay ang mga ninuno noong panahon ng
pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas. Nagsisilbing inspirasyon upang ang
mga kaganapan sa Florante at Laura ay maging daan tungo sa mga
hakbangin sa buhay na maging matuwid.

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang kasanayan ng mag-


aaral sa pamantayan ukol sa:
1. nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa
napakinggan (F8PN-IVg-h-37);
2. nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at
motibo ng mga tauhan (F8PB-IVg-h-37); at
3. nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin
(F8PU-IVg-h-39).

Subukin

Kumusta ka na? Alam kong masaya ka na muling madagdagan ang


iyong kaalaman sa mga pangyayari sa buhay nina Florante at Laura.
Lakbayin mo ito nang may sigla at bukas na isipan upang lalo mo pang
maintindihan ang mga kaganapan sa araling ito.

Ngunit bago iyan, nais ko munang subukin ang iyong dating kaalaman
sa nakaraang aralin at kung gaano na ang iyong kahandaan sa bagong aralin
ng Florante at Laura na iyong lalakbayin.

1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat sa
hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang isang pag-uudyok na magsagawa ng kilos sa pag-uugali, na


nabuo ng isang sistema ng mga pangangailangan ng tao sa iba't ibang
antas?
A. damdamin C. motibo
B. kilos D. pantasya

2. Bakit mahalagang malaman kung ano ang nararamdaman ng isang


tauhan sa akda?
A. makilala ito nang lubusan
B. hindi magkasakit sa puso
C. maging kapalagayang loob ito
D. malaman ang mga dapat gawing aksiyon o solusyon na
mangyayari

3. Sinlungkot ng bagyo, simbigat ng bato


Ang nararamdaman ng anak na gaya ko

Anong damdamin ang ipinakikita ng linyang mula sa “Gintong


Sakripisyo”?
A. pagkagalit C. pagkagulat
B. pagkagalak D. pagkatuwa

4.
“Dito na nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo,
kahinhinang asal na pakitang-tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.”

Ano ang naging damdamin ni Florante sa saknong na ito?


A. pag-aalinlangan C. pagkagulat
B. pag-asam D. pagtanggap

5.
“Namangha ang hari at niyakap ako,
‘Mabuting panahon itong pagdating mo,
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro.”

Anong damdamin ang ipinahahayag ng saknong tungkol sa Hari ng


Krotona?
A. pag-asam C. pagkatakot
B. pagkagalit D. pagkatuwa

2
Para sa bilang 6-8
Panuto: Tukuyin ang motibong ipinahahayag ng bawat saknong sa ibaba.

6. “May sambuwan halos na di nakakain,


luha sa mata ko’y di mapigil-pigil;
ngunit napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.”
A. humalakhak C. sumayaw
B. kumanta D. umiyak

7. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,


aywan kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama’y gayon din sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.”
A. magalit C. magtaka
B. magmahal D. magulat

8. “Sa loob ng anim na taong lumakad


itong tatlong dunong ay aking niyakap,
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas
sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.”
A. ikinagalit C. ipinagwalang bahala
B. ikinatuwa D. tinanggap

9.
“Gumawa nang tama sa kapuwa
Diyos ang gagantimpala
Buhay mo’y mapupuno ng biyaya”

Anong motibo ang ipinapakita sa islogan na nasa itaas?


A. magdasal tuwina C. gumawa nang tahimik
B. gumawa nang mabuti D. magpamigay ng pera

10. “Huwag kalimutang bumigkas


Ng isang pasasalamat
Sa taong sa iyo’y nagligtas”

Anong damdamin ang ipinapahayag sa islogan na nasa itaas?


A. magdiwang C. magpanggap
B. magmahal D. magpasalamat

3
Aralin Florante at Laura
1 (Damdamin at Motibo)
Likas na sa atin ang magpahayag ng sariling pananaw o damdamin.
Mahalagang malaman kung ano ang nararamdaman para alam kung ano ang
posibleng pinanggagalingan ng damdamin at kung ano ang dapat gawing
aksiyon o solusyon upang maiwasan ang mga bagay na makapagdudulot ng
hindi maganda.

Sa araling ito, malalaman mo kung anong mga damdamin at motibo


mayroon ang mga tauhan. Halika na! Simulan mo nang tuklasin.

Balikan

Bago iyan, balikan mo muna ang iyong mga nakuhang kaalaman sa


nakaraang aralin ng Florante at Laura na may kaugnayan sa paggamit ng
mga salitang nanghihikayat upang malaman ang iyong natutuhan ukol dito.

Panuto: Gamit ang semantic web, ipaliwanag ang natutuhan mula sa


nakaraang aralin na may pamagat na, “Si Aladin na Matapang” gamit ang
mga salitang nanghihikayat. Gawin ito sa hiwalay na papel.

“Si Aladin
na
Matapang”

4
Tuklasin

Mahusay! Nasagot mo ang mga naunang gawain. Halina at iyong


basahin at ipabigkas sa kasama sa bahay o sa kakilala ang isang tula na
aking inihanda na may kinalaman sa tatalakayin sa Florante at Laura.

Gintong Sakripisyo
Ni Jocelyn M. Mateo

I
Mula nang isilang ang batang nilalang
Walang hangad na pangit ang mga magulang
Kundi mapabuti at maging magalang,
Sa kanilang pamilya pati sa kaibigan.

II
Dumating ang panahon ng pag-aaral
Walang kakayahang salitang dumatal
Kundi ipaubaya sa may kakayahan,
Kahit mabigat sa kanilang kalooban.

III
Sinlungkot ng bagyo, simbigat ng bato
Ang nararamdaman ng anak na gaya ko
Ngunit piniling lakasan ang loob ko,
Matutong magtiis, matutong magsakripisyo.

IV
Dumating ang trahedya na hindi ko alintana
Ang aking ina’y pumanaw na pala
Mas piniling hindi ipaalam na,
Dahil lubos na kalungkutan daw aking madarama.

5
V
Maraming pagsubok ang nagpaparupok
Hinding-hindi susuko kahit anong dagok
Dahil ako’y matatag nilang nililok,
Na hindi mabubuwag, malalim man ang lugmok.

VI
Salamat inay at tanging ama ko
Dahil ako’y pinanday nang buong puso
Ito’y babaunin at magiging sandigan ko,
Tanging sandata ko’y ang gintong sakripisyo.

Pag-unawa sa Binasa

1. Anong damdamin at motibo ng may-akda ang namamayani sa tulang


binasa/narinig?
2. Anong positibong pangyayari sa tula ang naidulot nito sa mga tao?
3. Paano ipinahayag ng may-akda ang kaniyang damdamin sa tula?
4. Bakit kaya ganito ang kaniyang naging damdamin at motibo?
5. Ipaliwanag ang iyong sariling damdamin o nadama kaugnay ng
binasa/pinakinggang tula.

Naunawaan mo ba ang tulang iyong binasa? Magaling! Ang tulang iyong


binasa ay nagpapahayag ng saloobin ng isang anak tungkol sa mga bagay at
sakripisyong nangyayari sa kaniyang buhay. Tara! Iyo nang iugnay ang
tulang ito sa paksang tatalakayin.

Suriin

Mahusay! Narito ang ilan pang kaalaman na makatutulong sa iyo


upang higit mo pang maunawaan ang aralin.

Basahin at unawain ang Saknong 206-Saknong 273 ng Florante at


Laura. Pagkatapos ay ipabasa mo rin sa nakatatandang kasama sa bahay o
sa nakakaalam nito.

6
Ngunit bago ‘yon, narito ang ilang mga salitang ginamit sa mga saknong
na may kalaliman. Basahin ang kasingkahulugan ng mga ito upang
matulungan kang maunawaan ito.

Talasalitaan

1. Moro - Muslim
2. gerero - mandirigma
3. Edipo – anak nina Haring Layo at Reyna Yokasta
4. setro – sagisag ng kapangyarihan na dala ng hari o reyna
5. Eteocles at Polinese – magkapatid na anak ni Haring Edipo
6. duke – nabibilang sa mga maharlika; sumusunod sa hari/prinsipe

Sa Atenas

206. “May sambuwan halos na di nakakain,


luha sa mata ko’y di mapigil-pigil;
ngunit napayapa sa laging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.”

207. “Sa dinatnan doong madlang nag-aaral


kaparis kong bata’t kabaguntauhan,
isa’y si Adolfong aking kababayan,
anak niyong Konde Silenong marangal.”

208. “Ang kaniyang tao’y labis ng dalawa


sa dala kong edad na lalabing-isa,
siyang pinopoon ng buong esk’wela;
marunong sa lahat na magkakasama.”

7
209. “Mahinhin ang asal na hindi magaso
at kung lumakad pa’y palaging patungo;
mabining mangusap at walang katalo,
Lapastanganin ma’y hindi nabubuyo.”

210. “Anupa’t sa bait ay siyang huwaran


ng nagkakatipong nagsisipag-aral,
sa gawa at wika’y di mahuhulihan
ng munting panira sa magandang asal.”

211. “Ni ang katalasan ng aming maestro


at pagkabihasa sa lakad ng mundo
ay hindi natarok ang lihim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo.”

212. “Aking pagkabata’y ang kinamulatan


kay ama’y ang bait na ‘di paimbabaw;
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui’t igalang.”

213. “Sa pinagtatakhan ng buong esk’wela,


bait ni Adolfong ipinakikita,
di ko malasapan ang haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko’t ina.”

214. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,


aywan kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama’y gayon din sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.”

215. “Araw ay natakbo, at ang kabataan


sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw,
bait ko’y luminis at ang karunungan
ang bulag kong isip ay kusang dinamtan.”

216. “Natarok ang lalim ng pilosopiya,


aking natutuhan ang astrolohiya,
natantong malinis ang kataka-taka
at mayamang dunong ng matematika.”

8
217. “Sa loob ng anim na taong lumakad
itong tatlong dunong ay aking niyakap,
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas
sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak.”

Hiram na Bait

218. “Ang pagkatuto ko’y anaki’y himala


sampu ni Adolfo’y naiwan sa gitna;
maingay na Famang tagapamalita
sa buong Atenas ay gumala-gala.”

219. “Kaya nga at ako ang naging hantungan,


tungo ng salita ng tao sa bayan,
mulang bata’t hanggang katanda-tandaan
ay nakatalastas ng aking pangalan.”

220. “Dito na nahubdan ang kababayan ko


ng hiram na bait na binalatkayo,
kahinhinang asal na pakitang-tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.”

221. “Natanto lahat na kaya nanamit,


niyong kabaitang di taglay sa dibdib
ay ang maragdag pa sa talas ng isip
itong kapurihang mahinhi’t mabait.”

222. “Ang lihim na ito’y kaya nahalata,


dumating ang araw ng pagkakatuwa,
kaming nag-aaral baguntao’t bata
sari-saring laro ang minunakala.”

9
223. “Minulan ang galing sa pagsasayawan
ayon sa musika’t awit na saliwan,
larong buno’t arnis na kinakitaan
ng kani-kaniyang liksi’t karunungan.”

224. “Saka inilabas namin ang trahedya


ng dalawang apo ng tunay na ina
at mga kapatid ng nag-uring amang
anak at esposo ng Reyna Yokasta.”

225. “Papel ni Eteocles ang naging tungkol ko


at si Polinese nama’y kay Adolfo;
isang kaeskwela’y siyang nag-Adrasto
at ang nag-Yokasta’y bunying si Menandro.”

226. “Ano’y nang mumulan ang unang batalya


ay ang aming papel ang nagkakabaka,
nang dapat sabihing ako’y kumilala’t
siya’y kapatid kong kay Edipong bunga.”

227. “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay


ay hindi ang ditsong nasa orihinal
kundi ang winika’y ‘Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!”

228. “Hinandulong ako, sabay nitong wika,


ng patalim niyang pamatay na handa,
dangan nakaiwas ako’y nabulagta
sa tatlong mariing binitiwang taga.”

229. “Ako’y napahiga sa inilag-ilag,


sinabayang bigla ng tagang malakas;
salamat sa iyo, O, Minandrong liyag,
Kundi sa liksi mo, buhay ko’y nautas!”

230. “Nasalag ang dagok na kamatayan ko,


lumipad ang tangang kalis ni Adolfo,
siyang pagpagitna ng aming maestro
at nawalang-diwang kasama’t katoto.”

10
231. “Anupa’t natapos yaong katuwaan
sa pangingilabot at kapighatian;
si Adolfo’y di na namin nabukasan
noon di’y nahatid sa Albanyang bayan.”

Palasong Liham

232. “Naging santaon pa ako sa Atenas,


hinintay ang loob ng ama kong liyag;
sa aba ko’t noo’y tumanggap ng sulat
na ang balang letra’y iwang may kamandag!”

233. “Gunamgunam na di napagod humapis,


di ka naianod ng luhang mabilis,
iyong ginugulo ang bait ko’t isip
at di mo payagang payapa ang dibdib!

234. “Kamandag kang lagak niyong kamatayan


sa sintang ina ko’y di nagpakundangan,
sinasariwa mo ang sugat na lalang
ng aking tinanggap na palasong liham!”

235. “Tutulungan kitang ngayong magpalala


ng hapdi sa pusong di ko maapula;
namatay si Ina, ay laking dalita!
ito sa buhay ko ang unang umiwa.”

236. “Patay na dinampot sa aking pagbasa


niyong letrang titik ng bikig na pluma,
diyata Ama ko at nakasulat ka
ng pamatid-buhay sa anak na sinta!”

237. “May dalawang oras na di ko namalay


ng pagkatao ko’t ng kinalalagyan,
dangan sakaling ang kasamang tanan
ay di mo na ako nakasalitaan.”

238. “Nang mahimasmasa’y narito ang sakit,


dalawa kong mata’y naging parang batis,
ang “Ay, ay! Ay Ina’y!” kung kaya mapatid
ay nakalimutan ang paghingang gipit.”

11
239. “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam
ay nanaw sa akin ang sandaigdigan,
nag-iisa ako sa gitna ng lumbay
ang kinakabaka’y sarili kong buhay.”

240. “Hinamak ng aking pighating mabangis


ang sa maestro kong pang-aliw na boses,
ni ang luhang tulong ng samang may hapis,
ay di nakaawas sa pasan kong sakit.”

241. “Baras ng matuwid ay nilapastangan


ng lubhang marahas na kapighatian
at sa isang titig ng palalong lumbay,
diwa’y lumilipad niring katiisan.”

242. “Anupa’t sa bangis ng dusang bumugso


minamasarap kong mutok yaring puso
at nang ang kamandag na nakapupuno’y
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.”

Tagubilin ni Antenor

243. “May dalawang buwang hindi nakatikim


ako ng linamnam ng payapa’t aliw
ikalawang sulat ni Ama’y dumating
sampu ng sasakyang sumundo sa akin.”

244. “Saad ng kalatas ay biglang lumulan


at ako’y umuwi sa Albanyang bayan;
sa aking maestro nang nagpapaalam
aniya’y ‘Florante bilin ko’y tandaan.”

12
245. “Huwag malilingat, at pag-ingatan mo
ang higanting handa ng Konde Adolfo;
pailag-ilagang parang basilisko
sukat na titig ng mata’y sa iyo.”

246. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating


ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.”

247. “Datapuwa’t huwag kang magpapahalatang


tarok mo ang lihim ng kaniyang nasa;
ang sasandatahi’y lihim na ihanda,
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.”

248. “Sa mawika ito, luha’y bumalisbis


at ako’y niyakap na pinakamahigpit;
huling tagubilin ‘Bunso’y katitiis
at hinihintay ka ng maraming sakit.”

249. “At mumulan mo na ang pakikilaban


sa mundong bayaning punong kaliluhan
hindi na natapos at sa kalumbayan
pinigil ang dila niyang nagsasaysay.”

250. “Nagkabitiw kaming malumbay kapuwa,


tanang kaesk’wela mata’y lumuluha;
si Menandro’y labis ang pagdaralita
palibhasa’y tapat na kapuwa bata.”

251. “Sa pagkakalapat ng balikat namin


ang mutyang katoto’y di bumitiw-bitiw
hanggang tinulutang sumama sa akin
ng aming maestrong kaniyang amain.”

252. “Yaong paalama’y anupa’t natapos


sa pagsasaliwan ng madlang himutok,
at sa kaingaya’t bulong adiyos
ang buntunghininga ay nakikisagot.”

13
253. “Magpahanggang daong ay nagsipatnubay
ang aking maestro’t kasamang iiwan;
humihip ang hangi’t agad nahiwalay
sa pasig Atenas ang aming sasakyan.”

254. “Bininit sa busog ang siyang katulad


ng tulin ng aming daong sa paglayag,
kaya di naglaon paa ko’y yumapak
sa dalampasigan ng Albanyang s’yudad.”

255. “Pag-ahon ko’y agad nagtuloy sa kinta,


di humihiwalay ang katotong sinta;
paghalik sa kamay ng poon kong ama
lumala ang sakit nang dahil kay ina.”

256. “Nagdurugong muli ang sugat ng puso


humigit sa una ang dusang bumugso,
nawikang kasunod ng luhang tumulo:
Ay amang! kasabay ng bating: Ay bunso!”

257. “Anupa’t ang aming buhay na mag-ama


nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang Krotona.”

258. “Nakapanggaling na sa palasyo Real


at ipinagsabi sa hari ang pakay;
dala’y isang sulat sa ama kong hirang,
titik ng monarkang kaniyang biyanan.”

259. “Humihingi ng tulong at nasa pangamba,


ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka,
ang puno ng hukbo’y balita ng sigla:
Heneral Osmalic na bayaning Persia.”

260. “Ayon sa balita’y pangalawa ito


ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo;
Alading kilabot ng mga gerero
iyong kababayang hinahangaan ko.”

14
261. Dito napangiti ang Morong kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad.
Aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
magkatotoo ma’y marami ang dagdag.”

262. “At saka madalas ilala ng tapang


ay ang guniguning takot ng kalaban,
ang isang gererong palaring magdiwang
mababalita na at pangingilagan.”

263. “Kung sa katapanga’y bantog si Aladin


may buhay rin namang sukat na makitil;
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasam-ang palad at dalang hilahil.”

264. Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis


ang gererong bantog sa palad kong amis,
at sa kaaway ma’y di ko ninanais
ang lahi ng dusang aking napagsapit.”

Si Haring Linceo at Florante

265. “Matanto ni ama ang gayong sakuna


sa Krotonang baya’y may balang sumira,
ako’y isinama’t humarap na bigla
sa Haring Linceong may gayak ng digma.”

15
266. “Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan
ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
ay sumalubong na ang haring marangal
niyakap si ama’t ako’y kinamayan.”

267. “Ang wika’y, ‘O Duke, ang kiyas na ito


ang siyang kamukha ng bunying gererong
aking napangarap na sabi sa iyo,
magiging haligi ng setro ko’t reyno.”

268. “Sino ito’t saan nanggaling na s’yudad?”


ang sagot ni Ama ‘Ay, bugtong kong anak
na inihahandog sa mahal mong yapak
ibilang sa isang basalyo’t alagad.”

269. “Namangha ang hari at niyakap ako,


‘Mabuting panahon itong pagdating mo,
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro.”

270. “Patotohanan mong hindi iba’t ikaw


ang napangarap kong gererong matapang
na maglalathala sa sansinukuban
ng kapurihan ko at kapangyarihan.”

271. “Iyong kautangang paroong mag-adya,


nuno mo ang hari sa bayang Krotona;
dugo kang mataas ay dapat kumita
ng sariling dangal at bunyi sa g’yera.”

272. “Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,


umayon si Ama kahit mapait man,
na agad masubo sa pagpapatayan
ang kabataan ko’t di kabihasaan.”

273. “Ako’y walang sagot na naipahayag


kundi haring poo’t nagdapa sa yapak,
nang aking hahagkan ang mahal na bakas
kusang itinindig at muling niyakap.”

Puno ng iba’t ibang damdamin at motibo ang mga saknong na iyong


binigkas/narinig. Ano nga ba ang kahulugan ng damdamin at motibo?

16
Halina’t palawakin mo pa ang iyong kaalaman tungkol dito sa pamamagitan
ng pagbabasa ng mga impormasyon sa kasunod na pahina.

Damdamin o Emosyon

Ang kakaibang mga estado ng pag-iisip ay nag-iiwan ng isang marka sa


buhay. Kung ang pang-emosyonal na estado ay tumutukoy at pangunahin sa
panlabas na bahagi ng pag-uugali at aktibidad ng kaisipan, kung gayon ang
mga damdamin ay nakakaapekto sa nilalaman at panloob na kakanyahan ng
mga karanasan na dulot ng mga espiritwal na pangangailangan ng isang tao.
Ang nararamdaman ng isang tao sa tuwing may naririnig, nakikita o
nalalaman na isang pangyayari at isang reaksyon ay dulot ng pinagsama-
samang aspeto ng pagpukaw, pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang
proseso, mga panghusga at kilos o gawa ng katawan.

Iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng Damdamin o Emosyon

1. Mga Pangungusap na Padamdam – nagpapahayag ng matinding


damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng tandang padamdam.
2. Maikling Sambitla – ito ay ang mga sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
3. Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon – ito’y
mga pangungusap na pasalaysay kaya’t hindi nagsasaad ng matinding
damdamin, ngunit nagpapakita naman ng tiyak na damdamin o
emosyon.
4. Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang
Paraan – ito ay mga pangungusap na gumagamit ng matatalinghagang
salita sa halip na tuwirang paraan.
5. Pagpapahayag ng Paghanga – likas sa mga Pilipino ang pagiging
palahanga. Paghanga sa kalikasan, sa tao, sa mga bagay-bagay.

Iba’t ibang Uri ng Damdamin

• Pagkagalit (Anger) - Ito ay matinding sama ng loob at pag-ayaw sa


isang tao dahil sa naidulot nitong sakit.
• Pagkamuhi (Disgust) - masidhing damdamin ng pagkainis o
pagkakaroon ng pagkasuklam sa ibang tao.
• Pagkalungkot (Sadness) - Pagdadalamhati sa nawalang mahal sa
buhay o mahalagang bagay.
• Pagkagulat (Surprise) - Isang biglaang pangyayari o bagay na hindi
inaasahan.

17
• Pagkatakot (Fear) - Pag-aalala sa sarili na maaaring masaktan,
totoo man o haka-hakang panganib at walang
kakayahang malagpasan ang panganib.
• Pagtanggap (Acceptance) - damdaming matanggap ang isang bagay na
nangyari na.
• Pagkagalak (Joy) - damdaming pagkasaya ng dahil sa isang tao o
isang bagay.
• Pag-asam (Anticipation) - damdamin ng paghihintay sa isang
mangyayari sa hinaharap.

Motibo

Ang mga konsepto na naglalarawan ng pagganyak ng paksa sa


aktibidad kasama ang mga pangangailangan, interes, saloobin at emosyon.
Ito ay isang pag-uudyok na magsagawa ng kilos sa pag-uugali, na nabuo ng
isang sistema ng mga pangangailangan ng tao at sa iba't ibang antas.

Pagyamanin

Wow! Nadagdagan pa ang iyong kaalaman. Mayroon pa akong mga


inihandang gawain na siguradong ikaw ay may matututuhan. Halina’t
simulan mo na.

Gawain 1. Damdamin ko, tukuyin mo!

Panuto: Ipabasa sa nakatatandang kasama sa bahay o sa kakilala ang


sumusunod na saknong at ilahad ang damdaming namayani sa mga tauhan
sa napakinggan. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at
isulat ang sagot.

Damdaming
Mga piling saknong sa akdang napakinggan
namayani sa tauhan
213. “Sa pinagtatakhan ng buong esk’wela,
bait ni Adolfong ipinakikita,
di ko malasapan ang haing ligaya
ng magandang asal ng ama ko’t ina.”

18
223. “Minulan ang galing sa pagsasayawan
ayon sa musika’t awit na saliwan,
larong buno’t arnis na kinakitaan
ng kani-kaniyang liksi’t karunungan.”
256. “Nagdurugong muli ang sugat ng puso
humigit sa una ang dusang bumugso,
na wikang kasunod ng luhang tumulo:
Ay amang! kasabay ng bating: Ay bunso!”
269. “Namangha ang hari at niyakap ako,
‘Mabuting panahon itong pagdating mo,
ikaw ang heneral ng hukbong dadalo
sa bayang Krotonang kinubkob ng Moro.”
272. “Sapagkat matuwid ang sa haring saysay,
umayon si Ama kahit mapait man,
na agad masubo sa pagpapatayan
ang kabataan ko’t di kabihasaan.”

Gawain 2. #SuriDaMo (Suriin Damdamin at Motibo)

Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang


damdamin at motibo ng mga tauhan. Kopyahin ang grapikong pantulong sa
hiwalay na papel at sagutan ito.

Sitwasyon buhat sa akdang natalakay Damdamin Motibo

227. “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay


ay hindi ang ditsong nasa orihinal
kundi ang winika’y ‘Ikaw na umagaw
ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!”
229. “Ako’y napahiga sa inilag-ilag,
sinabayang bigla ng tagang malakas;
salamat sa iyo, O, Minandrong liyag,
Kundi sa liksi mo, buhay ko’y nautas!”
230. “Kami ay bago pang nanakyat sa hagdan
ng palasyong batbat ng hiyas at yaman
ay sumalubong na ang haring marangal
niyakap si ama’t ako’y kinamayan.”
242. “Anupa’t sa bangis ng dusang bumugso
minamasarap kong mutok yaring puso
at nang ang kamandag na nakapupuno’y
sumamang dumaloy sa agos ng dugo.”

19
245. “Huwag malilingat, at pag-ingatan mo
ang higanting handa ng Konde Adolfo;
pailag-ilagang parang basilisko
sukat na titig ng mata’y sa iyo.”

Gawain 3. Artslogan

Panuto: Sumulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksa ng saknong na


nasa ibaba. Gawing batayan ang rubrik sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.

246. “Kung ang isalubong sa iyong pagdating


ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.”

Rubrik sa Paggawa ng Islogan

Pamanta- Napakahu- Mahusay Mahusay- Kailangan pa


yan say husay ng
Pagsasanay
(5) (4) (3) (2)
1. Mensahe Naipahatid Naipahatid Hindi gaanong Malabo ang
ng islogan sa madla sa madla naipahatid ang mensaheng
nang ang mensahe ng nais ipahatid
malinaw ang mensahe islogan. sa islogan.
mensahe ng ng islogan.
islogan.
2. Pagka- Kaakit-akit Maganda Di-gaanong Napakasimple
malikhain ang disenyo ang naipakita ang ng
ng islogan at disenyo at pagkamalikhain pagkakabuo
pagkakabuo angkop ito sa paghahatid ng islogan.
sa mensahe sa ng mensahe sa
ng islogan. mensahe islogan.
ng islogan.
3. Kabuuang Kahanga- Maayos Kulang sa Napakasimple
presentas- hanga ang ang kaayusan ng ng
yon ng pagkakabuo pagkabuo presentasyon presentasyon
islogan ng islogan. ng islogan. ang islogan. ng mensahe
sa islogan.

20
4. Pagka- Kakaiba at Orihinal Pangkaraniwan Hindi orihinal
orihinal ng natatangi ang lamang ang ang ginawang
islogan ang ginawang ginawang islogan.
ginawang islogan. islogan.
islogan.

Isaisip

Mahusay talaga! Dahil diyan, may inihanda pa akong gawain upang


maging kapana-panabik ang iyong paglalakbay. Halika at lagumin ang lahat
ng iyong natutuhan.

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang paksang tinalakay.


Isulat ito sa hiwalay na papel.

Ang _________________________ kakaibang mga estado ng pag-iisip na


nag-iiwan ng isang marka sa buhay. Kung ang pang-emosyonal na estado
ay _________________________ sa panlabas na bahagi ng pag-uugali at
aktibidad ng kaisipan, kung gayon ang mga damdamin ay nakakaapekto sa
_________________________ na kakanyahan ng mga karanasan na dulot ng
mga espiritwal na pangangailangan ng isang tao. Ang
_________________________ ng isang tao sa tuwing may naririnig, nakikita o
nalalaman na isang pangyayari at isang reaksyon ay dulot ng pinagsama-
samang aspeto ng pagpukaw, pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang
proseso, mga panghusga at kilos o gawa ng katawan.
Ang _________________________ ay isa sa mga konsepto na
naglalarawan ng pagganyak ng paksa sa aktibidad kasama ang mga
pangangailangan, interes, saloobin, at emosyon.

Isagawa

Mahusay! Nagawa mo ang mga gawain nang may ngiti sa labi. Ngayon
naman ay isa pang gawain ang susukat pa ng iyong kaalaman sa ating aralin.

21
Panuto: Ipabasa sa nakatatandang kasama sa bahay o sa kakilala ang
sumusunod na sitwasyon. Suriin at ilahad ang iba’t ibang damdamin at
motibong namayani sa mga tauhan. Pagkatapos, sumulat ng isang islogan
tungkol sa pinapaksa nito. Gawing batayan ang rubrik sa bahaging
Pagayamanin. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Piling sitwasyon mula sa akda Damdamin Motibo


209. “Mahinhin ang asal na hindi magaso
at kung lumakad pa’y palaging patungo;
mabining mangusap at walang katalo,
lapastanganin ma’y hindi nabubuyo.”
214. “Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin,
aywan kung bakit at naririmarim,
si Adolfo nama’y gayon din sa akin,
nararamdaman ko kahit lubhang lihim.”
257. “Anupa’t ang aming buhay na mag-ama
nayapos ng bangis ng sing-isang dusa;
kami ay dinatnang nagkakayakap pa
niyong embahador ng bayang Krotona.”
265. “Matanto ni ama ang gayong sakuna
sa Krotonang baya’y may balang sumira,
ako’y isinama’t humarap na bigla
sa Haring Linceong may gayak ng digma.”
273. “Ako’y walang sagot na naipahayag
kundi haring poo’t nagdapa sa yapak,
nang aking hahagkan ang mahal na bakas
kusang itinindig at muling niyakap.”

Islogan:
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Tayahin

Mahusay! Binabati kita. Alam kong nagpakita ka ng angking husay sa


pagsagot. Naniniwala ako na kayang-kaya mong sagutin ang susunod na
gawain.

22
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito ay nangangahulugan ng pakay, naisin, layunin, dahilan para gawin


ang isang bagay.
A. damdamin C. motibo
B. kilos D. pantasya

2.
Salamat inay at tanging ama ko
Dahil ako’y pinanday nang buong puso
Ito’y babaunin at magiging sandigan ko,
Tanging sandata ko’y ang gintong sakripisyo.

Anong damdamin ang ipinahahayag ng tauhan sa saknong ng tulang ito?


A. pagkagalak C. pag-asam
B. pagkagulat D. pagkamuhi

3. Sa pinagtatakhan ng buong esk’wela,


Bait ni Adolfong ipinakikita

Anong motibo ang ipinakikita ni Adolfo sa sitwasyong nasa itaas?


A. mag-aklas C. magtaka
B. magkunwari D. magpatotoo

4.
“Minulan ang galing sa pagsasayawan
ayon sa musika’t awit na saliwan,
larong buno’t arnis na kinakitaan
ng kani-kaniyang liksi’t karunungan.”

Anong damdamin ang ipinakikita ng tauhan sa sitwasyon na ipinahahayag


sa saknong?
A. pagkagalak C. pagkamuhi
B. pagkalungkot D. pagkatakot

5. Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay


Ay hindi ang ditsong nasa orihinal

Sa sitwasyong nasa ibaba, anong damdamin ang ipinahahayag ng tauhan?


A. pag-asam C. pagkatakot
B. pagkamuhi D. pagtanggap

23
Para sa bilang 6-8
Panuto: Suriin ang motibo na ipinahahayag ng bawat saknong.

6.
“Ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y
dapat kang mamatay!”

Anong motibo ang ipinakikita sa pahayag na ito?


A. bumuhay C. pumatay
B. kumanta D. sumayaw

7. Dumating ang panahon ng pag-aaral


Walang kakayahan salitang dumatal
Kundi ipaubaya sa may kakayahan
Kahit mabigat sa kanilang kalooban

Anong motibo ang ipinahahayag sa saknong na nasa tula na “Gintong


Sakripisyo?”
A. makapag-aral C. makapasa
B. makapagpasalamat D. makauwi

8.
“Datapuwa’t huwag kang magpapahalatang
tarok mo ang lihim ng kaniyang nasa;
ang sasandatahi’y lihim na ihanda,

Anong motibo ang ipinakikita sa saknong na ito?


A. mag-ingat C. magpatulong
B. magmahal D. makipag-away

9.
Huwag masisilaw sa pakitang giliw
Sa taong may pusong sakim
Na hangad ay maitim
Anong motibo ang ipinakikita sa islogang ito?
A. mag-ingat C. makipag-away
B. magpatulong D. manahimik

10. Walang ibang makapapantay


Sa pagmamahal ng magulang
Sa anak na tunay

Anong damdamin ang ipinahahayag sa islogang ito?


A. magalit C. magtampo
B. magmahal D. matakot

24
Karagdagang Gawain

Nakatutuwang isipin na napagtagumpayan mong sagutan ang lahat ng


mga gawaing inihanda sa iyo. Nais kong tapusin mo ang paglalakbay sa
pamamagitan ng pagsagot mo sa huling gawain na inilaan. Halika na!

Panuto: Hanapin sa mga saknong na nabasa ang mga sitwasyong nagpakita


ng iba’t ibang damdamin at motibo ng mga tauhan. Gayahin ang pormat sa
hiwalay na papel at isulat ang sagot.

Saknong: _____ Saknong: _____ Saknong: _____

Damdamin: Damdamin: Damdamin:


Motibo: Motibo: Motibo:

25
Susi sa Pagwawasto
motibo
nararamdaman
damdamin
pang-emosyonal
10. B kakaibang ng mga mag-aaral
9. A Isaisip dipende sa pagkaunawa
8. C Ang sagot ay iba-iba
7. A mag-aaral Balikan
6. C pagkaunawa ng mga
5. B iba-iba dipende sa 10. D
4. A Gawain 3 - Ang sagot ay 9. B
3. B mag-aaral 8. B
2. A pagkaunawa ng mga 7. C
1. C iba-iba dipende sa 6. D
Tayahin Gawain 2 - Ang sagot ay 5. D
mag-aaral 4. C
ng mga mag-aaral pagkaunawa ng mga 3. A
dipende sa pagkaunawa iba-iba dipende sa 2. D
Ang sagot ay iba-iba Gawain 1 - Ang sagot ay 1. A
Isagawa Pagyamanin Subukin

Sanggunian

“Damdamin. Mga Uri Ng Emosyon at Damdamin Ng Tao.” Pobeda. Accessed


February 13, 2021. https://pobeda-mf.ru/tl/prihozhaya/emocii-vidy-
emocii-i-chuvstv-cheloveka/.

Evangelista, Irish O. “Pagdama Ng Iba't Ibang Damdamin.” Manila: Philippine


Normal University National Center for Education College of Teacher
Development, October 8, 2013.

Monleon, Fernando B., 1936 Pinagdaanang Buhay nina Florante at Laura sa


Kahariang Albanya akda ni Francisco Balagtas Abiva Bldg., 110-131

“Pagpapahayag Ng Damdamin.” Karahasang Walang Katwiran, May 4, 2016.


https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/pagpapahayag-
ng-damdamin/.

26

You might also like