You are on page 1of 7

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin 1 Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura

MELC: 1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitang


ng:pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito,pagtukoy sa layunin
ng pagsulat ng akda at pagsusuri ng akda pagkatapos itong isulat. (F8PB-4a-b-33)

Susing Konsepto:

Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar

Si Francisco “Balagtas” Baltazar ay isang kilalang Pilipinong makata at


may-akda. Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o “Ama ng
Balagtasan”. Ang kanyang palayaw ay Kiko. Isinilang ang makatang si Francisco Balagtas
noong ika- 2 ng Abril taong 1788 sa Panginay, Bigaa (Balagtas), Bulacan. Si Kiko ay
bunso sa apat na anak nina Juana dela Cruz, isang maybahay, at Juan Baltazar, isang
panday. Ang kanyang mga kapatid ay sina Nicolasa, Felipe at Concha. Noong siya ay nasa
edad na upang mag-aral, ipinadala siya ng ina sa isang kamag-anak sa Tondo, Maynila.
Labing-isang taon si Kiko nang lumuwas upang mamasukan bilang utusan kay Doña
Trinidad, dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa Colegio de
San Jose. Ang mga asignaturang pinag-aral an niya ay Gramatika, Latin, Kastila, Doctrina
Christiana at Batas sa Canones. Nagtapos ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de
Letran. Ang kanyang mga asignaturang pinag-aralan ay Teolohiya, Humanidades at
Pilosopiya, naging guro niya si Padre Mariano Pilapil. Samantala naging guro naman niya sa
larangan ng panulaan si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw), isang bantog na makata at
mandudulang Tagalog sa Tondo. Natuto si Balagtas na sumulat at bumigkas ng tula ngunit
nagsilbing hamon kay Balagtas dahil hindi tumulong si Jo se dela Cruz sa pag-aayos ng
tula sa kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Namayagpag sa larangan
ng panulaan si Balagtas.

Mula sa Tondo ay lumipat sa Pandacan, Manila. Dito niya


nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera. Naging magkasintahan
sila subalit karibal niya sa pag-ibig si Mariano “Nanong” Capule,
isang mayaman at makapangyarihang pamilya. Ipinabilanggo niya si
Balagtas upang hindi siya makahadlang sa panunuyo sa dalaga. Pinaniniwalaang
dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at
Laura.
Sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas matapos makalaya. Dito niya
nakilala si Juana Tiambeng. Ikinasal siya sa edad na 54. Nagkaroon sila ng 11
anak. Dahil sa may mataas na pinag-aralan si Balagtas ay humawak siya ng
matataas na tungkulin sa Bataan tulad ng pagiging tagapagsalin at tenyente
mayor.

Sa lalawigan ng Bataan, muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa


paratang na pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan. Lumaban siya sa
kaso at naubos ang kanyang kayamanan sa pag-apela. Paglabas niya sa
bilangguan, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsulat hanggang bawian siya ng buhay
noong Ika-20 ng Pebrero taong 1860 sa gulang na 74.
Ilan sa mga akda ni Francisco Balagtas ay ang:

 Orosman at Zafira (1860) Komedya na may apat na bahagi


 Hatol Hari Kaya ( Kundiman)
 Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (Tula)
 Rodolfo at Rosamunda ( Komedya)

1
 Pagpupuri kay Isabel II, Reyna ng Espana ( tula)

Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco “Balagtas” Baltazar noong 1838,


panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito, mahigpit na
ipinatupad ang sensura kaya’t ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na
tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga Espanyol.Dahil sa pagkontrol
ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay karaniwang
patungkol sa relihiyon o sa
paglalaban ng Moro at Kristiyano na tinatawag ding komedya o moro-moro,
gayundin ang diksyonaryo at aklat-panggramatika. Sa kabila ng mahigpit na
sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang
kanyang awit at ang paglalaban ng mga Moro at Kristyanismo rin ang temang
ginamit niya rito bagamat naiugnay niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura.
Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya ang mensaheng pagtuligsa
at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol. Gumamit din siya ng
simbolismo na kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan
at mga pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan sa kaharian ng Albanya
ay kasasalaminan ng mga naganap na kataksilan, kalupitan at ang kawalang
katarungan sa Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Espanyol. Ang Florante
at Laura ay nagsilbing gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay
naglalaman ng mga mahahalagang-aral sa buhay tulad ng:

• Wastong pagpapalaki sa anak


• Pagiging mabuting magulang
• Pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan
• Pag-iingat laban sa mga taong mapagkunwari at makasarili
• Pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno dahil sa
pinunong sakim at mapaghangad sa yaman
Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura at hindi mapapabulaanan ang mga
aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling
makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilpino hanggang sa
kasalukuyang panahon.

2
Mga Pagsasanay

Gawain 1

Panuto: Alamin ang mga kasagutan kaugnay ng mga katanungan sa ibaba sa


pamamagitan ng pagpupuno ng mga katumbas na letra ng mga bilang sa baba ng
bawat tanong.

Halimbawa:

FRANCISCO- 6-18-1-14-3-9-19-3-15

1. Ito ang lalawigan kung saan isinilang si Francisco Baltazar.

2-21-12-1-3-1-14

2. Ito ang palayaw na itinatawag kay Francisco ng kanyang mga magulang ng


mga malalapit na kamag-anak.

11-9-11-15

3. Siya ang babaeng unang inibig ni Francisco, ngunit naghatid sa kanya na


labis na kabiguan.

19-5-12-25-1

4. Siya ang babaeng nakilala ni Francisco matapos ang matagal na panahong


pagkakabilanggo, pinakasalan niya ito sa gulang na 54.

10-21-1-14-1 20-9-1-13-2-5-14-7

5. Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan nakilala ni Francisco ang huling


babaeng minahal.

16-1-14-4-1-3-1-14

Gawain 2
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag kaugnay ng kaligirang
kasaysayan ay wasto at isulat ang MALI kung ang pahayag ay hindi
wasto.Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
1. Naisulat ang Florante at Laura sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
2. Ipinagbabawal ng mga Espanyol ang pagsulat ng mga akdang tumutuligsa sa
kanila subalit nailathala pa rin ang Florante at Laura na isinulat ni Dr. Jose
Rizal.
3. Ang Florante at Laura ay nagsisilbing gabay sa wastong pag-uugali kagaya ng
pagsunod sa magulang at pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.
4. Ang akda ni Balagtas ay punong-puno ng mga simbolismo at talinhaga.
5. Maituturing na isa sa ang Florante at Laura sa mga akdang gumising sa
kaisipan ng mga Pilipino upang lumaban sa mga Kastila.
Gawain 3
Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na kasagutan kaugnay ng
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura.

Sektor ng Lipunan Kalagayan noong Epekto ng akda


panahon ng Espanyol pagkatapos
maisulat

3
A. Mamamayang Pilipino Naging alipin
B. Pananampalataya Pinahahalagahan
ang simbahan at
pananampalataya
C. Pamahalaan

D. Panitikan Ipinagbawal ang mga


babasahin at
pagsulat na laban sa
mga kastila

Gawain 4
Panuto:Punan ang mapa ng konsepto ng angkop na kasagutan kaugnay ng
iyong naunawaan sa pag-aaral ng kaligirang kasaysayan ng akda.

Layunin ni
Francisco
Balagtas sa
Pagsulat ng
Akda

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel.

 Ano ang kalagayan ng bansang Pilipinas sa panahon na naisulat ang awit na


Florante at Laura?
 Bakit isinulat ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura?
 Paano itinago ni Balagtas sa mga kastila ang totoong kahulugang tinataglay
ng Florante at Laura?
 Paano nakatulong ang akda ni Balagtas sa paggising na natutulog na
kamalayan ng mga Pilipino?

4
Susi sa Pagwawasto:

Gawain I.
1. Bulacan
2. Kiko
3. Selya
4. Juana Tiambeng
5. Pandacan
Gawain II.
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Gawain III.
5
Sektor ng Lipunan Kalagayan noong Epekto ng akda
panahon ng Espanyol pagkatapos
maisulat
A. Mamamayang Pilipino Naging alipin Naimulat ang
mga kaisipan
B. Pananampalataya Paglalaban ng mga Pinahahalagahan
Pananampalataya ang simbahan at
pananampalataya
C. Pamahalaan Malupit sa mga Lumalaban para
Pilipino sa bansa at
karapatan
D. Panitikan Ipinagbawal ang mga Kinilala ang
babasahin at mga manunulat
pagsulat na laban sa at marami pang
mga kastila akda ang
nailathala

Gawain IV:
Sariling sagot ng mga mag-aaral
Mga gabay na tanong:
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Pinagyamang Pluma Baitang 8
Obra Maestra II

Inihanda ni:

Rhea T. Bejasa, Guro III

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:

Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

6
7

You might also like