You are on page 1of 5

Pook-pasyalan (paningin) HERMOSA

Hawak ko ang kaniyang kamay. May kuryenteng dumadaloy sa aking katawan.


Nadaramang kasiyahan ay di ko mapigilan. Narating nan amin ang pook-pasyalan ng di
ko inaasahan.
Makukulay ang nagsasayawang mga bulaklak kasabay ng mga luntiang mga
puno na may iisang koryo.
Naupo kami sa katawan ng punong manggang binuwal ng nakaraang bagyo.
Pumapabor ang panahon sa aming dalawa dahil malimom na ang paligid at tanaw na
ang silahis sa dakong kanluran.

Sa likod ng mga punong manga ay ang matatayog na niyog na malapit sa


dalampasigan. Naaamoy ko ang samyo ng hangin na nagmumula roon.

Pook-pasyalan (paningin) GUNGON

Wow! Ito pala ang Masasa Beach, nabubusog ang aking mga mata sa aking
nakikita, tila kristal na sumira sa aking mata ang bahagyang pagtama sa sinag ng araw
mula sa tubig na kayganda, natanaw ko sa kaila-ilaliman ang mga nagpupuslitang isda
dahil sa linaw nitong kahali-halina, iniupo ko ang aking sarili sa maputi at pinong
buhangin ng baybayin, nariyan ang malabughaw na kalangitan, nandoon naman ang
bulubunduking kaysarap akyatin, mga tumpok ng kubong pahingahan, masasayang
mukhang natutuwa sa malaparaisong kung maituturing mandin.

Pook-pasyalan (paningin) MAGSINO

Ang sarap sa pakiramdam pagmasdan ang iba't ibang kulay ng palaruan at ang
mga batang humahalakhak sa tuwa. Punong puno din ng mga tao dito na may
kanya kanyang pinagkakaabalahan. Mayroong pamilya na sama samang kumakain
sa tela na nakalatag sa damuhan. Mayroong magkasintahan na masayang
naglalakad lakad.

Pook-pasyalan (paningin) FALCASANTOS

Preskong hangin, mga punong sa gilid ng daan ay kala mo’y sinadyang ihalayhay
nang tuwid upang magbigay lilim sa mga dumadaan. Matatarik na hagdan na sa
tuktok bulubunduking tsokolate ang makikita, ngunit tsokalateng hindi maaring kunin
at kainin. Tanging mga mo lamang ang kailangang busugin. Makukulay na talulot ng
bulaklak na nasa tubig ay nakalutang. Ito ang mga larawan na sa isip ni Lisa’y
bumabalik sa tuwing maaalala niya ang unang pagkakataong mapuntahan niya ang
mga lugar na noo’y sa mga larawan niya lamang nakikita.
Pook-pasyalan (paningin) DE JESUS

Kaakit-akit tingnan, nakahahalinang pagmasdan.


Malawak na lupain, pook na luntian.
Sa tuwing nililibot ng paningin.
Bumabalik masasayang kahapon natin.

Pook-pasyalan (paningin) HIDALGO

Maberdeng damuhan ang aking sinalampakan habang unti-unting inihihiga ang aking
katawan. Hanggang sa makita ko ang kalawakan na sadyang ‘kay asul at mga ibon na
nakahanay kung lumipad. Di ko namalayan ang oras, napatayo lang ako nang marinig
kong tumawag sa akin si Marie. Takipsilim na. Maririnig na ang iba’t ibang mga tunog
mula sa mga taong nasa paligid. Nagsasayawan, nag-aawitan gamit ang gitara at
nagkukwentuhan kasama ang pamilya. Iniikot ko ang aking paningin at biglang napatigil
nang maamoy ko ang paborito kong mais. Habang ginuguna ang masarap na samyo
nito ay napagawi ang aking paningin sa bandang kaliwa na kung saan, makikita kaagad
ang maliliit na silong kung saan may iba’t ibang mga paninda. Napakagandang
pagmasdan sapagkat may sari-sarili silang ilaw na siyang nagpapakita ng kasiglahan sa
kanilang mga ginagawa. Sa bandang kanan naman ay naroon ang iba’t ibang istasyon
kung saan maaaring makapaglaro ang grupo ng magkakaibigan. Naroon din ang mga
laruan na para sa mga bata maging ang barakahan na maaaring puntahan ng mga
magulang. Sa gitnang bahagi naman ng plasa, nakaagaw ng aking pansin ang laguslos
ng tubig mula sa napakagandang bukal na kasing taas ng isang tipikal na poste.
Napansin kong malamlam ang kulay ng buwan kung kaya’t may kadiliman ang gabi.
Gayunpaman, sapat ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw na nasa paligid. Liwanag
na nagiging daan upang makita ang ngiti ng bawat isa.

Pook-pasyalan (paningin) ANDAL

Maaliwalas na parke ang aking napuntahan


Matatayog na puno, makukulay na bulaklak
At damong nagluluntian.
Mga naroroo’y makikitang masaya,
Sa pagkislap ng mga mata ay nakakadala.
Katahimikan na iyong nais ay masusumpungan
Sa pagpunta sa likas na yaman ng ating bayan.
Pook-pasyalan (paningin) GOMEZ

Naalala ko noong nakaraang taon ang isang masaya at hindi malilimutang paglalakbay
sa isang lugar kasama ang aking buong pamilya. Matatagpuan ito sa malaparaisong
lugar sa dakong paroon mga nagkikislapang tubig sa dagat at mga mapipinong mga
buhangin. Masisilayan mo ang mga naglalakihang puno sa bawat gilid ng maasul-asul
na kulay ng tubig.

Pook-pasyalan (paningin) MARAVE

Akala ko’y kami na,


Akala ko’y sapat na,
Pangarap na binuo,
Unti-unting gumuho.

Akala’y makakasama ka,


Sa panghabang buhay na pakikibaka,
Di’ mo manlang pinagpauna,
Damdamin mo sa aki’y iba na.

Pipiliting bumangon,
Pipiliting umahon.
Sa pagkakalugmok kong
ikaw ang nagbaon.

Pook-pasyalan (paningin) YOCAMPO

Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng paligid nang ito ay aking


masilayan. Ang paligid ay nababalot ng luntiang mga puno na sinamahan ng
mabulaklak na halaman. Ang mga puno ay nagtataasan na tila tore ang siyang
bumabakod sa napakagandang plasa. Hindi maitatanggi na ang bawat sulok ay
tila paraiso sapagkat nababalot ito ng berdeng bermuda at sa paglingon ay
maaaninag ang nakalawit na mga ilaw na siyang pinakapalamuti lalo na kapag
sumasapit ang gabi. Ang liwanag nito ay bituin ang kawangis nakapag tinitigan
ay kumukutikutitap. Bawat taong mapapapunta sa lugar na iyon ay tunay na
mabibighani sa gandang walang katulad.
Pook-pasyalan (paningin) DELA CRUZ

Nababanaag ko sa malayo ang isang makulay na parke. Napakaraming mga batang


naglalaro, matatandang naka-upo sa mga upuang gawa sa kahoy. Kapansin-pansin din
ang mga nagtitinda ng sorbetes, popcorn, cotton candy at hotdog na mayroong
malaking payong na may kulay ng bahaghari.
Maaaninag din dito ang mga estatwang gawa sa bato na kumikintab sa tuwing
natatamaan ng sikat ng araw. Ang mga estatwang napakataas at may mga
magagandang anyo, wangis ng mga bayaning lumaban para sa bayan.

Hawak-kamay (paningin) MALLORCA

Tila dinururog ang aking puso habang hawak niya ang aking kamay at
namamaalam.

Pook-pasyalan (paningin) MONTOYA

Mayamungmong ang mga punongkahoy. Ang mga dahon ay tila sumasaliw sa


tugtog. Sariwa ang malalanghap mong simoy ng hangin. Maraming makukulay na
bulaklak na lalong nakahihikayat sa mga taong dumaraan. Pagkainam pagmasdan ng
mga taong tila walang problema sa buhay. Masisilayan sa kanilang mga ngiti, tawa,
halakhakan, at kuwentuhan ang kasiyahan. Talagang dito’y ikaw at ang iyong mga
kasama ay makakapagliwaliw. Makabubuo kayo ng mga salamisim.

Pook-pasyalan (paningin) MASONGSONG

Kaysarap pumunta sa lugar na ito sa tila fiesta araw araw dahil sa mga taong
masayahin. Wala kang makikitang malungkot, lahat ay nakangiti. Mapabata man o
matanda, ano man ang edad, tunay na walang pagsidlan ang kaligayahan tuwing
mapapagawi dito. Mga pagkain na makukulay at masasarap, tanawin na kumikinang sa
kagandahan, maaamong hayop at bulubundukin na matatayog Kasabay ng pagsimoy
ng malamig na hangin.

Pook-pasyalan (paningin) ESPELITA

“Mabeberdeng dahon ng mga puno at mga damo, ang makukulay na mga


bulaklak, ang mga upuan at mga pader na may pinta, ang kulay asul na dagat at
namumuting mga alon. Ang puno ng niyog na may mga upuan sa ilalim na
naliliman ng puno ilan lamang yan sa nagpapaganda sa magandang tanawin na
makikita mo sa aming bayan,” ang mapagmalaking sagot ni Nena ng minsang
tinanong siya sa ng kanyang katrabaho tungkol sa magandang pasyalan sa
kanilang bayan.”

Pook-pasyalan (paningin) GAVERIA

Kahali-halina, kaaya-aya at masarap pagmasdan ang mga tanawing napalilibutan ng


mga bulaklak at berdeng mga dahon, gayundin ang mga naglalakihang punong kahoy.
Paraisong maituturing ang biyayang kaloob ng Maykapal sa sangkatauhan.

Pook-pasyalan (paningin) AXALAN

Sa masalimuot at mapanganib na mundong ating ginagalawan, sino ba naman ang


ayaw maranasan ang magrelax ng katawan?
Sa mahigit pitong libong isla tila matutulala ka sa dami ng mga nakabibighaning
lugar sa Pilipinas. Mula sa mga mapipinong buhangin sa dagat at mga makalalag
pusong ganda ng iba’t ibang pasyalan.
Isa na rito ang malaparaisong dalampasigan ng Puerto Galera. Byahe pa lang
mag-eenjoy ka na. Matatanaw mo ang mga bakasyunistang nagtatampisaw at
lumalangoy sa malawak at napakalinaw na dagat. Ang iba naman sa kanila ay nag-
eenjoy sakay ng banana boat o kaya naman ay naglilibot gamit ang jetski. Kung ayaw
mo namang magtampisaw sa dagat magtungo ka sa Muelle Heritage ng Puerto Galera.
Iyong mamamasdan ang Galyeon at napakagandang pasyalan sa paligid nito. Pwede
kang manood ng palabas sa malaking screen ng telebisyon habang nakaupo sa
damuhan . Kumain ng masasarap na pagkain habang kasama ang iyong mga kaibigan
o mahal sa buhay. Kung hilig mo naman ang musika maari kang manood ng mga live
bands. Kung gusto mo naman na ang iyong litrato ay makita sa Instagram, magpakuha
ka ng litrato sa napakaganganda tulay na ang palibot ay dagat. Nais mo bang balikan
ang iyong pagkabata, maglaro ka sa palaruan sa plaza. Makikita mo ang walang
humpay na ngiti sa labi ng mga bata.

You might also like