You are on page 1of 3

MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA

Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

PAGSASANAY BILANG LABING-ISA

Pangalan _____________________________________________________________________________
Kurso________________________________________________________________________________
Guro________________________________________________________________________________
Petsa________________________________________________________________________________

BALAGTASAN: ANG GUNITA AT ANG LIMOT


Jesus Balmori

Ang aking paksa'y Gunita, kamaharlikaan ang bansag,


Sagisag ko'y laurel, baluti ko'y malaking bato!
Sa harapan ko'y saing putting bagwis ng tulain
Na tumawagayway sa ibalaw ng gintong agila ng aking bangka.

Sa karosang opalong hila ng sampung kabayong may pakpak


ay sakay ako sa panghuhuli ng mga bituing nangangatal!
kapag inawit ko'y pag-ibig, nagbubumtung-hininga ang mga paraluman!
Kapag inawit ko'y buhay, ang mga rosas ay nakukulayan!

Ang kabatan ko'y sindilag ng ningning ng liwayway,


Ang kaluluwa ko'y parang kalan ng perlas at sapiro,
ang sisneng naghihingalo at ang babaeng lumuluha'y
napapatago sa mga bisig ko ng malungkot nilang himutok

Bughaw na dagat ng bayan ko! Magandang dagat ng Ermita


na sa asin at araw at pinagpagintuan ng aking mga laman,
Ang tulang malabathalang tumitibok sa aking isipa'y
Bigay niya sa akin sa malabubog at maalat na undayan.

At walang saysay na piliting lumaban sa agos


na tumutulak sa buhay na magulo, tungo sa alaala;
bawat tagumpay na maluwalhating sa noo'y maputong
ay dinidilig ng luha ng isang babaeng minamahal

Ang pag-ibig ay mapulang sugat ng dusa


at nag-iiwan ng palatandaan ng buong buhay!
Kahit gumaling ang mahapding sugat ng pag-ibig,
ang mga pilat ay magpapaalaala sa nagging sugat.

Hindi pagka't ayaw mo nang umibig ay nalilimot ang pag-ibig!


Mauring ang pag-big ay malunod sa limot!
Ang totoo'y ang kaluluwa'y palipat-lipat sa mga bulaklak
mga paruparo ng pag-big habang nakaiibig!

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

Ang pagpawi sa kaluluwa ng mga alaala ng nakaraan


ay mahirap, habang ang puso'y tumitibok!
Ang gunita ay muling bubulay ng inaalaala!
Ang limot ay pagtigil ng pag-iisip at pakiramdam. *

ANG UNANG LALAKI AT ANG UNANG BABAE


Tagalog

Noong panahon ay walang kalupaan. Pawang karagatan at kalangitan lamang. Isang araw ay may
isang ibong hapung-hapo sa kalilipad IV kaya't umisip siya ng paraan upang magkaroon ng
kalupaan. Sinabi niya sa langit na ito'y pinipintasan at sinisiraan ng dagat. Pagkatapos ay sinabi
naman niya sa dagat na pinipintasan at sinisiraan siya ng langit. Naghatid-dumapit ang ibon sa
langit at dagat hanggang sa magkagalit ang dalawa
Nagpahatiran ng masasakit na salita ang dalawa sa pamamagitan ng ibon. Tuwing magbabalita
ang ibon ng pasabi ng isa't isa ay dinaragdagan niya kaya't sa pagdaraanan ng mga araw ay galit
ang langit sa dagat gayon din naman galit ang dagat sa langit.
Isang araw ay hindi na nakatiis ang dagat kaya't sinabuyan niya nang sinabuyan ng tubig ang
langit. Tumaas nang tumaas ang langit upang umiwas sa isinasaboy na tubig ng dagat. Bilang
ganti sa ginawa sa kanya ng dagat ay binagsakan ito ng maraming bato ng langit. Ang mga
batong ibinagsak ng langit ay natipon kaya't tumigil na sila sa pagkakagalit.
Tuwang-tuwa ang ibon sapagkat may mapapagpahingahan na siya. Buong kasiyahan siyang
namahinga at nang dumating ang gabi ay natulog nang mahimbing. Sa pagdaraan ng mga araw
ay may tumubong mga halaman sa batuhan. Lalong natuwa ang ibon sapagkat higit niyang ibig
dumapo sa mga halaman
Isang hapon nang siya'y nakadapo sa punong kawayan ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa
loob nito kaya't tinuka nang tinuka ang kawayan at lumabas ang unang lalaki na tinawag na si
Silalak. Pamaya maya ay nakarinig siya ng mahihinang katok sa katapat na kawayan kaya't
tinuka na naman nang tinuka ng ibon ang naturang kawayan at mula rito'y lumabas ang unang
babae na tinawag na si Sibabay. Sila ang mga unang tao ng mundo.

1. Mapatotohanan kaya ng mitong ito ang pinagmulan ng tao sa daigdig? Paano ? Pagtalunan.

PANITIKAN SA PILIPINAS
MHIKASA ELAINE CALUCAG FIESTA
Instructor
University of Perpetual Help System Laguna – Isabela Campus

2. Masasabi bang tuso ang ibon sa ginawa nito sa langit at dagat? Bakit?

PANITIKAN SA PILIPINAS

You might also like