Professional Documents
Culture Documents
ni Francisco Baltazar
(A Complete Modern
95
Tagalog Version)
Upang maraming saknong ang mapag-aralan, inihanda dito ang kahulugan ng mga salitang may
kaunting kahirapan, nang sa ganoon ay hindi maaksaya ang panahon sa paghahanap ng mga
kahulugan. Ang mga salitang may kahirapan ay kinuha sa bawat taludod ayon sa pagkakasunod-
sunod. Ang mga salitang ito ay binigyan dito ng kahulugan sa Ingles at sa Filipino upang madaling
maunawaan ng mga mag-aaral. Ang paghanap pa ng mga kahulugan ay hindi lamang nakaka-aksaya
ng panahon kundi makasisira pa rin sa makabuluhang pag-unawa sa takbo ng tula.
Maraming mga salitang ginamit sa tula ang mapapansing kakaiba sa mga ginagamit
ngayon. Mababasa din ang mga salitang gaya ng nahan, nanasa, mupo, nukal atbp. Huwag isaisip
ninuman na ang mga ginagawang ito ay isang pagmamalabis ng makata; sa ibang salita, upang
maiayon sa sukat na lalabindalawahin. Hindi na natin naririnig sa karaniwang usapan ang mga salitang
ito.
Pinagdaanang Buhay
ni
Florante at ni Laura
Sa Babasa Nito
Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod,
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
Kung sa biglang tingi'y bubot at masaklap
palibhasa'y hilaw at mura ang balat
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
Sa labas ng Reynong Albanya, may isang gubat na madilim at masukal, dahil sa malalaking
punongkahoy at makapal, na dawag ng araw ay di makasikat, kaya ang kapanglawan ay laganap sa
loob ng gubat, ang mga hayop na dito ay gumagala, karamiha’y sierpe, hyena, leon at tigre. Sa gitna
nitong mapanglaw na gubat may isang punong higera na ang dahon ay malalapad, dito nakagapos ang
isang binata na pinag-uusig ng masamang palad. Sa kabila ng kanyang kalungkutan mababakas pa rin
ang kanyang kagandahan kaya masasabing isa siyang tunay na Adonis.
Kabanata 2: Ang Binatang Nakagapos
8 Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat,
may punong Higerang daho'y kulay pupas;
dito nakagapos ang kahabag-habag,
isang pinag-usig ng masamang palad.
Isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng
kahariang Albanya. Ang binatang ito ay si Florante. Tiyak na kamatayan ang kinabibingitan ng
kanyang buhay sa dahilang hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili.
Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang
kanyang paghihimutok.
Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang bandang
may letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang dumating siya na may munting
galos, agad ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y tinatanong niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang
lahat ng pag-aaruga ni Laura sa kanya.
Kabanata 5: Halina, Laura
55 Halina, Laura aking kailangan
ngayon ang lingap mo nang naunang araw;
ngayon hinihingi ang iyong pagdamay —
ang abang sinta mo'y nasa kamatayan.
Tanging hiling ni Florante ay makita muli si Laura at siya'y arugain at damayan sa kanyang mga sakit
tulad ng nakaraan. Halos sumuko ang puso ni Florante sa dahas ng panibugho lalo na kung
naguguniguni niya sa si Laura ay humilig na sa kandungan ni Konde Adolfo. Para kay Florante ay
matamis pa ang mamatay kaysa makita niyang si Laura ay nasa ibang kamay.
Hindi makapaniwala si Florante na si Laura ay magtataksil sa kanya dahil ang kagandahan ni Laura ay
itinulad niya sa Langit. Kaya ang paniwala niya ang pag-ibig nito ay kasingtibay din ng Langit. Kailan
man ay di pumasok sa kanyang gunita na ang kagandanhan ay malapit sa tukso at hindi kataka-taka na
madaling mahulog sa tukso. Para kay Florante ay higit niyang nanaisin na ipagkaloob sa kanya ni
Adolfo ang lahat ng kahirapan sa mundo kaysa inagaw sa kanya si Laura na kanyang irog. At dahil sa
paghihirap ng kalooban ni Florante, siya ay nawalan ng malay, siya ay napayukayok sa punongkahoy
na kinagagapusan at siya ay nagmistulang bangkay.
Nagkataon namang sa gubat ding iyon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na umalis sa
sariling bayan dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa kanyang kasintahan.
Sa lilim ng punong kahoy siya'y umupo at lumuluha habang binabanggit ang pangalan ng kanyang
mahal na si Flerida.
Sinambit ni Aladin laman ng kanyang puso at diwa: O pagsintang labis ng kapangyarihan,sampung
mag-aama'y iyong nasasaklaw;'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka
lamang!
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante dahilan sa isang Morong na nakikinig sa kanya. Nabatid
niyang napaiyak ang Moro dahil sa ang kanyang sinisinta ay inagaw ng sariling ama. Samantalang si
Florante naman ay namaalam na kay Laura at pinagdasal na sana ay maging masaya ito sa
piling ng iba.
Kabanata 9: Sa Harap ng Dalawang Leon
108 Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos ng paglakad;
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.
109 Nangaawa mandi't nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala't parang nakikinig
sa 'di lumilikat na tinangis-tangis.
110 Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ng dalawang hayop,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog?
Isang kamatayang kakila-kilabot!
Samantala, mayroong palapit na dalawang leon, na sa pagkakita pa lamang ay parang nais nang
kainin si Florante. Tila napatigil ang mga leon at nakalimutan ng mga ito ang kanilang tangkang
pagkain sa kanya.
Pagkatapos patayin ang mga leon, agad kinalagan ni Aladin si Florante na sa sandaling iyon ay wala
pang ulirat. Nang magkamalay, ang naging bukambibig ay ang kanyang sinisintang si Laura.
Kabanata 12: Batas ng Lahat ng Relihiyon
146 Nang muling mamulat ay nagitlahanan,
Sino? Sa aba ko't nasa Morong kamay!
ibig na iigtad ang lunong katawan,
nang hindi mangyari'y nagngalit na lamang.
147 Sagot ng gerero'y Huwag kang manganib,
sumapayapa ka't mag-aliw ng dibdib;
ngayo'y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.
148 Kung nasusuklam ka sa aking kandungan
lason sa puso mo ang hindi binyagan;
nakukutya akong 'di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.
Isinalaysay ni Florante ang kanyang buhay. Na sanggol pa lamang siya sa bakasyunang malapit sa
bundok ng kanyang mga magulang na Duke Briseo at Prinsesa Floresca (sa Albanya) ay muntik sa
siyang dagitin ng isang buwitre na mabuti na lamang ay napana ng pinsan niyang si Menalipo na taga-
Epiro. Ang kanyang ama ay tagapagpayo ni Haring Linseo ng Albanya. Kaya’t kahit na siya ay anak
ng prinsesa sa Krotona, siya ay isinilang sa Albanya. Sa bulwagan naman ng kanilang palasyo ay
sinambilat ng isang alkon ang kwintas niyang may palawit na diyamante o kupidong diyamante. Noo’y
bago pa lamang siyang lumalakad (ang alkon ay isang uri ng ibon na nahahaling o naaakit sa
makikintab o kumikinang na mga bagay). Nang siyam na taong gulang siya’y pamana ng ibon at ibang
mga hayop ang kanyang libangan.
Back to top.
Sinabi ni Florante na hindi dapat palakihin ang mga bata sa saya dahil kapag ito'y namihasa,
kapag lumaki na ay mahihirapan. Madalas, ang mga taong ganito ay masakitin at
maramdamin.
Ipinadala sa Atenas si Florante upang mag-aral nang siya’y 11 taong gulang upang doon ay
mamulat ang kanyang kaisipan.
Sa loob ng anim na taong pagkakapag-aral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo kaya’t lumabas ang
tunay na pagkatao nito. Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula sa palatuntunan ng
kanilang eskwela. Ito’y tungkol sa magkakapatid na sina Etiocles (ginanap ni Florante) at Polinese
(bahagi ni Adolfo) na naglaban ng espadahan upang mapasiyahan kung sino sa dalawang prinsipeng
mga anak ni Reyna Yocasta (papel ni Menandro) ang papalit sa namatay nilang ama na si Haring
Edipo. Sa kunwaring ispadahan na ito, talagang matitinding taga ang hinandulong kay Florante ng may
masamang balak na si Adolfo. Mabuti na lamang at sa kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang
espada ni Adolfo at ang kataksilan niya’y nabigo. Kinabukasan ay lumisan sa Atenas at umuwi sa
Albanya ang napahiyang si Adolfo. May hangad pala itong maagaw si Laura kay Florante na siyang
iniibig ng dalaga upang maging hari kung maging reyna na si Prinsesa Laura, sakaling yumao o
mamatay si Haring Linseo.
Pagdating sa Albanya ay sinalubong sila ng kanyang ama. Kapwa sila namighati sa nangyari sa
kanyang ina. Siya namang pagdating ng sugo mula sa lolo ni Florante na hari ng Krotona,
nanghihingi ng saklolo sapagkat ang bayan nila ay sinalakay ng hukbo ng Persyanong si Heneral
Osmalik.
Nagkaroon ng tatlong araw na piging para kay Florante. Sa piging na iyon ay sandali lamang silang
nagkasarilinan ni Laura at ipinahayag ang kanyang damdamin sa dalaga. Nang pupunta na si Florante
upang makidigma, nagbaon ng luha si Laura sa kanyang pag-alis.
Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Osmalik
296 Dumating ang araw ng aking pag-alis,
sino ang sasayod ng bumugsong sakit?
Dini sa puso ko'y alin ang hinagpis
na hindi nagtimo ng kanyang kalis?
297 May sakit pa kayang lalalo ng tindi
sa ang sumisinta'y mawalay sa kasi?
Guni-guni lamang 'di na ang magyari,
sukat ikalugmok ng pusong bayani.
Sa digmaan, halos masira na ang kuta nila. Si Florante at Menandro ang kapwa nagtulong mamuno sa
hukbo. Naglaban si Florante at Heneral Osmalik at sa loob ng limang oras na paglalaban ay nagapi
niya ito. Nabawi nila ang kaharian ni Haring Linseo.
Limang buwan pa siyang nanatili sa Krotona. Nais niyang bumalik agad sa kanyang bayan
sapagkat sabik na sabik na siyang makita si Laura. Pagdating nila sa Albanya ay namangha siya
sapagkat ang bandilang nakawagayway sa kanilang bayan ay bandila ng mga Moro. Niligtas ni
Florante si Laura sa kamay ng isang pangkat ng mga Moro na magpaparusa at pupugot ng ulo sa
kanyang kasintahang si Laura dahilan sa pagtanggi nito sa pagsuyo ng Emir o gobernador ng mga
Morong sumasakop sa kanilang bayan.
Kabanata 26: Ang Pagtataksil ni Adolfo
324 Nang aking matantong nasa bilangguan
ang bunying monarka't ang ama kong hirang;
nag-utos sa hukbo't aming sinalakay
hanggang 'di nabawi ang Albanyang bayan.
Nilusob nila Florante ang reynong Albanya, nasakop ito at nailabas sa piitan ang hari, ang kanyang
ama at si Adolfo, na ikinulong sa karsel ng palasyo kasama ng ibang kaginoohan sa Albanya. Labis
ang kagalakan ng hari at si Adolfolamang ang nagdadalamhati sa kapurihang tinanggap ni Florante.
Muling sinalakay ng pangkat ni Miramolin ang Albanya at nagaping muli ni Florante ang mga kalaban.
Labimpitong kaharian pa ng mga Moro ang pinagtagumpayan nila ni Menandro. Sa Etolya, may sulat
na nagtatagubilin kay Florante ang Haring Linceo na iwanan ang hukbo kay Menandro at umuwing
nag-iisa sa palasyo nito. Hindi niya akalain na pagdating niya ay dinakip agad siya ng may 30,000
sandatahan ni Adolfo at dali-dali siyang ikinulong sa bilangguan. Ang lahat pala ng naganap sa
palasyo, ang pagpatay sa hari at Duke Briseo ay pakana ni Adolfo. Nalaman din niyang malapit nang
ikasal si Laura kay Adolfo. Dahil dito, ninais na niyang mawalan ng sariling buhay.
Kabanata 27: Ang Salaysay ni Aladin
344 Sa pagkabilanggong labingwalong araw,
naiinip ako sa 'di pagkamatay;
gabi nang hangui't ipinagtuluyan
sa gubat na ito'y kusang ipinugal.
Nabilanggo si Florante ng labingwalong araw at saka dinala siya sa nakalulunos na gubat at iginapos
sa punong kinatagpuan sa kanya ng Morong si Aladin. (Dito nagwakas ang salaysay ni Florante.)
Pagkatapos ni Florante sa kanyang kuwento ay si Aladin naman ang nagsalaysay ng kaniyang naging
karanasan sa buhay. Anak siya ni Sultan Ali-adab ng Persya, at siya ang namuno sa hukbong
Persyano na kumupkop sa Albanya. Ngunit pagkatapos ay nilisan niya ang bayan ni Florante upang
umuwi sa kaharian ng kanyang ama. Ipinakulong siya sa karsel ng palasyo nang malamang siya’y
lumisan sa kanyang hukbo. Nang mabalitaan sa Persya na nailigtas ni Florante ang Albanya, ay isinisi
ito sa kanyang pagkakalisan sa kanyang hukbo, kaya’t hinatulan siyang papugutan ng ulo ng kanyang
sariling ama. Nguni’t isang heneral ang nagdala ng patawad kay Aladin pero may pasubaling siya’y
umalis na sa Persya kung hindi siya susunod sa bagong utos na ito, buhay niya ang magiging kapalit.
Mabigat ang loob na tumupad si Aladin sa pagpapalisang ipinarusa sa kanya. May anim na taon na
siyang naglalagalag sa iba’t-ibang lugar. Hanggang sa masapit ang gubat na kinasasapitan ni Florante
at siya’y iniligtas sa dalawang leon na sa kanya’y sasagpang. Sa kanilang paglalakad papalabas ng
gubat ay may nadinig silang dalawang tinig ng babaeng nagsasalaysay.
Kabanata 28: Si Flerida
361 Napakinggan nila'y ganitong saysay:
Nang aking matatap na pupugutan
ang abang sinta kong nasa bilangguan,
nagdapa sa yapak ng haring sukaban..
362 Inihinging-tawad ng luha at daing
ang kaniyang anak na mutya ko't giliw;
ang sagot ay kundi kusa kong tanggapin
ang pagsinta niya'y 'di patatawarin.
Ang sabi ng isang babae, nang malaman niyang pupugutan ang kanyang kasintahang nasa bilangguan
ay pumayag na siyang pakasal sa sultan kapalit ng paglaya ng kanyang kasintahan. Pinawalan naman
agad ito, subalit nang gabi ding iyon ay nagbalat-kayo ang babae ng isang gerero at tumakas sa Persya
upang hanapin ang minamahal niyang si Aladin. May ilang taon ding siyang naglilibot hanggang sa
sumapit sa gubat at nasaklolohan ang kausap niyang babae.
Kabanata 29: Ang Sinapit ni Laura
370 Salita'y nahinto sa biglang pagdating
ng Duke Florante't Prinsipe Aladin;
na pagkakilala sa boses ng giliw,
ang gawi ng puso'y 'di mapigil-pigil.
371 Aling dila kaya ang makasasayod
ng tuwang kinamtan ng magkasing-irog?
Sa hiya ng sakit sa lupa'y lumubog,
dala ang kanyang napulpol na tunod.
Anong laking tuwa nina Florante at Aladin nang malamang ang nagsisipag-usap pala ay sina Laura at
Flerida.
Isinalaysay naman ni Laura ang nangyari sa Albanya na samantalang nasa ibang bayan si Florante –
ang pagkakaagaw ni Adolfo sa trono, ang pagpugot sa ulo ng hari at sa mga kabig nito. Sinabi niyang
pinadalhan niya ng sulat si Florante upang ipahatid ang nangyari sa Albanya subalit ang natanggap ni
Florante ay isang sulat na huwad sa ngalan ng haring ama ni Laura na mahigpit na nagbibiling umuwi
siyang nag-iisa sa Albanya. Dumating naman si Florante pagkaraan ng isang buwan. Ito ang naging
paraan kung paano nadakip si Florante ng mga kawal ni Adolfo. Ikinulong sa piitan at pagkalipas ng
ilang araw ay ipinadala sa gubat at doon ay ipinagapos. Samantala, humingi ng limang buwang taning
si Laura upang isaalang-alang ang mungkahing pagpapakasal ni Adolfo sa kanya. Sa katunayan ay
inaantala lamang ni Laura ang mga panahon upang makabalik si Florante. Kaya nang wala ng paraan
upang mahimok si Laura ay dinala ito sa gubat upang sana’y pagsamantalahan kundi lamang ito
naipagtanggol ni Flerida. Sa pagkakapana ni Flerida kay Adolfo, naging isa siyang bangkay.
Sa nadinig ni Florante at Aladin na kwento ni Laura at Flerida, nalinawagang hindi nagtaksil si Laura
kay Florante at hindi natuloy ang hanagrin ni Sultan Ali-adab kay Flerida.
Kabanata 30: Masayang Wakas
393 Di pa napapatid itong pangungusap,
si Menandro'y siyang pagdating sa gubat;
dala'y ehersito't si Adolfo'y hanap,
nakita'y katoto ... laking tuwa't galak!
394 Yaong ehersitong mula sa Etolya,
ang unang nawika sa gayong ligaya:
Biba si Floranteng Hari sa Albanya!
Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!
(Wakas ng Awit)
Sa Babasa Nito
Isang pasasalamat ni Francisco sa sino mang babasa ng tula at magpapahalaga nito. Hinihiling niyang
subukang unawain ang malalim na wikang ginamit dito dahil kung susuriin ng husto ay malalamang ito
ay malinaw at wasto.
Sa labas ng Reynong Albanya, may isang gubat na madilim at masukal, dahil sa malalaking
punongkahoy at makapal, na dawag ng araw ay di makasikat, kaya ang kapanglawan ay laganap sa
loob ng gubat, ang mga hayop na dito ay gumagala, karamiha’y sierpe, hyena, leon at tigre.
Isang binatang nakagapos sa isang puno ng higera sa gitna ng malawak na gubat sa labas ng kahariang
Albanya. Ang binatang ito ay si Florante. Tiyak na kamatayan ang kinabibingitan ng kanyang buhay sa
dahilang hindi niya maipagtanggol ang kanyang sarili.
Sa Albanya mayroong masasamang-loob ang iniluklok sa trono. Dahil sa pag-iimbot ni Konde Adolfo
sa korona ni Haring Linseo at sa kayamanan ng ama ni Florante na si Duke Briseo, sinabugan niya ng
kasamaan ang kaharian.
Sinabi ni Florante sa kanyang sarili na kaya niyang tiisin ang pagdurusa, kung ito ang gustong
mangyari ng Maykapal. Iisa lamang ang tangi niyang hiling, ang maalala siya ng kanyang minamahal
sa si Laura. Di niya maiwasang maalala ang kanilang suyuan, at iniisip niya na baka agawin si Laura
ng kanyang karibal na si Adolfo.
Hinimatay si Florante dahil sa sama ng loob. Nang siya ay mahimasmasan, nagpatuloy pa rin ang
kanyang paghihimutok.
Ayon sa kanya, bago siya tumungo sa digmaan, may pabaon sa kanya si Laura ng luhaang bandang
may letrang L, dahil natatakot si Laura na masugatan siya. Nang dumating siya na may munting galos,
agad ginamot ni Laura. Kaya’t ngayo’y tinatanong niya sa kanyang sarili, kung nasaan na ang lahat ng
pag-aaruga ni Laura sa kanya.
Tanging hiling ni Florante ay makita muli si Laura at siya'y arugain at damayan sa kanyang mga sakit
tulad ng nakaraan. Halos sumuko ang puso ni Florante sa dahas ng panibugho lalo na kung
naguguniguni niya sa si Laura ay humilig na sa kandungan ni Konde Adolfo. Para kay Florante ay
matamis pa ang mamatay kaysa makita niyang si Laura ay nasa ibang kamay.
Hindi makapaniwala si Florante na si Laura ay magtataksil sa kanya dahil ang kagandahan ni Laura ay
itinulad niya sa Langit. Kaya ang paniwala niya ang pag-ibig nito ay kasingtibay din ng Langit. Kailan
man ay di pumasok sa kanyang gunita na ang kagandanhan ay malapit sa tukso at hindi kataka-taka na
madaling mahulog sa tukso. Para kay Florante ay higit niyang nanaisin na ipagkaloob sa kanya ni
Adolfo ang lahat ng kahirapan sa mundo kaysa inagaw sa kanya si Laura na kanyang irog. At dahil sa
paghihirap ng kalooban ni Florante, siya ay nawalan ng malay, siya ay napayukayok sa punongkahoy
na kinagagapusan at siya ay nagmistulang bangkay.
Nagkataon namang sa gubat ding iyon ay napadako ang isang Morong taga-Persya na umalis sa
sariling bayan dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama sa pagkakaagaw sa kanyang kasintahan.
Sa lilim ng punong kahoy siya'y umupo at lumuluha habang binabanggit ang pangalan ng kanyang
mahal na si Flerida.
Sinambit ni Aladin laman ng kanyang puso at diwa: "O pagsintang labis ng kapangyarihan,sampung
mag-aama'y iyong nasasaklaw;'pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamakin lahat masunod ka
lamang!"
Ang mga panaghoy ng nakagapos na tungkol sa mga kasamaang nangyari sa kanyang bayan: ang
pagkawala ng kanilang mga karapatan, ang pangingibabaw ng katiwalian laban sa kabutihan; ang akala
niyang pagtataksil ni Laura; ang pagpatay sa hari at mga kabig nito kasama na ang kanyang ama; ay
nadinig lahat ng gererong Moro kaya tinunton niya ang boses na pinanggagalingan ng panaghoy.
Kabanata 8: Paghahambing sa Dalawang Ama (saknong 98-107)
Sandaling tumigil sa pag-iyak si Florante dahilan sa isang Morong na nakikinig sa kanya. Nabatid
niyang napaiyak ang Moro dahil sa ang kanyang sinisinta ay inagaw ng sariling ama. Samantalang si
Florante naman ay namaalam na kay Laura at pinagdasal na sana ay maging masaya ito sa piling ng
iba.
Mga Talasalitaan
Aberno
isang lawa na ayon sa paniniwala ay siyang pinakapintuang papunta sa impiyerno
Adarga
kalasag o pananggang pabilog na balat
Adonis
isang baguntaong sakdal ganda, anak ni Siniro na hari sa Tsipre
Albanya
isang lupaing sakop ng Gresya
Alkon
isang ibong kaaway ng lahat ng uri ng ibon at iba pang mga hayop
Apolo
anak na lalaki nina Hupiter at Latona
Atenas
ang pangunahing bayan ng Gresya at bayan ng mga batang matatalino sa Gresya
Aurora
anak ng Araw at Buwan (Baltazar)
Bai
isang bayan ngayon sa Laguna
Basilisco
isang hayop na may anyong butiki, umano ang hininga at kislap ay nakamamatay
Beata
isang ilog sa purok ng Pandakan, lungsod ng Maynila
Benus
ang diyosa ng kagandahan na umano ay anak ni Hupiter kay Diyone
Buwitre
isang uri ng ibong mandaragit na ang ikinabubuhay ay mga laman ng hayop na patay
Cipres
isang uri ng punong-kahoy sa bundok; tuwid, malaki at malilim ang tubo, paitaas na lahat ang
ayos, hugis-puso, karaniwang itinatanim sa puntod
Diana
ang diyosa ng liwanag
Edipo
anak ni Layo na hari sa Tebas at Reyna Yokasta
Epiro
isang matandang purok sa Timog-Kanluran ng Turkia at Hilagang-Kanluran ng Gresya
Emir
salitang Turko; ngalan ng isang may mataas na tungkulin sa pamahalaan ng Turkia na katumbas
ng gobernador militar
Etolya
isang lupaing sakop ng matandang Gresya
Etyokles
kapatid ni Polinese at anak ni Edip na hari ng Tebas at Reyna Yokasta
Furias
mga diyosa ng katarungan na kaya itinalaga sa impiyerno ay upang sila ang magparusa sa mga
makasalanan sa lupa
Harpyas
isang ibong may mukhang babae, kawawang ibon, baluktot ang kamay at nakakabit sa pakpak
Hauris
isa sa mga dalagang sakdal ganda na likha ng isipang makapapanampalataya ng mga musulman
na ang tungkulin ay umakay ng mga mapapalad na pinagpala sa paraiso
Hiena
isang uri ng hayop sa Aprika, ang mukha nito ay kahawig ng lobo
Higera
mayabong na punong-kahoy na malalapad ang mga dahon, di namumunga, baog
Kosito
isang ilog sa Epiro na makamandag ang tubig
Krotona
ito ang bayan o kaharian ng nuno sa ina ni Florante
Kupido
diyos ng pag-ibig ayon sa alamat ng mga Griyego
Marte
kinikilalang bathala ng digma
Medyaluna
ang tinutukoy ay bandila ng mga Moro na ang kulay ay pulang-pula at may anyo ng kalahati ng
buwan
Narciso
isang binatang sakdal kisig, anak ni Celfrino at ni Girope
Nayadas
mga diyosa na nananahan sa dagat o bukal na sinasamba ng di-binyagan
Nimpas
mga diyosa na nanahanan sa tubig at bundok
Oreadas Nimpas
mga diyos ng kalikasan na sinasamba ng mga hentil
Pama
isang uri ng diyosang sinasamba ng mga di-binyagan at tagapaglathala ng Gawain ng tao
Panggabing ibon
mga ibong malabo ang mga mata kung araw, kagaya ng kuwago at paniki
Parkas
mga diyosa ng kamatayan at tadhanang karatnan ng tao
Pebo
(araw) ito ang tinataguri ng mga makatang Latino at Griyego
Persia
isang kaharian sa dakong Asya na nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Moro
Petako
isa ito sa pitong pantas ng Gresya
Pica
sibat
Polinese
anak ni Edipo, hari ng Tebes at Reyna Yokasta
Pluto
kinikilalang hari ng Impiyerno
Puryas
mga Diyos sa Impiyerno at binubuo ng tatlong babae: sina Megaera, Tisiphon at Alecto
Reynong Albanya
isang malaking siyudad sa Imperyo ng Gresya
Sierpe
ahas o serpiyente
Sihesmundo
isang tauhan sa tulang “Buhay ni Sihesmundo”, nakababago ng tula ay nasira ang isinulat
Sirenas
diyosa ng karagatan at kalahati ng katawan ay babae at kalahati ay isda
Nimpas
mga diwata o diyosa na naninirahan sa gubat, ilog, batis at bundok
Tigre
isang mabangis na hayop
Venus
diyosa ng pag-ibig at kagandahan