You are on page 1of 9

RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Filipino 8
Ikaapat na Markahan
Ikatlong Linggo

Aralin 3 Kay SELYA at sa BABASA NITO

MELC: Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may-akda gamit ang wika


ng kabataan.
(F8WG-IVa-b-35)

Susing Konsepto

KAY SELYA
(Saknong 1-20)

Ang alaala ng nakaraan ng isang tao kahit na malungkot ay


nakakapagpaligaya rin sa kanya kapag ito ay namamayani sa kanyang puso
at isipan. Ganito ang inilarawan ng mga saknong 1-22, ang pag-aalay kay
SELYA ng Florante at Laura ni Francisco Baltazar.

1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip


ang nangakaraang araw ng pag-ibig, pagsaulan-pagsawaan
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib? mahahagilap-mahahanap

2 Yaong Selyang laging pinanganganiban,


baka makalimot sa pag-iibigan; pinanganganiban-kinatatakutan
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan. karalitaan-kahirapan

3 Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin? suyuan-pag-iibigan
kaniyang pagsintang ginugol sa akin hilahil- problema
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4 Lumipas ang araw na lubhang matamis


at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.

5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila,


ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, namamanglaw-nalulungkot
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa

1
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin, panimdim-isipan
at ‘di mananakaw magpahanggang libing sanla- alaala/bilin

7 Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw


sa lansanga’t nayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.

8 Di mamakailang mupo ng panimdim


sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.

9 Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik


sa buntung-hininga nang ika’y may sakit, himutok- hinagpis
himutok ko noo’y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.

10 Nililigawan ko ang iyong larawan


sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang d’ungan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.

11 Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,


dito ang panahong masayang lumipas; tabsing- tubig tabang/talsik ng
tubig sa dagat
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12Parang naririnig ang lagi mong wika:


“Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa.
“Sa isa katao'y marami ang handa.”

2
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

13 Ano pa nga't walang 'di nasisiyasat


taghoy-daing, panaghoy ng
ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; isang taong lumuluha
sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
ang taghoy kong “O, nasawing palad!”

14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?


ang suyuan nami'y bakit 'di lumawig? di-lumawig-di natuloy, di
nagtagal
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?

15 Bakit baga ngayong kami maghiwalay


ay di pa nakitil yaring abang buhay?
di mapaparam- di- malilimutan
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam.

16 Itong 'di matiis na pagdaralita


nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
naaba-naapi
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba.

17 Selya'y talastas ko't malalim na umid,


mangmang ang musa ko't malumbay ang tinig;
'di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga't isip.

18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad


na inihahandog sa mahal mong yapak;
kutad-kulang sa karanasan
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.

3
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

19 Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop,


tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20 Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,


Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, Nimfas-diwata ng kalikasan
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi pintakasi-sinasamba
ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.

21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit dalata-malapit sa pampang
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.

22 Ikaw na bulaklak niring dili-dili,


Selyang sagisag mo'y ang M.A.R. dili-dili - isipan

sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi,


ang tapat mong lingkod na si F.B

Susing Konsepto
SA BABASA NITO
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga tagubilin ni Balagtas sa lahat ng
mga babasa ng Florante at Laura. Ipinahayag din niya rito ang kanyang mga
kahilingan sa lahat ng babasa ng awit.
1Salamat sa iyo, O nanasang irog,
kung halagahan mo itong aking pagod,
ang tula ma'y bukal ng bait na kapos,
pakikinabangan ng ibig tumarok.
Pinasasalamatan ni Balagtas ang sinomang magbibigay halaga at magbabasa
sa kanyang awit na Florante at Laura. Nabanggit din niyang
bagaman ito ay hindi perpekto tiyak na ito ay mapapakinabangan ng sinomang
babasa.

4
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

2 Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap


palibhasa’y hilaw at mura ang balat
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.
Paliwanag:
Kung sa unang tingin ay hindi maibigan dahil sa panlabas na anyo, huwag
sana kaagad itong sukuan sa halip ay subukan pa ring unawain at basahin
sapagkat sa huli ay tiyak na mauunawaan ito ng sinomang babasa.

3 Di ko hinihinging pakamahalin mo,


tawana't dustain ang abang tula ko;
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo
Ay huwag mo lamang babaguhin ang berso.

Paliwanag:
Hindi hinihingi ni Balagtas na pakamahalin ang kanyang tula, sa halip ay
malaya ang sinomang babasa kung tawanan man o di kaya ay laitin ang
tanging hiling lamang ni Balagtas ay huwag babaguhin ang berso o ang
anomang taludturan nito.

4 Kung sa pagbasa mo’y may tulang malabo,


bago mo hatulang katkatin at liko,
pasuriin muna ang luwasa’t hulo,
at makikilalang malinaw at wasto.
Paliwanag:
Sikaping maunawaan ang bawat salita hanggang sa maintindihang ito ay
wasto.

5 Ang may tandang letra alinmang talata,


'di mo mawatasa't malalim na wika,
ang mata'y itingin sa dakong ibaba,
buong kahuluga'y mapag-uunawa.

5
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Paliwanag:
Ang mga salitang may malalim na kahulugan ay maaaring maunawaan sa
pamamagitan ng pagtingin sa ibabang bahagi.

6 Hanggang dito ako, O nanasang pantas,


sa kay Segismundo'y huwag ding matulad;
sa gayong katamis wikang masasarap
ay sa kababago ng tula'y umalat.
Paliwanag:
Si Segismundo ay isang manunulat na walang natapos na magandang obra
sapagkat madalas siyang magpalit o magbago ng mga berso. Sa huli ang
kahilingan ni Balagtas ay ang huwag gagayahin si Segismundo nang sa
ganoon ay hindi mawala ang totoong kariktan na tinataglay ng tula.

Mga Pagsasanay:
Gawain1
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan kaugnay ng mga
saknong na tinalakay sa itaas. Buoin ang mga ginulong letra upang matamo
ang wastong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Siya ang babaeng pinag- aalayan ni Balagtas ng kanyang awit na
Florante at Laura.
ELSAY
2. Siya ang makatang sa kababago ng tula ay lalong walang nalikhang
anomang obra.
ESMUSIGOND
3. Ito ang damdaming namamayani kay Francisco habang isinusulat niya
ang Florante at Laura.

KULUNGAANTK

4. Ito ang ilog na madalas pasyalan nina Francisco at Selya.

GIOL EATBA

5. Ito ang tawag sa mga Diwata ng kalikasan na pinipintakasi ni


Francisco.
IMAFNS

6
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang FACT kung ang mga pahayag na kaugnay ng mga
saknong na tinalakay sa itaas ay tama at isulat naman ang BLUFF kung ito
ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Isa sa mga tagubilin ni Francisco ay ang huwag babaguhin ang berso ng


kanyang tula.
2. Madalas mamasyal sina Farncisco at Selya sa Ilog ng Marikina, kung saan
sinasariwa niya ang nakaraan.
3. Bahagi ng alala nina Francisco at Selya ang mga panahon ng pagdaan
nila sa may punong mangga at ang pagnanais ni Selya na pumitas ng
bunga nito.
4. Ayon kay Francisco, maaaring dustain at pagtawanan ang kanyang tula
at maaari ring baguhin ang kahit alin mang taludturan.
5. Ang tulang Florante at Laura ay inihahandog ni Kiko kay Juana Tiambeng
na patunay ng walang hanggan niyang pag-ibig sa dalaga.
Gawain 3
Panuto: Pumili ng tatlong saknong mula sa mga tinalakay na bahagi ng
aralin, pagkatapos ay pumili ng angkop na damdaming tinataglay ng bawat
saknong mula sa mga emoji sa ibaba. Ipaliwanag kung bakit ito ang
damdaming iyong napili. Gupitin ang angkop na mga damdamin sa mga emoji
sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

7
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4
Mga Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano-ano ang mga damdaming namayani kay Francisco habang
isinusulat ang tulang Florante at Laura? Ipaliwanag.
2. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng saknong 1-20 na pinamagatang
KAY SELYA?
3. Kung ikaw si Francisco, paano mo ipapahayag ang iyong damdamin
gamit ang wika ng mga kabataan? Ipaliwanag.
4. Paano ipinamalas ni Francisco ang kanyang walang hanggang pag-ibig
kay Selya?

8
RO_MIMAROPA_WS_Filipino8_Q4

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. SELYA 1. FACT
2. SEGISMUNDO 2. BLUFF
3. KALUNGKUTAN 3. FACT
4. ILOG BEATA 4. BLUFF
5. NIMFAS 5. BLUFF

Gawain 3
Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Mga Gabay na Tanong:


Sariling sagot ng mga mag-aaral.

Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Dayag, Alma M. et al. (2015) Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
Publishing House, Inc. Quezon City
Obra Maestra II

Inihanda ni:
Rhea T. Bejasa

Tiniyak ang kalidad at kawastuhan ni:


Magdalena B. Morales

Sinuri ni:
Liezl E. Orbeta

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: lrmds.mimaroparegion@deped.gov.ph

You might also like