You are on page 1of 6

TAGAPAGSALAYSAY: Berbanya, isang mapayapang kaharian na pinamumunuan ni Haring Fernando at

Reyna Valeriana kasama ang kanilang tatlong mga anak. Si Don Pedro (humakbang paharap at yumuko),
isang matipunong prinsipe at ang panganay sa tatlong magkakapatid. Si Don Diego (humakbang paharap
at yumoko) ,ang malumanay na pangalawang prinsipe. Si Don Juan (humakbang paharap at yumuko),
ang bunsong prinsipe na nagtataglay ng busilak na kalooban.

Sa isang panaginip, nakita ng hari ang kanyang bunsong anak na si Don Juan na tila ba pinapatay
ng dalawang tulisan.

(Pinapahirapan ng dalawang tulisan si Don Juan)

Ginulantang ng isang masamang balita ang buong kaharian. Sa hindi malamang dahilan, dinapuan ng
isang misteryosong karamdaman si Haring Fernando. Dali-daling nagpatawag ng manggamot ang Reyna
upang mabigyang lunas ang hari.

(Nakahawak ang reyna sa kamay ng hari habang ito’y nakahiga, napapalibutan sila ng tatlong prinsipe)

MANGGAGAMOT: Dulot ng masamang panaginip ang misteryosong sakit ng hari

REYNA: Ano ang maaari nating gawin upang siya ay tuluyang gumaling?

MANGGAGAMOT: Huwag po kayong mabahala. Isang munting awitin na hatid ng Ibong Adarna na
matatagpuan sa puno ng Piedras Platas, sa bundok ng Tabor ang tanging lunas sa dinaramdam ng hari.

DON PEDRO: Ama, payagan niyo akong lumisan at dumayo sa bundok ng Tabor upang huliin ang Ibong
Adarna nang sa gayon ay tuluyan kayong gumaling.

MANGAGAMOT: Ngunit kayo’y aking binabalaan, ang tatahaking daan ay sadyang mapanganib. Ibayong
pag-iingat ay kailangan.

TAGAPAGSALAYSAY: Nagmadaling umalis si Don Pedro sakay ng kaniyang kabayo, tinahak niya ang daan
papunta sa bundok ng Tabor. Makalipas ang tatlong buwan, nasilayan niya ang puno ng Piedras Platas
na animo’y diyamanteng kumikislap. Sa kadahilanang dumadapo lamang ang Ibong Adarna tuwing gabi,
minabuti ni Don Pedro na magpahinga muna sa ilalim ng Pedras Platas.

DON PEDRO: Mgpapahingamuna ako sandali habang naghihintay sa pagdapo ng Ibong Adarna.

Dumating ang gabi, dumapo ang Ibong Adarna sa puno, umawit ng pitong beses at nagbago ang
mga balahibo nito ng pitong beses. Nakatulog si Don Pedro. Dumumi ang ibon at napatakan ang
panganay na prinsipe at tuluyan itong nagging matigas na bato.

(Re-enact the scene)

TAGAPAGSALAYSAY: Nahintay ang hari at reyna ngunit hindi bumalik si Don Pedro. Dahil dito, naglakas
loob si Don Diego na subukin ang paghuli sa Ibong Adarna.
DON DIEGO: Ama, susubukan ko ang paghuli sa Ibong Adarna. Sa aking pagbabalik ay kasama kong uuwi
ang aking kapatid. Wag kayong mag-alala.

(Re-enact the scene)

TAGAPAGSALAYSAY: Naglakbay ng limang buwan si Don Diego bago marating ang kinaroroonan ng
Piedras Platas. Ngunit ng siya ay makarating ay wala siyang nadatnang ibon na kadapo sa puno. Kagaya
ng kaniyang kapatid ay nagpahinga siya sa ilalim ng puno. Muling dumapo ang Ibong Adarna pagsapit ng
dilim. Umawit ng pitong beses at nagbago ng balahibo ng pitong beses. Kagaya ni Don Pedro, tuluyang
naging bato si Don Diego nang dumumi sa kanya ang Ibong Adarna.

(Re-enact the scene)

TAGAPAGSALAYSAY: Nag-alala ng lubusan ang hari at reyna nang hindi na nakabalik pa ang magkapatid
na sina Don Pedro at Don Diego. Dahil dito lumubha ang karamdaman ng hari. Gustuhin man nilang
ipadala ang kanilang bunsong anak upang hulihin ang ibon at hanapin ang kaniyang mga kapatid ay hindi
nila magawa sa pag-aakalang may masamang mangyayari sa kanya.

Ngunit hindi nagpatinag si Don Juan at ipinagpilitan pa rin na siya naman ang susubok sa
delikadong paglalakbay papunta sa kinaroroonan ng Ibong Adarna.

DON JUAN: Ama, hindi mapalagay ang aking kalooban habang nakatunghay sa lumulubha ninyong
kalagayan at sa pag-aalala dahil sa aking mga kapatid na hanggang ngayo’y hindi pa bumabalik. Ang
tanging paraan na nakikita ko ay ang payagan niyo akong maglakbay.

AMA: Lubhang mapanganib ang iyong gagawin, anak. Hindi naming kakayanin kung maging ikaw ay hindi
bumalik sa amin.

DON JUAN: Huwag po kayong mag-aalala sa akin. Babalik po ako ng ligtas kasama ng aking mga kapatid.

REYNA: Humayo ka at maglakbay. Nawa’y maging ligtas ka sa lahat ng oras. Karamay mo an gaming mga
dasal.

TAGAPAGSALAYSAY: Walang nagawa ng hari at reyna, labag man sa kanilang loob ay pinayagan nilang
maglakbay si Don Juan papuntang bundok Tabor. Naglakbay siyang walang kabayo at may baon lamang
na limang tinapay. Nakarating siya sa bundok makalipas ang apat na buwan, dito niya nakita ang
matandang may sakit na ketong. Humingi ang matanda ng tinapay at binigyan naman niya ito.

(Re-enact the scene)

Dahil sa kabaitan ay itinuro ng matanda kay Don Juan kung saan matatagpuan ang ermitaniyong
makakatulong sa paghuli niya sa Ibong Adarna. Agad naman hinanap ni Don Juan ang ermitaniyo.
Binalaan ng ermitaniyo ang bunsong prinsipe na wala pang nakakahuli ng ibong ito. Itinuro niya kay Don
Juan kung ano ang kaniyang gagawin sa oras na makaharap niya ang ibon.
Nakarating siya sa Pedras Platas at nakita niya rito ang Ibong Adarna. Kumanta ang ibon, dahil
dito nakaramdam ng antok si Don Juan ngunit nilabanan niya ito sa pamamagitan ng paghiwa ng
kanyang palad at pagpatak ng kagyat. Dahil sa matinding sakit na dulot nito ay tuluyang nagising ang
prinsipe. Kumanta ng pitong beses at nagbago ng balahibo ng pitong beses, pagkatapos nito ay tuluyang
nakatulong ang ibon. Inilagay ni Don Juan ang natutulog na ibon sa hawla at ibinuhos ang tubig na
ibinigay ng ermitaniyo sa kaniyang mga kapatid. Tuluyang bumalik sa dati ang kaniyang mga kapatid.

(Re-enact the scene)

TAGAPAGSALAYSAY: Sama-samang bumalik sa kaharian ang magkakapatid dala ang Ibong Adarna. Sa
kanilang paglalakbay ay nagkaroon ng masamang balak si Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.

DON PEDRO: Hindi maaring si Juan ang maghandog ng Ibong Adarna sa ating ama. Tiyak na siya ang
gagawing susunod na hari pag nangyari ito. Hindi ko hahayaang mangyari ito.

DON DIEGO: Ano ang binabalak mong gawin?

DON PEDRO: Mas mabuting hindi na siya bumalik at tuluyan nang mawala. Nang sa gayon, tayong
dalawa ang hiranging bayani na nagligtas sa ating ama.

DON DIEGO: Ngunit kapatid pa rin natin siya. Siguraduhin na lang nating hindi siya makarating sa
kaharian. Wag na natin siyang patayin at pahirapan na lamang.

(binugbog nila si Don Juan)

TAGAPAGSALAYSAY: Nakabalik ang magkapatid na Don Pedro at Don Diego sa Berbanya.

REYNA: (niyakap ang dalawang anak) Ako’y nagagalak at kayo’y nakabalik ng ligtas.

HARI: (niyakap ang dalawang anak) Maligayang pagbabalik aking mga anak. Ngunit, nasan ang inyong
kapatid?

DON PEDRO: Ikinalulungkot namin ama. Hindi namin alam kung saan siya naroroon. Ngunit dala namin
ang Ibong Adarna upang kayo ay gamutin.

TAGAPAGSALAYSAY: Dahil wala si Don Juan hindi kumanta ang ibon bagkus ay parang nalalanta ang
kaniyang mga balahibo at nawalan ito ng kulay.

TAGAPAGSALAYSAY: Nakita ng ermitanyo ang malubhang kalagayan ni Don Juan.

ERMITANIYO: Prinsipe, malubha ang iyong kalagayan. Kailangan mong magamot.

(ginamot ng ermitaniyo si Don Juan)

TAGAPAGSALAYSAY: Ginamot ng ermitanyo si Don Juan hanggang sa magbalik ang kanyang lakas at
tuluyang nakabalik sa kaharian.

DON JUAN: Ama, ako’y nagbalik na.


(niyakap ng hari at reyna si Don Juan habang gulat na gulat si Don Pedro at Don Diego)

TAGPAGSALAYSAY: Sa pagbabalik ni Don Juan ay kumanta ang Ibong Adarna at napagaling ang hari.

HARI: Magdiwang! Ako’y magaling na. Salamat sa Ibong Adarna.

TAGAPAGSALAYSAY: Nalaman ng hari ang ginawang pagtataksil ng magkapatid sa bunsong prinsipe.

HARI: Nagawa niyong pagtaksilan ang inyong sariling kapatid? Dahil diyan, kayo’y ipapatapon ko sa
malayong lugar.

(nakaluhod ang dalawang magkapatid)

DON DIEGO: Ama, patawarin mo kami.

DON JUAN: Ama, sila’y aking mga kapatid at hindi ko nanaising sila ay lumayo. Pinapatawad ko na sila
kaya naman sila’y patawarin mo na.

TAGPAGSALAYSAY: Dahil sa pakikiusap ni Don Juan ay pinatawad sila ng hari. Inatasan silang tatlong
magkakapatid na bantayan ang Ibong Adarna. Ngunit may masamang balak sina Don Pedro at Don
Diego.

(nakatulog sa pagbabantay si Don Juan at pinakawalan ng dalawa ang ibon)

TAGAPAGSALAYSAY: Nagising si Don Juan na wala ang ibon kaya naman umalis siya upang ito’y hanapin.

HARI: Nasan ang Ibong Adarna? Hindi ba’t inatasan ko kayong magbantay? Nasaan ang ibon?

DON PEDRO: Si Juan ang nagbabantay sa ibon. Paggising naming ay wala na ang dalawa.

TAGAPAGSALAYSAY: Hinanap nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Nakarating sila sa Armenya at
dito nakita si Don Juan. Sila’y namangha sa kagandahang taglay ng lugar nang sila ay bumaba sa balon.
Iniligtas ni Don Juan si Donya Leonora sa serpyenteng may pitong ulo gayon din ang kanyang kapatid na
si Donya Juana. Nang makaakyat sila ay naiwan ni Leonora ang kanyang singsing kaya naman bumaba
ulit si Don Juan. Sa kanyang pagbaba niya ay pinutol nina Don Pedro at Don Diego ang lubid. Bumalik sila
sa Berbanya kasama sina Leonora at Juana.

HARI: Nahanap niyo ba ang inyong kapatid?

DON PEDRO: Sinuyod po namin ang lahat ng lugar ngunit hindi po namin makita si Juan. Kami po’y
nagbabalik kasama ng aming mga kasintahan.

DON DIEGO: Nais ko pong makaisang dibdib si Juana.

DON PEDRO: Nais ko rin pong ikasal kay Leonora.

TAGAPAGSALAYSAY: Nanatili sa isang silid si Leonora. Inutusan niya ang kaniyang alagang lobo na
balikan si Don Juan at gamutin. Nanumbalik ang kanyang lakas dahil sa alagang lobo ni Donya Leonora.
IBONG ADARNA: Mahal na prinsipe, kung inyong mamarapatin, inyo nang kalimutan si Leonora.
Magtungo ka kay Maria Blanca. Ito ay payo ko sa inyo.

TAGAPAGSALAYSAY: Humingi ng tulong si Don Juan sa isang lalaki.

Don Juan: Tulungan niyo ako. Ako po ay naglalakbay papunta sa De Los Cristal ngunit hindi kop o iyon
makita.

LALAKI: Ang bundok na iyong paroroonan ay nasa ikapitong hanay. May ermitaniyong nakatira doon.
Ipakita mo sa kanya ang barong ito (iniabot ang baro)

TAGAPAGSALAYSAY: Humayo si Don Juan hanggang sa marating niya ang bahay ng ermitaniyo. Ibinigay
niya ang baro. Nakarating Si Don Juan sa kinaroroonan ni Maria Blanca dahil sa tulong ng alagang agila
ng ermitaniyo. Nabighani siya sa taglay nitong ganda.

Sinubukan ni Haring Salermo , ama ni Maria Blanca, si Don Juan. Ang unang pagsubok ay ang pagtibag ng bundok,
pagpapatag nito at pagtatanim ngtrigo na kinakailangan kinabukasan ay may mainit na tinapay na magagawa kaagad
siJuan at maibibigay sa hari. Ang ikalawa ay ang paghuli sa 12 negrito na pinakawalan sakaragatan. Ang ikatlo ay ang
paglalagay ng bundok sa gitna ng dagat at gagawingkastilyo, na banding huli ay kanya ring pina- alis ang kastilyong ito upang
makita angnahulog na singsing ng hari sa karagatan. Ang pinakamahirap ay ang paghahanap nitong singsing ng hari na
kanyang pinaghati-hati ang katawan ni Maria upang hanapin angsingsing ng hari, dahil dito nawala ang isa sa mga daliri ni
Maria. Gayunpaman, laginitong napagtatagumpayan ang lahat ng pagsubok ng hari sa tulong na rin ng MahikaBlanka ni
Donya Maria.

Haring Salermo: Dahil natapos mo lahat ng aking pagsubok ay papayagan kitangpakasalan ang isa sa aking mga anak

TAGAPAGSALAYSAY: Ang napili ni Juan ay si Maria kahit hindi ipinakita sa kanya ang mukha ng prinsesa.Dahil na rin sa
naputol na daliri ni Maria bilang naging palatandaan ni Juan sa kanya.

Haring Salermo: Bakit kilala ninyo ang isat-isa. Matagal nab a kayo magkakilala?

Dona Maria: Opo.Haring Salermo: Dahil sa kataksilan mo sa akin isusumpa kita makakalimutan ka ni DonJuan at
magpapakasal siya sa iba.

Don Juan: Iiwan muna kita dito Maria. Pangako ko babalik ako.

TAGAPAGSALAYSAY: Bumalik si Don Juan sa Berbanya

TAGAPAGSALAYSAY: Tuluyan ngang nakalimutan ni Don Juan si Maria.

Dona Leonora: Don Juan! Buti na lang at nakabalik ka na.

Don Juan: Nais ko pong pakasalan si Dona Leonora

Haring Fernando: Pumapayag ako.


TAGAPAGSALAYSAY: Ikakasal na ang dalawa nang biglang dumating si Dona Maria. Isang negrito at negrita ang inilabas ni
Maria. Sa tuwing papalo ang negrita, hindinasasaktan sng negrito. Ang nasasaktan ay si Don Juan. Unti unting naalala ni
DonJuan si Dona Maria

Don Juan: Ama! Naalala ko na si Dona Maria talaga ang gusto kong pakasalan.

TAGAPAGSALAYSAY: Gulat na gulat si Dona Leonora sa kaniyang narinig

Haring Fernando: Si Leonora na ang niyaya mong pakasalan dapat panindigan mo iyon.

Don Juan: Dona Leonora, hindi ako karapatdapat sayo. Hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo dahil mahal ko talaga si
Dona Maria. Ang totoong nagmamahal sayo ay si Don Pedro.

TAGAPAGSALAYSAY: Labag man sa kanyang loob ngunit pinalaya niya si Don Juan. Nagpakasal si Maria at Don Juan.

You might also like