You are on page 1of 2

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

Scene 1

Eivy: Nakausap mo na ba si Juan?


Ilaina: Hindi pa nga eh, kausapin kaya natin siya?
(Pumunt sila kay Juan)
Eivy & Ilaina: Juan pwede bang makipagkaibigan sa iyo?
Juan: Sa iba na lang(Sabay palit ng upuan)
Ilaina: Eh kung maglaro na lang kaya tayo?
Juan: (Umiling lang si Juan, umiiwas)
Ilaina: Sige pabayaan lang muna natin siya.

Scene 2 (Pagkatapos ng klase)

Teacher: Juan, oh bakit nandito ka pa?


Juan: May aayusin lang po maam.
Teacher: Okay, Sige.(Palihim na minamasdan ang ginagawa ng bata)
Juan:(Pumupulot ng mga kalat at pagpapantayin ang mga upuan)
Teacher: (ito ay ang ikinatuwa ng guro sa kanya)
Juan: Goodbye Teacher!
Teacher: Sige ingat ka ha.

Scene 3

Teacher: Pakikuha mo naman ako Juan ng aking tsinelas. Pakibili mo naman ako ng minindal sa
Tindahan. (Pinapagawa ng mga munting utos para sa kanyang sarili, hanggang si Juan na lang ang
gumagawa sa kanyang sarili tungo sa pagkakaibigan nilang dalawa. Kung may problema ang guro ay
nandoon siya, tumutulong.)
Juan: Goodbye Teacher!

Scene 4 (Pagbago)

(May namuong tahimik na ugnayan sa kanya ang bata)


Jotham: Juan sumali ka sa amin, maglalaro kami.
Juan: Sige
Jotham: Mabuti at sasali ka na sa amin, tiyak na masaya to. (Pumatuloy sa kanilang paglalaro)
(Napansin ng guro, na nakikipaghalubilo na si Juan sa kanyang mga kaklase, naglalaro na, o minsan na
nanunukso na ng babaeng kaklase)
(Pati ang pagsabi ng “Goodbye Teacher!” ay tumataginting na rin)

Scene 5 (Dumating ang hindi inaasahan)

(May nadaanang estudyante ang guro na nagpa-init sa kanyang ulo)


Neil: Kunin mo ang gamit ng iyong kaklase.
Juan: Pero hindi ko iyon magagawa.
George: Sige na, para di ka masaktan.
Juan: Di talaga pupwede.
Neil: Ah, talaga ah(Sabay suntok)
(Dahil dito, napilitang lumaban ni Juan sa kanya)
(Biglang dumating ang guro, uminit agad ang ulo)
Teacher: Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?
Juan: Teacher, sila po ang nagpasimula.
(Lumapit agad si Neil at George, sabay sabi: )
Neil & George: Mam, hindi po mam. Siya po.
Neil: Oo nga mam.
(Nakapagsabi ang guro at nakagawa na ikinanliit ng bata sa kanyang upuan)

Scene 6

Makalipas ang isang araw.


(Iba na ang pakikitungo sa kanya ng bata, ngunit ginagawa parin ang araw-araw na ginagawa niya sa
kanyang guro)
Juan: Ito po teacher. (Sabay suot ng tsinelas, ibinili rin niya ito ng minindal.)
(Umalis ang bata na walang pasabi ng “Goodbye Teacher!”)
-Kinabukasan-
(Nagulat ang guro dahil bumalik ang bata, sabay sabing: )
Juan: Goodbye Teacher!
(Napagtanto lamang ng guro na ang kanyang estudyante ay naging guro niya at tinuruan siya. “Hindi sa
labas na kaanyuan nakikita ang tunay na ugali.”)

-END-

You might also like