You are on page 1of 11

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
INIHANDA NI: BB. ROXANNE R.
GRANADA
DEPENISYON:
isang uri ng teksto na nangangailangang
ipagtanggol ng manunulat ang posisyon
sa isang tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan, kaugnay na mga literatura at
pag-aaral, ebidensyang kasaysayan at
resulta ng empirikal na pananaliksik.
ELEMENTO NG
PANGANGATUWIRAN
Melania L. Abad (2004), “Lingangan: Wika at Panitikan”
1. PROPOSISYON
- ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang
isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang katuwiran ng
dalawang panig.
Hal.
■ Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang mabawasan ang karahasan
laban sa kababaihan.
■ Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito upang
magtrabaho sa ibang bansa.
■ Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual
education kaysa sa bilingual education.
2. ARGUMENTO
- ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensiya
upang maging makatuwiran ang isang panig.
Kinakailangan ng malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng
mahusay na argumento.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY
NA TEKSTONG ARGUMENTATIBO
■ Mahalaga at napapanahong paksa
■ Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa
tesis sa unang talata ng teksto
■ Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teksto
■ Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento
■ Matibay na ebidensiya para sa argumento
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
■ Argumentum Ad Hominem
- Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na
katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung
tinatalakay o pinagtatalunan
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali
gayong ni hindi siya naging pinuno ng kanyang klase o
ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya
pa yata!
■ Argumentum ad baculum
- Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo
ang argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang magsalita sa
akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang Makita mo ang hinahanap mo!
■ Argumentum ad misericordiam
- Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa,
ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at
hindi sa kaisipan
Halimbawa:
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi ba natin
nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at nanlalalim na
mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang sentimos bilang pantawid-
gutom?
■ Non sequitur
- Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Nagbibigay ito ng
konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya. Magulong paligid ang kaniyang nilakhan. Ano pa ang
inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!
■ Ignoratio elenchi
-Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga.
Ito ang kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy ligoy.
Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay maipapaliliwanag ng
aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo siya pagkat
naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila
■ Maling Paglalahat
- Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang
konklusyong na siyang sumasaklaw sa pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista
namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito
na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
■ Maling Paghahambing
- Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri pagkat
mayroon ngang hambingin ngunit sumasala naman sa matinong
konklusyon.
Halimbawa:
(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad? Kung kayo nga
ay gising pa!
■ Maling Saligan
- Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan.
Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong na wala sa
katwiran.
Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pagaasawa, kailangan ang
katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na
maging tapat at masipag ang mga kabataan
■ Maling awtoridad
- Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung
kasangkot.
Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan ang
ipinahayag ni Karl Marx
PROPOSISYON:
■Pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo

You might also like