You are on page 1of 12

MGA SALIGAN SA PAGSULAT NG

AKADEMIKONG PAPEL
Inihanda ni:
Levy Penuliar Coronel
PAANO KA
SUMULAT?
Mga Elemento sa Pagsulat:
A. Paksa
 Umisip at bumuo ng mga bagay na
maaaring gawing paksa. Kailangang
maunawaan niya at mayroon siyang ganap
na kaalaman sa lahat ng mahahalagang
impormasyon tungkol sa napiling paksa
upang maging epektibo ang pagsusulat.
Ang pagsulat ay isang prosesong panlipunan na
maaring bunga ng sumusunod:

1. bilang reaksiyon ng isang tao sa kanyang nabasa,


naranasan, o namasdan upang maipaabot ang
kaniyang pananaw at panuntunan sa buhay;
2. bilang reaksiyon ng sumulat sa kaniyang nabasa o
nasaksihan, at naranasan upang ipahayag ang
kaniyang kaalaman at pagpapahalaga;
3. sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t
ito’y malikhaing sulatin na nagpapasigla ng
imahinasyon at tumutugon sa damdamin.
Mga Elemento sa Pagsulat:
B. Mga Layunin
1. Pansariling Pagpapahayag
 ito ay may layuning magsulat o magtala ng mga bagay na narinig, nakita, o nabasa.
Maaring ito ay isang gawaing pampaaralan o pansariling tala para sa talaaarawan o
dyornal.
2. Pagbibigay ng Impormasyon
 Isinasagawa ito sa layuning magpaabot ng mensahe, balita, magpaliwanag, magpayo,
mangatuwiran, o makiusap. Ang mga halimbawa nito ay liham, memorandum, rebyu,
mungkahing saliksik, komentaryo, kritiko, ulat, sanaysay, islogan, at iba pa.
3. Malikhaing Pagsulat
 sa tulong ng imahinasyon ng manunulat at uri at antas ng wika, nagagawa ng
manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kaniyang ginagalawan, at ang mga
damdaming nananaig sa mga tauhang matatagpuan dito. May kakaibang kakayahan
ang mga salita na ipadama sa mambabasa ang buhay na larawan ng buhay.
Mga Elemento sa Pagsulat:
C. Mambabasa
 kailangang linangin din ng isang manunulat ang kakayahang
makipag-ugnayan sa ibang tao. Dapat na alamin niya kung sino ang
susulatan, ano ang gusto niyang isulat, ano ang lawak ng kaniyang
pang-unawa, at iba pa.
D. Wika
 Makikita sa paraan ng pagkakasulat ang estilo ng manunulat at kung
paano siya gumamit ng wika. Kabilang sa paggamit ng wika ang
kasanayan sa pagpili ng mga salita, pagbuo ng mga pangungusap, at
pagtatagni-tagni ng mga ito. Inaasahang may kabuluhan ang
mabubuong mga pangungusap. Kailangang maipakita ang kaisahan
at kaayusan ng akda, lalo na ang malinaw na pagkakaugnay-ugnay ng
mga kaisipan upang makabuo ng makabuluhang nilalaman
Ang Proseso ng Pagsulat
1. Bago Magsulat
 bago magsulat, naghahanda ang manunulat sa pangangalap ng ideya o
impormasyon tungkol sa paksang nais isulat. Dapat na matugunan sa
bahaging ito ang sumusunod na mga tanong:
Saan ako kukuha ng ideya? Paano ko ito sisimulan?
• Mga babasahin tulad ng pahayagan, • Malayang pagsulat
magasin, ibang lathalain, CD-ROM • Paggawa ng dyornal
• Pakikipanayam tungkol sa paksang nais • Paglalagay ng sarili sa ibang katauhan, sa
isulat ibang oras, panahopn, o lugar mula sa
• Midya – radyo, telebisyon, internet unang panauhan o paningin
• Pelikula at mga dokumentaryo • Pagbuo ng listahan
• Musika • Pagbuo ng hitsura ng isusulat
• Sining biswal • Talakayan o pag-iisip nang indibidwal o
• Panaginip, imahinasyon pangkatan
• Personal na interes • Pagmamapa ng ideya
• Iba pa
Ang Proseso ng Pagsulat
2. Habang Nagsusulat
 Dalawang proseso ang nakapaloob sa gawaing ito:
a) Pagsulat ng burador
b) Muling pagsulat
- ito ay binubuo ng:
• rebisyon
• pagwawasto
3. Pagkatapos Magsulat
 Matapos ang rebisyon at pagwawasto, tinatantiya ang bisa ng
akdang isinusulat sa pamamagitan ng pagbabasa nito sa klase,
pagtalakay sa mga isinulat, at paglalathala sa mga aklat o
pahayagang pampaaralan, o pagsali sa timpalak panulat
Mga Bahagi ng Teksto:
1. Panimula
 Ang panimula ang introduksiyon ng sulatin.
Kailangang sundan ito ng tatlo hanggang limang
pangungusap na magpapalawak at tutukoy sa
saklaw ng paksa. Ang huling pangungusap ng
panimula ay kailangang magpahayag ng tesis o
pangunahing ideya ng akda.kailangang
masalamin sa panimula ang pananaw o posisyon
na nais ilatag ng manunulat
Mga Bahagi ng Teksto:
2. Katawan
 sa bahaging ito isinasaad ang nilalaman ng teksto.
Dalawang bagay ang kailangan sa pagbubuo ng gitnang
bahagi o katawan: ang pagsasama-sama ng mga kaisipang
magkakasing-uri at paghahanay ng mga kaisipan sa isang
makatuwirang pagkakasunod-sunod.
 Bawat talata sa katawan ay isa nang kabuuan na ang bawat
talata ay may sariling simula, gitna, at wakas. Ang maliliit na
kabuuang ito ay pinag-uugnay-ugnay upang makabuo ng
isang mas malawak na kabuuan-ito ang katawan ng papel
Mga Bahagi ng Teksto:
3. Wakas o Konklusyon
 Ang konklusyon ang paghahayag ng mga
katibayan at pangangatuwiran sa isang
teksto. Sa bahaging ito inilalahad ang buod o
katha.
MGA KATANGIAN NG MAAYOS NA TEKSTO
1. Kaisahan
 tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang pokus ng buong nilalaman ng teksto. Ibig sabihin ang
suportang ideya ay tungkol lamang sa pangunahing ideya ng talata o tesis ng isang teksto.
2. Kaugnayan
 tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng kaisipang isinasaad ng isang teksto.
Nakatutulong ito upang malaman ng mambabasa ang ugnayan ng mga ideya sa isa’t isa at
upang madaling maunawaan ang nilalaman ng teksto dahil maayos ang pagkakasunod-sunod
ng bawat kaisipan.
3. Kalinawan
 makikita ang kalinawan kung naintindihan ng mambabasa ang nais ipahayag ng manunulat.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga suportang ideya na nagpapatibay sa paksa at layunin
ng nagsulat.
4. Bisa
 ang bisa ng isang sulatin ay nakasalalay sa malinaw na pagpapahayag ng layunin sa
panimula. May kabuluhan ba ang bawat suportang ideyang ipinahayag? Nakatulong ba ang
mga ginamit na paraan upang makita ang posisyon ng manunulat? Nagawa ba ng sanaysay
na mapaniwala, mapasang-ayon, o makaunawa man lang sa punto ng sanaysay?
Makatutulong ang mga tanong na ito upang matukoy kung gaano kabisa ang isang sulatin.

You might also like