You are on page 1of 6

PAGHAHANDA NG KASUOTAN SA

ISANG PANAYAM SA PAG-AAPLAY SA


TRABAHO

Tekstong Impormatibo
Alam mo ba na 55% ng nabubuong impresyon tungkol sa
isang tao ay batay sa kaniyang pananamit? Iyan ang sinabi
ni Kim Zoller ng Image Dynamics. Kaya naman
mahalagang pag-isipang mabuti ang isusuot tuwing
haharap sa mga tao lalo na kung ito ay isang panayam sa
pag-aaplay ng trabaho.
Kinagabihan bago ang araw ng panayam, ihanda mo na ang
iyong isusuot bago matulog. Isaalang=alang kung
kumportable ba o hindi ang damit na isusuot. Tandaang
mas mahalagang maging kumportable sa kasuotan kaysa
maging maporma. Maaaring isukat muna ang damit at
pakiramdam kung makaapekto ito sa iyong pagkilos
kasama na ang paghakbang. Itaas ang mga kamay upang
maramdaman kung kumportable sa bandang kilikili at
braso. Ipihit ang baywang ng palda o pantalon upang
malaman kung sapat lang ang sikip o luwag nito.
Sunod na isaalang – alang ang kulay ng iyong isusuot. Para sa
kababaihan, mainam ang mga kulay na hindi matingkad sa
paningin. Maaaring ang kulay itim sapagkat naghahatid ito ng
pakiramdam ng pagiging pormal, samantalang malamig sa
paningin ang mga kulay na berde, asul, at puti. Kung magsusuot
ng bestida, iwasan ang may mga komplikadong disenyo at
masyadong makulay. Maaring may isa hanggang tatlong kulay
lamang ang isang kaaya-ayang damit. Kapag ang kasuotan naman
at blusa at palda o pantalon at blusa, pagparisin ang mga ito
ayon sa magkakatmbal na kulay mula sa mga pangunahin at
sekondaryang kulay. Maari ding magsuot ng blazer para
magmukhang mas pormal ang bihis. Para sa kalalakihan, umiikot
lamang ang maayos na kasuotan sa pantalon o slacks, polo na
may mahaba o maikling manggas, kurbata, at blazer. Dapat ding
isaalang-alang ang tamang pagtatambal ng mga kulay ng isusuot.
Ang mga nabanggit na kulay na malamig sa paningin ay maari
ding gamitin ng kalalakihan.
Iwasan ang pagsusuot ng masyadong maraming palamuti o
aksesorya sa katawan. Para sa kababaihan, sapat na ang
pagsusuot ng hikaw. Maari ding magsuot ng relo. Malaking
tulong ang relo upang malaman ang oras at hindi mahuli
sa oras ng panayam.
Hindi kumpleto ang kasuotan kung walang sapatos. Sa
pagpili ng isusuot na sapatos, sapat na para sa kababaihan
ang isa hanggang tatlong pulgadang taas ng takong.
Siguraduhing hindi ito masyadong mataas, masikip, o
maluwag, at kayang ipanlakad nang maayos. Itim ang
karaniwang kulay ng sapatos. Kung hindi man itim na
sapatos ang isusuot, maarin g itambal ang kulay nito sa
kulay ng iyong gagamiting bag. Para sa kalalakihan, pormal
na sapatos ang dapat isuot. Iwasan ang pagsusuot ng
sapatos na goma. Dapat din itong malinis at kumportable
sa mga paa.
Matapos magbihis, tumingin sa salamin at
tingnan kung maayos ang sarili sa suot na
damit. Tingnan din ang buhok at ayusin ito.
Nakadaragdag ang pag-aayos ng buhok sa
pagmumukhang propesyonal. Para sa
kababaihan, maaari ding maglagay ng make-
up.
Bilang panghuli, huwag kalimutang magdala ng
bag upang paglagyan ng iyong mga gamit
kasama na ang iyong resume at/o portfolio.
Sagutin natin:
1. Ano ang layunin ng teksto?
2. Anu-anong mahalagang impormasyon ang nakuha mo
mula sa teksto?
3. batay sa mahahalagang impormasyong nakuha mo sa
teksto, masasabi bang nagtagumpay ang teksto sa layunin
nito?
4. Gaano kahalaga para sa iyo ang mga impormasyong
nakuha mula sa teksto?
5. Matapos basahin ang teksto, may maituturing ka bang
pagbabago sa iyong pananaw o pagtingin? Anu-ano ito?
Ipaliwanag.

You might also like