You are on page 1of 3

ISKRIP (SEKONDARYA) SEPT 5 (MONDAY)

TAUHAN:

Jovelyn - Guro
Nina - Late
Mary Ann - Guidance Counselor
Liezette - Cheater
Mhajoy - Cheater
Marjorie - Tulog
Nicolita - Attentive
Claris - Attentive
Rey-Ann - Cheater
Leah - Magulang
Jhingky - President
Krisha - Kaibigan ni Jhingky

Jovelyn: Magandang umaga sa inyong lahat, ako ang inyong magiging guro sa Filipino at
adviser sa taong ito.
Lahat: Magandang umaga rin po ma’am.
Jovelyn: Bago tayo mag-umpisa o magpakalunod sa ating talakayan ay nais ko munang ibahagi
sa inyo ang mga paksa na ating tatalakayin sa unang markahan na ito.
Jove: ….

Nina: (Biglang darating) Ma’am, magandang umaga po. Pasensya na po nahuli ako sa klase.
Jove: Bakit ka na-late?
Nina: Ehhh tinanghali po ng gising e
Jove: Eh bakit parang galing ka naman sa inuman? Amoy na amoy pa ang alak dyan sa hininga
mo.
Nina: Hindi po ma’am, hindi nga po ako nag-iinom e
Jove: Okay sige, sa susunod agahan mo na gising mo para hindi ka na mahuli sa klase natin.
Maaari ka ng umupo sa iyong upuan.
Jove: Ating ipagpapatuloy na ang ating talakayan. Simulan natin ito sa unang paksa tungkol sa
sanaysay. Sinong may ideya sa kung ano ang sanaysay?
Claris: (Tataas ng kamay) Ang sanaysay po ay……
Jove: Mahusay (Bigyan ng papel para sa puntos)
Jove: Sino pa ang nais magbahagi? (nagtaas si april) ohh ikaw, bb. April
April: Para sa akin ang sanaysay po ay…………..
Jove: Magaling! (bibigyan ng papel)
Jovelyn: Saglit lang klase at mukhang masarap ang tulog ng kaklase nyo rito sa likuran.
(Lalapitan si Marjorie, at kukulbitin) Binibini, binibini gising!
Marjorie: (naalimpungatan) Bakit ga ho? Basta na lang nanggigising, alam na inaantok pa ak...
(naputol ang sasabihin at biglang natauhan) Ay Mam pasensya na po, kayo pala yan.
Jovelyn: Mukhang ang sarap ng tulog natin ah, dahil dyan anong maibabahagi mo tungkol sa
sanaysay?
Marjorie: Ah ah ah.. Mam a..a.ang s.s.sanaysay po ay ay pasensya na po talaga Mam, di na po
mauulit.
Jovelyn: Yan ang nangyayari sa hindi nakikinig sa klase. Ayusin mo ang upo mo! (inis).
Marjorie: (inayos ang pag-upo)
Jovelyn: (hihinga ng malalim). Yun nga klase dahil nakita ko na may kaalaman na kayo ukol sa
ating paksa, ay magkakaroon muna tayo ng paunang pagsusulit. Kumuha ng papel at sagutin ang
aking inihandang katanungan.
Jove: At dahil nakita ko na may kaalaman kayo ukol sa ating paksa, ay magkakaroon muna tayo
ng paunang pagsusulit. Kumuha ng papel at sagutin ang aking inihandang katanungan.
Jove: (3 tanong na multiple choices about sanaysay)
Jove: (matapos ang ilang minuto) Ipasa niyo ang inyong papel sa presidente ng inyong klase.
Jhingky: (lalapit kay jove, iaabot.. Matapos maabot) Ma’am, nakita ko po yung tatlong babae sa
likod na nandaya sa ating quiz.
Jove: Sigurado ka ba?
Jhingky: Opo ma’am.
Jove: (Pupuntahan ni jove yung tatlo)
Liezette, Mhajoy, Rey-Ann: (nag mamake-up, cp, chikkahan)
Jove: Totoo ba na nandaya kayo sa ating exam kanina?
Liezette: Luh ma’am, hindi poo ah
Mhajoy: Nandaya raw, hindi po namin ugali yun
Rey-Ann: At tsaka sariling alam po namin yun. Saan niyo ga po napulot yang balita na yan?
Krisha: (katabi lang nung tatlong babae sa upuan) Tunay naman ah nandaya kayo. Kitang-kita
ko kayo, huwag na kayong tumanggi. Eto nga ohhh (ipapakita ang papel) nahulog niyo habang
nag-e-exam tayo.
Jove: (kinuha ni Jove ang papel) Dahil may ibedensya tayo kailangan kong ipatawag ang
magulang niyo..(aalis si jove)
Mhajoy: Sinong nagsumbong samin ha? Umamin kayo
Liezette: Gusto niyo pa ata mag-away tayo dito eh
Rey-Ann: Kayo mga sumbongera kayo. Ito ang nararapat sa inyo para sa susunod itikom niyo na
yang bibig niyo (sasabunutan)
Jhingky: Ay obligasyon ko na sabihin yon kay ma’am kasi ako ang Presidente ng klase na ito.
Liezette: (sasampalin si jhingky) wala akong pakialam kung presidente ka, presidente ka man ng
klase o ng bansa natin wala akong pakialam!
Claris: (tatawagin si Jove) Ma’aaaammm! May nag-aaway po sa loob.
(bago pumasok si jove sa room ay naabutan na nag-aaway)
Jove: Oh anong kaguluhan ‘to? Ang tatanda niyo na nag-aaway pa kayo. Para kayong mga bata.
Sumama kayong lahat sakin sa guidance office, pati ikaw Claris dahil ikaw ang saksi sa
pangyayari na ‘to.
Liezette, Mhajoy, Rey-Ann: (Magdadabog, sisiring, sign ng kamay sa mata kay krisha at
jhingky)
(papuntang office, tapos nandun na si Leah)

Guidance Office

Jove: Ito po ang inyong anak at mga pamangkin nahuli po na nandaya sa exam tapos saglit lang
ako lumabas ay bigla naman silang nag-away at nagsakitan.
Leah: (maligalig) Eh anong nandaya, ‘di naman yan magagawa ng mga yan, hindi nila ugali yan.
Palagi nga ang mga yan na nagsisimba tapos mandadaya sa exam? Imposible yan. Tsaka ba’t
naman kayo nagsakitan?
Mhajoy: Hindi naman po kami ang nauna, sila pong dalawa. (ituturo si Jhingky at Krisha) Ito
nga po oh may sugat pa ako, kinalmot ako nyang dalawa.
Jove: Oh huminahon muna ang lahat at pumasok na lang po tayo sa loob at makipag-ugnayan na
lamang po tayo sa ating guidance counselor at siya po ang nakakaalam ng dapat gawin sa inyong
anak.
Leah: (pipingutan ang tatlo) (pabulong) hindi na kayo nanawa? Taon-taon nalang kayong
nadadala sa office.
Jove: Ma’am, magandang umaga po. Nahuli po kasi ng isa kong estudyante ang tatlong ito na
nandadaya sa quiz at nag-away. Ano po kayang maaari nating gawin sa kanila?
Mary Ann: Nakalagay sa ating student handbook na mahigpit na ipinagbabawal ang pandadaya
sa tuwing may exam gayundin ang pagsasakitan…..

(pangaral) (Maaring opensa ay suspended sa klase kapag umulit pa ay expelled na)

Tatlo: (Hihingi ng pasensya) hindi na po mauulit


Leah: (hihingi rin ng pasensya at magpapasalamat)

You might also like