You are on page 1of 12

"Kaya at Kakayanin"

Ang pelikulang ito ay tungkol sa isang estudyanteng babae na aeta na dahil sa kaniyang pagsali sa isang
organisasyon ay nabago ng tuluyan ang kaniyang buhay,na kung saan ang dating malungkot at mapait na
pamumuhay ay nabago dahil sa kaniyang pagmamahal sa Diyos , malasakit sa kapwa at sa tulong ng
Scouting.

Ang Iskrip~

Scene 1~ ( Sa School ) Assembly ng BSP nagmemeeting sila tungkol sa mga bagong scouts sa kailang
Outfit may mga batang kasali dito edad 13-16 na taong gulang isa na dito sina Julius Perez,Mike
Roman,at Roel Diaz sila ay bago pa lamang sa BSP.

Julius: Yesss Naman !! Certified Scouts na tayo

Mike: Kaya nga ! Whoo ! Whooo ! Excited na ako sa Jamboree

Roel: Anong Certified Scouts ? Anong Jamboree ? Hindi pa tayo na invest

Mike: Huh? Para saan ba un ?Kailangan pa ba noon ?

Julius: Kaya nga

Roel: Hindi nio ba alam na iyon ang pinaka importanteng parte bago ka maging isang Tunay na Scout

Roel: Bago ka maging isang "CERTIFIED SCOUT" (nakatingin kay Julius)

Julius: Ahhhh doon ba natin makukuha ung Pulang kwan ung pulang panyo ?

Roel: Oo ung pulang neckerchief,Kapag nainvest ka na makukuha mo rin iyon

Roel: Oh ayan na si Ma'am Jessica ( Outfit Advisor ) umayos kayo

Mike,Julius,Roel: Ma'am Goodmorning Ma'am !

Ma'am Jessica: Carry On

Ma'am Jessica: Kasali ba kayo dito sa Orientation ?

Julius,Mike,Roel: Ma'am Yes Ma'am Ma'am Jessica: Oh maganda un matututo kayo ng bagong mga
kaalaman

Julius: Oo nga po

Mike: (Tulala sa harap ng Outfit Advisor)

Roel: Oh tara na sa loob mag start na Orientation


Ma'am Jessica: Oh pasok na Scene 2~ ( Loob ng Laboratory nag didiscuss about Scouting then
kumakanta ng BSP songs na pinangungunahan ni Scout John Paul O. Monte)

Mike: Andaming kasali. Teka! Ag dami ring babae na nandito, nakapagtataka.

Julius: Oo nga (Papasok ang isang Outfit Advisor si Scout Bryan Joel M. Santos)

Sir Bryan: Okay Guys bago tayo maghiwahiwalay nais kong ipakilala sa inyo si Ma'am Jessica sa mga di
nakakakilala sa kaniya siya ay isa sa ating Former Council at siya ang ating President and Founder ng
ating Outfit.

Ma'am Jessica: Goodmorning Scouts !

All: Ma'am Goodmorning Ma'am !

Ma'am Jessica: Carry On ( Nagdiscuss ng kaunti about Scouting )

Scene 3~ Outside ng Laboratory

Mike: Ang Galing nia !

Roel: Yahh former council siya

Julius: Tara na uuwi na tayo

Scene 4~ (On the pathway naglalakad kumukulog at umuulan na)

Mike: Nako paano na tayo niyan

Julius: Malakas na ang ulan

Roel: Hintayin nating tumigil

Ma'am Jessica: Oh sumilong muna kayo dito sa office ko lalakas pa yan

Mike,Julius,Roel: Sige po Ma'am

Jessica: Oh wait lang ikukuha ko kayo ng kape dahil malamig

Ma'am Jessica: Oh kamusta ang Orientation kanina ?

Roel: Ok lang naman po

Mike: Masaya ma'am

Julius: Masaya po kasi andami naming sumali

Mike: Kaso po baka makhirapan kami sa mga gagawing activities

Julius: Oo nga po
Roel: Normal lang un sa Scouting sabi ka nga ni Lord Baden Powell "A scout smiles and whistles under all
circumstances"

Roel: I ngiti nio lang yan HAHAHA Ma'am

Jessica:Haaay Naalala ko pa noong bata pa ako mga kasing edad ninyo sumali ako sa Organisasyong ito
hindi ko alam kung bakit pero kasi sa tingin ko ito ang magpapabago sa akin at dito ko napatunayan na
kahit ako'y isang babae kaya kong maging isang matibay matapang at matalinong

Scout Scene 5~

(FlashBack pagkabata niya noong panahong sumali siya sa Scouting sa Loob ng kanilang bahay mahirap
lamang at ang kaniyang ama lang ang naghahanap buhay sa kanilang Pamilya at 3 silang magkakapatid -
sa anyong pasalaysay)

Felicia (Nanay) :Nak Aika gising na papasok ka na sa Eskwelahan

Jessica: Ayan na po

Jessica: Itoy at Jun gising na

Itoy: Ayannn na

Jun: Opo Nay

Scene 6~

(Hapag Kainan pinaguusapn performance ng magkakapatid)

Fernan (Tatay): Oh mga anak kamusta naman ang pag-aaral niyo?

Itoy: Maayos naman tay Rank 2 pa din

Jun: Ok lang tay Rank 1 pa din

Jessica: Ito tay sinusubukan paring mapunta sa Ranking

Nanay: Ok lang iyan anak,galingan mo pa ! Kaya mo yan

Tatay: Kaya nga nak kaya mo yan,Laban lang

Jessica:Kinakaya at Kakayanin ko ito Nay Tay

Jessica: Balang araw po kapag isa na akong Guro titira tayo sa isang magandang ar malaking bahay

Nanay: Oo naman nak basta galingan niong magkakapatid sa pag aaral


Tatay: Oh sia mag ayos na kayo at ihahatid ko na kayo

Scene 7~

(Sa eskwelahan tahimik at laging inaasar ng mga kaklase niang lalake)

Jessica: Papasok sa Silid ( Aasarin ni Christian at ni James )

James: Oh ayan na ung baboy HAHAHAHA mag ingat nangangagat yan

Christian: Oh Oh naku naku saang piggery kaya ito nanggaling ?

James: Ewan ko jan nakatakas yan

Christian: Kawawang Piggy HAHAHAHAHA (NAGTAWANAN ang Dalawa)

Jessica: Nagtakip ng Tainga habang inaasar at tinatawanan

Teacher: Nagtuturo about Science

Jessica: (Tahimik at kung ano ano ang ginagawa)

(Nakita ni Teacher)

Teacher: Oh Jessica Who Created the latest version of the Periodic Table of Elements?

Jessica: Sir I dont know the answer

Teacher: Ok sit down

Christian: Yan kasi hindi nakikinig

James: Kaya nga HAHAHAHA yan ba ung gustong mapunta sa Ranking HAHAHAHA

Teacher:Jessica pay attention on your lessons I know you can do it and much better

Scene 8~

(After ng Classes umiiyak palabas ng Classroom at pumunta sa mga benches nakita sia ng kaibigan nia sa
kabikang section)

Joana: Oh Jessica bakit ka umiiyak?

Jessica: Hindi kasi ako nakasagot kanina at pinagtawan nila ako

Joana: Ganun ba?

Joana: Halika na kumain na tayo,wag mo na intindihin yan

Jessica: Halika na tara na


(Hindi nia alam nakatingin pala sa kaniya ang kaniyang Adviser)

Scene 9~

(Back to present)

Mike: Ma'am hindi ba kayo nawalan ng pag-asa at hindi kayo sumuko

Julius: Kaya nga po ?

Ma'am Jessica: Hindi ako sumuko sabi nga sa Scout Law a scout is Brave Kaya tinapangan ko hindi ako
sumuko dahil alam ko na kaya ko.

Roel: Balik na po tayo sa kwento

Scene 10~

( Sa Room ulit ganun pa rin siya tahimik at walang kausap)

Teacher: Okay Guys before we start our discussion meron ba ditong gustong sumali sa BSP?

Teacher: Anyone?

(Other Classmates nagtaas ng kamay)

Jessica: (Nagflash Back sa kaniya ang sinabi ng kaniyang Nanay at Tatay)

Jessica: Sir ako po Teacher: Are you sure Jessica ?

Jessica: Yes po

Teacher: Okay mamayang hapon we'll be having our Orientation so please come

Scene 11~

( Sa laboratory may mga kasamang ibang bata karamihan ay lalake at 3 lamang silang babae )

Jessica:Pumasok sa Loob mg laboratory napahinto dahil puro lalaki

Other Boys Bumubulong: Sure ba siya? Kaya nia ba to? Hindi ba sia mapapagod? Hindi ba sia
masasaktan dito?Magaling ba yan

Jessica: (Voice Over) (Lalake lang sila parehas lang kaming tao kung kaya nila kaya ko rin)

Scene 12~

(Sa bahay nila kinuwento nia na sumalis sia sa BSP)


Jessica: Nay sumali ako ako sa BSP

Nanay: Ha,eh diba babae ka ?

Jessica: Oh eh ano ngayon Nay patutunayan kong kaya ko rin ang ginagawa nila na lalake

Nanay: Nako pag nalaman ng Tatay mo yan tiyak na magagalit iyon,baka sabihin ma.niya pa ng tomboy

Jessica: Ewan ko lang nay,pero sana hindi siya magagalit

Scene 13~

(Hapag Kainan kumakain ng Hapunan)

Jessica: Tay sumali po ako sa BSP

Tatay: Ha ? Bakit eh babae ka

(Tumingin si nanay kay jessica na ngangamba habang nakayuko si Jessica)

Jessica: Bakit Tay eh parehas lang naman kaming tao kakayanin ko kung ano ang kaya nilang gawin

Tatay: Bakit lalake ka na ngayon ?

Tatay: Pag iisipan ko muna

Jessica: Talaga tay Maring salamat po !

(Nagyakap yakap silang nakangiti)

Scene 14~

(Back to Present)

Julius: Ma'am pinayagan ka niyang sumali ?

Ma'am Jessica: Oo pinayagan niya akong sumali sa BSP hanggang sa....

Scene 15~

(Activity nila sa BSP)

(Nag activity sila hanggang sa mapatid at madapa si Jessica at nagkaroon ng sugat sa paa)

Limuel: Ayan na nga ba ang sinasabi ko bakit kasi may babae pa dito ?

Christian: Oh ayan natalo tayo,Dahil sayo Jessica


James: Hindi mo kaya ang ginagawa namin tandaan mo yan

SCL: Oh ayos ka lang ?

Jessica: Nanlalabo paningin at hindi makatayo at naramdaman niya na lamang na nahukog na siya sa
SCL nila

Scene 15~

(Sa bahay nila pinakita niya ang kaniyang sugat sa kaniyang nanay at ginamot nila ito)

Nanay: Ano yan Jessica ? Napano ka ?

Jessica: Nadapa ako Nay Jessica: Sa activity namin kanina sa BSP

Nanay: Halika halika gamutin natin

(Habang ginagamot iniisip nia ang kaniyang Leader biglang magugulat sa kaniyang Tatay)

Tatay: Oh ano yan ?

Jessica: Sugat po

Tatay: Napano ka ?

Jessica: Nadapa po kanina sa BSP

Tatay: Nako sinasabi ko na nga ba eh

Tatay: Bukas wag ka na sumali diyan

Jessica: Pero Tay

Tatay: Basta Hindi !

Jessica: (Umiiyak sa kwarto nila at kinuha ang kaniyang ipon)

Jessica: Kasya na kaya ito pambili ng uniporme ko sa BSP

Nanay:(Narinig ang anak niya at binigyan nia ito ng isang daan)

Nanay: Oh ito idagdag mo,itayo mo ang bandera ng kababaihan sa Scouting

Jessica:Maraming salamat Nay !


Scene 16~

(Sa School nila may assembly ang BSP )

Jessica:(Tulalang nakikinig at nagpapantasya sa SCL nila)

Bernardo G. Hernandez (Kaibigan na nakilala sa Scouting):Oh Jessica sinong tinitingan mo si SCl ba

Jessica: Hindi no !

Bernardo: Ayyysus napapansin ko un sayo simula noong nadapa ka

Jessica:Hay nako ewan ko sayo

SCL: (PUMITO, TIWALAG NA!)

Jessica: Naglakad mag isa at iinisp ang salitang Brotherhood

Scene 17~

(Sa Room dahil sa kaniyang inspirasyon ginalingan niya na sa kaniyang klase at makalipas ang isang
buwan ay nakapasok n siya sa Ranking)

(Pinapakita ung recitations niyanakukuha sa Quizzes,Pagrereview niya)

Jessica: (Dali daling umuwi at pinakita sa kaniyang Nanay na siya ay Nag Rank 6)

Scene 18~

( Back to Present )

Roel: Dahil po ba sa Scouting ginanahan na kayong mag-aral

Ma'am Jessica: Oo kasi marami akong natututunan doon sa bawat activity namin may nakukuha akong
aral tulad ng Kooperasyon at Pagiging matiyaga sa aking bawat gawain at dahil nandoon ang inspirasyon
ko

Mike:Naging kayo po ba SCL niyo ?

Ma'am Jessica: Masasabi ko na... noong mga araw na iyon ay wala pa kami sa tamang edad at hindi pa
ang tamang panahon para sa aming dalawa.

Scene 19~ (Dumating na ang araw ng Investitute Ceremony nila at si Jessica ay tuwang tuwa dahil
masusuot niya na ang pulang Panyo sa kaniyang leeg)

(Shots or Videos about the Ceremony)


Scene 20~

(BSP assembly nagpupulong about sa nalalapit na Jamboree)

(Nagdidiscuss si SCL about sa camping at naghahanap mg mga kasali)

Jessica: Ako po sasali ako sir

Christian:Nako wag na pabigat ka lang doon lalo na at babae ka pa !

James:Kaya nga HAHAHAHAHA walang baboy na nag cacamping

Jessica: Oo babae ako pero hindi ibig sabihin noon kaya nio na akong maliitin hidni dahil sa itsura ko
kundi sa kasarian ko hindi naman hadlang ang pagiging babae o lalake sa Scouting nasa puso mo iyan
kung lahat ng iyong bagay ay gagawin mo ng may puso lalake ka man o babae magagawa mo yan kahit
Bading o Tomboy pwedeng sumali sino ba sila kapwa tao rin naman kapwa nabubuhay at kapwa Scout.

(Natahimik sina Christian at James)

Scene 21~ (Bahay nina Jessica)

Jessica: Nay sumali ako sa Camping

Nanay: Wala tayong pera nak

Jessica: May natatago pa naman akong pera jan nay

Nanay: Para un sa Pambili mo ng sapatos mo diba

Jessica: Nay,kahit anong material na bagay hindi matutumbasan ang Damit pansamantala lang yan
samantalang ang Scouting pang matagalan Once a Scout,Always a Scout nga po diba.

Nanay: Ikaw bahala nak,magpaalam ka na sa Tatay mo

Tatay: Diba pinaalis na kita jan,tapos ngayon sasali ka ?

Jessica: Tay ngayon lang isang kahilingan na po ito para sa akin masayang masaya na ako

Tatay: Hmmm...

Jessica: (YUMUKO)

Tatay: Dahil naging mabait ka naman at sumusunod ka sa amin at dahil ikaw ay nasa ranking na

Tatay: Gantimpala ko sayo ang pagsama sa Camping

Jessica: Talaga po ?

Tatay: Oo nak
Jessica: Maraming salamat po

Tatay: Oh ano pa hinihintay mo mag empake ka na

Tatay: Narinig ko kayo ng Nanay mo na naguusap na itayo ang bandera ng kababaihan oo nga naman
nak tama kayo doon.

Scene 22~

(Sa Camping)

( Si Jessica ay laging nangunguna at nananalo sa mga aktibidad siya ang laging nananalo at natatalo niya
pa ang mga lalake)

(Videos of her doing Activities)

Andrei (ASCL): Sir good morning sir! (nag salute sa SCL).

SCL: Carry on. Anong problema Andrei?

Andrei: Sir nagpapatawag po sa grand arena ng isang represtative bawat outfit.

SCL: Sige, maghanda na lang kayong lahat para sa bench yell mamayang gabi. Ako na lang ang pupunta,
pakisabi na lang kina Sir Domingo kapag hinanap ako.

Andrei: Sir yes sir!

(Samantala, ang ibang kasamahan ng outfit kabilang si Jessica ay nasa activity area para sa mga module)

Jessica: Pagod na ako, maupo nga saglit.

(Umupo si Jessica sa ilalim ng malaking puno, hindi niya napansin na dahil sa pagod ay nakaidlip siya.
Maghahapon na ng siya ay magising at mukhang hindi siya napansin ng mga kasamahaan sa outfit kaya
siya ay naiwan ng mga ito.)

Jessica: Naku po! Mukhang mahihirapan akong makabalik sa camp sight, malayo at magdidilim na.

(Ngunit dahil sa laging handa ang mga BSP naalala ni Jessica na may emergency flashlight pala siya sa
kanyang bag)

Jessica: Tao po! May tao po ba riyan?

(May kaluskos na narinig, nagpalinga linga sa paligid)

Jessica: Sinong nandiyan—Althea! Anong nangyari?!

(Nakita ni Jessica si Althea na kasamahaan nila, si Althea ay kapatid din ng kanilang SCL. Mukhang may
bali ito sa kaliwang paa)
(Ginamit ni Jessica ang kaalaman sa pagbibigay ng paunang lunas sa biktima, ito ay natutunan niya sa
advancement nila sa paaralan. Nagtagumpay naman ang nais ni Jessica, naagapan ang bali ni Althea)

Althea: Hinahanap ko kasi kanina si Kuya kaso may malalim pa lang hukay sa banda roon at hindi ko
napansin. Salamat Jessica.

Jessica: Kahit sinong mabuting tao ay gagawin ang ginawa ko. Isa pa, isa ito sa natutunan ko sa scouting.
“To serve other people at all times.”

(Ligtas na nakabalik ang dalawang dalaga sa Camp sight)

SCL: Maraming salamat Jessica.

Jessica: Walang ano man po, sir.

(After 3 days)

( Closing Ceremony )

Outfit Advisor: Ok bago tayo maghiwa hiwalay ano ang natutunan niyo dito sa Camping ?

Outfit Advisor: Anyone,Ok Jessica

Jessica: Ang natutunan ko sa Camping na ito ay ang Kooperasyon ng bawat isa,ay ang magtutukak sa
atin sa Tagumpay, kung tayo ay magtutulong tulong at may puso sa ating bawat ginagawa tayo ay
magtatagumpay babae ka man o lalaki walang pinipiling kasarian ang Scouting, ang scouting para sa
lahat lalo na sa aming kababaihan dahil marami ang natatakot sumubok sa Scouting dahil sa aming
kasarian na kami ay babae at kayo ay lalake We can do it because a Girl should be two things,who and
what she wants,Kung kaya ninyo na mga lalake kaya rin naming babae ito ang aking iiwan na salita
"Scouting do not define your gender,it defines what can you do with god and purely with your heart"

(Nakita sa mga mukha ng mga nambubully kay Jessica ang paghanga ngayon sa kaniya. Nagpalakpakan
sila)

Scene 23~

(Black)

(Voice Over)

(Dahil sa pagsisikap ko sa pag-aaral at sa mga aral na tinulong sa akin ng Scouting isa na ako ngayong
ganap na guro na nagtuturo sa isang Pang mayamang eskwelahan nakapagpatayo na rin ako ng aming
malaking bahay at napagaral ko na ang aking mga kapatid....)

Shutter Sound ( Graduation Picture )

Scene 24~
(Back To Present)

Mike: Ang ganda naman po ng story pala ng buhay niyo

Ma'am Jessica: HAYYY napakasarap balikan

Mike: Ngayon Gets ko na kung bakit marami ng babae ang gustong maging part ng BSP. Dahil po sa mga
katulad ninyo maam. Sa kabila ng pagaalinlangan sa kasarian napatunayan niyo po na kaya niyo at
kakayanin ng mga kababaihan.

(Ngumiti lamang si maam Jessica)

Julius: ehh ang lovelife niyo po ?

Ma'am Jessica: Ahh—

Baritonong boses ng lalaki: Maam?

(Napasilip sa bintana si Maam Jessica, pumasok ang isang makisig na lalaki na kasingedad ni Maam
Jessica)

Estrangherong lalaki: Maam. Andiyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap sa labas.

(Ngumiti si maa Jessica ng matamis sa lalaki.)

Maam Jessica: Scouts, ang aking matalik na kaibigan, SCL, at asawa. Si Sir Miguel Samonte.

Julius, Mike, Roel: Sir good morning sir!

Sir Miguel: (medyo natawa) Good morning scouts (nag salute)

Roel: Tumila na po ulan makakauwi na po kami

Ma'am Jesica: ay oh siya sige mag-iingat kayo ha

3 of Them: Opo paalam po

Sir Miguel: Ingat scouts!

(Camera Aakyat sa Clouds,Bababa sa Investiture Ceremony na ng Tatlo )

(Last Shot~ Naglalakad ung tatlo na naka Neckerchief)

(Tataas Camera)

You might also like