You are on page 1of 12

AI Props: Maleta

Anak script

Directed by: Rosy B. Quintos; story by Ricardo Lee and Raymond Lee

Characters:

Shaira as Josie

Blessy as Carla

Ren as Michael

Nerissa as Daday

Aries as Arnel

Jellai as Kumare 1

Villa- Kumare 2

Renaly as Kumare 3

Nantes as Norma

Rudy- Francis

Dev as Bryan

Precious as Amo na Girl

Aries as Amo na Boy

Michael as Arnel

Althea as Lyn

Jasmine as Mercy

Narrator: Hongkong, isa ito sa mga lugar na dinadagsaan ng mga Pilipino, kasi naman kahit saan mo
tingnan talagang mas malaki ang kikitain dito kaysa duon saatin. Mabuti nalang uuwi na ako, matagal
narin mula noong huli akong umuwi ng Pilipinas, 6 na pasko, 6 na bagong taon, 6 na birthday ng mga
anak ko ang pinalampas ko.

(naglalakad si Josie/Shaira sa airport may dalang maleta)

Arnel (Aries): Josie!

Josie/Shaira: Arnel

(Nagyakapan)
Arnel: kamusta kana?

Josie: eto mabuti, ikaw ba?

Arnel: ayos lang din (tuwang tuwa tone)

Josie: yung mga bata ba? Ung mga anak ko?

Arnel: Uh. Ayon o!

(Itunuro ni Arnel si Michael at daday)

Arnel: hindi mo sila ba nakilala?

Josie: Michael? Ikaw na ba 'yan?

Josie: Ang laki-laki mo na, di kita nakilala. Sus ka gwapo naman ng anak ko.

(Ngumiti si Michael, ngunit si Daday nagtago sa likod niya)

Josie: (to daday) Ang baby ko. Anak ko halika na dali:

Josie: Daday ikaw na ba yan? Ikaw na ba yan anak? Sus ang ganda-ganda mo na. (Nagyakapan sila at
inayos ni Josie na buhok ni Daday) Arnel: (dala-dala ang maleta ni josie) oh tama na muna 'yan. Umuwi
na tayo

Josie: Si Carla pala, asan ang ate niyo?

Arnel: Ah Josie, hindi na sumama si Carla kasi e... may exam siya ngayon

Josie: ah ganun ba? O sige tara na, umuwi na tayo.

SECOND SCENE: WELCOME PARTY

NI JOSIE

Characters: Josie, Arnel, Michael, Daday, Norma (kapitbahay), Arnel

Props: Speaker (para sa sounds), lamesa, fake food, namimigay mga pasalubong (damit, rubber shoes,
stuff toys)

Narrator: Pagkarating nila sa bahay


KARATING NINA JOSIE SA BAHAY, SINALUBONG SIYA NG MGA KUMARE NIYA AT HININGAN NG
MGA PASALUBONG

Kumare 1 (Jellai) : Josie! Kamusta naman ang buhay sa ibang bansa? (excited)

Kumare 2 (Renaly): Oo nga mare! Baka naman may pasalubong ka diyan?


Josie: Hay naku, kayo pa ba? Siyempre meron ako pasalubong para sainyo. Sandali kunin ko. (punta sa
may maleta) Dito kayo, pumili kayo dito. (maghanap ng mga gamit sa maleta)

Kumare 3 (Villa): Kumare baka naman may mga branded kang damit diyan?

Josie: Aba siyempre meron, eto isukat mo to. Satingin ko kasya mo to. (may hawak na damit)

Kumare 1: May chocolate kaba diyan mare?

Josie: Oo meron, eto oh mga toblerone.

Kumare 2: O mga bag? May naiuwi kana man ba?

Josie: Ay jusko ang dami, eto pumili ka.

O teka sandali, may ibibigay ako sa mga anak ko. Basta pumili nalang kayo diyan. (kunin ang mga regalo
para kay Daday at Michael) Day, dito ka anak may ibibigay ang nanay. (nahihiya si Daday at naka kapit kay
Norma)

Halika anak, eto o sikat tong laruan na to sa Hong Kong. Tawag sakanya Kermit. (kunin ni Dada yang
regalo at tago ulit sa likod ni Norma) (kunin ang mga regalo para kay Michael) Michael, anak eto o libro
para makatulong sa pag-aaral mo. At eto naman basketball shoes, para kapag nag b-basketball ka.
Michael: Ah nay... hindi po ako naglalaro ng basketball.

Josie: Ay ganun ba? Anung nilalaro mo?

Michael: Chess po.

Josie: Kung ganun, maisusuot mo naman to pag nag ch-chess ka. O diba ang angas mo nun? (matatawa si
Michael)

Mga kumare ko! Eto nga pala ang anak ko na si Michael, alam niyo ba na sa buong angkan naming siya
lang ang nakatungtong sa private school. Scholar din siya!

Mga Kumare: Ang galing naman! (Naka akbay si Josie kay Michael)

Norma: ang sweet naman! sana ganyan din kami ng mga anak ko!

Mga Kumare: Osya mare, alis na muna kami. Salamat sa mga pasalubong! Josie: Osige sige, walang
anuman. (plays Anak by Freddie Aguilar) mag isa nalang si Josie.

Josie: Anlaki na talaga ng mga anak ko parang kalian lang (sinabi niya sa sarili niya in malungkot na tone)
[Interlude] Props; Mic, table, nakapambata suot si Carla at Michael.

Rudy and josie singing Bato sa buhangin back to back

[Next scene flashback sa hongkong]

MAY DALAWANG BAG ANG DALAWANG AMO KASAMA YUNG ANAK NILA

Amo (Aries): Josie, we will have a vacation for four weeks. You take care of everything here. Josie:
Ma’am, Sir what about my vacation? B: no! no! you stay here. Josie: Ma’am, Sir you promised!
Amo (Aries): Just for four weeks okay?

Amo (Aries): I will bring your passport! You eat! G. AMO: feed the birds! Josie: Ma’am, sir! Have pity
naman!

(nakauwi na ang mga amo, at may sulat si Josie na nagpapatungkol sa lagay ng asawa| hagulgol)

(josie wailing)

Amo (Aries): Josie what happen?

(josie cry cry padin huhu so sad)

START NG VOICE OVER NI CARLA [voice over: Nasan ka nong mawala ang itay? Nasan ka ng nakaburol
siya? Nag nanay-nanayan sa di mo naman anak, samantalang kaming mga anak mo di mo inaalagaan. Di
mo man lang magampanan responsibilidad mo sa amin. Sana di kana nag-anak kung ganito din gagawin
mo.]

Next scene

Bryan: naglalakad (may dalang libro)

Carla: gusto mo daw ako? Cute ka naman.

Bryan: ahh... ehh...


they kissed

Carla: Boyfriend na kita ah?

Next scene
Papasok si Josie sa kwarto ni Carla

(nakahiga si bryan walang damit)

Josie: Carla eto na yung--- AY NAKO LALAKI BA YAN?

Bryan: hello po tita nakahiga at nakakumot

Next scene

(Nakaupo si Bryan at pinaghapag siya ni Josie| Mataray si Josie)

Josie: Tsokolate?

Bryan: Hindi na ho.

(Nilagyan ng tsokolate ang baso ni Bryan)


Alam ko po mahirap po para sainyo na paniwalaan ang sasabhin ko. Pero wala po nangyari saamin.
Malinis po ang intension ko sa anak ninyo. (Tinignan siya ni Josie) Next scene Pauwi na si Carla nang
Makita niya na inihatid ni Bryan ang kanyang ina gamit ang taxi

Bryan: Ikaw si Michael? Ako si Bryan.

Michael: Ikaw ba yung boyfriend ng ate ko?

Bryan: Ah... oo ako nga yata yun.

Michael: Halika pasok na tayo.

Mercy: Alam na alam niya yung pasikot- sikot sa Manila kaya hindi kami na traffic, hindi ba?

Lyn: Oo nga, pasadong-pasado samin.

Carla: Pasado saan?

Lyn: Kasi sabi niya, kailangan daw niya ng extra income. Kaya kinuha naming siyang driver ng taxi. Carla:
Ano?!

Next scene (Nag aayos ng gamit si Josie sa kusina at pumunta naman si Carla sa tabi ni josie na may
hawak na baso)

Carla: Gusto ko lang ipaalam sayo na hindi mag re-report si Bryan bukas.

Josie: May usapan na kami ah. Yan ba sinabi niya sayo?

Carla: Hinde, pero yun ang sinasabi ko sainyo. Hindi mo siya driver. Boyfriend ko siya.

Josie: Kaya nga gusto ko siya makilala eh, dahil kung makakasama mo siya habang buhay, dapat lang na
makilala ko siyang mabuti.

Carla: Hindi habang buhay ko siya makakasama.

Josie: Kung ganun hindi mo dapat siya inuwi dito. (pause... tumingin kay carla) Nagkakaintindihan ba
tayo? (seryoso)

Next scene Sigarilyo scene (Pumasok ng kwarto si Josie at nakitang nag sisigarilyo si Carla)

Josie: Penge nga. Nagulat ka no? Gawain ko to sa Hong Kong, lalos na pag winter. Wala kasing heater
kwarto ko eh. Si Bryan?

Carla: Wala na kami.

Josie: Ganun lang binreak mo na?

Carla: Oo, ganun lang. Basta ayoko na. Boring eh.


Josie: Baket? Porke mabait ang tao boring na?

Carla: Pag sobrang bait, oo nakakasuka.

Josie: Ang type mo pala may pagka barungbado. Pareho pala tayo. Kaya na in love ako sa tatay mo eh.

Carla: Ang tatay? Barungbado? Mahirap atang paniwalaan yun. (matatawa si Josie habang humihithit ng
sigarilyo)

Josie: Ay nako wala kang alam. Nung binata pa ang tatay mo, ay jusko napakaraming bisyo. Alak, sigarilyo,
sugal. Inaabot nga ng magdamag yan sa bilyaran eh. Pero tumino siya nung nakilala niya ako.

Carla: Kaya nung tumino sya, nawala ang pagtingin mo sakanya.

Carla: kaya ka nga nag abroad para takasan sya diba?

Josie: kaya ako umalis para sa kapakanan ninyo. Carla alam mong hindi totoo yan, ang rason bat umalis
ako dito sa pinas ay mabigyan kayo ng magandang buhay.

Carla: Umalis kalang para mabili mo ang mga gusto mo na hindi kayang ibigay sayo ng itay.

Josie: Carla please, Carla mahal ko sya. Kahit kailan di magbabago yun hanggang ngayon.

Josie: Bakit ako ang pinagbibintangan mo ha? Bakit magmula ng dumating ako rito, sobra-sobra ang galit
mo sakin ha. Anu ba ang kasalanan ko sayo? Sabihin mo nga. Deretsahin mo nga ako!

(mag w-walk out si Carla, mag s-sorry si Josie) Carla, I’m sorry nasigawan kita... anak please mag usap
naman tayo ng maayos o. Isipin mo na ang lahat pero wag na wag mo iisipin na hindi ko minahal ang
tatay mo, hanggang ngayon mahal na mahal ko siya.

Carla: Kaya ba hindi ka umuwi nung mamatay siya? (Tuluyan nag walk out si Carla)

Next scene *Lalayas si Carla, at tatanungin siya ni Michael kung saan siya pupunta, ngunit binigyan
lamang niya ang kapatid ng address kung saan siya pupunta. At naaalagaan. (punas ng luha gamit ang
panyo)

Kung alam lang nila yung hirap na dinanas ko, Anung klase ng impyerno ang buhay ko, pero tiniis ko yun
para sakanila, tapos ganito ang igaganti sakin, mali ba ako? (may galit/gigil)

Mercy: Hindi, hindi ka mali.

Josie: Yun na nga eh, kasi sakin tama ako dahil kung hindi ko ginawa yun san naman kami pupulutin.
Wala akong pagpipilian eh.

Mercy: Oo nga! Ikaw na nga itong nagpapakahirap para sakanila no. Tapos dun sila sa tatay nila umaasa.
(gigil)

Lyn: Yung tatay nila dino-diyos nila, eh wala naman pakinabang dun. Kung di pa ikaw eh. (may inis) Bat
kasi di mo pa sabihin ang totoo?

Josie: Yun ang di ko magagawa kahit kalian, na sirain ko ang tingin nila kay Rudy.
Lyn: Kaya ikaw lagi ang lumalabas na kulang-kulang, samantalang si Rudy laging tama, patay na pero
laging tama parin. Ay putanginang patay yan.

Next Scene

Josie: Sabi ng doktor nakunan ka, hindi ko alam na buntis ka

Carla: Di naman ito ang unang beses na nabuntis ako eh. Ang pinagkaiba nga lang, ngayon nalaglag yung
bata.

Josie: Bakit di mo sinabi sakin? Ang ibig ko sabihin bakit hindi mo isinulat?

Carla: Namputcha naman oh! (tumayo sya) eh ikaw nga mismo nagsabi sakin diba? Huwag ako susulat
kung walang magandang balita.

Josie: Ang gusto ko lang yung maalala ko na maliligaya ang buhay nyo dito, kahit nandudun ako,
mababawasan yung nararamdaman kong paghihirap ng buhay dun. (hawak sa dibdib)

Carla: Mahirap?! eh bakit pabalik balik ka dun?

Josie: Eh kasi

Carla: Huwag na! Gaano nyo ba kami kakilala? Si michael? Alam nyo ba na hirap yan makipag usap sa
mga kaedad nya? Alam nyo ba nung mamatay ang itay dalawang buwan halos hindi nakapagsalita yan?

Carla: Si daday? Anong alam nyo sakanya? Sa mga sakit at sugat na pinagdaanan nya? Wala pa syang
isang taon nilayasan nyo na sya. Ni hindi nyo narinig ang unang salita na binigkas nyan. (dinuro si josie)
kaya huwag mo sasabihin sakin na alam mo kung ano ang totoo at hindi totoo para samin dahil wala
kayong alam.

SIXTH SCENE: NATANGGAL SA

SCHOLAR SI MICHAEL

Characters: Teacher at Michael Props: chairs for classroom scene Settting: school

*/bell rings Teacher: Mr. Agbisit come forward... (galit tone)

Teacher: Nasaan ang nanay mo? nasa Hongkong pa ba? Michael: Nandito na po siya Teacher: Sinabi mo
ba sa kaniya na dahil may dalawang line of 7 ka sa final grade mo last year ay forfeited ang scholarship
mo. Sabihin mo sakaniya or else I’ll be forced to suspend you. Michael dahil may dalawa kang line of 7
last sem ay kailangan ka na naming suspendihin ang scholarship mo.

Next scene Benadette: Hi Michael, are you okay? Wag mo na pansinin si Madrid, ganyan talaga pag nag
m-menopause.

Benadette: Hindi mo pa pala nasasabi sa mother mo yung problem mo. (umiling si Michael) Benadette:
Bat hindi mo sabihin? I’m sure she’ll understand. Kung gusto mo tutulungan kita.

Michael: Wag na, thank you nalang.

Next scene Dahil sa suporta na natanggap ni Michael galing kay Bernadette, siya ay nagkaroon ng lakas ng
loob na sabihin kay Josie ang kanyang problema sa eskwelahan
Michael: Nay? May sasabihin po ako sainyo...

Nakadungaw sa bintana si Josie at napatingin kay Michael

Josie: Anu yun anak?

Michael: Alam ko po na hindi po ito ang tamang panahon... pero eto po... (inabot ni Michael ang sulat)

Narrator: Wala na sa plano ni Josie na muli pang bumalik sa Hongkong, ngunit noong malaman niya ang
sitwasyon ni Michael minabuti niya na makipag- sapalaran muli sa ibang bansa.

Next Scene (Josie and mercy nakaupo)

Josie: bakit ganon? Ang lalaki kapag binigyan nya ang pamilya nya ng pagkain, damit, bahay, tapos napag
aral nya yung mga anak nya. Agad sasabihin ng mga tao... Aba mahusay syang ama. Pero kapag babae ka,
kahit ibinigay mo na lahat ng yun sa mga anak mo, kasama pa pati puso mo at kaluluwa, parang hindi
parin sapat ang tawagin kang mabuting ina.

SEVENTH SCENE: CONFRONTATION

SCENE

Characters: Josie, Carla, Michael, Daday

Props needed: damit naibabato bato/ impake.

Setting: living room

(naiyak si Daday, habang may inaabot kay Josie)

Daday: Nay, huwag na po kayong umalis.

Josie: Kailangan anak e, babalik den ang nanay ha?

Michael: Day, halika na tulungan mo ako

Josie: Oh sige na, day tulungan mo si kuya Michael: (tinuturuan si Daday) balutin mo ‘yan,

(papasok si carla)

Carla: Oh? ba't biyernes santo mga mukha ninyo? Hindi pa ba kayo sanay? sanayin niyo na mga sarili
ninyo sa mga pangakong napapako, at sanayin niyo na rin ang mga sarili ninyo na wala tayong katulong
dito.

Michael: Ate, Tama na.

(pumunta si carla sa kusina)


Carla: Tortang talong lang ang ulam? hindi bale kapag nagpadala ulit ng pera, marami na ulit tayong
ulam, at hindi lang ulam ha, pati T-shirts, pabango, bags, sapatos-

Kuya: Ate Tama na, sabi eh.

Josie: Michael! Michael dalhin mo na si Daday sa kwarto, Sige na, anak sumama ka na sa kuya Michael
mo. pasok na sa kwarto, sige na anak.

Carla: pwede ba! Tigilan mo na nga ang pagtawag sa kanila ng anak! Ma-miss pa ni Dada yan, mawawala
ka rin naman.

Josie: ikaw lang naman ang hindi kumikilala sa aking ina eh.

Carla: ows? isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim na linggo, tignan natin kung hindi si Tita Lorna ulit ang
maging nanay niyan.

Josie: ano ba talaga gusto mo Carla ha? hindi ba ito ang gusto mo? pinagtutulakan mo kong umalis.

Carla: oo! at sana huwag kana bumalik.

Josie: bastos ka talaga noh! (Tapon damit sa mukha)

Michael: nay!

(Nag iimpake damit si carla)

Josie: ano? lalayas ka nanaman? Huh sige (tulungan maglagay ng damit sa bag ni carla) lumayas ka, layas!

Carla: talagang lalayas ako!

Josie: oo tuluyan mong sirain ang buhay mo! Sige layas! Magpakaboang ka sa bisyo mo, magpakasawa ka
sa mga luho mo!

Carla: talagang lalayas ako!

Josie: lumayas ka!

Carla: oo talagang gagawin ko yun!

Josie: magpabuntis ka!

Michael: nay tama na

Josie: tignan ko lang kung respetuhin ka ng magiging anak mo kapag asin nalang ang inuulam nyo, at
nagpapaka puta kana para may maisaksak ka lang sa sikmura nya!

Carla: kung magkaka-anak man ako! Sisiguraduhin ko na magkasama kami sa hirap at ginhawa ko siya
ipagpapalit dahil sa pera!

Josie: ang kapal ng mukha mo! (sampal) ang kapal ng mukha mo! (Sampal) wala kang utang na loob!
(Sampal) ikaw ang sumira ng buhay mo! (Sampal) Ang kapal ng mukha mo! (Sampal)

(Napaupo si carla sa floor magulo hair, pero may hawak padin damit) (daday umiiyak, hawak ni michael)
Josie: Kung ayaw mo sa akin! Ayaw ko rin sayo! (Dinuduro sa mukha ni carla) Sana hindi na lang ako ang
nagging ina mo, sana di rin kita nagging anak.

Josie: Ngayon kung iniisip mo na sana di ako ang naging ina mo, Sana maisip mo rin! Na hindi ito ang
buhay na pinili ko para sainyong mga anak ko. Kung iniisip mo na sana binalik nalang kita sa tiyan ko,
sana maisip mo din na ilang beses ko ginusto na di nalang kayo ipinanganak. Para hindi niyo maranasan
ang hirap dito sa mundo. (Upo si josie) Pero nandito na ‘ko at nandiyan kayo! Kahit nandito na ako, kahit
saang lupalop ng mundo, dala dala ko ang obligasiyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay
dahil magulang niyo ko! Carla: hindi mo ko naiintindihan! Hindi ko hiningi ang binigay niyo lahat sa akin!
kayo ang may gusto non! hindi ako!

Josie: dahil mahal ko kayo. (Iyak si josie dito) (tinignan si michael) Mahal na mahal ko kayo.(Tumayo)
ngayon sabihin mo sa akin, sinasabi mo na hindi kita naiintindihan? bakit Carla? ako ba inintindi kahit
minsan? Hindi!

Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihithit mo ang sigarilyo mo, habang nilulustay mo ang pera
na pinadala ko, sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis ko na hindi kainin para lang
makapagpadala ako ng malaking pera dito.

Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo natutulog, maisip mo rin kung ilang taon kong tiniis ang
matulog mag isa, habang nangungulila sa yakap ng mga mahal ko. Sana maisip mo kahit konti! kung
gaano kasakit sa akin ang mag- alaga ng mga batang di ko kaano-ano, samantalang kayong mga anak ko
hindi ko man lang maalagaan! Kung hindi mo kayang ituring ako bilang isang ina, respetuhin mo na lang
ako bilang isang tao.

Yun lang ang kailangan ko, yun lang Carla, yun man lang! (Daday takbo papunta kay josie niyakap)
(Michael nakatayo)

(Magpapatugtog ng kanta habang naiyak silang lahat) Song: Anak by Freddie Aguilar

EIGHT SCENE: CARLA AND JOSIE

BATI SCENE

(Josie nakaupo nag sasalamin) (lumapit si carla nagdadala ng kape)

Carla: Pasensya kana ha, siguro hindi ko lang talaga kilala ang sarili ko. Ang alam ko lang lumaki ako ng
walang umaakay sakin. Yung walang nanay na nagsasabi na magaling ako, (iyak) na maganda ako, na
espesyal ako. Mas malaki yung nawala samin nung iniwan mo kami. (Iyak) hindi kayang palitan ng kahit
anong bagay. Hindi kayang tumbasan ng pera.

Josie: (hawak hands of carla) naiintindihan kita anak. Naiintindihan kita. I'm sorry. (Carla iyak with hand
sa left eye) (tumayo si josie) (hug) (iyak) FINAL

SCENE(voice over) dear nay, kumusta na kayo? Nakuha nyo ba yung mga pictures ng first communion ni
daday? Ang cute nya noh (happy giggle) nay sorry kung nag iba yung tinta hah. Kulit kasi nitong si
michael eh. Kinuha yung ballpen ko. Susulat nanaman daw ng love letter kay bernadette. Ang sabi ko
nga, kopyahin nalang nya yung mga love letters sakin ni brian. Ang cocorny pero, tumatalab naman. Ay
may balita nga pala ako sainyo. Naglakas akong sumali sa essay writing contest sa school namin. Tungkol
sa overseas filipino workers, naalala ko nga kayo eh. Iyak tuloy ako ng iyak. Ayun hindi ko natapos. Kasi
nay, miss na miss ko kayo. Pero tatapusin ko parin yun nay, kahit wala nang contest. Ihahabol ko na
mapublish yun. Sa school org namin. Ang importante naman kasi talaga, mabasa ito ng marami. Kwento
mo yun eh. Kwento natin. Gusto ko sabihin na, higit sa sino man kaming mga anak mo at mga katulad
mo, ang unang unang dapat kumilala saiyo. Bilang mgatunay na bayani.

PROPS

1.Lamesa 4 (school)

2.Damit na assorted 5 per members.

3.Maleta or bag na malaki

4.Bag ni norma at carla -

5.Stuffed toys: -

6.Bote ng alak-

7. Sigarilyo, vape –

8.Tortang talong-

9. Chocolate-

10. Takip ng ulam-

11. Plato and baso -

12.Pancit canton-

13. Rock salt at tawas -

14. Libro -

15. Pitsel –

16. Spoon and fork –

17. Sapatos tyaka clingwrap –

18. Milo –

19. Lumang headphone –

20. Make up-

21. Speaker-

22. Lighter –
23. Kumot –

24. Tela sa table -

25. Passport-

26. Fedex letter –

27. Baby na stuffed toy –

28. Baraha –

29. Plastic sando bag (4pcs) –

30.

31. Polo -

32. blouse/palda -

You might also like