You are on page 1of 12

House music

Lights-off
Sandaling magkakaroon ng ingay sa kalsada ng mga naglalarong bata.

Eksena 1: Anak

(masayang tatakbo) Uy! Sali ako, kahit ako ang taya!

(Reaksyon ng batang inaasar, naluluha) bakit ayaw niyo ko isali?

(Kunwari'y may nagtulak, biglang mapapaupo)

Hindi totoo yan! (Nangingilid ang luha), Hindi ako abnormal)

(Yuyuko sa sahig, hihikbi) tatagal nang 2 segundo)

(Dahan-dahang babangon, magpupunas ng luha)

(Panatilihin ang emosyon matapos umiyak, malungkot ang tinig)

Palagi na lang ganito, tuwing sasali ako sa kanila kundi nila sabihing abnormal ka!!! ( tinig ng nang-
aasar) sasabihin nila , salot kayo ng pamilya mo ayaw namin sayo!!!

(tatayo, titingin sa manonood) Bakit ano bang mali sa pamilya ko? (tinig ng isang batang
nagtatanong)
(Lalakad sa harap nang tatlong hakbang)

Normal naman po ako, may nanay at may tatay ako.

(Mangingiti), sabi nga ni teacher, hindi lahat ng bata sa mundo eh may kumpletong pamilya. May
nanay na katerno mo sa pananamit at nagsusuklay ng buhol-buhol mong buhok (hahawakan ang
buhok), matapos maligo sa batyang ginagawang swimming pool kahit hindi pwedeng languyan.
(Masaya ang tinig)

Tapos may tatay na magbubuhat sayo sa balikat, wheee! ( tatakbo-takbo na parang lumilipad
airplane) na parang lumilipad. Tapos kapag magkasama kayo pakiramdam mo ligtas ka kasi para
siyang hari sa daan ( ngingisi)

Kaya ang swerte ko!! (Proud ang tinig)


Nung nadapa nga ako sa paglalaro (tatakbo at madadapa)

Nay!!!! Tay!!! (tinig ng batang nadapa), nandyan kagad sila para tulungan ako. Ansarap sa
pakiramdam.

(Dahan-dahang mauupo, tumatamlay ang tinig, unti-unting maluluha) bakit sila ganun? Lagi nila
akong tinataboy, lagi na lang nila akong pinagtatawanan.

Pinagtatawanan ba nila ako kasi , si tatay ang nagsusuklay ng buhok ko at katerno ko sa damit?
Dahil ba mas siga maglakad si nanay?

(Lulungkot lang ang tinig) May masama po ba kung iba ang nanay at tatay ko,sa 'nanay at tatay'
niyo?
Hindi po ba mas masama ang mang-away, ang apihin at pagtawanan ang kapwa mo? Diba mas
masama ang manghiya, ang magpa-iyak at ang manakit? O ayos lang iyon dahil sabi nga nila
abnormal ang pamilya ko? Bakit? Ano ba ang normal na pamilya?

( marahang hihiga sa gitna, animoy matutulog... Mananatili)

Eksena 2: Nanay ni Anak

Papasok uupo malapi sa anak na nakahiga.

(Gabi ang eksena)


(Hinihele ang anak at hinihimas sa ulo) Hmmm,hmmm,hmmm
(Malungkot ang tinig, nakatitig sa anak), pasensya ka na anak ha! Hindi ko ginustong danasin mo ang
ganito. Bawat araw kalbaryo sayo, nilalait ka at pinagtatawanan.

(Tatayo, lalakad nang tatlong hakbang tinig ng nagsisisi at may halong galit)
Kasalanan ko to, walang kasing busina, walang preno, Ayun naaksidente!

(Susulyap sa anak, kalmadong tinig) Oo, bunga ka ng aksidente, wala kami sa tamang pag-iisip nung
ginawa namin 'yon, na magiging bunga ka noon.

(Ngilid ang luha) Patawarin mo ko, hindi mo dapat dinaranas ang ganito. Kung pinalaglag na kita
noon tiyak baka sa ibang magulang ka na punta, mas magandang kapalaran at hindi sa katulad
namin .

(Susulyap sa manonood) Naalala ko nung gabi nagpunta ako sa ama mo at sabihin ang kalagayan
ko

(Tingin sa malayo, 2 segundo ang lilipas, tataakbo)

(magtutungo sa bahay nila Junior, pasigaw na tatawagin) "Junior!, andyan ka ba? Pwede ka bang
makausap? Pero walang lumabas na Junior. Tinext ko sia sabi ko, Buntis ako, buntis ako at ikaw ang
ama.
(Mapapaupo)
Hindi ko alam ang gagawin ko (emosyon ng naguguluhan, medyo natataranta), hindi ko naman
pinangarap to, ni minsan di sumagi sa isipan ko na magkaka-anak ako at tangina sa isang bakla pa,
na iba-iba ang kasama't kalandian tuwing gabi.
(tatayo, ipapakitang babalik sa kasalukuyang kausap ang anak, susulyap ito rito) Hanggang naisip
kong ipalaglag ka, uminom ako ng pampalaglag, pero lintik nak, mana ka sakin ang tindi mong
kumapit! (tinig lalaki).
(lalapit sa anak, tatabi muli) Tapos Nagpakita si Junior, sabi niya pananagutan niya ko, magiging
magulang kami sayo! Pumayag ako.
(mangingiti, unti-unting sisigla ang tinig) Siyam na buwan kitang dinala sa tiyan ko, mahirap, oo, pero
natutunan ko na tanggapin ka at mahalin ka. Nagsimula na kong magsuot ng bestida, binago mo ko,
ikaw ang anghel na dumating sa buhay ko.

(galit ang tinig, nalilingid ang luha) kaya napakasakit dito ( ituturo ang dibdib) masakit sa aking
nakikita kang nagkakaganyan, inaalipusta dahil sa amin. Putang ina kasi yang ama mo , sinungaling,
binigay nga niya ang pangangailangan mo bilang anak pero hindi niya kayang magpakaama at
kumilos na isang ama. Patuloy siyang nagiging baboy sa mata ng mga tao, at patuloy kang
tinitingnang salot ng marami.

(hihiga at aakapin ang anak) patawad anak, patawad,

Kung kailangan mong danasin ang mga ito, patawad kung hindi tama ang nangyayari sayo, patawad
na hindi sapat na magbago ako para matanggap ka ng ibang tao. Patawad at hindi kami sapat na
magulang sayo (naiiyak ang tinig)

Eksena 3: Tatay ni Anak

(nakikinig kay lura sa labas ng kwarto, gulat at nakatakip ang bibig)

(Walling hanggang makaupo), patawad anak, patawad (lura),


patawad kung may pagkukulang ako bilang isang ama. Hindi ko kayang kumilos na isang tunay na
lalaki. Sino ba namang mag-aakala na itong letyeng to eh (tuturo si junjun) tatayo't maghuhumdig din
pala kaya nang makapasok sa kweba, ayun nagbuga tuloy may nagbunga.

(dahan-dahang tatayo papunta sa mesa) Kasalanan ko ba talaga? pero nagkasundo naman tayo
Dang diba? Pananagutan ko pero hindi mo ko itatali. (Malumanay na tinig) Nakatikim man to ng
butas, yung mahaba pa rin yung hanap-hanap ko.
Naguguluhan din ako (tinig ng naguguluhan) Akala ko kapag ibinigay ko yung mga pangangailangan
ni (Faj) pera, oras, pagkain at ganda eh sapat na...

(Galit na tinig, padabog na hahampasin ang mesa) Ano pa bang gusto nila? Hindi ba nila
naiintindihan na ganito na ko mula dati pa. Masisisi mo ba ko? masisi ba nila ako?

Bakit ung iba brusko, matipuno, tunay na lalaki pero kahit kailan hindi naging ama.

Hindi ko kayang maging lalaki, (tinig ng naluluha) kasi hindi ko naman alam kung panong maging
ama na kagaya ng isang tunay na lalaki. Yung tatay ko? walang alam na gawin yun kundi ang
bugbugin ako, sampal-sampalin ako...
(Mapapabalikwas, ihahawang ang kamay) siyang pagmamakaawa ko, "tay! Tama na tay! Masakit,
tama na po, tama na tay!" ...
(tinig ng nasasaktan) Masakit na araw-araw na lang na pinamumukha niya sakin na ayaw niya sa
isang gaya ko, na walang magmamahal sakin kahit ang sarili kong magulang, sarili kong pamilya.
Kung titigan niya ko parang gusto niya kong patayin, ako! na anak niya.

(tinig ng nagsisisi) Patawad anak, patawad kung ganito ako, patawad kung kailangan mong danasin
ang ganito araw-araw. Patawad kung hindi sapat ang mga ginagawa ko para sayo, para
mapagtakpan ko ang mga maling ginagawa ko ...Hayaan mo anak, hindi ko man magawang maging
isang tunay na lalaki, pipilitin kpng magbago sa paraang alam ko ititigil ko na ang panlalalaki,
pangako ko sayo yan anak dahil mahal kita!!!

Lalakad palapit sa mag-ina. Mabubuo ang unang tableu

Eksena 4: Tatay ni Bakla

(eksena sa bahay, lalakad papunta sa m.esa, ilalapag ang m.g a dalang gam.it)

(Magbubukas ng alak, at ihahanda ang mga gagamitin nang maririnig ang mga batang naglalaro ng
tentwenty sa labasan)

(padabog na tatayo, pupunta sa bintana, sisig aw), Hoy mga bakla kayo, doon kayo maghasik ng
kabaklaan niyo sa tapat niyo, huwag dito ( padabog na isasaraang bintana) bwiset na mga ito, mga
salot, mga malas.

(Babalik sa mesa)", galit ang tinig)


Putang inang mga salot at malas na yan sinira nanaman ang araw ko.
(Matatanaw ang larawang sa mahabang upuan, akap-akap niya kasi kagabi)
Kukunin ang larawan, at kakausapin ito)

Akala ko paglayas ng walangya kong baklang anak matatapos na ang bwiset sa buhay ko!

(Kakausapin ang larawan ng asawa).


Kasalanan ng baklang junior na yan kung bakit maaga kang nawala. (asawa niya), ( bahala kayo sa
emosyon) puro kahihiyan na lang abg ibinigay sa akin, ni hindi ko kayang magyabang sa mga
kainuman ko noon na may anak na lalaki at ang iba pa ay magpupulis daw. Ilalapag ang larawan,
(magsisindi ng sigarilyo kunwari at tatagay) dahil sa lintik na Junior na yan ! (Galit na galit na tinig)
nasira lalo ang pangalan ko, ang alyas ko na Berto kamao naging Bertong sumusubo. (Ihahagis ang
baso). Nagsisisi akong ipinanganak mo siya, (maluluha at aakapin ang larawan) nagsisisi ako sa
kanya, sana pala hindi ko binigay sa kanya ang pangalan ko kung magiging bakla rin pala.

Ano ba naman ang ginawa ko para danasin to? Dahil ba galit ako sa mga bakla, bakit yung iba
diyan... Ginusto ko lang ng buong pamilya may anak na lalaki o babae hindi ung salot.
Galit ang tinig, iiling-iling)

Buti na lang,.... kahit hindi ko inaasahan aba't may anak pala ako, nung isang araw ko lang
nalaman .........kundi pa kinailabgan ang dugo ko ng anak ko. ) huwag kang mag-alala hindi naman
ako nagtaksil sayo nung nabubuhay kapa, (insert taon) ka ng namatay nung nangyari yun, sabi na
nga ba bago kami maghiwalay ng ina niya't malamang buntis siya pakiramdam ko ako ang ama (tinig
ng masaya). Akala ko hndi na talaga ako magkakaanak dahil wala ng gustong pumatol sa akin dahil
wala akong maayos at magandang trabaho....makikilal a mo rin siya huwag kang mag-alala

(Tatayo, lalakd papunta sa kunwaring lugvar n a pagbabalikan sa larawan)

pasensya ka na ha (pangalan ng asawa nia, hahalikan ang larawan) kung kinailangan kong
maghanap ng iba, gusto ko lang magkaroon ng pamilyang tama!!!.

(Pupunta sa gilid n bahagi ni Bakla at titindig)

Eksena 5: Kabit ni tatay

Nasa ospital ( na-dengue ang anak, naiiyak pero may pagkamatapang ang tinig na nagpapaliwanag
kay -Renz)

Oo. Nagkaroon ako ng kabit. Si Berto na taga-iskwater. Ang baba ko na bang babae nun? Kinasal sa
isang may kayang lalaki tulad mo, pero pumatol sa isang mahirap at walang pinag-aralan. Sige lang,
husgahan mo ko. Ang tanga-tanga ko, bobo, makati, mahilig, prostitute, sabihin mo na lahat.
( nakatingin kay renz yan imagenary)

(Malaya sa an oman g pag galaw( Masisisi mo ba ako, kung kinailangan kong maghanap ng iba?
Tinanong mo ba ang sarili mo kung nagagampanan mo ba ang pangangailangan ko sayo bilang
asawa? ( galit na tinig) puro ka trabaho, puro ka pera. Nung umpisa, ayos lang dahil kailangan natin
ang pera para magkaroon ng maayos na pamilya. Nagtrabaho ka nang mabuti, kumita ng malaki
pero di dumating yung pamilya na pinangarap ko. Naging subsob ka sa trabaho at ako? Subsob ako
sa bahay at walang ginagawa. Simula nun naramdaman ko na, parang wala lang ako sayo, hindi ko
na maramdaman na asawa mo ako, kaya noon habang nagsisiping tayo, wala na akong gana,
mukhang ikaw na lang ata ang nagsasaya...

(malumanay na tinig na parang nagsisisi na hind, maluluhai) Minahal kita, totoo yun, pero hindi ka
sumapat, may pangangailangan ako sayo na hinanap ko sa iba. Kay Berto, na ama ni (lisao).

Oo, kasalanang ipaako ko sayo si (lisao) kahit hindi mo siya tunay na anak... Wala naman kasi akong
balak na magpabuntis kay Berto, bagkataon lang at nangyari at dahil wala kaming mapapala sa
kanya, maliban sa naibibigay niya ang kailangan ko

Ay nagawa kong magsinungaling.

Lalapit kay -Renz, luluhod, iiyak na may halong pagngiti)


patawad kung lahat ng sayang naramdaman mo nung malaman mong may anak ka ay nawala,
patawad kung lahat ng alaala mo sa kanya ay magbabago na... Pero kinailangan kong gawin yun
para mabuhay siya, alam kong naging masaya ka dahil nagbago ka pa nga diba naging buo tayong
pamilya. Pero hanggang dito na lang ang lahat ng yon. Dahil ang pamilyang buo na akala mo ay
huwad at puno ng kasinungalingan. ( sinasambit habang unti-unting napapalapit kay doldol at titigil
kahit anong pose)

Eksena 6: Asawa ni Kabit

(Uuwi ng bahay, tuliro naiiyak)ito


Ilalapag ang attachecase
Basta na lang uupo sa sofa at hahawak sa ulo

Bakit? (Nagpipigil ng galit), bakit? Kailangan g mangyari sa akin ito.


Naging mabait ako sa kapwa ko, sa pamilya ko, pero bakit? ( pasigaw na iiyak)

(change emotion bahala ka renz) Masaya ako kasi, may pamilya ako, may trabaho ako, kumikita ng
maayos at nasusustentuhan ko ang mga anak ko, isang hindi ko tunay na anak si Paolo, kasi anak
ng kapatid kong mag-isang itinataguyod ang mga anak, kaso nung lumipat sila ay nawalan na ko ng
time madalas na dunalaw at isang anak ko si Charie,( change emotion, tayo, at lakad ng ilang
hakbabg na parang tuliro)tunay na anak ko! Pero para akong gagong nagising sa matagal na
panaginip, o baka bangungot... Na dengue siya a
Aug 2, 2017 ·
Erden Gutierrez
at nang kailangan na niya ng dugo, hindi raw ako ang ka bloodtype niya, nagtaka ako at nagtanong,
inaway ko siya hanggang m.arinig ko sa kanyang mga bibig ( nababaliw na tinig, pabulong n a hindi)

Hindi ko raw talaga siya anak (naiiyak). Umamin na siya sakin, anak niya si Charie sa ibang lalaki.
Ang sakit.(mahabang katahimikan) Pano? Bakit?
Ano bang ginawa ko? Bakit ganito? Naghanap siya ng iba para ano? Ano bang pagkukulang ko
bilang asawa?
Masama ba na atupagin ko ang trabaho upang matustusan ang lahat ng pangangailangan nila?
Hindi ko alam. Gulong-gulo na ako.
(Pagalit na tanong) Ano ba ang totoo at ang kasinungalingang dito sa mundo?
(Change emotion) Pero ang alam ko, sa umpisa masaya naman Aang lahat. Isa kaming buong
pamilya na pinapangarap ng lahat. Ngunit nagbago iyon ng malaman kong may kabit ang asawa ko.
Masakit na kumandong siya sa ibang lalaki habang ako doon, tambak ang papeles at pagod sa
pagtatrabaho.
Tapos ngayon,malalaman ko na hindi ko rin pala anak ang anak ko.

(Ngingisi, na tatawa ) Pero di ba ako naman yung ama niya? (Titingin sa audience) Ako naman ang
nagpalaki sa kanya eh. Binigay ko naman lahat ng pangangailangan niya. Naging mabuti naman
akong tatay sa kaniya.
(Nag-uumpisa na siyang mabaliw)
Pero yung kabit ang ama niya. Hindi... Hindi…anak ko siya! Anak ko siya! Ako ang ama niya! Hindi
nyo siya makukuha! Buo ang pamilya ko, nasaya ang pamilya ko (Iyak tawa moment) Anak ko siya ,
ako ang ama niya! Ako lang! (Tawa)

(iiyak ang imahe malapit sa asawang si Kabet)

Eksena 7: Anak ni kabet

(Mapapabalikwas sa hospital bed, nanaginip nang hindi maganda), Mom! Mom! (Garalgal ang tinig
medyp takot, hinihingaL) nasaan kaya si Mama? Si Dad wala rin mag- iisang (1) linggo ko na siyang
hindi nakikita simula nang magising ako, an g lag ing sin aabi ni mom ni hindi dumadalaw, ganun na
ba siya kabisi?

(Babangon, tatapat sa may pintuan dahil may naririni sa labas), Si mama?


(Akamang tatawagin ng marinig ang salitang) , (gulat) anak nila? Who? May kapatid ako? May kabit
si mama? At whose in the mental?

(mabilis na babalik sa kama, m.agtutulog-tulugan) , nagtutulugtulugan ako, nang pumasok sila sa


room ko, I heard everything, lahat, rinig ko ng sambitin ng lalaking kasama ni mama na anak niya
ako. Paano?, bakit?

(Biglang tatayo), No, hindi mo ko anak ,anak ako ni Dad (Renz), cnu ka ba? Galit ang tinig , n agulat
sila at pinaalis ni mom. ang lalaki, inihatid niya ito palabas habang ako naiwang gulong-gulo.

(G ulongv-guli) Akala ko perpekto ang lahat, masayang pamilya, mapagmahal na mga magulang,
marangyang pamumuhay..... (Maiiyak) Pero isa lang pala iyong ilusyon, isang kasinungalingan(gali t
ang tin ig ) . Everything us a lie .....parang isang mahabang panaginip na puno ng saya , pero
nagising ako sa panaginip at ngayon bangungot ang kinakaharap ko, bangungot ng kasinungalingan
ng buong buhay ko.

(Nangangatal, hanggang muling maiyak)Hindi ko pala siya tunay na ama, hindi pala para sakin ang
mga ngiti niya, ang pagsuporta niya dahil para yun sa anak niya at hindi ako 'yon. Hindi niya ko
anak,, hindi ko siya tatay. Anong gagawin ko ngayon? Anong mangyayari? Kakamuhian niya ba ako?
Tatanggapin niya ba ako? Mananatili ko pa rin ba siyang ama?
Ang sakit dapat hinayaan nalang nila akong mamatay. Wala na , wala na ang saya, sayangv sa una
pa lang ay kasinungalingan langv lahat.

(lalapit sa amang baliw at hihiga sa may binti nito.)

Eksena 8: Pinsan ng anak ni Kabet. kapatid ni Tibo.

(.Kunawari nakaharap sa salamin at isinasara ang polo).

Loko un ha?, nagyon lang may naging interisado sa akin, ngayon lang may nagtanong nangganon,
karaniwan kasi itinatanong kung magkano ako?

(Uupi sa kama, magsusuit ng m edyasn), (maiisipan g m.agbibilang n g pera) ayos din , galante
naman siya , 4000 para sa 2 oras ginawa niyang 5000. (Ilalagay sa bulsa)...
Bakit kaya nagtanong yun?. Kinabahan ako, hindi ko alam kung pano ko sasabihin , kung bakit ako
nagkaganito ( titigil sa pag-aayos ng sarili, titingin sa manonood) paano nga ba?

(Tatayo, lalakd ng dalawang hakbang ) wala na kong tatay, iniwan kami nung maliit pa ko. Nung
simula ok pa ko, kasi may titong tumutulong sa akin noon, pero nagbago lahat nang mabaLiw siya
dahil sa problema sa pamilya. Siguro Nagkaganito ako dahil maaga akong n amulat sa mundong
walang pag-aaruga ng isang ama, at inang walang panahon para kumayod araw-araw.Naran asan ko
ang lahat ng bisyo, at dahil gwapo ako ( mayabang na tindig) nagbibigay ako ng sarap at ligaya. Pero
maliban sa sarap na naibibigay ko tingin nang lahat sa akin madumi ako.

(Maangas) wala naman akong pakielam, tama nman sila , madumi akong tao. Ayos lang, trabaho ko
to e, ito lang ang alam ko para buhayin ang sarili ko.

(Mayabang ang tinig)Diba nga dapat na magpasalamat pa sila sakin, dahil sa'kin, dahil sa mga
kagaya ko, nagmumukha silang malinis. Magagalit) pero sa totoo lang madumi rin naman sila e, kahit
anong tago nila n, umaalingasaw pa rin ang baho. Akala nila porque disente ang hanap-buhay ay
nangangahulugan na disente na silang tao? Nagkakamali slai nagkataun lang ako ang bayaran sla
ang nagbabayad.

hindi ko naman ka
Aug 2, 2017 ·
Erden Gutierrez
asalanan na nagkaganito ako!, (magwawala) bwisit na buhay ito!!! Kasalanan ng ama kong nang-
iwang sa akin sa nanAy kon g napabayaan ako, at sa isang kapatid kong tibo. Hinyaan niya kamin g
maGhiraPmaGhiraP...M ali ba na humiling ang isang kagaya ko? Mahirap bang ibigay 'yon? Ang
kailangan ko ay isang ama, ilang beses ko na nga iyong sinabi kay nanay. Pero di niya maintindihan,
hindi sia sapat. dahil sa isang pamilya hindi sapat na may nanay lang, kailangan ko ng isang ama.
Pero huli na e

. (MapaPaupo)

(Tiniig na m.alungkot) etionga aiguro ang kapalaran ko, kasi lahat n g ama na dumadating sa akin
nawawala, umaalis. Wlaa na ting nagbabagi, eto na ko,
(Tatayo malapit sa gilid ni Lura, titindig ng tila siga)

Eksena 9: Nanay ni Callboy at Tibo

(may sakit, nasa loob ng bahay). Babangon sa higaan

Uubo-ubo, (tatawagin ang mga anak) Dang?, Pao?

Araw-araw na lang ganito, naiiwan ako mag-isa dito sa bahay, uuwi ako galing sa paglalaba o
pagtitinda, wala akong maaabutan. Kung paano ko iniwan ang bahay na ito, ganon ko rin babalikan.

(Unti-unting babangon papunta sa may sala, sa mesa) Hindi ko naman sila masisisi, pero kailangan
ba naming magkaganito? Mahal ko kayo mga anaka kaya patawarin nio ko ( tinig ng naiiyak na may
sakit) Akala ko dati sapat na magulang na ko sa pamilya nating walang ama. ( Hijikbi, uubo) Umalis
siya, iniwan kayo, hindi niya kayo inisip pero ako pala yung hindi nakaisip na maghahanap kayo, na
sa kabila ng ginawa ng ama niyo, kakailanganin niyo pa rin siya.

(Nagsisisi, nanggigigil ang mga kamay) Ilang beses kong iniwasan yung mga tanong niyo na "Nay,
may tatay ba ko? Nay saan po si tatay? Bakit wala po siya dito?" Nasasaktan ako dahil wala kayong
ama at nasasaktan ako dahil hindi ako sapat.

naging subsob ako sa paghahanap-buhay nagkulang ako sa oras na maalagaan kayo

(Iiyak), nagkamali ako, napunta kayo sa maling bagay, ikaw Dang , naging tibo dahil ni hindi kita
naayusan para maging babae, at ngayon isa ka na ring ina. Ang bunso ko si Pao, dati hindi pqedeng
mawala ako sa paningin niya, pero ngayon, gustong-gusto niya kong mawala sa kanya. Ang hirap
(iiyak, mauubo), (pipiliting tumayo, malalaglag sa lapag, matatamaan ang mga kubyertos at kutsilyo)

Totoo pala na kapag bata pa ang mga anak, parang gusti mo agad na lumaki sila pero ngayon na
nakikita mong malaki na sila, hinihiling mo naman na sana maging bata ulit sila, na sa iyo lang sila
umaasa, ikaw lang yung palaging kinakapitan nila pag di na nila kaya. Sana bumalik ulit kayo sa'kin.
Pamilya tayo diba?

Pamilya pa nga ba? ( Mangingiti) , nakakapagod na, (kukunin ang kutsilyo) iniwan ng asawa, (unti-
unting itututok ang kutsilyo sa sarili, nangangatog) kapatid na inaasahan eh nawala sa katinuan,
panganay kong anak na biglangang nagkapamilya, at bunsong anak na napariwara, buhay na walang
sigla....(uubo).pami lyang buo...... (uubo) Na sira na ngayon.....(naluluha ).Dang, Pao...salamat,...
patawad,... paalam....

(Makabubuo ng malaking tableu ng magkakaugnay na kapalaran ng mga indibidwal )

You might also like