Professional Documents
Culture Documents
Roles
1. EDITOR: ESTAPIA
4. ANAK: JULIA
5. NARRATOR: ZAHRA
6. MAYOR: MECHAELLA
8. WORKMATE 1: ESTARDO
MOTHER POV:
Ganito lagi ang ginagawa ko, gigising sa umaga, magluluto, maglilinis ng bahay, mag- aalaga ng
anak at syempre papasok sa trabaho. Nakakapagod? Oo pero keri na din basta nakakaraos sa araw-araw
at kasama ang anak ko okay na yun. Bonus nalang din siguro, na may stable job ako sa panahon ngayon,
na halos lahat ng bilihin nagmamahal.
Mother: Kira kanina pa kita ginigising, ready ka na ba? Papasok na tayo mag aalas- siyete na malalate ka
na naman sa paaralan mo!
Anak: Ma, sandali lang eto naman nag mamadali, matagal pa naman yan, mag umagahan muna tayo.
Mother: Hay nako Kira! Kaya lagi ka napapagalitan ng teacher mo dahil sa ganyan mong ugali, bilisan mo
at para maihatid na kita at papasok na ako sa trabaho.
Mother: Kira umuwi ka nang maaga, wag ka na pumunta sa kung saanx, tumawag ka pag may emergency.
Bye, enjoy ka sa klase mo.
(NEXT SCENE)
(OFFICE)
MOTHER: Good morning Mayor, ito po pala schedule niyo ngayon araw. May meeting po kayo mamayang
10 am, then lunch with the farmers, and 3pm monthly meeting with the councilors.
MAYOR: Good morning Secretary Ann, yes I already checked my schedule before ako pumasok. Yun lang
ba talaga ang gagawin ngayong araw, parang may nakalimutan kasi ako, hindi ko lang maalala.
MOTHER: Yes Mayor, yun lang po ang gagawin niyo ngayong araw, pero mamayang gabi ay may dinner
po kayo with your family kasi birthday po nang eldest niyo.
MAYOR: Ayun hahhaa, salamat Ann. Sige paki handa na lang ng gagamitin at dadalhin natin para sa
meeting at paki handa na rin ng sasakyan.
(CLIPS OF WORKING)
MOTHER VO ONLY: Oo tama kayo, isa akong Secretary slash Bodyguard slash Driver ng Mayor ng Cebu.
Si Mayor Chairmaine Chavez, okay naman ako sa kanya mabait naman siya at kaya ko naman ang mga
pinapagawa niya kaya kahit na nagiging bodyguard at driver ako minsan ay okay na din.
(1 week later)
ANAK: Ten Minutes maa, madilim pa naman oh, di pa sumisikat ang araw.
(LOOB NG SASAKYAN)
MOTHER: oh anak, pumasok ka na, bakit di ka pa bumababa diyan. Malalate ako ng dahil sa iyo.
MOTHER: anong maaga? 15 minutes nalang at mag se-seven-thirty na. bilisan mo na jan.
MOTHER (PERO SA ISIP LANG SINASABI) VO: Hay nako talaga to si Kira, hindi na nasanay sa ginagawa
araw-araw eh palagi ko na nga siya hinahatid gamit tung service ni Mayor. Mabuti nalang talaga at sakin
ipina uwi ang kotse nakakatipid na din sa pamasahe at syempre na sisiguro ko na pumapasok talaga si
Kira sa paaralan.
(OFFICE)
Workmate 3: Uyy, alam mo ba nakita ko yung secretary ni Mayor na ginagamit yung sasakyan para
ihatid yung anak niya.
Workmate 3: Sa school mismo ng anak niya, diba sa private school naman yun nag aaral, highschool
Workmate 2: oo, nakikita ko din yun, araw – araw niya hinahatid ang anak niya gamit yung sasakyan na
dapat kay Major lang ginagamit.
Workmate 2: Oo, bawal yun kasi sa gobyerno naman yung sasakyan at sa taong bayan
Workmate 3: Sge, Mamaya nalang ulit nandito na si Ms. Ann baka marinig niya pa tayo, yari pa tayo sa
kanya.
Workmate 1: Good Morning Ms. Ann. Kararating niyo lang po? (workmate 1 is medyo kabado)
Mother: Oo, medyo traffic kasi, rush hour na rin kasi, kayo kararating niyo lang din ba?
Workmate 1: Opo, Ms. Ann. Sge po balik na po ako sa pwesto ko marami pa po akong gagawin.
(2 DAYS LATER)
Mayor: Secretary Ann, Magandang Umaga may urgent important meeting tayo ngayong pumunta ka na
sa office para malaman mo kung ano na ang nangyayari doon.
Mayor: Ms. Ann importante tong meeting na ito kailangan nandun ka para maasikaso ang mga
kakailanganin.
Mayor: Sge na mag kita tayo sa office, pumunta ka na wag mo na ako sunduin. Bawal malate Secretary
Ann, naiintindihan mo?
Mother VO: Kailangan kong ihatid si Kira, hindi sya sanay mag commute baka anong mangyari sa kanya.
Anong gagawin ko, kailangan ko din pumasok na ngayon kasi urgent important meeting yun dapat
nandoon ako para masulat ko ang mga importanteng detalye. Anong desisyon ang pipiliin ko? natatakot
akong mag commute si Kira, natatakot din ako na malate sa meeting. Kung hihintayin ko pa si Kira at
ihahatid siguradong malalate ako sa meeting pero nasisigurado ko naman na ligtas siyang pumapasok sa
paaralan, ngunit kung hindi ko siya ihahatid at papasok na ako sa office para sa urgent meeting ay hindi
ako papagalitan ni Mayor at hindi rin ako malalate. Ano, ang trabaho o ang anak ko?
(2 HOURS LATER)
Mayor: Thank you Congressman Ortega, salamat sa pag punta dito sa aming munting Lungsod hayaan
mo at sa susunod ay bibisita din ako sa inyo.
Congressman Ortega: Walang Anuman Mayor Chavez, pasensya na at biglaan itong pagpunta at
meeting natin ngayon.
Congressman Ortega: Sge, aalis na ako at may susunod pa akong meeting. Maraming Salamat ulit.
Mayor: Good Morning Secretary Ann, anong nangyari bakit ngayon ka lang?
Mother: Sorry po Mayor, kailangan ko kasing ihatid si Kira sa paaralan hindi pa sya gaano marunong mga
commute mag isa. Natatakot po ako sa kalagayan niya.
Mayor: Ngunit kailangan ka din sa trabaho mo, Pero teka napunta na din tayo sa anak mo narinig ko na
ginagamit mo ang saksakyan ng gobyerno para ihatid ang anak mo? Yun ba yung ipinaassign ko sa iyong
kotse?
Mother: Opo, Mayor Chavez. Inihahatid ko si Kira gamit yung kotse na ginagamit din tuwing may
meeting kayo sa labas.
Mother: Opo alam ko po, pero wala na po akong choice kasi walang maghahatid kay Kira, Single Mother
na po ako, wala akong ibang maaasahan sa kanya at sinasigurado ko naman po na nasa saktong oras po
ako kung pumasok, at syempre iniingatan ko po na hindi magasgasan ang kotse.
Mayor: Sge, balik ka na sa trabaho mo tatawagin nalang kita pag mag kailangan ako.
Mother: Sige po
(NEXT SCENE)
MAYOR: Kailangan na mahinto na ni Ms. Ann ang paggamit nang official car, at baka may ibang tao pa
ang maka pansin at maka alam nito. Naiintindihan ko si Ms. Ann dahil ina rin ako ngunit kinakailangan ko
maging isang Mayor sa pagpipili nang disesyon tungkol sa isyu na iyon. Kailangan kong kunin ang
sasakyan sa kanya para wala nang maging issue na kakalat at hindi na maapektohan ang mga tao dito sa
opisina ngunit nakakaawa naman ang kalagayan ni Secretary Ann kapag ganon, single mom na nga sya
mahihirapan pa sya sa pag pasok.
(NEXT SCENE)
Mayor: Ann, napagdesisyonan ko na kukunin ko ang sasakyan mula sa pagkakaasign sa iyo. Masakit man
para sa akin ito ngunit kailangan ko para na din iwas issue ka dito at para na din wala nang ibang taong
makakaalam na ginagamit mo ang kotse na dapat ay sa gobyerno at sa mga official business.
Mother: Okay lang po Mayor, nag papasalamat pa rin po ako dahil hindi niyo ako tatangalin sa trabaho.
Mayor: Ano? Hindi naman. May mga solusyon sa mga bagay-bagay, kailangan lang natin pag isipan
mabuti. Nga pala dagdag ko nalang din doon sa sinabi ko kanina. Kukunin ko ang sasakyan pero bibigyan
kita ng 10- 15 minutes time para maihatid mo ang anak mo bago ka pumasok dito, pansamantala lamang
ito hanggang sa natuto na mag commute mag-isa si Kira.
Mother: Salamat nang marami, Mayor. Promise po pag bubutihin ko ang akong trabaho at sisiguraduhin
ko na hindi magiging sagabal ang paghatid ko kay Kira sa Paaralan.
Mayor: Walang anuman, at sana wag na maulit na malate ka sa isang importanteng meeting.
Narrator VO only: Hindi naman natin makakaila na nararanasan natin ito araw-araw, kung hindi man sa
atin siguro ang ibang tao. May mga bagay na kailangan natin pag-isipan bago gagawa nang desisyon.
Ang palabas na isinabuhay at ipinakita ay halimbawa ng etiko sa gobyerno na kung saan ay isang
manggagawa ay ginagamit ang official car or sasakyang pang gobyerno upang ihatid ang kanyang anak
sa paaralan araw-araw.
Para kay Secretary Ann, mas pinili niya ang kapakanan ng kanyang anak kesa sa kanyang trabaho kahit
pa ginagamit na niya ang sasakyan ng gobyerno para sa kanyang pansariling kapakanan. Ang importante
ay ang kanyang anak kahit ano pa, ang ibang mga dahilan.
Para kay Mayor ay kinakailangan niya isipin ang kapakanan ng lahat bago sya gagawa nang desisyon.
Inuuna niya muna ang kapakanan at sasabihin ng taong bayan bago gumawa ng desisyon. Kaya niya
binawi ang naka assign na sasakyan sa kanyang secretary ay para na din wala nang masabi ang mga tao
sa opisina at ang ibang tao.
Ethical dilemma, lahat nman siguro tayo ay na ipit na sa isang sitwasyon na kailangan natin mamili kahit
na ang dalawang rason ay mahalaga para bitiwan at pakawalan. Kinakailangan ng mabusising pag-iisip at
emosyon ang nararapat upang maihayag ang tamang desisyon. Kailangan isipin kung nakakabuti sa iba
at sa pansarili, ang mahalaga ay nakakagawa ka nag mabuting desisyon na walang tinatapakan na tao.
Kung sakaling hindi, ay may panibagong araw para mag simula at bumawi ulit.