You are on page 1of 2

Batang Namatay

Minerva: Ay! Ang liwanag! Maliwanag na ang aningin ko! Nakakakita na ako!
Inay! Lola! Nakakakita na ang mga mata ko.

Lola: Minerva…? Ano bang nangyayari? Nasaan na ang apo ko. Sagutin mo ako.
Minerva: (Pang takot) (Iiyak) Lola, wala po akong nagawa. Wala po akong nagawa… huhuhu.
Minerva: Ate, kuya…. Nakita po ba ninyo ang nanay ko? Hinahanap kop o ang nanay ko. Sigurado akong
matutuwa siya sa ibabalita ko.

Lalaki: Naku, kalunus-lunos naman ang nangyari sa batang ito. Kawawa talaga.
Lalaki 2: Oo nga. Talagang nakakaawa ang batang ito.

Minerva: Ano ba naman kayo. Ang gulo-gulo ninyo. Hindi kayo nakikinig.
Announcer: Pansamantala po muna nating putulin ang programang ito. Para sa nagbabagang balit…
Nakunan ng CCTV Camera ang pangyayari ng aksidente sa kalye ng Monus. Isang bata ang nasagasaan ng
itim na sasakyan.

(Boooommmm…Eee…..Ay………..!)
Babae: Yung bata! Yung bata, nasagasaan yung bata! Tulungan natin siya. Tulungan natin ang bata!
Saklolo! Saklolo! Tulong…!

Announcer: Sa masaklap na pangyayaring ito sa pamilya ng batang namatayan. Sa pamilya at kaanak ng


batang si Era Madrigal lubos po ang aming pakikiramay.

Minerva: Pangalan ko yun/ Ako yon? Imposisle… Hindi pa ako patay. Hindi ako yun. Kani-kanina lang eh
masigla akong naglalaro. At inutusan lang ako ng lola ko na sunduin sa kabilang kanto ang nanay para
kami ay makapananghalian.
Lola: Ineng, tama na ang laro. Sunduin mo na ang nanay mo para tayo ay makakain na. Mag-ingat ka sa
daan.

Minerva: Opo, Lola.


Magandang araw, aling Rosa, Aling Doris, mano po. Sasaglit lang po ako. Susundin ko lang ang
nanay sa kabilang kanto.
Doris: Kaawaan ka ng Diyos, iha. Masipag kang bata ka.
Minerva: Opo, walang karekla-reklamo.

(Boom….boom….) ( Eeeeee…. )
Inay: Hindi! Hindi! Gumusing ka anak ko. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, Minerva.
Minerva: (Titingin sa kamay na parang hindi makapaniwala) Pa-pa-patay?... Patay na ako? Totoo nga…
na ako nga… na ako nga….
Minerva: Inay, kaysarap palang pakinggan ang mga salitang iyan. Alam ko na mahal mo ako dahil
namutawi sa iyong mga labi. At ramdam ko sa puso mo ang pagmamamhal mo. Maligaya ako, Nay.
Mahal na mahal kita. (Yayakap sa ina)

You might also like