You are on page 1of 11

Scene 1 (P.O.

V ng camera): Magalaw, parang taong nanghihina ang naglalakad, mabagal ang pag-usad; ipopokus sa isang pares ng pang mabagal na naglalakad; pagkatapos ay ipopokus pataas sa taong nagmamay-ari ng mga paa na tila wala sa sarili at kapagdakay mahihilo. Didilim ang screen at liliwanag ulit kung saan mamumulatan ang pigura ng isang taong Malabo sa kanyang paningin at nakatunghay sa kanya. Unti-unting lilinaw ang pagmumkha nito. David: Miss, ayos ka lang? Mylene: Ha? Anong nangyari? David: (aalalayan si Mylene) Hindi ko alam Miss. Kasunod mo lang ako kanina nang bigla kang natumba at nawalan ng malay. Mylene: (Pipikit at pilit aalalahanin ang nangyari) Parang ang tagal-tagal kong naglakad. Ang layo-layo at parang pagod na pagod ako. David: Sige, mauna na ako Miss. (tatayo at akmang aalis) Mylene: Sandali lang Mister! Huwag mo akong iwan! Hindi ko alam kung nasaan ako at di ko alam kung saan ako patungo.(kakapain ang cellphone) wala akong cp. Pwede pahiram ako. David: (hihinto at lilingon) Wala akong cellphone. Tatlong taon na akong di gumagamit ng cellphone simula noong(bubuntong hininga) Ngayon alam ko na kung bakit ka naririto. Pero hindi ko sasabihin sa iyo, kaw na mismo ang tutuklas.

Mylene: Ano ang ibig mong sabihin? Maaari bang ihatid mo na lang ako? David: Sige, sabihin mo sa akin kung saan. Scene 2 (sa labas ng bahay) Mylene: Dito kami nakatira. Pag ganitong oras, ang mommy ko lang ang nasa bahay. Nasa paaralan pa ang kapatid ko, dadaanan siya ng daddy sa paaralan at sabay silang uuwi. Mommy, mommy (kakatok sa pinto) pakibukas ang pinto. David: ehem sa tingin ko walang tao rito. Mylene: Baka namalengke si Mommy. Salamat na lang sa paghatid. Paano iyan, hihintayin ko pa silang umuwi. David: Saradong-sarado ang bahay. Wala na sila rito. Mylene:Hay naku, malamang sinaradong mabuti na mama para di takaw-pansin sa mga magnanakaw alam no na nag-iingat lang. David: (matagal bago sumagot) Hindi na sila babalik. Mylene: Haha. Alam mo, kanina pa ako nawewerduhan sayo. Ano nga pala pangalan mo? Pasensiya ngayon ko lang natanong. Ako pala si Mylene, Mylene Sanchez. Ikaw si? David: Mylene, Mylene(iiling-iling). Paano ko ba ipapaliwanag sa iyo?

Mylene: sabihin mo muna kaya pangalan mo. David: Tawagin mo na lang akong David. (Titingin sa bahay) at sinasabi ko sa iyo wala kang mahihintay ditto. Umalis na sila. Iniwan ka na nila. Mylene: (Gagalit na titignan si David) Nagpapasalamat ako at inihatid mo ako rito sa amin. Maari ka ng umalis. David: (Malungkot na titignan si Mylene) Maiintindihan mo rin ako Mylene. Sa unay mahirap talaga pero sa pagdaan ng araw ay unti-unting mo itong tatanggapin. Aalis na ako. (maiiwang maag-isa si si Mylene) Mylene: Ang werdo talaga niya. Pupunta na nga lang ako sa tambayan. (aalis) Scene 3 ( Sa tambayan) (Tahimik ang lahat, ang naririnig lamang ay ang masayang tugtog ng gitara na tinutugtog ng isa sa kanila) Jamie: ( Inis) Puwede ba Bugz, itigil mo na iyan. Hindi iyan nakakatulong eh. Bugz: (hihinto sa pagtugtog) Ganito na nag barkada dati. Dana: Iyon na nga Bugz. Dati iyon. Iba na ngayon. Bugz: Dana naman, anong pinagkaiba ng noon at ngayon? (Ipagpapatuloy ang pagtugtog)

Aris: Bugz, alam mo ang punto ni Dana at Jamie. Bugz: Hindi kon alam Aris. Basta ang alam ko walang masama sa tinutugtog ko. Buti pa si Mylene paborito niya itong tinutugtog ko. Paborito niyang kainisan. Jamie, Dana, at Aris: Bugz! (Biglang susulpot si Mylene) Mylene: O, o, guys, anong kaguluhan ito? (Tatawa) Uy Bugz, ano na naming kalokohan ang ginawa mo at kung makapagreact ang tatlong ito e, over-acting na. Bugz: (Hindi papansinin si Mylene) Kung makapagreact kayo diyan eh nakakatakot sinabi ko. Jamie: Bugz, utang na loob, kung sinasadya mo iyang mga sinasabi mo ay hindi kami natutuwa. Mylene: Aha! (Papamaywangan si Bugz) Tinutugtog mo na naman ang kinaiinisan kong kanta. Ang sarap talagang ipakulam ang isang ito noh? (Hindi siya titignan at magtatawanan) Mylene: (Kakaway sa harapan ng tatlo) Hello! May kausap ba ako rito? Masyado naman kayo. Sanay na ako sa kanya. Bugz: Sanay na ako sa kanya, iyon ang sasabihin ni Mylene Mylene: Sasabihin ko? Kasasabi ko lang Dana: Kapag andito siya ngayon. Mylene: (Tatawa) Nandito pa ako kanina guys. Taman na nga ang drama guys.

Aris: At kapag nainis talaga iyon sa iyo, may kasunod nakurot iyon. Mylene: Actually Aris, iyon ang susunod kong gagawin. Tigilan niyo na ang dramang ito. Ditto muna ako habang wala pang tao sa bahay. (Uupo) Bugz: Kahit ilang kurot pa ang ibigay niya sa akin, basta kasama lang natin siya ngayon. (Tatahimik ang lahat) Mylene: Alam ninyo, naalala ko si David sa inyo puro kawerduhan ang inaasta. May ikukwento ako sa inyo, nasa isang lugar daw ako na hindi pamilyar sa akin. Guys, nakakatampo na kayo ah, wala man lang interesado. Tama na nga ang drama guys. Dana: Miss ko na siya. Jamie: Sana kabonding pa rin natin siya ngayon. Sana naririnig pa natin ang malakas niyang tawa sana Aris: Sana hindi siya kinuha agad sa atin. Mylene: Teka, teka Sino naman ang tinutukoy niyo? Bugz: Sana hindi siya namatay. Malaking kawalan si Mylene sa barkada. Mylene: Ako? Patay? Hahaha Okey ang drama niyo a. Tama na nga. Dana: Sadyang ganyan ang buhay. Hindi natin alam kung oras na natin. Tama na nga ang kadramahang ito.

Mylene: Tama ka diyan Dana. Ang galling niyo ah Bugz: Dadalaw ako sa puntod niya bukas. Sinong sasama? Mylene: Bugz, narinig mo sinabi ni Dana. The show is over. Napaniwala mo nga ako eh at ikaw na nga nag best actor eh. Aris: Sasama ako. Dana at Jamie: Ako rin. Bugz: Kita-kita na lang ulit tayo roon. (Naghahanda ng umalis). Tara na. ( Aalis na ang magkakaibigan) Mylene: Sandali lang! Huwag niyo akong iwan. Bugz! Jamie! Aris! At Dana. ( Tuloy-tuloy sa pag-alis nag apat) David: Hindi ka nila naririnig. Mylene: (Lilingon) Ikaw! Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako? May binabalak kang masama noh? Tatawag ako ng pulis. David: Okey lang. Wala ka namng cellphone eh. Mylene: Abat David: Gaya nga ng sinabi ko di ka ila naririnig. Hindi ka nila nakikita. Mylene: Tama na !

David: Mylene Mylene Hindi mo pa rin naiiintindihan. Pero ito ang katotohanang hindi tanggap ng karamihan ng mga tao. Ayaw ko mang sabihin sa iyo, pero kailangan mong malaman. Mylene: Bakit di mo kasi ipaintindi. Bakit di mo sabihin para maintindihan ko.! David: Patay ka na! Mylene: Hindi totoo yan! (Aatras) David: Imulat mo ang iyong mga mata Mylene. Iba na ang mundo mo sa mundo nila. Mylene: Tama na! hindi pa ako patay! Hindi pa ako patay! Hindi pa! hindi pa (Umiiyak) David: Kung gusto mong malaman ang katotohan, sumama ka sa akon bukas at puntahan natin ang mga kaibigan mo sa pupuntahan nila. (Maglalakad) Scene 4 ( Sa sementeryo) Mylene: (Tatanaw sa lapida) Mylene Sanchez ???!!! (Hahagulghol) Bugz: Tito, tita, Alice andito rin pala kayo. Gng. Clara: Nakakatuwa at nagkasabay tao sa pagdalaw kay Mylene ngayon. David: Sabi ko na sa iyo eh.

Mylene: Hindi pa ako patay. Hindi pa ako patay. Hindi pa.! (umiiyak) David:Masasanay ka rin. Kung may balak ka pang mamalagi rito. Mylene: Anong ibig mong sabihin? David: Tatlong- taon na akong pagala-gala sa minding ito. Mylene: Talaga? Totoo pala talaga ang mga nababasa ko tungkol sa mga pagala-galang kaluluwa at isa ka na roon. Ano iyon? David: Nakikita mo rin pala iyon ang liwanag. (Magpapaalam na sI Mylene sa mga kaibigan at pamilya) Mylene: David tara na. (Maglalakad papunta sa liwanag) Gng. Clara: (Yuyugyugin ang balikat ng anak) Mylene, Mylene, gising na malilate na tayo sa pagpunta ng simbahan. Mylene: Nanaginip lang pala ako! Alam mo ba mommy, ang weird ng napaniginpan ko. Patay na raw ako? Andoon nga kayong lahat eh, ang weird di po ba? Alice: Alam mo ba ate na ang kabaliktaran ng napapanaginipan natin ay nag totoong nangyayari which is sa hell ka pupunta.( Tatawa) Mylene: Abat

Gng.Clara: Tama na nga iyan. Ke aga-aga eh. Kung anu-ano kasi napapaniginipan mo. Sige bangon ka na riyan. Mylene: Yes, ma. ( mag-iinat) Panaginip lang pala

Sinag Productions
Ipinagmamalaking hinahandog ang:

GALA
Mga tauhan : Mylene David Gng. Clara G. Martin Alice Bugz Aris Dana Heide Salazar Erwin Lester Lardizabal Rochelle Challoy Charmise Macalanda Jessame Bernardo Theodore Estebar Kevin Olo-an Karen Frances

Jaime

Qm Laoagan

Director at Scriptwriter:Jolly Bea Bernardez Assistant Director: Heide Salazar kasama si Jayson Rimando Video Graphic Editor: Heide Salazar, Jayson Rimando at kasama si

You might also like