You are on page 1of 18

Lina (Nanay):

Fidel (Tatay):
Ana (Panganay):
Jude (Pangalawang lalaki):
Arman
Ella
Nene (pipi)
“SINO KA?”

Scene 1: Libing
ACT : Ang lahat ay nakatingin sa puntod ng namayapang kamag-anak ng pamilya ni Lina.
Nakaupo si Nene na dinadamayan ang kanyang ate na si Ella habang hinahaplos nito ang
puntod ng kanyang lola, umiiyak. Hindi naman kakikitaan ng emosyon si Lina na may dala-
dalang larawan ng kanyang ina. (Umiiyak, malungkot)
ELLA : Lola pag iiyak ako may kendi ako, tapos iniipitan mo ko ng buhok. Naalala ko
kwinentuhan niyo po kami ng lovestory niyo ni lolo, gaya nung bulaklak na binigay niya sayo,
kung gano ka kasaya kasi paborito mo yung santan, diba ninakaw niya pa yun kay na Aling Sita?
*Iyak* * singhot* *pahid ng sipon* *Gagayahin ni Nene ang ginagawang aksyon ni Ella*
Lola miss na miss na miss na kita, yung mga hugs mo, yung kiss mo lahat po yun.
mamimiss ko. Minsan yung palo mo din haha, kasi nabasag ko yung vase na pinaglalagyan ng
abo ni Lolo. Pero alam mo masaya na rin ako kasi kasama mo na siya. Ba-bye Lola.
LINA : *Walang emosyon* Mahirap mang tanggapin ang pagka wala mo, pero alam naman
namin na masaya ka na kung nasaan ka man. Hindi na ko mag aalala tuwing nakikita kitang
nahihirapan dahil sa sakit mo. At masaya na rin ako tuwing naiisip ko na magkasama na kayo ni
Itay. Nakakalungkot man… *tutulo ang luha* pero kailangang tanggapin.
*Hinga ng malalim*
Pasensya ka na nay kung naging sakit ako ng ulo mo nang mga panahong hindi ko pa
naiintindihan ang mga responsibilidad ko. Patawad kung di man lang kita nabigyan ng
masaganang buhay, kung di ko natupad ang mga pangarap niyo sa akin ni itay. Patawad
Paalam Inay maraming salamat sa mga magagandang alaala, sa mga payo na iniwan mo
sa amin. Mahal na mahal ka namin.
*Papasok ang isang matandang naka-itim at hahawakan si Lina sa balikat sabay tingin sa kanya
ng masama.*
MATANDA : Bakit hindi mo pinutol ang rosaryo sa kamay ng iyong Ina!? Hindi mo ba alam
kung anong maaaring kahihinatnan nito?? *titigan nya ng masama si Lina* Mag iingat ka!!!!
LINA: Hindi po ako naniniwala sa mga pamahiin, Pasensya na po. *titingin sa iba’t ibang
direksyon/kinakabahan*
*Titingin muli ang matanda ng masama sa lahat ng tao roon hanggang sa mawala ito sa
eksena.*
*background music- Tanging Yaman* *Iyak!*
*Freeze: 5 seconds*

Scene 2: Tambayan
ACT : Aalis si Arman kasama ang kanyang kaibigan sa sementeryo. Paulit-ulit na tinatanong
ng kanyang kaibigan kung ayos lamang ba talaga si Arman. Habang nagkwekwentuhan sila,
biglang dumating ang isa pa nilang kaibigan.
B1 : Pre ano kamusta kana? *friendly gestures*
ARMAN : ayos lang pre, tangina’t gwapo pa rin
B2 : Balita ko lagi daw kayo nagtatalo ni tito at tita ah?
ARMAN : Kasi naman pre, nakakaloko sa bahay. Yung nanay ko parang baliw di mo
makausap ng maayos, tapos tatay ko naman ayun tumakas sa responsibilidad niya. Duwag!
B2 : tss tss tss, eto nalang pre. Tingnan mo tingnan mo *papakita ng phone*
ARMAN : Wow pre ang laki naman niyan, mukhang titigasan ako ah?
Pre send mo nga sakin yan!! Nang mapagpantasyahan mamaya. *send sa
phone*
B1 : tamo pre ang kinis oh. Hmmm nakakagigil. San mo nakuha yan?
B2 : May nagsend lang sakin e. Balita ko kalat na yan sa school e. Eto pa bago lang
to pre, brutal ang ganapan pre.
ARMAN : Pasa mo nga sakin. Teka lang… Parang… *titingnan ng mabuti* *itatapon ung
phone*
B1 : Teka nga… Kapatid mo ba ito?
B2 : *Nagsasalin ng alak sa baso*
ARMAN : Putangina!!!! Sino nag send nito! *Itataob ang lamesa* *Kukwelyuhan si B2
sabay tulak*
B2 : Ano bang problema mo!
ARMAN : Walang’ya kang gago ka!
*Aawatin ni B3 si B2 at ni B1 si Arman*
B3 :Hindi ba kayo mag sisitigil!? O, eto ang kutsilyo, sige mag patayan na kayo.
Nakakawalang gana naman kayong kasama oh!
*Aalis si B3 na hila hila ang nanlalabang si B2* *Magwa-walk out rin si Arman pagkatapos
sipain ang mga bote*
*maglalakad pauwi si Arman na may hawak na bote. Lasing. Tititgil sa labas ng bahay
magmumukmok. Dadating si Nanay*
NANAY : Bakit ngayon ka lang? *walang emosyon*
ARMAN : Wala kang pakielam *Lasing*
NANAY : Naamoy ko ang espiritu ng alak sayo.
ARMAN : Bakit sa tingin mo ba… sa tingin mo ba… kaninong kasalanan to? Sa tigin mo
ba ginusto ko to? Kung di ka lang kasi… kasi… baliw, edi sana di kami nagkakaganito
*Sasampalin ni Lina si Arman. Mapapatigil ng ilang saglit si Arman bago tuluyang magwalk-
out*
NANAY : *lilingon sa gilid* Ayos ka lang ba dyan inay? Wag mo na lang intindihin si
Arman. Hindi ka niya masasaktan, walang makakasakit satin.
ARMAN : *sinipa ang kung anumang makitang gamit* Letse!
*Nakasilip si nene sa isang gilid. Hawak ang kanyang sketchpad at ang isang kamay ay
nakahawak sa pisngi niya.*
NANAY : *titingin kay nene* Shh! *Ngiti*
Scene 3: KWARTO
ACT : Sa isang parte ay natutulog si Ana, pinagpapawisan dahil sa kanyang
napapanaginipan. Ang parte ng kanyang nakaraan.
*Flashback*
*Papasok si Fidel (Tatay). Titingin sa Natutulog na Ana(present) bago tuluyang dumiretso sa
batang Ana na naglalaro ng kanyang manika.
FIDEL : Tara Ana, laro tayo. *Lalaruin ang buhok ng batang Ana* Ako ang tatay ikaw yung
nanay. Diba gusto mong magbahay-bahayan?
ANA : *Tatango*
FIDEL : Pero wag mong sasabihin sa Nanay mo ha?
ANA : Bakit po? Pero… Sige po, Itay!
*Taklob ng kumot* *Huhuhbaran si Ana ng kanyang Itay*
*Present*
*Magigising ang daagang Ana habang umiiyak* *Tatakpanang kanyang tainga*
*Sabay na isigaw ang batang Ana at dalagang Ana*
ANA : Hindi, hindi ka totoo! Hindi! Panaginip ka lang *tatawa* panaginip ka lang, diba?
Panaginip ka lang… Panaginip… ka… lang…
*Sisilip sa kwarto si Nene na bitbit ang sketchpad nya. Nakangisi pero hawak ang magkabilang
tainga na tila ginagya ang kanyang ate.*

Sa motel:
ACT : Nakasandal si Arman at ang isang babae sa upuan. Cuddling.
BABAE : Babe? Kailan mo ba ako ipapakilala sa mga magulang mo?
ARMAN : At sino namang may sabi sa iyo na ipapakilala kita? Ha? *naiinis*
BABAE : Ano? *Malulungkot* Pero sige na nga… eto na lang, may ipapa-panood akong
video sa iyo. Nakakatuwa sya, tingnan mo ohh.
ARMAN : *Iiling. Naiinis. Tinatanggihan ang phone na ipinapakita ng babae.*
BABAE : Dali na babe, tingnan mo na. Saglit lang naman oh.
ARMAN : *Itutulak ang babae.* *Galit* Tangina niyo talagang mga babae kayo! Dapat
lang talaga kayong parausan!
*Sasabunutan ang babae*
BABAE : Aray! Tama na! Ano ba?! Ginagawa ko naman ang gusto mo diba? Bat ka ba
nagagalit dyan?!
ARMAN : Tumahimik ka! Parepareho lang kayong mga walang kwenta!
*sasampalin ang babae* *hahagisan ng pera* *magbibihis at aalis*
BABAE : Makakaganti rin ako Arman, Balang araw! TANDAAN MO YAN!
Scene 4: Bahay
JUDE : Ah okay po Ma’am, Yes Ma’am of course, we will get the contract, mark my
words. I’ll just send the documents to your email.
*Lilinisin ang mga gamit niya* *Makikita si nene na nakatingin sa kanya*
JUDE : What are you looking at? And, where’s Mom?
Nene : *Ituturo*
Jude : *roll eyes*
*lalakad papunta sa nanay para humaliksa pisngi ni Lina, kahit tulala lang ito.* *Dadating si
Arman at padabog na naupo sa upuan* *susunod na darating si Ana na magmamano sa
kanyang ina*
ARMAN : Oh dumating na pala ang puta hahaha *lasing*
ANA : *Yuyuko*
JUDE : Watch your filthy mouth you dumb-ass!
ARMAN : Hoy bakla! Wag mo ko maingles ingles! Akala mo kung sino kang magaling na
bayot ka!
LINA : Magsitahimik kayo, para kayong mga bata! *Walang emosyon*
ANA : Pasensya na po Nay.
JUDE : Pagsabihan mo kasi yang anak niyong lasenggo. Wala na ngang laman ang utak,
pinupuno pa ng alak.
ARMAN : Tangina niyo, magsama sama kayo. Mga baliw kayo! Pipi, bayot, puta, siraulo.
*Aalis si arman habang mapapahawak sa ulo si jude**Titingin sa malayo si Lina* *Sisilip ulit si
nene sa isang tabi at ngingiti.*

Scene 5: Kalye
*Naglalakad si Arman habang naninigarilyo* *Makikita niya ang babae na nakayuko sa gilid*
ARMAN : Pag sinuswerte ka nga naman.
*Lalapit sa babae* *Uundayan ng saksak si Arman* *Umiling ang babae, inihagis bigla ang
kutsilyo. Tinuhod nya si Arman at dali-daling tumakbo palayo.*
*Gagapang sana si Arman patayo nang biglang may humigit sa buhok nito at saka sya
sinaksak*
ARMAN : Tu… tu… tulong…
*May isang taong makakakita at tatawag sa mga pulis*
GINANG : (Telepono) Mamang Pulis… *Takot itong aalis sa pinangyarihan ng krimen*
*Police Siren* *Magkakagulo ang mga taong naroroon* *Darating ang mga pulis at
naginspeksyon sa lugar*
PULIS 1 : Sa tingin mo sino ang may kagagawan ng ganitong krimen?
PULIS 2 : Hindi kaya yung mga nakainuman niya?
PULIS 3 : Oo nga, kilala pa man din yan si Arman sa mga kalokohan niya. Malamang may
nakaalitan na naman yan habang nag iinuman sila.
PULIS 1 : Hindi ko alam, pero iba ang pakiramdam ko.
PULIS 2 : Tanungin natin ang mga kaibigan niya kung may alam sila.
*pupunta sa mga adik na nakatingin sa bangkay ni Arman ngunit nasa medyo may kalayuan*
PULIS 3 : Pwede ba kaming makahingi ng statement sa inyo?
TAMBAY (B1 and 2) : Sige po.
PULIS 2 : May alam ba kayong may nakaalitan si Arman?
B1 : Halos naman po dito sa amin ay kaaway ni Arman pero kahapon po ay may di
sila pagkakaunawaan ni Lito (B2)
B3 : Ay oo nga pre, napag alaman ko kasi na yung kapatid pala ni Arman yung nasa
video. Tangina kaya pala galit na galit ang gago.
PULIS 1 : Sa tingin niyo ba sapat na ang motibo ni Lito para patayin si Arman?
B3 : Eh kayo ang mga pulis, dapat alam niyo yun. Bobo amputa
PULIS 3 : Mag-iingat ka sa pananalita mo. *Akmang ilalabas ang baril*
*hahawak sa balikat ni P3 si P1* *darating si p4*
PULIS 4 : Sir may nakuha po kaming ebidensya, yung kutsilyo po na ginamit sa krimen at
ngayon ay under examination na po.
P1 : Okay. Just keep me updated. Mareresolba natin ang kasong ito sa lalong
madaling panahon.
*Darating ang tatay na may dala pang maleta
FIDEL : Anak! Sinong gumawa nito sayo? *iiyak* Anak! Arman!
*Darating si Lina na kasama si Nene at titingnan ang kanyang kuyang patay na hawak ng
kanyang Ama. Yayakap syang mabuti sa Sketchpad niyang dala.*
FIDEL : Nasaan? Nasaan ang hayup na gumawa nito sa anak ko!!! Ikaw Lina namatay na
ang anak mo pero parang wala kang pakialam!
*Darating si Ella mula sa camping. Mapapaluhod na lamang sya sa harap ng kanyang pamilya
at iiyak*
ELLA : Kuya…
Scene 6: Interrogation/ Bahay-Prisinto
*Bahay*
PULIS 1 : Misis magandang gabi po, alam ko pong nasa gitna kayo ng pag dadalamhati
para sa namayapa nyong anak pero maari ko ho ba kayong maimbitahan sa prisinto? May
kaunting katanungan lamang po kami sa inyo.
LINA : *walang emosyon* Sige po.
PULIS 1 : Kasama po ang kapamilya po ninyo.
NENE : *Titingin sa pamilya nyang sumama sa pulis habang nag dradrawing ng kung
ano sa sketchpad nya*
*Labas ng Prisinto*
*Nagkakagulo ang mga tao at reporter sa labas*
REPORTER 1 :Tayo po ngayon ay live sa labas ng prisinto kung saan ating masasaksihan ang
aksyong ginagawa ng mga pulis tungkol sa di-umanong pagpatay sa isang tambay na
nagngangalang Arman—
TAO 1 : Nandyan na ang mga pulis!!!
R1 : Atin pong kapanayamin ang mga pulis tungkol sa bagay na ito.
*Makikigulo si R1 sa mga tao.* *Papasok ang mga pulis kasama si Jude* *Papaulanan ng mga
tao at reporters ng tanong ang mga pulis* *Papasok si Jude at mga Pulis sa isang kwarto*
*FREEZE* *VIDEO PLAY- Nakatapat sa mukha ni Jude ang camera*
P1 : May nakalap po kaming impormasyon na may alitan daw po kayo ng inyong
kapatid. Kaya nais lang po namin mahingi ang inyong testamento ukol dito.
JUDE : Yeah we have quarrels but why would I even kill my own brother? My gosh!
Can't you see me? baka ako pa nga ang mapatay ng damuho kong kapatid if ever. Tss. And
F.Y.I. I'm not a criminal!
*After playing the video. Magkakagulo saglit ang mga tao at reporters sa labas*
*Another video play. Mukha ng isa sa mga kapitbahay nila*
KAPITBAHAY 1: Minsan po nakita ko si Arman na sinisigawan si Ana, eh malay niyo po diba?
baka gumanti si Ana. Usap usapan din po kase na ginagahasa yun ng kuya niya.
PULIS 1 : Sigurado ka?
K1 : Yun po ang alam ko.
*Another video play. Mukha ni Ana*
ANA : Hindi ko po kayang gawin yun sa kuya ko. Nasa school po ako nung mangyari
yun atsaka bakit ko naman siya papatayin?
P1 : May nakapagsabi saamin na ginagahasa ka daw ng kapatid mo kaya ka
naghiganti.
ANA : *natahimik saglit* Wala kang alam. Wala akong kasalanan!
*Another video play. Mukha ni Ella*
ELLA : Nasa camping po ako ng nangyare yun, saka mahal na mahal ko po ang kuya ko.
Paano ko magagawa yun sa kanya?
*Another video play. Mukha ni Fidel*
TATAY : Kauuwi ko lamang galing ibang bansa nung araw na pinatay ang anak ko, tapos
sasabihin mo ako ang pumatay kay Arma? Hindi mo alam kung gano kasakit mawalan ng anak!
*Another video play. Mukha ni Lina*
NANAY : *Walang emosyon*
P1 : Ma'am, gusto lang po namin kumuha ng testimonya niyo ukol sa kaso ng anak
niyong si Arman. May nalalaman po ba kayo?
NANAY : Lahat naman tayo mamamatay, bakit kailangan pa nating hanapin ang hustisya?
P1 : Ma'am? anak niyo po ang napatay, hindi man lang po ba kayo naawa?
NANAY : Malupit ang mundo, mas maigi na rin na wala siya. Mas panatag ako. *kakanta
ng lullaby*
*Tatahimik saglit*
P1 : Mukhang may ideya na ko.
*Another video play. Mukha ni Nene*
NENE : *Nakayuko*
P1 : Alam ko mahirap ito para sayo nene, sa murang edad mo eh kailangan mo ng
humantong sa ganito. Nais ko lang sana itnong kung may alam ka ba sa krimen?
NENE : *Ibibigay ang sketchpad.*
P1 : Siya ba? sigurado ka?
NENE : *Tatalikod si Nene sa Pulis at ngingisi (Camera followed: BG-P1)*

Scene 7: Bahay
ACT: Sabay sabay silang kumakain sa hapag. Tahimik sila hanggang sa magbintong hininga si
Fidel.
FIDEL : Napakalungkot kapag kulang tayo.
JUDE : *Iirap* Para namang may bago?
LINA : Jude gumalang ka sa tatay mo. Wag kang bastos. *Walang emosyon*
FIDEL : *Titikhim* Ah nga pala may mga pasalubong ako sa inyo mga anak. Lalong lalo
na sa pinakapaborito kong si Ana.
ANA : Hindi ko kailangan niyan.
ELLA : Ako po Tay, ano pasalubong niyo?
FIDEL : Aba mukhang dalaga na talaga ang Ana ko ah, ayaw na ng pasalubong. Buti pa
si Ella excited sa pasalubong ni tatay. *Ngingitian saglit si Ella sabay titig ulit kay Ana*
JUDE : Gosh! Can you please stop acting like you care? *Walk out*
LINA : Fidel pagpasensyahan mo na ang anak mo. Hayaan mo kakausapin namin siya ni
Inay.
*Titingin ang lahat kay Lina*
FIDEL : Lina! Wala na si inay. Wag mo ngang takutin ang mga bata!
NENE : *Kukuhit sa ama saka ituturo ang sarili*
FIDEL : Ay siyempre sa bunso ko, diba gusto mo ng sketch pad? *Ibibigay ang regalo*
Oh ayan, at kay Ella dahil mahilig kang manood ng barbie binilhan kita ng barbie
doll, tingnan mo oh kamukha mo.
ELLA & NENE: *Papalakpak*
ELLA : Yehey! Salamat tay!
FIDEL : Walang aNuman anak, at siyempre sa pinaka maganda kong anak. Oh ana
binilhan kita ng mga damit, panigurado kasukat mo to.
ANA: Tumigil ka na nga! *Hampas sa lamesa* Bakit ka pa kasi bumalik! Guguluhin mo na
naman ang buhay namin
LINA: Anong nangyayari ana? Bakit ganyan ang galit mo sa tatay mo?
ANA : Wala po nay *Yuyuko*
LINA : Iiwanan muna namin kayo ng tatay niyo para makapag usap kayo ng maayos.
Ella, Nene tara na.
*Lalapit si Fidel at hahawakan ang braso ni Ana ng madiin*
FIDEL : Subukan mong magsumbong sa nanay mo at malilintikan kayong lahat sa akin.
*Aalis si fidel at maiiwan si ana na umiiyak sa takot.*

School~
*Naglalakad si Lance at Ana papuntang room nila pero napatigil ng marinig nya ang usapan
tungkol sa kanya*
CLASSMATE1: Diba siya yung nasa video? Grabe ang kapal ng mukha.
CLASSMATE 2: Malandi talaga yan.
CLASSMATE 3: Balita ko nga pati kuya niya pinatos niya. Kadiri talaga.
LANCE : Wag mo na silang intindihin. Pasensya ka na kung kumalat yung video, hindi ko
alam na mangyayari to.
ANA : Ok lang, sanay na rin naman ako. Atsaka totoo naman lahat ng sinasabi nila
diba?
LANCE : Ana...
TEACHER : Okay class maupo na tayo. Tigil na muna ang pag uusap niyo dyan. O Ana,
kumusta na nga pala? Balitq ko eh kamakailan lng nilibing ang kuya mo. Nakikiramay ako.
ANA : Salamat po
CLASSMATE 2: Maam di niyo po ba kukumustahin si Ana at Lance dun sa video nila?
ALL : *Tatawa*
CLASSMATE 4: Grabe Ana ang galing mo dun sa video. Pwedeng ako naman sunod?
ALL : *Tatawa*
LANCE : Siraulo ka ah *Kukuwelyuhan si Classmate 4*
TEACHER : Tumigil kayo! Wag niyong hintayin na ipadala ko pa kayo sa guidance office.
Sit down. Ana, umuwe ka na muna sa inyo. Pahupain muna natin ang isyu tungkol sayo.

*Bahay*
ANA : Kasalanan niyang lahat to. *Iiyak* *Ibabato ang mga gamit* Kasalanan nyo…
Kasalanan nyo… Kasalanan… Ahhhhh!
*Biglang papasok si fidel sa kwarto.
FIDEL : Ana...gusto mo maglaro tayo?
*Biglang mapapatayo si Ana at akmang tatakbo pero mahahablot siya ni Fidel at susubukan na
namang gahasain*
ANA : TULONG!!! Wag!!! Hayup ka!
FIDEL : Tumahimik ka! Wala ang nanay mo dito! Wala kang magagawa sa kakasigaw
mo!
*Papasok si Nene at umupo habang patuloy sa pagi-sketch*
FIDEL : Anak tahimik ka lang dyan ah? Maglalaro lang kami ni ate mo.
NENE : *Tatango*
ANA : Nene… Nene… Ne… tulungan mo ko.
*tataklob ng kurtina* *Iyak*
Scene 8 Bahay
PULIS 2 : Sinasabi niyo po ba sir na kahapon pa po ng mga alas siete ng gabi nawawala si
Ana?
FIDEL : Opo sir, nag aalala lang po ako baka may nangyaring masama na sa anak ko.
Kahapon kasi ay hinihintay namin siya ni Nene dahil nga kakain sana kami sa labas pero
hanggang ngayon di pa namin siya nakikita.
PULIS 4 : Sa tingin niyo po anong maaring dahilan ng di niya pag uwe?
FIDEL : Nabalitaan ko po sa teacher niya na napahiya po siya kahapon sa klase nila kaya
marahil po ay talagang naglayas ang anak ko. Matigas pa man din po ang ulo ng isang yun.
PULIS 3 : Kayo po misis di niyo po ba siya nakita o nakausap man lanv bago siya mawala?
LINA : May pinagkakaabalahan kami ni Inay. Nagpunta kami sa simbahan.
FIDEL : *Hahawakan sa balikat si Lina* Lina! sinabi ko na sayong patay na ang nanay
mo.
LINA : Tumigil ka! Baka marining ka niya.
FIDEL : Pasensya na po kayo officer baka pagod lang po ang misis ko.
*Papasok si Jude pag-alis ng mga pulis*
JUDE : Saglit lang ako nawala nagkaroon na naman ng problema!
FIDEL : Eh kung di ka kasi maarte at walang modo edi sana nandito ka para asikasuhin
yung mga kapatid mo!
JUDE : Nanggaling pa talaga sayo ah? Eh kanino ba ko magmamana?
ELLA : Tay, kuya tama na po.
LINA : Ella, nene pumunta na kayo sa kwarto niyo kami na ang bahala dito.
*Aalis si Nene at Ella. Titigil pa sana si Nene pero itinulak na sya palabas ni Ella.*
JUDE : Pagsabihan niyo naman yang asawa niyong magaling, siya lang naman kasi ang
problema. malamang kaya naglayas si ana kasi dahil sa kagagawan ng demonyong yan. Akala
mo ba hindi ko alam? Pwes lahat alam ko tungkol sayo.
FIDEL : Wag mo kong mabantaan ng ganyan, Jude wag kang ipokrito. Alam ko ang baho
mo. Akala mo ba di ko alam na may napatay kang tao ha? at mag ina mo pa? Sige sino satin ang
demonyo?
JUDE : *Matitigilan sya. Umiling sya ng umiling.* Sinungaling ka! Wala akong pinatay.
Wala… akong… pinatay…
LINA : Jude tama na yan, anong sinasabi ng itay mo? Alam mong magagalit sayo ang
lola mo.
FIDEL : Ano ba lina nababaliw ka na nga bang talaga? Tumigil ka na sa mga ilusyon mo!
JUDE: Wala akong pinatay nay, wala... *Tatakbo*

Scene 9: Kwarto
*Flashback
AC : Jude *Masayang tono*
JUDE : Bakit? *medyo iritado na na masaya ganon basta di mo mawari*
AC : Magiging tatay kana Jude! Buntis ako! Magiging tatay ka na!! *Maligayang
maligaya* *yayakapin nya si Jude pero di ito yayakap pabalik*
JUDE : Anong sabi mo? Paki ulit nga Ac? *iritado*
AC : Sabi ko magiging tatay ka na! hindi ka ba masayaa? Magiging tata—
JUDE : Sa tingin mo magiging masaya ako? Bakit di ka nag ingat ha? Ikaw ang babae
dapat alam mo kung kailan ka fertile o hindi para sana hindi natin ginawa! Putang inang
ipalaglag mo yan!
AC : *Sasampalin si Jude* Hayop ka!!! Sarili mong dugo at laman ipapalaglag mo?
Anong klaseng tao ka? Mas masahol ka pa sa hayop! Kung ayaw mo ng responsibilidad sana sa
una't una palang di na natin ginawa! Isa kang malaking duwag!!! Bakla!!! *iiyak na to syempre*
JUDE : Anong sabi mo???
AC : Bakla ka! Baklang duwag sa responsibilidad!! duwag na bak--
JUDE : Oo putang inang bakla nga ako *magugulat si Ac* kaya nga hindi ko
matatanggap na magiging tatay na ko! Oh ano masaya ka na? na nalaman mong bakla ako? ha?
*Itutulak si Ac tas aalis na si Jude dun sa eksena*
*Mag tatagal pa si Ac sa stage tapos may dugong aagos dun sa hita nya*
AC : Baby… baby… wag… ang baby ko… *iiyak*

*End of flashback* *Present*


*Mapaparanoid si Jude dahil alam ni Fidel ang mga ginawa nya sa mag ina nya kaya maiisipan
nyang patayin ang tatay nya. Hindi sya mapakali sa iisang pwesto.*
JUDE : Wala akong ginagawang masama… Wala akong pinatay… Wala di’ba?!
WALA!
Scene 10: Bahay
ACT : Nakaupo si Jude sa upuan at nakahawak sa noo nya. Halatang problemado. Buglang
dumating si Fidel na mukhang nakainom na. Inilapag nya ang basong hawak nya sa lamesa.
FIDEL : Kamusta na ang nagbi-bida bidahan kong anak? Nakapatay na ba ulit ng mag-
ina?
JUDE : Wala kanga lam, Fidel! Manahimik ka kundi ikaw ang sunod kong papatayin.
FIDEL : *Tatawa* Hindi mo ko matatakot. Bakit ako matatakot sa Bakla kong anak? Eh
pagi-ingles lang naman ang alam mo diba? Ni hindi mo nga kayang bumuhay ng pamilya mo.
Tumatakas ka sa responsibilidad. Dapat bang katakutan ang tao—
JUDE : MANAHIMIK KA SABI EHH! *Tinulak-tulak ang tatay nya* Kung pwede
tanda, layuan mo na ako! Kasi punong-puno na ako sa’yo! Kung napapa-ikot mo ang mga
kapatid ko sa kamay mo, pwes, ako hindi! At hinding-hindi mangyayari yon!
FIDEL : *susuntukin si Jude* Gumalang ka sa tatay mo. Hayop ka!
*Maglalaban silang dalwa hanggang sa unti unting manghina si Fidel at hindi na makatayo.*
*Biglang papasok si Nene habang nag-aaway ang dalawa. Kukunin ni Nene ang basong hawak
ni Fidel kanina saka unti-unting lalabas.*
*Sa huling suntok ni Jude ay tuluyan ng nawalan ng malay si Fidel. Napatigil si Jude at
napatingin sa kamao nya.*
JUDE : Wala… wala akong kasalanan… Hindi totoo ito! HINDI!
*Tatakbo palabas si Jude.* *Ilang saglit pa ay biglang papasok si Ella. Mapapatigil sya ng
makita ang kanyang tatay at napaupo sa sahig*
ELLA : Tay?! Tay?! *lumapit sa tatay nya habang naiiyak* TAY!!! Tulungan nyo
kami!!! Tulong…. Tulong!
*Police Siren* *Dumating ang mga Pulis*
PULIS 1 : Nagroronda kami ng marinig naming ang sigaw mo, iha. Ano ang nangyari—
Anong nangyari sa tatay mo?!
ELLA : *Umiiling* H-h-hindi ko po alam. W-wala po akong alam…
*Biglang papasok si Ella dala-dala ang kanyang sketch pad. Ibinigay nya ito sa Pulis*
PULIS 2 : Ano ito… *Titingnan ang drawing* Sinasabi mo bang… sya ang may kasalanan
ng lahat ng ito? *Ipinakita kay Pulis 1 ang drawing*
NENE : *Tatango*
PULIS 3 : Bakit? Sino ba iyan? *Sisilip sa drawing*
*Papasok si Lina na tila may kausap kahit na solo lamang syang naglalakad. Mapapatigil sya
ng makita ang mga Pulis.*
PULIS 1 : Misis! Sumama ka sa amin sa prisinto. Ina-aresto ka naming sa salang pagpatay
sa asawa mong si Fidel at sa anak mong si Arman. Kunin nyo nay an.
*Kukunin ng mga pulis ang walang emosyon na si Lina*
ELLA : Ano? Ano pong sinasabi nyo? Nene? Ano ba yang dinrawing mo at
pinagbibintangan nila si Inay? *Kinuha ang sketchpad at tiningnan ang drawing. Nabitawan nya
ito bigla.* Nay?! NAY! Totoo po ba? *Umiiling at umiiyak* Nay, hindi po diba? Diba?!
LINA : May mga bagay na di mo masasabi. Diba Nay?
PULIS 1 : Dalhin nyo na yan. Pati na rin itong bangkay ni Fidel. At kayo mga bata, ditto
muna kayo… Antayin nyo ang kuya Jude ninyo.
NENE : *Ngingiti at baba-bye si Nene sa mga papaalis na tauhan*
Scene 11: Kalye (Naglalakad ang nabaliw na si Ana habang patuloy na naririnig ang boses ng
kanyang tatay at mga kaklase. Makakasalubong nya si Jude na nawala na rin sa sarili at lahat ng
makalapit nya ay nilalayuan nya- Wala akong kasalanan! Wala!- Magkakasalubong sila pero
hindi nila makikilala ang isa’t isa. Makikilala sila ng ilang tao at ipapadala sa prisinto.)
ACT : Naglalakad si Ana sa kalye. Tila nawawala sa sarili.
*Voice over: Person’s voice that triggered Ana*
ANA : *Nakahawak sa magkabilang tainga* Panaginip lang to… Panaginip lang…
Hindi ito totoo, diba? *Tawa-iyak-tawa-iyak* Walang tatay… walang bahay-bahayan…
Panaginip lang to *Sisigaw* Panaginip nga lang to!!! *Iyak-tawa-iyak*
*Makakasalubong ni ana si Jude na nawawala na rin sa sarili. Tawa at pag-iyak lang ang
tanging ginagawa ni Ana.*
*Voice over: Person’s voice that triggered Jude*
*Samantala, si Jude naman ay nilalayuan ang lahat ng taong napapalapit sa kanya.*
JUDE : Hindi ako mamamatay… Wala… w-wala akong p-pinapatay… *lumayo sa
taong nakasalubong* Hindi ako mamamatay tao… Wala—
TAO 2 : Ano bang pinagsasasabi mo dyan kuya?
JUDE : Hindi nga sabi ako ang pumatay! HINDI AKO!!!
TAO 3 : Ano ba, lumayo ka nga sa baliw na yan ___! Teka… *Lalapit ng onti. Pero
mapapa-atras ng muntik na syang matulak ni Jude.* Ikaw yung anak ni Lina at Fidel diba?
TAO 2 : Mabuti pang ipadala muna natin siya sa mga pulis. Balita ko hinahanap silang
dalwa nung Ana dahil ilang araw na silang nawawala.
TAO 3 : Sige. Magpatulong tayo sa mga kapitbahay natin.
*Lumapit ang mga kapitbahay nila para tumulong. Hinawakan nila si Jude saka inalabas kahit
patuloy ang pagwawala niya.*
*Biglang papasok si Ana na patakbo. Hinahabol ni PULIS 3 at 4.*
ANA : Tay! Tama na po… Hindi naman ako… di ako po nagsumbong. Ayaw ko na!
*Sigsigaw* Ayoko na po… Tama na… AHHHH!
PULIS 4 : Ana, ano ba? Di ka naming sasaktan basta sumama ka sa amin.
*Patuloy rin sa pagwawala si Ana hanggang sa ilabas siya*
ANA & JUDE’S VOICE : TAMA NA!!! *Pasigaw*
Scene 12: Prisinto (Pinagkakaguluhan ang kaso sa pamilya ni Lina. Pinag-aaralan ang mga
sketch ni Nene. Kinausap nila si Jude at Ana pero hindi sila parehong makausap ng matino.)
ACT : Nagkakagulo sa opisina ng mga pulis dahil sa parehong pagdating ni Ana at
Jude. Patuloy silang nagwawala hanggang sa biglang dumating ang nakaposas na si Lina.
LINA : Ana… Jude… nandito na pala kayo.
*Mapapatigil sa pagwawala si Jude at Ana. Papaalisin na rin ng mga pulis ang mga taong
nagdala kay Jude sa prisinto.*
ANA : N-nay… pagsasamantalahan nanaman ako ni it-- *Matitigilan at biglang
tatakpan ang bibig* -- wala pala nay…
LINA : Hindi ba man lang kayo magmamano sa akin at sa lola nyo? *walang emosyon*
ANA : Baliw ka na inay. Patay na si lola… matagal na *Tatawa ng malakas*
JUDE : Patay? *Tinakpan ang kanyang magkabilang tainga.* Wala akong pinapatay!
Wala akong pinapatay!
*Lumapit na ang mga Pulis sa tatlo*
PULIS 1 : Paghiwa-hiwalayin nyo na yang tatlo. PO2 Isama mo si Lina sa akin. May
tatanungin lang akong ilang bagay.
*Interrogation Room*
*Papasok sa loob ng isang kwarto sina Lina at 2 pulis. Magf-freeze ang ilang nasa labas g
kwarto.
*Video: Camera focused on Lina
PULIS 1 : Ikaw ba ang pumatay sa asawa mo?
LINA : Inay, tinatanong tayo ng mga pulis. Ano ang dapat kong isagot?
PULIS 1 : Lina! Sumagot ka ng maayos!
LINA : Wala akong alam…
*Ilalabas si Lina. Papasok naman si Ana
*Video: Camera focused on Ana
PULIS 1 : Ikaw ba ang pumatay sa tatay mo?
ANA : Si itay? *Iiyak* Ayoko sayo… Lumayo ka sa kin! Wag mo kong sasaktan!
Ayoko sayo! Lumayo ka sa akin tatay! Lumayo ka *Nagwawala*
PULIS 1 : Ana, Pulis ako. Hindi ako ang tatay mo.
ANA : Lumayo ka sabi sa akin ehh!!!
*Ilalabas si Ana. Papasok naman si Jude
*Video: Camera focused on Ana
PULIS 1 : Ikaw ba ang pumatay sa tatay mo?
JUDE : Hindi ako ang pumatay sa kanila! Wala akong pinapatay… Inosente ako…
Inosente ako! Wala akong pinapatay! Wala!
PULIS 1 : Totoo ba ang sinasabi mo?
JUDE : WALA NGA AKONG PINATAY! Hindi ko baby ang batang yon…
PULIS 1 : Ano? Ano bang sinasabi mo…
JUDE : Wala akong alam….
*Ilalabas si Jude. Lalabas rin si Pulis 1 dala ang sketchpad ni Nene. Pinag-aaralan nyang
mabuti ang sketchpad at ni-flip pabalik. Makikita nya ang mga drawing ng kutsilyo, poison at
kung anu-ano pang gamit sa pagpatay.*
*Dali dali syang tumayo at lumabas.
Scene 13: Bahay
*Pupunta ang mga pulis sa bahay nina Lina dala dala ang sketchpad na binigay ni Nene s
kanila*
*Pumasok sila hanggang sa maghalughog sila sa isang cabinet.*
PULIS 4 : Boss, tingnan mo ang mga ito.
PULIS 1 : Bakit ano ba yan? *Lalapit kay P4*
*Makikita nila ang kutsilyo, poison, mga aklat tungkol sa pagpatay ng tao, isang black coat, mg
lapis at pangkulay saka lumang sketchpad*
PULIS 2 : Bakit... May ganito? *Kinakabahan*
PULIS 3 : Wag mong sabihing...
*Nagkatinginan ang apat na pulis*
PULIS 2 : Ella, Nene nasaan kayo? Ella? Nene...
*Pumasok si Ella at Nene.*
ELLA : Bakit po? Tapos na po ba kayo sa ginagawa nyo po?
PULIS 1 : *Di pinansin si Ella* Nene, ano ito? *Tinuro ang mga bagay na nakita nila sa
cabinet* Nene ano to? Bakit ka may ganito sa mga cabinet mo? *Galit. Hinawakan sa
magkabilang balikat si nene*
NENE : *umiling at nagsimula nang umiyak*
PULIS 1 : Anong wala, nene? Bakit ka mayroong kutsilyo, lason, ano?
ELLA : Ano po bang sinasabi mo mamang pulis? *Naiiyak*
PULIS 1 : Ikaw ba ang gumawa nun, Nene? *Umiling si Nene habang umiiyak* IKAW BA
ANG PUMATAY SA KANILANG LAHAT?
*Freeze lahat except Nene*
*Voice over: Voices of Nene's family)
*Mapapahawak si Nene sa magkabilang tainga at iiyak muli*
ELLA : Ano po bang sinasabi mo? Na si Nene ang pumatay kay tatay at kuya Arman? Sa
tingin mo po ba kaya yun ng kapatid ko? Eh bata pa po sya, wala pang kaalam-alam.
PULIS 3 : Ella, wag ka nang makisali sa usapan nila.
ELLA : Eh kasi po inaaway nya ang kapatid ko!!! *Tinuro si P1 at biglang nagiyak*
PULIS 1 : Ayaw mo talagang magsalita Nene? Sige, sumama ka sa amin...
*Hinigit ni P1 ang braso ni Nene. Nagpupumiglas si Nene pero hinawakan na rin sya ni P2 kaya
wala na syang magawa.*
*Naunang umalis si P3 at P4 kasama si Ella na umiiyak habang tinatawag ang kapatid na si
Nene.*
*Habang naglalakad si P2 at P1 hawak si nene, biglang tinulak ni Nene ang dalawa palabas
(ng stage). Tumakbo sya sa gitna. Hinihingal, nagulo na ang buhok at damit.*
NENE : *iiyak tapos biglang matatawa* *Titingin sa audience* Hindi ako ang pumatay!
HINDI NGA AKO PUMAPATAY!!! *Iyal-tawa* *Biglang mahihimatay*

-The End-

You might also like