You are on page 1of 16

Kapit sa patalim

Sa panulat ni Jesse James Busa

Sa isang mundong makasalanan may isang mabuting taong naligaw. Itago nalang natin siya sa
pangalang, Arnel.

Nagkakagulo ang lahat! May mga taong sumisigaw at hindi alam ang gagawin! may mga ilang
umiiyak.

Pulis: Sumuko kana! Napapaligiran ka na namin!

Arnel: Hindi ako susuko!

Nagmadaling sumuot si Arnel sa isang masikip at lihim na lagusan sa kanyang kwarto, pilit
siyang sumiksik doon at nagmamadali hanggang sa makalabas.

Tumakbo siya, halos madapa siya sa kanyang pagmamadali! Tumakbo siya sa mga pasikot-sikot
sa kanilang lugar, maraming mga dikit-dikit na tirahan, sumuot siya sa mga espasyo ng mga
bahay doon na wari'y kabisadong kabisado niya ang mga ito at matagal na pinagplanuhan ang
kanyang pagtakas.

Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang labasan, pagod na pagod at tumatagaktak ang
kanyang pawis, tinangka niyang kuhanin ang litrato ng kanyang pamilya sa kanyang munting
bag sa kanyang likod upang humingi ng panibagong kalakasan.

Hindi siya nagtagumpay na ito ay makuha sapagkat bago pa man ay may sumigaw ng
napakalakas!

Pulis: SUMUKO KANA! DUMAPA KA AT ILAGAY MO SA IYONG ULO ANG IYONG


MGA KAMAY!

Hindi alam ni Arnel ang kanyang gagawin, naguguluhan siya! Nagsasama-sama na ang mga
emosyon niya, takot, pagod at galit.

Hindi siya nakinig sa otoridad, kanya paring sinubukang kunin ang litrato ng kanyang pamilya
na nagbibigay kalakasan sakanya hanggang sa...

*BANG!*

Isang nakakarinding putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid! Natahimik ang lahat at
hinihintay ang resulta ng nangyare.

Tumumba si Arnel, umagos ang dugo! Nagka-gulo ang lahat! Nag-umpisang sumigaw ang mga
tao!

Nagmadaling pumunta ang mga medic sa tabi ni Arnel. Tinignan ang lagay ni Arnel, at narinig
nila ang inutal ni Arnel.

"Patawarin nyo ako..." at biglang dumilim ang lahat.

PANGYAYARI 2 (Isang masayang pamilya)

“Halina’t kumain na tayo, handa na ang umagahan!” Sigaw ni Erlinda sa kanyang mag-anak.

Agad namang lumapit ang batang Arnel at ang asawa nitong si Filipe upang kumain na.

“Aba mahal! Mukhang napakasarap naman nitong inihanda mo satin! Napaka-swerte


talaga namin saiyo!” Sabi ng kanyang asawa

“Oo nga inay! Maraming salamat po!” Saad ni arnel sa kanyang ina sabay yakap.

Sila ay larawan ng isang simple at perpektong pamilya. Mahirap man ngunit kinakaya nila ang
lahat ng problema sapagkat sila ay sama-sama at tulong tulong. Pero patuloy silang sinubok ng
tadhana sa isang trahedya.

“Oh Filipe! Halina’t kumain, nagluto na ako ng agahan.” Pagyaya ni Erlinda sa kanyang
asawang kararating lang.

“Erlinda, parang nahihilo ako.” Saad ni Filipe at bigla na lamang natumba.

Nagmadaling pinuntahan ni Erlinda ang kanyag asawa.

“Asawa ko! Gumising ka! Hindi maari ito!” Pag-iyak ni Erlinda sa nangyayari.

Umuwi si Filipe galing sa trabaho ng bigla na lamang itong natumba sa hindi maipaliwanag na
dahilan. Agad nila itong dinala sa Ospital ngunit huli na ang lahat.

“Ginawa namin ang aming makakaya ngunit hindi namin siya nailigtas, ako ay
nakikiramay sainyo.” Saad ng doctor na gumuho sa mundo ni Erlinda

“HINDI! BUHAY PA ANG ASAWA KO! HINDI! FILIPE GUMUSING KA DIYAN!


GISING!” Pagsusumamo niya sa kanyang asawa na ngayon ay walang buhay.

Napatumba na lamang si Erlinda sa sobrang pag-iyak dahil hindi matanggap ang nangyari
sakanyang asawa.
Sa araw ring mismong iyon ay umuwi si Erlinda sa bahay nila upang sabihin sa kanyang anak.

“Inay! Kamusta po si itay? Gusto ko po siyang Makita! Dalawin po natin siya sa Ospital.”
Salubong ng kanyang anak sakanya.

“Anak… Wala na ang itay mo… Patay na siya.” Muling napahagulgol si Erlinda sa kanyang
sinabi
“Ano po nay? Hindi po maari iyon!” Bigla at takot ang tono ng tono ni Arnel

“Ang sabi ng Doktor bumigay daw ang puso ng iyong itay dahil sa trabaho niya bilang
construction worker, dati pa palang may iniindang sakit ang yong itay ngunit hindi niya
sinasabi.” Hagulgol parin ni Erlinda

“Hindi pwede inay napakalakas pa ni itay! Hindi niya tayo iiwan!” tumulo na ang kanyang
Luha sa mga nalaman.

“Anak iniwan na tayo ng itay mo.”

Sila ay natumba na lamang at umiyak dahil hindi nila matanggap ang nagyari.

PANGYAYARI 3 (Ang unang tikim)

Isang labing pitong Arnel ang lumalakad patungo sa isang billiard house kasama ang kanyang
mga kaibigan.

Kaibigan 1: Pare bilisan natin! may mga chicks doon! Bilisan na natin! Baka nandoon si Karen!

Isang masiglang anunsyo ng kaniyang kaibigan.

Sa isang tabi ay nandoon ang nagdadalawang isip na si Arnel sapagkat hindi siya pinayagan ng
kanyang ina na pumunta sa Billiard house. Ayaw ng kanyang ina na pumupunta siya dito dahil
nandito lahat ng bisyo, sugal, sigarilyo, alak at Droga...

Minsan ng nag-away sila ng kanyang ina dahil nahuli siya nito na naninigarilyo sa bilyaran.

Arnel: Pare wag na kaya tayong tumuloy?

Nagdadalawang isip ni Arnel.

Kaibigan 1: Pare naman! Tara na! Maraming chicks doon eh! Wag ka ngang KJ diyan! Tara na!

Paghila ng kanyang kaibigan patungo sa bilyaran.


Pagkarating nila roon ay sinalubong sila ng mga usok ng sigarilyo, amoy ng alak at maingay na
musika na parang isang pain sa mga kabataan.

Tuluyan silang pumasok at naupo, tumingin siya sa paligid, magulo, maingay at parang wala sa
sarili ang mga tao.

Tumayo ang kaniyang kaibigan at pumunta sa nagtitinda ng sigarilyo, nang ito ay makabili ay
agad namang bumalik.

Kaibigan 1: Pare oh! Sagot ko na.

Sabay hagis nito sakaniya. Inilagay naman agad nila ito sakanilang mga bibig at sinindihan gamit
ang lighter.

Himithit sila ng ilang beses at ibinuga ito sa hangin sabay ng pagkalimot ni Arnel sa bilin ng
kanyang ina.

Patuloy silang nagsayang magkaibigan, marami silang nakilala na halos mga babaeng hindi
lumalayo sa edad nila.

Hanggang sa may bumulong sakanila...

Babae 1: Mga pogi, gusto nyo bang mas sumaya?

Pagtatanong ng isang babaeng katabi nila.

Kaibigan: Aba syempre!

Habang nakatingin ito sa lumuluwang dibdib ng babae. Tumango naman ang dalawa pa.

Babae 1: Kung ganoon, sumama kayo saakin.

Muling pang-aakit ng babae, sabay tayo sa kanyang kinauupuan at naglakad papunta sa isang
lagusan na walang masyadong tao. Pumasok sila rito at tumambad sakanila ang isang kwarto.

Kaibigan 1: Nasaan tayo?

Tanong ng kanyang kaibigan, si Arnel ay tumitingin lang sa paligid.

Babae 1: Akala ko ba gusto nyo pang sumaya? Ito na to!

Sabay abot ng babae sakanila ng isang pakete ng parang puting pulbos.


Arnel: Ano ito?

Pagtatanong ni Arnel habang tinitignan ang laman.

Sumagot ang babae.

Babae 1: Droga... Mura lamang yan, dalawang daan lang parang nasa langit kana.

Panghihikayat ng babae.

Nagitla ang tatlo sa nalaman nila, ibinalik ni Arnel ang kanyang hawak sa babae.

Arnel: Pasensya na, hindi ako gumagamit niyan. Tara na.

Tangkang aalis na si Arnel ng mapansing hindi sumasama sakanya ang kanyang mga kaibigan.

Arnel: Tara na!

Sigaw niya sakanyang mga kaibigan ngunit parang hindi siya naririnig ng mga ito.

Kaibigan 1: Pare subukan natin! Hindi pa ako nakakasubok nito! Sabi rin saakin ng iba kong
kaibigan masarap daw ito!

Kaibigan 2: Oo nga pare! Gusto ko ding subukan!

Arnel: Nababaliw na ba kayo!?

Pasigaw na taong ni Arnel.

Arnel: Tigilan na ninyo ang kabaliwan na yan at umalis na tayo dito!

Patuloy parin pagsigaw ni Arnel, hinawakan na niya ang mga balikat ng kanyang mga kaibigan
para sumama sakanya palabas.

Kaibigan: Pare naman wag kang KJ! Last lang ito! Titikman lang natin kung ano lasa. Kung
baga katuwaan lang. Tara na!

Pag-anyaya ng kanyang kaibigan sakaniya ngunit naging matigas siya.

Arnel: Ayoko! Masama iyan! Huwag nating gawin iyan!

Pag-angal nito sa gustong mangyari ng kanyang kaibigan.


Kaibigan 1: Pare naman, ito na ang una at huli na titikman natin ito. Ito naman parang hindi ko
kaibigan. Hindi naman kita ipapahamak eh, atsaka magkasama naman tayo. Katuwaan lang ito.

Patuloy na panghihikayat niya sa mga kaibigan ng biglang sumabat ang babae sa gilid nila.

Babae 1: Oo nga Arnel, makinig kana sa mga kaibigan mo. Pangako, siguradong masasarapan
ka!

Sumama pa ito sa panghihikayat kay Arnel.

Si Arnel naman isang gilid ay hindi alam ang gagawin.

Arnel: Pero masama ito...

Tanging nasabi ni Arnel sa tatlong pares ng mga matang nakatingin sakanya.

Babae 1: Ano bayan Arnel! Parang hindi ka naman lalaki! Takot kaba? Bakla ka?

Pag-ismid ng babae sakanya.

Kaibigan 1: Oo nga Arnel! Last lang ito oh! Kapag naman hindi mo ginawa ito, kalimutan mo ng
kaibigan kami! Kaibigan ka ba talaga namin Arnel?

Panunuyang tanong ng kasniyang kaibigan.

Arnel: Oo naman...

Naguguluhan na si Arnel, hindi na alam ang gagawin sa mga oras na iyon.

Kaibigan 1: Pwes patunayan mo! Gamitin natin ito ng sabay.

Binigay muli siya ng kanyang kaibigan ngs isang paketeng ibinalik ni Arnel sa babae kanina-
nina lang.

Hindi alam ni Arnel kung kukuhanin ba niya ito o hindi. Nag-isip siya ng malalim.

Babae 1: Ano na?

Walang pasensya niyang tanong kay Arnel.

Arnel: Bahala na nga!


Naguguluhan paring sagot ni Arnel at kinuha ang pakete.

Tinuruan sila ng babae kung paano ginagamit iyon, tuwang tuwa naman ang dalawa niyang
kaibigan, parang mga batang ngayon palang makakahawak ng laruan.

Babae 1: Susunugin lamang itong foil sa ilalim at sisinghutin mo lang ang usok at boom! Nasa
langit kana. Try nyo na!

Turo ng babae at sinubukan naman ng tatlo, si Arnel ay patuloy paring nagdadalawang isip pero
sa isip-isip niya ay wala ng atrasan ito.

Inamoy nila ang usok na nanggagaling sa foil at sila ay napunta sa paraiso, isang paraiso na
patungo sa impyerno.

PANGYAYARI 4 (Ang pagkalulong)

Nalulong sina Arnel sa masamang gamot, araw araw ay hindi pwedeng hindi sila gumamit nito,
dahil parang dito nanggagaling ang kanilang buhay, hinahanap-hanap ito ng kanilang mga
katawan.

Arnel: Pare! Pahiram nga muna niyang lighter mo?

Kaibigan 1: Pare wait lang ito naman! Ako muna!

Patuloy ng kaibigan sa pagpapausok nito sa kanyang foil gamit ang lighter ng sigarilyo.

Arnel: Pare bilisan mo na diyan! Gusto ko ng pumunta sa langit!

Kaibigan 1: Pare naman kasi dapat bumili ka ng sarili mong lighter!

Arnel: Pare naman alam mo namang wala na akong pera, nasangla ko na yung kwintas ni inay at
ubos na rin yung kinupit ko sakanyang limang daan.

Kaibigan 1: Tarantado ka talaga Arnel! dapat ay nagtira ng kahit bente lamang para pambili ng
lighter at hindi ka naghihiram saakin.

Arnel: Wag mo nga ako sermunan! Bilisan mo nalang nga diyan ng matapos kana at magamit ko
na yan!

Hindi na sumagot ang kaibigan at pinagpatuloy na ang paghihit sa droga.

Nang makita ni Arnel na tapos na ang kanyang kaibigan, saglitan niyang kinuha ang lighter at
sinimulan na ang ritwal patungong paraiso nilang magkakaibigan.
Inihanda na ni Arnel ang kanyang gagamitin, inilagay niya ang parang puting pulbos sa foil at
binuhay na rin ang apoy sa lighter. Sinimulan na niyang painitin ang ilalim ng foil upang
lumabas ang usok ng may dumating ng hindi inaasahan.

Nanay: ARNEL!? ANONG GINAGAWA MO DIYAN!? ANO ITO!? DROGA BA YANG


HAWAK MO!?

Patumbang nagulat si Arnel sa sigaw ng kanyang ina, nabitawan niya ang kanyang mga hawak.
Lumapit ang kanyang ina sakanya.

Nanay: ARNEL SUMAGOT KA!? ANO TONG GINAGAWA MO!?

Hindi makagalaw si Arnel, hindi niya alam ang gagawin. Isa lang ang nararamdaman ngayon ni
Arnel. Takot.

Arnel: Nay--

Hindi natapos ni Arnel ang kanyang inipong mga salita upang maipaliwanag sa kanyang ina
dahil sa isang malutong na sampal.

Nanay: Tumayo ka diyan at sumunod saakin! Bilis!

Arnel: Pero nay itong mga kaibigan ko...

Tinignan niya ang kanyang mga kaibigan na walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid dahil
nasa ilalim parin ang mga ito ng kapangyarihan ng droga.

Nanay: Iwan mo sila diyan! HINDI MO SILA KAIBIGAN! SUMUNOD KA SAAKIN!

Sumunod si Arnel sa sinabi ng ina, pagkalabas nila sa lihim na kwarto maraming nakatingin
sakanila, halos mga kabataan. Hindi pinansin ng kanyang ina ang mga tao, patuloy silang
naglakad, nakayuko si Arnel hanggang sa pagkarating nila sakanilang bahay.

Nanay: Arnel ipaliwanag mo ang naabutan ko sa bilyaran! NGAYON NA!

Arnel: Nay kasi-- ano--

Nanay: ANO!? NAGDRO-DROGA KABA!?

habang nakayuko si Arnel, parang matutumba naman ang kanyang ina sa nakumpirma sa anak.

Nanay: Anak naman! Baliw kanaba? Alam mo naman bawal yan at masama!
Nagsimula ng umiyak ang kanyang ina pati si Arnel.

Arnel: So---rry nay.

Utal ni Arnel sa gitna ng kanyang pag-iyak.

Nanay: Anak ikaw ba ang kumukuha ng pera ko?

Tumango lamang si Arnel na siyang lalong ikinaiyak ng kanyang ina.

Nanay: Anak ikaw din ba ang kumuha ng kwintas na binigay ng yumaong mong ama?

Tumangong muli si Arnel na lalong nagpatindi sa sitwasyon, napa-upo na lamang ang kanyang
ina sa labis na pagkadismaya.

Sobrang nagsisi si Arnel sa kanyang nagawa sa ina, hindi siya pinapansin ng kanyang ina at
noong gabing iyon siya ay lumayas. Dinala ang nga gamit, upang huwag ng bigyan pa ng
kahihiyan ang kanyang ina. Kinuha niya ang lumang litrato nilang pamilya, ang kanyang ina,
siya at ang kanyang ama na noon ay buhay pa. Masaya sila doon sa litrato, totoong totoo.

Hinawi niya ang kurtinang naghihiwalay sakanila ng ina.

Arnel: Paalam nay, mahal ko kayo.

At tuluyang umalis na.

PANGYAYARI 4

Patuloy na naglakad si Arnel, hanggang sa marating niya ang bahay ng isa niyang kaibigan.

Arnel: Pare? Pare? Pare?

Pagtawag ni Arnel sa labas ng bahay habang kumakatok. Nagbukas ang pinto, at niluwa nito ang
humihikab niyang kaibigan at na bakas ang antok.

Kaibigan 1: Arnel!? Bakit ka nandito ng Alas dos ng madaling araw?

Arnel: Pare lumayas ako saamin eh.

Kaibigan 1: Ano!? Nababaliw kana ba?

Arnel: Pwedeng mamaya na tayong magkwentuhan? Ang lamig dito sa labas eh.
Kaibigan 1: Ay! Pasensya na. Sige na't pumasok!

Pumasok silang dalawa, binigyan naman ng kape si Arnel ng kanyang kaibigan upang mapawi
ang panlalamig nito.

Kaibigan 1: Bakit ka lumayas sa bahay nyo?

Arnel: Nakakahiya na kasi kay inay eh, binigyan ko nanaman siya ng sakit sa ulo kaya lumayas
na ako.

Kaibigan 1: Ganoon ba? Okay sige, dito kana muna tumira sa bahay namin at hindi naman alam
puntahan ng iyong ina itong bahay, wala naman sina mama umuwi sa probinsya.

Arnel: Maraming salamat pare ah? Tatanawin ko tong malaking utang na loob.

Kaibigan 1: Nako wala yun Arnel, sige matulog na muna tayo, ginising mo ako eh. Hahaha

Arnel: Sige pare.

Kaibigan 1: Doon ka niyan pare matulog sa kwarto ng kapatid ko, kasama nila mama yung
umuwi sa probinsya eh.

Arnel: Salamat pare ah? Sige matulog na muna tayo.

Sila nga ay pumunta na sakanilang mga kwarto at nagpahinga.

Naging maayos ang pagtira ni Arnel sa bahay ng kanyang kaibigan. Isang taon, dalawang taon at
tatlong taon ang lumipas. At sa tatlong taong iyon, pinagpatuloy ni Arnel ang pag-gamit ng ilegal
na gamot.

Arnel: Pare! Bilisan mo na! Isarado mo yung bintana at baka makita tayo dito!

Sigaw ni Arnel sa kaibigan niya, hindi na halos mabilang kung ilang beses ng nakagamit si Arnel
ng ilegal na droga. Parang pagkain nalamang sakanila ang gamot na ito.

Kitang kita kay Arnel ang malaking pagbabago, luwa ang mga mapupulang mata, halata din ang
kaitiman sa ilalamin ng mga mata, payat at nagmukhang matanda ang bente anyos niyang
katawan.

Kaibigan 1: Sandali lang pare!

Sigaw pabalik ng kaibigan habang sinasarado ang bintana ng bahay, pagkatapos nun ay
nagsimula na sila sa kanilang pagdiriwang. Hithit dito, hithit doon. Walang katapusang paraiso
para sa mga ito.

Sa tatlong taong dumaan, hindi lamang paggamit ng ilegal na droga ang natutunan nila, kung
hindi pati ang pagbebenta nito, dito nila kinukuha ang pang gastos nila araw araw.

Hinanap si Arnel ng kanyang ina, sa tatlong taong iyon hindi siya tumigil sapagkat si Arnel na
lamang ang nag-iisang pamilya niya. Tinangka niyang hanapin ang mga bahay ang mga kaibigan
ng kanyang anak ngunit walang nakakakilala sa mga ito, araw araw ay nasa bilyaran siya na
umaasang maabutan niya doon ang kanyang anak o kahit ang mga kaibigan nito. Umasa siya na
babalik pa ang kanyang anak.

Pinagbigay alam niya narin sa mga otoridad ang nangyari sakanyang anak para sa mabilisang
paghahanap. Ginagawa niya lahay para mahanap lamang ito.

At sa kabilang banda, madalas dalawin ni Arnel ang kanyang ina ng palihim upang tignan ang
kalagayan nito, minsa'y nagiiwan siya ng pera sa labas ng bahay nila. Gustong gusto niyang
yakapin ang kanyang ina sa tuwing umiiyak ito pero pinipigilan siya ng konsensya, ayaw niya na
rin bigyan ng sakit ng ulo at kahihiyan ang ina sa mga nangyari, nanatili siyang tumatago.

PANGYAYARI 5

Nagkakagulo ang lahat! May mga taong sumisigaw at hindi alam ang gagawin! may mga ilang
umiiyak.

Pulis: Sumuko kana! Napapaligiran ka na namin!

Arnel: Hindi ako susuko!

Nagmadaling sumuot si Arnel sa isang masikip at lihim na lagusan sa kanyang kwarto, pilit
siyang sumiksik doon at nagmamadali hanggang sa makalabas.

Tumakbo siya, halos madapa siya sa kanyang pagmamadali! Tumakbo siya sa mga pasikot-sikot
sa kanilang lugar, maraming mga dikit-dikit na tirahan, sumuot siya sa mga espasyo ng mga
bahay doon na wari'y kabisadong kabisado niya ang mga ito at matagal na pinagplanuhan ang
kanyang pagtakas.

Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang labasan, pagod na pagod at tumatagaktak ang
kanyang pawis, tinangka niyang kuhanin ang litrato ng kanyang pamilya sa kanyang munting
bag sa kanyang likod upang humingi ng panibagong kalakasan.

Hindi siya nagtagumpay na ito ay makuha sapagkat bago pa man ay may sumigaw ng
napakalakas!

Pulis: SUMUKO KANA! DUMAPA KA AT ILAGAY MO SA IYONG ULO ANG IYONG


MGA KAMAY!

Hindi alam ni Arnel ang kanyang gagawin, naguguluhan siya! Nagsasama-sama na ang mga
emosyon niya, takot, pagod at galit.

Hindi siya nakinig sa otoridad, kanya paring sinubukang kunin ang litrato ng kanyang pamilya
na nagbibigay kalakasan sakanya hanggang sa...

*BANG!*

Isang nakakarinding putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid! Natahimik ang lahat at
hinihintay ang resulta ng nangyare.

Tumumba si Arnel, umagos ang dugo! Nagka-gulo ang lahat! Nag-umpisang sumigaw ang mga
tao!

Nagmadaling pumunta ang mga medic sa tabi ni Arnel. Tinignan ang lagay ni Arnel, at narinig
nila ang inutal ni Arnel.

"Patawarin nyo ako..." ang sabi ni Arnel sa hindi masyadong naaninagang mga tao sa paligid
niya at nahimatay dahil sa pagod at gulat.

Medic 1: May tama siya sa balikat!

Saad ng medic sa iba pa niyang kasama habang ginagawa ang paunang lunas kay Arnel. Inihiga
si Arnel at inilagay sa Ambulansya at madaliang dinala sa Ospital.

PANGYAYARI 6

Nakatali at naka-piring ang umiiyak na nanay ni Arnel, nakatayo sa dilim habang isinisigaw ang
kanyang pangalan.

"Anak! Arnel!"

"Mahal ka ni nanay!"

Tumakbo si Arnel patungo sa kanyang ina ngunit bago pa mangyari yun ay umalingawngaw na
ang isang putok ng baril sa madilim na paligid.

*BANG!*
Tumumba ang nanay ni Arnel, kumalat ang dugo sa paligid!

"Nay gumising ka! Nay!"

Sigaw ni Arnel, tinangka niyang hanapin ang bumaril sa kanyang ina, luminga-linga siya sa
paligid upang mahanap.

Sa kanyang paghahanap, nakita niya ang kanyanh sarili sa malayo, na may hawak na baril.

"Hi-ndi ma-aa-ri. Ako?"

Naguguluhang saad ni Arnel.

"Ako ang dahilan kung bakit namatay si inay? Hindi!"

Naguguluhan niyang pagtatanong sa sarili, muli niyang tinignan ang inang hawak niya kanina
ng bigla na lamang itong nawala. Hinanap niya ito sa paligid ngunit wala na ito.

"Nay! Nasaan ka!"

Sigaw niya sa kawalan, tumingin siya sa paligid at sa kanyang paghahanap ay may nakikita
siyang mga itim na usok na papunta sakanya. Siya ay tumakbo! Tumakbo ng mabilis!

Tumatakbo parin siya ng mabilis ngunit parang hindi gumagalaw sa kinalalagyan niya,
hanggang sa papalapit ng papalapit ang itim na usok sakanya, at ng makalapit ay walang
pakundangang kinain siya nito.

"Waaaaaaaaah!!"

Tanging sigaw ni Arnel

"Waaaaaaaaaah!!"

Sigaw ni Arnel sa loob ng kanyang kwarto sa Ospital.

"Anak! Gumising ka! Binabangungot ka!"

Ginigising ng kanyang ina si Arnel, niyuyugyog niya ito.

"Anak gising!"

Sigaw ng ina sakanya nat tuluyang nagising na nga si Arnel.


"Na-y? Buhay ka?"

Tanong ni Arnel, na parang walang kaalam-alam na panaginip lang ang mga nangyari kanina.

"Oo naman anak. Bakit?"

Pagtataka ng kanyang ina sa sinasabi nito ngunit bigla na lamang siya niyakap ng kanyang anak.

"Nay patawarin nyo ako!"

Umiiyak na sabi nito sa kanyang ina ngunit gumanti lamang ang kanyang ina ng isang kurot sa
tagiliran nito, tumawa ang kanyang ina sa naging reaksiyon niya.

"Nay naman eh! Ngayon na nga lang nga tayo nagkita kukuritin mo pa ako."

May tampo sa kanyang tinig.

"Aba! Pagkatapos mo akong paghanapin sayo ng tatlong taon, at pakabahin sa nangyari sayo
ngayon tingin mo hindi kita kukuritin? diyos kong bata ka naman! Papatayin mo ba ako sa pag-
aalala?"

Tanong ng kanyang ina.

"Nay patawad talaga."

Yumuko na lamang si Arnel tanda ng hiya sa kanyang ina.

"Tignan mo yang sarili mo! Ang payat mo na! yang mga mata mong namumula at eyebags mo!
Gumagamit ka parin ba ng droga?"

Mas lalong yumuko si Arnel sa tanong ng ina dahil alam niyang totoo ito.

"Pawatad nay"

Wala na lamang ibang masabi ang kanyang bibig kung hindi patawad.

"Papatayin mo talaga ako sa kunsumisyon bata ka!"

Pinagpatuloy ng ina ang pagkurot kay Arnel.

"Nay naman! Hindi na ako bata wag mo na ako kurutin!"


Pagmamaka-awa ni Arnel. Ipagpapatuloy pa sana ng kanyang ina ang panngungurot ng biglang
pumasok ang Doktor.

"Good morning." Sabi ng Doktor.

"Good morning naman ho dok." Sagot ng kanyang ina.

"Nandito ako para sabihin ang kalagayan ni Arnel." Sabi ng Doktor sa kanyang ina.

"Ayon naman sa ginawa naming test ligtas na siya sa kapahamakan at inalis na rin namin ang
bala sa balikat niya ngunit napansin namin ang bagsak niyang katawan, unti-unti ng namamatay
ang mga cells sa katawan niya dahil sa epekto ng droga."

Sabi ng Doktor sa kanyang ina.

"Dok ano po niyan ang dapat naming gawin?" Tanong ng ina sa Doktor.

"Hihintayin lamang natin na maalis ang toxic na binibigay ng droga sa kanyang katawan, proper
diet, exercise, tamang tulog at syempre kailangan na niyang tigilan totally ang pag-gamit ng
droga, I am suggesting na ipasok siya sa rehab center para sa mabilisan niyang pag-galing."

Muling sagot ng Doktor.

"Ganoon po ba Dok?"

"Oo ginang, may tanong pa ba kayo?"

"Wala na ho maraming salamat po."

"Okay, I will go now." Sabi ng Doktor at lumabas na ng kwarto.

"Oh ayan Arnel! Narinig mo ang sinabi ng Doktor! Nakung bata ka talaga!" Sabi ng kanyang ina
kay Arnel

"Patawad talaga nay!" Tanging nasabi ni Arnel.

"Naku tigilan mo na yang pag gamit mo niyan at ipapasok kita sa Rehab center." Sabi niya sa
kanyang anak.

"Okay nay, pero isasama ko din po yung kaibigan ko doon nay para makapag-bagong buhay na
kami."

Nag-iba ang itsura ng kanyang ina ng nabanggit nito ang kanyang kaibigan.
"Anak, yung kaibigan mo na yun ay patay na." Sabi ng kanyang ina.

"Ano po!? Magkasama palang po kami kagabi ng biglang dumating ang mga pulis, nag-paiwan
po siya doon para kunin ang mga pakete ng droga at susunod na daw siya saakin."

"Anak, nahuli siya ng pulis ngunit naglaban at nang-agaw siya ng baril kaya walang nagawa ang
pulis kung hindi barilin siya."

Nagulantang si Arnel sa mga nalaman.

"Arnel! Mauna kana! Kukuhanin ko pa ang ibang droga sa kwarto ko! Doon sa kwarto mo may
lihim doong lagusan palabas! Bilisan mo, susunod ako!"

Naaalala pa ni Arnel ang huling sinabi ng kanyang kaibigan sakanya. Nalungkot siya ng sobra sa
mga nalaman.

"Pasensya na anak, ganoon talaga siguro ang buhay. Kailangan nating tanggapin ang mga
kabayaran ng mga nagawa nating pagkakamali."

Niyakap siya ng kanyang anak, umiyak ito sakanyang ina.

PAGTATAPOS

Ikukulong si Arnel sa Rehab center ng limang taon para madali siyang makapag-bagong buhay.

"Nay minsan dalawin mo ako doon ah?" Sabi ni Arnel sa kanyang ina.

"Oo naman anak!" Yumakap ito sa kanyang anak.

"Mahal na mahal kita nay. Patawad sa lahat." Sabi ni Arnel.

"Mahal na mahal rin kita anak. Mag-iingat ka doon." Sagot niya saknyang anak.

Naglakad na sila palayo, kasama ang mga pulis at doktor patungo sa kanyang pagbabagong
buhay.

Sa lahat ng ginagawa natin merong mga kapalit. Laging merong pag-asa, pag-asang magbago. -
J.J.Busa

You might also like