You are on page 1of 6

STORY AND SCRIPT

SET A
EL
Bituing Magiliw: Ang Pag-ibig at Paglisan
Akda ni Flor Borcelo

Trabahador sa sakahan ang dalagang si Magdalena, sa hindi inaasahang pagkakataon


ay nabihag sa ganda niya si Don Nuel na anak ng may-ari ng sakahan. Sa unang pagkakataon
ay nagtagpo ang mga mata ng dalawa at hindi na pinalagpas ni Don Nuel ang pagkakataong
iyon, agad niyang kinuha ang pangalan ng dalaga. Nagkapalagayan sila ng loob at nagkaroon
ng relasyon. Ngunit napaghiwalay sila ng tadhana dahil sa pag dating ng mga Amerikano sa
kanilang bayan. Inangkin ng mga Amerikano ang sakahan ng pamilya ni Don Nuel at wala na
silang ibang magagawa kundi pumunta sa lugar ng kaniyang tiyahin. Ninais niyang isama si
Magdalema ngunit tutol ang kaniyang ama, mahal niya ang kaniyang ama kung kaya’t wala
siyang nagawa. Iniwan niya si Magdalena at umalis dala ang kanilang alaala. Makalipas ang
ilang taon ay namatay ang ama ni Don Nuel, pinagplanuhan niyang bumalik sa kanilang
dating lugar upang bawiin sa mga amerikano ang sakahan na kanilang pag mamayari at
upang balikan na rin si Magdalena.

Nakabalik na siya sa dati niyang lugar at marami na ang nag bago rito, isa sa
kaniyang napansin ay ang babaeng nag sasayaw sa harap ng maraming mga lalake. Nilapitan
niya ito at nakita niya ang mukha ng babaeng kaniyang pinakamamahal. Puno ng kolorete
ang kaniyang mukha at sing nipis ng papel ang kaniyang damit. Sa pangalwang pagkakataon,
nagtagpong muli ang kanilang mga mata, at na kumpirma niya na si Magdalena ang babaeng
bayaran. Nag paalam sa trabaho si Magdalena at nag usap sila ni Don Nuel, tinanong siya ni
Don Nuel kung bakit niya ginagawa iyon sa kaniyang sarili, at sa kaniyang mga sagot ay lalong
namuo ang galit ni Don Nuel sa mga Amerikano. Ginahasa at inabuso si Magdalena ng mga
Amerikano at walang hustisyang naibigay para sa kaniya, kaya napag-isipan nalang niyang
maging bayarang babae dahil kahit ano pa ang sabihin niya sa mga tao ay walang naniniwala
sa kaniya at ang tingin ng lahat kay Magdalena ay marumi. Tinubos ni Don Nuel si Magdalena
sa bahay aliwan at pinatira sa kaniyang nabiling bahay doon.

Dahil sa galit ni Don Nuel sa ginawang pang aabuso ng mga Amerikano ay bumuo
siya ng samahan, lahat ng dating trabahador sa kanilang sakahan ay sumanib sa kaniyang
pwersa. Nag handa sila at nag aral kung paano makidigma ng patago. Ngunit nahuli sila ng
mga Amerikano sa kanilang lungga, nakatakas si Magdalena sa tulong ni Don Nuel ngunit sa
kasamaang palad ay siya lamang ang mag isang nakaligtas.

Hinatulan ng mga Amerikano ang samahan ni Don Nuel ng kamatayan, pinaluhod sila
sa parke at sa huling pagkakataon ay nagtagpo ang mga mata ni Don Nuel at Magdalena
agad na umiwas ng tingin si Don Nuel dahil sa takot na baka mahuli rin at mapatay si
Magdalena. Habang si Magdalena naman ay taimtim na umiiyak at pinagmamasdan ang
lalakeng kaniyang pinakamamahal sa mga natitira nitong oras bago ito lumisan. Tumunog
ang maraming baril at tanging pangarap na kasing giliw ng bituin ang naiwan at hindi nag
ningning.

Bituing Magiliw: Ang Pag-ibig at Paglisan


Akda ni Flor Borcelo

1st scene

(Mga trabahador kanta 2x)


Magtanim ay 'di biro Maghapong nakayuko
'Di man lang makaupo 'Di man lang makatayo
Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit
Binti ko'y namimitig Sa pagkababad sa tubig

Nuel- Kay gandang binibini, sino kaya iyon Juan?


Juan- Siya ay trabahador ng iyong ama sa bukid ginoo.
Nuel- Juan anghel ata ang natagpuan ko, nais ko ang ngalan niya ngayundin.
Juan - Tinamaan ng lintik.

(Nuel Kanta)
Ano ang iyong pangalan Nais kong malaman At kung may nobyo ka na ba Sana nama'y wala
Di mo ko masisisi Sumusulyap palagi Sa'yong mga matang O kay ganda o binibini
O ang isang katulad mo Ay dina dapat pang pakawalan Alam mo bang pag naging tayo'y
Hinding hindi na kita bibitawan Aalagaan ka't di pababayaan Pagkat Ikaw sakin ay prinsesa
O magandang diwata Sana'y may pagasa Pag-ibig ko'y aking sinulat At ikaw ang pamagat
Sana naman ay mapansin HImig nitong damdamin Na walang iba pang hinihiling
Kundi Ikaw ay maging akin O ang isang katulad mo Ay dina dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo'y Hinding hindi na kita bibitawan Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat Ikaw sakin ay prinsesa

Nuel - Ano ang iyong ngalan binibini?


Magdalena- Ginoo, paumanhin sa aking kahangalan. Ako si Magdalena.
Nuel - Tila ngayon lang ako nakakita ng babaeng may taglay na labis na kagandahan.
Magdalena- Ginoo-

(Luisa kanta)
'Wag kang maniwala d'yan 'di ka n'ya mahal talaga Sayang lang ang buhay mo kung
mapupunta ka lang sa kanya Iiwanan ka lang n'yan mag ingat ka Dagdag ka lamang sa
milyun milyong babae n'ya

Magdalena - Ginoo paumanhin ngunit - Hindi ako isang laruan, na kung ayaw mo na’y iyong
papalitan-
Babalik na po ako sa aking trabaho.
Nuel -Sandali, Magdalena hindi kita niloloko. Totoong nabighani ako saiyo.
Magdalena - Ginoo, sa unang sulyap ay nahulog din ako sayo

(Kanta)
Nuel
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo
Magdalena
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko (ang puso ko)
Nuel
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Magdalena
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Nuel
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Both
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako
Magdalena
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumusigla
Nuel
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya
Magdalena
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako
Nuel
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako
Both
Sa isang sulyap mo ayos na ako
Sa isang sulyap mo napa-ibig ako

2nd scene
(papasok ang mga mananakop na amerikano)

ALL- Andyan na ang mga Amerikano!!! takbo!!!

(American singing)
Tramp, tramp, tramp. The boys are marching. Cheer up, comrades, they will come. And
beneath the starry flag, we shall breathe the air again, of the free land in our own beloved
homes.
In the battle front we stood, when their fiercest charge they made, and they swept us off, a
hundred men or more. But before they reached our lines, they were beaten back, dismayed.
And we heard the cry of victory o’er and o’er.
Tramp, tramp, tramp. The boys are marching. Cheer up, comrades, they will come. And
beneath the starry flag, we shall breathe the air again, of the free land in our own beloved
homes.
Of the free land in our own beloved homes.

Manahimik ka!!
(Luisa kanta)
Bukid, bundok, pagawaan at parang Batis ng ating kabuhayan
Papayagan bang makamkam Laya't kasaganaan?
Ang dangal ng bayang Pilipinas Ninais igupo ng dahas
Manggagawa ay magbalikwas Tutulan mo ang paghamak
Ang lahat ay magkaisang hanay Isa ma ay walang hihiwalay
Hadlangan ang mga gahaman Mapaniil na dayuhan
Bawat isa ay tibayan ang loob Bakahin ang mambubusabos
Mga papet na manghuhuthot Galamay ng mananakop
Ang damdamin nating nagliliyab Buklurin sa iisang hangad
Ang lakas ay ang mamamayan sa paglaya ng bayan
Itaas ang bandilang pula nang lumaya ang bayan
Itaas ang bandilang pula nang lumaya ang bayan

3rd scene
Tatay ni Nuel- Nasakop na ng mga amerikano ang ating lupain, wala na tayong ibang
magagawa kundi ang pumunta sa iyong tiya, Nuel.
Nuel - Isasama ko ang aking nobya ama, si Magdalena.
Tatay ni Nuel - Hindi maaari Nuel, hiwalayan mo na ang aliping iyon. Tiyak naman akong
pag dating natin sa lugar ng tiya mo ay maraming mga mayayamang dalaga ang naroroon.
Nuel - Ama-
Tatay ni Nuel - Sumunod ka sa akin, ikaw lang ang nag iisang pamilya ko.

(musical nag eempake or nag dradrama si nuel w dance step)

Magdalena- Nabalitaan ko na aalis ka na.


Nuel- Magdalena, di ko man nais na lumisan ngunit ang aking ama lamang ang natitira kong
tunay na pamilya.
Magdalena- Naunawaan ko Nuel, at tama ang desisyon mo.

(Magdalena kanta)
Yakapin mo ako nang mahigpit Bago ka umalis, mmm-mmm
Hawakan mo ang aking kamay At muli mong hagkan bago ka lumisan
Maaari bang sabihing muli Na ako lang ang 'yong mahal?
At wala nang ibang hahadlang, mmm-mmm Sa ating pagmamahalan
Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa 'yong pag-alis Mga ligaya ng nakaraan Maghihintay ako
(aalis na si nuel sa stage)
Bakit pa ba kinakailangan na ikaw ay lumisan Upang abutin, pangarap natin?
Ako'y umaasa at nagdarasal Na tayo'y muling magsasama
Maghihintay ako sa 'yong pagbabalik Nandito lang ako, ano man ang mangyari
Baunin mo sa 'yong pag-alis Tibay ng damdamin at pagmamahal
Mawawala ka man dito sa 'king tabi 'Di ko 'pagpapalit ang ating pag-ibig
Mananatiling tapat sa pangako Handang maghintay sa gitna ng lumbay
(papasok mga american)
Maghihintay ako Maghihintay ako Maghihintay ako
Yakapin mo ako nang mahigpit Bago ka umalis
Americans- (Holding Magdalena’s hair) we can make fun of her.

4th scene
Tiya ni Nuel- Patay na ang ama mo Nuel, sigurado ka ba na babalik ka pa sa dati nyong
lugar
Nuel- sigurado na ako tiya, babalikan ko ang sakahan ni ama, na inangkin ng mga
Amerikano.

5th scene
(Nagsasayaw si Magdalena sa harap ng maraming tao, iba ang kasuotan niya)
Nuel- Magdalena?
(titigil sa pag sayaw si magdalena)
(aalis na yung mga extrang nanunuod)

Magdalena- Eto na ako ngayon, isang bayarang babae. Ginahasa ako ng mga amerikano
Nuel, inabuso nila ako. At doon napagtanto ko na mas mabuti pang maging bayarang babae
nalang ako. Mabilis kumita ng pera
Nuel - Hindi ikaw yan Magdalena, wag kang mag alala aalisin kita sa lugar na ito.
(silent drama)

(Liusa Kanta)
Tingin sa iyo'y isang putik larawan mo'y nilalait Magdalena ikaw ay 'di maintindihan Ika'y
isang kapuspalad bigo ka pa sa pag-ibig Hindi ka nag-aral 'pagkat walang pera Kaya ika'y
namasukan doon sa Mabini napadpad Mula noon binansagang kalapating mababa ang lipad

6th scene
(Lahat ng extra w nuel&magdalena naka upo at nag uusap w lamesa)
Nuel - Samahan nyo ako at babawain natin ang para sa atin, babawiin natin ang sakahan sa
kamay ng mga ameikano.

(Nuel singing)
Isulong natin ang pagkakaisa ng uring manggagawa at magsasaka
Ang ating sandigan sa pakikibaka tungo sa pambansang demokrasya
Silang nagtataglay ng tunay na lakas na dumurog sa imperyalismo
Burukrata-kapitalismo, pyudalismo, ang mga salot na pumapatay
(extra)
Mula sa bundok at nayon parang alon tayong susulong
Kukupkupin at palalayain natin ang kalunsuran
(all)
At ating itatatag ang isang lipunang malaya sa isang rebolusyong sosyalista
Hanggang mapawi ang pagsasamantala,
Isulong natin ang pagkakaisa ng uring manggagawa at magsasaka
Ang ating sandigan sa pakikibaka tungo sa pambansang demokrasya
Silang nagtataglay ng tunay na lakas na dumurog sa imperyalismo
Burukrata-kapitalismo, pyudalismo, ang mga salot na pumapatay
Mula sa bundok at nayon parang alon tayong susulong
Kukupkupin at palalayain natin ang kalunsuran
(papasok amerikano at huhulihin sila)
At ating itatatag ang isang lipunang malaya sa isang rebolusyong sosyalista
Hanggang mapawi ang pagsasamantala,
(luluhod sila habang nakanta)
At ating itatatag ang isang lipunang malaya sa isang rebolusyong sosyalista
Hanggang mapawi ang pagsasamantala.
(babarilin sila kasama si nuel pero si magdalena ay nakatakas)

7th scene
(open ang kurtina sa isang kwarto)
(lalakad si Magdalena habang inaalala si Nuel )

(Magdalena singing w emotion)


Kapeng aking tinitimpla
Lagi ngayong lumalamig
Hindi ko malaman kung kulang sa tamis
Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig
Ako't siya ay naghihintay
masagi ng iyong bibig
Buhok na mahaba
Iniingat-ingatan ko
Noong isang linggo'y pinaputulan Ko ito
Marahil ay pagod lamang ang Iyong isipan
At di mo napansin at hindi tinutulan
H'wag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Akoy pinulot mo sindumi ng burak
Binigyang pangalan Itong aking Anak
Pintong dati-rati'y bukas
Sa IyOng pag-dating
Ngayo'y naka sara at panangga sa hangin
Pag ikaw ay dumalaw ito ay katukin
Kahit mahina pa Itoy aking Sasagutin
Kay linis ng silid walang nagkakalat
Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap
Sanggol na nasanay, akala ay ama
Ngayo'y natutulog Ito kahit nag-iisa
H'wag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat
H'wag kang mag-alala di ako iiyak
Hindi magdaramdam kahit na ga-patak
Pag-ibig na minsan sa iyo'y dinanas
Sa tulad kong putik tama na at sapat...

(END)

You might also like