You are on page 1of 10

ALAMAT NG ANAY

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto.


Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap
na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang
na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin
siya.
Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga
ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain.
Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.
Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin.
Payat na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang
pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano
ay masarap sa panlasa niya.
Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan,
maging ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.
Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang
aksidente ang ama at ina.
Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na
siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.
Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na
pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong
kumakain ng kahoy.
Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang
insekto na katagalan ay naging anay.
ALAMAT NG SAMPAGUITA

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging
kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa
kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ang inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng
paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa'y isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang
binata ay susundin ang ama't ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pa-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang
pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.
Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kungdi ang mga salitang, "Isinumpa kita!... sumpa kita!"
Ang mga salitang "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway kay
Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata
na wala na ang babaing pinakamamahal.
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni
Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng
kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang
halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namantay. Ang sumpa kita ay ang pinagmulan ng salitang
sampaguita.
ALAMAT NG SIBUYAS

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging
kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa
kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ang inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pang-unang lunas. Iyon ang naging daan ng
paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa'y isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang
binata ay susundin ang ama't ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pa-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang
pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.
Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang
linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kungdi ang mga salitang, "Isinumpa kita!... sumpa kita!"
Ang mga salitang "Isinusumpa kita!... sumpa kita!" ang tanging naiwan ni Aniway kay
Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata
na wala na ang babaing pinakamamahal.
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni
Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng
kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang
halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong sumpa kita, ang mga huling
salitang binigkas ni Liwayway bago namantay. Ang sumpa kita ay ang pinagmulan ng salitang
sampaguita.
ALAMAT NG SUHA

Ayon sa matandang alamat ay may isang mabait na batang Luningning ang pangalan at
nakatira sa isang malayo ngunit masaganang bayan. Pinalaki si Luningning ng ama't ina
na maganda ang pagti-ngin sa buhay. Mabuti ang kanyang puso at mabuti rin ang asal.
Sa pagdaan ng panahon ay naging sagana ang kanilang ani. Naging maalwan ang
kanilang kabuhayan at anumang maibigan ni Luningning ay naipagkakaloob ng mga
magulang.
Hindi iyon sinamantala ng mabait na bata. Sa halip ay sinabi niya sa ama at ina na
tulungan ang ibang batang mga kapuspalad.
Dumating ang malaking pag-subok sa buhay ng pamilya ng isang gabi ay pasukin sila
ng masasamang loob.
Nanlaban ang kanyang ama kaya nasaksak. Nang makita ng kanyang ina ang ginawa sa
asawa ay sinugod nito ang mga magnanakaw ngunit sinaksak din ang babae. Namatay
ang mag-asawa nang gabi ring iyon.
Hindi mapatid ang luha ng bata. Ang sabay na mawala ang ama at ina ay napakahirap
na tanggapin. Subalit ano pa kaya kung naging saksi siya sa pagpatay sa mga ito?
Ang masayahing si Luningning ay lagi nang makikitang umiiyak. Walang sandali na
hindi pumapatak ang kanyang luha. Ang magkatabing puntod ng mga magulang ay
laging basa ng mga luha ng bata.
Awang-awa ang mga nakaka-kilala kay Luningning. Anila ay napakamusmos pa nito
para maranasan ang gayong trahedya sa buhay.
Marami ang nagtangka na pasayahin siya ngunit sila ay nabigo.
Hanggang isang araw, nagtaka ang mga nakakakilala kay Luning-ning dahil bigla siyang
naglaho.
Noong una ay naging usapan ang pagkawala ni Luningning ngunit nang lumaon ay
nalimutan narin ito ng mga tao.
Samantala sa bakuran nina Luningning ay may tumubong isang puno. Makaraan ang
ilang panahon ay namunga iyon. Ang bunga ng puno ay kulay berde at hugis bilog na
parihaba.
Ilang bata ang nanguha ng bunga niyon para tikman. Nagtaka sila nang makita ang
laman ng prutas dahil tila maliliit na patak ng luha ang mga ito.
Nang tikman nila ang prutas ay nasiyahan sila dahil matamis.
Tinawag nilang luha ang prutas ngunit kalaunan ay naging kilala ito bilang suha.
ALAMAT NG IGAT

Ayon sa matatanda, ang mga isda noong unang panahon ay maa-aring makalakad sa lupa. Kapag ibig
nilang mainitan ng araw ang kanilang mga balat ay umaahon sila sa buha-nginan at doon ay
hinahayaang di-rekta silang tamaan ng sikat ng araw.
Isang isda na hindi na matandaan ang pangalan ang natutong umibig sa isang nilalang sa ibabaw ng
lupa. Ito ay walang iba kungdi ang ahas.
Matikas ang anyo ng ahas kapag itinataas nito ang ulo. Makinis at makinang ang kanyang balat lalo at
nasisikatan ng araw.
Sa mga nilalang naman ng dagat ay kilala sa pagkapilyo ang alimango. Mahilig ito sa pagpapares-pares
ng mga isda na ang iba ay humahan-tong sa pagkakapangasawahan.
Isang araw ay nagkrus ang landas ng isda at ng ahas dahil sa alimango.
Napansin kasi ng alimango ang palihim na pagsulyap ng isda sa gumagapang na ahas. Gumawa ng
paraan ang alimango para magkakilala sila. Iyon ang naging hudyat upang magkalapit ang loob ng
dalawa at magkaibigan.
Nag-aral lumangoy ang ahas para madalaw ang isda. Minsan kasi ay hindi ito umaahon sa
buhanginan kaya minabuti ng ahas na siya nalang ang pumunta sa kinaroroonan nito.
Marami ang nainggit sa kanilang pagmamahalan. Marami rin ang naawa sa kanila dahil alam nilang
hindi maaaring magsama ang dalawa. Ang isda ay para sa dagat kung pa-anong ang ahas ay para sa
lupa.
Isa pa ay mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iibigan ng isang tagalupa at tagadagat. Tagubilin iyon ng
diyosa sa karagatan at mahigpit na ipinatutupad.
Kung saka-sakali ay ang isda lang ang susuway sa utos dahil sa labis na pagmamahal sa ahas.
Ngunit walang nalilingid sa diyosa. Galit na galit ito nang malaman ang ginawang pagsuway ng
kanyang nilalang.
Pinapili ng diyosa ang isda, ang minamahal na ahas o ang mabuhay ng payapa sa ilalim ng dagat.
Sa pagkabigla ng diyosa, pinili ng isda ang mabuhay sa piling ni ahas.
"Maaari ka lang umahon sa lupa pero hindi ka maaaring doon tumira!" ang sabi ng diyosa. "Gusto
mo ba ang mamatay?"
"Mas gugustuhin ko pong mamatay na kasama si ahas," anang isda.
Noon din ay umahon ang isda at nagtungo sa lupa. Nakisama siya kay ahas. Buntis na siya at malapit
nang magsilang nang maramdaman ang unti-unting pagkaubos ng hininga. Naramdaman niyang
malapit na ang kanyang katapusan. Sa awa sa isisilang ay pinilit pumunta ng isda sa dagat. Doon na
siya namatay. Ang igat ang naging bunga ng pagma-mahalan ng isda at ng ahas.
ALAMAT NG LITSON

Noong araw ay napakasisipag ng mga tao. Masisipag sila sa pagtatanim ng mga halaman. Masisipag
rin sila sa pag-aalaga ng iba't ibang mga hayop.
Bagamat karamihan ay may mga alagang hayop, ang inaalagaan nila ay itong siguradong
makatutulong sa kanilang pagtatanim at pagsasaka.
Sa lugar na iyon ay may isang pamilya na bagong lipat. Sa halip mag-alaga ng mga hayop na maka-
tutulong sa pagsasaka ay nag-alaga sila ng mga baboy.
Mabilis dumami ang kanilang mga alaga kaya naman naging katuwaan ng mga bata na panoorin ang
mga ito lalo na sa oras ng paliligo.
Dahil maraming alaga, karaniwan na ring nagkakatay ng baboy ang pamilya para ipamigay ang karne
sa mga kapitbahay.
Mabilis dumami ang mga baboy kaya nagpasya ang pamilya na magpagawa ng malaking kulungan.
Minsan ay nayaya ang pamilya sa isang pagtitipon. Hindi agad sila nakauwi kaya nagwala ang mga
baboy dahil sa gutom. Nagawa nilang sirain ang kulungan kaya nakatakas ang iba.
Humingi ng tulong ang pamilya sa mga kapitbahay. Nagkagulo ang lahat sa paghuli sa mga
nakawalang baboy. Sa pataniman kasi ng mga halaman nagtakbuhan ang mga ito at tiyak nilang pag
hindi agad nahuli ay maraming tanim ang mapipinsala. Dahil sa pagkakagulo ay naiwan ng isang
babae ang niluluto. Naging dahilan iyon ng pagkasunog ng bahay nito at ng buong lugar.
Nang bumalik ang mga tao dala ang nahuli nilang mga baboy ay sunog na ang kanilang mga bahay.
Nanggipuspos sila dahil sa nangyari. Pero sabay-sabay silang natigilan nang mapansin ang isang
kakaiba at masarap na amoy.
Sinundan nila ang pinanggagalingan ng masarap na amoy. Nanggagaling iyon sa nasunog na
kulungan ng mga baboy.
Nilapitan nila ang mga nasunog na baboy. Isang babae ang natuk-song kumurot ng piraso noon saka
tinikman.
"Masarap," sabi ng babae.
Gumaya ang iba. Tinikman nila ang mga baboy na naihaw dahil sa sunog. Tulad ng babae ay
nasarapan sila sa karne nito.
Dahil sa pangyayaring iyon ay nagkaideya ang mga tao. Nag-alaga narin sila ng mga baboy at iniihaw
ang mga ito para muli nilang matikman ang masarap na luto sa karne. May iba namang nakaisip na
gawing hanapbuhay iyon para ipagbili sa kalapit na mga bayan.
Lumaon ay naging bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang lutuing iyon na tinawag na litson.
ALAMAT NG KUWAGO

Noong unang panahon ay may isang binata na tunay na mapag-mahal sa


kalikasan. Ang pangalan niya ay Tiyago. Nakatira si Tiyago sa paanan ng
isang malawak na bundok.
Gawain na ni Tiyago ang bantayan ang bundok at kagubatan nito. Tinitiyak
niya na walang sinumang manghuhuli ng mga hayop, mamumutol ng mga
puno o maninira kaya ng mga halaman.
Isang araw ay napansin ni Tiyago ang kalapit na gubat. May itim na usok na
nanggagaling sa isang bahagi noon na makaraan ang ilang saglit ay naging
kulay pulang apoy.
"Nasusunog ang gubat!" bulalas niya na hindi malaman ang gagawin.
Dahil sa nangyari ay nangako sa sarili si Tiyago na hinding-hindi
pababayaan ang bundok na binabantayan.
Araw at gabi ay hindi na natulog si Tiyago lalo pa at lumaganap ang balita
na may isang grupo ng mga bandido na nanununog talaga ng gubat.
May mga kakilala si Tiyago na nagboluntaryong magbantay rin sa kanilang
bundok at gubat pero maari lang magbantay ang mga ito tuwing umaga.
Dahil mga pamilyado ay ibig ng mga ito na masamahan ang asawa't mga
anak sa gabi.
Sa gayon ay nakagawian ni Tiyago ang matulog sa umaga at gising sa
magdamag. Kahit nang magkasakit ay hindi siya napigil sa magbantay sa
gabi. Aniya ay baka sa oras na ito umatake ang masasamang loob dahil alam
na walang bantay.
Nang mamatay si Tiyago ay may humalili sa kanya sa pagbabantay ng gubat.
Ito ay isang ibon na may malalaking mata at gising sa buong gabi. Bilang
pag-aalala kay Tiyago ay tinawag nilang kuwago ang ibon na hanggang
ngayon ay bantay ng gubat sa magdamag.
ALAMAT NG PALAY

Ang ating mga ninuno ay may sariling paraan ng pamumuhay noong unang
panahon. Wala silang sariling mga bahay. Palipat-lipat sila ng tirahan. Kung saan
sagana ang pagkain ay doon sila titigil. Tumitira sila sa loob ng mga kweba. Ang
iba ay gumawa ng bahay sa itaas ng malalaking puno. Ang iba ay nagtirik ng
bahay na yari sa kugon.
Kabilang sa grupong nagtatayo ng bahay na kugon sina Burnik at Paway. Iisang
taon pa lang silang mag-asawa at pinagdadalantao ni Paway ang kanilang unang
supling.
"Tumigil na lang tayo sa isang lugar. Malapit na akong manganganak kaya
kailangan natin ng pirmihang titirhan," wika ni Paway.
Naunawaan ni Burnik ang asawa kaya naghanap siya ng lugar na masagana sa
mga tanim na puno at malapit sa ilog para mapangisdaan. Nagtayo siya roon ng
isang maliit na kubong gawa sa kugon.
Pansamantala ay maraming nakuhang pagkain si Burnik. Sagana ang lugar sa
mga prutas at nahuhuling isda. Habang tumatagal ay nauubos ang pinagkukunan
ng makakain ni Burnik.
Isang araw, sa paghahanap ng pagkain ni Burnik ay nakarating siya sa lugar na
maraming tumutubong damo. Kulay ginto ang bunga niyon.
Isang katutubo ang nagsabi na manguha siya ng mga butil niyon, bayuhin
hanggang lumabas ang kulay puting bunga at pagkatapos ay iluto. Palay daw ang
tawag doon.
Tuwang-tuwa si Burnik. Ngayon ay may tiyak na silang pagkukunan ng pagkain.
Nagtanim siya ng maraming palay at pagkatapos ay itinuro sa ibang katutubo
kung paano iyon pararamihin.
Hanggang ngayon ang pagtatanim ng palay ang hanapbuhay ng karamihan sa
mga magsasaka.
ALAMAT NG PINYA

Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na babae, si Pinang.
Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa sa gawaing bahay
ang anak. Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay.

Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na niyang
gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang ina.

Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay. Napilitan
si Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto siya ng lugaw.
Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at hinaluan ng tubig. Isinalang
niya ito sa ibabaw ng apoy. Iniwan niya ang niluluto at naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang
ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa.
Kahit papaano nga naman ay napagsilbihan siya ni Pinang.

Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang gumawa ng
mga gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita ni Pinang ang sandok.
Lumapit siya sa ina at nagtanong. Nasuya na ang ina sa katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang
sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong
nang tanong!"

Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok.
Kinagabihan, nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak. Nagpilit siyang
bumangong upang kumain. Tinawag niya ang anak nguni't walang lumalapit sa kanya.

Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang isang uri ng
halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung anong uri ng halaman
iyon. Binunot niya at itinanim sa kanyang halamanan. Lumaki ang naturang halaman at di
nagtagal ay namunga ito. Nagulat si Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay hugis ulo ng tao na
napapalibutan ng mata.

Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na magkaroon sana siya
ng maraming mata upang makita ang kanyang hinanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa.
Noon niya napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi. Gayunpaman, inalagaang
mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong Pinang bilang pag-alaala sa kanyang
anak. Nang maglaon ang bunga ito ay tinawag na "Pinya."
ALAMAT NG DAGA

Noong araw ay magkakasama ang lahat ng mga tao. Nakaka-sundo sila at laging masaya, Maalwan
ang kanilang buhay dahil ipinagkaloob sa kanila ng Diyosa ng Kasaganahan ang lahat ng maaari
nilang hilingin.
Isa lamang ang kapalit ng lahat ng iyon. Ibig ng diyosa na huwag silang aalis sa kanilang paraiso.
Sa kabila ng mabuting kabuhayan ay hindi makuntento si Raga. Isa siyang binatilyong may malikot na
imahinasyon. Ibig niyang malaman kung ano ang nasa kabila ng kanilang paraiso. Bawat araw ay may
udyok siyang nadarama sa kanyang puso na nagsasabing tuklasin niya kung ano ang nasa kabila ng
naka-mulatang paraiso.
Isang gabi ay lakas-loob na tumakas si Raga. Wala siyang kasingsaya dahil ang pakiramdam niya ay
nakawala siya sa isang gintong kulungan.
Gayunman ay hindi niya inasahan na kabaligtaran ng buhay sa paraiso ang matutuklasan.
Subalit dahil bagong karanasan iyon para kay Raga kaya sabik parin siya. Lumakad siya at nagtatakbo
sa putikan, natulog siya sa maruming paligid. Kumain din siya ng mga pagkaing noon lang nakita ng
mga mata. Naging eksayted din siya sa pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng mga taong na may
malaking kaibahan sa mga nakatira sa paraiso.
Nalibang si Raga sa bago niyang daigdig. Inubos niya ang panahon sa pag-gala at pagdiskubre ng
mga bagay-bagay. Halos hindi niya namalayan ang paglipas ng mga araw.
Isang gabi ay dumating kay Raga ang pangungulila. Naalala niya ang ina na marahil ay labis nang nag-
aalala.
Naalala rin niya ang ama na tiyak niyang hinahanap siya.
Bigla rin niyang naalala ang mga kaibigan at mga kakilala.
Nagmumuni-muni siya nang may dumampot sa kanya.
"Teritoryo namin to!" sabi ng isa.
"Maghanap ka ng sarili mong lugar!" wika naman ng kasama nito.
Nalungkot si Raga. Sa paraiso ang lahat ay pantay-pantay. Walang inaapi at walang nang-aapi. Noon
niya nakuro na mas maganda parin ang kanilang paraiso.
Marusing at mabaho, hindi naki-lala si Raga ng mga taga-paraiso. Pinalayas siya ng mga ito. Kahit
anong paliwanag niya ay walang gustong makinig. Napaiyak si Raga na tinawag ang kanilang diyosa.
Ngunit sa halip papasukin sa paraiso ay isinumpa siya nito sa pagsuway sa utos.
Si Raga ay naging isang malitt na hayop na nakadidiri ang itsura. Sa marurumi at mababahong lugar
lang siya nakatitira tulad ng mga pusali at mga lungga. Si Raga, ang binatang dating taga-paraiso, ang
pinagmulan ng lahi ng mga daga.

You might also like