You are on page 1of 2

Name: Kyrlenne Hope Factularin Grade & Section: 10 St.

Vincent
Pamagat ng Akda: “Magda”
Komposer:Gloc 9 & Rico Blanco
Tema: Isyung nag papatungkol sa isang babaeng naging bayaran.
Mga Tauhan:

 Magdalena
 Ernesto
 Ama ni Magda

Tagpuan/Panahon:

 Pilipinas
 Maynila
 Bar
 Sta. Mesa

Maikling Buod/Akda:

Ang kantang Magda ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang magdalena. Si Magda ay may
kaibigan, Ernesto ang pangalan nito. Matalik silang magkaibigan ngunit nung magdalaga si
Magda ay nakakilala ito ng lalaki at sumama papuntang maynila. Sinundan ito ni Ernesto, at
lumuwas ito pa maynila upang puntahan si Magda sa kanyang pinagtatrabahuan. Hindi niya
ito nakita, at nung gabing iyon pumasok siya sa isang BAR na kung san patay sindi ang ilaw.
Nagulat siya ng makita niya si Magda na walang saplot at nagbibigay aliw habang ang mga tao
ay nagpapalakpakan. Pagkatapos nun pagsayaw ni Magda ay nilapitan niya ito at walang pag
aalinlangang sumama sa kanya si Magda. May nangyare sa kanila ni Ernesto, ngunit pagising
ni Ernesto ay wala na si Magda at tanging liham na lang ang iniwan nito sa mesa. Dito sa liham
isinaad ni Magda kung ano ang nangyare sa kanya at sinapit nito sa manila.

Pagsusuri sa pagiging isa nitong Akdang Sosyolohikal:

Ang kantang ito ay tungkol sa bayaran at kaladkaring babae, na inilahad sa kanta nabuksan
ang isip ng mga tao sa kung ano nga ba ang tunay na nangyayare sa ating lipunan. Nais ng
kanta ipakilala sa mga tao ang tunay na mundo, nais nitong kunin ang atensyon ng mga taong
nasa gobyerno upang masolusyunan ang gantong problema sa ating bansa. Ipinakita sa kanta,
kung pano naging bayaran si Magda, at kung pano ang sistema ng mga taong kumakapit sa
patalim.

“Bakit ‘di ka makawala sa kadena, at sa gabi-gabi ikaw ay nasa selda na hanap buhay mo
ngayon.” Ang lirikong ito’y nag papakita sa kung ano ang tunay na nararamdaman ng mga
babaeng nagiging bayaran. Ramdam nila ang pagkakakulong sa selda ng kanilang mga
kasalanan sa kadahilanang ginagamit nila ang kanilang mga katawan upang mag hanap-buhay.

“Ito'y kwento ng isang babaeng tulog sa umaga gising sa gabi. Ang kanyang mukha'y puno ng
kolorete sa lugar na ang ilaw ay patay sindi” “Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim.
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing nang biglang nagpalakpakan may mabagal na
kanta sa maliit na entablado ay nakita ko na ko ay nagtaka nagtanung nagkamot. Bakit s'ya
sumasayaw na sapatos lang ang suot?” ay nag sasabi’t nag papakita sa kung ano ang kalagayan
at itsura ng mga babaeng bayaran at sa kung saan sila nag tatrabaho. Sila’y nag aaliw ng mga
lasing sa pamamagitan ng pag sayaw ng walang damit.

“Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino, 'Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
imbis na ako'y sagipin itinulak sa bangin Ito pala'ng ibig sabihin ng kapit sa patalim” lirikong
nag papahayag sa kung paano inuuto at nauuto ang mga batang probinsyang babae sa
prostitusyon. Sila’y pinapangakuan ng magandang buhay at trabaho sa Maynila, ngunit sa pag
dating nila duo’y prostitusyon, lasing, hirap, at puot lamang ang kanilang matatagpuan.

“Kung mabaho sabunin kung makati gamutin. Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin.
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng” ‘yan na ang tingin ng mga kababaihan sa
kanilang mga sarili simula nuong sila’y naging bayaran at hinding hindi na nila ito mababago.

“Gusto ko mang manatili sa'yong mga yakap ako may natutuwa dahil ako'y iyong nahanap wala
na yatang walis ang makakalinis ng kalat” nag papakitang sila mismo’y nahihirapang baguhin
ang tingin nila sa kanilang mga sarili dahil sa mga nangyari na sa nakaraan.

Marami nang prostitusyong nangyayari sa Pilipinas simula pa nuong una. Maraming minor de
edad na nagtatrabaho bilang bayaran para sa pera at dahil sa kahirapan. Ito’y akdang
sikolohikal sapagkat nakaka-apekto ito sa bansa at sa lipunan, lalo na sa mga kumunidad at sa
mga taong narito.

Aral na Taglay sa Akda:

Para sa akin isa rin sa nais na iparating ng kanta, na dapat hindi tayo nanghuhusga ng tao, na
kahit kaladkarin sila, alamin muna natin ang dahilan nito. Na sa kabila ng ating panghuhusga,
bat hindi natin sila tulungan makaalis sa kinalalagyan nila. Tao parin sila at kailangan parin
nila irespeto.

Pangwakas na kaisipan:

Isa rin sa ipinapabatid ng kanta na isa sa sanhi ng gantong gawain ay sa kahirapan. Maraming
na huhuman trafficing dahil mahirap sila, maraming kumakapit sa patalim dahil mahirap sila,
at naging normal na lang ito sa kanila na parang tinaggap na nila sa sarili nila na hindi na sila
magbabago at makakaangat pa sa buhay nila.

You might also like