You are on page 1of 5

ANG LAPIS NI JOANNA

Isa akong lapis na nakadispley sa isang malaking tindahan.


Katabi ko ang mga simpleng lapis; may mga dilaw at payat, may
mga itim at matataba. Subalit sa aming lahat, ako ang
pinakamaganda. Ang katawan ko'y nababalutan ng magaganda
at makikintab na guhit ng cartoon characters. Ang pambura ko'y
nagtataglay ng amoy ng prutas na strawberry . Sa eskaparateng
ito alam kong AKO ang pinakamaganda at tiyak na magiging
espesyal ako.
Isang babae ang lumapit sa eskaporate at itinuro ako."Miss,
bibilhin ko ang magandang lapis na iyon para sa aking anak,"
sabi niya sa tindera
"Napakagandang lapis! Tiyak na magugustuhan ito ng ating si
Joanna." sabi naman ng lalaking kasama ng babae na sa tingin
ko'y asawa niya.
Halos lumiyad ang dibdib ko sa mga papuring naririnig. "Hah!
Talagang maganda ako at tiyak, espesyal nabata ang
pagbibigyan sa akin, nagmamalaking sabi ko sa mga dilaw at itim
na lapis,
"Malulungkot kami't aalis ka na pero masaya na rin kami dahil
mapupunta ka sa isang espesyal na batà," sabi ng mga dilaw na
lapis.
"Paalam, Kaibigan!" sigaw ng mga itim na lapis pero hindi na ako
nakasagot dahil isinisilid na ako sa supot kasama ang ilang aklat
at mga papel.
Sa biyahe papunta sa tahanan ng mag-asawa ay ipinatong ako
sa bag ng babae kaya't naririnig ko ang kanilang usapan. "Mula
nang matutong gumuhit at sumulat si Joanna ay naging
masayahin na siya." sabi ng babae na Dolores pala ang
pangalan.
"Oo nga. Nakatutuwang nakasusulat na siyang mga kuwentong
sinasamahan niya pa ng guhit," sagot naman ng asawang si
Celso.
Lalo akong natuwa sa narinig. Isang magaling sa pagsulat at
pagguhit ang batang mapupuntahan ko. "Tiyak na mapapansin
bulong ko sa katabing aklat lalo ang kagandahan ko kapag lagi na
niya akong ginagamit." Paghinto nami'y binitbit ni Aling Dolores
ang supot na kinalalagyan ko. Papasok pa lang sa tarangkahan
ay narinig ko na ang maliliit subalit mabibilis na yabag. "Nanay!
Tatay! Dala n'yo na ba ang lapis ko?" sigaw ng isang matinis na
tinig.
"Oo. Anak, siguradong matutuwa ko dahil napakaganda yong
lapis," sabi ni Aling Dolores.
Binuksan ni Mang Celso ang supot Ako ang una niyang inilabas
kaya't nakita ko agad ang batang gagamit sa akin. Masaya ang
mukha at ang mga mata'y nagniningning. Pero ano ito putol ang
kanyang mga braso mula balikat kaya hindi niya ako puwedeng
hawakan. "Wow, ang ganda ng lapis ko. Gusto ko pong gamitin,
'Tay."
"Sige. Anak, maupo ka sa iyong sulatan at gamitin mo na ang
lapis," masuyang sabi ng ama. Nakita ko ang isang mababang
mesang nakasandal sa dingding at isang upuang mataas nang
kaunti sa mesa. Umupo si Joanna at inipit ako ni Mang Celso sa
pagitan ng kanyang mga daliri sa kanang paa.
"Ano ito! Pag ang gagamiting panghawak sa akin! Espesyal ako!
Maganda ako! Hindi ito bagay sa akin!" subalit walang nakaririnig
sa aking mga sigaw.
Sa araw-araw ay nagpatuloy ang aking pagdurusa. Sulat dito,
guhit doon ang ginagawa ni Joanna, gamit ako. Sabagay
magaganda ang kanyang mga ideya.
Isang araw, nagpunta kami sa isang gymnasium. Maliwanag dito
at maraming tao. Isinali pala sa contest ng mahuhusay na
Person's with Disability (PWD) ang mga likha ni Joanna.
Maya-maya pa'y tinawag ang pangalan ng batang nagwagi ng
ikatlong gantimpala. Hindi si Joanna 'yon. Sumunod ang
Ikalawang gantimpala. Hindi pa rin siya ang tinawag. Nang
tawagin ang unang gantimpala'y halos mapalundag ako mula sa
kamay ni Aling Dolores nang marinig ko ang pangalan ni Joanna.
"Kami iyon! Panalo kami!" sigaw ako nang sigaw sa sobrang
tuwa. Nakangiting umakyat si Joanna sa entablado kasunod si
Aling Dolores, dala-dala ako. Nagbigay ng mensahe si Joanna at
kasama sa mga ipinagpasalamat niya ang pagdating ko sa buhay
niya.
Napakaraming naituro sa akin ni Joanna. Natutuhan kong sa
mundong ito, pantay ang lahat ng nilikha. Naalala ko ang mga
katabi kong dilaw at itim na lapis, mas maganda nga ako sa
kanila subalit pare-pareho lang kaming lapis. Si Joanna, naiiba
siya dahil putol ang kanyang mga kamay subalit daig niya ang
ibang kompleto ang bahagi ng katawan dahil busilak ang kanyang
kalooban at ginagamit ang kanyang kakayahan sa kabila ng
kakulangan
"Umiiyak pala ang isang lapis," tudyo ng mga kaibigan kong
papel. Alam nilang simula na ito ng isang malaking pagbabago sa
akin.

B. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pahayag .


Tukuyin ang sanhi o bunga ng mga pahayag na nasa hanay A
mula sa hanay B.

A. B.
1. Nagyayabang ang lapis sa a. mga daliri sa paa kasi ang
mga kapwa niya lapis na ginagamit na panghawak sa
naka displey sa eskaparate. kanya.
2. Labis na nagulat ang lapis b. nakilala na kasi ng lapis
nang makita niya ang batang ang kanyang pagkakamali
magiging amo niya? sa ginawa niyang paghusga
kay Joanna.
3. Ayaw na ayaw ng lapis sa c. nanalo ng unang
paraan ng paggamit sa gantimpala si Joanna sa art
kanya ni Joanna. contest ng mga person’s
with disability.
4. Halos mapalundag sa d. Naniniwala kasi siyang
tuwa ang lapis sa kanyang siya ang pinakamagandang
narinig lapis sa mga nasa
eskaparate at espesyal pa.
5. Nakita ng mga kaibigang e. putol kasi ang mga braso
papel na napaiyak ang lapis. ng batang mula sa ibaba
ang balikat.

Nakikilala kung tama o mali ang mga pahayag. Suriin kung Tama
o Mali ang sumusunod na pahayag batay sa binása.
1. Naging mapanghusga ang lapis sa mga bagay na sa tingin
niya'y mas mababa sa kanya.
Tama
Mali
2. Nang mabili siya'y nanabik siyang makilala ang batang
magiging amo niya.
Tama
Mali
3. Ikinatuwa niyang malamang mga paa ang gagamiting pansulat
sa kanya.
Tama
Mali
4. Agad niyang naibigan ang naging búhay sa piling ni Joanna.
Tama
Mali
5. Napagbago siya ng kabutihang nakita niya kay Joanna.
Tama
Mali

Uri ng Pang-abay (Panlunan)

Panlunan - pang-abay na nagsasabi ng lugar o lunan kung saan


nangyari o ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa
tanong na "Saan ginawa ang kilos?"
Halimbawa:

Nagpunta sa entablado sina Joanna at ang lapis.


Pandiwa: Nagpunta
Pang-abay na panlunan: sa entablado

Kumain sa restoran ang pamilya bilang pasasalamat sa


pagkapanalo ni Joanna.
Pandiwa: kumain
Pang-abay na panlunan: sa restoran

1. Tuwing Linggo'y nagpupunta ang pamilya ni Joanna ______


para manalangin.
2. Pagkatapos, sila'y tumutuloy ______ upang mananghalian.
3. Minsan, sila ay nagpupunta ______ para magpiknik o
maglakad-lakad sa damuhan.
4. Pagkatapos sila'y umuuwi nang maaga ______ para
makapagpahinga,
5. Lunes ng umaga, si Joanna ay pumapasok ______.
6. Ang nanay at tatay naman niya ay pumapasok ______ para
magtrabaho.
7. Si Joanna ay nagtutungo ______ para manghiram at magbasa
ng aklat.
8. Sa hapon habang naghihintay siya ng sundo ay tumutuloy
muna siya ______ para maglaro.
9. Si Nanay naman ay dumadaan ______ para bumili ng
maiuulam.
10. Pag-uwi nila, ______ nagsasama-sama ang mag anak para
maghanda ng kanilang hapunan.

You might also like