You are on page 1of 6

Panandang Pandiskurso

Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag ang


paggamit ng panandang pandiskurso. Maaaring ang pananda
ay maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di
kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso.
Ginagamit din ang mga ito upang ipakita ang pagbabago ng
paksa, pagtitiyak, pagbibigay-halimbawa, opinyon, at paglalahat.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga panandang pandiskurso.

1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari sa bandang huli
nang sumunod na araw pagkatapos
sa dakong huli

2. Panandang naghuhudyat ng pagkakabuo ng diskurso


Ang sumusunod ay uri ng panandang naghuhudyat ng
pagkakabuo ng diskurso:

a. pagbabagong-lahad
kung tutuosin sa ganang akin
sa ibang salita kung iisipin

b. pagtitiyak
tulad ng kagaya ng

c. paghahalimbawa
halimbawa sa pamamagitan
isang magandang halimbawa ay

d. paglalahat
sa madaling sabi bilang pagtatapos
bilang paglalahat
e. pagbibigay-pokus
pansinin na tungkol sa
bigyang-pansin ang

f. pagkakasunod-sunod ng pangyayari
ang sumunod una
ang katapusan

3. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng may-akda


kung ako ang tatanungin sa tingin ko
sa aking palagay kaya lámang
bagaman

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang panandang


ginamit sa bawat bilang.
1. Sa tingin ko ang mga Pilipino ay may matibay na
pananampalataya sa Diyos.
2. Kung tutuosin napakarami na nating pinagdaanan bilang
mamamayang Pilipino.
3. Ngunit nananatili pa rin tayong matatag, kagaya ng punong
kawayan na yumuyukod kapag may bagyo ngunit tumatayo muli
at hindi nababali.
4. Bagaman mahirap ay sinisikap nating pagaanin ang buhay.
5. Sa aking palagay, hinuhugot natin ang lakas na ito sa
paniniwala nating hindi tayo bibigyan ng isang problemang hindi
natin kakayanin.

1. sa madaling sabi

2. tulad ng

3. kaya lamang
4. sa pamamagitan

5. sa dakong huli

WEEK 4

Uri ng Pang-abay

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa isang


pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. Ito ay may iba't ibang uri.

1. Pamanahon - Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang


kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.

Halimbawa:
Ang templo ng Vishnu sa Lungsod ng Tirupathi ay binuo noon
pang ikasampung siglo.

2. Panlunan - Nagsasaad ng pook, lunan, o lugar na


pinangyayarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan at
nasaan.

Halimbawa:
Sa India matatagpuan ang pinakamatandang sibilisasyon.

3. Pamaraan - Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na


sumasagot sa tanong na paano.

Halimbawa:
Masigasig na nakilahok sa pagdiriwang ang 60 milyong taong
dumalo sa Kumbh Mela.

4. Pang-agam - Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang


katiyakan.
Halimbawa:
Marahil naging mahirap humanap nang matutuluyan noon.

5. Ingklitik - Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita


pagkatapos ng unang salita sa pangungusap. Ito ay ang man,
kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang, din/rin, ba, pa,
muna, pala, na, naman, at daw/raw.

Halimbawa:
Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong mundo.

6. Benepaktibo - Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng


benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng
pariralang pinangungunahan ng para sa

Halimbawa:
Ang anim na milyong dolyar na nakokolekta araw-araw ay
ginagamit para sa mga pangangailangan ng templo.

7. Kawsatibo - Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad


ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala
sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.

Halimbawa:
Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang
maraming tao sa India.

8. Kondisyonal - Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para


maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga
sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at
pagka.

Halimbawa:
Magiging maunlad ang isang bayan kung susuporta ang mga
taumbayan.
9. Panang-ayon - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng
pagsang-ayon. taumbayan. Ang mga halimbawa nito ay oo, opo,
tunay, talaga, totoo, sadya, at iba pa.

Halimbawa:
Tunay na malaki ang kontribusyon ng India sa sibilisasyon ng
mundo.

10. Pananggi - Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng


pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.

Halimbawa:
Hindi kailanman sumakop ng kahit na anong bansa ang India sa
kanyang 100,000 taong kasaysayan.

11. Panggaano - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o


timbang.

Halimbawa:
Nanatili nang limanlibong taon ang yoga sa India.

1. Sa India nagsimula ang larong chess.


2. Naimbento ito noong bago pa mag-ikaanim na siglo.
3. Masayang nilalaro ng mga tao ang larong ito.
4. Hindi ako marunong maglaro nito.
5. Madali raw matutuhan ang laro.
6. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
7. Tumagal nang dalawang oras ang pagtuturo niya sa akin.
8. Totoong maganda ang larong ito.
9. Marahil matatalo mo na ako ngayon.
10. Ang gumagaling sa larong ito ay 'yong mga masigasig matuto.
Pamanahon
Panlunan
Pamaraan
Pang-agam
Ingklitik
Benepaktibo
Kawsatibo
Kondisyonal
Panang-ayon
Pananggi
Panggaano

You might also like