You are on page 1of 2

Tahimik ngayong gabi sa tirahan ni Arnel.

Walang kahit anong maingay na tsimis galing sa


kapitbahay o mga asong nagtatahulan o mga malakas na andar ng mga sasakyan. Siya lamang at ang
kanyang lamesa puno ng mga libro at gamit pang eskwelahan.

“Ayos!” tuwang-tuwang bulong sa sarili ni Arnel, “Makakapagaral na ako ng maayos habang


tahimik pa dito. Alam pala ng mga tao dito ang salitang tahimik.” Binuklat na niya ang kanyang librong
aaralin at hinanda ang kanyang gamit pangsulat at papel. Nang may biglang kumiliting boses dumaan sa
tenga ni Arnel

“Paanong matulog?”

Napasigaw si Arnel at lumigon sa lahat ng sulok ng kanyang kwarto. Wala siyang nahuli. Ang
kanyang kama, aparador, at iba pang gamit lang ang nakita niya doon. Nakapagtataka. Umalis ang
magulang ni Arnel kaya siya lang ang tao sa bahay nila at hindi niya rin kilala ang babaeng boses na iyon.

“B-Baka gunini ko lang iyon…..“, kabang-kabang sinabi ni Arnel.

Binayaan nalang niya ang misteryosong pangyayari na iyon at planong simulan ang kanyang
ginagawa. Sa paglingon niya sa harapan ng kanyang lamesa ay nakita niya ang isang babaeng nakasuot
ng puting bestida nakalutang sa ere. Mahaba ang buhok at maganda ang itsura pero kapag tiningnan
mabuti, buong katawan ay nanganganinag!

Napasigaw si Arnel at sa kanyang pagtaranta ay nahulog siya sa kanyang upuan. Hindi siya
makapaniwala. Paanong hindi niya napansin ang babae nasa harapan niya at lumilipad in ibabaw ng
lamesa?! Imposible iyon! Pero ito nga. Kahit anong maisip na dahilan ni Arnel ay hindi maitatangi na
nakikita niya ang babaeng ito at hindi niya alam kung anong gagawin.

“Ayos ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?“, tanong ng misteryosong babae.

”Oo….”

”Teka lang… Nakikita…mo ako?”

“Oo?“

”Sa wakas! Meron na akong nakilalang nakakakita sakin.“, iyak ng puting bestidang babae. Mas
dumami ang nagsilabasan na tanong sa isipan ni Arnel. Bakit tuwang-tuwa siya may nakakakita sa
kanya? Paano siyang lumulutang? Paano siya nakapasok sa kwarto? At higit sa lahat….

“Sino ka?!“

“Ako? Hm…. Siguro parang akong….multo?”, sagot ng babae kay Arnel.

”Multo?!“, gulat si Arnel sa sagot ng babae, “Anong pinagsasabi mo?! Hindi totoo ang mga
multo! Niloloko mo ba ako?!”
“Hindi ako siguro pero nakakalutang, nakakalusot ako sa mga pader, at hindi makahawak ng
mga gamit. Hindi ba iyun mga katangian ng mga multo?”

Walang masabi si Arnel. Kahit ang isang matalinong tao katulad niya ay di kaya mapaliwanag
kung anong nilalang siya. Hindi miya rin alam kung bakit siya lang ang nakakakuta sa kanya. Baka multo
talaga siya.

”Oo nga pala. Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko.” bigkas ng multo kay Arnel, “Paanong
matulog?”

”Kung sasagutin ko ang tanong mo, alis ka na dito?”

”Oo! Aalis ako kapag tinuruan mo ako paanong matulog.” malakas na sagot ng babaeng multo.

“Simple lang. Humiga ka, pumikit ka ng matagal, at tulog ka na.”

Tumitig lamang ang multo at ipinakita ang pagkaduda sa sinabi ni Arnel. “Totoo bang gagana
iyan sa akin? ” Nagbigay ng buntong hininga si Arnel. “Hindi ko alam kung gagana sa mga multo kagaya
mo pero subukan mo lang para matapos natin ito.” Nagiisip pa ang multo pero sa huli ay tinangap na
niya ang binigay na payo at umalis na sa bahay ni Arnel. Dahil sa mga kakaibang pangyayrinsa kanya,
nagpahinga sa pagaarala at natulog sa tahimik na gabi.

You might also like