You are on page 1of 14

“KANANG PALAD”

ISINULAT NI GABRIELLE LOREIN ALCAGNO

Ang kalangitan ay makulimlim, isang lalakeng tumatakbo papuntang silid-aralan para hindi
maabotan ng ulan. Napakamot siya sa kaniyang ulo ng maalala niyang nakalimutan niya palang
dalhin ang kaniyang paboritong kuwaderno kung saan ‘lagi niyang isinusulat roon kung ano’ng
itinakbo ng kaniyang araw kung ito ba’y napasaya siya o ‘binalot ng hindi magandang
pangyayari. Ang kuwaderno niya ay tulad sa mga librong may mga kabanata ‘ring inilalahad
kung saan nauubos ang tinta ng kaniyang bolpen sa kakasulat ng kaniyang kwento.

Si Elfondo ay isang guro sa elementarya at tuwing biyernes ikinukwento niya sa kaniyang mga
istudyante ang kaniyang mga masasayang nakaraan at mga malulungkot na dinaanan na hinding-
hindi niya makakalimutan lalo na nang makilala niya ang isang babaeng ubod ng kaputian, isa
siyang babaeng espesyal na ikinataka ni Elfondo kung bakit isa siyang prinsesang walang
kaharian ngunit pinagsisilbihan ng karamihan.

Nang makapasok si Elfondo sa silid-aralan binungad siya kaagad ng ingay. Napangiti ang lalake
dahil nakikita niya sa isa niyang istudyante ang dating siya kung saan naghaharana sa isang
babae. Inilapag ni Elfondo ang kaniyang kagamitan sa lamesa dahilan ng pagkawala ng ingay.

Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kaniya at ang mga tenga naman ay bukas na bukas handang
makinig sa bagong kwento ng kanilang guro.

Tumayo ng tuwid si Elfondo at pinangtinginan niya isa-isa ang kaniyang mga istudyante na
handa at interesadong makinig sa kaniya. Napatingin muna si Elfondo sa labas at nakita niyang
ilang minuto nalang ay aagos na ang ulan.
“Sa araw na ito pinaghandaan ko ang aking sarili dahil ikukwento ko sa inyo ang tungkol sa
babaeng nagbigay ilaw sa daan kung saan madilim pa ang aking patutungohan, siya ang dahilan
sa mga araw kung saan nasa gitna ako ng dalawang katanungan “ihihinto ko na ba?” o
“ipagpapatuloy ko pa?”, at siya rin ang dahilan kung bakit nakatayo ako ngayon sa inyong
harapan.” Bumuntong hininga ng malalim ang lalake. “Siya ay galing sa tribong bukidnon,
itinuturing siyang kahanay ng mga datu at inihahambing sa hikay dahil sa hindi pagbilad sa araw.
Siya ay isang BINUKOT.”

Malakas na isinampal si Elfondo ng kaniyang ama na punong-puno ng galit sa kaniya. Mayo 20,
1995, hindi nakagraduate si Elfondo sa highschool dahil nagpakatarantado ito sa kaniyang pag-
aaral inuna niya ang pagbabarkada, inuman, pambabae, at pagbebenta ng ilegal na droga. Wala
siyang pakialam sa kaniyang paligid, wala siyang pakialam kahit anong sabihin ng mga tao
tungkol sa kaniya, hindi niya iniisip na nasa pamilya siya ng mga nasa politiko lalo na ang
kaniyang ama na isang Mayor sa kanilang syodad.

Hinampas ng malakas ni Elfondo ang lamesa at tumawa-tawa na parang baliw na mas lalong
ikinainit ng ulo ng kaniyang ama.

“Hindi mo alam ang aking nararamdaman, hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko kasi wala
kang pakialam!” Sumigaw ng pagalit si Elfondo. “Ngayon kala’ng nagkaroon ng pake kung saan
hindi ako nakagraduate?, an’daming taong binibigyan mo ng pake ngunit ako na anak mo
mismo hindi mo manlang kayang kamustahin?” Umiyak si Elfondo at sinuntok ang pader na
nasa likoran niya. “Ano ba?!, wala manlang “Anak kamusta na pag-aaral mo?”, “Anak may
pera ka pa ba diya’n?” hindi ko manlang narinig ‘yan sa ‘yo!, ama pa ba kita---“

Napahinto sa pagsasalita si Elfondo ng tumama sa mukha niya ang kanang kamao ng kaniyang
ama dahilan ‘rin ng pagkabagsak niya sa sahig. Puno ng galit, sakit at lungkot ang
nararamdaman ni Elfondo, pumasok sa isip niya na suntukin rin ang kaniyang ama ngunit hindi
niya magawa dahil may takot parin ito.

Tumayo si Elfondo na umiling-iling dahil hindi siya makapaniwala na nagawa ng kaniyang ama
na saktan siya. Humagulgol ng malakas si Elfondo dahil sa nararamdamang sakit na para bang
isa siyang lalakeng nasawi sa pag-ibig.
“ S-sana h-hindi ka n-nalang nagpatakbo sa p-pagka m-mayor!” Nauutal, napipiyok at
nahihirapang sumalita si Elfondo. “P-pasensya a-ang p-pangarap mo s-saking maging m-mayor
ay h-hindi ko matutupad,” Dahan-dahang naglakad palapit si Elfondo sa kaniyang ama at
niyakap niya ito ng mahigpit. “Sana naisip mo ‘ring magbigay ng atensyon at pagmamahal sa
akin kagaya ng pagbibigay mo sa mga mamamayan dito sa ‘ting syodad, anak mo akong
matagal nang hinahanap ang atensyon ng ama.”

Kumawala sa pagkayakap si Elfondo sa kaniyang ama at tumakbo palabas ng kanilang bahay na


mabigat ang pakiramdam. Napag-isipan ni Elfondo na lumayo sa syodad at pumunta sa
malayong lugar kung saan walang makakakilala sa kaniya. Pagod na siyang mabuhay sa
kumplikadong mundo kaya na pagplanohan niyang magpakamatay sa lugar na walang
makakakita sa kaniya ngunit nakarating siya sa lupain na makakapagpagulo ng isip niya.

Nilagyan ni Elfondo ng bala ang kaniyang hawak na baril at itinutok ito sa kaniyang sintido
ngunit hindi niya naiputok ito ng may narinig siyang tunog na nagmumula malapit sa
kinatatayuan niya.

“Gabi na may nagpapatugtog parin?” Tanong niya.

Ibinaba ni Elfondo ang hawak niyang baril at dahan-dahang naglakad patungo sa pinanggalingan
ng malakas na ingay. Napaliit ang kaniyang mga mata sa nakita. May mga taong nakapalibot sa
babaeng nakasuot ng panubok at belo sa mukha, siya ay sumasayaw sa gitna.

“Ano ito isang ritwal?” Takang-taka na tanong ni Elfondo.

Lumapit si Elfondo sa mga tao at pinanood niya na rin ang babaeng sumasayaw sa gitna.
Nagsimulang kumanta ang babae ng kantang “hinilawod” na hindi pamilyar kay Elfondo.
Nakatuon lamang ang mga mata ni Elfondo sa kaniya hanggang sa magtama ang kanilang mga
mata.

Malakas at mabilis ang pagtibok ng puso ni Elfondo, ngayon lamang siya nakaramdam ng
paghanga sa isang babaeng sumasayaw na nakapaa lamang ngunit ang inaapakan naman nito ay
banig. Agad namang inalis ng babae ang kaniyang mga mata na nakatingin kay Elfondo.
Pagkatapos ng ritwal ay inilagay ang babae sa duyan at ipinasok sa bahay na gawa sa kahoy.
Sinundan ni Elfondo kung saan idinala ang babae at bago pumasok sa bahay kung saan idinala
ang babae sinigurado muna ni Elfondo na walang makakakita sa kaniya, nabalot siya ng
kuryusidad kaya nagawa niyang sundan ang babae.

Pagkapasok ay namangha si Elfondo sa isang alahas na nakapatong sa kahoy na lamesa, ang


tawag sa alahas na ito ay “biningkit” ito ay isinusuot ng mga Binukot. Agad na kinuha ni
Elfondo ang alahas at inilagay sa kaniyang bulsa naisip niyang hindi muna siya magpapakamatay
at ibenta ang kaniyang ninakaw na alahas baka daw ay yayaman pa siya dito. Napag isipan niya
ring pumasok sa kwarto baka ay may makukuha pa siyang alahas ngunit ng pagkapasok niya sa
kwarto bumungad sa kaniya ang isang babaeng nakaupo sa duyan, maputi at makinis ang balat,
mas namangha si Elfondo sa kagandahang dala ng dalaga. Mas ginto pa sa alahas na ninakaw
niya.

Nagulat ang babae at napatayo, kaagad niyang ‘tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang telang
pula. Ihinila naman pababa ni Elfondo ang tela dahilan ng makita ulit ang mukha ng dalaga.
Nataranta ang dalaga sa kung ano ang kaniyang maaaring gawin dahil inilabag niya ang
pinagbabawalan sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

“Ano ba ang kinatatakutan mo para kang nakakita ng multo.” Sabi ni Elfondo at tumawa-tawa pa
ito.

“Ano ang imo gina kinadlaw dira?”(Ano ang iyong tinatawanan?)” Naiiritang tanong ng babae.

“Ang iyong reaksyon.” Lumapit si Elfondo sa kaniya ngunit ang babae ay umatras. “Bakit
parang takot kang makita ang iyong mukha?, hindi ako masamang tao, wala akong balak na
gahasain ka.” Lumapit ng lumapit si Elfondo sa babae at ngumiti.

Ang babae ay umatras hanggang sa naramdaman niya na ang kahoy sa kaniyang likuran.

"Ano’ng ginagawa mo dito?, pinagbabawal ang lalaki sa silid ko, hindi maaari ito!” Napalunok
ng malalim ang Binukot. “Umalis ka rito habang wala pa ang aking mga taga pagsilbi, umalis ka
at wag mong ipaalam na nakapasok ka sa ‘king silid. Isa itong malaking kasalanan sa isang
kagaya kong “Binukot.”
Nakakunot ang noo ni Elfondo dahil sa hindi niya maintindihan kung ano ang sinabi ng babae
ngunit dahil nakita ni Elfondo ang takot sa mga mata ng Binukot agad siyang umalis ng bahay na
walang nakakakita sa kaniya.

Napuno ng mga katanungan si Elfondo kaya kinaumagahan ay nagtanong-tanong siya sa mga


taong naninirahan sa bukidnon kung ano ang ibig sabihin ng Binukot at du’n niya nalaman na
isang prinsesa pala ang nakausap niya kagabi. Isang ubod ng puti ang Binukot dahil hindi siya
ibinibilad sa araw, nakakalabas lamang siya tuwing may kasal o ritwal na gaganapin at
sumasayaw lalong-lalo na sa panahon ng tag-ani at sa panahon ng pagtanim at paniniwalang ang
pagkanta nila ay nagbibigay ng sigla sa lupa upang maging mabunga ang mga pananim.

Kumuha ng santan si Elfondo para sa Binukot, hinintay niyang umalis ang mga taga pagsilbe sa
prinsesa bago pumasok ulit sa bahay, dahan-dahan siyang naglakad at pumasok sa silid ng
Binukot. Hindi manlang inisip ng lalaki na baka mahuli siya at mali ang kaniyang ginagawa
ngunit dahil nabihag ng babae ang puso niya hindi niya kayang hindi puntahan ang babaeng
kakakilala niya pa lamang kagabi.

Labis ang ngiti ni Elfondo ng makita niya ang babae ngunit puno naman ng takot at pangamba
ang nasa mukha ng babae ng makita niyang nakapasok ulit sa silid niya ang lalaki na hindi
manlang nahuhuli.

“Hindi kita kilala. Umalis ka! Wala kang karapatang pumasok sa silid ko, hindi kita asawa kaya
wala kang karapatan!” Sabi ng Binukot.

Inilahad naman ng lalaki ang hawak niyang rosas. “Mali ba ang pagdalaw sa isang prinsesa?
nandito lamang ako para bigyan ka ng magandang rosas.”
“Wala akong sinabi na bumalik ka dito at dalhan ako ng rosas.” Pagalit na sabi ng Binukot.
“Umalis ka!” Dagdag niya pa.

“Hindi ako aalis kung hindi mo tatanggapin ang mga rosas na ito.” Malambing na sabi ng lalake.

Walang magagawa ang Binukot kundi tanggapin niya ang rosas na ibinigay para sa kaniya.
Umalis si Elfondo na tuwang-tuwa kahit mali na ang kaniyang ‘ginawa.
Ilang araw ang lumipas sa kagubatan lamang natutulog si Elfondo ayaw niyang umuwi sa kanila
dahil sa galit na kaniyang nararamdaman sa kaniyang ama, sa hindi niya alam
pinapahanap na siya ng kaniyang ama. Si Elfondo ay bumalik sa tahanan kung saan
naninirahan ang Binukot at napagisipan niya namang bisitahan ang babae ngunit ngayon
sa likod na ng bahay nito kung saan ang kwarto ng babae.

“Prinsesa?” Pagtawag ni Elfondo sa babae ngunit hindi ito sumagot. Nagmasid si Elfondo sa
bintana ngunit isang itim na tela lamang ang nakita niya. “Dinadalaw kita ngayon dahil
gusto ko ulit marinig ang iyong boses.” Nakangiting sabi ni Elfondo.

Nawala ang ngiti ni Elfondo ng marinig niya ang iyak ng babae sa loob.

“Isang babaeng nabuhay lamang sa mundo para pagsilbihan, o diyos ko bakit ako pa ang
ipiniling maging binukot sa rami naming magkakapatid?, gusto ko ng kalayaan ngunit
paano ang pagmamahal ko sa aking mga magulang?” Salita ng Binukot.

Pumasok sa isip ng lalake kung anong kalayaan ang ibig sabihin ng Binukot.

“Prinsesa ano ba’ng ibig mong sabihin?” Tanong ni Elfondo.

“Ayoko makipag usap sayo.” Madiin na sabi ng Binukot.

“Nakikipag-usap ka na sa akin prinsesa.” Tumawa-tawa si Elfondo. Hindi umimik ang babae.


“Kung ano ‘yang dinaramdam mo ngayon maaari mo bang sabihin sa akin?” Hindi parin
sumalita and babae ngunit maya-maya ay nakarinig na naman ulit si Elfondo ng hagulgol.
“Naiyak kaba dahil naririto na naman ako?” Hindi parin sumagot ang Babae. “Babalikan
na lamang kita sa susunod na araw.”

Umalis si Elfondo hindi dahil ang nasa isip niya ay baka siya ang dahilan kung bakit umiyak ang
babae kundi dahil parang inistorbo niya ito. Nang makalipas ang ilang araw nakaramdam
ng gutom si Elfondo ang ginawa niya ay nagnakaw ng mga pagkain sa tahanan ng
Binukot. Araw-araw na pinupuntahan ni Elfondo ang babae para tanungin kung kamusta
ang araw niya ngunit araw-araw niya ‘ring itong naririnig na umiiyak sa silid.
“Inaano kaba diyaan sa iyong silid bakit panay ang iyak mo?” Tanong ni Elfondo. Tulad ng dati
hindi parin sumasagot ang babae. “Lumabas ka riyan idadala kita sa syodad at ililibre ng
masasarap na pagkain at magagarang na damit.” Naalala bigla ni Elfondo na wala na pala
siyang natitirang pera at ang ginagawa niya nalang ay magnakaw. “Ay!, ‘wag nalang
pala.” Ngunit natandaan niya ang kaniyang ninakaw sa bahay ng Binukot na pinaplano
niyang ibenta. “Ay!, pwedeng-pwede pala prinsesa.”

Ilang beses nang pabalik-balik si Elfondo sa Binukot, araw-araw niya itong kinakausap kahit
hindi siya kinakausap sa hindi niya alam natutuwa ang binukot sa kaniya kahit hindi siya
kinakausap masaya itong nakikinig sa kaniya, napaisip rin ang binukot kung bakit hindi
ito napapagod na pabalik-balik na pagdalaw at pakikipagusap ng lalake sa kaniya.

“-----Labanos mostasa, sibuyas, kamatis, bawang at luya, sa paligid ligid ay maraming linga.”
Kinantahan ni Elfondo ng Bahay kubo ang babae. “Ang ganda ng tinig ko ‘di ba?”
Tanong ni Elfondo kahit alam niya namang hindi. “Ikaw prinsesa ano ang itinatago mong
talento?” Hindi parin sumagot ang babae. “Wala?, sige ‘wag mo nalang akong kausapin
parang baliw ako dito na nakikipagusap sa isang bahay, kaka droga ko na ata ito.”
Napakamot si Elfondo sa ulo.

Bumigay ng sigla sa mukha ni Elfondo ng marinig niya ang tawa ng Binukot.

“Natuwa ka ba sa sinabi ko?” Masayang tanong ni Elfondo. Maya-maya’y narinig na naman niya
ang iyak ng babae. “Ikaw na ata yung baliw panay ang iyak mo sa silid. Halika’t lumabas
ng bahay lalaro tayo ng pantintero.” Pabirong sabi ni Elfondo.

“Hindi ako pwedeng lumabas, hindi ako pwedeng bumilad sa mainit na araw at mas lalong hindi
ako pwedeng maglaro na nakaapak sa lupa baka ay masugatan pa ako.” Sa wakas
sumalita ang Binukot.

“At bakit?” Tanong ni Elfondo.


“Isa akong binukot. Itinatago sa madilim na silid at inilalabas lamang pag may gagawing ritwal.”
Aniya Binukot.

Hindi huminto sa pagdalaw si Elfondo sa babae, araw-araw niya itong pinupuntahan at


nagtatanong kung ano pa ang ginagawa at ipinagbabawal sa isang babaeng kagaya niya
na naiiba. Hindi makapaniwala si Elfondo na mero’ng ganito sa pilipinas kung saan
‘pinapalabas lamang ang isang babae pag kailangan ng swerte sa mga taniman o mag-
asawa. Habang patagal ng patagal napamahal si Elfondo sa tahanan ng binukot marami
siyang nakilala at ipinaintindi sa kaniya ang kanilang kabuhayan at kultura.

“Ikaw ay kailangan ikasal sa isang lalakeng may mataas na antas sa buhay?” Tanong ni Elfondo.

“Isang mayamang lalake.” Sagot ng Binukot.

“Edi ako ang pakasalan mo!” Kumpiyansang sabi ni Elfondo. “Anak ako ng isang mayor.”

“Hindi p’wede.” May bahid ng lungkot sa pagkasabi ng dalaga. “Ang mga magulang ko ang
magd-desisyon kung sino ang aking a-asawahin pipi man ito o bingi, magandang lalaki
man ito o hindi basta’t desisyon ng aking mga magulang.”

“May karapatan pa rin ang anak na pumili ng kaniyang a-asawahin, paano kung abusado pala
ang kanilang pinili para sa kanilang anak?” Tanong ni Elfondo.

“Ang isang binukot ay umuupo lamang sa duyan at hinihintay ang mga desisyon ng magulang.”
Aniya binukot.

“Kung gayun asa’n ang karapatan ng isang anak?, desisyon ng anak na pumili ng isang lalakeng
mamahalin niya habang buhay.” Sabi ni Elfondo na ikinatulo ng luha ng Binukot. “Ni
hindi ka nga pinapayagang lumabas, hindi pinapabilad sa araw, ni hindi pinapaapak sa
lupa, minsan ba naisip mo ring maging malaya?”
“Masaya na akong nakaupo lamang sa duyan.” Bagkus sa sinabi ng dalaga meron itong
pagsisinungaling sa boses.

“Hindi mo manlang naisip na sana kagaya sa ibang babaeng may kalayaan?” Tanong ni Elfondo
na ikinatahimik ng Binukot.

Kinaumagahan hindi dumalaw si Elfondo sa babae, tumulong siya sa mga tao sa pagtatanim ng
mga gulay at nakilala niya rito ang kapatid ng binukot ngunit hindi ito kasing puti at
ganda ng Binukot. Nagpakilala ang babae sa kaniya at halatang interesado ito sa kaniya,
panay ang tingin ng babae kay Elfondo at nagtanong-tanong tungkol sa kaniya. Labis na
humanga ang babae kay Elfondo dahil taga syodad ito at anak siya ng mayor ngunit hindi
naman interesado si Elfondo sa kaniya.

Tatlong araw ang lumipas hindi dumalaw si Elfondo sa Binukot dahil lagi niya nang kasama ang
kapatid nitong nagpapapansin sa kaniya. Ang Binukot ay nalungkot dahil sa hindi na
nakapagbisita sa kaniya ang lalake, sa madilim na silid nakahiga lamang siya at
nakatingin sa kisame iniisip niya na sana balang araw ay makikita niya ang mainit na
araw na nasa kalangitan, na balang araw maaapakan niya na ang lupa at tatakbo kung
saan-saan, balang araw ay matutunan niya kung paano pagsilbihan ang kaniyang sarili, na
balang araw hindi na siya uupo sa duyan lamang, na balang araw desisyon niya na ang
kaniyang susundin, na balang araw may karapatan na siya sa lahat dahil hindi na siya
isang binukot.

Dumating ang gabing may ritwal na mangyayari at tuwang-tuwa na naman ang Binukot dahil
sasayaw at aawit na naman siya sa gitna ng mga tao. Pero minsan naisip niyang
ginagamit lamang siya sa swerte, parang isa siyang inaalagang hayop na desisyon ng amo
kung kelan lamang siya lalabas.

Umawit ang Binukot ng kantang “Hinilawod” habang may tumutulong mga luha sa kaniyang
pisnge. Saya at lungkot ang nararamdaman ng binukot, saya dahil nakalabas ulit siya at
nakita ang mga tao, lungkot dahil pagkatapos ng ritwal babalik ulit siya sa kaniyang silid
na parang preso.

Pagkatapos ng ritwal isinakay ulit ang binukot sa duyan at malungkot siyang nakaupo rito ngunit
nagulat siya ng may bumuhat sa kaniya at itinakbo siya sa kagubatan. Nahulog ang
belong ‘sinusuot ng binukot dahil sa mabilis na pagtakbo ng lalake. At doon niya nakita
kung sino ang bumubuhat sa kaniya, Si Elfondo.
“Akala ko ay hindi ka na magpaparamdam?” Tanong ng binukot.

Ngumiti si Elfondo at ibinaba ang binukot sa lupa. Nahawakan ng binukot ang lupa at ang mga
nahulog na dahon, tuwang tuwa ito. Dahan-dahan namang tumayo ang binukot na
inalalayan pa siya ni Elfondo sa pagtayo.

“Ang isang kagaya mong babae ay hindi dapat pinapanatili sa bahay lamang.” Naglahad ng rosas
si Elfondo. “Tumayo ka sa lupa, magpakasaya ka at isipin mong hindi ka isang binukot.”

Umiyak ang binukot at niyakap ng mahigpit si Elfondo. “Ayokong manatili sa isang madilim na
silid. Ayokong maging isang prinsesang walang kalayaan, matagal ko nang pinapangarap
ito ngunit inilabag ko ang pinagbabawalan ng aking mga magulang.” Umikot-ikot ang
binukot, humiga sa lupa, tumakbo-takbo at nagpakasaya.

Naisip ni Elfondo na lahat ng kaniyang ginagawa ay hindi nagagawa ng Binukot kagaya ng pag-
apak sa lupa. Naisip niya ‘ring maraming taong gustong makapag aral isa na d’un ang
Binukot, nakaramdam ng pagsisisi si Elfondo na sana nakagraduate nalang lamang siya at
hindi nagpakatarantado dahil marami ang gustong mabuhay sa isang kagaya niyang
swerte na. At ang malaki niyang pagsisisi ay nagplano siyang magpakamatay na mero’ng
mga bagay na kaya pang bagohin kagaya ng ginawa ngayon ng binukot mas pinili niya
nalang lamang magpakasaya sa lupa kesa sundin ang mga ‘pinagbabawal sa kaniya ng
kaniyang magulang.

Magkaiba si Elfondo at ang Binukot. Si Elfondo ay ayaw nang mabuhay dahil ikinulong siya sa
kumplikadong mundo habang ang Binukot naman ay gusto niyang makalabas sa sa silid
kung saan siya ikinukulong at gusto niyang makita ang kagandahan ng labas, gusto niya
mabuhay ng may kalayaan. Si Elfondo ay uhaw sa atensyon ng magulang lahat ng
ginagawa niya ay desisyon ng kaniyang sarili, gusto niya tuonan siya ng pansin ng
kaniyang mga magulang. Ang Binukot ay pagod na kakasunod sa ‘pinagbabawal ng
kaniyang mga magulang na parang siya nalang palagi ang pinagbibigyan ng atensyon
dahil sa kanilang kapatid siya ang nakikitang swerte sa pamilya.
“Ngayong araw ay kalayaan ko.” Sabi ng Binukot.

“At ngayong araw binago mo ‘ko.” Sabi ni Elfondo

Nagkatinginan ang dalawa sa isa’t-isat habang nakangiti, nakaramdam silang dalawa ng


kakaibang saya na ngayon lamang nila naramdaman sa isa’t-isa.

“Salamat.” Sabi ng Binukot at niyakap ng mahigpit si Elfondo. “Salamat, salamat, salamat.”


Umiiyak na sabi ng Binukot.

“Ang mga babae ay hinahantutulad sa mga paru-paru, kailangan nilang lumabas sa kanilang pupa
para makita ang kanilang kagandahan sa mundo, nagpapakasayang lumilipad kung saan-
saan dahil sila ay may kalayaan na.” Sabi ni Elfondo.

Bumuhos ang malakas na ulan at tuwang-tuwang nakatingin ang binukot sa itaas ngunit may
isang putok ng baril ang umalingaw-ungaw sa paligid. Napatakip ng tenga ang Binukot at
nanginginig ang kamay.

Sa ilang araw na hindi nakadalaw si Elfondo sa Binukot ay nakauwi pala siya sa syodad dahil
natagpuan siya sa bukidnon ng mga taong inutusan ng kaniyang ama na hanapin siya
ngunit dahil hindi maalis sa kaniyang isip ang binukot tumakas siya sa kanilang bahay at
bumalik sa bukidnon para itakas ang binukot. Sa pagkakaalam ng kaniyang ama ay
idinakip siya ng mga taong taga roon para maging alay sa ritwal na kanilang ginagawa
ngunit sa hindi niya alam ay ang anak niya mismo ang pumunta roon at ang ginagawang
ritwal ay para sa mga pananim.

“Saan nanggaling ang ingay?” Tanong ng Binukot na halata sa kaniyang mga mata ang takot.

Alam na ni Elfondo kung sino ang mga nagpaputok ng baril. Hindi mapakali si Elfondo dahil
alam niyang may mangyayaring hindi maganda. Agad niyang hinawakan ang kaliwang
kamay ng Binukot at napatingin siya sa kamay nitong malambot na masasabi mong hindi
gumagawa ng trabahong bahay ito.
Napangiti nalang lamang si Elfondo at sumimangot. “Pagpasensyahan mo na kapag may
mangyayaring hindi maganda ngayong gabi.” Hinawakan ni Elfondo ang magkabilang
kamay ng binukot. “Bumalik ka sa inyo pero bago ka bumalik maaari ko bang malaman
ang iyong pangalan.”

Bumitaw sa pagkahawak ang Binukot at mabilis ang paghinga nito ng marahas. “Babalik?”

Tumango-tango si Elfondo. “Oo, pagpasensyahan mo na ngunit kailangan mong bumalik.”

Umiling-iling ang Binukot. “Ayoko.” Madiin niyang sabi. “Ayokong bumalik sa silid at iiyak
araw-araw.”

“Naiintindihan kita.” Aniya Elfondo.

May kinuha ang Binukot sa kaniyang bulsa isang bubog. “Ayokong manatili roon.” Pagkasabi ng
Binukot ay sinugatan niya ang kaniyang kanang palad. “Ito ay palatandaan na ngayong araw ay
ipinalaya ko ang aking sarili, desisyon ko ang aking sinunod para sa aking kasiyahan.”

May pumutok na baril ulit, hinawakan ulit ni Elfondo ang kamay ng Binukot at ihinila ito
patakbo.

20 years later, Mayo 20 2015

“Nagpakaduwag ako sa mga araw na ‘yon, mas pinili kung ibalik ang binukot sa kanilang
tahanan ngunit sa ‘di ko inaasahan pagkarating namin nagsisibarilan na ang tauhan ng aking ama
at natamaan ang mga magulang ng babaeng minahal ko. Nagulat ang mga tao dahil nakaapak ang
binukot sa lupa at duguan ang kamay. Dali-daling pinuntahan ng prinsesa ang kaniyang mga
magulang na nakahandusay sa lupa na duguan, umiyak at sumigaw ang binukot at nakaramdam
ako nun ng galit at pagsisisi.”

Sa mga araw na ‘yon mas piniling sumama ni Elfondo sa tauhan ng kaniyang ama, hindi na
muling bumalik si Elfondo sa lugar na ‘yon dahil sa takot at pagsisisi, galit siya sa kaniyang
sarili at ama kung bakit nangyari ang barilan at patayan. Nang makagraduate sa highschool si
Elfondo bumalik siya sa bukidnon ngunit wala na ang mga tao roon, wala na ang Binukot.

Bumuhos ang malakas na ulan, dali-daling dumiretso si Elfondo sa waiting shed.

Napatingin sa kalangitan si Elfondo at bumuntong hininga ng malalim. “Asa’n ka na kaya


ngayon?, nagtagumpay ka nga ba talaga?”

Napunta ang atensyon ni Elfondo sa babaeng katabi niya.

“Hello?, Umuulan pa, I’ll be there in a minute.”

Isang babaeng mahaba ang buhok nakasuot siya ng pang business attire na kasuotan, napatingin
si Elfondo sa Id ng babae “Remarie Halsunuta”, napatingin rin siya sa daliri ng babae nakita niya
ang singsing na nasuot ng babae, kasal na pala ito, at napatingin siya sa kanang palad ng babae
kung saan mero’ng pilat.

“Wait lang, I’ll be giving you information about the panay bukidnon, ang binukot.” Sabi ni
Remarie. “Alam mo naman, this is my work, gathering information.”

Pumasok ang babae sa loob ng kotse at doon lamang nakita ni Elfondo ang mukha ng babae.
Naalala niya ang kanang palad nasinugatan, siya ang Binukot sa PANAY BUKIDNON.

KATAPUSAN NG KWENTO.

You might also like