You are on page 1of 31

Angel's Wish

P L O T
Do you believe in miracles? In life after death? Sa mga angels at demons?
Ako, hindi. But I do believe in angels and miracles but I don't believe
they exist. I just believe in the idea na may angels nga at mga miracle na
nangyayari sa mundo and that's it.
There is this legend na kumakalat sa school na oras na nakakita ka ng
feather ng angel, isa ka daw sa mga maswerteng tao na binigyan ng wish na buhayin o
makasama ang isang taong namatay na. It can be your friend, family, relatives, your
lover or someone who is very important to you.
I don't believe in legends. Legend na nga sila di ba? So may tendency na
hindi sila totoo. Na kwentong barbero lang ang mga iyon.
But then, one random afternoon, an angel's feather fell in front of me
and I was one of the "lucky" girl that has been granted one single wish to be with
someone who is already dead.
Anong hihilingin ko? Sinong bubuhayain ko? Wala naman akong gustong
buhayin na namatay na eh! Lahat ng taong mahalaga sa buhay ko ay buhay pa at
nakakasama ko pa ngayon. I am contented and happy with my life. I have someone who
loves me and whom I loved back.
But then I was wrong...
I almost forgot that there's also part of the legend wherein ang tanging
nakakakita at nakakapulot lang ng isang feather ng angel ay yung mga taong
desperate na makasama ang taong pinaka-importante sa buhay nila.
I was just wondering...sino sya? Bakit hindi ko sya maalala?
Is there someone important to me for me to be given this feather?
LEAVE VOMMENTS!

Chapter 1: Legend
A/N: Alam ko ang iba sa inyo ay nabasa na 'to since na-ipost ko na 'to sa wattpad
dati. Pero this time, tatapusin ko na sya (hopefully). Kaya sana suportahan nyo 'to
okay? Love love! Leave comments! Vote na din kayo kung trip nyo! ^_________^
♠♠♠
Chapter 1: Legend
Angel's Wish. Iyan ang isa sa pinakasikat na blog site sa mobile phone
ngayon. Sa site na 'to, makakakita ka ng iba't-ibang charms and ways para magkaroon
ng magandang love life, to wish for your own happy ending.
Ang sabi pa nila, ang Angel's Wish daw ay totoo. Madami na daw na
nagkatuluyan dahil sa site na ito.
And as for me? I don't believe in any of that. I do believe that angel
exist though. But the angel's wish? No.
"Kaya look! May bagong entry ang Angel's Wish!" tawag sa akin ng isa sa
mga best friends ko na si Shenee. "Basahin mo 'to dali!"
Bagot akong tumayo sa upuan ko sa dulo ng klase at lumapit doon sa table
ni Shenee. At saka nya ipinuwesto sa tapat ng mukha ko ang cell phone nya.
*****************************************************************************
Angel's Wish Entry 3,178. The Angel Feather.
It was believe in Ancient times that when you found an angel feather, you
will be granted to resurrect someone who is very dear to you to come to life. It
can be your friend, family, relatives, lover or someone very important. As I have
gathered information about this country's legend, I found out that angels do exist
especially to those who suffer from great pain of losing someone they love and the
angel will give that person a feather to grant him/her a wish to be with that
person again. I searched and searched thoroughly and I met one girl who happens to
saw an angel feather and she proves to me that the legend were all true. And that
her childhood best friend who died several years ago is now alive and become her
husband!
It's up to you whether you believe me or not. But I do hope that everyone
of us will found their own angel's feathers.
If you will be given a chance to see one, what will you wish for? Who
you'll resurrect? Will you grab this once in a life time opportunity?
*****************************************************************************
"Cool di ba?!" masayang sabi sa akin ni Shenee matapos kong ma-iabot
pabalik sa kanya yung cellphone nya. "I want to saw an angel feather too!"
"C'mon Shenee! Nagpapaniwala ka dyan? Imposibleng magkatotoo yan ano!"
"Ang KJ mo talaga kahit kailan Kaya!" sabi nya saka irap sa akin. "But is
it romantic? To be with someone you love the most na namatay na? Di ba parang ang
feather na iyon becomes the key to second chance?"
"Either way, para sa akin kalokohan lang ang bagay na iyan." sabi ko saka
bumalik sa upuan ko. "Sino ba nagpauso nyan?"
"Pero it is a legend Kaya! Legend!" sabi ni Shenee na sumunod pala sa
akin saka umupo sa harapan ng mesa ko at hinampas iyon. "Hindi ka ba naniniwala sa
legend?"
"Hindi. Kaya nga legend di ba? Meaning hindi totoo."
"Haist ewan!" sabi nya saka ginalaw yung phone nya. "Tingnan mo! Ang dami
agad nagcomment sa kanya! Makapagcomment nga din!"
I'm glad that Shenee got herself busy doon sa pagbablog nya.
I stared outside the window next to me at napatingin sa may asul na
langit.
If angels truly exist, pwes, wag silang magpapakita sa akin. Ayoko pang
mamatay.
Angel's feather. Tsk! Kalokohan! Nasobrahan lang sa fairytale yung may-
ari ng blog site na yun! Mga hopeless romantic nga naman!
[bell rings]
Sabay bukas ng pinto ng classroom namin at nagsibalikan na yung mga
classmates ko sa kani-kanilang upuan. Magsisimula na ang first subject namin sa
araw na ito. Mythology. Ang pinakapaboritong subject ng lahat...except from me.
By the way, I haven't introduced myself. I am Kaya Mnemosyne. 16 years
old. 4th year high school student. And I don't believe in myths and fairy tales
kahit na Mnemosyne pa ang epelyido ko. Some people find it romantic dahil sabi
nila, baka daw nung past life ko naging asawa ko talaga si Zeus at ang parents ko
naman ay sila Gaia at Poseidon. Tsk! Whatever! Nasobrahan ang mga classmates ko sa
pag-aaral sa mythology.
"Class bago nga pala tayo magsimula sa lesson natin, may ipapakilala pala
ako sa inyo na new student."
Huh?! New student? Sa kalagitnaan ng October?! Okay lang ba sila?
Tumatanggap pala ang school ng super late enrollees?
"Pwede ka ng pumasok Mister..." sabi ng teacher namin na si Ma'am Lim at
saka ngumiti sa may direksyon ng pintuan.
Napatingin kaming lahat sa may pintuan upang tingnan ang bago naming
classmate at ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko sya.
He looks like a Prince. Blonde ang buhok nya tapos yung aura nya medyo
mysterious but then his eyes are too expressive. I mean nag-iisparkle yung mata nya
for some unknown reason.
"Can you kindly introduce yourself to us?" sabi ni Ma'am.
Tumango naman ung bago naming classmate sa teacher namin at saka sya
humarap sa buong klase.
"I'm Golf Axus. I just came from Canada. 17 years old. That's all." cool
na sabi nya saka yumuko sa aming lahat.
'So foreigner pala sya kaya pala ganoon yung buhok nya?' sa isip ko.
"You can now sit besides Ms. Mnemosyne." sabi ni Ma'am sabay turo sa
bakanteng upuan sa tabi ko.
Hindi maalis yung tingin ko sa kanya habang palapit sya ng palapit sa
direksyon ko at ganoon din sya. Nakatingin lang sya sa mukha ko.
Then, nung makaupo na sya, humarap sya sa akin at nginitian saka abot ng
kamay nya sa akin.
"Hi! I'm Golf! Hope we get along, Ms. Memories."
Nakatanga lang ako sa kanya ng ilang sandali saka inabot yung kamay nya
nung matauhan ako.
Is he one of mythology freaks too? He knows what my surname means.
"Welcome sa Class 4-B." sabi ko na lang saka nakipag-hand shake sa kanya.
He's looking at me intently na para bang may nakita syang magandang
specimen sa mukha ko. Di ko alam kung bakit pero nung nahawakan ko yung kamay nya
sobrang lamig ng mga iyon.
Sabagay, galing syang Canda. Malamig doon. Kaya baka nadala nya yung
lamig ng Canada dito sa Pilipinas.
Matapos nyang bitawan yung kamay ko, ngumiti ulit sya sa akin saka
humarap sa may direksyon ni Ma'am Lim at nagsimula na syang makinig sa klase namin.
Ang lesson namin ngayon ay about Trojan War. How Paris messed and ignites
the war because of his dumb judgment.
Pero hindi nagsisink in sa utak ko yung tiunuturo ni Ma'am sa amin. Sa
halip, napapatingin na lang ako sa katabi kong si Golf Axus.
Ano bang meron sa kanya at parang minamagnet nya akong tumingin sa
direksyon nya?
Somehow I feel a certain nostalgia sa presensya nya. Hindi ko alam kung
bakit at paano pero kung ano man iyon, isinantabi ko na lang.
♠♠♠

Chapter 2: Feather
Chapter 2: Feather
"Ang cute ni Golf ano?" kinikilig na sabi ni Shenee.
"Parang di naman masyado..." sabi ko saka sumubo ng lasagna na binili ko.
Sya nga pla, nandito kami ngayon ni Shenee kasama yung dalawa ko pang
bestfriend na sila Eve-short for Evergreen at si Winter sa may cafeteria having our
lunch break.
"Sus! Kunwari ka pa Kaya!" sabi nya saka siko sa tagiliran ko. "Eh halos
hindi mo nga maalis yung tingin mo kay Golf kanina ano!" panunukso pa nito.
"Oo nga Kaya!" sagot naman ni Winter. "Na love at first ka yata kay Golf
eh! Halos buong period nakatingin ka sa mukha nya."
"True! Kaya wag ka ng magdeny dyan bestie!" sabi naman ni Eve.
"Hindi ganoon yun..." sabi ko saka napatingin sa malayo.
'Its more like there is some force that was pushing me to look at him...'
sa isip ko.
"Hoy! Anong tinitingnan mo dyan!" at pumitik pa sa harapan ko si Winter
saka sumunod sa tinitingnan ko.
"Nako! Paniguradong lumilipad na yung utak nya papunta kay Golf!" asar ni
Shenee.
At saka nagtawanan at nagsi-apiran yung tatlo. Minsan hindi ko maisip
kung paano ko naging bestfriend ang mga 'to.
"OMG! Si Golf!" tili ni Evergreen sabay turo sa isang direksyon.
Lahat kami ay napasunod ng tingin sa may entrance ng cafeteria and then
we saw Golf.
"Sino kayang hinahanap nya?" tanong ni Winter.
"Baka naman naghahanap sya ng makakasama sa table?" sagot naman ni Eve.
"O baka naman hinahanap nya si Kaya?" tukso pa ni Shenee. "Golf!"
Nagulat kami nung biglang sumigaw si Shenee at saka kumaway pa ito sa
direksyon ng bago naming kaklase. "Join us!"
Golf smiled to us at saka sya lumapit sa lugar namin.
"Hi girls!" sabi nya saka ngumiti ng ubod ng tamis. O ako lang nakakaisip
noon?
"Hi Golf~!" sabay-sabay na sabi nung tatlo. "Upo ka." sabi ni Winter saka
hinila yung upuan sa tabi ko.
"Thank you." sabi ni Golf saka naupo sa tabi ko. "Hi Ms. Memories!"
"Ah...hello." plain na sabi ko saka nagconcentrate sa kinakain ko.
"Alam mo ba Golf?" sabi ni Shenee. "Crush ka ng kaibigan naming si Kaya."
"Who?"
"Si Kaya!" diin ni Shenee saka turo sa direksyon ko.
"What?!" biglang sabi ko saka nabitawan yung tinidor na hawak ko. "No I'm
not!"
I heard Golf chuckled at saka napatingin sa akin.
"Is that true Ms. Memories?"
"Hindo no!" madiin na tanggi ko.
Those four, including Golf, is giving me the teasing look. At nakakainis
sila! Pati ba naman 'tong si Golf nakisali sa kalokohan nung tatlo?!
"Teka!" sabi ko ng may biglang naalala. "Nakakaintindi ka ng Tagalog?!"
"Ofcourse." nakangiting sabi ni Golf saka inabot sa akin yung tinidor ko.
"My parents were both Filipinos. I just grew up in Canada."
"Ah..." sabay-sabay na sabi namin.
"Sya nga pala Golf," sabi ni Eve. "Bakit nga pala dito mo napiling mag-
aral sa Northville?"
"I actually don't know..." sabi niito. "I just, somehow, fall in love
with this place?"
"Hindi kaya may hinahanap kang particular na tao dito sa Northville?"
tukso naman ni Shenee. "Your girlfriend perhaps?"
"I don't have a girlfriend so, no."
"Talaga?!" sabay-sabay na sabi nung tatlo. "So available na available
ka?"
"Yes." natatawang pakikisakay nito sa mga kaibigan ko.
"Sakto!" sabi ulit ni Shenee. "Single din si Kaya! Bagay kayo!"
Napatingin ulit sa akin si Golf at saka ngumiti.
Matapos nyang gawin iyon, ewan ko ba, pero pakiramdam ko uminit yung
paligid.
"Uy~! Si Kaya nagbablush!" tukso ni Winter. "Wow! First time!"
"H-Hindi no!" sabi ko saka napahawak sa pisngi ko. "M-Mainit lang
talaga!"
"Ows?"
"Ano ba Winter! Stop teasing me!" asar na sabi ko pero tinawanan nya lang
ako.
"Oo nga naman. Wag nyo namang tuksuhin si Ms. Memories." sabat naman ni
Golf.
"Bakit ka ba Ms. Memories ng Ms. Memories huh?!" inis na sabi ko saka
humarap kay Golf. Pasensya na Golf pero ikaw muna ang pagbububhusan ko ng pagkaasar
ko. "Hindi ako si Ms. Memories!"
"You're Ms. Mnemosyne right?" sabi nya. "And Mnemosyne stands for
memories."
"So ano naman ngayon?! Are you going to teach me mythology?"
"Nope." sabi nito. "I just like calling you Ms. Memories. Mas bagay kasi
sa'yo. Though Kaya sound nice too."
Ilang sandali din akong napatanga kay Golf. Hindi lang pala sya
misteryoso, weird din sya!
"Bahala ka!" sabi ko na lang saka muling kinain yung lasagna ko.
Then Shenee, Eve and Winter start talking to Golf about things. Like kung
anong hobby nito, ano yung paborito nitong sports, kung saan sya galing na school
at kung ano-ano pa! It's not that I want to listen to those stuffs huh? Sadyang
katabi ko lang talaga sila kay na-ooverheard ko yung pinag-uusapan nila.
"Have you fall in love Golf?" walang pakundangan tanong ni Shenee.
Sa aming apat, sya yung pinakaprangka. And that's what I like about her.
Pero minsan, nakakasar din yung pagiging prangka nya. Tatamaan ka kasi talaga sa
mga sasabihin nya.
"Fall in love?" ulit ni Golf saka nag-isip. "Perhaps I do but I already
forgot the name and face of the girl I fell in love to."
"Bakit naman?" tanong ni Eve.
"I don't know..." sabi na lang nito. "Siguro masyado nya akong nasaktan
kaya ko sya nakalimutan?"
"Is that even possible? To forget someone who once become dear to you?"
tanong ni Winter.
"Maybe." sabi nito. "Ang tao kasi may power to forgot someone or
something out of impulse or due to bad experience. Minsan, tayo na rin mismo ang
gumagawa ng paraan para alisin yung mga bad memories sa utak natin subconsciously."
Napatango-tango naman yung tatlo.
"But, it doesn't mean na yung feeling mo para sa tao na iyon ay mawawala.
The feeling stays, only memories fades. Kaya nga there's a big difference between
moving on and letting go when it comes to love."
"At ano namang pinagkaiba noon?" hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Parang pareho lang naman yun eh!"
"No it's not Ms. Memories." sabi nya saka ngumiti sa akin. "Moving on
means you move on to the fact na hindi na kayo ng taong mahal mo but your feelings
for him stays and letting go means you let go everything-the memories and
feelings."
"Oo nga naman Kaya!" singit ni Shenee. "Ibang-iba talaga yun! Spelling pa
lang iba na eh!"
At nagsimula ng magtawanan yung mga tao sa mesa namin.
'Hmm...so may espesyal ng babae sa kanya?' sa isip ko. 'Sino kaya sya? At
taga-Northville ba talaga?'
Agad kong inalis yung tumatakbo sa utak ko.
Ano ba naman 'tong iniisip ko! Para namang may pakialam ako sa kung sino
man yung gusto ni Golf di ba?
At hanggang sa matapos na ang lunch break namin at nagsimula na yung
afternoon class namin.
Nung uwian na, unfortunately, hindi makakasabay sa akin pauwi yung tatlo
dahil na rin sa kani-kanilang club practice. Me? I don't have one. I hate club
practice. So wala na akong ibang nagawa kundi umuwi ng mag-isa ngayong araw na ito.
"Going home Ms. Memories?"
Nagulat ako nang may bigla na lang magsalita sa may likuran ko. At may
hula na ako kung sino ang tao na iyon. Sya lang naman ang tumatawag sa akin sa
ganoon pangalan.
"I told you stop calling me Ms. Memories!" sabi ko pagkaharap ko kay
Golf.
Tumawa na lang sya sa akin sakaanya ako sinabayan sa paglalakad palabas
ng gate ng school.
"You know, I really want to be friends with you Ms. Memories..." sabi ni
Golf makalipas ng ilang sandali. "Kaya sana naman bawasan mo na yung pagtataray mo
sa akin."
Oo nga naman. Bakit ko ba tinatarayan si Golf? May galit ba ako sa kanya?
'Wala naman...' sa isip ko.
Mabigat akong napabuntong-hininga saka sya hinarap.
"Then, If you want us to be friends, stop calling me Ms. Memories. Kaya
na lang."
"Eh?" sabi nya. "If you don't want Memories, then can I call you
Mnemosyne?"
"Bakit? ang weird talaga ng taong 'to!
"Wala lang..." sabi nya saka napatingin sa langit. "I just want to be
with someone amazing..."
"Huh?!" hindi ko talaga sya maintindihan.
"Alam mo ba yung story ni Mnemosyne?"
"Hindi eh." saan papunta yung usapan na 'to?!
"Ako din hindi." sabi nya. Tapos itatanong nya sa akin?! Gulo nito eh
no?! "But I want to know her story. Hindi kasi masyadong nabibigyan ng pansin si
Mnemosyne sa mythology."
Sabi na eh! Isa din sya sa mga mythology freak!
"It always wonders me how her name becomes Mnemosyne." sabi nya saka
binaba yung tingin nya sa langit then she looks at me. "Kaya nga gusto kitang
tawaging Mnemosyne. Baka mahanap ko yung sagot sa tanong ko."
"Eh bakit yung problema ni Mnemosyne yung pinoproblema mo? Bakit hindi mo
problemahin yung pangalan ni Aphrodite? Kung ganoon sya kaganda, bakit natalo sya
ni Helen of Troy pagdating sa pagandahan? At saka bakit pa nila pinagtalunan ni
Hera at Athena yung golden apple na iyon kung noong una pa lang sya na dapat yung
nanalo kasi nga sya yung goddess ng beauty di ba?"
Natawa si Golf sa mga sinabi ko. Tingnan mo 'tong taong 'to!
"May iba-iba kasing basehan nang word na beauty kaya nagkagulo sa Olympus
pati na din si Paris." sabi ni Golf sa akin. "Hindi naman physical aspect yung
laging basehan ng kagandahan di ba?"
"Ah ewan!" sabi ko na lang. "Kaya nga ayoko ko ng Mythology eh!"
"But you belong to them. So why hate?"
"Ewan!" sabi ko na lang saka binilisan yung paglalakad ko.
Nung medyo nakalayo na ako kay Golf, nilingon ko sya saka ngumiti.
"On the other hand, kung masaya kang tawagin akong Mnemosyne, sige
pagbibigyan kita after all, we're friends right?"
Golf slowly smiles at me saka sya kumaway sa akin.
"See you tomorrow Mnemosyne!"
***
Ang weird talaga ng Golf na iyon pero may sense din naman pala sya kausap
kahit papaano. Nasobrahan lang siguro ng yelo yung utak nya.
Paliko na ako sa isang iskinita na papunta sa subdivision namin ng bigla
na lang akong napahinto sa paglalakad ko nang may bigla na lang bumagsak na kung
ano mula sa taas.
Napaangat ako ng tingin sa taas para tingnan kung saan pwedeng malaglag
yung kung ano mang bagay na iyon. Wala. Langit lang yung nakikita ko.
Niyuko ko yung bagay na iyon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita
ang isang...
"Feather?"
Muling umangat ang tingin ko. Imposibleng sa ibon nanggaling ang pakpak
na 'to! Masyado naman 'tong maganda para maging pakpak ng ibon.
Then, bigla na lang pumasok sa utak ko yung nabasa ko nitong umaga lang
sa cellphone ni Shenee out of nowhere.
"An angel's feather?!"
A/N: Sabi ko noon, hanggang Chapter 10 lang 'to kasi nga short story lang. Eh ang
nangyari, as I type this story, lumalawak yung pangyayari sa utak ko. Mwahahaha!
LEAVE COMMENTS! VOTE NA DIN KAYO! :)

Chapter 3: Song
Chapter 3: Song
No! Imposible! Ito?! Isang pakpak ng anghel?! Itong puting-puting pakpak
na 'to?!
"Baka nga sa ibon 'to..." sabi ko na lang saka nilapag yung pakpak sa may
study table ko.
Nasobrahan na ako sa mythology at mga kwentong bayan! Si Shenee kasi eh!
Kung ano-ano pinapabasa sa akin!
At isa pa, bakit ko ba inuwi 'to?!
"Hay! Bahala na!" sabi ko saka tumayo at kinuha yung gitara ko sa may
tabi ng pinto at lumabas na ng kwarto ko. "Babalikan kita!" sabi ko dun sa feather.
"O, Kaya May gig ka na naman ba ngayon?"
"Opo Ma. Gabi-gabi naman eh!" sabi ko saka humalik sa pisngi nito. "Alis
na po ako. Pakisabi na lang kay Papa na hi!"
Pagkalabas na pagkalabas ko, sinalubong ako nung tatlo.
"Tara na Kaya!" sabi ni Winter. "Na-eexcite na akong marinig yung
tutugtugin mo ngayon!"
Ngumiti na lang ako sa tatlo at saka sila sinabayan sa paglalakad.
'Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanila yung tungkol sa napulot ko.'
sa isip ko. 'Mamaya baka isipin pa nilang nababaliw na ako.'
"Isali mo din mamaya sa playlist mo yung Goodbye Days mo ah? Ang ganda
nun eh! Kahit Japanese sya, feel na feel ko yung meaning ng kanta."
Oo nga pala, hindi ko pa nasasabi sa inyo. Isa akong street performer;
isang street singer. I play not to earn money but to enjoy myself at para
makapagbigay aliw din sa mga tao matapos ng kanilang nakakapagod na araw sa school
man o sa trabaho.
Ewan ko ba! Hindi ako santa o ano huh? I just have this urge na
magperform sa mga tao para mapasaya sila kahit papano. Kung baga, isa iyon sa mga
good deeds na ginagawa ko habang nasa mundo pa ako para kung mamatay man ako, sa
langit ang derecho ko.
At gaya nga ng sabi ni Shenee, mga Japanese song yung kinakanta ko.
I have this great passion para sa Japanese music kaya iyon yung kinakanta
ko. After I sing the Japanese version, kinakanta ko naman yung English version nito
afterwards. Wala lang, gusto ko lang iintroduce sa mga Filipino yung Japanese
music. But I also sing OPM and English songs too. Especialty ko lang talaga yung
mga Japanese songs.
Nang makarating na kami sa may usual part namin, sa may central park,
sinimulan ko ng istrum yung gitara ko at nagsimula ng kumanta.
Just the thought of another day
How did we end up this way
What did we do wrong?
God
Even though the days go on
So far so far away from
It seems so close
Always weighing on my shoulder
A time like no other
It all changed on that day
Sadness and so much pain
Right now, I'm singing one of the pure English songs of Japanese rock
band na ONE OK ROCK. This song is entitled BE THE LIGHT. Pero hindi ito rock,
maliban sa pure English ito, isa din ito sa mga solemn song ng ONE OK ROCK.
You can touch the sorrow here
I don't know what to blame
I just watch and watch again
Even though the days go on
So far so far away from
It seems so close
I love this song. Actually, isa ito sa mga favorite song ko sa ONE OK
ROCK. Why? Because of its message. It's a song they have dedicated sa mga taong
nawalan ng pag-asa.
What did it leave behind?
What did it take from us and wash away?
It may be long
But with our hearts start a new
And keep it up and not give up
With our heads held high
You have seen hell and made it back again
How to forget? We can't forget
The lives that were lost along the way
And then you realize that wherever you go
There you are
Time won't stop
So we keep moving on
Habang kumakanta ako, padami ng padami yung mga taong humihinto at
pinapanuod ang pagkanta ko. Then I saw one familiar face among the crowd. Ngumiti
lang sya sa akin at para bang sinasabi nya sa akin na: "Do you're best
Mnemosyne..."
And so, I continue singing.
But with our hearts start a new
And keep it up and not give up
With our heads held high
You have seen hell and made it back again
How to forget? We can't forget
The lives that were lost along the way
And then you realize that wherever you go
There you are
Time won't stop
So we keep moving on
He keep smiling at me habang pinapanuod nya akong kumanta.
Some days just pass by and
Some days are unforgettable
We can't choose the reason why
But we can choose what to do from the day after
So with that hope, with that determination
Let's make tomorrow a brighter and better day
Matapos kong kantahin ang kanta na iyon, masigabong palakpakan yung
nakuha ko. Yung iba pa nga nag-abot ng pera sa akin. Kahit na nga tinatanggihan ko
yung mga alok nila, pinipilit pa din nila kaya tinanggap ko na lang.
"Ngayon ko lang nalaman na kumakanta ng rock si Mnemosyne." sabi nya
matapos nyang makalapit sa akin. "Akala ko harp lang ang alam nyang tugtugin."
"Teka! Alam mo ba yung kantang iyon?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yup! I'm also a fan of ONER OK ROCK."
"Wow!" sabi ko saka hindi ko napigilang hawakan yung dalawa nyang kamay
at tinaas-baba iyon. His hands were still cold. "Welcome sa fans club!"
Tinatawan na lang ako ni Golf. "Thanks."
"You really have a great voice." seryosong sabi nya sa akin maya-maya.
"Mukhang mapapadalas ang pagpunta ko dito. Lagi ka bang nagpeperform dito?"
"Oo naman Golf! Gabi-gabing tumutugtog si Kaya dito!" sagot naman ni
Shenee para sa akin. "Hi Golf!"
"Hi Shenee, Evergreen at Winter!" nakangiting bati nito sa tatlo kong
kasama.
"Kantahin mo na yung paborito ko Kaya dali! Iparinig mo kay Golf yung
ganda ng boses mo!" enthusiastic na sabi ni Shenee.
"She stills going to sing?"
"Oo naman!" sagot ni Winter. "Tatlong kanta yung kinakanta ni Kaya every
night. So enjoy the front seat Golf. Minsan mo lang makikitang umiyak si Kaya."
"Huh? Iiyak? Bakit?"
Hindi ko na sila narinig dahil bumalik na ako sa pwesto ko at sinimulan
ko ng kantahin yung English version ng 'Goodbye Days' ni YUI.
So I'll go to you now, I've made up my mind
I want to play you the song in my pocket
I quietly turned up the volume to make sure
Hindi ko alam kung bakit. Pero sa tuwing kinakanta ko ang kantang 'to,
somehow, it always makes me cry. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Siguro I have
a strong connection to this song.
Oh good-bye days
I feel like things are changing now
So long yesterday and before
I have a clumsy tenderness by my side
With you
This song is full of regret. For the memories, for the love that passed
by and for losing someone who is very important to you.
I pass you one earphone
And in that moment, it plays slowly
I am I loving you right? Sometimes I get confused
Oh good-bye days
Now what's in my heart has begun to change, alright
I have a clumsy tenderness by my side
With you
Wala naman akong naalalang may nawalang importanteng tao para sa akin.
Lalong wala naman akong lovelife. Kaya hindi ko talaga malaman kung bakit ko
iniiyakan ang kantang 'to.
I don't want to have sad thoughts if I can help it
But they're bound to come, right?
When they do, I'll smile and say
Yeah hello! I hope I can call you
My friend...
Then, Golf stares at me intently. Seryosong-seryoso sya sa panunuod nya
sa akin. Di ko alam kung bakit ganoon yung itsura nya. Kanina nakangiti sya, tapos
ngayon naman parang ang lalim na ng ekspresyon nya.
'Baka hindi sya fan ni Yui...' sa isip ko na lang saka nagpatuloy sa
pagkanta.
When we sing the same song
Be by my side, I wish
I'm glad I found that clumsy tenderness
Good-bye days
Matapos yung kanta, nagpasya kami ng mga kaibigan ko na magpahinga muna
at kumain sa may malapit na coffee shop.
"Is there someone important to you na nakalimutan mo kaya ka
nagkakaganyan?" seryong tanong sa akin ni Golf.
"Huh?"
"Tell me Kaya..." wow! Hindi nya akong tinawag na Mnemosyne! "Wala ka
bang nakalimutang napaka-importanteng tao para sa'yo?"
"W-Wala naman..." bakit ganoon sya makatanong? Anong problema nya? "Bakit
mo natanong?"
"Hindi ba iyon yung message ng kanta?"
"Oo." ano na namang problema mo Golf?
"Wala ba talaga?"
"Wala."
"Hmm..." sabi nya saka napatango-tango at ngumiti. "Okay! Mali pala hula
ko."
"Hulang alin?"
"Kung bakit mo iniiyakan yung katang yun." sabi nya. "Akala ko kasi may
nakalimutan kang importanteng tao kaya mo iniiyakan yung kanta. Mali deductions ko!
Sayang!"
Balik na naman sya sa pagiging weird nya. Ewan ko ba doon kay Golf! Ano-
ano yung pumapasok na ideya sa utak nya.
Hanggang sa nagkasarapan na yung pag-uusap naming lima about sa mga bgay-
bagay at nawala na rin yung awkward atmosphere na meron kami ni Golf kanina.
Wala sa loob na napatingin ako sa may labas ng bintana ng coffee shop na
iyon.
Then I saw a beautiful girl wearing all white gown sa may kabilang
kalsada. She's staring at me, smiling.

Chapter 4: Guardian Angel


Chapter 4: Guardian Angel
Ilang beses ko ding tiningnan-tingnan yung babae at tama nga yung hula
ko...sa akin nga sya nakatingin.
"Sandali lang ah?" sabi ko sabay tayo.
"Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Winter.
"May titingnan lang ako sa labas..." sabi ko saka dere-derecho sa may
pinto.
I saw the girl still smiling at me habang papatawid ako sa kabilang
kalsada. At nung malapit na ako sa kanya, saka naman naglakad palayo yung babae.
"Hoy! Sandali lang!" sabi ko saka binilisan yung paglalakad.
Yung babae naman ay nilingon ako at muling ngumiti saka nagtatalon habang
nakikipagsabayan sa paglalakad sa mga tao doon.
'Anong problema nya?' sa isip ko. "Miss sandali!" tawag ko sa kanya.
I was about to reach her shoulders ng may bigla na lang humawak sa
balikat ko. At sa paglingon ko, I saw Golf's worried face.
"Ayos ka lang?" sabi nya saka tiningnan yung daang tinatahak ko. "Sinong
kinakausap mo?"
Nung muli kong ibalik yung paningin ko sa harapan, wala na yung babaeng
nakaputi.
"W-Wala..." sabi ko na lang saka buling hinarap si Golf. "Bakit mo ba ako
sinundan?"
"Ang sabi nila Shenee umuwi na daw kayo. They were planning to follow you
here kaya lang nagpresinta ako na ako na lang ang tatawag sa'yo." paliwanag nya.
"Let's go! Hinihintay ka na nila."
Sinabayan ko si Golf sa paglalakad. Muli kong nilingon yung
pinanggalingan ko at nakita ko ulit sya. Yung babaeng hinahabol ko kanina.
Nasa may kabilang side na sya ng pedestrial lane and now she's waving at
me.
'Sino ka ba huh?'
***
"Huh?! May hinahabol kang babae kanina?!" sabay-sabay na sabi nila
Shenee, Evergreen at Winter.
"Bakit mo sya hinahabol?" tanong ni Winter.
"Ewan ko nga din eh! Parang sinasabihan ako ng babaeng iyon na sundan ko
daw sya...kung saan man nya ako balak dalhin."
"Hala! Baka budol-budol yun!" sabi naman ni Eve. "Baka naman hinipnotize
ka ng babaeng yun pagkatapos kikidnapin ka at hihingi sya ng ransom sa mga magulang
mo!"
"Sira!" sabi ko kay Eve. "Anong budol-budol ka dyan! Ang ganda kaya nung
babae na yun! Paano sya magiging budol-budol?"
"Ay sorry naman huh? May nasabi ka bang maganda yung hinahabol mo?"
pagtataray na sagot ni Eve. "Kailan ka ba naging tomboy Kaya?"
Naglalakad na kami pauwi. Sya nga pala, nagkahiwalay na kami ng landas ni
Golf. Sa unahang kanto kasi yung subdivision na tinitirahan nya. While yung sa
aming apat, sa iisang lugar lang kami nakatira kaya ito, sabay-sabay kaming
naglalakad pauwi at naikwento ko sa kanila yung tungkol sa babaeng nakita ko kanina
sa may kabilang kalye sa tapat ng coffeshop.
"Baka naman tamang hula ka lang Kaya." sagot naman ni Shenee.
"Siguro nga..." sabi ko na lang saka mabigat na napabuntong-hininga.
Nang nasa tapat na kami ng bahay namin, nagpaalam na ako sa tatlo at
tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.
"Ang aga mo naman yata ngayon Kaya?" salubong sa akin ni Papa.
"Good evening po Pa!" sabi ko saka humalik sa pisngi nito. Sweet ko di
ba?
"Sya nga pala Kaya," sabi naman ni Mama na kakalabas lang sa may kusina.
"May bisita ka."
"Po? Sino?"
"Kaibigan mo daw. Andun sya sa kwarto mo ngayon."
Matapos kong magpaalam sa mga magulang ko, agad akong umakyat sa kwarto
ko para tingnan kung sino yung sinasabi nilang bisita ko daw.
At sa pagbukas ko ng pinto, nakita ko sya.
"Ikaw?!" sabi ko saka turo sa babaeng nakaupo sa may gilid ng kama ko.
"Anong ginagawa mo dito huh?!"
"Grabe ka naman Kaya Mnemosyne! Ganyan mo ba tratuhin yung guradian angel
mo?"
"Talagang ganito-HUH?! Guardian angel?!"
Matamis syang ngumiti sa akin at saka biglang sumara yung pinto sa likod
ko ng hindi ko namamalayan. Napatingin ako doon at pagkatapos sa kanya.
"Ikaw ba ang gumawa noon?"
"Yup!" masayang sabi nya.
No way! Talagang may angel ngayon sa kwarto ko?!
***
Ang bigat ng ulo ko pagpasok ko kinabukasan. Halos walang nagsink-in sa
utak ko sa mga pinagsasabi ng 'angel' na iyon kagabi.
[Flashback]
"Kaya Mnemosyne, gusto mo bang humiling sa akin?"
"Huh?"
"You found my feather right? So sinong gusto mong buhayin ko?"
Ilang segundo din akong nakatanga sa kanya.
"Teka nga muna!" sabi ko sa kanya at saka inilapag yung gitara ko sa
tabi. "Sino ka ba Miss? At anong angel pinagsasabi mo? Joke ba 'to?"
"Hindi." nakangiting sabi nya.
"Sinungaling."
"No I'm not. Angels don't lie. Kasalanan iyon sa langit."
'Baliw na ang babaeng 'to. Baka tama nga si Evergreen. Member nga siguro
'to ng budol-budol.' sa isip ko.
"Ano bang pangalan mo Miss at anong ginagawa mo sa kwarto ko?"
"I told you, I came here to grant you a wish."
"Wish?"
"To resurrect someone you love who is already dead."
Wala sa oras na napatingin ako sa feather na iniwan ko kanina sa may
ibabaw ng mesa ko. Lumapit ako doon at kinuha iyon at saka ibinigay sa kanya.
"Ito! Kunin mo na dahil hindi ko kailangan yan. I still have everything I
love kaya wala akong dapat buhayin o kung ano mang joke yung pinagsasabi mo sa
akin. Ibigay mo na lang yan sa iba."
"Ehhh?!" sabi nya saka nagpout. "No! Hindi ko pwedeng bawiin yan! Sa'yo
yan!"
"Miss alam mo, wala akong time makipagbiruan sa'yo. Pagod ako at gusto ko
ng magpahinga."
"Alam mo ba kung bakit Kaya Mnemosyne pangalan mo?"
'Saan papunta 'tong usapan na 'to.' sa isip ko.
"Wala akong ideya at wala akong pakialam kaya naman please, 'my guardian
angel', bawiin mo na 'to."
Biglang lumungkot yung mukha ng babae na iyon at saka ito napayuko.
"Kung hindi nga lang ako magbibreak ng rule, natulungan na kita..."
mahinang sabi nya.
"Huh?"
Nag-angat sya ng tingin sa akin.
"Hinihintay ka nya..."
"Sino?"
At pagkatapos noon bigla na lang sya nawala sa harapan ko.
[End of Flashback]
"Ah!" inis na sabi ko.
"Pissed off?"
Bigla akong napalingon sa tabi ko nang may biglang magsalita. Then I saw
Golf staring at the sky while walking along side with me then he turned his head to
me.
"Good morning Mnemosyne!" nakangiting sabi nya.
"Morning." sabi ko na lang saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Anong iniisip mo at parang inis na inis ka yata?"
"Wala. May baliw lang na pumunta sa bahay kagabi."
Hindi ko gustong ikwento sa kanya yung about sa angel-feather thing. Baka
ako naman yung isipan ni Golf na baliw.
"Talaga? Kumusta naman ang encounter nyo?"
"Crazy!" sabi ko.
Natawa si Golf sa reaksyon ko. At dahil sa ang sarap pakinggan ng tawa
nya sa umaga, natawa na lang din ako.
'Bahala na!' sa isip ko.
Nagtataka pa din ako sa huling sinabi sa akin ng babae na iyon.
"Hinihintay ka na nya..."
Sino ba yung naghihintay sa akin?
It starts to bother me. Sino yung naghihintay sa akin?
"Alam mo ba kung bakit kaya Mnemosyne ang pangalan mo?"
'Hmm...bakit nga ba?' sa isip ko.
Then I suddenly remember yung isa sa mga sinabi sa akin ni Golf dati.
"You're Ms. Mnemosyne right? And Mnemosyne stands for memories."
"Memories..."

Chapter 5: Questions
Chapter 5: Questions
Memories. Hindi ko alam kung bakit bigla kong naalala mula kay Golf yung
ibig sabihin ng surname ko. Actually alam ko na iyon pero the way Golf said it,
para bang may gusto pa syang sabihin sa akin kaya lang hindi nya masabi-sabi for
some unknown reason.
Wala sa loob na napatingin ako sa kanya.
Magmula ng dumating dito si Golf, sunod-sunod na yung mga 'weird' things
na nangyayari sa akin. The angel's feather, yung guardian angel ko daw at kung ano-
ano pa! My life is dull and simple bago sya dumating. I wonder if Golf has a
connection to all these weird things that is happening to me.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?"
Medyo natauhan ako nang bigla syang magsalita. Napailing na lang ako saka
nauna sa pagpasok sa loob ng school.
'I wonder if Golf knows something...' sa isip ko.
***
"Class, ang gagawin ng section natin ngayon ay role playing. At ang title
ng play ay...crossing the boarders!"
Crossing the boarders, one of my favorite story na hindi related sa
mythology. The story itself is tragic. At paniguradong papatok ito sa mga manunuod
namin. Teenager nowadays loves tragic ending.
It is a story of fallen angel, meaning one of the devils, who fell in
love with an angel. Sa pagitan ng mundo sa itaas at sa baba, may boarder na
nakaharang. Isa sa mga batas ng pinakamakapangyarihan nilalang sa kanila ay ang
bawal tumawid ng magkabilang mundo ang pader na iyon. But the devil did so just to
be with the girl she loves, which is the angel. Pero nagalit ang pinakadiyos nila
kaya pinatapon yung devil sa mundo ng tao para pagbayaran ang kasalanan nya and to
become one of the humans.
Actually hindi ko pa tapos basahin ang kwento na iyon lagi kasing
nahihiram kapag nagpupunta akong library. Si Ma'am siguro yung umihiram nun.
Pinaghahadaan nya talaga ang maging play na 'to.
"And the lucky student who will play the role of Ceci is...Kaya
Mnemosyne!"
Para akong nagising mula sa malalim na pagkakatulog nang mainig ko ang
malakas na palakpakan ng mga classmate ko.
"Bakit? Anong meron?" tanong ko sa katabi kong si Shenee.
"Isa ka sa mga lead para sa play natin!"
"HUH?!"
Bakit?! Bakit ako pa?! Ni hindi nga ako marunong umarte eh tapos ako pa
yung nabunot nila?! Kapag minamalas ka nga naman!
"And the one who will play the role of Cifer is...Golf Axus!"
Parang nang-aasar talaga 'tong si Ma'am! Bakit si Golf pa yung binunot
nya?!
"Good luck sa atin Mnemosyne!" nakangiting sabi ng katabi ko ding si
Golf.
Gusto kong magface palm sa mga nangyayari ngayon. Yes, I love that story,
pero wala akong sinabi na gusto ko syang iplay! At ako pa talaga yung lead! Argh!
Kung sino man ang author ng kwento na iyon, humihingi na ako ng dispensa
sa pagsira sa kwento.
***
"Bakit ba ayaw mo sa role mo? Ang ganda nga eh! Di ba favorite book mo
yun?" sabi ni Winter. "Tapos partner mo pa si Golf kaya wala ka ng poproblemahin
pa!"
"Oo nga naman Kaya! Ikaw na nga napartner kay Golf nag-iinarte ka pa!
Alam mo bang ang daming gustong magpakamatay para lang maging partner si Golf sa
play huh? Kahit nga yung ibang section inaabangan na yung play natin eh!" sabi
naman ni Evergreen.
"Tama si Eve! At isa pa, ano bang iniinarte mo dyan? Hello! Si Golf yun
no! Si Golf! Patay na patay ka dun di ba?"
"Gusto mong maunang mamatay Shenee?" nagbabantang sabi ko.
Tinawanan na lang ako ni Shenee bago sya nagsalita ulit. "Ang hirap kasi
sa'yo Kaya, ayaw mo pang umamin na may crush ka kay Golf."
"Excuse me lang huh?" sabi ko sabay ubo sa harapan nila. "Ayos ka lang?"
"Yeah right! Deny pa Kaya Mnemosyne! Deny pa! Yayaman ka dyan!" sarcastic
na sabi ni Shenee.
Mabigat na lang akong napabuntong-hininga imbes na patulan yung pang-
aasar sa akin ni Shenee.
Bakit kasi ako pa yung magpiplay sa role ni Ceci? Masyadong malungkot
yung role nya. And I don't know how to act to that pain. Masyado akong masaya para
maging malungkot so how can I act to that?
"Wag mo na lang masyadong isipin iyon Kaya!" sabi ulit ni Winter. "Just
give your best na lang sa play. Isipin mo na lang na para kang kumakanta."
"Oo nga!" sabi naman ni Shenee. "Wag mong idadahilan sa amin na may stage
fright ka. Sa may busy street nga ng lugar natin nagawa mong kumanta, ito pa kayang
aarte ka lang?"
"Baka naman ayaw nya talaga makapartner si Golf?" sabi naman ni
Evergreen.
"Speaking of Golf, where is he?" biglang sabi ko.
"Uy~! Hinahanap na nya si Golf!" panunukso nung tatlo.
"Shut up!" sabi ko sabay tayo at iniwan na sila doon sa may room at
lumabas.
'I need to talk to him!' sabi ko sa isip ko.
There's so many questions lurking around my mind right now. At saka
masyado na akong nahihiwagaan kay Golf. Una, yung pag-enroll nya sa school namin sa
kalagitnaan ng October. Pangalawa, yung pagtatanong nya ng kung ano-ano sa akin.
Pangatlo, yung bigla nyang pagsulpot mula sa kung saan. At pangatlo, yung pagatwag
nya sa akin ng Mnemosyne.
Then my feet lead me to the top floor of my school...sa may roof top. I
slowly open it and find Golf standing and leaning his arms on the metal bars that
surrounds the roof top while looking at the sky with his eyes close and wind
blowing his hair.
Hindi ko alam kung bakit ako biglang naging conscious sa action ko kaya
lihim kong itinago ang sarili ko sa likod ng pinto.
Aalis na sana ako at iiwan si Golf sa pagsisyesta nya nang marinig ko
syang biglang magsalita.
"I miss you..."
Natigil ako sa pagbaba sa may hagdan then try to listen to what will Golf
say next.
"Remember me...Mnemosyne."
Wala sa loob na dahan-dahan akong napalingon sa direksyon ng pintuan.
'Did I just hear my surname?'
At kung ako man yung tinutukoy ni Golf na Mnemosyne, why should I
remember him? Kilala ko ba si Golf? Is there, for some instance, Golf and I met
before?
"Come back for me...Kaya..."

Chapter 6: Angels
Chapter 6: Angels
"Come back for me...Kaya..."
"Come back for me...Kaya..."
"Come back for me...Kaya..."
Why should I come back to Golf? Bakit? May laman ba yung narinig ko na
sinabi nya? Ako ba talaga yung Kaya Mnemosyne na binaggit nya? Bakit wala akong
maalala? Why is it that Golf calls for me?
'Do I know him? Do I know Golf?' tanong ko sa isip ko.
Nang marinig ko yung paggalaw ng seradura ng pinto, agad-agad akong
bumaba sa hagdan at tumakbo palayo sa lugar na iyon.
Now one question has been answered. Golf really knows me. Pero bakit ayaw
nya sabihin sa akin ang tungkol sa bagay na iyon? And why is it he's acting that he
doesn't know me at all? Why?
Takbo lang ko ng takbo sa may corridor hanggang sa bumunggo ako sa isang
matigas na bagay at natumba ako sa may sahig.
"Ano ba?! Ang tanga mo! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Boba!"
Agad umarko yung kilay ko sa nagsalita. Nag-angat ako ng tingin only to
see this too gorgeous to be human guy standing in front o f me. Pero nakabawas yata
sa kagwapuhan nya yung pagmumura nya at pagsusungit sa akin. Hmp!
"Hindi mo man lang ba ako tutulungang tumayo huh?" mataray na sabi ko sa
kanya. Pogi nga, pangit naman ng ugali!
"At bakit ko gagawin iyon? Bakit? Pilay ka ba? Tanga ka lang di ba?
Bakit? Pati pagtayo hindi mo alam? Hindi ka pala tanga kung ganoon. ANG TANGA-TANGA
MO!"
Inis akong tumayo at hinarap yung lalaking iyon.
"Hoy lalake! Para sabihin sa'yo hindi ako tanga! At kung may tanga dito,
ikaw yun!"
"Huh!" sabi nya sabay ngisi. "Hindi ako kumakausap sa tanga."
"Hindi na rin naman kailangan eh!" sabi ko sabay kibit-balikat at tingin
sa kanya mula ulo hanggang paa.
"At bakit?!" maangas na tanong nya.
"Humarap ka lang sa salamin, para ka na ring nakatingin sa tanga."
"ANONG SINABI MO?!!!" malakas na sigaw nya na halos bumasag sa eardrums
ko. "Ayusin mo ang bibig mo taga-lupa! Hindi mo kilala kung sino ang kaharap mo!"
"Taga-lupa? Bakit sino ka ba huh? Si Enteng Kabisote?" pang-aasar ko pa
sa kanya. Saka bakit taga-lupa tawag nya sa akin? Gulo nito!
"Ako lang naman ang-"
"Waaaaaag!!!"
Sabay pa kaming napalingon ng lalaki na iyon sa biglang nagtitili.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko kung sino ang nilalang na iyon. At ganoon na
lang din ang panlalaki ng mata ng lalaki nang makita nya yung papalapit sa amin.
"Wag mong sasabihin Cifer!"
Teka! Cifer? Bakit parang pamilyar yung pangalan na iyon?
"C-Ceci..." narinig kong mahinang sabi ng lalaki.
Then all of a sudden, biglang lumambot yung ekspresyon ng lalaki na iyon
nang makita nya sa harapan namin yung 'guardian angel' ko daw.
May angel bang pumapasok sa school at nakasuot ng school uniform namin?
Sabi na eh! Pinagloloko ako ng babae na 'to!
'Pero paano sya nakapasok sa bahay?' sa isip ko. 'At paano nya nasara
yung pinto ng kwarto ko ng hindi man lang tumatayo? Ang weird!'
"Ceci!" ulit ng lalaki saka biglang niyakap yung girl na iyon.
I watch them carefully. Yung itsura ng lalaki akala mo iiyak na sya at
any moment. Parang kanina lang tinatawag-tawag nya pa akong tanga tapos
ngayon...hay ewan!
Then I remember something.
"Ceci and Cifer from crossing the boarders?!" gulat at hindi
makapaniwalang sabi ko.
"HUH?!" maangas na sabi nung Cifer sabay harap sa akin. "Gumagana na
naman ba yung pagiging tanga mo?"
"Wag mo syang pagsalitaan ng ganyan! Masama yan! Magagalit ang Diyos!"
sabi naman nung Ceci.
Hala! Nagka-diyos na sa usapan. Seryoso na 'to!
"Tsk!" sabi lang nung lalaki sabay tingin sa malayo while still holding
the girls hand.
Ang higpit ng hawak nya dun sa kamay ng babae. Na para bang ayaw na nya
itong pakawalan.
"Galit ako sa kanya! Galit ako sa Diyos dahil pinaghiwalay nya tayo Ceci!
Sya yung masama hindi ako!"
"Cifer!" gulat na sabi nung babae sabay sampal doon sa lalaki.
Napanganga ako sa ginawa ni Ceci at ganoon din ang reaksyon ni Cifer.
"Hindi masama ang Diyos! Sya ang tagapagligtas ng lahat! At kaya nya
ginawa ito para iligtas tayong dalawa mula sa kasalanan!"
Okay...hindi ko na masakyan yung daloy ng conversation. Dumadami na yung
mga baliw sa school na 'to.
"Inilalayo ka ng tinatawag mong Diyos sa akin Cecilia! Ano bang gusto
mong gawin ko huh?! Matuwa at papurihan sya?!"
"Iyon ang dapat Cifer dahil nagkasala tayo sa kanya!"
Mga baliw na 'tong kasama ko. Alis na ko!
"Kaya!"
Napalingon ako sa tawag ni Ceci. Sila ba talaga yung bida sa paborito
kong book o joke lang yun? Coincidence? Nasobrahan na talaga ako sa joke ngayong
araw na 'to.
"Wala ng oras. Baka hindi ka na nya mahintay ng ganoon katagal..."
"HUH?" Alien ng babaeng 'to!
"Kaya..." sabi ni Ceci at lumungkot ang aura nya. "Sorry. Kasalanan namin
'to."
'Huh?!'
"Ano bang pinagsasabi mo?" naiinis na ako. Bakit ba ang hilig nilang
magbigay ng palaisipan sa akin?
"Subukan mong syang alalahanin Kaya. Subukan mo..."
"Bakit hindi mo na lang sya pabayaan Cecilia? Sya naman ang may gusto
nyan eh! Desisyon nya 'yan kaya wag mo na syang pilitin!" sabi nung si Cifer.
"Ano ka ba Cifer! Tinutulungan ko lang si Kaya!"
"Humingi ba sya ng tulong sa'yo?"
Biglang natahimik si Ceci sa sinabi ni Cifer at saka ito napayuko at
lalong lumungkot ang aura nya.
"Kaya!"
Napalingon sa likuran ko nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa
balikat ko.
"Golf!"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Huh? Kinakausap ko lang sila..." sabi ko saka turo sa dalawa.
"Sila? Sinong sila?"
Ibinalik ko ang tingin ko sa sa dalawa at laking gulat ko nang makita
kong nakatayo pa rin sa harapan ko si Ceci at Cifer.
"Sila!" sabi ko kay Golf. "Ano ba? Di mo ba sila nakikita?"
"Huh?"
Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dalawa.
'Bakit ganoon? Bakit hindi sila nakikita ni Golf?' sa isip ko.
Napailing-iling na lang sa akin si Ceci na para bang pinapatotoo lang
nito na mga anghel talaga sila at na tanging ako lang ang makakakita sa kanila.
So it it true afterall...that angels exist?
"Alam mo gutom lang yan!" sabi ni Golf at saka nya kinuha ang isang kamay
ko at hinila iyon. "Halika kumain tayo! Ililibre kita. Nalipasan ka lang ng gutom."
Habang hila-hila ako ni Golf nakasunod pa din yung tingin ko sa dalawa.
Ceci has sympathy on her yes while that Cifer just raised his brow to me.
Ang sungit talaga nun!
Kung totoo ngang sila yung bida sa paborito kong book, who happened to be
our play, para sa foundation day, totoo din ba yung kwento nasusulat doon?
That they fall in the human world becaused they have sinned by crossing
the forbidden boarder?
Ang weird talaga ng araw ko ngayon. At para matapos na ang mga ka-
weirduhan na ito.
I'll investigate my past.
A/N: Para sa mga nagtatanong, yung title ng play nila Kaya at Golf na "CROSSING THE
BOARDER" story ko din po yun. Prequel sya nitong angel's feather. Bida dun si Ceci
at Cifer. Supposed to be fan fiction ko yun sa Ulquiorra Cifer and Orihime Inoue
love team ng anime na Bleach eh! Hahaha. Kaya ayun!

Chapter 7: Confession
Chapter 7: Confession
Simula na ng practice namin para sa play na "Crossing the Boarders". I
tried my very best para mapalitan ako as one of the leading character pero wala rin
namang nangyari. Pinagalitan pa ako ni Ma'am Lim dahil sa sinasayang ko daw yung
opportunity na tumaas ang grade ko sa Mythology subject namin.
Gaya nga ng nasabi ko noon, I hate mythology kaya mababa ang grade ko
pagdating sa subject na ito. Well, hindi naman ganoon kababa but let's just say na
pasang-awa ako sa subject na 'to.
"Okay! Ready na ang mga characters! I-ready na din yung mga props!" sigaw
ni Ma'am na sya ring director namin.
"Game na daw Kaya." nakangiting sabi sa akin ni Golf.
Speaking of Golf, nahihiwagaan pa rin ako sa kanya. I tried to dig my
past pero wala ring nangyari Ang sabi naman nila Mama at Papa wala daw silang
kilalang Golf Axus o kaya naman kamag-anak at kaibigan ko na namatay.
Maybe that Angel Feather is a big prank. Para sa mga hopeless romantic.
Para sa mga taong walang magawa sa buhay. At ang blog site na iyon ayisa lang pa-
uso para sumikat yung may-ari. Tsk! Bakit ba kasi may mga ganoong tao? Yung walang
ibang magawa kundi manloko ng kapwa nila.
"Kaya!"
Nagulat ako nang bigla na lang isigaw ni Ma'am yung pangalan ko.
Nabitawan ko pa tuloy yung script na hawak-hawak ko kaya ayun nagkalat sa sahig
yung mga papel.
"What are you doing?! Kanina pa nagsisimula yung practice!"
"S-Sorry po Ma'am..." nakayukong sabi ko saka sinimulang pulitin yung mga
papel na nagkalat sa sahig.
"Concentrate guys! CONCENTRATE!" sigaw ni Ma'am sa lahat ng nasa loob ng
room pero pakiramdam ko ako lang ang sinasabihan nya nun.
I am such a failure.
"Tulungan na kita Kaya!"
Nagulat ako nang bigla na lang akong tulungan ni Golf sa pagpupulot ng
mga papel. Napatingin na lang ako sa kanya ng wala sa oras.
"Sino ka ba Golf?"
Akala ko, ako lang ang nakarinig ng sinabi ko-na hindi iyon lumabas sa
bibig ko. Pero mukhang narinig yata ni Golf yung sinabi ko. Napahinto din sya sa
pagpupulot at saka napaangat ng tingin sa akin.
"Huh?" sabi nya but he is still smiling. "Kaya okay ka lang ba? May
masama ba sa'yo? Baka naman hindi ka okay? Sabihin na lang kaya natin kay Ma'am na
ihinto yung practice."
Marahas at sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling.
"Hindi! Okay lang ako!" sabi ko saka pulot ulit sa mga papel.
Hindi na nagsalita pa si Golf at saka pinagpatuloy yung ginawa nyang
pagpupulot. Sa huling papel, nagtama yung mg kamay namin. And just like before, his
hand were still cold.
Wala sa loob na kinuha ko ang mga kamay nya at saka iyon hinawakan ng
mahigpit.
"Ang lamig ng kamay mo Golf! Bakit saan ka ba galing at ang lamig-lamig
mo?"
Ngumiti lang sya sa akin saka nya pinat yung ulo ko. And all of a sudden
parang nakaramdam ako na para bang madalas nyang gawin sa akin ang bagay na iyon.
Teka, hinawakan na ba ni Golf noon ang ulo ko?
"Galing akong library kanina kaya malamig ako. Hinigop ko lahat ng lamig
ng aircon sa library!" sagot nya saka hinila yung kamay nya sa pagkakahawak ko.
"Uyyyy!"
Sabay pa kaming napalingon sa mga kaklase namin na nagsimula ng manukso
sa amin. Pati si Ma'am bigla na lang napangiti-ngiti sa amin kahit na halata namang
pinipigilan nya lang iyon.
"Naku Ma'am! Mukhang magiging true to life na yata yung play natin!"
nanunuksong sabi ni Shenee. "Nagiging totoo yung love team ng mga lead natin o!"
Nagtawanan naman yung iba pa naming kaklase at saka nila dinagdagan yung
mga pang-aasar namin.
"AYOKO!"
Napahinto ang lahat nang bigla na lang sumigaw si Golf.
"Ayokong magiging totoo yung love team na 'to!"
"G-Golf wag ka namang KJ! Hindi mo naman kailangang isampal sa mukha
namin yng pagtanggi mo eh! Nasa likod mo lang kaya si Kaya!" sabi ni Shenee.
"Oo nga naman Golf! Makatanggi ka naman akala mo ikaw na ang pinakamalas
na tao sa mundo kapag napartner ka sa akin!" inis na sabi ko.
Somehow nasaktan ako sa sinabi nya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin Kaya!" sabi ni Golf at sabay harap sa
akin at maya-maya sa mga kaklase namin naman. "Sa kwento na 'to, hindi nagkatuluyan
yung mga bida. At ayokong mangyari iyon sa amin ni Kaya. Gusto ko, kami pa rin
hanggang sa huli!"
Ewan ko ba kung bakit pero bigla na lang akong pinamulahan sa sinabi ni
Golf. Mahabang katahimkan ang puma-ibabaw sa room namin at maya-maya lang...
"KYAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!"
Ayan na ang sunod-sunod tilian ng mga kaklase ko. Tsk! Nakakahiya!
"So anong ibig mong sabihin mo dun Golf?" si Shenee ulit. "May gusto ka
ba kay Kaya?"
"Wala."
Natigilan na naman kami doon sa sinabi nya. Pero maya-maya lang ay bigla
syang humarap sa akin at saka marahang ngumiti at nagsalita.
"Mahal ko sya. Mahal ko si Kaya."
"KYAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!" tilian na naman yung mga kaklase ko at mas
lalong umingay ang klase namin.
Pero pakiramdam ko ng mga oras na iyon, kaming dalawa lang ni Golf ang
tao sa loob ng room. Na para bang kami lang yung tao sa mundo.
Nakatingin sya sa mga mata ko at ganoon din ako sa kanya. Alam kong ang
pula-pula na ngayon ng mukha ko dahil sa sinabi nya. Ngayon ko lang kasi na-
experience na may nagconfess sa akin ng harap-harapan. At of all the people, si
Golf pa talaga!
"Seryoso ako Kaya..." mahinang sabi nya pero sapat na para marinig ko.
"Mahal kita."
Dahan-dahang lumapit sa akin si Golf at saka nya ako biglang niyakap sa
gulat ko at ikinagulat ng lahat.
"I miss you. Please remember me..." bulong nya sa tenga ko.
Parang narinig ko na ito. Ito rin yata ang narinig kong sinabi nya doon
sa may rooftop.
Inilayo ko ang sarili ko sa kanya at saka sya tinitigan ng mabuti.
"Anong ibig mong sabihin?"
Madami akong gustong itanong kay Golf. Mga tanong na palaging gumugulo sa
utak ko kapag nakikita ko sya. Mga tanong na kahit anong pilit kong hanapan ng
sagot ay wala akong makita ni isa mang solusyon.
He smile to me. Pero iba ito sa mga ngiti nya na palagi nyang binibigay
sa akin. Ang lungkot ng ngiti nya sa akin ngayon. Maging yung mata nya ang lungkot
din.
"I'm dying Kaya..."
Akala ko sapat na ang gulat na ibinigay sa akin ng biglaang pag-amin ni
Golf ng nararamdaman nya sa akin. Iyon pala ay mas titindi pa doon.
"I'm dying. I don't have enough time left. You might no longer see me."
What?! Golf is dying?
"Huh?!"
"Joke!" natatawang sabi ni Golf.
Lumapit si Golf sa mga lalaki naming kaklase at nakipagkulitan sa mga
iyon samantalang naiwan naman akong nakatanga at nakahawak sa tapat ng dibdib ko.
Bakit parang hindi biro yung sinabi nya tungkol sa mamatay na sya? Na
para bang totoo talaga iyon?
Pinanuod ko na lang si Golf mula sa kinatatayuan ko.
He's smiling ang laughing with my classmates. Ang saya nya tingnan.
Parang wala syang sakit. Na para bang hindi sya mamatay.
'Binibiro mo nga lang siguro ako...' sa isip ko.
Pero sana nga biro lang ang sinabi ni Golf. Sana.

Chapter 8: Familiar Place


Chapter 8: Familiar Place
Hindi natapos ang araw na iyon na hindi ako inasar o tinukso ng mga
kakilala ko. Kahit nga hindi ko kakilala eh nakikitukso din sa akin. At ang bali-
balita pa, kami daw ni Golf ang magiging headline sa school newspaper bukas!
"Nakakainis! Bakit ang bilis kumalat ng tsismis?!" nagdadabog na sabi ko.
"Sus! Para namang hindi ka excited mabasa yung headline ng school paper para
bukas!" sabi ni Shenee.
"Oo nga! Wag ngang impokrita Kaya!" sabi naman ni Winter.
"Kung ako yung sinabihan ni Golf ng ganoon? Ipagsisigawan ko talaga sa buong mundo!
Aba! Ang swerte mo at in love sa'yo si Golf ano! Kahit na transferee sya, instant
celebrity sya agad! Tsk! Iba talaga ang magagandang lahi!" sabi naman ni Evergreen.
"Kaibigan ba talaga kayo?!" asar na sabi ko sa tatlo. "Bakit ba pinipilit nyo pa
ang tungkol sa issue na yan? Can't you see na ayaw ko na pag-usapan yan?!"
"Sira!" sabay-sabay na batok sa akin nung tatlo. "Ikaw kaya nagsimula noon!"
"Sino ba yung humawak-hawak sa kamay ni Golf?" sabi ni Winter.
"Sino ba yung nakipag-eye to eye contact kay Golf?" si Evergreen.
"At sino ba yung nagpayakap kay Golf?" si Shenee.
"Kami ba huh?! Kami ba?!" sabay-sabay na sabi nung tatlo.
Wala na akong nagawa nang pagtulungan ako ng tatlo kong "kaibigan". Pati
ba naman sila, nakikitukso din sa nangyari kanina?!
"Ewan! Basta!" sabi ko na lang saka inunahan sila sa paglalakad sa may
corridor.
Naglalakad na ako mag-isa ngayon sa may labas ng school. Hindi na muna
ako sasabay sa tatlo. Panigurado kasing aasarin na naman ako ng mga iyon at
natitiyak ko na bibigyan din nila ng ibig sabihin yung pagwo-walk out ko ngayon-
ngayon lang.
"I'm dying Kaya..."
"I'm dying. I don't have enough time left. You might no longer see me."
Muli na namang bumalik sa isipan ko yung sinabi ni Golf.
Bakit ba tuwing naaalala ko yun, kinakabahan ako? Na hindi ako kumbinsido
na biro nga lang yun?
Mabigat akong napabuntong-hininga saka napalapit sa may playground sa may
malapit na naupo sa isa sa mga swing doon para magpahinga.
Marahan kong tinulak yung swing. Gusto ko muna makapag-isip-isip. Ang
dami kasing nangyari ngayong araw na 'to! Baka mabaliw ako kapag hindi ko naayos
yung gulo sa utak ko.
"Nandito ka na naman! Anong problema?"
Bigla akong napahinto sa pagsiswing ko nang bigla lang pumasok sa utak ko
ang isang malabong alaala na iyon.
Wala sa loob na napaangat ako ng tingin sa swing.
"Ang hilig mong magswing kapag stress ka. May bagsak ka ba?"
Sinusubukan kong aninagin yung mukha ng taong nagsasalita na iyon. Pero
hindi ko din nagawa dahil sa malabo yung mukha nya sa isipan ko.
'Pinaglalaruan na ba ako ng imagination ko?'
"Iduyan na nga kita!"
Napadiin yung kapit ko sa chain ng swing. Pakiramdam ko kasi iduduyan
talaga ako ng memoryang pumapasok sa utak ko.
'Sino ka?' sa isip ko.
"Kaya..."
"Kaya..."
"Kaya..."
Teka! Sinong tumatawag sa akin?
"Sino ka?"
***
"Kaya! Kaya!"
Dahan-dahang kong iminulat ang mata ko nang maramdaman ang mahinang
pagyugyog na iyon sa katawan ko.
At sa pagbukas ng mata ko, inakala ko na makikita ko na yung taong iyon.
Pero hindi pala.
"Golf?" mahinang sabi ko saka kusot sa mata ko. "Nasaan ako?"
"Nasa may playground ka." sabi niya saka napabuntong-hininga. "Ano bang
iniisip mo at natulog ka dito?"
"Huh?" sabi ko saka inikot yung tingin sa paligid ko.
'Teka! Nakatulog ako dito sa swing?!' sa isip ko.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong nya sabay napaharap ako sa kanya. "Palubog
na ang araw o! Baka hanapin ka na sa inyo."
Concern na concern yung mukha ni Golf. Pakiramdam ko nga medyo naiinis
sya sa akin sa hindi malamang dahilan.
"Sorry."
Ewan ko ba pero pakiramdam ko kailangan ko talagang sabihin ang bagay na
iyon sa kanya.
Muling bumuntong-hininga si Golf at saka ito napasuklay sa buhok nito.
"Sa susunod wag ka ng matutulog dito huh? Mamaya may mangyari pang masama
sa'yo."
Napatango na lang ako bilang sagot sa kanya.
"Please Kaya..." sabi nya saka kinuha yung dalawa kong kamay at inilagay
nya iyon sa pisngi nya. Ang lamig pa din ng kamay nya. "Ayokong may mangyaring
masama sa'yo. Please, ingatan mo sarili mo Kaya..."
Pinamulahan ako ng pisngi sa ginawa nya pero tumango pa din ako sa sinabi
nya.
Nag-aalala talaga sa akin si Golf. Nakakatuwa lang malaman na may iba pa
lang tao na nag-aalala sa magiging kalagayan mo.
Napangiti ako dahil doon.
"Salamat Golf..." sabi ko saka bigla syang hinalikan sa pisngi nya.
Bago pa ako magkapag-isip ay huli na. Huli na para pagsisihan ko yung
ginawa kong paghalik kay Golf.
Napahawak sya sa pisngi nyang hinalikan ko saka nanlalaki ang matang
napatingin sa direksyon ko.
Bago pa makapagsalita si Golf ay bigla na lang akong tumayo at tumakbo
palayo sa may playground.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makaramdam ako ng pagod at napahinto
ako sa tapat ng isang ospital.
Ilang minuto din akong nakatingin sa labas ng ospital na iyon. Ewan ko ba
pero pakiramdam ko hinihila ako ng hospital na iyon na pumasok sa loob.
At ganoon nga ang ginawa ko. Marahan akong naglakad papasok sa hospital
na iyon. At sa bawat hakbang na ginagawa ko, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso
ko.
Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Ngayon lang ako
nakapasok sa lugar na ito pero bakit ganito na lang katindi yung kabang
nararamdaman ko?
Nasa may reception area na ako ngayon ng hospital. Inikot ko ang paningin
ko sa paligid. Maganda at maayos naman ang lugar na iyon pero bakit hindi pa din
mawala-wala ang kaba ko?
"Kailan ba tatanggalin sa kanya yung mga machine?" sabi ng isa sa
dalawang doktor na nag-uusap di kalayuan sa akin.
"Ayaw pa ipatanggal ng pamilya ng pasyente yung mga aparato kaya bibigyan
ko pa sila ng palugit na hanggang linggo na lang at kapag tumaggi pa din sila, wala
na tayong ibang pwedeng magawa kundi sapilitang alisin yung mga machine sa kanya."
"Kawawa naman ang pasyente na iyon. Napakabata pa nya para mangyari sa
kanya iyon."
Hindi ko na narinig pa yung ibang pinagsasabi ng mga doktor dahil na din
sa sumakay na ang mga ito a bumukas na elevator.
"Sino kaya yung pinag-uusapan nila?" tanong ko sa sarili ko.
Dahil sa hindi pa din mawala ang kaba sa dibdib ko, nagpasya akong umalis
na lang sa ospital na iyon. At sa paglabas ko, nakita ko ang naghihintay na si
Golf.
"Kaya!" sabi nya sabay lapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo sa loob? May
nangyari bang masama sa'yo?"
Umiling ako. "Wala."
"Kung ganoon, anong ginawa mo sa loob?" seryosong sabi nya. "M-May
binisita ka ba sa loob?"
"Wala naman..." sabi ko saka sya sinabayan sa paglalakad nya palayo sa
ospital. "Sya nga pala, kanina ka pa sa labas?" pag-iiba ko ng usapan.
Nagpalipas ng ilang sandali si Golf bago nya ako sinagot.
"Oo. Nagbabakasakali kasi ako na baka nasa loob ka."
"Kung ganoon, bakit hindi ka na lang pumasok sa loob at sumilip?"
"Ayoko sa mga ospital..." sabi nya saka tumingin sa malayo.
"Bakit naman?"
"It brings bad luck to people." sabi nya sabay harap sa akin.
"Nakakalungkot lang ang aura sa loob. Madaming namamatay."
"Pero marami din naman ang nabubuhay sa ospital ah!"
"Mas maraming namamatay sa loob Kaya..." sabi nya. "Kaya ayoko ko sa
ospital. Pakiramdam ko mamatay na ako."
Napatingin na lang ako kay Golf.
Bakit kaya ganoon yung paraan ng pagsagot nya sa akin ngayon? At saka
bakit parang disappointed sya kanina nung sinabi kong wala akong binisita sa loob?
"Golf!" sabi ko saka bigla syang hinawakan sa braso nya.
Napahinto si Golf sa paglalakad at saka muling napatingin sa direksyon
ko.
"May gusto akong malaman..."
Ito na ang tatapos sa lahat ng tanong sa utak ko. Itatanong ko na sa
kanya ang matagal na gumugulo sa utak ko.
"Anong koneksyon mo sa akin? Sino ka ba talaga?"
Titig na titig ako sa mata nya. Ayokong magsinungaling sya sa akin.
Ayokong ma-miss yung ekspresyon na ipapakita nya oras na sagutin nya ang mga tanong
ko.
"Kaya!!!"
May alaala na namang pumasok sa utak ko. At ngayon sumisigaw na ang taong
iyon sa akin.
"Kaya!!!"
Tumatakbo ang tao na iyon sa direksyon ko. Napatingin ako sa direksyon
nya. Nang nasa tabi ko na sya, bigla nya akong niyakap ng napakahigpit at saka kami
napatingin sa iisang direksyon.
Binulag kami ng malakas na liwanag na iyon at bago ko pa muling makita ang mukha ng
taong iyon, tinulak na nya ako palayo sa kanya.

Chapter 9: Revelation
Chapter 9: Revelation
Dahan-dahan kong imunulat ang mga mata ko. At sa paggising ko, nag-
aalalang mukha ng mga magulang ko ang nakita ko.
"Mabuti naman at nagising ka na Kaya!" sabi ni Mama sabay biglang
napayakap sya sa akin.
"A-Ano pong nangyari?"
"Nakita ka ng isang pulis sa isang daan anak at hinimatay ka. Mabuti na
lamang at nadala ka nya agad dito sa ospital." sagot naman ni Papa na may hawak sa
isa kong kamay.
"Po?" litong sabi ko. "Nasaan po si Golf?"
"G-Golf?" sabay na sabi ni Mama at Papa at sabay napatingin sila sa
isa't-isa. "S-Sinong Golf ang sinasabi mo anak?" tanong ni Mama.
"Si Golf po. Kaklase ko. Kanina lang magkasama kami."
Teka. Ano bang nangyari kanina at parang wala yata akong matandaan?
Ako hinimatay? Paano? At saka imposibleng iwan na lang ako ni Golf ng
basta-basta. Nasaan ba sya?
Ang huling natatandaan ko lang ay nung sinilaw ako ng isang liwanag mula
sa mga alaala na bigla na lang pumasok sa utak ko. Hindi ko alam kung parte ba iyon
ng nakaraan ko o ano.
Pero, parang totoong-totoo ang pangyayari na iyon. At ang nakakapagtaka
pa...
Bakit nakita ko si Golf doon?
"Ma, Pa," agaw pansin ko sa kanila. "May kakilala ba kayong Golf Axus?"
"H-Huh?" sabay na sabi nila.
"Golf Axus po." ulit ko.
Ilang sandaling katahimikan ang pumaibabaw sa pagitan namin ng mga
magulang ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang kinabahan ang mga itsura nila.
Na para bang nakakita sila ng multo ng banggitin ko ang pangalan ni Golf.
"Wala anak." sabi ni Papa. "Alam mo magphinga ka na. Ang sabi sa amin ng
doktor kanina ay over-fatigue ka na daw kaya ka hinimatay kanina."
'Teka ospital?'
Ngayong nabanggit na din ni Papa, napansin ko na nasa isang kwarto nga
ako sa ospital. May nakakabit pang dextrox sa kamay ko.
"Anong ospital po 'to?" tanong ko para maiba ang usapan.
Mukhang may alam kasi sila tungkol kay Golf pero ayaw nilang malaman ko
iyon.
'Ano ba ang tinatago nila sa akin?' sa isip ko.
"Nasa may St. Joseph Hospital ka anak. Yung ospital na malapit sa lugar
kung saan ka nakita."sagot ni Mama. "Pero ang sabi naman ng mga doktor, pwede ka ng
umuwi mamaya at doon na lang sa bahay magpagaling kaya magpahinga ka na para
makaalis na tayo mamaya."
Kung tama ang hinala ko, mukhang ang ospital na ito yata yung ospital na
pinasukan ko kanina.
May bigla akong naisip na dahilan para bigla akong mapabangon sa kamang
kinahihigaan ko.
"May titingnan lang po ako sandali."
"Saan ka pupunta?" gulat na sabi ni Papa saka napatayo na rin para
alalayan ako.
"May bibisitahin lang po ako na kaklase ko..." pagsisinungaling ko. "Dito
din po kasi sya nakaconfine."
Kung ayaw nilang ipaaalam sa akin ang mga bagay na dapat kong malaman,
pwes, ako na ang gagawa ng paraan para mahanap ang mga sagot na iyon.
At alam ko na masasagot iyon ng pasyente na pinag-usapan ng dalawang
doktor na nakita ko kanina.
Kahit anong pigil nila Mama at Papa sa akin na umalis ay hindi ako
nagpapigil. Gusto man nila akong samahan sa pagbisita ko sa "kaklase" ko, umayaw
ako. At sa huli, napapayag ko din sila na ako na lang ang aalis ng mag-isa.
Agad kong hinanap ang information desk at nagtanong sa on duty nurse na
naroon.
"May pasyente po ba kayo dito na maraming nakakabit na machine?"
Oo, alam kong hindi ko sya kilala. Na maaring nakakabobo ang tanong ko na
iyon sa nurse pero wala na akong maisip na pagkakakilanlan sa kanya.
"Yung pasyente sa room 402 ba ang tinutukoy nyo Ma'am?"
'Room 402...'
"Opo sya nga po. Salamat po."
Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod na sasabihin sana ng nurse dahil
agad-agad na akong tumakbo papunta sa papasarang elevator. Mabuti na lamang at
naabutan ko pa iyon bago iyon tuluyang sumara.
Habang umaakyat ang elevator na iyon, muling lumalakas ang tibok ng puso
ko kaya napahawak ako ng wala sa oras sa tapat ng dibdib ko.
Huminto na ang elevator sa 4th floor. Nagsimula na rin akong maglakad sa
may mahabang hallway ng palapag na iyon at hinanap ang room 402. At sa wakas,
nakita ko din sya. Nasa pinakadulo sya ng hallway.
Tanging yabag ko lang ang maririnig sa tahimik na palapag na iyon pero
pakiramdam ko pumapaibabaw din sa paligid ang lakas ng tibok ng puso ko.
Nasa may tapat na ako ngayon ng pinto. Inabot ko ang seradura ng pinto at
akma na iyong bubuksan ng may bigla na lang tumpik sa balikat ko.
"Miss anong ginagawa mo dito?"
Nilingon ko ang nagsalita at laking gulat ko nang makita ang isang
security guard.
"Mga VIP lang ang pwede sa palapag na ito. May card ka ba para makapsok?"
"H-Ho?" mukhang mahuhuli pa yata ako.
"Kaano-ano ka ng pasyente sa loob?"
"H-Huh? Eh...kaklase! Tama! Kaklase nya ako! Nandito ako para bisitahin
sya!"
"Ganoon ba?" binitawan na ako ng guard. "Matagal-tagal na din na may
huling bumisitang kaklase sa kanya..."
"Po?"
"Sige na pumasok ka na." nakangiting sabi sa akin ng guard. "Tiyak na
matutuwa si Sir Golf kapag nakita ka nya."
Teka...tama ba yung narinig kong pangalan?
"S-Sino nga po ulit yung nasa loob?"
"Si Sir Golf." sagot nung guard.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa narinig ko.
"A-Ano po bang buong pangalan ni Golf?" nauutal na sabi ko.
"Ah iyon ba?" sandaling nag-isip yung guard. "Kung tama ang pagkakatanda
ko, Axus yata ang epelyido nila. Tama! Si Sir Golf Axus nga!"
Para akong binagsakan ng napakabigat na bagay sa narinig ko.
Muli akong humarap sa may pinto at dahan-daha iyong binuksan.
At sa pagbukas ko ng pinto...
Nakita ko sya. Nakahiga sa gitna ng kama na may mga tubong nakakabit sa
parte ng katawan nya.
"G-Golf..."

Chapter 10:The Past


A/N: Para po hindi kayo mailto, lahat ng naka-italized ay mga events sa past ni
Kaya o yung mga bagay na naiisip nya. Okay? Happy reading! 2 chapters to go!
^________^
Chapter 10:The Past
"G-Golf..." mahinang sabi ko sabay dahan-dahang lumapit sa nakaratay na
lalaki.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak habang naglalakad ako papalapit sa
kanya. Kahit anong pahid pa ang ginagawa ko sa mga luha na bumabagsak sa mata ko,
wala rin namang nangyayari. Patuloy pa rin ang mga iyon sa pagbagsak.
Napakapayapa ng itsura nya kahit na nakapikit sya. Na para bang hindi nya
iniintindi yung mga aparato na nakakabit sa katawan nya.
"A-Anong..." hindi ko matapos ang gusto kong sabihin dahil bumabara
lamang iyon sa lalamunan ko.
Gusto kong humagulgol ng iyak ngayon. Iyakan ang nangyari sa kanya.
Ilang oras ba ako nawalan ng malay at bakit ganito na ang nangyari sa
kanya?
"May bisita po si Sir Golf Ma'am. Kaklase daw po nya." rinig kong sabi ng
guard at saka ko narinig ang papalapit na yabag ng kung sino papunta sa direksyon
namin ni Golf.
Dahan-dahan akong lumingon upang makita ko kung sino yung kinausap ng
guard.
Nakita ko ang gulat sa mata ng matandang babae na iyon at saka ito
napatakip sa bibig nito at dahan-dahang naluha.
"K-Kaya. Ikaw nga ba yan hija?"
Nalilito ako tawag ng babae na iyon sa akin. Bakit nya ako kilala? Hindi
naman pamilyar ang mukha nya sa akin.
Pero sa halip na magtanong ako sa kanya, marahan na lamang akong ngumiti
bilang sagot. Pakiramdam ko kasi iyon ang tamang gawin.
"Ako nga po T-Tita..." sabi ko. "Pasensya na po sa biglaang pagbisita.
Namiss ko lang po kasi si Golf."
Alam kong kasinungalingan ang mga pinagsasabi ko pero sa tingin ko ito
ang tama...ang magsinungaling sa harap nya.
Nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ng babae ng mahigpit.
"Ang tagal-tagal ka na nyang hinihintay Kaya. Ang tagal-tagal na!"
naiiyak na sabi ng babae habang yakap-yakap ako. "Masayang-masaya siguro ngayon si
Golf ngayong nandito ka na!"
Hindi ko alam pero napaiyak na lang din ako. Ewan ko ba. Parang pamilyar
sa akin yung init na nagmumula sa katawan ng Mama ni Golf. Na para bang madalas
nyang gawin sa akin 'to. Na madalas nya akong yakapin tuwing magkikita kami.
"Ikaw lang ang hinihintay ng anak ko Kaya. Ikaw lang. At alam kong
gagaling na sya ngayong nandito ka na."
Matapos akong bitawan ng Mama ni Golf, napatingin naman ako sa direksyon
nito. Wala sa loob na kinuha ko ang kamay nya at mahigpit iyong hinawakan. Ang
lamig din ng kamay nya ngayon...kasing lamig ng una ko syang makilala.
"Nandito na ko Golf..." mahinang bulong ko sa kanya saka ako muling
naiyak. "I-I'm...I'm sorry...S-Sorry Golf...."
***
Sandali akong nagpaalam kay Tita Risa--ang Mama ni Golf--at sinabing
bababain ko lang ang mga magulang ko.
Magulo pa rin sa akin ang lahat. Pero kahit papaano, medyo nabibigyan na
rin ng kasagutan ang ilan sa mga tanong sa utak ko. At may isang bagay na ako na
nasisiguro...
Matagal na kaming magkakilala ni Golf.
Halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko habang naglalakad ako sa
mahabang pasilyo na ito. Para wala ako sa sarili habang naglalakad. Halos hindi
mapuna ng mga mata ko ang mga bagay na nasa paligid ko. Gulong-gulo na talaga ako.
"Kaya!"
Muli na namang may lumabas na mga eksena sa utak ko. Wala sa loob na
napahawak ako sa ulo ko nang bigla na lang iyong sumakit. Nahinto ako sa paglalakad
saka dahan-dahang napaluhod sa may marmol na sahig ng ospital.
Ang sakit. Ang sakit ng ulo ko.
"Kaya!" ngayon malinaw na sa akin yung mukha ng tumatawag sa akin sa mga
eksena na ito sa isip ko.
Si Golf. Sya ang tumatawag sa akin.
"Kaya, I'm sorry..."
Napapikit ako sa tindi ng sakit ng ulo ko.
"I lied."
Golf look sad at my memories. I can see tears on his eyes.
"May nangyari sa amin..."
Napailing na lang ako. No. Golf can't do that to me.
"But! I...did not mean to lie to you. It's just that...she's your friend.
At alam kong mas paniniwalaan mo sya kaysa sa akin."
Missing memories from the past suddenly flows into my mind.
Now, the missing puzzle pieces is here...in this scattered memories.
"I got drunk. I'm sorry..."
Tears suddenly flows from my eyes. Why am I crying? Bakit ang sakit ng
puso ko? Bakit ako nasasaktan ng ganito?
"I love you Kaya...it's just that..." Golf wipe his tears from his eyes.
"No. This is all my fault!"
Napahawak ako sa pader habang pilit kong itinatayo ang sarili ko. I tried
to walk with a support from this wall.
I need to get out of this place.
"Kaya!"
I run away from Golf in these memories. I am running with tears in my
eyes.
Somehow, I feel betrayed. By who, that I don't know. Maybe by Golf.
Ano ang ibig sabihin nya sa kasalanan nya sa akin? What was that? At may
nangyari? Kanino? Sa kanila ng kaibigan ko? Sino? Si Shenee? Si Winter? Si
Evergreen? Sa ibang kaklase ko? Kanino?!
Nalilito na ako!
"Kaya wait!"
Hindi ko pinakinggan ang pagtawag ni Golf. Tumakbo lang ako ng tumakbo.
Hanggang sa makarating ako sa may gitna ng kalsada at naipit sa isang maliit na
butas ang heels ng sapatos ko.
"Kaya!" tawag ni Golf sa kabilang kalsada.
BEEP! BEEP! BEEP!
Napalingon ako sa papalapit na kotse. Tila wala yata itong kontrol at
hanggang ngayon, hindi ko pa din maalis ang sapatos ko.
"Kaya!"
Tumakbo papalapit sa akin si Golf. Kailangan kong maalis ang sapatos na
ito! Hindi nya ko dapat maabutan!
I hate him! I hate him! I hate him!
"Kaya!" he reached for my hands.
"Go away!" sabi ko habang sinusubukang alisin ang mga belt ng sapatos na
suot ko.
Malapit na ang sasakyan sa akin pati na rin si Golf.
"Kaya!"
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Golf ng mahigpit.
"Go away!" sabi ko habang tinutulak ko sya. "Mamatay ka na! You cheater!"
I saw a glimpse of sad smile of his lips, then the next thing I knew,
malakas nya akong itinulak palayo dahilan para maalis ng tuluyan sa pagkakalusot sa
butas ang sapatos ko.
Then the car hit Golf right in front of my very eyes.

Chapter 11: Golf


Chapter 11: Golf
It's clear to me now.
Golf got hit by that car while I...survive the accident.
It was supposed to be me. But Golf saved me. He exchange his life for me.
He protected me.
Muli akong napalingon sa direksyon ng kwarto ni Golf.
Golf is now his room in this hospital, suffering from that accident. All
this time, kasama ko lang sya, but now...he's there...half dead.
"Kaya..."
Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Then I saw my
guardian angel Ceci standing before me.
"C-Ceci..." I can't even hear my own voice.
Matipid ang ngiti nya nang lumapit sa akin saka nya ako tinulungang
tumayo.
"C-Ceci...si Golf...iligtas mo si Golf!" I sound desperate.
Marahang iling lang ang isinagot nya sa akin saka lumungkot ang mukha
nya.
"Pasensya na Kaya. Hindi ko sya matutulu--"
Malakas ko syang tinulak palayo sa akin. Kahit na pakiramdam ko ay naubos
na ang lakas ko, nagawa ko pang lumayo sa kanya.
"Ang sabi mo guardian angel ka di ba? Na angel ka?! Bakit hindi mo kayang
tulungan si Golf huh?! Tulungan mo sya!"
I can see tears falling from her eyes. Pero kahit ganoon, may inabot
syang isang pamilyar sa akin. Ang angel's feather.
"Ito lang ang kaya kong maitulong sa'yo Kaya..." sabi nya saka kinuha ang
kamay ko at inilagay sa palad ko ang feather. "Hilingin mong buhayin si Golf..."
Napatingin ako sa hawak ko. At maya-maya pa ay galit ko iyong hinagis sa
may sahig.
"Sa tingin mo ba mabubuhay ng bagay na yan si Golf huh?!" malakas na sabi
ko sa kanya saka sya hinawakan sa magkabilang braso. "Hindi ko kailangan ng isang
kalokohan dito! Ang kailangan ko, mapagaling mo si Golf!"
Iyak lang sya ng iyak habang niyuyugyog ko sya.
"Alalahanin mo ang pinaka-importanteng bagay na nakalimutan mo Kaya. At
iyon ang magliligtas kay Golf..."
Marami pa sana akong gustong sabihin sa kanya kaya lang unti-unti syang
naglalaho sa harapan ko na parang isang usok.
"Alalahanin mo kung ano ang tunay na sinisimbolo ng angel's feather
Kaya...alalahanin mo..."
At tuluyan na syang nawala sa harapan ko.
Wala sa loob na napaupo na lang ako sa sahig na parang isang natutunaw na
kandila.
Gusto kong umiyak o di kaya tumalon mula sa pinaka-mataas na building
para matapos na ang lahat ng problema ko.
I want to end my life in exchange for Golf's life.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang bigla na lang liparin sa harapan ko yung
angel's feather.
Sa nanlalabo kong paningin dahil na rin sa mga luhang tumatakip sa mata
ko, kinuha ko ang puting balahibo na iyon.
"Please..." mahinang bulong ko habang mahigpit kong hawak-hawak ang
balahibo na iyon. "Save Golf."
Matapos noon, binulag ako ng isang puting liwanag na bumalot sa buong
paligid ko.
***
"Kaya!"
Agad rumihistro ang ngiti sa labi ko nang makita ko sya na tumatakbo
papalapit sa direksyon ko.
"Let's go?" tanong nya saka nya inakbay sa balikat ko ang isang braso
nya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nakatingala sa kanya.
"Basta!" nakangiting sabi nya saka ako hinila palayo sa eskwelahan namin.
Ilang minuto din kaming naglalakad. Wala ako ni katiting na ideya kung
saan nya ba ako balak dalhin. Basta ang importante lang sa akin ay masaya ako na
kasama ko sya.
"Ta-da!"
Napataas ang kilay ko nang huminto kami sa tapat ng isang playground.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko saka lumapit sa kanya.
Ngumiti lang sya sa akin saka lumapit sa isang slide at may inabot sa
tuktok noon.
Bigla akong napatakip sa bibig ko nang makuha nya ang isang malaking
bouquet ng iba't-ibang klaseng bulaklak sa may slide at saka nya iyon inabot sa
akin.
"Happy anniversary!" masayang sabi nya.
"T-Thank you..." hinidi ko napigilang maluha nang abutin ko mula sa kanya
yung bulaklak.
"Haist! Umiiyak ka na naman!" sabi nya saka pinahid yung mga luha sa mata
ko. "Di ba sabi ko sa'yo ayokong nakikita kang umiiyak?"
"Ikaw kasi eh!" sabi ko saka mahinang hinampas yung braso nya.
"Pinapaiyak mo ko!"
Natawa sya sa sinabi ko saka nya ipinulupot yung mga braso nya sa bewang
ko saka ako hinalikan sa noo ko.
"Happy 3rd anniversary Ms. Kaya Mnemosyne."
"Happy anniversary too Mr. Golf Axus..." nakangiting sabi ko saka sya
hinalikan sa pisngi.
"Psh! Pisngi lang? Wala sa lips?" sabi nya saka nginuso palapit sa bibig
ko yung labi nya.
"Asa!" sabi ko saka hinarang yung palad ko sa pagitan ng mga labi namin.
"Dami kayang tao dito!"
"So pwede sa walang tao?" nakakalokong sabi nya. "Tara! May malapit na
motel dito!"
"Ha! Ha!" pilit kong tawa saka sya kinurot sa tagiliran. "Ang manyak mo
talaga kahit kailan Golf!"
"Aray naman!" sabi nya saka hawak doon sa tagiliran nya. Pero hindi nya
pa din ako binibitawan. "Sa'yo lang naman eh! Ikaw talaga! Ang conservative mo!"
"Hindi ako conservative sira! Gusto ko lang gawin yung bagay na yun
pagtapos ng araw ng kasal ko!"
"Sabagay..." kibit-balikat na sabi nya saka ako muling niyakap ng
mahigpit. "Papakasal nga pala tayo after college ano? Sige, maghihintay na lang
ako. Ilang years na lang naman di ba?"
Mahina ko syang binatukan saka natawa sa mga pinagsasabi nya.
We stayed like this for so many minutes. At saka nagdecide si Golf na
bitawan ako mula sa pagkakayakap nya.
"Sya nga pala, naghanda si Mama sa bahay. Alam mo naman yun, mas mahal ka
pa sa akin. Kaya sabi nya, sa bahay na lang daw tayo nagcelebrate ng anniversary
natin. May bago daw syang putahe na gustong ipatikim sa'yo."
"Wow talaga?!" na-eexcite na sabi ko. Ang sarap kaya magluto ng Mama ni
Golf. "Sige!"
"Invite mo na din sila Mama...este sila Tita at Tito pala sa bahay na
lang magdinner."
"So uuwi pa ako nyan?" taas-kilay na sabi ko.
"Pwede namang hindi na." nakangising sabi nya saka ako inakbayan. "Di ba
sabi ko sa'yo? May malapit na motel dito?"
Hinampas ko ng malakas yung braso nya at tinawanan na lang nya ako.
Napangiti na lang ako habang nakatingin kay Golf.
Ang saya namin tuwing magkasama kami. Mula first year highschool mag-on
na kami. Walang trials sa relationship namin ang hindi namin nalampasan. Idagdag pa
na botong-boto sa isa't-isa yung mga magulang namin. We also have supporting
friends and Golf promise to marry me after we graduate from College.
Wala na akong mahihiling pa. I am too happy to feel sad. Lalo na ngayon
at anniversary namin.
"Susunduin ko na lang kayo mamaya." sabi ni Golf. "May aasikasuhin pa
kasi ako."
"Bakit? Mambababae ka na naman?" pagbibiro ko.
Alam kong hindi kayang gawin ni Golf sa akin iyon. Hinding-hindi.
"Bakit? Selos ka na naman?" sabi nya saka pinisil yung pisngi ko. "Ang
cute mo talaga magselos Kaya!"
"Asa ka na naman dyan!"
"Hahaha!" tawa nya saka ako mabilis na hinalikan sa labi ko.
Talaga naman! Tigas ng ulo! Sabing madaming tao dito eh!
"7 o'clock." sabi nya saka nagfly kiss pa sa akin. "Hindi na kita
maihahatid sa inyo. Uwi ka na huh? Wag manlalake! Magseselos ako!" natatawa pang
sabi nya habang nagpapaalam sya sa akin.
"Tsk! Sira talaga..." nakangiting sabi ko saka inamoy yung bulaklak na
bigay nya.
***
"Golf nasaan ka na ba?" mahinang sabi ko habang dina-dial yung number
nya.
Tumutunog lang iyon pero walang sumasagot.
"Nasaan na daw si Golf anak?" tanong sa akin ni Mama na nasa likuran ko
na pala.
Nahalata na yata ni Mama na nagpapanic na ako kaya hinawakan nya ako sa
magkabila kong balikat.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Mama.
"Hindi ko nga po alam eh..." sabi ko saka dinial ulit yung number nya
pero wala pa din sumasagot.
"Bakit hindi mo muna puntahan si Golf anak?" sabi naman ni Papa. "Saka
nyo na lang kami balikan kapag okay na."
Napatango na lang ako saka nagtungo sa may pintuan.
It's already 9 o'clock at hanggang ngayon wala pa ding Golf na
nagpaparamdam sa akin.
Unti-unti na akong nag-aalala para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang
bilis ng tibok ng puso ko tuwing maiisip ko si Golf.
"Sana okay lang sya..." mahinang sabi ko habang papalabas na ako ng
bahay.
Nasa may labas na ako ng gate nang biglang tumunog ang phone ko at may
natanggap akong isang text message.
"Si Golf!" sabi ko saka binuksan yung message nya.
[Nandito ako sa bahay nila Shenee. Meet me here.]
'Anong ginagawa nya kanila Shenee?' sa isip ko matapos basahin yung text
nya.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at saka ko dali-daling nagpunta sa bahay
nila Shenee. Ang alam ko, wala doon ngayon yung mga parents nya kaya nagtataka ako
kung anong ginagawa doon ni Golf?
Mabuti na lamang at medyo malapit lang yung bahay nila Shenee sa amin.
Kayang lakarin. Kaya after 5 minutes, nasa tapat na ako ng bahay nila.
Nagdoor bell ako pero walang nagbukas ng pinto.
Uulitin ko sana ang pagdoorbell ng masagi ng kamay ko yung knob ng pinto
nila at bumukas iyon.
'Bakit hindi 'to naka-lock?'
Pumasok na ako sa loob ng bahay nila Shenee. Welcome naman ako dito kahit
anong oras eh kaya sa tingin ko okay lang na pumasok ako ng walang paalam.
Naglalakad ako sa loob ng bahay nila nang may makita akong pamilyar na
damit na nagkalat sa may hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila Shenee.
Mga damit ni Golf at damit ni Shenee.
Biglang bumlis ang tibok ng puso ko sa nakita ko. Ang dami pang damit ang
nagkalat sa may hagdan.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupulot iyon isa-isa. At huminto
ang pinaka-huling piraso damit nila sa tapat ng kwarto ni Shenee.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ganoon na lamang ang panlalaki ng
mata ko sa nakita ko.
Si Golf nakatapis lang ng tuwalya yung ibabang bahagi ng katawan nya na
nakatayo sa gilid ng kama samantalang si Shenee nasa ibabaw ng kama at nakabalot
ang kumot sa katawan nito.
Kahit sinong makakita, alam kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa.
"KAYA!" gulat na sabi ni Shenee nang makita nya ako.
Marahas na napalingon si Golf sa direksyon ko. Nanlalaki ang mata nito
nang makita nya ako.
Unti-unti kong nabitawan yung mga damit na pinulot ko sa sahig sabay ng
pag-agos ng mga luha sa mata ko.
"Kaya! This is not what you think!" nag-aalalang sabi ni Golf sa akin
saka nya sinubukang lumapit sa akin pero lumayo ako.
"Liar..." mahinang sabi ko habang nakatitig sa mga mata nya. "You're a
liar..."
"Kaya--"
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Golf saka ako dali-
daling tumakbo papalabas ng bahay ng isa sa mga tinuturing kong malapit na
kaibigan.
They betrayed me...especially Golf.
He said he loves me. But that was all a lie after all.
***
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko saka nakita ako sarili ko na nasa
ospital ulit.
Napatingin ako sa kamay ko. The feather is gone.
But memories that I kept hidden in my mind goes back.
Shenee...and Golf...betrayed me.
Was that all true? Half of me wants to disregard those memories but the
other wants to believe everything.
Did really Golf betrayed me? Did he replace me over a dear friend?
At si Shenee, kilala nya pala si Golf. Why is she acting as if she
doesn't recognize him kapag nasa school kami?
Is she fooling me? Are they trying to fool me?
At isa pa, kung nasa comatose state nga si Golf, bakit at paano sya
napunta sa eskwelahan namin?
"I'm dying Kaya..."
"NURSE! NURSE!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ng Mama ni Golf. Nakita ko syang
tumatakbo papunta sa direksyon ko.
"Kaya!" tawag sa akin ni Tita. "S-Si Golf...si Golf! Ang anak ko!"
naiiyak na sabi ni Tita.
Napasunod na lang ako sa kanya pabalik sa loob ng kwarto ni Golf sa
ospital.
At ganoon na lang ang takot ko nang makitang unti-unting bumababa ang mga
numero ng mga aparato na nakakabit sa kanya.
He cheated on me. He deserves to die.
Pero...iyon nga ba ang gusto kong mangyari?
Do I really want Golf to die?
Hindi na ako nagdalawang-isip because I know in my heart...
I want to see him alive.
Agad kong kinuha mula sa cradle ang phone na nakasabit sa may dingding
saka tinawagan yung mga doktor na pwedeng tumulong sa kanya.
Please....save him. Save Golf.
A/N: Napapangiti ako sa relationship nila Kaya and Golf noon. ^_________^ Hay nako
Shenee! Psh!
LEAVE COMMENTS PEOPLE!

Chapter 12: The Wish


Chapter 12: The Wish
Hindi ako mapakali habang nakaupo ako dito sa labas ng Emergency Room
katabi ng mga magulang ko at ng Mama at Papa ni Golf.
Tinanong ko ang mga magulang ko sa mga nangyari sa nakaraan and by this
time, they explained everything to me. Lahat ng mga dapat kong malaman.
Yes. Golf cheated on me. Totoo yung mga eksena na naalala ko. Totoong may
nangyari sa kanila ni Shenee. But my parents believe na Golf has been provoked.
They both believe na walang kasalanan doon si Golf. Na pinatunayan naman ni Tita
Risa.
She explained that Golf said to her that Sheene planned to get him drunk.
Actually there has been drug--ecstasy--sa kung ano mang pinainom kay Golf ni
Sheene. At nalaman ko din na matagal na palang may gusto si Shenee kay Golf. Ayaw
lang daw sabihin sa akin ni Golf ang bagay na iyon dahil sa ayaw nyang magkasira
kami ni Shenee.
Then next thing is the accident. A few days after I saw him and Shenee
naked, kinausap ako ni Golf. Sinubukan nyang ipaliwanag sa akin ang lahat pero
hindi ako nakinig. Then the accident happened.
When I saw Golf bloody body, I set my own memories aside. Mga memories
about Golf. I make myself forget some painful events about my past. I undergo some
psychiatrical treatment para lang maging successful ang bagay na iyon. People tend
to have the power over mind sabi nga nila. That's why I forgot Golf. At nung nakita
ko ulit sya dito sa ospital, saka ko lang naalala ang lahat.
My parents and Golf's parents, try to help me overcome what had happened
to Golf. The trauma of seeing him almost dead, shock every nerves on my brain. At
ayaw nilang magaya ako kay Golf kaya minabuti nilang ilayo muna ako sa kanya.
But look what happened. We manage to see each other again.
Ang isa pa sa ikinakataka ko ay nung ikwento ko sa kanila ang pagpasok ni
Golf sa eskwelahan namin...
"That's imposible hija!" sabi ni Tita. "Hindi na nagising si Golf magmula
ng mangyari ang aksidente. Kaya paano mo nasabi yan?"
Nagtataka din ako tungkol sa bagay na iyon.Golf has been asleep for
almost a year and yet nakita ko sya, in person and alive sa school namin.
May kinalaman ba sila Ceci dito?
"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"
Sabay-sabay kaming napatayo nang lumabas mula sa E.R. ang doktor na
tumingin kay Golf.
Agad lumapit sila Tito at Tita sa doktor para tanungin ang lagay ni Golf.
Sumunod ako sa kanila.
"I'm sorry to say this but..." mabigat na bumuntong-hininga ang doktor.
"Your son did not make it. I'm sorry."
Maririnig sa buong pasilyo ang iyak ni Tita. She's calling Golf name sa
labas ng emergency room. While I...tried to walk away.
Hindi ko pinansin ang mga magulang ko nang tawagin nila ako.
I am walking and silently crying.
Isang malinaw na sagot na ang binigay sa amin ng doktor...
Golf did not make it. He's dead.
Napakagat ako sa labi ko habang pinipigilan kong humagugol ng iyak. Then
I started to run. Run as fast as I could.
Golf is dead.
Golf is dead.
He's gone.
Nahinto ako sa pagtakbo nang bumunggo ako sa isang bagay. Sa isang
nakabukas na pinto.
And when I peak to see what's inside, I saw a mini chapel.
Wala sa loob na pumasok ako sa loob ng chapel at naupo sa isa sa mga
upuan na malapit sa harap ng altar.
I kneel and closed my hands and look to the man who has been pinned down
on that cross.
"Bakit..." I said to him. "Bakit si Golf pa? Why not me? Bakit ngayon
pa?"
I am crying why kneeling before him.
God is so cruel sometimes. I thought he brings salvation to the earth.
Bakit hindi nya iniligtas si Golf?
"I forgive him already. I forgive Golf. And Shenee and everyone who tried
to fool me. I forgive myself..." I confess right in front of him.
I look at his eyes. "God, if you really exist, please save Golf." I beg
to him. "Please bring him back to me."
Mariing kong ipinikit ang mata ko. Kung kailangan kong magdasal sa kanya
sa loob ng napakahabang oras, araw o tao, gagawin ko. Basta ibalik nya lang sa akin
si Golf.
"I need him..." I said. "God, help me..."
"Your wish has been granted Kaya..."
Bigla akong napalingon sa gild ko nang marinig ko ang boses ni Ceci.
She's smiling back at me now saka nya ipinakita sa akin yung angel's
feather.
"Masaya ako at bumalik ang loob mo sa Diyos..." nakangiting sabi nya. "At
natutuwa sya sa pagbabalik loob mo sa kanya."
"A-Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong ko.
Napatingin si Ceci sa may altar saka umusal ng pasasalamat bago ako
hinarap.
"Nang mamatay si Golf, hindi lang utak mo ang isinara mo sa mundo kaya.
Pati paniniwala mo sa kanya, kay God." paliwanag nya. "Alam mo ba ang sinisimbolo
ng feather na ito?"
Napatingin ako sa hawak nya.
"Sinisimbolo nito ang faith ng isang tao." sabi nya saka hinipan ang
fetaher papunta sa direksyon ko saka iyon biglang tumagos sa katawan ko.
Teka! Anong nangayari?!
"Minsan, kapag ang tao ay nasasaktan at nahihirapan, nakakalimutan nilang
humingi ng tulong sa nakatataas. Iniisip ng tao na Diyos ang nagpapahirap sa buhay
nila pero hindi..." sabi nya saka napatingin ulit sa altar. "Sinusubukan lang tayo
ng Diyos. Kung hanggang saan ba ang pananampalataya natin sa kanya."
Ngumiti syang humarap sa akin.
"Tapos na ang misyon ko sa mundo...sa inyo ni Golf." sabi nya saka nya
inilagay ang isang kamay nya sa ibabaw ng ulo ko.
"Babalik na ang balanse ng mundo. At muli, humihingi ako ng kapatawaran
sa lahat ng kasalanang nagawa namin sa inyo ni Cifer. Kung hindi dahil sa
kapahangasan namin, hindi mangyayari sa inyo 'to. At pinapatawad ka na ng Diyos
Kaya..."
"Teka--"
"Babalik na sa'yo si Golf. Maging masaya sana kayo. Parati ko kayong
ipagdadasal."
At muli syang nawala sa harapan ko. Pero this time, alam ko, na hindi ko
na ulit sya makikita pa.
Napatingin ako ulit sa may altar. And I saw God seems smiling back at me.
"Thank you po..." sincere na sabi ko saka dali-daling lumabas para
balikan si Golf.
******************************************************************
Angel's Wish Entry No. 1,356,798
Angel's Feather doesn't mean being magical of fantasical or other stuffs.
There's no magic on earth...only miracles.
And I, as a living witness for the miracle of the angel's feather, will
testify that that feather is not about charm.
It's about having FAITH to what you believe in especially to the man
above. For forgiving someone who hurt you. And for forgiving yourself for hurting
others. That is the angel's feather. Faith and Forgiveness.
With God, nothing is impossible.
Everyone has there own Angel's Feather inside them. Just believe and pray
for everything will turned out fine in the end.
This is Kaya Mnemosyne-Axus, and this is the last entry of Angel's Wish.
******************************************************************
"Kaya! Hindi ka pa ba tapos dyan?"
Napangiti ako saka marahang isinara ang laptop ko.
"Lalabas na!"
Agad rumihistro ang ngiti sa labi nya nang makita nya ako. At ganoon din
ako sa kanya.
10 years have passed simula ng malagpasan ni Golf ang coma. And I am so
thankful to God that he have given me the chance to see him and be with him once
again.
Kung ano man ang dahilan sa pagkikita namin ulit ni Golf ay hindi ko din
alam. Maybe it's miracle or the work of our guardian angels, I don't know. May mga
bagay talaga sa mundo na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya.
Basta ang mahalaga sa akin ngayon ay magkasama kami.
"Hello beautiful wife!" may nakakalokong ngiti sa labi ni Golf saka nya
ipinulupot yung kamay nya sa bewang ko.
"Hello yourself husband..."
"Hmm..." sabi nya saka isiniksik yung ulo nya sa leeg ko. "Ilan na nga
ulit yung anak natin?"
"Ah...dalawa?" nagtatakang sabi ko. "Bakit?"
"Itatlo na natin!" nakakalokong sabi nya saka ako itinulak papasok ulit
sa kwarto namin.
Angel's feather.
Who would have thought that because of that simple thing that fall from
the sky and in front of me, will give me this so much blessing and happiness?
[FIN]
Final Author's Note
Waaa! Finally! Natapos ko din sya! After nyang ma-on hold ng halos ilang
buwan, naipagpatuloy ko ulit sya. Thank God at nabigyan nya ako ng ideas kagabi
kaya natapos ko 'to. Thank you po! :)
So now alam nyo na ang symbolism ng angel's feather. I hope na na-inspire
ko kayo or nakuha kayong moral lesson sa kwento na 'to.
Kahit ano pang religion meron ka, iisa lang naman ang common sa atin di
ba? Yung Faith natin sa kinikilala nating God. :)
Gaya nga ng nasabi ng isang pari sa amin dati nung nagsimba kami at
nakinig sa sermon nya:
"Before you forgive others, learn to forgive yourself first for God has
forgiven you." hindi eksaktong yan yung sinabi nya pero yan yung message. :)
This is dedicated sa taong alam kong may strong relationship kay God. Si
Louiellee a.k.a lovely_day. Hello Lowelya! XD
So, yeah. Tapos na sya. I hope na napasaya kayo ng ANGEL'S WISH. Gusto ko
sana ipost din yung CROSSING THE BOARDERS yung story nila Ceci at Cifer kaya lang
dami ko pang naka-line up stories so maybe some other time kapag nasa mood ako.
Read. Love. Spread. Leave your comments people. Vote na din kayo kung
gusto nyo. :)
Love Maeve lAnne ♥

You might also like