You are on page 1of 21

Rooftop: The Achiever’s Revenge

Simula- Introduksiyon (Unang eksena)

First Person Point of view


"uy --- Mauuna na ako ah, May pupuntahan pa kasi ako--" 

Ako'y agad na napatingin kay nica ng turan niya ang mga salitang yun. Naiwan kasi kaming
dalawa upang maglinis.

"Huwag muna!" Kinakabahang pigil ko rito. Ayaw kong maiwang mag isa.

"Hintayin mo na saglit si ma'am andun lang siya sa faculty" Inya ulit na turan

Alas singko na rin at medyo may kadiliman na ang kalangitan, Kakaunti na rin ang mga
istudyanteng nandirito at hindi pa kami tapos sa aming ginagawa kaya't hindi pa ako maaaring
umuwi.

"Hintayin mo ako, patapos na ako rito" Sabi ko at dali-daling inayos ang upuan na aking
ginagawa kanina.

"Hintayin kita sa labas" 

Mag sasalita palang sana ako ngunit ng aking lingunin ay wala na siya. Mag isa nalang ako.

Napabuntong hininga akong tumingin sa paligid, Tahimik at wala kang maririnig na ingay.
Bahala na! Aalis na ako! Hindi ko kayang mag-isa rito! Ngayon pa nga lang ay tumatayo na
aking balahibo!

Papatayin ko na sana ang ilaw ng may marinig akong mga padyak, Tila nag lalakad palapit sa
akin

"Huy --- huwag mo akong biruin ng ganyan alam mong matatakutin ako!" Sigaw ko rito ngunit
wala akong narinig na sagot. 

Tinignan kong muli ang paligid at nagtaka ng makita may makita akong babae na nakaupo pala
sa likuran. Baka sa kaniya galing yung ingay kanina, sadyang tinatakot niya lamang ako
"Huy akala ko ba sa labas mo ako hihintayin?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya. Hindi ko
makita ang mukha niya dahil nakatingin siya sa may bintana at tila nakatingin sa baba. Nasa
ikalawang palapag kasi ang room namin

Ng makalapit na ako ay agad kong hinawakan ang kaniyang balikat, para kasing hindi niya ako
naririnig kaya hinawakan ko na siya. Ngunit tila parang wala parin itong epekto dahil hindi niya
parin ako pinapansin.

"Huy! Ba't ang lamig mo para kang yelo!" Pabiro kong sabi ngunit kinakabahan na talaga ako
dahil totoong sobrang lamig niya. 

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko, sobrang lamig nito parang wala ng buhay.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng harapin niya ako.

Nanlumo ako sa nakita at malakas na sumigaw. Pilit tinatanggal ang mga kamay na nakahawak
sa akin.

Duguan ang kaniyang mukha, Masama ang tingin sa akin ngunit ang mga labi ay nakangiti.

Anong nangyari? Sabi niya hihintayin niya ako sa labas? Bakit ganito ang kaniyang itsura?
Teka... Siya ba ito?!

"TULONG! TULONG! TULONGGG!" Malakas kong sigaw ngunit napatigil ako ng siya'y
tumawa ng malakas. Nakakatindig balahibo ang kaniyang pagtawa. 

Bumubulong ako ng mga dasal, nag mamakaawa na sana ang lahat ng ito ay hindi totoo,
Naramdaman ko rin na basa na ang aking pisnge dahil sa luha...Hindi ko na alam ang gagawin
ko. Nanghihina ako.

Para akong nabunutan ng tinik nung ako'y kaniyang bitawan at pagtingin ko wala na siya sa
aking harapan. May tumawag sa aking pangalan...Boses yun ni ma'am hindi ko marinig ang
kaniyang mga sinasabi dahil hanggang ngayon ay nanginginig akong nakahawak sa mga kamay
ko. 

Naramdaman ko ang malakas na pagsampal ni ma'am, Siguro ginawa niya yun para matauhan
ako. 
"Kanina ka pa bumubulong at umiiyak, Si...si..." Hindi matuloy-tuloy na sabi ni ma'am. May
namuong luha sa mga mata nito. Inalalayan niya akong tumayo at dun ko nakita ang kumpulan
ng tao sa baba. 

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni ma'am sa mga balikat ko "Tumalon si nica sa
rooftop... Nauna ang ulo niyang tumama kaya...kaya hindi na siya makakaabot sa hospital ng
buhay"

Tila nanghina ako ng marinig yan... Kasama ko lang siya kanina. Sabi niya hihintayin niya ako
sa labas? Sabi niya may lakad siya ngayon?

Kaya pala... Nakatingin ito sa baba kanina...

"Kumuha nanaman siya ng buhay" Turan ni ma'am. “Bakit. Bakit ba niya ito ginagawa?" Galit
nitong sabi.

Unang kabanata (First Chapter) – First day


Third Person Point of view

"At dito ang iyong magiging classroom, kung ikaw ay may problema sabihin mo lang sa akin
hmm?" Aniya. Ito ay isang guro sa isang publikong paaralan.

"Salamat po" Mahinang sagot ni (*name) ngunit sapat na ito upang marinig ng kaniyang guro.

Pinagmasdan niya ang bagong paaralan, wala namang kakaiba dito maliban sa mga kaklase
niyang tahimik habang may iba't-ibang ginagawa. Ramdam nya ang kakaiba at mabigat na
atmospera sa loob ng classroom. Nag tataka man sa kanilang asta ay hindi na ito nag tanong.

"Class, Ito si Elle Ramirez ang bago niyong magiging kaklase. Kayo ng bahala sa kaniya hah?"
Bilin ng guro sa mga estudyante. Iilan ang sumagot ngunit ang mga tingin nila ay nasa kaniya.

Dahil hindi sanay sa mga mata ng tao na nakatitig ay yumuko na lamang ito upang iwasan ang
mga tingin. 

Pumunta ito sa dulo dahil duon nalang ang bakanteng upuan. Walang imik ang kaniyang mga
kaklase. Talaga ngang may kakaiba sa kanila. Nais man nitong mag tanong ay hindi nalang siya
nag salita. Isang dahilan nito ay dahil nahihiya siya at pangalawa takot siyang makipag usap sa
tao.

"Okay class, Ihanda ninyo ang inyong tubig dahil gagawa tayo ng activity sa labas" Ika ng isang
lalaking guro, Ito ay PE teacher.

Habang inaayos ang kaniyang gamit hindi niya namalayan na dadalawa nalang silang
magkaklase sa loob. Ang iba ay nauna ng lumabas

"Uy. Welcome dito" Nakangiting sabi ng babae sa kaniya. Ito ang kauna-unahang taong
kumausap sa kaniya. “Ako nga pala si Vien ikaw?”

“Elle” Naiilang nitong sabi.

“Teka pamilyar ka? Diba dito ka nag aaral dati?” Tanong nito.

“Oo…”

“Ehh? Bakit ka nag transfer kung babalik ka rin dito?” Tanong ni Vien ngunit hindi ito sumagot
kaya dali-dali siyang humanap ng ibang sasabihin “Welcome ulit dito” Ani niya.
Nahihiya man ay pinilit niya parin sumagot "T-thank you"

"Sorry ah, Hindi kita makausap kanina. Sobrang tense ng atmosphere dito. Grabe hindi ako
makahinga" Pabirong turan nito ngunit alam niyang nag sasabi ito ng totoo dahil ito'y kaniya rin
napansin simula palang ng pag pasok niy a sa classroom. Tumingin muna ito sa kaniyang paligid
tila minamanmanan kung may tao ba. Ng makitang wala at agad sumeryoso ang nakangiti nitong
mukha kanina

"Alam mo ba na may sumpa tong school na ito?" Panimula niya ngunit tinignan laman siya ni
Elle"Alam mo bang laging may namamatay na estudyante ang malala ay pare-pareho ang dahilan
ng pagkamatay nila" 

Hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya si Elle tila hindi naniniwa sa kaniyang sinabi. 

"Kita mo yung rooftoop na yun?" Tanong nito sabay turo sa taas. Tumingin silang pareho dun
"Diyan sila tumatalon."

Nanindig ang balahibo nito habang nakatingin sa rooftop.  Ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng
kaklase ngunit hindi niya maiwasang hindi mag tanong.

"Bakit sila tumatalon?"

"Sabi nila na dedepress sa pagaaral o kaya tinatakot ni veronica" Paliwanag nito at hinawakan
ang baba tila nag iisip ng malalim "Kwento-kwento pa nila ay minumulto nito ang mga taong
nag papakamatay sa rooftop at pag nagpakita daw siya saiyo ay paniguradong ikaw na ang
susunod niyang gagambalahin" 

"Hindi naman siguro yan totoo..." Ayaw niya parin maniwala "Halos lahat naman ng paaralan ay
may kwentong kababalaghan. Hindi ba?"

"Ewan, Last year nga may pakamatay 'dyan. Mag kaibigan sila. Naiwan silang mag linis sa room
nila then ang kuwento ay naunang umalis yung isa, yun pala pumunta sa rooftop para tumalon"
Kuwento niya

Magsasalita palang sana siya ng may biglang tumawag sa pangalan ng babaeng kausap niya.
Pareho silang nagulat at sabay na napatingin kung saan nanggaling ang boses
"Oh? Ba't parang nakakita kayo ng multo?" Tanong ng kaklase nilang lalaki. Siya ang tumawag
riito "Pinapatawag kayo ni sir at mag sisimula na tayo. Alam mo naman na dapat walang naiiwan
dito sa room" Medyo naiinis nitong sabi at kinakausap ang kaniyang kaklase

"Sorry na pres, Alangan naman na iwan ko mag-isa yung transferee dito diba?" Paliwanag niya
ngunti bumuntong hininga ang lalaki bago sumagot.

"Sa susunod sumunod nalang kayo agad. Hindi maaaring may maiwan dito" 

"Oo na, oo na" Turan nito at sinundan parin siya palabas.

Ang bagong istudyante ay hindi maiwasang magtaka sa inasta at sinabi ng president ng


classroom nila. Iniisip niya tuloy na baka may kinalaman ang sinabi ng babaeng classmate niya
kanina sa kaniya.

Sabay nan ga silang tatlo lumabas. Habang nasa labas ay hindi niya maiwasang hindi tumingin
sa rooftop na tinuro ng kaniyang kaklase kanina. 

"Talaga bang marami ng namatay dyan?" Tanong nito sa sarili. 

Umiwas siya ng tingin dahil naramdaman niya ang biglang pagkalamig ng kaniyang katawan.
Huminga ito ng malalim at tiningnan muli ang rooftop. Nagulat ito ng may makitang tao duon.

Kanina ay wala...baka namamalikmata lang siya?

Tumingin siyang muli at hindi nga siya nag kakamali. Merong tao sa taas, babaeng mahaba ang
buhok ngunit hindi niya matukoy ang mukha dahil malakas ang tirik ng araw.

"May tao... Sa taas ng rooftop" Turan nito sa babaeng kaniyang kausap kanina kaya agad itong
napatingin sa taas at bakas ang pag kagulat sa mukha

"SIR! MAY TATALON!" Sigaw nito kaya nagimbal ang lahat. Ang iba ay tumakbo upang
pumunta sa rooftop ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay maririnig mo na ang malakas na
kalampag ng katawan sa lupa. 

Andun ang babaeng nakahandusay...Duguan ang ulo't katawan.

Napatakip nang labi ang iba. Merong mga nag iwas nang tingin at meron rin ang mga taong
nasisikmurang makita ang katawan sa harap nila.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Elle. Bumagsak ang katawan nito sa mismo nilang harapan.
Naginginig ang kaniyang mga kamay habang nakatakip sa kaniyang labi. Naramdaman niyang
tinakpan ng babaeng kausap niya ang kaniyang  mata. 

"Huwag mo ng tingnan" Ani nito. Mababakas ang kaba sa mukha ni Elle. "Tanghaling tapat pa
talaga tumalon... Wala talagang pinipiling oras at araw yun" Sabi ni Vien at tiningnaa si Elle na
ngayon ay kinakabahan at naguguluhan. Sobrang memorable ng first day niya sa school na ito.

"Welcome sa paaralan kung saan palaging may namamaalam" Ani ni Vien sa kaniya ngunit ang
mga kamay niya ay nakatakip parin sa kaniyang mga mata.

Pangalawang Kabanata ( Second Chapter) - Veronica

Third Person Point of view


"Oh tubig. Kumalma ka" Ani ni Vien habang inaabot ang tubig kay Elle

"Bakit... bakit hindi ka natatakot?" Tanong ni Elle habang nanginginig ang mga kamay.
Naaalala niya parin ang mga nangyari kanina.
"Sis simula Junior high dito na ako nag-aral, Nung una natatakot ako pero nung nagtagal na ay
parang wala nalang" Turan nito at umupo sa tabi ni Elle "Kataka taka nga at hindi pa ako
kinukuha" Biro niya ngunit hawak hawak lamang ni Elle ang bote ng tubig habang nakatingin
dito.

"Okay ka lang ba?" Tanong naman ng kapapasok pa lamang na tao. Ito ay si Justine.

“Ikaw palayan pres by the way Elle, eto ng apala si Justine. Ang president natin.” Pag papakilala
ni Vien kay Justine

"Sabi ni Vien ay bumagsak sa harap mo yung babae." Hindi ito sumagot at tumingin lamang sa
presidente na nag tatanong sa kaniya.

"Malamang matatakot 'to! Bumagsak ba naman sa harap niya yung babae sa unang araw niya
dito" Sabat ni vien habang hinahagod ang kaniyang likod.

"Kaya nga tinatanong ko kung kamusta siya diba?" Ani nanaman nito. "Kaya Elle, Simula
ngayon huwag ka mag papaiwan mag-isa dito sa room. Yan ang unang rule dito dapat sabay-
sabay tayo lumabas. Mas maganda ng mag-ingat"

Lakas loob na tumingin si Elle kay Justine at pinilit ang sariling mag tanong. Binabagabag siya
ng kaniyang kuryusidad “Bakit… Bakit siya nag pakamatay?”

Bumuntong hininga si Justine at tiningnan siya ng seryoso “Naririnig ko na prinepressure daw ng


magulang niya sa pag aaral at hindi siya naka pasa sa pangalawang pagsusulit sa school na gusto
ng mga magulang niya para sa kaniya” Paliwanag nito.

Agad namang umiling-iling si Vien at pinag-cross ang mga kamay. “Baka kagagawan nanaman
to ni Veronica” sabay ngisi
Napatingin si Elle sa kaniya, Nagtataka kung sino ba ang veronica na tinutukoy niya
“Hay naku Elle, Nananakot ka nanaman” Sagot ni Justine dito

“Paano mo maipapaliwanag ang bilang ng mga istudyanteng tumalon sa rooftop na yan aber?
Sabi nila depress daw pero bakit diyan sila nag papakamatay hindi ba pwedeng sa bahay nila o
mag pasagasa nalang? So much coincidence!” Paliwanag ni Vien.
Bumuntong hininga naman si Justine sa sagot ng kaklase.

“Siguro dahil madaling magpakamatay sa ganyang paraan? O dahil gusto lang nilang makita
yung school? Huwag ka mag kalat ng maling balita” Turan nito

“Ay wow. Naging favorite place ng pag papakamatay ganun ba yun?”

Parehong nag titingan ang dalawa, Tila walang ayaw mag patalo dahil mag kaiba ang kanilang
opinion.
“Pasabi sabi ka ng ganyan pero pinag iingat mo naman si Elle!”

Bago pa makasagot si Justine ay sumabat sa usapan si Elle, kanina niya pa gustong mag salita
ngunit hindi siya makahanap ng pag kakataon. “Veronica?” Tanong nito sa kanila.

Seryosong tumingin sa kaniya si Elle “Diba dito ka nag aral dati? Hindi mo ba nabalitaan yung
nangyari dati?” Ani nito ngunit tinuloy parin ang mag kwento “Si Veronica ay ang babaeng
unang tumalon sa rooftop na iyan, Mabait at matalino daw siyang estudyante. Wala kang
mahahanap na butas o pangit niyang ugali kaya lagi siyang nangunguna sa paaralan. As in Top 1
lagi at kinukuha pa nga siyang scholar sa ibang bansa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari
tumalon siya sa rooftop na iyan. Sabi nila depression daw ang dahilan kaya niya iyon ginawa
pero pagkatapos niya mamatay sunod-sunod na rin ang mga estudyanteng namamatay”
Paliwanag nito sa kaniya. (Scene ng buhay ni Veronica)

Biglang kumabog ang kaniyang dibdib, Mababakas ang kaba at takot sa mukha ni Elle. Hindi
niya alam ang kaniyang isasagot.

“By the way pres nasaan yung iba?” tanong ni vien


“Pinauwi na ng mga teacher, Andito ako para tawagin na rin kayong dalawa eh” Turan ni
Justine.
Inalalayan naman ni vien si elle na tumayo at lumakad palabas

“Huwag mo na masyadong isipin yun.” Turan nito. Masama naman siyang tiningnan ni Justine

“Anong klaseng comfort yan, Walang kwenta” Ika niya ngunit inisnaban lamang siya ni vien.
Habang nag lalakad ang tatlo ramdam ni Elle ang bigat sa dibdib. Tila may mga matang nag
mamasid sa kanila na nangangaling sa likuran.

Dahan-dahang tumingin si Elle sa likod, Natatakot man ay hindi niya pinahalata. Gusto niya
malaman kung kanino nangangaling ang mga mata. Ngunit ng siya’y tuluyang makatingin sa
likod ay wala siyang Nakita.

“Hoy bakit? May naiwan ka ba sa room?” Tanong Ni vien ngunit umiling lamang siya. Siguro ay
epekto lamang ito ng gulat dahil sa nangyari kanina.

Hindi niya alam na tama ang kaniyang hinala… May nanlilisik ang matang nakamasid ngunit
ang mga labi ay nakangiti tila kaniyang natagpuan ang kaniyang susunod na bibiktimahin.
Ikatlong kabanata (Third Chapter) – Elle’s past

Pag karating ni elle sa kanilang bahay agad siyang pumasok sa kwarto niya at tiningnan ang
laman ng bag. Naroon ang pouch na para sa kaniya ay hindi maaaring iwan kahit saan man siya
pumunta.

Mahigpit niyang hinawakan ang pouch ngunit ang mga kamay ay nanginginig pa rin. Tila
mahirap ngang kalimutan ang nakaraan.

*Flashback

“Siguro ka bang lilipat ka ng paaralan?” Tanong ng kaniyang guro.

“Opo.”
“Hindi ba’t dun ka nag aral last year? Bakit babalik ka nanaman ruon?” Tanong ng guro habang
siya’y kinakausap

“Kasi po may bagay akong hindi na ayos at kailangan ko pong tapusin” Sagot nito. Napatango
nalang ang teacher bago sumagot

“Ang dahilan ng pag transfer mo ay dahil sa natatakot ka sa nangyari noon sa luma mong
paaralan diba? Kaya kataka-takang babalik ka duon”

Hindi sumagot si Elle sa guro…Ayaw niyang sagutin ang kaniyang sinabi.

*End of flashback

May tinitignan itong litrato. Isinilid niya ito sa kaniyang pouch at pumasok na sa paaralan.

Pag karating sa paaralan, Wala ka na masyadong istudyante na makikitang nakakalat. Tahimik


rin dito tila wala kang maririnig na ingay.

Habang naglalakad papuntang room nila naramdaman niya nanaman ang mga titig na kagaya
kahapon.

Tumingala ito sa rooftop kung saan may tumalon na tao kahapon. Nagulat ito nang may babaeng
nakatitig sa kaniya…Tila ayaw alisin ang mga titig na nakatingin sa kaniya.

Nag iwas agad ito ng paningin. Nararamdaman niyang may kakaiba. Huminga siya ng malalim at
tumingin ulit sa itaas ngunit pagtingin niya wala ng tao rito. Baka namamalikmata lamang siya?
Yan ang kaniyang iniisip.

“Hoy Elle late kana!” Unang turan ni Vien nuong siya’y makita.
Nginitian niya lamang ito atsaka tahimik na umupo sa kaniyang upuan.

“Ano okay ka na ba?” Tanong ni Vien

“Oo. Salamat sa kahapon” Ani nito.

“Ano ka ba…Maliit na bagay—” Napatigil sa pagsasalita si vien ng mapatitig ito sa may pintuan.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Napalitan ito ng takot at bigla siyang
napaupo sa hindi malamang dahilan.
Lumapit si Justine ng makita ang naging reaksyon ni Vien. “Hoy okay ka lang?” Tanong nito sa
kaniya.

Hindi sumagot si vien at nakatingin lamang sa pintuan, Tila hindi niya maalis ang mga tingin
niya duon.

Nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahan na tinuro ang pintuan.

“Namatay ka na. Hindi ba?” Bigkas ni vien.

Napatingin ang buong klase sa lugar na kaniyang tinuro ngunit agad silang agtaka ng wala
silang makita.

Ang kaniyang mata ay nakapako sa babaeng nakatayo sa pintuan. Pamilyar ang kaniyang mukha,
Dahil halos lahat ng estudyanteng nag aaral dito ay kilala siya ito ay may bakas dugo.
Nakangitingin ito kay vien habang ang mga mata ay walang emosyon. Ang nakikita ngayon ni
Vien ay si Veronica, Ang kinatatakutan ng lahat.

Ikaapat na kabanata(fourth chapter)- Vien

“Hoy! Ano yung nakita mo sa kanina? Bakit hindi ka makaimik diyan?” Tanong ni Justine.
Ngayon ay nasa canteen silang tatlo kasama si Elle.

Tulala si Vien ngunit buong lakas niyang sinagot si Justine kahit na siya ay natatakot.

“Nakita ko si Veronica na nakatingin sa akin…Nakangiti sa akin habang okay tinititigan” Turan


nito.

Biglang tumahimik si Justine dahil hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Alam niyang
palabiro ang kaibigan pero hindi niya magagawang magbiro ng ganito.

“P-paano ‘yan baka sunod na akong kunin” Bakas sa boses nito ang takot.

Hinawakan ni Elle ang kaniyang kamay upang pagaanin ang kaniyang kalooban “Hindi ka
mamatay” Ika niya.
Si vien ang taong nagpakita sa kaniya ng kabutihan unang araw niya pa lamang dito kaya ayaw
niyang mawala ito.

“Hindi ko hahayaang mamatay ka” Ika naman ni Justine. Kahit na madalas silang hindi mag
kasundo ay mananaig parin ang kanilang pag kakaibigan.

“Huwag kayong magtataka kung isang araw mabalitaan nyo nalang na nakahandusay na ako sa
lupa” Ani nito.

“Hindi yan mangyayari! Gawan natin yan ng paraan”Sagot ni Justine

“Akala ko ba hindi ka naniniwala sa ganyan?” Tanong ni Vien

“Hindi pero ibang usapan na pag nadamay ang kaibigan” Ika nito. Wala na siyang narinig na
sagot kaya kinuha niya ang cellphone niya tila may tinitignan. “Kita nyo, Information ito tungkol
kay veronica” Sabay pakita ng cellphone sa dalawa

“Hah paano mo nakuha yang mga yan?” Tanong ni vien.

“Curious ako kung sino siya kaya nangongolekta ako ng mga impormasyon tungkol sa kaniya”

“Akala ko ba hindi ka naniniwala?!”

“Oo nga pero hindi ko maiiwasang hindi ma curious”

Kinuha na lamang ni vien ang cellphone at binasa ang mga nakasulat dito. Wala kang kung ano
man ang makikita rito dahil ang mga impormasyon ay hindi na bago at halos alam na lahat ng
mga nag aaral dito.

“Alam nyo bang usap-usapan na may gamit pa daw si veronica sa rooftop? Hindi nila magalaw
dahil natatakot sila. Pero rumor lang yun hindi ko alam kung totoo” Sabi ulit ni Justine.

Tumayo naman si Elle, Tila nag karoon ng Ideya. “Pumunta tayo ruon---”

Hindi pa man natatapos ang kaniyang sinasabi ay agad na siyang pinutol ni Vien. “Baliw ka ba?
What if may gawing hindi maganda sa atin yun?”
“Vien buhay mo na ang pinaguusapan dito! Hindi matatahimik ang kaluluha kung may bagay na
hindi niya pa naiwan o natapos sa mundo. Kaya paano kung alamin natin bakit siya nag
pakamatay…Maliban sa sinasabi nilang depress o stress. Baka may iba pang dahilan” Ika niya.

Bumuntong hininga si Vien ngunit pumayag rin dito. Wala namang nagawa si Justine kundi
sumama sa kanila..

Habang paakyat sa rooftop ay mararamdaman mo na agad ang mabigat na pakiramdam kahit


sobrang tirik ang araw. Tila may malamig na hangin ang humawi sakanila. Natatakot man ay
tinuloy parin nilang umakyat.

Pag karating nila sa taas, Katahimikan ang sumalubong sa kanila. Wala kang kakaibang makikita
dito. Hindi sila umalis sa tabi ni vien. Nag aalalang baka may gawin itong hindi maganda.

“Guys…Sa tingin ko may bag?” Turan ni vien at tinuro ang isang itim na lumang bag. Lumapit
sila dito at tiningnan ito. Halatang matagal ng andito ito dahil marupok na ang tela at punit punit
narin ang ibang mga papel at notebook sa loob. Mukha ngang wala ng pumupunta rito matapos
ng nangyari.

“V and E” Basa ni Elle sa bagay na kaniyang hawak. Litrato eto ng dalawang babae ngunit ang
mukha ng litrato ay hindi na makita sa likod ng picture at nakasulat ang Unang letra ng kanilang
pangalan. Kinuha naman ni Justine sa kaniya ang picture at binasa rin ang nakasulat sa likod

“Omygadd! Gamit ni veronica ito! Talagang wala ng umaakyat dito maliban sa mga nag
papakamatay” Turan ni vien habang may hawak na isang maliit na Notebook “Diary ni
Veronica”

Habang binabasa ni Vien ang diary ay bigla itong napatahimik kaya tumingin ang dalawa sa
kaniya “Sinabi dito na palagi siyang nabubully dahil palagi siyang nangunguna…ngunit kahit na
ganun ay pilit niya silang iniintindi.” Turan nito “ ‘Pati ang kaibigan ko ay ako’y tinalikuran,
Hindi ko man alam ang dahilan nais ko pa rin siyang makausap kaya hahanap ako ng tamang pag
kakataon upang kami’y makapag-usap lamang’” Basa ni Vien sa diary

Nakikinig lamang ang dalawa sa kaniya kaya pinagpatuloy niyang magbasa “’Hindi maganda
ang aking pakiramdam, Mabigat ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. Malakas rin
ang tirik ng araw ngunit ang aking katawan ay nanlalamig. Ngunit kahit na ganito ako ay
nasasabik na makausap ang aking matalik na kaibigan…Sa wakas ay ako’y kaniya niya ng
kakausapin’”
Pagbuklat ni vien sa susunod na pahina ay bigla niyang naitapon ang diary. Ito ay may basang
dugo. Tila bago pa lamang. Nakabuklat ang duguang diary sa baba at sa duguang pahina
nakasulat ang mga katagang “Susunod kana”

Natatakot ang tatlo at agad na tumakbo pababa sa rooftop. Biglang nanghina ang mga tuhod ni
Vien dahil sa kaniyang natunghayan. Mahahalata mo ang takot at kaba nito sa kaniyang mukha.

Hindi nila alam may matang nakamasid sa kanila, Naghihintay ng pagkakataon upang sila’y
malapitan

Ikalimang Kabanata (Fifth Chapter)

Makalipas ang ilang araw walang nangyaring hindi maganda.

Habang naglalakad ang tatlo ay nag paalam muna si Elle upang pumunta sa Cr.

Ng makitang wala na si Elle sa paligid ay agad na lumapit ang isang babae kila Vien at Justine.

Ang mga kamay nito ay nanginginig at tumitingin sa paligid tila may hinahanap na tao, ng hindi
niya ito Nakita ay naglakas loob itong mag salita ngunit hindi pa man ito nakakabuo ng isang
pangangusap ay may humawak ng kaniyang balikat.

“Uy Elle andito ka pala” Ika ni Vien.

Hindi ito pinansin ni Elle at nakatingin lamang siya sa babaeng nasa harap nila Justine.

Ang kaninang nanginginig na babae ay biglang kinabahan, Tila naka kita ng multo dahil sa
kaniyang ekspresiyon.

“E-elle” Ang kaniya lang turan ngunit nakatitig lamang sa kaniya si Elle at hindi nag sasalita
“Hoy matutunaw yang tao! By the way luisa diba may gusto kang sabihin?” Sabat ni Vien
ngunit agad na umiling si luisa at hindi makatingin ng harapan kay Elle.

“N-next time nalang mauuna na ako” Ikaw nito at mabilis na tumakbo. Sinundan naman siya ng
paningin ni Elle.

“Hoy kilala mo yun?”Tanong ni Justine dito/.

Tumango naman si Elle “Oo, Kaklase ko siya dati” Yun lang ang kaniyang turan at tumahimik
na.

Pag karating ng hapon ay nauna ng umuwi sila Justine at Vien. Nagpaiwan si Elle dahil ito ay
may gagawin daw.

“Sigurado ka bang dito ka muna?” Tanong ni Vien.

“May activity akong hindi nagawa kaya kailangan kong tapusin” Sagot ni Elle kaya tumango
nalang si Vien

“Sige, Mauuna na garud ako” Paalam nito at nginitian lamang siya ni Elle.

--**--

Kinabukasan. Ang tahimik na paaralan ay napalitan ng kaingayan. Maraming tao nanaman ang
naguumpukan sa isang pamilyar na lugar.

May tumalon nanaman sa rooftop. Sumilip si Elle sa bangkay at napailing sa nakita. USap-
usapan nanaman ang pagkuha ni Veronica.

Lumakad na ito papuntang classroom nila, Pagpasok niya ay nginitian niya si Vien ngunit
iniwasan nito ang kaniyang mga tingin.

“Good morning Elle” Bati ni Justine dito.

Nagtaka naman si Elle sa inasta ni VIen, Dati dati ay unai tong babati sa kaniya ngunit ngayon
ay nakayuko lamang ito sa kaniyang upuan.

“May sakit ba si Vien?” Tanong ni Elle kay Justine


“Ewan ko, Ganyan siya pag pasok niya palang kanina” Sagot nito.

Hindi niya nalang pinagtuonan ng pansinn si Vein. Inisip niya nalang na hindi maganda ang
kaniyang nararamdaman.

Dumating na ang uwian at nakayuko parin si Vein kaya lumapit sa kaniya si Elle upang siya’y
lapitan. Dadalawa nalang sila dito sa loob ng classroom. Pumunta si Justine sa faculty dahil sila
ay may meeting.

“Vien, Uwian na gumising kana” Gising nito kay Vien.

Binuksan nito ang kaniyang mata at ng makita si elle sa kaniyang harap ay agad itong tumayo.
Nagulat naman si Elle sa kaniyang inasta dahil para itong natatakot sa kaniya. Agad nitong
kinuha ang bag at mabilis na tumakbo palabas. At sa hindi inaasahan ay natapilok si Vien na nag
resulta ng kaniyang pag kahulog sa hagdan. Naitama ang kaniya ulo ngging dahilan upang ito’y
dumugo

At sa eksaktong pangyayari, ay ang pagdating naman ni Justine na nanglulumo ang matang


nakatingin sa kaibigan.

Agad na lumapit si Justine upang tignan ang kalagayan ni Vien, Ang mga kamay nito ay dahan-
dahang tinuro ang isang notebook na agad namang kinuha ni Justine.

May dumating na mga tao at siya’y tinulungan. Malungkot ang mata ni Justine makikitaan mo ng
kalungkutan at pag-aala sa kaniyang kaibigan habang pinapanood niyang buhatin si Elle.

Pumunta ito sa room nila para kunin ang mga naiwang gamit ni Vien. Habang papunta dun ay
nakalimutan niyang hawak niya ang isang notebook na tinuturo ni Vien kanina.

Napahinto siya sa paglalakad dahil nakarating na siya sa upuan ni Vien. Napukaw naman ang
pansin niya sa isang pouch sa sahig. Sa pag kakaakalang pag mamay-ari ito ni vien ay ito’y
kaniyang pinulot.

May pangalang nakaburda sa pouch kaya inya itong binasa “ELLE”

Napagtanto niya na ang gamit na ito ay pag mamay-ari ni Elle. Dahil sa kuryusidad ay binuksan
niya ang pouch ni Elle, Nagulat ito sa nakita. Litrato ni Luisa, ang huling namatay sa rooftop at
picture ni Elle kasama si Veronica… Ito ay gaya ng litratong nakita nila sa taas ng rooftop
Nagtaka ito sa at binuklat ang hawak-hawak niyang notebook. Duon siya nagimbal sa nabasa.

“ Bumalik ako sa room para kunin yung notebook na naiwan ko pero nakita ko si luisa at Elle na
nag-uusap. Sinundan ko sila at… at nakita kong Tinulak ni Elle si Luisa. Napagtangto kong
hindi si Veronica ang pumapatay. Si elle” Basa nito.

Flashback

Scene: Nag tatalo si Elle at luisa sa rooftop. Hawak hawak ni Elle ang buhok ni Luisa.

“ Walang hiya ka! Ikaw ang tumulak kay Veronica!” Sigaw ni Luisa habang nilalabanan si Elle
ngunit tumawa lamang si Elle.

“Oo at ikaw ang susunod, Ang iisipin ng iba nag pakamatay ka rin katulad ni veronica” Turan
nito. Napatakip naman ng bibig si Vien dahil sa kaniyang narinig. “Kahit kailan walang
makakalam sa totoong nangyari.” At malakas niyang tinulak si Luisa dahilan ng pag kabagsak
nito sa baba

*Insert mo nanaman yung Flashback kung paano namatay si Veronica*

“Elle… Ano bang nagawa ko? Bakit? Bakit hindi mo na ako pinapansin?” Tanong ni Veronica
ngunit masama siyang tinignan ni Elle

“Masyado kang perpekto! Para ng umiikot ang mundo sa iyo! Sana hindi ka nalang sinilang!”
Sigaw ni Elle.

Lumapit sa kaniya si Veronica at pinilit niyang hawakan ito ngunit ilang ulit niyang tinatanggal
ang pagkakahawak.

“Nakakainis ka! Sana hindi na lang kita nakilala!” Sigaw ni Elle at tinulak si Veronica.
Nalakasan niya ang pagtulak dito at nagulat ito ng siya’y biglang mahulog.

Dahil sa takot ay bigla siyang tumakbo. Pag katapos ng pangyayaring yun ay lumipat na siya ng
school”

End of flashback*

Agad niyang naihulog ang hawak hawak na notebook at pouch…”Si Elle…” Turan nito ngunit
haharap palang sana siya ng may maramdaman siyang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya.
Bago siya mawalan ng malay ay nakita niya si Elle, hawak-hawak ang upuan na siyang kaniyang
pinampalo.

“Mabubuhay ka sana kaso masyado kang maraming nalalaman” Turan ni Elle habang malakas
na pinalo nanaman ang walang malay na si justine

Hapon na rin at wala ng tao, Kinalakad ni Elle ang katawan ni Justine papuntang rooftop, buong
pwersa niyang inihulog ang katawan ni Justine sa baba. Aalis na sana ito ngunit pag tingin niya
sa harap ay naruon si Vien na may dugo ang ulo pero hindi naman ganoon kalala.

“Masama kang tao!” Sigaw nito at malakas na tinulak si Elle dahilan ng pagkahulog nito sa baba.
Napatingin ito at agad na nanghina ang mga tuhod ng makitang bumagsak ang katawan ni elle
katabi sa katawan ni Justine.

“Tapos na” Ika ni Elle.

Naramdaman niya ang isang malamig na hangin tila yumayakap sa kaniya. Pagtingin niya nakita
niya si Veronica na nakangiti. Ang ngiti nito ay hindi nakakatakot, Ito ay ngiting nagpapahiwatig
ng salamat.

“Salamat…” Sabi ni Veronica bago tuluyang mawala.

Kahit na nanghihina ay pinilit niyang tumayo at sumilip ulit sa baba upang makita ang dalawang
bangkay, ngunit nagulat ito ng wala ang katawan ni Elle sa baba

“Sinong hinahanap mo? Ako ba?” Sabi ng isang pamilyar na boses.

Biglang nakaramdam ng kaba si Vien at bago pa man ito maka react ay naramdamn nya ang mga
kamay na tumulak sa kaniya.

Wala na siyang nagawa, Nahulog siya at hindi niya namalayan na unti-unti na siyang nawalan ng
malay ngunit bago pa ito mawalan ng hininga ay nakita niya ang nakangiting labi ni Elle nan aka
tingin sa kaniya sa taas ng rooftop.

-Ending-

You might also like