You are on page 1of 5

KLARA: Ikalawa

Iaris.
Lumipas ang dalawang linggo na halos hindi kami nag-usap ni Klara. Totoo nga ang sinabi ni
Auntie Lace. Hindi siya nagsasalita kapag walang kailangan o itatanong.
Madalas pang tango at iling lang ang isagot niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay matutuyuan
na ako ng laway!
Kahit pa hindi ka malapit sa ibang tao, makalipas ang ilaw ang araw o lingo ay hindi na naman
kayo dapat ganoon ka-awkward, di ba?
Kaya naman… bawat araw ay sobrang haba para sa akin. Parang lampas nga ng 24 oras ang
kada araw e. Pasalamat na lang ako at ilang beses tumawag si Mommy para kamustahin o
itanong kung kumain na ba ako. Maliban duon ay puro tulog at aral lang ang ginagawa ko sa
loob ng apartment.
Pumapasok na ang sikat ng araw sa bintana ng aking kwarto at tumatama na iyon sa puti kong
study table. Napatingin ako sa wall clock na nasa bandang itaas ng pintuan ng CR. 8:18 na at
may klase ako ng alas-dyis.
Naghilamos ako ng mukha at saka pumunta sa kusina para kumain. Tanging pinagkainan na
lang ni Klara ang inabutan ko. Nakalagay ang mga ito sa mismong sink habang pinapatakan ng
mumunting tubig na nanggagaling sa mismong faucet.
Nagtimpla lang ako ng kape at nagpalaman ng tinapay. Pumunta ako sa veranda at doon
ninamnam ang init ng kape at ang lasa ng jam na ipinalaman ko sa tasty bread.
Wala pang limang minuto ay naubos ko na din yun. Bumalik ako sa kusina at idinamay na sa
paghuhugas ang iniwang mug, plato at kubyertos ni Klara.
Paglabas ko ng kwarto ay muli akong napatigtig sa kwarto ni Klara. Masyadong interesante
ang pintuang iyon. Ang sabi kasi ni Auntie Lace ay si Klara mismo ang nagpintura noon.
Hindi ko maiwasang tingnan ang pintuang iyon pakiramdam ko pag tiningnan ko yon ay
makikita ko kung ano si Klara. Kaparehas ng kulay nito ang aura at pakiramdam na ibinibigay ni
Klara tuwing titingnan ko siya.
Bumalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone na nasa loob
ng sakbit kong tote bag. Masyado na akong nalulunod sa kakaisip kay Klara.
Dali-dali kong tiningnan kung sino yon at ako ay napangiti. Napalitan ng excitement ang
nararamdaman kong curiosity.
Pinindot ko ang receive button at masiglang bumati sa kaibigan kong si Tassel. Matagal na
kaming magkaibigan ni Tassel. Nagkakilala kami sa dahil sa isang common friend.
Magkaiba kami ng department na kinabibilangan pero magkalapit lang ang building namin. At
ngayong araw nga ay classmates kami sa isang lecture.
“Hey Iaris!” bakas ang excitement na bati niya sakin.
Napahagikhik ako nang kaunti dahil sa bati niya saka patuloy na nagsalita.
“Tassel! I didn’t expect that you’d call,” sagot ko sa kanya.
Kaunting segundo pa’y pumihit na ako at dali-daling naglakad papunta sa may pintuan kung
saan nandoon ang aking sapatos.
Inilagay ko sa loud speaker mode ang aking cellphone at ipinatong iyon sa ibabaw ng shoe
cabinet nasa kanan ko.
Wala na doon ang sapatos ni Klara. Sa loob ng dalawang linggo, ni minsan ay hindi ko siya
nakasabay lumabas man lang. Kapag naman nauuna siyang makarating sa apartment ay
babatiin nya lang ako nnag kaunti at saka papasok na ulit sa kanyang kwarto.
Akala ko pa naman ay magiging madali ang makipagkaibigan sa kanya. Mukha siyang mailap
sa iba ngunit hindi rin naman mukhang hindi palakaibigan.
“Classmates tayo ngayon sa lecture kaya naisipan kong sabay na lang tayo papunta sa lecture
room!”
Hagip ng aking pandinig ang tunog ng aircon ng kanyang sasakayan. Meron siyang tagahatid
dahil hindi pa siya marunong magmaneho.
Umupo ako sa hagdan at nagsuot na ng sapatos sa aking kanang paa. Simpleng floral blouse
at denim pants lang ang ipinartner ko sa aking sapatos.
Di tulad ko kapansin-pansin na ang mga damit ni Klara naglalaro lang sa tatlong kulay. Namimili
lang siya sa puti, itim o kaya ay gray. Maging ang dalawang pares niyang sapatos ay parehas
puti.
Tumayo ako at saka dinampot ang aking cellphone. Inalis ko ito sa loud speaker mode at
itinapat yun sa aking tenga.
“Gaano ka pa kalayo?” tanong ko sa kanya at humakbang na papalapit sa pintuan.
Hindi siya nagsalita ng mga 5 limang segundo at parang nag-isip muna ng isasagot.
“Hmmm.... Maybe 20 minutes?”
“Okay. Got it! Antayin na lang kita sa baba ng building.”
Bago ako tuluyang lumabas ay pinasadahan ko muna ng isang tingin ang kabuuan ng
apartment. Baka kasi may nakalimutan akong nakabukas. Nang masigurado kong wala na ay
saka ko isinara at inilock ang pinto.
Nilakad ko lang ang papunta sa school dahil malapit lang yun sa subdivision kung ako saan
nakatira ngayon. Nang makarating ako sa building na kinaroroonan ng lecture hall ay naghintay
lang ako ng 3 minuto at dumating na rin si Tassel.
Habang papaakyat kami sa floor kung nasaan ang lecture hall ay masaya siyang nagkukwento
tungkol sa experiences niya sa outreach na sinamahan niya noong sembreak. Nariyan may
hand movements pa at panlalaki ng maliliit niyang mga mata.
“Don’t forget to read your lecture materials in advance. I will randomly call someone to answer
my question from time to time,” ani Prof. Pelaez na itinaas nang bahagya ang hawak niyang
mga index cards kung saan ay nakasulat ang aming mga pangalan.
“That’s it for our first meeting. See you next week,” paalam niya sa amin bago siya tuluyang
lumabas ng classroom.
“Mukhang kailangan nating magseryoso na ah. Haha,” bulong ko kay Tassel.
“Ikaw lang naman ang hindi eh,” pambibiro niya sa akin.
Nagsitayuan na rin upang lumabas ang iba naming kaklase ngunit meron ding iba na mukhang
mananatili muna sa loob.
“May klase ka na after this?” bumaling ako kay Tassel na nasa aking kaliwa. Nag-aayos siya ng
mga gamit at isiniksik yun sa kanyang bag.
“I have a 15-minute break. Gusto mo bang mag-snack muna tayo?” tanong niya sa akin at saka
tumayo.
Tumango ako sa kanya at sabay kaming naglakad papunta sa canteen.
Dinig na dinig ko ang mga bulungan sa paligid. Matangkad, maputi at maganda si Tassel. No
wonder na ganito na lamang ang natatanggap niyang atensyon mula sa mga estudyanteng
nakakasalubong namin.
“Tassel, hindi ka ba naiilang kapag may nagbubulungan sa paligid mo tungkol sa’yo habang
naglalakad ka?” natatawa kong tanong sa kanya.
Papunta na kami sa isang vacant na table. Medyo sulok na iyon nitong canteen.
“Hindi ko na lang pinapansin. Baka pumunta sa ulo ko yung sinasabi nila eh,” pabirong sabi niya
nang nakangiti.
Lumabas tuloy ang mala-anghel niyang itsura.
“But they are all truths. I’m actually glad that you befriended me,” natatawa kong sagot siya.
Napatigil naman sya sa pag-inom ng binili niyang milk tea.
Kumunot ang kaniyang noo at tumingin siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit bigla din akong
natigilan at hindi agad nakasalita.
Maya-maya lang ay umaliwalas din ang kanyang mukha. Humigop muna siya sa straw ng
kanyang inumin at nagsalita pagkalapag niya nito sa mesa.
“Why would I not befriend you? You are very trustworthy,” sambit niya nang may ngiti.
Napangiti din ako sa kanyang sinabi dahil ramdam ko ang sincerity sa kanyang mga salita.
“That is why you know my secrets,” dagdag niya habang dahan-dahang nagsi-shift ang kanyang
ngiti sa isang balangkong ekpresyon.
Nawala din ang aking ngiti at mataman akong napatingin sa kanyang mga mata na parang may
ibang ibig sabihin.
“Hahahahahahahahahahaha!” malakas niyang tawa na ikinagulat ng aking buong katawan.
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
“Hanggang ngayon ba naman Iaris, madali pa din kitang naloloko? Hahahahaha!”
Maya-maya pa’y nabawasan na din ang lakas ng kanyang pagtawa.
Tiningnan ko naman siya nang nakataas ang kilay.
“Happy ka na?” kunwari’y mataray tanong ko sa kanya. “Maganda ka na e, andun na tayo kaso
may sapak ka nga lang.”
Parehas kaming natawa sa sinabi kong yon.
“Oh my! I have to go now,” sabi nya nang nakatingin sa kanyang wristwatch at saka dali-daling
kinuha ang bag.
“See you again ha. Let’s have a meal to catch up!” sabi ko sa kanya pero nanatili akong
nakaupo.
Sinundan ko na lang siya ng siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas.
Saka ako huminga nang malalim.
Hindi na ako nagtagal sa canteen dahil naisipan kong pumunta na lang sa library.
“Miss, this is my Library ID.”
Iniwan ko sa librarian ang aking Library ID saka dumiretso sa pinakadulong mesa na
natatakluban ng malalaking shelves na puno ng mga libro. Dito ako madalas umupo lalo na
kapag panahon ng exams. Mas kakaunti kasi ang umuupo dito at bukod don ay sobrang lapit
nito sa aircon. Hehe.
Kinuha ko sa aking bag ang syllabus na ipinamigay kanina ni Prof. Pelaez.
“Tsk. Mukhang mahihirap ang mga lessons ngayon ah,” napapailing na bulong ko sa aking sarili
habang ini-scan ang nilalaman ng syllabus na binigay niya.
Sa totoo lang ay isa lang ang klase ko ngayong araw pero ayaw ko pang umuwi sa apartment
namin. Wala rin naman akong gagawin dun kundi tumunganga. Kaya after lunch na lang ako
uuwi para matulog.
Nakakailang buklat pa lang ako sa librong nakuha ko sa katabi kong shelf nang biglang kumulo
ang tiyan ko. Kabadong napatingin tuloy ako sa paligid dahil baka may nakarinig. Sobrang lakas
kasi e, nakakahiya. Hehe.
Dahil sa gutom ay dali-dali akong tumayo at ibinalik yung libro na binasa ko at nagdesisyon na
sa kainan sa labas ng school na lang ako kakain. Wala namang gaanong mabibili sa canteen.
Habang naglalakad ako papunta sa gate ay nahagip ng aking mga mata si Klara. Ang pwesto
ko ay hindi kalayuan sa inuupan niya at ng tatlo niyang kasama. Pabilog silang nakaupo ng
dalawang babae at isang lalaki.
Malayong-malayo ang inaasta niya sa Klara na nakakasama ko sa bahay. Kahit sa kinatatayuan
ko ay dinig ko ang tawanan nila. Maging si Klara ay tumatawa din at bahagya akong nagulat na
napapanood ko ngayon ang tumatawa niyang mukha.
Nagdesisyon akong lumapit sa kanya nang magsialisan na din ang kanyang mga kasama.
Nanatili pa rin siyang nakangiti kahit naglalakad na ang mga ito palayo.
Takbo-lakad akong lumapit sa Klara na nakayuko habang nag-aayos ng gamit sa kanyang bag.
“Hi Klara!” masigla kong bati sa kanya habang siya ay nakaupo pa rin sa damuhan.
Dahan-dahan niyang itiningala ang kanyang ulo at tumingin sa akin- mata sa mata.
Pag tumingin ka sa mga mata ni Klara ay makakaramdam ka ng takot at pagdadalawang-isip.
“Iaris, ano yon?” tanong sa akin.
Tumayo siya sa pagkakaupo nang nananatiling nakatingin pa rin sa akin. Ngunit di tulad kanina,
wala na ang ngiti sa kanyang mukha.
“Ahhh, gusto mo bang sumabay maglunch sakin?” tanong ko sa kanya nang mabawi ko ang
aking wisyo.
Tumingin muna sya sa gitna ng field. Parang doon niya ibinabase ang sagot na ibibigay niya sa
akin.
“Salamat sa pag-aayaya pero hindi na,” bahagyang nakangiting tugon niya sa akin. “May
gagawin pa kasi ako.”
Ngumiti ako sa kanya na sinuklian naman niya ng isang tango.
“Sige, ingat ka,” baling nya sakin.
Kahit dito sa school ay ang hirap niyang kausapin. Akala ko pa naman pati pag kinausap niya
ako ay nandoon pa rin yung smile na nakita ko sa kanya kanina.
Tsk! Gutom na ako.

You might also like