You are on page 1of 6

KLARA: Ikaapat

Onyx.
Natutuwa ako na nakita kong muli si Iaris nung nakaraang linggo. Ganon pa rin ang gawi niya
pagdating sa pagkain, hindi pa rin pala nagbabago simula nung mga bata kami. Kilala ko na
siya bata pa lang kami dahil magkaibigan ang mga magulang namin.
Still, nakakatuwang makita na ganado siya habang kumakain noong araw na iyon. Atleast, alam
kong nasasarapan pa rin siya sa pagkain na isine-serve namin.
Nawala sa paglalakbay ang isip ko nang magsalita si Myrr na kasabay kong umaakyat sa floor
kung nasaan ang lecture room.
“Pare, ready ka na ba para sa group presentation natin mamaya?” tanong sa akin ni Myrr
habang naglalakad kami sa patungo sa lecture room.
Pormadong-pormado siya sa suot niyang polo and tie. Para ding pang-hepe ng pulis ang suot
niyang black shoes.
“Sa tingin ko naman ay nakapaghanda na ako,” wika ko naman habang inaayos ang aking
necktie na medyo lumihis ang posisyon.
Nirequired kaming magsuot ng pormal attire para sa presentation namin na iyon.
“Sus, kayang-kaya mo naman yon. Saka ngiti mo palang kay Prof. Dolores ay paniguradong
uno na agad ang grade nyo don! Hahahaha!” biro niya sa akin.
“Sira! May makarinig sa iyo dito e isumbong pa tayo. Maging singko yung uno ko!” wika ko
naman na tinawanan niya lang.
Maloko talaga ‘tong si Myrr. Mahilig mang-asar pero mas madalas ding magdrama kaysa sa
akin.
“Pero seryoso pare, yakang-yaka niyo yun. Ikaw, si Klara at Meryy ang pambato ko sa block
natin eh!” proud na proud niya pang sabi hanggang sa makarating kami sa lecture room.
May 10 minuto pa bago magsimula ang presentation namin. Limang grupo lang ang meron
dahil hindi naman kami karamihan sa klase na ito.
Pasalampak akong umupo sa aking upuan at saka hinugot ang handout ng grupo namin sa
aking bag. Mabuti na lang at hindi ako ginawang leader ng mga kagrupo ko kundi ay kakabahan
ako matindi ngayon.
Ang iba kong mga kaklase ay busy sa pagpa-finalize ng kanilang kanilang gagawin mamaya.
Sa kaso ng grupo ko, naayos na namin kagabi ang dapat naming intindihin kaya naman
kaunting pagbabasa na lang ng handouts ang ginagawa namin.
“Tingnan mo yung grupo ni Klara oh. Siguradong uno kagad sila!” ani Myyr habang nakanguso
sa gawi nina Klara.
Magkakatabi silang apat na magkakagrupo sa unahan- si Klara, Tanya, Merry at Ping. Bakas sa
mukha ni Merry ang pag-aalala.
“Klara,k-kinakabahan t-talaga ako,” nag-aalalang wika ni Merry kay Klara na sobrang halata sa
ekspresyong ipinapakita ng kanyang mukha.
Naririnig ko ang usapan nila galing sa unahang hilera ng mga upuan.
“Ano ka ba girl? Chin up saka naayos na natin to eh,” maarteng wika naman ni Tanya na
marahang itinaas pa ang ulo ni Merry.
“Oo nga Merry, kaya natin yan,” pang-eenganyo pa ni Klara sa kanya na di ko mabasa kung
nag-aalala ba o hindi.
“Saka kung di ka makasagot, andito naman naman si Klara eh!” sabat ni Ping saka tumawa ng
malakas.
“Naku Ping, ikaw ang umayos!” inis na sigaw sa kanya ni Tanya.
Sa amin kasing naririto, si Ping lang ang hindi namin blockmate. Sana naman ngayon ay
marunong na siyang maki-cooperate sa mga kagrupo niya. Tsk. Tsk.
“Hayan ka naman. Masyado ka na namang tumitingin kay Klara,” bulong ni Myrr sa akin na
naging dahilan paa umayos ako mula sa pagkakasalampak na upo at pakikinig sa usapan ng
grupo ni Klara.
“Tss. So ano namang ibig mong sabihin?” inis ko namang pasaring sa kanya.
Umayos rin siya ng upo at ibinaba sa arm rest ang hawak niyang handout na kaniyang
binabasa kanina.
“Hmm. Wala naman pero…. dapat bang meron?” may mapanlokong ngiti niyang sagot.
Hindi ko siya pinatulan sa halip ay tiningnan ko siya nang masama.
“Hahahaha! Kung may salamin lang ako, ipapakita ko sa’yo ang itsura mo!”
“Tss. Loko!”
“Basta pare, hindi lahat ay nakakalapit diyan kay Klara,” pahabol niya pa na iiling-iling.
“Wala din naman akong balak,” singhal ko kanya at saka umayos ng upo dahil sa pagpasok ng
cute na si Prof. Dolores.
“Ehem, ehem,” tighim niya saka nagsalita. “Good morning class.”
“Good morning Prof. Dolores!” sagot namin nang sabay-sabay.
Magkakatabi na ang magkakagrupo ngayon oras na ito. Si Myrr ay nasa kasalungat na hilera ng
aking inuupan at sa unahan ko ay ang grupo ni Klara.
Dinig ko pa rin ang mahihinang hinaing ni Merry tungkol sa kanyang kaba at ang pilit na
pagpapakalma sa kanya ni Klara.
Maya-maya pa ay tinawag na ang grupo naming para magpresent sa unahan. Kabado akong
naglakad sa unahan at ramdam ko ang namumuong pawis sa aking batok, buti na lang at may
dala akong panyolito. Ipinunas ko iyon sa kung saan may pawis bago tuluyan humarap sa mga
kaklase ko. Ang atensyon ng lahat ay nasa amin at bakas sa kanilang mukha ang paghihintay.
Pilit kong inalis ang kaba sa aking katawan.
“Good morning Prof. Dolores,” bati ko sa aming professor nang may ngiti. Ngumit rin siya sa
akin bilang tugon.
“Good morning blockmates,” baling ko naman sa mga kaklase ko. “I would do the honor of
introducing my groupmates. From the left we have Shiena Perez, Rissa Macalintal, Kaiser Alda
and yours truly, Onyx dela Fuente,” pagpapakilala ko sa aking sarili at mga kagrupo dahil yon
ang nakaatas na gawain ko.
Naging maayos naman ang flow ng aming presentation. Masaya ako na lahat kami ay
nakasagot sa kahit na anong itinanong ni Prof. Dolores maging ng mga kaklase ko.
“I am very impressed with your presentation. Mabuti naman at naintindihan niyo ang sinabing ko
kailangan lahat ay magparticipate. Very well,” papuri sa amin ni Prof. Dolores na nakaupo
malapit sa may pintuan. Halata sa mukha niya ang satisfaction sa aming presentation.
“Hmmm. Next group,” tawag ni Prof. Dolores sa sunod na grupo.
Tumayo na ang grupo ni Klara at kami naman ay pabalik na sa aming upuan. Narinig ko ang
munti niyang buntong-hininga nang magpantay ang aming posisyon. Ngunit kahit ganoon ay
hindi mo siya kakikitaan ng kahit anong kaba o emosyon.
Dire-diretso siya kay Prof. Doloes at iniabot doon ang kanilang handout at listahan ng pangalan.
“Mr. Tomas, sana naman ay mas madami kang linya ngayon nang makabawi ka naman,” wika
niya kay Ping habang inaayos ang kanyang salamin na nasa dulo na ng kaniyang ilong. Itinaas
niya iyon at kinamot pa ng bahagya ang pagitan ng kaniyang ilong at bibig.
“Yes naman, Ma’am!” proud na sagot ni Ping na nakasaludo pa.
Si Tanya ang nagpakilala sa kanilang grupo na may pa-slang-slang pa. Hindi talaga maalis sa
katawan noon ang kasosyalan. Nakakagulat din na maraming nasasagot si Ping at talagang
napaghandaan niya iyon. Si Merry ay ganon din, hindi siya nautal kahit isang beses, bagay na
ngayon lang naminn nakita.
“Impressive! Mukhang maayos ang naging palakad sa inyo ni Klara,” masiglang puna ni Prof.
Dolores na pumapalakpak pa. Maging kami ay napapalakpak din dahil sa improvement na
aming nakita.
Ngunit si Klara ay nanatiling walang emosyon na nakatingin lang sa dulo ng lecture hall na di
katulad nina Ping na todo ang ngiti.
“You have exceeded my expectations lalo ka na Mr. Tomas. Very well for this group,” tatango-
tangong wika ni Prof. Dolores at nagsulat sa index card na ibinigay ni Klara kanina.
“Kung ako kay Klara, sobrang ngiti ko na ngayon. Aba e minsang lang pumuri nang ganyan si
Prof. Dolores!” bulong sa akin ng katabi ko si Kaiser.
Napatingin ako sa grupo ni Klara na papabalik na sa kanilang upuan at hanggang ngayon ay
ganon pa rin ang kanyang ekspresyon samantalang ang kanyang mga kagrupo ay todo ang
ngiti. Pinakamalaki doon ay kay Ping, kulang na lang ay literal na umabot yon sa kanyang
tenga.
Sa lahat ng mga kaklase ko ay si Klara lang ang walang palagiang nakakasama sa amin.
Nakikisama naman siya pero kapag tulad lang nitong may group activities o kaya ay meetings.
Sa pagkakaalam ko din ay may mga nagtangkang makipagkaibigan kay Klara noong first year
kami pero ang sabi nilang lahat ay nahihirapan silang pakisamahan ito. Sobrang tipid daw
sumagot o kaya ay ngingiti lang o tatango.
“I hope that this attitude will continue class. And like Ms. Morales, I hope everyone can help
their classmates achieve more,” ani Prof. Dolores na ang tinutukoy ay si Klara at tiningnan niya
kaming lahat ng may ngiti.
‘Mukhang talagang good mood si Ma’am.’
Dinimiss niya kami ng mas maaga dahil sa good mood siya at hindi na niya pinagtarayan. Tulad
nung nakaraan ay kekendeng-kendeng nsiyang lumabas ng lecture room.
“Sabi ko sa’yo e sisiw lang yung presentation! Dinaan mo din sa ngiti eh! Hahahaha!” pang-
aasar sa akin ni Myrr na di ko namalayang katabi ko na pala at inakbayan pa ako.
“Sira ka talaga! Haha. Baka isipin ng iba ay dahil nga don kaya kami napuri,” siniko ko siya at
saka tumawa.
Nag-inarte naman siyang sobrang sakit ng tadyang.
“Alam mo pang-hepe talaga yang suot mong sapatos. Ilang araw mo ba yang pinakinis at
parang gusto kong binyagan?” biro ko sa kanya habang naglalakadd kami pababa ng building.
“Tss. Kung alam mo lang kung ilang beses ko yang hinihingahan para mapakintab,” proud nya
pang sagot sa akin.
“Eh hindi naman yan ang minarkahan e. Wala nga rin yang ambag sa pinagsasabi mo kanina.
Hahaha!”
“Alam mo pare, ang ambag nito ay confidence!” sabi niya habang nakaturo pa sa makintab niya
pa ring sapatos.
Tinawanan ko lang siya at saka nagpaalam na pupunta muna sa CR para magpalit ng damit
dahil hindi ako komportable.
“Sige Onyx. Kita na lang tayo bukas, may lakad lang ako ngayon.”
“Sige. Ingat ka,” sinserong paalam ko sa kanya.
“Sige, ingat din sila sa’yo!” huli niyang asar at patakbong umalis nung kukunwaring sasapakin
ko siya.
Napailing na lang ako sa kalokohan ng isang iyon. Pero yung kalokohan niyang yon ang naging
dahilan para maging magkaibigan kaming matalik.
Nakilala ko siya nung Grade 4 ako. Grade 4 din sya pero magkaiba kami ng section. Recess
namin, tumatakbo ako at nadapa dahil sa batong nakausli.
“Araaaaaay! Huhuhuhuhuhu!” atungal ko sa dahil sa bangas ko sa tuhod. Natapon pa yung
binili ko Hot Shots at saka Zesto.
Tumingin ako sa paligid at nakitang wala na ang mga kaklase ko sa labas dahil nakabalik na
silang lahat sa room. Hindi ko namalayan na nagbell na pala.
Patuloy lang ako sa tahimik na pag-ngawa nung my batang uhugin na lumapit sakin. Ngayon
lang ako nakakita sa school ng batang may uhog. Nandiri ako dahil sa kulay green na tumutulo
sa ilong niya. Napangiwi ako dahil sa nakikita ko pero mas iniinda ko yung hapdi ng sugat!
“Hoy bata, tayo ka na dyan! Iiyak-iyak ka pa e nadapa ka na nga,” sabay punas sa ilong nya at
inialok sa akin ang kamay na ipinahid niya doon.
“Ayoko nga! Ipinahid mo yan sa uhog mo e,” reklamo ko at saka umatungal ulit ng iyak.
“Tsk! Ang arte mo naman!”
Ipinahid sa kabila niyang kamay yung kamay na ipinunas niya kanina sa kaniyang ilong at muli
yong inialok sa akin.
“Oh ayan. Wala na!” napangiwi pa rin ako dahil kahit alin ang ialok niyang kamay e parehas
nang may uhog yon! “Sige ka, may lalabas na barko diyan sa sugat mo saka pari!”
‘Ano?! Barko saka pari, lalabas sa sugat ko?!’
Dahil sa mas takot ako sa barko at pari kaysa sa uhog niya ay pikit mata ko yung tinanggap.
Simula noon ay naging magkaibigan na kami pero hindi ko hinayaan na lagi pa rin siyang may
tumutulong ma-green sa ilong niya.
Natatawa na lang ako sa kung paano kami naging magkaibigan at kung paano ang nagpatakot
sa barko at pari na lalabas daw sa sugat ko. Tsk! Tsk! Maloko na talaga siya bata pa lang.
Nagmamadali akong lumabas nang may marinig akong nag-uusap sa loob sa women’s comfort
room. Nauna lang kasi iyon ng kaunti sa CR namin, sarado yon pero dinig pa rin ang pinag-
uusapan sa loob.
“Kung mapuri naman ni Prof. Dolores si Klara, akala mo siya lang ang may ginawa ah!” singhal
nung nasa loob.
Kilala ko ang boses na iyon- kay Tanya.
“P-pero t-totoo naman yon. Siya ang gumawa ng halos lahat, inaral lang natin yung handouts,”
nabubulol namang sagot ng kasama niya sa loob, si Merry. Mahina ang naging sagot niyang
iyon pero naririnig ko pa rin.
Hindi ko alam kung bakit pa ako nakikinig sa usapan nilang ito pero hindi ko rin magawang
umalis.
“Hindi pa din! Kung hindi diretso yung pagsasalita mo kanina at kung hindi namin inaral ni Ping
yung handouts e di wala din. Tara na nga!”
Nang maramdaman kong bubukas na ang pintuan ng CR ng mga babae ay papuslit akong
bumalik sa CR namin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan ko pang tumago dito.
Nagiging tsismoso ako nang wala sa oras! Tsk!
Mabilis silang nakalayo kaya lumabas na din ako agad at mas nagulat ako na makitang
lumabas si Klara sa mismong CR na iyon. Walang emosyon ngunit kakikitaan ng pagkadismaya
at galit sa kanyang mga mata.
Narinig niya ang lahat ng iyon.

You might also like