You are on page 1of 2

Hindi ko pa rin ma-gets ang sarili ko. Bat nga ba ako nagpa-uto na maghintay dito?

Kahit alam
kong ginu-good time mo lang ako, naghihintay pa rin ako sa kubong nasa tabi ng malaking puno
sa may court.
Alam mo nakaalis na lahat ng kasabay ko pag-uwi. Bilang na lang din sa pinagsamang mga
daliri sa paa at kamay ko ang mga estudyanteng nandito.
“Kelly, mag-usap tayo mamayang uwian. Hintayin mo ‘ko sa kubo sa tabi ng court.”
Hindi ka naman nagjo-joke gaya ng ginagawa mo madalas nung sinabi mo ‘yan kanina. Kaya
kahit 50/50 sa utak ko na pupunta ka talaga, nandito pa rin ako.
Itinaas ko na lang ang pareho kong paa sa upuang kawayan at umupo ng Indian seat. Medyo
nawala sa’yo ang pag-iisip ko ng makita ko ang papalubog na araw. Ang ganda rin talaga ng
pwesto ng kubo na ‘to. Saktong nakaharap sa palayan kung san lumulubog ang araw.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nakakadala naman kasi ang kulay ng ulap habang
dahan-dahang nagtatago ang araw sa likod ng mga bundok.
Parang flashback sa pelikula na dumaan sa isip ko ang lahat ng pang-aasar mo. Dapat maiinis
ako di ba? Sino bang dapat natutuwa kapag inaasar. Siguro ako lang ‘tong abnormal. Iniisip ko
kasing okay lang na asarin mo ako, atleast napapansin mo ‘ko.
Hi. Hello.
Di ko man lang nasabi sa’yo alinman sa dalawang yan. Pano nga ba tayo dumating punto na
nagkakausap at nagpapansinan?
Third year nagsimula ang lahat.
Isang araw, nalaman ko na lang na gusto kong ako ang magche-check ng papel mo sa exam
natin sa Chemistry. Makita ko lang yung handwriting mo, masaya na ako. Mahawakan ko lang
test paper mo, feeling ko nakatabi na rin kita. Ang babaw ko ‘no? *nervous laugh*
Naiinggit din ako sa mga kaklase natin na hindi nag-aalangan na lapitan ka para kausapin at
makipagbiruan. Takot kasi ako. Takot akong malagyan ko ng malisya lahat. Alam mo kasi
malisyosa ako. Huwag kang mag-aalala, kinaya kong i-brain wash ang sarili ko. Alam ko naman
na bawat pagtawa at pagngiti na ginagawa mo sa harapan ko ay ginagawa mo rin sa iba.
“Nakakainis ka!”
Kahit naman ganyan ang sinasabi ko kapag “naasar” ako sa’yo, pinipilit ko lang itago ang kilig at
tuwa ko. Hindi ko rin akalain na malalaman ko ang ibig sabihin ng kilig. Matuwa ka, sa mga
ginagawa mo lang ko ‘yon naramdaman. Well, hindi ko isasama don yung kilig ko kapag
nanonood ako ng Got To Believe.
Mahirap kang abutin. Totoo naman. Para ka kasing anghel sa ganda ng boses mo. Niloloko ko
na lang ang sarili ko na pinaparinggan mo ko pag kumakanta ka. De, biro lang. Haha. Ako lang
talaga naglalagay ng malisya. Kahit yata dumaan ang maraming taon, maaalala ko pa rin yung
mga madalas mong kinakanta.
Fourth year, ngayong taon.
Parang ganado lang akong pumasok araw-araw. Mas naging “close” din tayo bilang magka-
asaran pero alam kong di na yon lalampas pa sa kung saan. Duh? Sino ba naman ako ‘no. Eh
nung bata nga lang siguro ako nasabihan ng cute kaya pilit na lang ibinabawi ng nanay ko sa
acads. Hahaha.
“Tingnan mo ‘to. Nagpapa-cute!”
Sinabi mo sakin yan na totoo naman. Haha. Nagpapacute talaga ako non pero napaisip ako
bigla nang sabihin mo yan. Napansin mo eh. Hindi ko lang naintindihan kung anong gusto mong
iparating, kung napansin mo lang na nagpapa-cuteako o nacute-tan ka rin.
Ilang buwan nang nakalipas nang sinabi mo yan. Siyempre hanggang ngayon di pa rin ako
nagtatanong. Ayaw kong ipaalam na masyado akong na-intriga. Baka lalong lumaki ulo mo eh!
Haha.
“Sinong crush mo?”
Tanong sa spin the bottle. Sasagot na sana ako na wala kaso babarahin lang ako na abnormal
ang walang crush. Pede ko namang isagot ‘no? Kaso pambara ko din yan sa kaibigan kong
nasa honor list din. Ang ending nagsabi na rin ako ng pangalan.
Malamang hindi mo pangalan ‘yon. Big deal sakin yun eh. Bawal ipagkalat. Hanggang
graduation, akin lang ang sikreto ko. Mwahahahaha.
“Ineng, magsasara na kami ng gate.”
Nilapitan na pala ako ng guard dito.
“Sige kuya. Lalabas na rin ho ako.”
Pumunta na si Kuya Guard sa building pa sa palikod na part ng school.
Halos lamunin na rin ng mga bundok ang araw. Magdidilim na at ako na lang mag-isa ang
nandito. Hindi ka dumating eh. Aasa ba akong may bukas pa?
Kaso graduation na bukas. Mukhang hindi ko na rin malalaman kung may sasabihin ka nga ba
dapat o wala. Daya mo naman eh! Maghihiwalay na nga lang tayong lahat bukas, nang-prank
ka pa. Yun nga lang hindi funny kundi paasa.
Pumikit ako sa kawalan at pagmulat ko’y isinama ko na lang ang lahat sa araw na tuluyan nang
namaalam.

You might also like