You are on page 1of 12

Ako si Carlo. Gumagamit ako ng bato.

At oo adik ako, adik sayo..

Alam mo, palagi kong gino-Google Maps yung bahay niyo:

#31b Palyocan West, Batangas City

at palagi

sa aking byahe pauwi,

hindi maaring hindi ako pipilit na dumungaw sa bintana ng jeep para masilip

ang loob ng compound niyo.

tinatanaw ko ang bintana ng ‘yong kwarto

pinapangarap kung,

kailan mo kaya ako iimbatahan pumasok sa loob ng bahay nyo

kailan mo kaya ako iimbatahan maging bahagi ng buhay mo;


kailan mo kaya ako ipapakilala sa nanay at tatay mo.

‘Eto po si Carlo. Adik sa’kin ‘to. Pag di pa ‘to tumigil, papakasalan ko ‘to.’

Ako yung bodyguard na hindi bayad

yung anghel de la guardiang hindi nakakalipad

Ako ang pinakamasidhi mong fan

Malahouse speaker Pantaleon Alvarez kay Duterte,

kahit mali na, susundan

Ako ang anino mo sa school. Sa gym. Sa public library.

Sa church. Sa mall. Ultimo sa paggogrocery.

Sarap sigurong ikwento sa mga magiging apo natin ‘to no?


Kung paanong nagsimula tayo sa pagsasalisihan sa mga pasilyo ng surf, breeze at tide

hanggang nauwi tayo sa ‘you may now kiss the bride’

Pero sa tuwing mapapalapit ang pag orbit ko sa’yo ng kahit ilang metro

May malakas kang gravity na humihila ng milyong milyong asteroids at bumabagsak sila sa utak ko

Winawasak ang aking pagiging kalmado, napapraning ako

Pa’no pag ganito, Pa’no pag sinabi mo to

Pa’no pag pa’no pag tinanong mo kung ako nga yung naglalagay ng graham balls sa bag mo

ganun lang talaga kasi sinasamba kita kaya kailangan may alay

pa’no pag pa’no pag pa’no pag tinawagan mo yung cellphone number na palaging nagtetext sayo ng
kung ano-ano,

halimbawa:

I think I shall never see a line as lovely as the line where the sky meets the sea
Until I saw your kilay

Pa’no pag tinawagan mo yung cellphone number na palaging nagtetext sayo ng kung ano ano,

at nagring yung cellphone ko sa harap mo

Papaano kapag iyong nabisto

na punong-puno ng mga save images mula sa facebook profile mo ang memory card ko?

Pa’no ‘pag ganito, pa’no pag sinabi mo ‘to, pa’no pag…

Pasensya.

Hindi ko na naman motibo na matakot ka sa mga text, sulat, saraha

at Whattatops na natatanggap mo mula sa akin.

Hindi naman para maging sakit ako ng ulo mo o maging sanhi ng di pagtulog mo
Kaya ko lang naman ginagawa ang lahat ng ‘to para maramdaman mong palaging may nagbibigay halaga
sa’yo.

na sa malupit na mundong ito ay may isang ako,

isang anino na bumabagtas sa bawat landas na nilalakaran mo at hindi ka papayagan masaktan

kahit ikaw, sinasaktan mo ko.

oo, sinasaktan mo ko.

sa mga pag wawalang kibo

sa mga pagsasawalang bahala.

Hindi porke sanay ka na hindi sa akin mag reply ay sanay na rin ako na hindi mag hintay.

At akala mo, hindi ko nakikitang yung mga love letter kong pinaghihirapan dinidiretso mo lang sa
basurahan,

sayang naman yung lettering.


Alam mo minsan, minsan, nilagay ko na lang dun ‘Alamat ng Saging’ total alam ko namang hindi mo rin
babasahin.

At akala mo hindi ko natanaw na yung pinag-ipunan kong isang Tupperware ng graham balls,

ibinigay mo lang sa Badjao

Otso peso per piraso, sana stick o na lang yung binigay ko sayo.

Tinatawanan ko na nga lang madalas, pero oo

pero oo, nasasaktan ako.

February 4, Sabado.

Sinundan kita sa loob ng Cinema 2,

Guardians of the Galaxy.

Napaibig na rin ako bumili, para, alam mo yon, masabi ko naman sa aking sarili

na kahit minsan nakasama na kita manood ng sine.


Kahit hindi tayo magkatabi.

Pumwesto ako sa silya na eksakto sa likuran mo,

At ng maamoy ko ang mala-Pia Wurtzbach sa patalastas ng downy na halimuyak ng mga bulaklak na


bumabalot sayo,

May kung anong baliw na ideya, yung anit ko ay bumuka

At parang cartoons may lumabas na bumbilya..

Bakit ba hindi ko nalang sabihin sayo?

Simulan na natin ang forever na ‘to

Magkaalaman na.

Alam kong hindi ganito yung tipo mo sa lalaki na pagmumuka pero

‘pag siningkit mo ang ‘yong mga mata at pumihit ka ng konti pakaliwa, hindi ba?

Hindi ba, medyo Daniel Padilla?


Pero bago pa ko nakapagsalita, may tumabi na sayo.

Ang bawat hakbang niya ay sigurado

Para bang napag usapan nyo na talaga na dito magtatagpo

pamilyar sakin yung lalaking to –

Parang kasama siya sa Top 20 names ng mga lalaking itutumba ko

Ito yung mga pakboy na palaging pinupusuan yung DP mo.

Habang ang mga bida sa pelikula ay tinatangkang ang kalawakan nila ay isalba,

Ay tinatangka kong magkaron ng tapang habang ang aking kalawakan ay sinasakop ng iba

Hindi ba ito sakop ng anti-piracy law?

Kapag ninakaw sa sinehan yung babaeng mahal mo?

Hindi ko na natapos yung pelikula


Hindi ko na natapos yung pelikula

Namalayan ko na lang na dinala ako ng aking mga paa

Sa isang lugar na palagi kong nakikita pero hindi pa nakakapunta

#31b Palyocan West, Batangas City

nag ober da bakod ako sa compound niyo at ang lakas ng loob ko

kung meron man sa akin ay sisita, matigas yung alibay ko

Pokemon Go

At sa impact ng aking pagbagsak ay may kung anong humigpit na turnilyo

Hindi mo naman kailangan mauntog para mautahan,

Minsan sapat ng mahulog sa taas na apat na metro


Sa puntong ‘yon ko napagtanto na ang tanga tanga ko-

andami daming isda sa kargatan, ba’t nagpapakaspicy sardines ako sa’yo

Bakit ako naging isang Ash na na-stuck sa isang Pikachu

E andami-dami kong pagpipilian pero palaging I Choose You.

Nasayang lang ang effort, ang oras, ang limang piso araw araw na pag-Gatsby wax ko

ilang legendary pokemon na kaya ang nakalampas sakin kakasunod sunod ko sayo

– kailangan kong maghabol –

I gotta catch em all

At dito nagsisimula ang kwento ng pagkaadik ko sa bato

at ng pagrerehab ng sarili ko mula sa pagkahibang sayo


So nagpaikot ikot ako sa paligid ligid ng bahay nyo, selfie ganyan.

Chinicheck ko yung mga pinto

at natuklasan ko na bukas yung bintana ng banyo ninyo

at may nakapatong na bato, yung panghilod.

Kinuha ko ‘to.

Remembrance, souvenir, memento, kuntento na ako dito

Hindi ko man nakuha yung puso mo,

nakuha ko naman yung panghilod mo

parang.. parang same thing lang din naman kasi parehas lang silang bato

kinakabahan lang talaga ko.. kinakabahan lang talaga ko kapag gumagamit ako..

kasi bukod sa posibilidad na sa tatay mo pala ‘to,


ang talagang punto netong tula ay kung gaano kadali ang mapagkamalan sa mga panahong ito

Ako si Carlo, gumagamit ako ng bato

Ang tanging hiling ko, pag isang araw lumabas sa balita, natagpuan ang duguan kong katawang
nakabulagta,

Hindi ka manahimik, magkibit balikat, mag iwas ng mata

Dahil kung masakit na nga ang magmahal ng isang tao na hindi ka gusto,

Baby, mas masakit ang mamatay sa isang bayang walang pakialam sa’yo..

You might also like