You are on page 1of 5

Hay Buhay, Buhay Senior High

Ipinasa ni: Mekaella D. Pascua Pangkat: 11- Patella

NGITI KA LANG

“Kaya pa ba? Kaya mo ‘yan. Ngiti ka lang.”

Mag-isa ka na namang nakangiti sa isang tabi habang hawak ang


iyong cellphone. Liban kasi ang guro ngayong araw. Wala rin kasing pinaiwan
na gawain kaya ang ginawa mo ay kinuha ang selpon sa iyong bag at
nagbasa sa Wattpad sa iyong kinauupuan. Naalala mo bigla ang iyong
kaibigan sa kuwentong iyong binabasa.

“HAHAHAHAHA. Nakatapak siya ng tae!”

Natawa ka sa pag-alala sa nangyari sa iyong kaibigan. Ayan. mag-isa


ka na namang tumatawa. Baliw ka na naman. Walang araw na hindi ka
ngumingiti o tumatawa. Minsan pa nga napagkakamalan ka pang baliw kasi
ngumingiti ka mag-isa. Mahirap pala kapag mag-isa kang umaalala ng mga
masasayang pangyayari sa iyong buhay, no? Napagkakamalan kang may
sira sa ulo.

“Oy, meron ka bang correction tape?” tanong sa iyo ni Collin, ang


katabi mo sa upuan.

“Wala na eh, kakaubos lang kanina. Alam ko meron si Danica.” sabi


mo sabay turo sa puwesto ng iyong kaklase at sabay alis naman ni Collin
para humiram.

Ipinagpatuloy mo nalang ang pagbabasa sa Wattpad. Tatawa.


Tatahimik. Ngingiti. Iyan ang mahirap kapag hindi mo kaklase ang iyong mga
malalapit na kaibigan. Wala kang karamay. Wala kang kasama sa pagiging
baliw. At higit sa lahat, wala kang mahahampas na braso kapag kinikilig.

May narinig kang tunog sa iyong tiyan. Gutom ka na. Tiningnan mo


ang orasan. Limang minuto na lamang at break na. Hindi ka na naghintay pa
at lumabas ka na ng silid-aralan. Pumunta ka na sa silid-aralan ng iyong mga
malalapit na kaibigan at niyaya silang kumain sa baba.
Pumasok ka at ang iyong mga kaibigan sa canteen upang kumain.
Mangangamoy canteen na naman ang iyong uniporme. Amoy ulam ka na
naman. Pero kahit alam mo na mangangamoy ulam ka, tiniis mo ito at
tiningnan ang mga kalalakihan na kumakain sa isang lamesa sa bandang
dulo. Hinampas mo ang braso ng iyong kaibigan. Kinikilig ka na naman.

“Anong problema mo?” gigil sa’yo na sabi ni Diana.

Nakita mo kasi ang iyong crush sa lamesang iyon. Naghanap na kayo


ng mauupuan upang makakain na. Nakita mong dala ni Mary ang kanyang
bote ng tubig at plano mo sanang humingi. Kaso naalala mong may sakit si
Mary at baka mahawaan ka pa. Pumila na kayo upang makabili na ng kanin
at ulam ngunit napagtanto mong ito ang pinakaabala sa lahat kapag pupunta
ng canteen. Madaming singit sa pila.

Naisip mo, paano nga ba sila nakakasingit? Unang paraan. May


mauuna at pipila na isang tao habang hindi pa mahaba ang pila at
pagkatapos ay sisingit ang kanyang mga kaibigan sa puwesto niya.
Pangalawang paraan. Pupunta sa harap at kunyari’y titignan muna ang mga
pagkain pero ang hindi lang alam ng mga nakapila ay nakapila na rin ito.

Nakabili na kayo ng pagkain at umupo na sa inyong lamesa nang hindi


sinasadyang nabangga ni Diana ang laman ng bote na may tubig at nabasa
ang iyong palda. Ayos lang naman sa iyo ang nangyari ngunit habang patagal
nang patagal ay nag-iinit na ang iyong mga binti. Mainit pala ang tubig na
nasa loob ng bote! Nakakahiya kay crush!

***

Nanlalamig na ang iyong mga binti matapos ang nangyaring insidente


kanina sa canteen. Nasa harap ka pa man din ng aircon. Manghihiram ka
sana ng jacket kay Collin nang maalala mo na isang buwan na palang hindi
nalalabhan ang jacket na iyon. Sa madaling salita, madumi na. Madumi na
kaya ‘wag ng gamitin pa.

Dumating na ang inyong guro sa ingles at nagsabi tungkol sa proyekto.


Tinanong ang buong klase kung sino ang gustong mag-isang gumawa ng
proyekto. Maraming nagtaas ng kamay. Hindi mo alam kung magtataas ka ba
ng kamay o hindi. Kilala kasi ang gurong ito na nagbibigay ng madaling
proyekto sa mga gustong mag-isa at mahirap sa mga gustong maggrupo.
Nagtaas ka rin ng kamay. At kung sinuswerte ka nga naman, mukhang mali
ang pagkakakilanlan ng iyong mga kaklase sa guro. Nagpalit ng tadhana ang
mga gustong mag-isa at gustong maggrupo. Wala kang nagawa kundi
ngumiti na lamang. Hay buhay.

***

Andito ka ngayon sa bahay ng iyong kaibigan na si Alex. Hindi kayo


magkaklase pero parehas kayo ng guro sa ingles. Parehas din kayong
nagtaas ng kamay kaya parehas niyo ring gagawin ang proyekto. Pero dahil
nga kaibigan mo ang kasama mo, wala kayong nagawa sa araw na iyon. Puro
usap at panonood lang ang ginawa niyo. Nahiya ka pa dahil nakikain ka nang
walang natapos na proyekto sa bahay nila. Nasimulan mo lang sa pamagat at
natapos din agad. Tinanong mo sa sarili mo, sinong estudyante ang
makakagawa ng kwento na nahahati sa dalawampung kabanata sa loob ng
isang linggo? Wala, depende na lamang kung isa kang yokai.

Alas-dos na. Umalis ka na sa bahay nila alex at papunta ka naman


ngayon sa bahay ng kaklase mo dahil may groupings kayo ngayon. Isang
traysikel lang ang sasakyan upang makapunta sa bahay ng kaklase mo.
Masaya mong tinunton ang terminal ng traysikel. Pasipol-sipol ka pa papasok
ng traysikel. Kukuha ka na sana ng barya nang marinig mo ang isang
pamilyar na boses.

“Manong bayad po, dyan lang malapit sa mercury.”

Tiningnan mo kung sino ang taong ‘yun na may pamilyar na boses.


Nagulat ka sa iyong nakita. You believe sa kaniya ka nagtaas ng kamay. You
believe nagbago na siya. You believe siya ang guro mo sa ingles. Hindi mo
alam kung ano ang gagawin mo. Babatiin mo ba o hindi?

“Oh! Iha, saan ka papunta ngayon?” sabi sa iyo ng guro.

“Ay good afternoon po miss. Sa bahay lang po ng kaklase ko.”

“Ganoon ba. Huwag kang papagabi sa daan, okay?”


“Ayy hindi naman po miss, saglit lang naman po ako doon.” sabay ngiti
sa iyong guro.

Gusto mong pabilisan ang oras. Isang pasahero na lamang ang kulang
at aalis na. Sampung minuto na ang nakalipas. Kulang pa rin ng isang
pasahero. Naisipan mong bayaran nalang ang isang upuan para makaalis na.
Mahuhuli ka na sa groupings niyo at mas lalong ayaw mo pang makasama ng
matagal ang iyong guro sa loob ng traysikel. Babayaran mo na sana nang
may dumating na tao at umupo. Wala nang kulang ang traysikel. Makakaalis
na rin.

***

Nagmadali kang tumakbo papunta sa gate ng paaralan. Papasok ka na


sa loob nang bigla kang harangan ng guard. Isulat daw ang iyong pangalan at
oras ng pagpasok. Isa lamang ang ibig sabihin nito, huli ka na sa iyong unang
klase. Hindi mo na ito mapapasukan at papaakyatin ka na lamang
pagkatapos ng unang subject.

Naiinis ka dahil nagspecial ka pa naman papunta sa paaralan para


makahabol pero huli ka pa rin. Mahal pa naman ang bayad ng special sa
traysikel. Kahapon din nga ay muntikan ka na mahuli sa unang klase. Halos
mamatay-matay ka na sa pag-akyat sa hagdanan na may anim na palapag
papunta sa iyong silid-aralan. Hinihingal ka pang nagreport sa klase noong
araw na iyon.

Pinagpapawisan ka na. Akala mo ay dahil ito sa pagtakbo mo kanina


ngunit narinig mong tumunog ang iyong tiyan. Alam na. Hindi ka ata
natunawan kagabi kaya nag-aalburoto ngayon ang tiyan mo. Buti na lamang
at may dala kang tissue at alcohol. Iniwan mo na ang iyong bag sa upuan at
sinimulan ang operasyon.

***

Ikinuwento mo ito sa iyong mga kaibigan. Tawanan silang lahat. Para


kayong baliw sa kakatawa. Hindi niyo na rin naipagpatuloy ang Group Study
kaya goodluck nalang sa quiz niyo mamaya. May mga guro pa naman na
“common sense” mo ang nakasalalay sa pagsagot. Tapos na ang break at
nagsialisan na ang mga kaibigan mo sa silid-aralan. Simula na ang quiz.

Nakatulala kang nakatingin sa papel. Wala ang mga pinag-aralan mo


sa mga tanong sa papel. Pinagpapawisan ka dahil sa kaba. Ano na ang
isasagot mo? Magmahal? Dahil hindi mali ang magmahal? Mas lalo ka pang
kinabahan. Hindi mo maintindihan ang gustong iparating ng direksyon na
nakasulat sa papel. Gusto mo man itanong sa guro ngunit baka magalit at
sigawan ka pa. Pagtingin mo sa pinakadulo ng papel ay isang bonus
question. Ano ang buong pangalan ng iyong guro? Napahawak ka nalang sa
iyong noo at tumungo. Patay. Pabagsak!

***

Pag-uwi mo ng bahay ay nakita mo ang kahon sa tapat ng kwarto mo.


Nakita mong naglilinis ang iyong ina sa iyong kwarto. Kinuha mo ito at
binuksan. Nakita mo ang mga class picture mula grade 7 hanggag grade 10.
Napapangiti ka habang inaalala ang mga pangyayari noon. Mga nakakahiya,
nakakatuwa, nakakainis at nakakaiyak na mga pangyayari na hindi mo
malilimutan. Aminin mo man o hindi. Mamimiss mong maging estudyante.
Kahit na maraming pinapagawa ang mga guro. Hahanap hanapin mo rin iyon
pagdating ng panahon na nagtatrabaho ka na.

Ngayon mapapangiti ka nalang sa mga alaala ng nakaraan. Alaala


kasama ang iyong mga guro, kaklase at kaibigan. Ngunit hindi lahat ay
nagtatagal. Nawala ngunit napalitan. Iniwan at hindi binalikan.Dating bessy,
ngayon hello nalang. Mga simpleng pagbabatian, nagbabago rin paglipas ng
panahon. Handa ka na nga ba sa pagbabago? Kaya mo ‘yan. Ngiti ka lang.

You might also like