Professional Documents
Culture Documents
Desierto Julie Ann - Likhang Kwento
Desierto Julie Ann - Likhang Kwento
Nilayuan siya ng mga ito at nilait lait“yak! Mahirap na si Lala?! Eeewww … poor!”
Masakit sa kalooban ni Lala na nawalan nang trabaho ang kanyang mga magulang at akala niya
ay maiintindihan siya ng kanyang mga bagong kaibigan at nadadamayan siya, ngunit mali, hindi
na tinanggap ng mga mayayaman na kaibigan ni Lala ang kanyang estado sa buhay sapagkat sila
ay naghirap na.
Mabigat ang kalooban ni Lala aniya “bakit ba nangyari ‘to?!” hindi na napigilang umiyak
ni Lala, nakayukyok siya sa gilid ng kanilang silid-aralan.
Napansin ni Lalay ang paghagulgol ni Lala sa sulok kaya naman nilapitan niya ito,
Ikinuwento ni Lala kay Lalay ang nangyari pati na rin ang panglalait na ginaa ng iba pa niyang
kaibigan.
“Salamat Lay, maaasahan talaga kita kahit kailan patawarin mo sana ako sa pag-iwan ko sa
iyo”,
“Okey lang yun anu kaba? Ano pa’t matalik kitang kaibigan diba?” sagot ni Lalay.
Nabalik ang kanilang pagiging matalik na magkaibigan, bumalik narin sa normal ang kanilang
pag-uusap.
Lumipas ang dalawang taon at graduweyt sina Lala at Lalay, naghahanda sila kung saang
paaralan sila magko-kolehiyo.
“Gusto kong mag-titser, sana nga ay payagan ako sa CVSU mag-aral eh, Ikaw anong kurso ang
gusto mo?” tugon ni Lala
“Ako? Gusto kong makapasok sa PMA o di kaya ay kahit saang eskwelahan basta gusto ko
maging pulis o sundalo” aniya ni Lalay
“Eh saang eskwelahan mo naman gustong mag-aral kung hindi ka makakapasok sa PMA?,
Alam mo nararamdaman ko gusto ni Mama na sa Emilio Aguinaldo College ako mag-aral pero
okey lang din naman sakin basta makapag-titser ako!” usisa ni Lala
“Hindi ko nga din alam e, wala pa akong siguradong mapapasukan kasi hindi ko rin alam kung
makakapag-aral ba ‘ko ngayon o baka magtatrabaho nalang muna, kasi alam mo naman kapos
din kami diba? Pero kung sa EAC ka mag-aaral baka dun nalang din ako para magkasama parin
tayo diba hahahaha” sagot ni Lalay.
Masayang nagkukwentuhan ang magkaibigan tungkol sa gusto nilang kurso at kung saan nila
gustong magtapos ng kolehiyo. Napag-usapan din nila ang mga pangyayaring hinding hindi nila
makakalimutan noong sila ay nasa elementarya at highschool. Dumiretso ang dalawa sa
National bookstore dahil nais nila na maagang makapamili ng school supplies para sa susunod
na buwan ay hindi na sila makikisabay sa dagsa ng maraming tao.
“Lay, saan ba ‘yung room natin? Hala baka leyt na tayo sa una nating klase!” kabadong tanong
ni Lala
“Anu ka ba! Hindi pa naman opisyal yung klase dahil hanapan palang talaga ng room at
pagpapakilala, katulad nung nasa highschool palang tayo” kalmadong sambit ni Lalay
“Ay ganun ba ha ha ha, kinakabahan kasi talaga ko, malay mo sobrang mayayaman ‘yung mga
kaklase natin o di kaya ay matataray yung mga magiging propesor natin, diba? diba?”
pangungulit ni Lala
“Hindi yan ha ha ha, sungitan din natin sila kapag sinungitan nila tayo para kwits ha ha ha”
malokong tugon ni Lalay
“Ito ay Education Block tama ba?, First year education block” tanong ng Propesor
“Bilang hindi niyo pa ako kilala at hindi ko pa rin kayo kilala lahat, marapat lamang na ipakilala
natin ang ating mga sarili, pinagkakaabalahan, talento at bakit ninyo napili ang kursong ito,
malinaw ba? suhestiyon ng Propesor
“Magsimula tayo sa likod, binibining nakakulay asul na damit, maaari mo bang simulant ang
pagpapakilala?” tanong ng Propesor
“Opo Sir!” sagot ni Lala , dahil siya ang nakaupo sa pinakadulo ay sa kanya magsisimula ang
pagpapakilala.
“Ako po si Estella Hernandez, labing siyam na taong gulang. Mahilig akong magluto, sumayaw,
umakting, maglaro ng badminton at mag-aral, ang pinakatinututukan ko pong talent ay
paglalaro ng badminton. Napili ko po ang kursong ito dahil noon pa lamang ay nais ko nang
tularan ang aking Nanay na isa ring Guro. Salamat po” pagpapakilala ni Lala
“Magandang Araw po sa inyong lahat, ako po si Julie Castro, labing siyam na taon gulang. Hilig
ko pong magluto, maglaro ng iba’t ibang klase ng isport at manuod ng iba’t ibang palabras.
Ang talento ko po ay kumanta, sumayaw, magdrowing at magpinta. Napili ko ang kursong ito
dahil sa aking matalik na kaibigan, nagustuhan ko ang mag-guro dahil sa kanya, yun lamang
po. Salamat po” pagpapakilala ni Lalay
Natapos na magpakilala ang magkaibigan at tuloy tuloy ang pagpapakilala ng kanilang mga
kaklase. Pagkatapos ng lahat ay nagbigay lamang ng paunang gawain ang Propesor at tinapos
na ang klase. Break time ng lumabas ng eskwelahan ang magkaibigan, pinag-uusapan nila ang
kanilang mga unang impresyon sa kanilang mga kaklase pati narin sa kanilang unang propesor.
Napagdesisyunan ng magkaibigan na kumain muna sa karinderya upang makapagtipid dahil
may dalawa pa silang klase para sa unang araw.
Opisyal na nagsimula na ang klase unang semester at mataas na grado ang nakuha ng
magkaibigan lalo na si Lala, siya ang nangunguna sa klase at marami narin ang bumibilib sa
galing at talino niya. Naging malapit naman si Lalay sa lahat ng kanilang mga kaklase gayundin si
Lala ngunit mas malapit ang loob ng kanilang mga kaklase kay Lalay dahil ayon sa kanilang mga
kaklase nahihiya silang lumapit kay Lala dahil sa angking galing at talino nito. Mataas ang
kanilang paghanga kay Lala kung kaya’t ayaw nilang mabahiran ng kalokohan ang pag-iisip ni
Lala. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay mas maloko pa si Lala sa kanila, dahil lumaking
magkasama sina Lala at Lalay ay matawa tawa na lamang si Lalay sa mga sinasabi ng kanilang
mga kaklase tungkol kay Lala. Pagkatapos ng klase ay agad na kinuwento ni Lalay kay Lala ang
sinabi sa kaniya ng kanilang mga kaklase.
“Ha ha ha , anu yun? Tawa ka nang tawa wala ka pang nakukwento ha ha ha” sabi ni Lala
“Sabi kasi nila, nahihiya daw sila sayo kasi mukha ka daw matino, malaanghel ka daw. Ayaw ka
daw nila bahiran ng kalokohan kaya hindi sila masyadong nalapit sayo ha ha ha” kwento ni
Lalay
“Ay hala ha ha ha weh? Ha ha ha , anu ba ‘yun masyado ba akong mabait tignan pag hindi
moko kilala? Ha ha ha” patawa tawang tugon ni Lala
“Hindi ko alam? Ha ha ha, ako kasi unang tingin ko palang sayo hmmm …” malokong patingin
tingin si Lalay kay Lala, tila ba ay sinisiyasat nito ang pagkatao ni Lala.
“Hmmm …? Tingin ko palang sayo, marami kang alam na kalokohan! Ha ha ha” pangaasar ni
Lalay
“Ha ha ha grabe siya! Halika na nga, umuwi na tayo!” masayang tugon ni Lala
Habang naglalakad papuntang terminal ang magkaibigan ay nasalubong nila ang isa sa kanilang
kaklaseng lalaki na si Bernard. Si Bernard ay isang tipikal na lalaki na may itinatagong paghanga
kay Lala. Tanging si Lalay lamang ang nakakaalam nito at laking inis nito kay Bernard.
“Dito kami dadaan kasi dyan lang naman kami sa terminal nasakay”
“Oo naman, diba Julie? Okey lang naman? Lay?” tanong ni Lala kay Lalay dahil napansin niya na
hindi kumikibo si Lalay simula ng dumating si Bernard.
Wala paring kibo si Lalay at tuloy tuloy parin sa paglalakad. “Lay!” pag-uulit ni Lala
“Tinatanong ni Bernard kung pwede daw siyang sumabay sa atin sa paglalakad” pag-uulit ni
Lala
“Ah, kanina pa nga siya nasabay e, ngayon pa nagpapaalam” bulong ni Lalay sa sarili
Patuloy sa paglalakad sina Lala, Lalay at Bernard ngunit sina Lala at Bernanrd lamang ang nag-
uusap. Wala paring kibo si Lalay hanggang sa makaalis na si Bernard.
“Wala lang, wala ako sa mood baka pagod lang ako” tugon ni Lalay
Malapit na ang bababaan ni Lala ngunit mahimbing ang tulog nito kaya naman tinapik siya ni
Lalay “La, malapit kana bumaba” sambit ni Lalay. Nakababa na si Lala at dirediretso ang
paglalakad, walang anumang iniisip dulot ng mahimbing nitong tulog sa dyip. Samantala, si
Lalay na naiwan sa dyip ay muli nanamang nag-isip tungkol sa paghanga ni Bernard kay Lala.
Hanggang sa nakababa na nang dyip si Lalay at hanggang sa nakauwi na ito ay iniisip parin ang
sinabi ng kanilang mga kaklase tungkol sa paghanga ni Bernard kay Lala.
Sumapit ang gabi at nakatanggap ng sunod – sunod na mensahe si Lalay galing kay lala,
“Lay?”
Ilan lamang ito sa mensaheng natanggap ni Lalay, napangiti naman siya ng mabasa niya ang
mga ito dahil naisip niya na iniisip din pala siya ni Lala. Nais sanang tugunan ni Lalay ang
mensahe sa kanya ni Lala ngunit naisip niya na huwag na lang muna dahil mas maigi na
makipag-usap siya kay Lala upang masabi niya narin ang matagal niya nang gustong sabihin sa
kaibigan.
Ilang minuto pa ang lumipas ay iniiwasan na ni Lala ang mga tanong ni Bernard dahil hindi na
maganda ang pakiramdam nito at sa kaniyang palagay at ilang sandal na lamang ay darating na
si Lalay.
“Estella ayaw mo ba ‘kong kausap? Ha ha ha” pabirong tanong ni Bernard. Ngiti lamang ang
naging tugon ni Lala sa tanong na iyon.
Maya maya ay dumating na si Lalay at naabutan na nakaupo si Bernard sa upuan niya. Mabilis
na nilingon ni Lala ang bagong dating na si Lalay at masayang binati ito.
Tinawag ni Lalay si Bernard “Uy Bernard! Gusto mo diyan umupo?” tanong nito kay Bernard
“Oo naman! Anu ka ba, sige diyan ka muna dito muna ko upuan mo ah!” masiglang tugon ni
Lalay
Mababakas sa mukha ni Lala ang pagtataka kung bakit pinili ni Lalay na makipagpalit ng upuan
kay Bernard. Makalipas ang limang minuto ay nagsimula na ang klase ni hindi nililingon ni Lala si
Bernard na tuloy tuloy ang pagsasalita.
Panay ang lingon ni Lala sa kabilang hilera ng upuan kung saan seryosong nakikinig si Lalay sa
diskusyon ng kanilang Propesor.
Natapos na ang klase at mahaba ang bakanteng oras bago ang susunod na klase.
Napagdesisyunan ni Lalay na lapitan si Lala na tila ba ay walang nangyari at wala malalim na
iniisip.
“La! Tara kain tayo sa Mcdo! Libre ko ha ha ha” masayang pag-aaya ni Lalay
“Ay ganun ba? he he sige sa susunod nalang, enjoy kayo!” malungkot at pilit na sagot ni
Bernard.
Lumakad na papalayo si Bernard at akmang aakbayan naman ni Lala si Lalay ngunit inunahan
niya ito at siya ang umakbay kay Lala. Nang makarating na sila sa Mcdonalds ay mabilis na
pumila si Lalay upang umorder ng kanilang kakainin sa hapon na iyon.
Tahimik na naghihintay si Lala sa napili nilang upuan sa sulok ng silid kung saan malapit sa
aircon.
“Eto naaaa! Kainan naaa!” masayang sambit ni Lalay
Masayang nagkukwentuhan ang dalawa habang kumakain. Pagkatapos kumain ay naisip ni Lala
kung bakit siya niyaya ni Lalay kumain sa Mcdonalds gayong nagtitipid sila upang mabili ang
paborito nilang libro.
“Oo sumobra na nga eh ha ha ha kaya niyaya kita dito ha ha ha” sagot ni Lalay
“Wow! Yabang talaga ha ha ha ako hindi ko pa nabubuo yung 250 pesos na kailangan ko e!”
pang aasar ni Lala
“Ha ha ha ano nga ulit yung bibilhin natin bakit tayo nag iipon?” kunyaring nakalimutan ni Lalay
ang libro na nais nilang bilhin ngunit ang totoo ay nakabili na siya bago pumasok sa eskwelahan
dahilan ng pangkahuli niya sa klase.
“ha ha ha tara na balik na tayo sa school ang init e ha ha para naman mapakinabanggan natin
yung aircon” pabirong pagaaya ni Lalay
Dali-dali naming pumunta si Lalay sa silid na pinasukan ni Lala, habang nagiintay sa kanilang
susunod na klase ay nakaidlip si Lala sa kanyang inuupan, kaya naman napagdesisyunan ni Lalay
na ilagay ng palihim ang libro na kanyang binili para kay Lala upang sa oras na magising ito ay
masurpresa siya.
Matapos ilagay ni Lalay ang libro sa bag ni Lala ay lumabas siya ng silid at nag-ikot ikot sa
building, maya maya ay nagteks si Lala sa kanya upang itanong kung saan siya nagpunta.
“Naglalakad lakad lang ako dito, tinulugan mo ako e” tugon ni Lalay sa mensahe.
Sa silid kung saan naiwan si Lala. Paggising nito ay wala na si Lalay sa kanyang tabi kaya naman
agad niya itong tineks upang malaman kung saan ito nagpunta, habang nagtatayp ng mensahe
si Lala ay napansin niyang bukas ang zipper ng kaniyang bag, kaya naman binuksan niya ito ng
maigi upang malaman kung may nawala ba sa kaniyang mga gamit dahil iniisip niya na baka ay
nanakawan na siya.
Nang ibuka ni Lala ng malaki ang kanyang bag ay anong pagtataka ang nararamdaman niya,
“bakit may ganto dito? Ito yung libro na pangarap naming bilhin ni Lalay e, sino kaya ang
nagbigay nito?” tanong ni Lala sa sarili
Dahil sa sabik nito sa nakitang libro ay binuklat buklat nito ang mga pahina, sa pagbuklat niya sa
ikapitong pahina ay may nalalaglag na papel, papel na kulay asul na may nakasulat na “Basahin
mo ako”
Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman ni Lala habang binabasa ang sulat. Tuwa dahil
matagal narin siyang may lihim na pagtingin kay Lalay ngunit may kaba dahil baka hindi niya ito
matanggap sa kadahilanang parehas silang babae at baka hindi ito matanggap ng mga taong
nakapaligid sa kanila. Sapagkat sa pag amin na ginawa ni Lalay ay nagkaroon siya ng lakas ng
loob upang aminin din ang kanyang nararamdaman.
Agad na tumakbo palabas ng silid si Lala upang hanapin kung nasaan si Lalay. Lingon dito lingon
doon, bukas ng pinto dito, bukas ng pinto doon. Paulit-ulit na ganoon ang ginawa ni Lala sa
pagmamadaling mahanap si Lalay. Nang makarating ito sa ikapitong silid sa dulo ng koridor ay
nakita niya ang isang babaeng nakatalikod, nakatingin sa pagewang na dahon ng mga puno at
humihimig.
Naglakad ng dahan dahan si Lala patungo sa kinatatayuan ng babae, ang babaeng ito ay walang
iba kundi si Lalay. Mula sa likod ay niyakap niya si Lalay, “salamat” pabulong na sambit ni Lala.
Nabigla si Lalay sa mahigpit na yakap ni Lala sa kaniya kaya naman agad itong humarap,
“nabasa mo?” aniya
“Oo naman” sagot ni Lala
“Galit kaba? Gusto mo kong layuan? He he” nahihiyang tanong ni Lalay
“Hindi noh! Bakit naman ako magagalit? … Nagustuhan ko” nakayukong bulong ni Lala
“Nagustuhan ko. Nagustuhan ko yung binigay mong libro. Nagustuhan ko ‘yung paglibre mo
sakin kanina sa Mcdonalds. Nagustuhan ko lahat ng pinapakita mo simula pa nung una.
Nagustuhan ko ‘yung pagtrato mo saken. Nagustuhan ko ‘yung pagiging espesyal ko pagdating
sayo… Nagustuhan ko yung sulat mo. Nagustuhan ko lahat ng sayo, gusto ko.” mahabang
paliwanag ni Lala
“Salamat La! Salamat. Salamat sa pagtanggap, pero kung hindi mo tanggap kung ano ako, okey
lang ha ha ha, mananatili akong mabuting kaibigan sayo” nakangiti ngunit maluha luhang
sambit ni Lalay
Pagkatapos masabi ni Lalay ang mga katagang iyon ay dali dali siyang tumalikod at aakmang
maglalakad papalayo dahil akmang tutulo na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
Nabigla si Lalay sa narinig niyang iyon dahilan upang mapahinto siya sa kanyang paglalakad.
Dahil sa mga katagang iyon, hindi na napigilan pa ni Lalay ang paghagulgol at ang tuloy tuloy na
pag-agos ng kaniyang mga luha.
“Ayaw na kitang maging kaibigan” ulit ni Lala. “Lay! Gusto din kita! Matagal na!” sigaw nito.
Ang mga pagtulo ng malungkot na luha ni Lalay ay tila ba’y naging luha ng tuwa. Tuwa dahil sa
kaniyang narinig. Tuwa na hindi niya inakalang mararamdaman niya sa mga oras na iyon.
Nilingon pabalik ni Lalay ang lugar na kinatatayuan ni Lala kung saan nakita niya itong nakaupo,
hawak hawak ang binigay niyang libro at umiiyak. Dali dali niyang pinuntahan ito at niyakap.
Itinayo ni Lalay si Lala at niyakap ito ng pagkahigpit. Naglakad ang magka-Ibigan ng masaya
habang magkahawak ang kamay. Masaya ang dalawa dahil sa nangyaring aminan ng kanilang
nararamdaman.
*Lumipas ang dalawang taon, nasa ikalawang taon na sina Lala at Lalay sa kolehiyo. Naging
masaya ang mga naging araw ng kanilang pagsasama bilang magkarelasyon. Malugod silang
natanggap ng kanilang mga magulang gayundin ang kanilang mga kaibigan kaya naman ubod ng
saya ng dalawa.
“Ang dating magkaibigan, ngayon ay naging magka-Ibigan” pangaasar ng mga naging matalik
nilang kaibigan.