Professional Documents
Culture Documents
?? Hell Game
?? Hell Game
Kaya mo bang pasukin ang isang lihim na paaralan? Isang paaralan na magiging
tahanan mo sa loob ng apat na taon. Isang paaralan na ang tanging daanan lang
palabas-- ay ang KAMATAYAN!
Habang nag-aaral ay kailangan mong mag-imbestiga. Alamin kung sino ang killer at
unahan ito.
-----ooo-----
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and
incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events are purely coincidental.
WARNING!!!
PLAGIARISM IS A CRIME
-----ooo-----
All Rights Reserved
@TwinkleBhernz
-----ooo-----
1ߔذWisconsin University [Hell Game]
---Ń׃׃---
Ito ang matagal na niyang pinapangarap; ang makapasok sa isang hindi ordinaryong
paaralan. Hindi niya lubos na maisip na matatanggap siya sa paaralang iyon pero
heto siya ngayon at nakatayo sa harapan ng malaking tarangkahan ng paaralan.
"Magkakilala ba tayo?" tanong niya habang iniisip nang mabuti ang pagkakakilanlan
nig babae.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi mo na ako naaalala?" sagot nito. Naiiling itong umakbay
sa kaniya kaya naman lalo pang dagdagan ang kulubot sa noo niya.
"I'm sorry, paano mo nga ako nakilala?" wala talaga siyang matandaan. Kahit anong
pilit niyang hukay sa ulo niya ay hindi niya talaga ito maalala.
Tumawa lang ang babae. "Your funny Kyra." Naiiling siya nitong tinalikuran at
humarap sa malaking gate ng school. "One year lang tayong nagkalayo pero hindi mo
na ako naaalala? Ang sakit ah," she whispered.
She really knew her, kaya naman dapat ay kilala niya rin ito. Pero hindi e.
Sinubukan niyang isiping nang mabuti kung sino ang babaeng nakatayo sa harapan niya
pero kahit anong gawin niya ay wala talaga. Parang may malaking pader na humaharang
sa bahagi ng utak niya na nakakaalam ng lahat para hindi makalabas ang impormasyon
na hinahanap niya. Ang weird ng pakiramdam niya dahil hindi naman siya nagka-
amnesia kaya bakit ganoon. She haven't been in an accident either.
"Si Lara to oy, ano ka ba. And weird mo ah." Muli itong ngumiti sabay hampas sa
balikat niya.
Nginitian niya rin ito. Kahit hindi niya ito maalala ay tila may bahagi naman ng
utak niya ang nagsasabi na mapagkakatiwalaan niya ito. Kaya iyon nalang muna ang
susundin niya. Magsasalita na sana siya nang biglang bumukas ang gate ng Wisconsin
University. Sabay silang napatingin doon ni Lara.
"Welcome to us." Hinawakan nito ang braso niya. Nang simulan siya nitong hilahin
papasok sa paaralan ay hindi na siya tumutol. After all, mas mabuti narin nga iyon
dahil may makakausap na siya sa loob ng Wisconsin University. Sa pagkakaalam niya
kasi ay stay-in ang mga estudyante ng school.
Biglang huminto si Lara sa paglalakad dahilan para mapahinto rin siya. Tiningnan
niya ito. Nang makita niyang nangingislap ang mga mata nito habang nakatitig sa
harapan nila ay agad niyang nilingon ang tinitingnan nito. Maging siya ay na
overwhelmed ng makita ang mga estudyanteng may hawak na placard. Nakataas ang kamay
ng mga ito habang sumasayaw at iwinawagayway ang ang nga hawak nila. Bawat placard
na iyon ay may nakasulat na letra.
WELCOME TO HG ׃
Iyon ang nabasa niyang nakasulat sa placard nang pagsama-samahin niya ang mga
letrang naroon. HG? Hindi naman iyon ang pangalan ng school. Dapat ay WU ang
nakasulay doon, kung ang tinutukoy ng mga ito ay ang pagwe-welcome sa kanila sa
Wisconsin University.
"Ang sweet naman." Paulit-ulit na iwinasiwas ni Lara ang kamay niya habang tila
kinikilig dahil sa nakikita.
Balak niya sanang sabihin dito ang tungkol sa mga letra sa placard pero bigla
nalang may babaeng tumayo sa harapan nila. Nag cross arm ito at tinaasan sila ng
kilay. Napakalakas maka-miss masungit ng awra nito. Nakasuot ito ng black blazer,
red blouse at black mini-skirt. Sobrang taas pa ng high-heels na suot nito at
napakanipis ng takong niyon. Parang isang masungit na librarian lang ang peg.
"Your both late. Follow me."
She tsked. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad ito palayo sa kanila. Nakuha naman
ng dalawa ang nais nitong gawin nila kaya wala silang pagdadalawang isip na sumunod
sa babae. Huminto ito sa tapat ng kulay pulang pintuan. Sa sobrang laki ng pintuang
iyon ay iisipin mong higante ang nasa loob. Itinulak iyon ng babae tapos pumasok
ito doon. Nagkatinginan pa sina Kyra at Lara bago sumunod dito.
May iilang tao sa loob. Mga katulad din nilang estudyante na halatang nakakaramdam
na nang pagkainip sa kakaintay sa kanila. Bukod sa mga estudyanteng naroon ay
mayroon pang isang babae na nakaupo sa kulay pulang upuan na tila isang upuan ng
hari dahil sa taas ng sandalan nito. May mga nakaukit na bungo sa armrest ng upuang
iyon at may mga kakaibang disenyo na nagdadala ng vintage effect sa upuang iyon.
Maya-maya ay sumenyas ito doon sa babaeng sumundo sa kanila na agad namang kinuha
ang dalawang piraso ng bond paper na nasa lamesa at iniabot iyon sa kanila.
"Sign that ladies, para naman makapagsimula na tayo," utos ng babaeng nasa trono.
Balak pa sanang basahing nang mabuti ni Kyra ang laman ng hawak niyang papel pero
nginusuan na siya ni Lara na pirmahan na niya iyon katulad ng ginawa nito. Medyo
alanganin pa sana siyang gawin iyon pero magmumukha lang siyang pa VIP kung
magpapaka-segurista pa siya ngayon. After all, tiyak naman siyang pinirmahan na rin
ng mga estudyanteng kasama niya sa kwartong iyon ang ganoong klase ng form kanina.
Bubuksan niya sana ang backpack niya para kumuha ng ballpen na gagamitin sa
pagpirma pero nagmagandang-loob na si Lara na ipahiram nalang sa kaniya ang ginamit
nito na agad naman niyang tinanggap. Pagkatapos niyang pirmahan ang form ay agad
din iyong binawi ng babaeng nagbigay noon sa kaniya.ׂ Nang makuha na nito ang
pinirmahan niya ay lumakad ito palapit sa babaeng nakaupo sa trono tapos tumayo ito
sa tabi ng babae na parang estatwa. Halatang naghihintay ng bagong iuutos sa
kaniya.
Habang nagpapaliwanag si Lady Vhern ay yumuko ang babaeng pinakilala nito. Isa-isa
nitong tinapunan ng tingin ang mga estudyanteng naroon. Ang akala ni Kyra ay
ngingiti na ito sa wakas pero mukhang nasa mukha na nito ang pagiging seryoso.
"Ah Lady Vhern, totoo ba na habang nag-aaral kami dito ay hindi kami maaring
lumabas sa premises ng school?"
Isang may kaliitang babae ang nagtanong noon. Nakaupo ito sa kumpol ng mga
estudyanteng nauna sa kanila. Habang pinagmamasdan niya ang babae ay nangunot ang
noo niya. Pakiramdam niya kasi ay kakilala niya rin ito katulad ni Lara. Hindi lang
ito. Maging ang ilan pa sa mga estudyanteng naroon ay tila pamilyar din sa kaniya.
Para iyong dejavu na tinatawag. Hindi iyong pangyayari ang naulit, bagkus ay iyong
mga nakasama niya na parang nakasama na niya noon sa unang buhay niya.
Ang weird...
Nang magsalitang muli si Lady Vhern ay bumalik ang tingin niya dito. Bahagyang
sumilay ang pagtataka sa mukha niya. Kung kanina kasi ay nakangiti ito at napaka-
sweet ng mukha; ngayon at parang biglang may nagbago dito. Para itong sinaniban ng
masamang espiritu at nagsimulang pumaskil ang nakakatakot na ngiti sa labi nito.
"Yes little girl. Once your in, death is the only way out." Nag de-kwatro ito at
sumandal sa upuan.
Sabay sabay namang nagbulungan ang mga estudyanteng naroon. Lahat ay may kani-
kaniyang kuro-kuro ukol sa narinig nila. Ang daming gustong magtanong pero walang
sinoman ang pinakinggan ni Lady Vhern. Imbes na pakalmahin ang mga nagkakagulong
estudyante ay ipinagtabuyan pa sila nito. Ayaw pa sana nilang lumabas sa kwartong
iyon hanggang hindi nasasagot ang mga tanong nila pero may dumating na, na mga
lalaki na pumalit sa kanila. Ipinagtulakan sila ng mga ito palabas ng kwarto.
Seryoso ba talaga si Lady Vhern ng sabihin niya iyon? O sadyang trip niya lang na
manakot? Anong klaseng trip ba iyon? Ang weird niya ah.
"Answer us Tabitha, ano ba ang ibig sabihin ni Lady Vhern sa sinabi niya ha? Balak
ninyo ba kaming pataying lahat?" galit na tanong ng isang estudyante.
Ngumiti lang si Tabitha dito. Kahit dinudumog na ito ng mga galit na estudyante ay
nanatili parin itong kalmado na parang sanay na sanay na ito sa ganoong klase ng
sitwasyon.
"It was just aŢ sabihin na nating, not so funny joke," ani Tabitha.
"Ano? Not so funny joke? Joke ba ang tawag mo doon ha?" galit na sagot agad ng isa
pang estudyante.
"Oh come on, sabihin ninyo nga sa akin. Kung totoo nga na kamatayan lang ang
makapaglalabas sa inyo sa paaralang ito ay paano naman iyong mga taong nagsasabi na
dito sila nag-aral aber? Sabihin ninyo sa akin kung paano iyon nangyari. Matatalino
kayo hindi ba?" mapang-asar na sagot naman ni Tabitha.
Biglang natahimik ang lahat. Bawat isa ay halatang napaisip sa sinabi nito. Maging
siya ay bigla ring natigilan. Hindi naman kasi siya basta nalang kumuha ng exam sa
Wisconsin University nang hindi nag i-imbestiga. Syempre bago niya iyon ginawa ay
nag background check muna siya. Inalam niya kung anong klase ba ng paaralan ang
gusto niyang pasukin. Sa paghahanap niya ng kasagutan ay wala naman siyang nakitang
kapintasan para sa paaralang iyon. Lahat ng nabasa at napanuod niya ay puro
magagandang bagay lang na nagawa ng Wisconsin. Napakarami na nitong natulungang
estudyante pagdating sa usaping pananalapi. Lahat ng lumabas sa paaralang iyon ay
maganda na ang katayuan sa buhay dahil sa kanilang mga trabaho. Kaya sa tingin niya
ay nagsasabi ng totoo si Tabitha.
Sinimulan na nitong maglakad kaya naman isa-isa na rin itong sinundan ng mga
estudyante. May iilan paring nagbubulungan pero mukhang lahat naman ay tila
kalmado na. Mukhang lahat sila ay napaisip sa sinabi nito at na realise na may
punto naman ito.
"Hindi naman talaga nakakatawa iyong joke ni Lady Vhern e," bulong sa kaniya ni
Lara. Kasabay niya itong naglalakad. Nginitian niya lang ito.
Dinala sila ni Tabitha sa isang malaking bahay. May kalumaan na ang bahay na iyon.
Para iyong pinaghalong modern at antic house. Pinagsama ang makaluma at makabagong
desenyo. Ang mga poste niyon ay gawa sa malalaking kahoy na may nakaukit na mga
hindi niya mawaring salita. Ang mga bintana niyon ay gawa sa hinabing yantok na
pa-slide kung bubukasan at isasara na pino-protektahan ng makakapal na bakal na
grills.
"Ito ang tutuluyan ninyo, habang nandito kayo sa Wisconsin." Binuksan ni Tabitha
ang malaking pinto ng bahay at nauna ng pumasok sa loob. Agad sumunod sa kaniya ang
mga excited na estudyante.
Bagong experience iyon para sa kaniya. Hindi niya tuloy maipaliwanag ang
nararamdaman niya. Kinakabahan siya na nae-excite. Pinagala niya ang tingin niya sa
loob ng bahay. May dalawang palapag iyon. Sa baba ay mayroong kusina, banyo at
malaking sala. Sa tantiya niya ay puro kwarto naman ang nasa itaas.
"So sama-sama pala kaming lahat sa isang bahay huh?" Ta-tango tangong tanong ng
isang lalaking may katangkaran. Medyo kulot ang maikli nitong buhok. Parang itong
iyong bida sa isang palabas na anime noong dekada nobenta. Iyong tungkol sa isang
binatang may pulang buhok na naglalaro ng basketball. Hindi nga lang kulay pula ang
buhok nito pero may hawig ito doon.
"So, ito na ang magiging bahay namin sa loob ng apat na taon?“ tanong naman ng
isang babaeng may kaiitiman.
"Yeah, but don't you worry dahil marami namang kwarto ang bahay na ito kaya kahit
mag tag-iisa pa kayo ay hindi iyon magiging problema," sagot naman ni Tabitha dito.
"Iyong schedule naman namin?" tanong naman ng isang babae. Siya rin iyong nagtanong
kanina kay Lady Vhern tungkol sa magiging pananatili namin dito. Kahit medyo
kinulang siya sa height ay biniyayaan naman siya ng mala-dyosang mukha. In other
word, she's beautiful. Wala iyong duda.
"Mamaya ay makukuha ninyo ang inyong mga schedule, together with your uniforms. For
now, free kayong gawin ang gusto ninyo. Pwedeng kayong maglibot-libot sa Wisconsin
University, kung gusto ninyo," sagot dito ni Tabitha. "Ano? Meron pa bang may mga
tanong sa inyo? Dahil kung wala na ay aalis na ako at marami pa akong dapat na
asikasuhin."
"Dahil ako naman ang unang nagsalita ay ako na rin ang unang magpapakilala. Ako nga
pala si Alexandria, graduated at Dixon High. Pangarap ko talagang maging attorney,
pero pinili kong dito mag-aral kahit walang label ang pag-aaralan natin dito. Medyo
na-curious kasi ako sa mga nababasa ko about this school eh. Ang sabi nila ay halos
lahat daw ay itinuturo dito. Kaya iyon. Sana ay sabay-sabay tayong lahat na
makapagtapos." Para siyang class president kung makapagsilata. Ang galing sana kung
nakikinig sa kaniya ang lahat. Meron kasing ilan na nagku-kwentuhan e. Parang mga
wala itong pakialam.
Teka nga. Dixon High? Iyon ang pinaka malaking school sa lugar namin ah. Isa iyong
paaralan na para lang sa mga nakaka-angat sa buhay. At dahil doon siya galing ay
siguradong mayaman siya.
Kasunod ni Alexandria ay iyong mala-diyosang kinulang sa height naman ang
nagpakilala. "Hey guys, I'm Scarlet. Kaibigan ko si Alexandria, and like what she
said. Sana ay maging friends nga tayong lahat. Hihi."
Next to her is another young lady. May nakasukbit na malaking headphone sa leeg
nito at nakasuot ng skinny jeans. Medyo natatabunan ng bangs ang mukha nito. Cool
na cool lang itong tumayo at lumakad paalis sa harap nila. "Pwede ninyo akong
tawaging Clarrise, bahala kayo. Pero pagod na ako kaya mauuna na akong humanap ng
magiging kwarto ko bye."
"Pagpasensyahan ninyo na si Clarrise ha, uh medyo pagod lang kasi talaga siya eh.
Ang layo pa kasi ng naging biyahe namin. By the way I'm Denver, kaibigan ko siya,"
pagtatanggol dito ng isang lalaki. Yumuko ito sa kanilang lahat at tumakbo para
habulin si Clarrise.
Narinig pa nilang nagtatalo ang dalawa habang naglalakad pero hindi nalang nila
iyon binigyan pa ng pinansin. Baka kasi may lovers quarrel sila e, and it's
personal.
"Hi everyone, I'm Lara. Nice to meet you all. Sobrang excited talaga ako dahil
first time kong may makakasamang mga kaedad ko sa iisang bahay hihi. Sana
magkasundo tayong lahat," biglang singit ni Lara.
Napangiti siya. Napaka good vibes kasi nitong kasama. Lagi itong nakangiti, kaya
siguradong magkakasundo talaga silang dalawa.
"Psh. That's impossible. How pathetic!" iritang litanya ng isa pang babae. Tumayo
ito sa kinauupuan niya at umiiling na lumayo sa lahat.
"Hindi talaga nawawala ang mga mangkukulam sa isang kwento, ano?" ani Kyra.
Hindi naman sa mukhang mangkukulam ang babae. Maganda nga ito e. Ang ugali nito ang
tinutukoy niya. Para kasi itong mangkukulam na napaka negative ng binibigay na
vibes e.
"Bad vibes, stay away. Layuan mo ang mga batang ito." Nagwasiwas ng panyo si
Scarlet at nag palalakad-lakad paikot sa kanila. Nag kunwari itong albularya na
parang nagpapalayas ng masamang espiritu kaya nagtawanan silang mga nanunuod dito.
"Ok, back to our thing. Uhm, how about you? Wala ka namang balak na mag walk-out
hindi ba?"
Medyo nabigla pa siya ng tumingin sa kaniya si Alexandria pero agad din naman
siyang ngumiti dito. "Uh, ako nga pala si Kyra. Actually, kaya ko napiling mag-aral
dito ay dahil iyon sa ino-offer ng school na free education. So, asahan na ninyo na
magiging competitive ako. Pero siyempre, gusto ko parin kayong maka-close since
apat na taon tayong magkakasama kaya naman feel free to chat with me. Mabait po
ako, promise."
Next to her ay sumunod namang nagpakilala ang isa pang babae. "Ako si Paloma.
Simple lang ang gusto ko, ang maka-graduate sa Wisconsin University. At para magawa
iyon ay alam kong kakailanganin ko ang mga tulong ninyo. Kaya sana magtulungan
tayo."
"I'm Nilo. Nice meeting you all," pakilala naman ng isang lalaki na katabi ni
Paloma. Kanina pa magkasama ang dalawang iyon. Sa tingin niya nga ay may relasyon
ang mga ito. Para kasing ang sweet nila sa isa't-isa e.
"Hi I'm Lorraine. Hopefully we all enjoy our moment here," sabi naman ng isang
babae na medyo chubby. Parang sa lahat ay siya ang pinaka matalino. Hindi ko alam
pero iba kasi ang dating ng suot niyang salamin sa mata e. Ang lakas maka-genius.
"I'm Jessie. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dito pero sana tulangan ninyo
ako sa maraming bagay. Alam ko kasi na marami pa akong kailangang matutunan,"
pakilala naman ng isa.
Nang makapag-salita na ang lahat ng naroon ay pumaling ang tingin namin sa dalawang
natitirang lalaking hindi pa nagpapakilala. Iyong lalaking kulot ang buhok na
nagsalita kanina at iyong isa pang lalaking nakapatong ang paa sa center table at
nakatakip nang jacket ang mukha.
"Ow. Ako na ba?" Kakamot-kamot ulong sagot ng lalaking may kulot na buhok. Dali-
dali itong tumayo at bahagyang nagyuko ng ulo. "Anyway, I'm Sanzo. Iyon lang.
Haha."
Pagkatapos nitong magsalita ay binilang ni Kyra sa kamay niya ang lahat ng mga
estudyanteng nagpakilala. Bukod doon sa witch na nag walk-out, at do'n sa lalaking
natutulog ay kulang pa sila ng isa.
Tahimik niyang pinagala ang tingin niya sa kabuuan ng bahay hanggang sa naaabot ng
tanaw niya. Wala na siyang ibang makita. Labing-dalawa ang lahat ng nagpakilala,
plus dalawang walang pakialam kaya naman labing-apat lang sila.
Nang banggitin niya ang tungkol doon ay kani-kaniyang recount ang ginawa ng bawat
isa. Maging siya ay paulit-ulit rin na nagbilang sa isip niya. Gusto niya rin
kasing makasigurado.
Siya, tapos si Lara, Alexandria, Scarlet, Clarrise, Denver, Paloma, Sanzo, Nilo,
Lorraine, Agatha at si Jessie. Labing-dalawa na. Tapos iyong babaeng mangkukulam at
iyong natutulog na lalaki. Bale, labing-apat na lahat. Kulang talaga.
Imposible namang nagkamali lang siya ng pagbibilang kanina nang nasa opisina palang
sila ni Lady Vhern. Imposible dahil ilang beses niya iyong paulit-ulit na ginawa
dahil gusto niyang makasigurado na tama ang nakikita niya. Na labing-lima nga lang
talaga silang nakapasok sa Wisconsin University.
"Hala. Ang weird ah, bakit kulang nga tayo ng isa... " ani Alexandria.
Nagkatinginan sila ni Lara. Nagkibit-balikat lang ito. Mukhang wala itong idea sa
sinasabi nila. Samantala, iyong ibang estudyante naman ay nagsimula ng magbulungan.
May ilang tumango at sumang-ayon, at may iba namang paulit-ulit paring nagbibilang.
Lahat ay tila nakaramdam ng pagkalito.
"Alam ko na!"
Napatingin siya kay Lorraine ng magsalita ito. Ganoon din ang iba pa. Lahat nag-
aabang sa sasabihin nito.
"Iyong babaeng chubby na alon-alon ang buhok ang nawawala. Pero sigurado ako e,
kasama rin natin siyang pumasok dito sa bahay." Napuno ng kulubot ang noo ni
Lorraine halata na napakalalim ng iniisip nito.
Doon lang naalala ni Kyra kung sino ang tinutukoy nito. Iyon ay ang babaeng panay
ang kain kanina. Mas mataba pa iyon kay Lorraine. Medyo chubby lang ito pero iyong
tinutukoy nitong babae ay may kalakihan talaga.
"Tuloooonnng..."
Lalong nadagdagan ang takot niya ng marinig ang mahinang unggol ng nasa kabila.
Humihingi ito ng tulong. Ang ibig lang sabihin noon ay may nangyayaring masama
dito. Kailangan sila nito.
Nagkatitigan sila ni Sanzo. Tumango ito sa kaniya tapos hinawakan na nito ang
doorknob. Hindi niya napigilang mapalunok habang iniikot nito ang seradura ng
pinto. Kahit bahagyang nag-aalala sa kung ano man ang kakaharapin nila sa kabila ay
pilit niyang nilalakasan ang loob. Hindi siya dapat na matakot o mag-alala dahil
marami naman silang naroon. Kung sakali mang may nananakit sa estudyanteng nasa
loob ay marami naman silang pipigil dito. Siguradong hindi ito mananalo sa kanila
kahit gaano pa ito kalakas at kagaling.
"Tulong..."
Parang hirap na hirap nang magsalita ang humihingi ng tulong. Nanatili siya sa
likod ni Sanzo. Siya ang tumutulak dito kapag nararamdaman niyang bahagya itong
umaatras.
Nang tuluyan ng nalantad sa kanila ang eksena sa loob ng dining area ay ang daming
estudyante ang tila nadismaya sa nakita ng mga ito. Naroon nga ang nawawalang
estudyante. Nakaupo ito sa harap ng lamesang nag uumapaw sa mga pagkain.
Halatang mga na disappoint sila sa nasaksihan nila. Tsk. Ano ba kasi ang gusto
nila? Paano pala kung may masama ngang nangyayari? Doon ba ay magdiriwang na sila?
Tsk. Mga pasaway. Sa tingin ko sa nga nagsilayasang estudyante ay hindi ko
namalayan na nilapitan na pala ni Sanzo iyong babaeng babaeng humihingi ng tulong.
Nakita ko nalang na yakap na niya ito habang paulit-ulit na binibigyan ng
mahihinang tapik sa likod.
Tinapunan ko ng tingin ang mesang nasa tabi ng babae.ł Punong-puno iyon ng iba't-
bang klase ng pagkain. Meron doong cake, fried chicken, mga prutas at ibat-ibang
uri ng pastry. Nakakatawa dahil kung anu-ano na ang iniisip namin tungkol sa
nawawalang estudyante pero heto at kumakain lang pala ito.
"You're my hero," sabi ng babae kay Sanzo sabay ganti nito ng yakap sa binata.
Nagtawanan tuloy ang mga naiwan sa kwartong iyon. Lalo pang lumakas ang tawanan
dahil sa inarte ni Sanzo. Para kasi itong diring-diri na tinanggal iyong kamay ng
babaena nakayakap sa kaniya pagkatapos ay parang bata itong nagtago sa likuran ko.
Ewan ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Hindi naman kasi pangit iyong babae
para pandirian niya e. Ang totoo'y maganda nga ito. Kahit medyo chubby ay sexy
parin itong tingnan. Meron naman kasing curve ang katawan nito.
"I'm Beatriz. Uh pasensiya na. Medyo nagutom kasi ako kaya hinanap ko agad ang
kusina e. Sakto naman dahil ang daming foods dito kaya iyon. Kumain na ako, hehe,"
paliwanag ni Beatriz.
"It's ok. Hindi mo na kailangang humingi ng pasensiya para sa bagay na iyon," sagot
dito ni Alexandria.
"Hay, oo nga. Ayos lang iyan. Lahat naman ng tao nagugutom e. Lahat natutulog,
nangungulangot, umuutot, umiihi, kumakain at tumatae, diba? So what's the big
deal?" litanya naman ni Scarlet.
"At talagang pinagsama mo pa ang kumakain at tumatae ah, your so gross Scarlet."
Naiiling na sita naman ni Lara dito sabay lakad palayo. Agad nan siyang sinundan ni
Scarlet.
"Oo nga, pero ang yuck lang kasing pakinggan eh," sagot agad ni Lara.
Habang natatalo ang dalawa ay lumapit ako kay Beatriz at para ako naman ang
magpakilala.
"Oh hi, Kyra. Friend mo ba iyong pogi na iyon?" Nguso nito kay Sanzo. "Nakita ko
kasi kanina na nakakapit ka sa kaniya eh, close ba kayo? Boyfriend mo ba siya?"
dugtong niya.
"Hindi ah." Tumatawang sagot ko.
Tila nagkislapan naman ang mga eyeball ni Beatriz ng sabihin ko iyon. Siguro ay
type niya si Sanzo?
Agad akong hinabol ni Denver pagkatapos kong mag walk out. Dahil sa paglalakad ko
nang mabilis ay nasa taas na ako ng hagdan bago niya ako naabutan. Doon ay
hinawakan niya ang braso ko kaya napilitan akong tumigil sa paglalakad.
"Hey, ano bang problema? Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah," asar na tanong
niya. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago malamig na tumitig sa
kaniya.
"D*mn it Clarrise! Bakit ka ba ganiyan ha? Galit ka parin ba dahil sinundan kita
dito? Pwede ba, huwag ka namang umarte na parang bata ngayon."
"Oo. Tama ka. Akala ko nga matutuwa ka dahil alam mo na hindi ka nag-iisa sa labang
haharapin mo."
Muling kinuha ni Denver ang kamay ko. Muli rin akong napatitig sa kaniya.
"Clarrise, kahit hindi mo sabihin alam kong kailangan mo ang tulong ko. Kaya nga
ako nandito e. Handa akong tulungan ka sa paghahanap ng kasagutan. Maghahanap
tayong dalawa. Magkasama tayong dalawa sa bagay na ito. Sana naman huwag mong
ipagdamot sa akin ang bagay na tangi kong magagawa para sa'yo," mahinahon pero may
diin na paliwanag ni Denver.
Tinawanan ko lang siya. Iyong tawa na parang nakakaloko. "Alam mo nakakatawa ka.
Tanong ko lang ha, ilang beses ba kitang dapat na bastedin para tigilan mo na ako
huh? Para kang aso Denver, habol ka nang habol," ani ko.
Napakunot ang noo niya at napamura pa siya. Ilang beses din siyang umiling-iling,
tanda na hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
Ramdam kong naiinis na siya pero nanatili siyang kalmado kung magsalita, "Clarrise,
alam mong nag-aalala ako sa'yo."
"Wala kang kailangang gawin para sa akin Denver. Hindi ko kailangan ng pag-aalala
mo. Baka nakakalimutan mo, nakapasok ako sa school na ito dahil matalino ako. Iyon
lang ang kailangan ko. Kaya ko na ang sarili ko." Hinila ko na ang braso kong hawak
niya at humakbang palayo.
Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng muling hilahin ni Denver ang braso ko.
Pwersahan niya akong iniharap sa kaniya at niyakap nang mahigpit. Sandali kaming
nabalutan ng katahimikan. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakilos.
Sa totoo lang, masaya naman talaga ako dahil nandito siya ngayon e. Pero, hindi ko
siya gustong mapahamak. Ayokong maging dahilan ng kung anumang masamang pwedeng
mangyari sa kaniya.
Hindi ko gustong mapahamak si Denver. Hindi ko gusto pero alam kong puro
kapahamakan lang ang aabutin namin sa lugar na ito. Kaya hindi ko na alam kung ano
ang gagawin ko para ilayo siya sa kapahamakang iyon.
Kaya nga mahigpit ang security nila pagdating sa mga intern students na tinatanggap
nila e. Dahil hindi talaga nila gusto ng maraming estudyante. Dahil mas marami ay
mas makatatawag ng pansin. Ayaw nilang may makaalam sa itinatago nila. Oo, may
itinatagong baho ang paaralang ito. Sigurado ako roon kaya gagawin ko ang lahat
para malaman ang dapat kong malaman.
Naramdaman ko ang mahinang paghaplos ni Denver sa likuran ko. Hindi ko man gusto
pero kumawala ang maliliit na butil ng tubig sa mata ko. Parang tino-torture niya
ako sa pamamagitan ng pag-aalala niya. At dahil naaapektuhan ako, ang pakiramdam ko
tuloy ay napakahina ko.
Ughhhh. This can't be! Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.
"Pwede ba Denver tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin kaya 'wag ka ng
umasa. Please, tigilan mo na ako," madiin kong sabi. Sinadya kong bigyan ng diin
ang mga katagang iyon para masaktan ko ang damdamin niya. Para tumigil na siya.
Napansin kong medyo nabigla si Denver. Hindi ito nakakilos. Tama lang iyon para
makaalis ako sa harapan niya. Agad akong tumalikod sa kaniya at nagbukas ng unang
kwartong na tiyempuhan ko at nag lock ng pinto.
Napapikit ako nang mariin. Asar kong ginulo ang buhok ko, pagkatapos ay inihagis ko
sa kama ang dala kong bag. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Dumagdag pa kasi itong
si Denver sa isipin ko e. Pati tuloy siya ay aalalahanin ko pa ngayon. Bestfriend
ko siya kaya hindi ko siya pwedeng basta nalang pabayaan.
---
Ilang oras narin akong nandito lang sa kwartong pinasok ko. Nagdadalawang-isip
akong lumabas e. Hindi ko kasi alam kung paano ko haharapin si Denver. Hindi ko
alam kung ano na naman ang sasabihin ko para iwasan na niya ako.
Lumakad ako palapit sa bintana. Tumayo ako doon at sumilip sa labas. Kanina pa
lumubog ang araw. Dahil napalitan na iyon ng buwan at mga bituin ay hindi na
gaanong kita ang mga ulap. Mabuti nalang ay may ilang poste ng ilaw ang nakatayo sa
gilid ng pathway kaya hindi gaanong madilim sa labas.
"Diyan nakatira yung mga intern di'ba? Sa tingin mo, ilan kaya ang matitira sa
kanila? Huh?"
Napayuko ako sa ibabang bahagi ng bintana ng marinig ko iyon. Dalawang babae ang
nakita kong nag-uusap. Nakatayo sila sa tapat ng tinutuluyan namin. Nang
mapatingala ang isa sa kanila at nakita ako ay mabilis nitong hinila papalayo ang
kasama niya. Sayang at hindi ko natitigang mabuti ang mga mukha nila. Kung nakilala
ko sana sila ay pwede mo silang komprontahin bukas. Pwede kong alamin kung ano ang
tinutukoy nila.
"Diyan nakatira yung mga intern di'ba? Sa tingin mo, ilan kaya ang matitira sa
kanila? Huh?" Napakunot ang noo ko ng marinig ang mga katagang iyon.
Dahan-dahan akong lumapit sa may bintana. Pero ng sumilip ako ay nakita kong
naglalakad na palayo iyong dalawang babaeng nag-uusap kanina.
"HOY KYRA, NANDIYAN KA LANG PALANG BABAE KA!" sigaw ni Lara. Sa gulat ko ay
tumambol ng malakas ang dibdib ko.
Bigla akong napaharap sa kaniya. Tapos bigla kaming nagkatitigan. Doon ay tila
bigla nalang bumalik sa isip ko ang mga tanong na kanina ko pa pinag-iisipan.
Katulad na lang ng...
Nagka-amnesia ba ako? Bakit parang pamilyar sa akin ang ilan sa mga intern student?
Katulad nalang nina Lara, Alexandria, Scarlet, Beatriz, Clarrise, at si Denver?
"Teka, ano bang iniisip mo ha babae?" Tumayo sa tabi ko si Lara at sumilip din siya
labas ng bintana. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa akin.
"So, kelan ba tayo nagkasama? Tsaka saan?" Biglang kinapa ni Lara ang noo ko, tapos
gamit ang isa pa niyang kamay ay ikinumpara niya ang temperatura naming dalawa.
"Wala ka namang lagnat ah. Naaksidente ka ba at nagka-amnesia ha? Bakit ganiyan ang
mga tanong mo?Ţ
"Hindi naman ako naaksidente. Ewan ko nga e. Hindi ko rin maintindihan ang sarili
ko." Kinuha ko ang kamay ni Lara na nasa noo ko at hinawakan ko iyon ng mariin.
Kahit wala akong anumang maalala sa pinagsamahan namin na sinasabi niya, ang
pakiramdam ko ay talagang mapagkakatiwalan ko siya. Pakiramdam ko ay marami na
kaming nagawa ng magkasama. Katulad nalang ng pagkakahawak ko ng kamay niya ngayon.
Parang hindi ito ang unang beses kong nagawa ito.
"Dixon High."
"Paano mo..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pero muling nagsalita si Lara.
"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo Kyra. Pero alam mo, kung ano man iyan.
Nandito lang ako. Tutulungan kitang maalala mo ako. Ano pa at naging bestfriend
tayo," nakangiting sabi niya. Hinila na niya ang kamay niya kaya nabitawan ko na
iyon.
Hay. Sumasakit na talaga ang ulo ko sa mga sinasabi niya e. Ano ba talaga kasi ang
nangyayari sa akin? Bakit ayaw gumana ng maayos ang utak ko. May sakit ba ako?
Kailangan ko na bang kumunsulta sa doktor, patungkol sa kalagayan ko? Baka kasi
mamaya ay kung ano na ang sakit ko. Medyo nakakabahala na ito e.
"Hey you two, kung ayaw ninyong maubusan ng pagkain ni Beatriz eh pumunta narin
kayo sa kusina," paalala sa amin ni Scarlet. Naglalakad na ito papunta sa kusina
pero bigla itong tumigil ng makita kami. Nasa likod naman niya si Beatriz na agad
siyang hinampas sa balikat dahil sa sinabi niya.
"Hay, grabe ka Scarlet. Parang wala ako dito sa likod mo no." ani Beatriz dito.
Tumawa naman si Scarlet sabay peace sign. "Syempre joki joki lang iyon, 'to naman.
Hindi kaya halatang patay gutom ka. Haha."
"Baliw." Nag-pout naman si Beatriz sabay balik sa paglalakad. Agad naman siyang
hinabol ni Scarlet. Pagkatapos ay inakbayan siya nito.
"Ito naman ang daming dama. Joke nga lang po diba? Ang cute mo lang kasing asarin.
Pero alam mo, ngayon palang love na kita. Sa tingin ko pwede tayong maging
bestfriend."
"Laaaa grabe siya oh. Ngayon pa nga lang tayo nagiging close eh ihu-HU U mo na ako
kaagad?"
"Sabi ko 'pag pumayat ako. Ngayon na ba iyon? Payat na ba ako? Hindi pa naman
diba?“
“Ay oo nga. Tara pakakainin kita nang sobrang dami para hindi ka na pumayat. Haha."
"Iyan. Ganiyan nga. Dapat lang suportahan mo ako sa hobby ko kung gusto mo talagang
maging close tayo.."
Kahit medyo nakalayo na ang dalawa ay dinig parin namin ni Lara ang pag-aasaran ng
mga ito. Parehas tuloy kaming napangiti.
"Ano? Kain na rin tayo? Later nalang natin gamutin iyang amnesia mo. Let's go," aya
narin sa akin ni Lara. Nauna na siyang lumakad papunta sa dining area kaya naman
napilitan narin akong sumunod sa kaniya.
---
Marahas kong dinampot ang basong nakapatong sa mesa at ibinato ko iyon sa lalaking
nakayuko sa harapan ko. Agad sumirit ang dugo mula sa noo niya. Magpasalamat siya
at hindi ko nadali ang mata niya, kung hindi ay bulag siyang lalabas ng opisina ko.
Nakita kong nasaktan siya pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Para siyang
estatwa na handang tanggapin ang anumang ibabato ko sa kaniya.
"SH*T! Alam mo ba, kung gaano kalaki ang pwedeng mawala sa akin ng dahil sa
kabobohan mo ha?" singhal ko sa kaniya.
"Sorry po talaga boss. P-pero inaayos na po ng mga tauhan ko ang lahat," paghingi
niya parin ng tawad.
"Inaayos? Alam mo wala naman sanang problemang inaayos ngayon e. Iyon ay kung
ginagawa mo lang sana ng mabuti ang trabaho mo. Sana, noong simula palang ay tsinek
mo na ng mabuti ang lahat. Para saan ba at binabayaran kita ha? Iyan na nga lang
ang trabaho mo e, pa-palpak ka pa. Napaka wala mong kwenta! Magpasalamat ka at may
talento ka, dahil kung wala ay inihagis na kita sa bintana kanina pa."
"Sorry po talaga."
Habang kumakain kami sa kusina ay dumating si Tabitha. Tanaw ko ito mula sa pwesto
ko. May kasama itong mga lalaki na may mga dalang kulay itim na kahon na may pulang
desenyo. Nang mailapag na ng mga ito ang mga dala nila ay isa-isa narin silang
nagsialisan. Samantalang si Tabitha naman ay nagpaiwan. Tumayo ito sa gitna ng mga
estudyanteng nakatambay sa may sala.
"Narito na ang uniform ninyo. Tag-limang pares ang laman ng bawat kahon. Hanapin na
lamang ninyo ang kahon na nakalaan para sa inyo. Nariyan na rin ang magiging
schedule ninyo para bukas," ani Tabitha sabay tingin sa direksyon namin. Mukhang
inaalaman niya kung lahat ba ay nakikinig sa sinasabi niya.
"Sandali? Bakit pare-pareho kami ng mga schedules? Ano 'to lokohan? Bakit wala sa
mga subjects ko ang para sa kursong kinuha ko?Ţ Galit na tumayo si Lorraine habang
iwinawasiwas sa ere ang hawak niyang papel.
Agad namang nagtayuan ang mga estudyanteng naroon at nilapitan ang mga kahon.
Pagkatapos nilang kuhain ang kani-kaniyang kahon ay nagsimula ng magkaroon ng
komusyon sa sala. Biglang nagkagulo ang lahat. Kani-kaniyang bulungan ang mga
intern students. Sa dami ng sabay-sabay na nagsasalita ay wala na akong marinig ng
maayos.
"Anong ibig sabihin nito Tabitha? Paano na iyong mga kursong kinuha namin? Bakit
hindi iyon ang pag-aaralan namin?“ sigaw ni Sanzo. Dali-dali itong lumakad palapit
kay Tabitha at tumayo sa harap nito.
Nagkakagulo parin ang lahat kaya nagtaas na ng kamay si Tabitha. Para siyang nag
stop sign na agad namang sinunod ng mga nakapalibot sa kaniya. Nang wala ng
natirang nagsasalita ay tsaka tumikhim si Tabitha at siya naman ang nagsalita.
“Sa tingin ba talaga ninyo ay narito kayo para mag-aral lang? Ano bang iniisip
ninyong lahat ha? Na narito kayo bilang mga ordinaryong estudyante?" nakangising
tanong ni Tabitha.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi nga ba pinapili n'yo pa kami ng kukuhain naming kurso
noong interview?“ sabat naman ni Paloma.
"Tama. Pero wala kaming sinabi na ang kursong sinabi ninyo ang pag-aaralan ninyo.
Meron ba?" sagot ni Tabitha.
"Hindi ito kalokohan. This is real. And you all have to deal with it," wika ni
Tabitha. Muling tumingjn sa direksyon namin si Tabitha. Nang makita niyang
nakikinig pa rin kami sa kaniya ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita. "You all have
to deal with it. Narito na kayo kaya kailangan ninyong gawin at sundin ang lahat ng
patakaran ng paaralang ito. Mag-aaral kayo ng iba't-ibang lengguwahe, magpapaka-
dalubhasa sa paggamit ng iba't-ibang klase ng armas. Lahat ng kaalaman na ginagawa
lang ng mga espesyalista ay ituturo ng Wisconsin University sa inyo. Sa madaling
sabi, mas maganda pa ito kesa isang kurso lang ang pagtutuunan ninyo ng pansin."
"Ano?"
"Armas?"
"Mas maganda?"
"A very special school," sagot niya. Naiiling na siyang muling tumalikod at tuloy-
tuloy na lumabas ng bahay. May ilang humabol pa sa kaniya pero karamihan sa nasa
sala ay nanatili nalang roon habang nagpapalitan ng mga kuro-kuro.
"Narinig ninyo ba iyon? Ano ito magiging secret agent ba tayo ha at may pa-ganon pa
tayong pag-aaralan?" tanong ni Lara.
Agad nabaling sa kaniya ang tingin ko. Nakatingin na rin sa kaniya ang iba pa
naming kasamang kumakain sa kusina.
"Alam ninyo, parang gusto ko ng umuwi. As in, now na," ani Beatriz. Hindi ko alam
kung seryoso ba ito sa kaniyang sinasabi dahil patuloy lang naman ito sa masarap na
pag lantak sa mga nasa plato niya na parang wala lang naman sa kaniya ang
nangyayari.
"Sa tingin ko hindi mo na iyan magagawa ngayon," sagot naman ni Clarrise. Kanina pa
ito tahimik at hindi namamansin. Mabuti nalang at mukhang handa na itong makipag-
kwentuhan ngayon.
"Ano? Teka, ano bang nakasulat sa form ang sinasabi mo? Binasa ko naman ang form
ah, wala naman akong nakitang kung ano do'n na may kinalaman sa pag-alis sa
Wisconsin," ani Alexandria.
"Tsk. Buntot mo, hila mo. Tanong mo, sagutin mo." sagot naman dito ni Clarrise
sabay lakad palabas ng kusina.
"Siraulong babae iyon ah. Ang sarap patulan," galit na bulong naman ni Alexandria.
Habang nakikinig ako sa pag-ungot niya ay nanatili lang akong nakatitig kay
Clarrise. Pagkatapos nitong kumuha ng kahon ay umakyat na ito sa ikalawang palapag
ng bahay.
---
Pagka-alis ni Lara ay muli kong binalingan ang mga natitirang kahon. Tatlo nalang
ang naroon. Isa-isa kong binasa ang pangalan na nakasulat sa bawat box.
Quartz Villacorta? Mukhang ito iyong lalaking natutulog kanina ah. Nasaan na kaya
ito?
Pagkatapos kasi ng pagpapakilala kanina ay hindi ko na ito muli pang nakita.
"Shit! Bakit walang signal?" Napatingin ako kay Sanzo ng magsalita ito. Inis na
inis itong pilit itinataas ang hawak na telepono.
Sa sinabi niya ay minabuti kong tingnan din ang phone ko para malaman kung pareho
kaming walang signal. At totoo nga. Wala ngang signal. Kahit isang bar ay walang
naka-rehistro sa cellphone ko.
Bakit biglang nawala ang signal? Hindi naman sobrang liblib nitong school ah. At
saka kanina, bago ako pumasok ay natawagan ko pa ang ate ko. I even posted a photo
on my instagram.
"Nagsisimula na," bulong ni Paloma kay Nilo. Naka-pwesto ang mga ito sa sulok ng
sala.
Nang mag ngitian ang dalawa ay medyo nahintakutan ako. Lalo na sa paraan ng
pagtititigan nila. Parang kasing may alam sila na hindi nila sinasabi sa amin. Ano
kaya iyon? Ano ba iyong nagsisimula na? Lalapit sana ako sa kanila para magtanong
pero pinigil ako ni Lara.
"Bonding daw tayong mga girls. Nandoon na sila sa isang kwarto. Halika na," aya
niya sa akin.
Nginitian ko lang siya. Agad kong dinampot ang box na may pangalan ko at agad na
sumunod sa kaniya. Tsaka ko nalang siguro iisipin iyong mga pinagsasabi nila Paloma
at Nilo. Medyo nakakapagod din kasing mag-isip eh. Medyo pagod na ang utak ko
kakaisip at sa tingin ko ay maganda ngang idea ang pakikipag-bonding sa mga girls.
"Oy, hi girls. Tamang-tama lang ang dating ninyo. Halina kayo dito at maupo na
kayo," aya sa amin ni Beatriz. May hawak itong bowl ng potato chips. Kahit
katatapos lang naming maghapunan ay may kinakain na naman ito.
"They say, na once na pasukin mo ang school na ito ay isa lang ang pwede mong
daanan palabas? At iyon ay ang kamatayan."
Iyon na iyon ang sinabi ni Lady Vhern kanina ah. Balak ba iyong gamitin ngayon ni
Lorraine para takutin kami?
"The hell Lorraine, ano namang trip 'to ha?" agad na puna sa kaniya ni Alexandria.
"Teka. Akala ko ba real talk tayo ngayon. So, ano ba iyang sinasabi mo huh?" medyo
asar na sita naman ni Jessie.
"Excuse me, pero totoo ang sinasabi ko no. Nabasa ko iyon sa isang
mapagkakatiwalaang site," kumpiyansang sagot naman ni Lorraine.
"Anong site Lorraine? Iyong Lady Vhern site ba?" tanong naman ni Scarlet sabay
tawa.
"Excuse me hindi ko na kailangang mag-open ng porn site no. Ang healthy kaya ng s*x
life ko. Haha," Ani Lorraine. Inirapan nito si Jessie at muling humarap sa aming
lahat. "Galing iyon sa isang napaka reliable na website. Alam ninyo kasi, ang daddy
ko ay nagta-trabaho sa isang ahensiya ng gobyerno kaya marami siyang alam na hindi
alam ng mga ordinaryong tao na katulad ninyo." sabay pasikat nito.
"Totoo nga iyon. Pero kung ayaw ninyong maniwala, bahala kayo," naka pout na sagot
ni Lorraine.
"So ano pa ang nabasa mo sa site ha?" Biglang singit ni Paloma. Nakakagulat ito,
dahil bigla nalang itong sumulpot sa likuran ko. Hindi ko naramdaman ang paglapit
niya kaya ganon nalang ang pagkalabog ng dibdib ko.
Sa sinabi ni Paloma ay biglang may kinuha si Lorraine mula bag niyang nasa tabi
niya. Isa iyong piraso ng papel. Sa sobrang pagkakatupi niyon ay ilang ulit na
kinalikot iyon ni Lorraine bago tuluyang mailantad sa amin.
"Once your in, DEATH is the only way out. Totoo talaga iyon. Hindi lang iyon biro
ni Lady Vhern. At ito ang katibayan ko." Inilahad ni Lorraine ang hawak niyang
papel at ipinakita sa lahat. Sa bilis no'ng dumaan sa mukha ko ay wala naman akong
nabasa na kahit ano.
"Isa itong report tungkol sa Wisconsin. Ilang ganito na ang nabasa ko, pero mabilis
itong nawawala sa internet bago pa man kumalat kaya hindi nakakarating sa publiko,"
wika ni Lorraine.
"Oh e, ano nga ang nakasulat diyan? Pabitin ka naman e," reklamo parin ni Jessie.
"Nakasulat nga dito, iyong katagang— Once your in, death is the only way out," ani
Lorraine.
"So, ano namang ibig sabihin no'n? Ano bang nakasulat diyan tungkol doon?" curious
na tanong ni Paloma.
Napalunok ako ng marinig ang naging sagot niya. Pakiramdam ko ay hindi tumatakbo ng
maayos ang dugo ko sa katawan. Bigla ring kumalabog at nagwala ang dibdib ko.
Nandito ako para mag-aral no, hindi para mamatay. Kaya kung sakali...
Meron pa siyang ipinakitang papel sa amin. At sinasabi niyang ang mga nakasulat daw
doon ay iyong mismong nabasa niya. Pina-print niya daw iyon, para mayroon siyang
ebidensya. Hindi ko na iyon pinag-aksayahan pa ng oras na tingnan dahil alam ko
namang nananakot lang siya. Pero sa kabilang banda, ay parang napaisip rin ako sa
pinagsasabi niya. Para kasing totoo ang ebidensya niya e. At tsaka parang
siguradong-sigurado siya kanina habang nagku-kwento siya.
"Oy, pasabay ah. Ihing-ihi na ako e," ani Paloma. Nagmamadali siyang nagbaba ng
shorts niya at naupo sa inarkila niyang trono. Hindi na ako humarap sa kaniya,
tiningnan ko lang siya mula sa salaming nasa harap ko.
"Hindi ba may CR naman sa taas? Bakit bumaba ka pa dito?" takang tanong ko.
"Ah, naunahan kasi ako ni Lorraine doon eh. Nakakainis iyong babaeng iyon. Aba
nakipagkarera pa sa akin e. Parang takot na takot na mauna ako sa kaniya. Akala mo
may itinatago sa banyo e," halatang inis na sagot niya.
Pagkatapos kong hugasan ang ginamit kong toothbrush ay lalabas na sana ako ng banyo
pero pinigil ako ni Paloma.
"Ah, natatakot kasi ako eh." Sinimulan ng tumayo ni Paloma sa tronong ginamit niya.
Dumiretso siya sa maliit na lababong pinanggalingan ko at nahugas ng kamay. "Ewan
ko ba. Ito kasing si Lorraine eh, kung ano-anung pinagsasabi."
"Malay mo, iyon nga iyong gustong mangyari ng babaeng iyon diba? Ang takutin tayong
lahat para hindi tayo makapag aral ng maayos. Psh. For all I know gawa-gawa niya
lang iyong kwento na iyon."
Nang matapos na siyang maghugas ng kamay ay humarap na siya sa akin. "Pero, paano
kung totoo nga?"
"Paano mo naman nasasabi iyan ha? Naniniwala ka ba sa babaeng iyon?" medyo inis
kong tanong. Hindi kasi siya nakakatulong sa ginagawa kong pagpapatapang ng sarili
ko eh.
"Iyong kuya ko kasi. UhmŢ hindi kami galing sa mayamang pamilya. Kaya si kuya ay
maraming napapasukang kalokohan. Kasama na doon iyong mga gang na sinalihan niya.
And one time ay may nabanggit din siya tungkol sa school na ito. Syempre galing ang
impormasyon na iyon sa mga gangters na kasama niya, kaya hindi ko iyon
pinaniwalaan."
"Anong kwento?"
"Ang sabi niya, marami na daw ang pumasok sa school na ito na hindi nakalabas."
"Kung alam mo na pala ang tungkol sa school na ito, eh bakit nandito ka ngayon?"
Pagkasabi ko noon ay ngumisi nang sobrang laki si Paloma. Dahil do'n ay bahagya
akong napaatras. Pakiramdam ko ay bumagal ang tibok ng puso ko. Humakbang siya
palapit sa akin. Hindi parin nawawala ang ngisi sa mukha niya. Unti-unti na akong
pinagpapawisan ng malamig. Hindi narin ako makakilos sa kinatatayuan ko.
"HAHAHA. Nakita mo sana ang mukha mo. " Tumatawang sabi niya.
Sa sobrang inis ko ay itinulak ko siya. Bahagya naman siyang napaatras pero hindi
parin siya tumitigil sa pagtawa kaya tinalikuran ko na siya.
Ughh nakakainis!
---
5:04am
"AHHHHHHHHH..."
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyon. Maging ang
mga kasama ko sa kwarto ay pupungas-pungas din ng mata.
"Narinig n'yo ba iyon?" tanong ni Kyra. Maingat itong tumayo para hindi matapakan
ang katabi niyang si Lara na nag-iinat pa.
"Sa tingin ko narinig nating lahat iyon," sagot ko naman. Tumayo narin ako.
Hindi naman kami nagpatay ng ilaw kagabi kaya maliwanag ang kwartong kinaroroonan
namin.
"Ano ba iyon? Bakit may sumigaw?" tanong naman ni Jessie. Tumayo narin ito.
Inintay naming makatayo ang lahat bago kami nakahilerang lumabas ng kwartong iyon.
Nasa unahan namin si Kyra at Alexandria. Pagkabukas nila ng pinto ay maliliit na
ilaw na nakasabit sa kisame ang tumanglaw sa amin. Agad nakatawag ang pansin ng
lahat ang nabukas na pinto at ilaw ng banyo na nasa pinaka dulong bahagi ng
hallway. Mukhang galing doon ang narinig naming sigaw.
"Anong meron?" Habang papalapit kami sa banyo ay bumukas ang kwartong tinulugan ni
Clarrise. Hindi ito sumama sa aming matulog sa iisang kwarto dahil hindi naman daw
ito natatakot.
Maliban kay Clarisse ay nagsilabasan narin ang mga lalaki at ibang babae na hindi
sumama sa aming matulog kagabi. Dahil maliit lang ang hallway ay nakahilera kaming
naglakad palapit sa banyo. Dahan-dahan ang ginagawang paghakbang ng bawat isa. Para
kaming nasa horror movie ng oras na iyon. May ilang nagtutulakan, may naghahawakan
ng kamay at may nagyayakapan. Lahat ay halatang kinakabahan sa kung ano man ang
meron sa dako pa roon.
Lihim akong napangisi habang pinagmamasdan siya. Psh! Akala mo kasi, kung sinong
matapang e. Duwag din naman pala. Tsk. Ano ba kasi ang nasa loob ng banyo?
Mukhang sa aming lahat ay ito ang mabilis mag-isip at matapang dahil hindi man lang
ito naging apektado sa mga nakita niya.
Well, ano ba naman kasi ang makakita ka ng isang malamig na bangkay na naliligo sa
sarili niyang dugo hindi ba? Wala lang naman iyon. No big deal. Gamit ang
sarkastikong tono.
Oo. May patay nga sa loob ng banyo. Si Lorraine. Nakasalampak ang katawan niya sa
sahig at naglalawa sa sarili niyang dugo. May malaking hiwa siya sa leeg. Mukhang
doon nanggaling ang dugong nasa lapag.
Bangkay? Dugo? Sh*t naman! May killer ba kaming kasama sa bahay na ito?
Pagkatapos naming ipaalam kay Lady Vhern ang nangyari sa bahay ay iniutos nitong
magtipon-tipon kami sa sala. May mga dumating na kumuha ng katawan ni Lorraine pero
mukhang hindi iyon mga pulis. Hindi man lang kasi nila siniyasat ang bangkay. Basta
nalang nila itong kinuha. Hindi rin sila nag-atubiling tanungin kami ukol sa
nangyari.
Napapikit ako ng maalala ko ang nakita ko kanina. Hindi ako makapaniwala na may
ganoong pangyayari akong masasaksihan. Nakakatakot ang itsura ni Lorraine kanina.
Nakadilat ang dalawa niyang mata na parang nakakita ng nakakatakot. Tapos may
malaking hiwa siya sa kaniyang leeg na naging dahilan ng masaganang pag-agos ng
kaniyang dugo. May ilang galos rin siya sa katawan, patunay lang na nagawa niyang
manlaban. Iyon nga lang, napaka himbing ng tulog naming lahat kaya walang nakarinig
sa kaniya.
Teka lang. Kung nanlaban si Lorraine bago siya namatay? Siguradong may nalikha
siyang pasa, sugat o galos man lang sa pumatay sa kaniya. Tama. Isa iyong clue.
Pero sino kaya?
"Maglibing? Paano na ang pamilya niya? Hindi ninyo ba sasabihin sa kanila ang
nangyari kay Lorraine?" tanong ko.
Lumingon at tumitig sa akin si Lady Vhern. Ilang segundo rin siyang nakatitig lang
sa akin bago sumagot.
"WHAT THE HELL? Ano bang sinasabi mo?" Galit na lumakad palapit si Jessie kay Lady
Vhern. Tapos nag cross arm ito sa harap niya.
"Kung ano man ang nangyayari dito ay dapat iyong manatili dito. Nakasulat iyon sa
form na pinirmahan ninyo as an intern students of Wisconsin University. Sana lang
ay hindi ninyo iyon kinaligtaang basahin," kalmadong sagot ni Lady Vhern. Nag smirk
ito kay Jessie atsaka muling bumaling ng tingin sa direksyon namin.
"Ano? Kalokohan iyon." Napatayo si Denver. Mukhang pati ito ay nagsisimula ng ma-
stress dahil sa nangyari.
"Ang nangyari dito ay isang pagpatay. Kailangan natin itong i-report sa mga pulis.
Kailangan nilang ma-imbestigahan ang nangyari. Kailangan nating malaman kung sino
ang pumatay kay Lorraine," sabi ni Alexandria.
Napailing-iling lang si Lady Vhern. "Kung gusto talaga ninyong malaman kung sino
ang killer ni Lorraine. Bakit hindi kayo mismo ang mag-imbestiga."
"Kami? Are we allowed to do that? Mga estudyante lang kami," sabat naman ni
Scarlet.
"Why not? And besides, this is for your own good too. The sooner you find the
killer, the better," wika ni Lady Vhern.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhang tanong ni Scarlet.
"Dahil kayo ang may gustong malaman ang nangyari hindi ba?" sagot naman ni Lady
Vhern.
"Oo gusto nga naming malaman pero hindi namanŢ" hindi ko pa natatapos ang sasabihin
ko pero pinutol na ako Lady Vhern sa pagsasalita.
"Tama na ang usapang ito. I don't have all day to explain this and that. Gawin
ninyo ang gusto ninyong gawin. Walang pipigil sa inyo." Lumakad na patungo sa
pintuan si Lady Vhern. Marami pa sana kaming tanong pero mukhang tapos na siyang
magpaliwanag.
"Huh?" Agatha.
"What? FUCK YOU!" mura ni Jessie sa kaniya. "Lalabas ako sa school na ito, at hindi
mo ako mapipigilan!" anito. Pagkasabi noon ay marahas itong lumakad palabas ng
bahay. Nilampasan lang nito si Lady Vhern.
Maliwanag na sa labas ng oras na iyon. Hindi pa sumisikat ang araw pero dumudungaw
na ito sa kalangitan. Nang tumingin ako sa nakasabit na orasan ay nakita kong mag
alas-sais ba pala ng umaga. Alas-siyete ang oras ng pasok namin. First day sana
namin ito kaya dapat ay excited kami pero hindi e. Paano kami matutuwa kung may
nangyari namang karumal-dumal sa tinutuluyan namin.
"Sino naman ang may ganang pumasok ngayon ha? May namatay kayang estudyante sa
tinutuluyan natin." Umiiyak na sabi ni Scarlet.
Kung gaano ito kasigla kahapon ay ganoon naman ito katamlay ngayon. Hindi ko siya
masisisi. Sino ba naman ang matutuwang makakita ng bangkay, pagkagising mo pa lang
sa umaga.
Siya ba? Ginawa niya ba ang bagay na iyon? Siya ang unang nakakita sa bangkay ni
Lorraine, kaya sa imbestigasyon ay siya ang magiging number one suspek. Pero ano
naman ang magiging motibo niya?
Para sa mga lalaki ay black stripe long sleeve, white polo shirt with black tie, at
black stripe pants. While for girls ay white long sleeve, black stripe vest with
black tie and round flits black stripe skirt. Parang Japanese style uniform.
Tinernuhan pa iyon ng black long socks at black shoes.
Hindi ko pa nasisilip ang box na binigay kahapon ni Tabitha. Kaya wala akong idea
na ganoon pala ang itsura ng uniform namin.
Uniform? So malamang ay papasok sila. Hindi man lang ba sila worried sa nangyari?
"If I were you guys, magpalit na rin kayo ng damit. Tigilan ninyo na muna ang pag-
iinarte. Rules are rules." ani Clarrise. Sandali muna itong huminto sa tapat namin
bago tuluyang lumakad palabas ng bahay.
"Psh! Tingnan mo nga ang mga iyon, parang wala lang sa kanila ang nangyari ah,"
ungot ni Beatriz.
Binalik ko ang tingin ko sa kinauupuan ni Paloma. Wala na ito doon. Saan kaya siya
nagpunta? Maya-maya ay nakita kong pababa narin ito ng hagdan. Kasama na nito si
Nilo, pareho na silang nakasuot ng kanilang mga uniporme.
Kaming lima lang ba ang walang balak na pumasok? Bukod kasi saming lima nina
Beatriz, Scarlet, Alexandria at Lara ay wala na kaming kasama sa loob ng bahay.
"Alam ninyo sa tingin ko, dapat pumasok din tayo?" ani Alexandria.
"Hindi nga rin maganda ang pakiramdam ko e. Parang may masamang mangyayari kapag
hindi tayo pumasok," sang-ayon rin ni Lara.
"Sa tingin ba ninyo makakapag-aral tayo ng maayos ngayon? Pagkatapos ng nakita
natin? I don't think so," wika ni Beatriz.
"Hindi ko alam." Kibit-balikat na sagot ko. Sa totoo lang wala rin akong ganang
pumasok e. Pakiramdam ko ay hindi rin ako makakapag focus ngayon.
Natigil ang pag-uusap naming lima ng may tumunog na bell. Tumingin ako sa suot kong
relo. Eksaktong alas siyete na. Siguro ay hudyat ang bell na iyon na magsisimula na
ang klase.
Seconds later pagkatunog ng bell ay may kung anong tumilapon sa pwesto namin.
Nagsimulang lumabas ang maputing usok sa bagay na iyon. Napatakip kaming lahat ng
ilong at nagsitayuan.
Nakita kong isa-isa naring natutumba ang mga kasama ko. Unti-unti ng nagiging
blurred ang paningin ko kaya wala na akong makita ng maayos.
Hanggang sa may maaninag akong bulto ng isang lalaki na papalapit sa akin. I saw
something in his face. ANGER? DISAPPOINTMENT? I'm not sure. Lumapit siya sa akin.
Hinawakan ako sa balakang at binuhat.
Gusto ko pa sana siyang titigan ng matagal at mabuti pero masyado ng mabigat ang
eyelids ko. Hindi ko na kinakaya ang pagbuhat dito kaya tuluyan na akong napapikit.
"Sa wakas nagising ka na rin," may pag-aalalang sambit ni Lara. Hawak niya ang
kamay ko. Nakasalampak siya sa sahig habang nakapatong ang ulo ko sa mga hita niya.
Babangon na sana ako pero hindi ko parin mabuhat ang katawan ko. Napabalik tuloy
ako sa kandungan ni Lara.
"Ahhhh," impit kong sigaw. Kung kanina ay wala akong anumang maramdaman, ngayon ay
unti-unti na akong nakakaramdam ng pamamanhid ng mga muscles ko.
"Huwag mo na munang pilitin ang sarili mo. Ganiyan din kami kanina. Intayin mo lang
na mawala ang epekto ng gamot na nalanghap mo," sabi ni Beatriz. Nakaupo ito sa
tabi ni Lara.
"Sinong may gawa nito?" muling tanong ko. Kahit alam ko naman na wala ring alam ang
mga kasama ko ay hindi ko parin mapigilang magtanong. Ano ba kasi ang nangyayari?
"Good morning ladies." Napatingala ako ng marinig kong may nagsalita mula sa
speaker na nakapalibot sa amin.
"MGA HAYOP KAYO! PAKAWALAN NINYO KAMI DITO!" muling sigaw ni Alexandria.
"Hindi Ms. Fuentez. Hindi iyon sapat na dahilan," sagot niya sa akin.
"Hindi natin pinag-uusapan ang tungkol sa bahagi ng katawan ko. We were talking
about your punishment."
"Ok, para sa kaalaman ninyong lahat, ako ang tinatawag nilang peacekeeper. Ang
taong nagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa loob ng Wisconsin University. At
nandito ako ngayon upang bigyan kayo ng nararapat na kaparusahan para sa paglabag
ninyo sa isang alintuntunin ng paaralan. Ang hindi pagpasok ng walang sapat na
dahilan. Rules are rules ladies. You need to accept the consequences of your
action," paliwanag niya.
Hindi pa man ako nakakapag-react ng maayos sa sinabi niya ay may lumabas ng usok sa
ventilator na nasa kwartong iyon. Nang malanghap ko iyon ay unti-unting bumigat ang
paghinga ko. Hindi iyon katulad ng nalanghap namin kanina. Parang iyong may halo
iyong gamot na nakapag papasikip ng dibdib ng bawat isa sa amin.
Nakita kong bumagsak sa sahig si Scarlet at Alexandria. Napahawak ang mga ito sa
dibdib nila, halatang nahihirapan din silang huminga. Gano'n din sina Lara at
Beatriz na nasa tabi ko. Dahil saradong sarado ang kwartong kinaroroonan namin ay
wala kaming ibang nagawa kundi ang langhapin ang usok na nagsimula ng kumalat sa
palagid. Ilang segundo rin iyong nanatiling paikot-ikot sa ere hanggang sa muli
iyong higupin ng ventilator na pinanggalingan no'n.
For almost a seconds ay wala kaming ibang ginawa kundi ang habulin ang mga hininga
namin. Ang katapangan na pinakita ni Scarlet at Alexandria kanina ay napalitan na
ng takot. Nang makabawi na sila ng lakas ay nagmamadali na silang lumapit sa amin.
We all got scared. Hindi kasi namin alam ang mangyayari. Kung tutuusin ay maari na
kaming mamatay kung gusgustuhin ng nagpakilalang peace keeper. Anumang oras ay
pwede niyang kitilin ang mga buhay namin. Mukhang kinukusinti naman siya ng
paaralan e. Ano bang laban namin sa kaniya?
Nagyakap-yakap kaming lima. Kahit binabalutan na ng takot ang katauhan ko ay hindi
ko iyon ipinahalata. Matapang parin akong nakatitig sa salamin na nasa pader.
"Mukhang nakuha na ninyo ang ibig kong sabihin ah," litanya noong nasa speaker.
Tumawa ito ng mahina. "Well, aren't you all glad that I'm so gentle right now?"
"Well this is only a warning for not attending your class today. It was just a
WARNING! But be ready girls. Dahil ang kasunod na gagawin ko ay siguradong hindi na
ninyo magugustuhan."
Muling may lumabas na usok sa ventilator. This time ay sigurado akong pampatulog na
naman iyon, dahil naramdaman kong bumigat na naman ang eyelids ko. I was about to
black out again ng makita kong bumukas ang pinto. May iniluwang lalaki iyon.
Ngumisi ito sa akin. Siya iyong lalaki kanina.
Nilapitan niya ako. Pagkatapos ay umupo siya sa harap ko. At bago tuluyang bumagsak
ang ulo ko sa lapag ay mabilis niya iyong sinalo.
---
10:25 am
Nang magising ako ay naramdaman ko ang malambot na kamang sumasalo sa katawan ko.
Iminulat ko ng dahan dahan ang mga mata ko at iginala ang tingin ko sa paligid.
Bahagya akong na disappoint dahil sa nakita ko. Nandito ako ngayon sa kwartong
napili ko. Dito sa bahay na tinutuluyan namin sa Wisconsin University. Someone
brought me here. Dahan-dahan akong bumungon at sumandal sa back rest ng kama.
Minasahe ko ang sentido ko dahil medyo sumasakit ito.
Sh*t! Binibigyan talaga ako ng sakit sa ulo ng mga nangyayari ngayon sa buhay ko.
Sobrang naii-stress na ako. Kung hindi ba naman kasi ako nagpilit na makapasok sa
paaralang ito e. Edi sana ay nasa ibang paaralan ako ngayon. Malamang isa na akong
scholar sa UP.
Talaga ba kasi? Mag-aaral kami sa paggamit ng mga armas? Ano bang klaseng school
ito? Army school?
Pagdating namin sa classroom ay wala pa roon ang professor namin. Wala pa naman
kasing ala-una, kaya malamang ay kumakain pa ito.
Nagkatinginan kaming lima. Habang umuupo ay napunta lahat ng atensyon namin kay
Agatha.
"What?"
"Napanood?"
"Talaga?"
"Paano?"
"Oo. Pinanood sa amin ang ginawa sa inyo ng peace keeper. Ipinakita nila sa amin
iyon para daw namin kayo tularan. Isa pa ay narito raw tayo para mag-aral kaya
mahalaga ang pag-pasok sa mga klase natin," matamlay na sagot ni Agatha.
Lahat naman kami gusto ng makalabas dito eh. Sino ba ang hindi! Pero speaking of
makalabas. How about Jessie? Nakita kong nag walkout ito kanina.
Inilibot kong muli ang tingin ko sa kabuuan ng classroom para hanapin si Jessie.
Bawat sulok ay sinipat ko, pero hindi ko ito nakita. Mukhang nag success naman
itong makalabas. So ang ibig sabihin no'n ay may pag-asang makalabas rin kami dito.
Natigil lang ako sa pag-iisip ng tawagin ang atensyon ko ng isang lalaking pumasok
sa kwarto namin. Nakasuot ito ng white long sleeve polo at white pants. Although he
look matured ay ang gwapo niya paring tingnan. Para siyang isang koreano.
"Good afternoon interns," panimula nito. "Para sa mga wala kanina ay magpapakilala
ulit ako. I am Mr. Orley Kim. I'm going to be your professor in korean language."
Nakangiting pakilala nito.
Tama nga ako. Siguro ay half Filipino half Korean siya. Magaling kasi siyang mag
tagalog eh. Napaka fluent ng pagsasalita niya. Hindi katulad ng ibang nag-aral lang
ng tagalog na mahahalata mo parin dahil may accent parin ng pagka-dayuhan. Siya ay
parang Filipino lang rin ang nagsasalita.
Nang magsimula ng magturo si Mr. Kim ay naging tahimik ang lahat. Para lang kaming
mga normal na estudyanteng nag-aaral nang mabuti. Well sana nga. Sana nga ay sa
isang normal na paaralan nalang ako pumasok. Sana ay hindi nalang ako tumuloy sa
school na 'to. Sana ay hindi naging matigas ang ulo ko.
Bakit ba kasi pinilit ko pang pumasok dito eh. Kaya ko namang mag-aral sa
mamahaling school, kung gugustuhin ko. Kaya naman akong pag-aralin ng magulang ko.
Pero ayun, nag matigas ako. Ipinilit ko ang gusto ko. Ipinagsiksikan ko ang sarili
ko dito kaya ngayon ay nagsisisi ako. Kung makakabalik lang ako sa nakaraan.
Talagang babalikan ko ang araw na kumuha ako ng exams dito.
Pero hindi pa naman huli ang lahat right? Mamaya ay tatakas ako, isasama ko rin si
Alexandria. Tatakas kami dito. Gagayahin namin ang ginawa ni Jessie. Makakaalis rin
kami sa lugar na ito.
"Hello students."
Napatingala ako ng marinig ang boses mula sa itaas. Doon ko lang napansin na may
mga maliliit na speakers palang nakakabit sa bawat sulok ng kwarto namin. Iyon din
ang boses na narinig namin kanina noong pinapahirapan kami ng peacekeeper.
"I'm sure, your all wondering kung ano ang kailangan ko sa inyo right? Well, gusto
ko lang ipaalam sa inyo na labing-tatlo nalang kayong lahat."
Labing-tatlo?
Ibig sabihin nakalabas talaga si Jessie? Yes, finally. Kung nakalabas talaga siya
ay makakalabas rin kami. Napangiti ako. Sa wakas, hindi pa nga talaga huli ang
lahat.
"We didn't do anything to her Ms. Fuentez. As a matter of fact she did that to
herself," sagot noong nasa speaker.
Nagagawa nitong makasagot, ang ibig sabihin ay live itong nagbo-broadcast ngayon.
Ang ibig sabihin ay nandito lang rin sa school na ito ang peace keeper. O baka
naman dito talaga siya nakatira. Katulad namin ay bilanggo rin siya ng paaralang
ito.
"MGA WALANG HIYA KAYO! PINATAY NINYO SI JESSIE!" Sigaw sabay iyak ni Kyra. Niyakap
ko ito. Naramdaman kong isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.
Parang gusto ko rin tuloy umiyak. Naalala ko kasing bigla ang sinabi ni Lorraine
bago siya pinatay.
Makakalabas lang kami dito, kapag mga bangkay na kami. Is that it? No! Meron pang
paraan. At iyon ay ang kailangan naming pumatay. Kailangan naming patayin ang
killer. Kailangan namin siyang maunahan. Pero hindi yata iyon kaya ng dibdib ko.
Hindi ko yata kayang pumatay ng tao. Ayokong gawin iyon pero" kung wala na talagang
choice. Baka maging katulad narin ako ng killer.
"As I said. We didn't do anything. See it with your own eyes," sagot noong nasa
speaker tapos biglang bumukas iyong malaking LCD monitor na nasa taas ng blackboard
at mula nga doon ay nakita namin si Jessie.
---
This is it! Aalis na ako sa walang kwentang school na ito. Mabilis at malalaki ang
mga hakbang na ginawa ko, para marating ko agad ang gate na pinasukan namin
kahapon. Aalis na ako. Pagkatapos kong makita ang nangyari kay Lorraine ay sigurado
na akong hindi lang basta biro ang mga sinasabi nito kagabi. May kakaiba talaga sa
school na ito. At hindi ko gustong matulad sa kaniya kaya ngayon palang ay aalis na
ako.
Medyo hinihingal na ako pero hindi ko iyon alintana. Talagang gusto ko ng umalis
dito. At wala silang magagawa para pigilan ako. Kahit pa ang malaking pader na ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng harangin ako ng isang napakataas na pader. Hindi lang
iyon basta pader dahil nababalutan din iyon ng mga maliliit at malalaking basag na
bote.
Paano iyon nangyari? Kahapon lang ay gate ang narito sa lugar na ito kaya paanong
may pader na dito ngayon? Pwede ba iyong gawin ng magdamagan lang? Kaya bang
palitan ng pader ang gate ng ganoon kabilis?
"Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang plano ko."
Nanatiling tahimik lang ang naka-hood. Nag cross arm pa ito na parang hinahamon ako
kung kaya kong lumabas sa lugar na ito kaya naman balak ko siyang pakitaan.
Huminga ako ng malalim. Dali-dali kong hinubad ang suot kong manipis na panlamig at
pwersahan ko iyong pinunit. Nang mahati ko na iyon sa dalawa ay ipinangbalot ko
iyon sa dalawa kong kamay. Nang masiguro kong natatakpan na ang buong kamay ko ay
sinimulan ko na ngang akyatin ang pader. Mabuti nalang at may mga piraso ng bote na
halos mga buo pa kaya iyon ang hinahanap ko para gawing kong kapitan at tuntungan.
Isa akong climber at sanay na sanay ako sa pag-akyat sa mga katulad nito. Sa
tantiya ko ay kakayanin kong marating sa tuktok. Magtatamo lang siguro ako ng ilang
galos at sugat pero ayos lang iyon. Kesa naman manatili ako sa bilangguang ito na
alam kong anumang oras ay may magtatangka sa buhay ko.
Paminsan ay tumatama sa hita ko ang mga basag na bote pero hindi ko iyon iniinda.
Hindi naman kasi bumabaon sa balat ko ang mga iyon kaya bahagyang kirot lang ang
naidudulot non sa akin. Kayang kaya ko iyong tiisin.
Muli kasing sumabit ang hita ko sa isang basag na bote. Nadulas ang binti ko kaya
mahaba ang nagawa noong hiwa sa balat ko. Medyo namilipit ako sa sakit at nakabitaw
kaya para akong karne ng baboy na inihagis sa simento. Dinig na dinig ko ang pag
tunog ng mga nabali kong buto. Bigla nalang tumulo ang luha sa mata ko.
Kanina pa ako pabaling-baling ng higa pero hindi parin ako dalawin ng antok.
Napakarami talagang gumugulo sa isip ko. Nakita ko kanina kung paano ginustong
makalabas dito ni Jessie. Ginawa niya ang lahat, pero nabigo parin siya. Nahulog
siya sa inaakyat niyang pader at ikinamatay niya iyon.
Pader? Oo, kanina pa namin napag-usapan ang tungkol sa pader na iyon. Pagkatapos
nga ng klase ay hinanap namin iyon. Doon namin nalaman na naka-pwesto pala iyon sa
pinaka gate ng WU. Sa hindi malamang dahilan ay napalitan ang gate ng isang mataas
na pader na napapalibutan ng mga basag na bote.
Isang araw palang ako dito pero ang stress ko parang abot na hanggang Mars. Grabe,
maloloka na ako.
Dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw ay bumangon ako at lumabas ng kwarto para kumuha
ng tubig sa ibaba. Tahimik na ang paligid. Siguradong natutulog na ang lahat.
Ayokong maka-istorbo kaya naging maingat ako sa pagbaba sa hagdan upang hindi
makagawa ng anumang ingay. Pagdating ko sa kusina ay agad kong hinanap ang ref at
kumuha ng bottled mineral water na nakalagay doon. Tapos binuksan ko iyon at tuloy-
tuloy na uminom hanggang mawala ang panunuyo ng lalamunan ko. Babalik na sana ako
sa taas ng may narinig akong nag-uusap mula sa labas ng bahay. Nag tiptoe ako
palapit sa bintana at maingat na sumilip doon.
"Siguradong bukas, may mas exciting pang mangyayari sa mga intern natin," sabi ng
isang lalaking may buhat na karton. Kasabay nitong naglalakad ang isang babae.
Bigla akong na curious sa pinag-uusapan nila. Kami kasi ang topic nila. Sa
pakikinig ay napagpasyahan kong sundan sila. Inilapag ko muna ang hawak kong bote
at dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang palabas ng pinto. Maging ang pagbubukas
at pagsasara noon ay sobrang iningatan kong hindi makagawa ng anumang ingay. Ayoko
kasing may makatawag ng atensyon. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pag
nagkataon.
Binagtas nila ang daan patungo sa isang lumang building na nasa gilid lang ng
tinutuluyan namin. Masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ng mabuti
ang mga mukha nila. Pero sapat na ang liwanag ng buwan para makita kong hindi nila
ako napapansin, mula sa likuran nila.
Napatigil ako sa ginagawa kong paglalakad ng marinig ang sinabing iyon ng lalaki.
Para akong biglang nabingi ng marinig iyon.
"M-matatapos? K-kamatayan?" Nanginginig ang boses kong inulit ang mga salitang
iyon.
Tatakbo na sana ako palayo pero nabigla ako nang may isang malakas na pwersang
humila sa akin patungo sa likod ng isang puno. Sinandal ako nito sa punong iyon at
tinakpan ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. Napalunok ako. Bigla akong
kinabahan. Dahan-dahan ang ginawa kong pag-angat ng ulo. Nanlaki ang mga mata ko ng
makita ang may hawak sa akin.
"Q-quartz?" tawag ko sa pangalan niya. Hindi ako makapaniwala na narito siya ngayon
at inililigtas ako?
Binitiwan niya na ang bibig ko pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Hindi
tuloy ako makagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Bukod din sa pangalan
niya ay wala ng ibang salita ang nagtangkang lumabas sa bibig ko. Para akong
naubusan ng sasabihin.
Everything turn blank for a moment. Parang wala akong ibang nakikita kung hindi
siya nalang. Halos wala ng natirang pagitan sa aming dalawa. Nakaramdam tuloy ako
ng kakaibang kaba. Lalo na sa paraan ng pagtitig niya. Hindi ako sigurado pero tila
nagugustuhan ko iyon.
Paulit-ulit akong lumunok ng hindi alisin ni Quartz ang pagkakatitig niya sa akin.
Tila binabasa niya ang kaluluwa ko.
Bahagya ko siyang itinulak para mapalayo ang katawan niya sa akin pero hindi niya
ako pinakawalan. Pakiramdam ko nga ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakaipit
niya sa akin. Nang mapansin kong unti-unting ibinababa ni Quartz ang mukha niya
patapat sa mukha ko ay umiwas agad ako ng tingin at pumikit ng mariin.
Hindi niya pinansin ang sinasabi ko, bagkus ay sumilip siya sa likod ng puno.
Tiningnan niya ang mga taong sinusundan ko. Siguro, para makita kung naroon pa ang
mga ito. Pagkatapos niyang sumilip ay bigla niyang hinawakan ang braso ko at
sinimulan akong hilahin palayo sa lugar na iyon. Nang mga oras na iyon ay sandaling
nawala ang takot ko. Ang pag-aalala ko. Ang pag-iisip ko ng kung anu-ano. Lahat
iyon ay naglaho sa isipan ko. Na focus kasi ang buong atensyon ko sa binatang
humihila sa akin.
Kung tutuusin ay hindi naman kami close. Kaya bakit niya kaya ako tinutulungan
ngayon?
---
Balak ko sanang magpasalamat kay Quartz, dahil sa pagtulong niya sa akin kagabi
pero hindi ko na siya naabutan sa bahay. Maaga yata siyang nagising, kaya ang
naisip ko ay lapitan nalang siya mamaya doon sa subject na pagsasamahin namin.
Nang dumating nga ang language learning ay agad kong hinanap si Quartz. Nang makita
ko siya ay napangiti ako. Mag-isa na naman kasi siya. Naka pwesto ang upuan niya sa
sulok at nakahiwalay sa karamihan. Obviously, hindi niya talaga hilig ang makisama
sa kahit kanino. Kaya naman natutuwa talaga ako at nilapitan niya ako kagabi.
"Hi." Bungad ko. Hindi ako nag-atubiling maupo sa tabi niya. "Oo nga pala, gusto ko
lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi."
Tumitig ako sa kaniya. Pero parang wala siyang naririnig at hindi niya alintana ang
presensiya ko. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.
Psh! Kung wala lang akong utang na loob sa iyo, hindi rin kita papansinin no. Tsk.
Napaka isnabero.
"Bakit ka nga pala nandoon? Narinig mo rin ba iyong usapan ng dalawa?" pagpapatuloy
ko.
"Get lost," Napanganga ako sa naging tugon niya. Akala ko pa naman gusto niyang
makipagkaibigan e. Kaso bakit nagmamasungit naman siya ngayon. Siya na nga itong
pinapansin eh. Hay, napaka loner naman.
"Alam mo napansin ko lang ha. Bakit ba ayaw mong makisama sa amin? Masarap ba
talaga ang nag-iisa ha?"
"I SAID GET LOST!" Malakas niyang hinampas ang inuupuan ko kaya sandali akong
napapikit.
Bagsak ang balikat kong tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ko gustong muling masigawan
kaya lumakad na ako papunta sa pwesto ko kahapon.
Habang naglalakad ay hinarang ako ni Shanna. Siya iyong tinatawag kong mangkukulam.
Dahil nakatayo siya sa dadaanan ko ay wala akong nagawa kung hindi mapatigil.
"Quartz Villacorta," aniya. "Anak ng may-ari ng Dixon High. The most arrogant and
so bullied on that school? Everyone knows that, kaya nga walang lumalapit sa kaniya
e. Psh. Don't tell me hindi mo iyon alam?" sarkastikong sabi pa niya.
Biglang nanlaki ang mata ko. Tinapunan ko ng tingin si Quartz. Naka-baling na ang
tingin nito sa labas ng bintana. Mukhang balik na naman ito sa palagi niyang
ginagawa. Ang kalimutan na mayroon siyang mga kasama. Habang pinagmamasdan ko siya
ay bigla kong naisip na kaya pala siya parang pamilyar sa akin. Siya pala iyon.
Halos mapakamot ako ng ulo ng maalala ang tagpong nangyari isang taon na ang
nakakaraan. Ang rason kung bakit ako napaalis sa Dixon High. Ang rason kung bakit
napilitan akong magtapos sa ibang school, kahit ayoko.
Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko.
Hindi sinagot nung lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang
hagdan na pinapatungan ko kaya humarurot ako pababa. Lagapak ang puwetan ko sa
simentong sahig. Napangiwi ako sa sakit. Hindi naman iyon alintana ng binata.
Nagawa niya pang ngumisi ng sobrang luwag. Para siyang demonyong walang puso. Ni
hindi niya alintanang babae ang pinagti-tripan niya.
Sino ba ang lalaking ito para gawin iyon? Hindi ako papayag. Magbabayad siya.
Wala pang ilang segundo ay nagawa ko ng kunin ang lata ng pintura na nakatayo sa
gilid ng natumbang hagdan. Inis kong binuhos ang lahat ng laman noon sa lalaking
naging dahilan ng pananakit ng balakang ko. Tapos narinig kong nagbulungan ang mga
estudyanteng nanunuod sa amin.
"Nababaliw na ba siya?"
"Maganda 'to."
Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila, pero wala akong pakialam. Basta galit
ako. Galit na galit sa walang modong lalaking nasa harap ko.
"What the..." Humarap sa akin iyong lalaki. Inis niyang pinahid ang pinturang nasa
mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. Halos magkulay asul na ang buong katawan
niya kaya napangisi ako. Pinagtaasan ko pa siya ng isang kilay at pa-smirk na
nagsalita.
Hindi na nagsalita iyong lalaki, bagkus ay hinawakan niya ako sa kwelyo at marahas
akong hinila palayo sa karamihan. Nanatiling nanunuod lang ang mga estudyanteng
naroon. Sinubukan ko namang kumawala sa pagkakahawak niya masyado siyang malakas.
"Saan mo ba ako dadalhin ha? Bitawan mo nga ako!" sigaw ko parin. Pero parang
walang naririnig ang binata. Ni hindi ito nagtapon ng tingin sa akin.
Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa gate na kami. Itinulak niya ako palabas
kaya napasalampak ako sa simentong kalsada. Tapos walang sabi-sabing lumakad na
siya palayo. Pero bago iyon ay sumenyas pa siya sa guard na naroon. Parang hari
niyang inutusan ang guard na isarado ang gate. Agad naman siya nitong sinunod.
Kahit medyo nagasgasan ang tuhod at palad ko ay hindi ko iyon pinansin. Tumakbo ako
palapit sa gate at pinagbabayo ko iyon ng malakas. Paulit-ulit, hanggang sa mapagod
ako.
Naupo ako sa may gilid ng gate at nagsimula ng umiyak. Ilang minuto rin iyon
hanggang sa bumukas muli ang gate at lumabas ang head admin ng paaralan. Mabilis
akong tumayo para salubungin siya.
"Sir?"
"I'm sorry Ms. Fuentez. Pero dahil sa ginawa mo ay kailangan na naming tanggalin
ang scholarship mo. Bumalik ka bukas at ihahanda ko na ang mga papel na kailangan
mo for transferring," sabi nito sabay talikod sa akin.
Napatulala nalang ako. Halos malaglag ang panga ko dahil sa mga narinig ko. Hindi
ko lubos maisip kung ano ba ang ginawa kong mali. Napaka bilis ng mga pangyayari.
Eh isang lalaki lang naman iyong nakaaway ko. Tatlong taon na akong nag-aaral sa
Dixon High, at sa loob ng tatlong taon na iyon ay wala akong anumang ginawa para sa
ikasisira ng records ko. Palagi akong umiiwas sa anumang gulo. Maganda rin ang mga
grades ko, kaya kung tutuusin ay first warning ko lang dapat ito.
Bakit nga ba? Psh! Ngayon ay alam ko na kung bakit. Simply because that guy is
Quartz Villacorta. Isa sa anak ng may-ari ng Dixon High.
I mean masama parin naman siya, kaya bakit niya ako iniligtas kagabi? Tsk. May
utang na loob pa tuloy ako sa kaniya. Haist nakakainis! So ano na pala ngayon?
Susungitan ko ba siya o magiging mabait na ako sa kaniya? Hay nakakaloka naman.
Bakit ngayon ko lang naalala ang tungkol sa pangyayaring iyon? Parang bigla nalang
iyong pumasok sa utak ko. Ngayon lang talaga? Kainis.
"Ayos ka lang ba?" Hinampas ni Lara ang balikat ko kaya napatigil ako sa pag-iisip.
Inikot niya ang isang upuan at paharap siyang umupo sa akin.
"Ayos? Ewan ko. Ang gulo-gulo na ng utak ngayon e. Sobrang dami kong iniisip.
Dumagdag pa itong si Quartz. Akalain mo iyon, sa dinami-dami ng school na papasukan
ay ito pa talaga ang napili niya."
Biglang nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinabi niya noon. Sa Dixon High din siya
nag-aral, kaya malamang ay alam niya ang nangyari sa akin doon.
"Sandali nga. Diba sinabi mo naging magkaibigan tayo noon sa Dixon High?" tanong
ko.
"Oo."
"So alam mo ang kwento tungkol sa aminł ni Quartz? Kilala mo rin siya?"
"Nang marinig ko ang sinabi ni Shanna na anak si Quartz ng isa sa may-ari ng Dixon
High ay napaisip akong bigla. Ewan ko pero hindi ko naman kasi kilala si Quartz eh.
At wala akong kilalang Quartz."
"Oo. Kaya nga naguguluhan ako. Dapat ay kilala ko siya pero wala e."
"Ang weird a."
"Siguro dahil hindi naman siya ipinakilala ng tatay niya." Napatingala ako ng
marinig ang boses ni Alexandria. Humila rin ito ng upuan at sumama sa bulungan
namin ni Lara.
"Oo naalala ko, ang sabi mo nga pala ay doon ka rin nag-aral sa Dixon High right?"
wika ni Lara.
"So hindi pala siya sikat sa Dixon High? Kaya naman pala hindi ko rin siya nakilala
noong araw na natapunan ko siya ng pintura." Nakangising sabi ko.
"What? Tinapunan mo siya ng pintura? Iyon ba ang dahilan kung bakit ka napaalis sa
school?" tanong ni Lara.
"Mismo. Pero lilinawin ko lang ah, magkaiba ang natapunan sa tinapunan ah," aniko.
"Well, I think hindi parin siya nakaka move-on sa ginawa mo kaya nagagalit parin
siya. Haha." Tumawa naman si Alexandria.
"Alam mo kalimutan mo na lang yang Quartz na yan. Kung hindi siya makakatulong
sa'yo ay mabuti pang layuan mo na siya. Mas masarap kayang mag-aral kung puro good
vibes lang no," ani Lara. Tumayo na ito at iniayos ang upuang ginulo niya. Tapos
muli itong umupo.
"Tama." ani Alexandria naman. Maging ito ay bumalik narin sa pwesto niya.
Tama! Good vibes lang dapat. Kailangan ko ng alisin sa sistema ko ang Quartz na
iyon. Kung ayaw niyang makipagkaibigan za akin, edi 'wag. Bahala siya sa buhay
niya.
Hanggang ngayon ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. Hanggang
ngayon ay nasa pag po-proseso parin ito sa pagtanggap sa mga nasasaksihan ko. Pilit
kong pinapasok sa ulo ko ang lahat. Gulong-gulo na ako.
Ano nga ba kasi talaga ang nangyayari? Totoo ba ang sinabi ni Lorraine? Na
kailangan naming patayin ang kasama naming intern upang makalabas ng buhay sa
paaralang ito? Isa naman iyong kalokohan. Pero, paano kung ganoon nga? Mukhang wala
akong choice kung hindi ang lumaban. Gusto ko pang mabuhay kaya kailangan kong
tatagan ang loob ko.
Katatapos lang ng klase kaya naisip kong maglakad-lakad muna. Nang mapagod ako ay
naupo ako sa kahoy na bench na nasa ilalim ng malagong puno ng mangga. Tahimik kong
pinanuod ang mga estudyante ng Wisconsin na nasa gitna ng quadrangle. Dahil
nababalutan ng bermuda grass ang quadrangle ay ginawa iyong picnic area ng ilang
estudyante. Kani-kaniyang grupo sila. Lahat may mga pinagkaka-abalahan. Parang nasa
isang normal na University lang. Parang hindi nila alintana ang nangyayari sa
paligid. Dahil mga senior na namin sila. Sa tingin ko naman ay napagdaanan rin nila
ang pinagdadaanan namin ngayon. Nalampasan nila iyon? So ang ibig lang noong
sabihin ay nagawa nilang patayin ang isang kasamahan nila.
Gano'n ba talaga ang kalakaran dito sa loob? Para makamit din namin ang kapayapaan
ay kailangan muna naming pumatay?
"Annyeong (Hello)."
Bigla akong napa-angat ng tingin ng maramdaman kong may lumapit sa akin. Isang
magandang babae ang bumungad sa paningin ko. Dahil kilala ko na ang mga kasama kong
intern ay ina-assume ko na isa siyang senior namin. Mukhang matanda lang siya ng
konti sa akin kaya sa tingin ko ay nasa second year palang siya.ł Mahaba ang kulay
mais niyang buhok.
Napa-titig lang ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam ang isasagot ko. Medyo
awkward lang dahil hindi naman kami close para mag-open siya sa akin. Although
mukhang pareho nga kami ng iniisip tungkol sa paaralang ito.
Hell game?
Iyon ba ang tawag sa ginagawa nila sa amin ngayon? Ginawa nilang laro ang pagpasok
namin dito? Pinaglalaruan nila kami? Para saan? Para sa satisfaction nila? Para sa
pera? Ang mga walanghiya. Maglalaro lang sila, nandadamay pa sila ng mga inosenteng
tao.
"But for you and your friends. Hindi pa huli ang lahat. You still have a chance to
go back," pagpapatuloy niya.
"Teka, ano bang sinasabi mong huli na ang lahat para sa iyo?" naguguluhan kong
tanong.
Taranta akong tumayo at humakbang palayo sa kaniya. Doon ko lang napansin na puno
ng dugo ang kamay niya. May hawak din siyang kutsilyo na ngayon ay sinadya niyang
iniangat para makita ko.
Gusto ko sanang magta-takbo pero dala ng takot ay hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Ayaw humakbang ng mga paa ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa
maramdaman ko na ang pagbaon ng matalim na bagay sa tagiliran ko. Sa bilis ng
pangyayari at sa tindi ng takot ko ay hindi ko na namalayan ang tuluyang paglapit
ng babae. Nagawa na niya akong masaksak.
Hindi ko napigilang mapaluha. Nagkakagulo na ang mga tao sa paligid ko. Narinig
kong may umawat sa babaeng sumasaksak sa akin, pero hindi ko na nakita ang mga
pangyayari dahil dumidilim na ang paligid.
Oha diba? Saan ka naman kasi makakakita ng school na may simenteryo sa loob? Only
in Wisconsin lang.
Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon. Mabuti nalang at hindi
naman iyon naka-lock.
Sinong nagsalita?
Siya iyong babaeng namatay sa banyo ng bahay namin. Sa tabi naman ng lapida kung
saan nakasulat ang pangalan ni Lorraine ay may isa pang lapida. Sunod ko itong
binalingan ng tingin.
Iyong dalawang estudyanteng namatay. Nandito sila. Dito sila inilibing. Ang ibig ba
noong sabihin ay dito rin kami magtatapos?
"Y-you mean..."
Hindi ko gusto ang sinasabi ni Kyra. Pero, may punto naman siya. Maaring tama ang
sinasabi niya. Napag-usapan narin namin ni Alexandria ang bagay na iyon.
"I guess, we all end up here. Dito sa sementeryong ito. Dito tayo babagsak lahat."
Napayuko siya. Napansin ko ring nagpunas siya ng pisngi. Umiiyak siya.
"No, were not." Sabay kaming napalingon ni Kyra sa nagsalita. Si Clarrise iyon.
"Kung magtutulungan tayong lahat na mahanap iyong killer ay makakalabas tayong
lahat sa lugar na ito," dugtong niya.
"Saan mo naman nakuha ang idea na iyan?" Napatayo si Kyra. Hinarap nito si
Clarrise.
"Ang kuya ko. Narito siya noong nakaraang taon," pagsisimula ni Clarrise. Tahimik
lang kaming nakatunghay sa kaniya. Unang beses niyang makipag-usap ng ganito kaya
naman bukas na bukas ang dalawa kong tenga. Gusto kong marinig ng mabuti ang mga
sasabihin niya.
"Kahit nakulong siya dito ay nakagawa siya ng paraan para ma-contact ako. At ang
huling sinabi niyabsa akin ay may paraan daw para makalabas sa impiyernong lugar na
ito. Ang kailangan niya lang raw gawin ay hanapin ang killer. Ganoon daw tumatakbo
ang laro," pagku-kwento ni Clarrise.
"Hindi ninyo ba nakikita? Nagsisimula na ang laro. Pinaglalaruan nila tayo," sagot
ni Clarrise.
"Kailangan ninyo ng tanggapin ang katotohanan na iyon, bago pa maging huli ang
lahat para sa inyo." Napatingala si Clarrise. Maya-maya ay may ilang butil ng luha
ang tumulo sa pisngi niya.
"Kung sakaling totoo nga ang sinasabi mo. Ano ang dapat nating gawin sa killer?"
tanong ni Kyra.
"Patayin siya. Kailangan natin siyang maunahan," matigas pero mahinang sagot ni
Clarrise.
Napalunok ako. Hindi ko kayang gawin iyon. I'm not a murderer! Isa lang akong
simpleng estudyante. Hindi ko kayang pumatay ng tao.
---
FLASHBACK...
Dinig ko ang paghikbi sa boses ni Clarrise. For sure ay umiiyak na naman siya.
Umiiyak siya, dahil sa akin.
"Risse, I'm fine. I promise, hindi sila magtatagumpay na patayin ako. Alam ko na
kung paano makalabas dito," pagkakampante ko sa kaniya. Nagpalinga-linga ako sa
paligid ng masiguro kong walang tao ay isiniksik ko ang katawan ko sa likod ng mga
nakasandal na kahoy sa pader.
"Makakalabas ka na? Paano?" tanong ni Clarrise. Ngumiti lang ako. Kahit hindi naman
ako sigurado sa gagawin ko ay gusto kong iparamdam sa kapatid ko na magiging ayos
rin ang lahat.
"Kailangan ko lang alamin kung sino ang taya. Kung sino ang killer. Kailangan ko
siyang unahan. Kailangan ko siyang patayin."
"Gagawin mo iyon?"
"Kuya..."
"Risse, ipangako mo sa akin, kung sakali mang hindi ako makalabas dito ay hindi ka
gagawa ng paraan para mapunta sa impyernong lugar na ito! Promise me that! Kilala
kita, alam kong gagawa ka ng paraan para mapuntahan ako. Ayokong gawin mo yun
Risse, ayokong mapahamak ka."
"No! Ayoko. Kailangan mong makalabas diyan kuya. Kung ayaw mong bumagsak rin ako sa
lugar na iyan ay kailangan mong umalis diyan!" sigaw ni Clarrise.
Nakarinig ako ng mahihinang kaluskos sa likuran ko kaya naman naging alerto ako.
"Ok. Lalabas ako, kahit ano pa ang mangyari. I love you Risse."
Huling sinabi ko sa nag-iisa kong kapatid bago ko ibinaba ang hawak kong telepono.
Isiniksik kong muli iyon sa bulsa ko at kinakabahang nagpalinga-linga sa paligid.
Hanggang sa isang napakalakas na paghampas sa ulo ko ang naging dahilan ng
pagkatumba ko. Agad akong nabagsakan ng mga kahoy na pinagtataguan ko. Sinubukan ko
pang kumilos pero sa dami ng nakadagan sa akin ay hindi ko na maigalaw ang katawan
ko. Nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko, pero wala akong nagawa para
pahintuin o punasan man lang iyon. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako.
Pag-angat ko ng tingin ay nginisihan ako ng pumalo sa akin. May hawak siyang tubo.
"Ikaw?"
Gulat na gulat ako ng makilala ko kung sino siya. Siya lang naman ang nag-iisang
pinagkakatiwalaan ko sa lugar na ito. Hindi ako inakala na magagawa niya sa akin
ang bagay na ito.
Naupo siya sa harap ko tapos masuyo niyang hinawi ang buhok ko na nakatabon sa
mukha ko.
"Sorry Marcus, pero alam mo naman ang rule ng laro. Ako ang killer at lahat ng mga
intern, maliban sa akin ay ang mga manlalaro. Kailangan ko kayong isa-isahin kung
gusto kong ako ang manalo," aniya.
"At iyon ang pagkakamali mo." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Pagkatapos
ay pinagkalooban niya ako ng isang halik sabay bulong sa tenga ko. "GAME OVER!"
"Iyon nga ang gusto kong malaman. Kanina pa ako nandito sa sementeryo at hinahanap
ang puntod ni kuya pero wala ang pangalan niya. Buhay pa talaga siya," sagot ni
Clarrise.
Biglang natigil ang pag-uusap naming tatlo ng makarinig kami ng kaguluhan mula sa
labas ng sementeryo. May ilang estudyanteng naghihilahan at patungo sa iisang
direksyon. Dahil doon ay dali-dali kaming lumabas para alamin kung ano ang
nangyayari.
Hinarang ni Clarrise ang isa sa mga estudyante pagkatapos ay tinanong niya dito
kung ano ang meron at parang nagkakagulo.
"Isang intern daw ang nasaksak sa may quadrangle." Nagkatinginan kaming tatlo dahil
sa sinabi ng estudyante.
Intern student?
Ang ibig kasing sabihin noon, ay isa iyon sa amin. Walang sabi-sabing nagtakbuhan
narin kaming tatlo papunta sa daang tinahak ng mga nauna sa amin. Nang marating
namin ang lugar ay agad nakatawag ng pansin namin ang pinagkukumpulan nila. Isang
babaeng estudyante ang binuhat ng dalawang lalaki. Duguan ito. Agad akong napatakip
ng bibig ng makilala ko kung sino ang intern na iyon.
"Alexandria?" Patakbo kong nilapitan ang dalawang lalaki na may buhat kay
Alexandria. "Saan ninyo siya dadalhin?" tanong ko sa mga ito. Pinasadahan ko ng
tingin ang nakahigang si Alexandria. Wala itong malay.
Bigla akong napatigil. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang lebel namin ni
Alexandria. Mabuti nalang lumapit narin si Scarlet. Ito na ang sumagot sa tanong
nung lalaki.
"Ka-kaibigan niya ako. Sa-saan ninyo siya dadalhin? P-patay na ba siya?" Umiiyak na
tanong ni Scarlet dito.
"Huwag kang mag-alala. Nawalan lang siya ng malay. Dadalhin namin siya sa clinic,
sumunod ka na lang." Sagot ng lalaki. Ngumiti ito kay Scarlet at nag wink pa.
Parang kalmadong-kalmado lang ito. Siguro ay normal na lang kasi sa kanila ang mga
ganitong pangyayari.
---
Nandito na kami ngayon sa clinic. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero
ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero
talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari kaya hinayaan ko nalang muna
siya na maglabas ng sama ng loob. Para kahit papano ay lumawag naman ang dibdib
niya.
"Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.
Bakas ko sa mukha nito ang pagkabahala.
"Mga wala talaga silang puso," sambit ni Beatriz. Lalo pang ibinaon ni Scarlet ang
mukha niya sa dibdib nito. Halatang hindi parin gumagaan ang pakiramdaman nito.
Nang lumabas ang babaeng doktor na tumingin kay Alexandria ay patakbo namin itong
nilapitan. Lahat kami ay nagtipon-tipon sa harap niya. Lahat kami ay interesadong
malaman kung ano na ang kalagayan ni Alexandria.
"Huwag na kayong mag-alala. She's safe and sound. Mabuti nalang at nadala siya agad
dito. Mabilis na naagapan ang pagdudugo ng kaniyang mga sugat. Mabuti nalang rin at
hindi gaanong malalalim ang natamo niyang mga saksak kaya hindi malala ang nangyari
sa kaniya. Ma-swerte parin siya." Nakangiting paliwanag ng doktor na umasikaso kay
Alexandria.
"Well, pare-pareho lang naman tayong mga bilanggo sa lugar na ito. Just look at the
brighter side. Buhay parin kayo hanggang ngayon. Dapat ninyo iyong ipagpasalamat.ł
Dahil, hindi lahat ay nagiging kasing swerte ninyo. Iyong iba nga isang araw pa
lang, patay na. Alam ninyo, may tip ako sa inyo. Isang friendly tip lang naman.
Kung ako sa inyo, bilisan na ninyo ang paghahanap sa killer ninyo. Think fast.
Kailangan ninyo siyang maunahan. Dahil kung hindi, baka magulat nalang kayo at may
isa na namang magpaalam. And much worst. Baka isa pa sa inyo. Sino ba ang
nakakaalam, baka nariyan lang sa tabi-tabi ang hinahanap ninyo at pinanunuod ang
mga kilos ninyo," sabi pa ng doktora.
"Ano bang alam mo tungkol dito? Ano bang ginagawa nila sa amin?" tanong ko.
"Wala akong masyadong alam. Ang masasabi ko lang ay pinagdaan ko rin ang
pinagdadaanan ninyo ngayon. Sige na, I'll have to go. Medyo gabi na kaya kailangan
ko ng magpahinga. Anyway, pwede kayong matulog dito kung gusto ninyo. Huwag ninyo
lang kalimutang i-lock ang mga bintana at pinto. Tandaan ninyo, hindi kayo safe sa
lahat ng lugar." Lumakad palabas ng klinik ang doktor na tumingin kay Alexandria.
Hindi na namin ito pinigilan pa dahil mukhang wala rin naman kaming mahihita sa
kaniya.
Pinagdaan ko rin ang pinagdadaanan ninyo ngayon? Ang ibig ba noong sabihin ay
minsan din siyang naging intern student na kagaya namin? Kung ganoon, bakit
nakakulong parin siya dito hanggang ngayon? Pinili niya bang manatili dito o
talagang hindi na siya maaring makalabas dito?
"Magtulungan? Paano kung isa pala sa atin ang killer?" tanong ni Beatriz. Akbay-
akbay parin niya si Scarlet pero mukhang magaan ang loob nito. Tumigil na kasi ito
sa pag-iyak.
"I don't think so. Naniniwala ako na walang may kayang gawin iyon sa atin," tila
kumpiyansang sagot ni Clarrise.
Hindi ako sigurado pero parang alam ko na ang tinutukoy niya. Siguro ay magaan rin
ang loob niya sa amin. Iyong pakiramdam na animo'y may bond na kaming anim. Parang
matagal na kaming magkakasama. Iyon kasi ang nararamdaman ko sa kanila e. At kung
tama ako ay baka ganoon din ang nararamdaman ni Clarrise patungkol sa amin.
"I know it sounds weird pero may tiwala ako sa inyong lima," litanya ko. Tumingin
silang lahat sa akin. "Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa inyo.
Parang sinasabi ng instinct ko, na pagkatiwalaan ko kayo. Parang gano'n."
"You know, I feel the same too," sabi naman ni Lara sabay yuko ng ulo na parang
nahihiya. This time ay sa kaniya naman na focus ang atensyon naming apat. "Ang
weird nga dahil hindi ko naman kayo kilala, maliban kay Kyra pero may parte ng
pagkatao ko ang nagsasabing pagkatiwalaan ko kayo. At ngayon nga na nag-open si
Kyra ay nalaman ko na hindi lang pala ako nag-iisa sa ganitong feeling."
"Same here." sang-ayon din ni Lara. "Si Alexandria lang ang kilala ko pero, iba ang
pakiramdam ko sa inyong lima e. Sa tingin ko pwede nga siguro tayong magtulungan."
"Naramdaman ninyo rin?" Sabi din ni Clarrise. "Ang weird hindi ba?"
"Talagang weird." Napatigil kaming lima ng marinig naming nagsalita ang kanina lang
ay natutulog na si Alexandria. Nilapitan namin ito. "It's the weirdest thing na
naramdaman ko," dugtong pa niya habang nakangiti. Agad siyang niyakap ni Scarlet.
"Good." Napatango-tango si Clarrise. "How about you?" sabay tanong nito kay
Beatriz.
"Sabagay. Alam ko rin naman ang sinasabi ninyong pakiramdam e. Kaya sige. Sasama
narin ako." sagot ni Beatriz sabay ngiti.
"Then, from now on. Tatawagin na tayong THE AMAZING BABES." Natatawang nagtaas ng
kanang kamay si Scarlet. Umarte itong parang si Superman na lilipad kaya naman
nagtawanan kaming lahat.
Mukhang bumalik na naman ang sigla niya. For sure, dahil iyon kay Alexandria. Ok na
ito ngayon kaya ok na rin siya.
Ako rin. Pakiramdam ko ay mas magaan na ang dala-dala ko ngayon lalo na ng makita
kong ayos na si Alexandria. Sa tingin ko ay mas magiging madali na rin ang
paghahanap namin ng kasagutan sa lahat ng mga nangyayari dahil marami na kaming
magtutulungan. Sana lang ay makalabas kami dito ng sama-sama. Sana ay magawa naming
mahanap ang killer na kailangan naming hanapin.
"Para lang tayong nasa slumber party ano," sabi ni Scarlet. Para itong kinikilig na
kumendeng-kendeng sa harap namin. Pagkatapos niyang gawin iyon ay umupo narin siya
sa napili niyang hospital bed. Habang nakaupo ay itinaas-baba pa niya ang puwetan
niya sa kama. Malambot ang foam ng kama kaya para lang siyang sinasabayan niyon.
Ang cute niyang pagmasdan, para siyang bata.
Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti nalang ako. Naroon lang pala kasi si
Beatriz sa sulok ng kwarto. Nakaupo siya sa isang leather na upuan at may kinakain
na kung ano. Nilapitan siya ni Scarlet. At nakikuha ito sa kinakain niya.
"Grabe ka talaga Beatriz. Hindi porket libre ang lahat ng pagkain dito ay inaabuso
mo ah. Magtipid ka naman." Tumatawang sabi ni Scarlet dito. Ngumuso lang sa kaniya
si Beatriz at patay-malisya lang itong nagpatuloy sa pagkain.
Totoo ang sinabi ni Scarlet. Dito sa Wisconsin ay wala kaming anumang gina-gastos.
Walang halaga ang pera dito dahil lahat ng kailangan namin ay pwede naming hingin
sa mga tindahang nandito gamit ang isang card. Iyon ang pinaka ID namin. May
espesyal itong bar code na siyang pinapadaan sa isang machine na parang ATM na
pwede naming gamitin bilang pangbayad para sa lahat. Oo, pwede naming kuhain sa
bawat tindahan na narito ang anumang naisin namin. Tamang-tama rin dahil halos
narito na sa Wisconsin ang lahat ng uri ng tindahan na makikita mo sa labas.
May pharmacy, para sa mga gamot at anumang kagamitan na may kinalaman sa kalusugan.
May sosyaling coffee house na kuhang-kuha ang lasa ng isang sikat na cafe sa
siyudad. Madalas iyong tambayan ng mga estudyante, kahit wala namang internet. May
malaking restaurant na pwede kang mag-request ng ulam o anumang pagkain na gusto
mong kainin. Tapos may napakalaking grocery store na punong-puno ng samu't-saring
paninda. Para lang kaming nasa isangł bahagi ng siyudad na nilagyan ng malaking
pader na harang upang hindi makalabas. At some point maganda sana ang ganitong
klase ng oportunidad e. Kung hindi lang sa pagpatay na nangyayari ay baka ini-enjoy
ko na ang pananatili sa lugar na ito.
"Hey guys may nakita ako." Humahangos na dumating si Clarrise. May dala itong kulay
itim na folder. Agad niya iyong inilapag sa kama ni Alexandria upang makita ng
lahat. Nagsilapitan kami sa kaniya, pagkatapos ay isa-isa kaming nakisilip sa
ipinapakita niya
"Oh my bakit meron silang record niyan. Nakakadiri!" Napatakip ng bibig si Scarlet.
Tila hindi nito kinaya ang mga nakita niya kaya mabilis itong umiwas ng tingin sa
folder.
"Base sa mga nakasulat dito ay record ito ng mga intern na namatay dito noong
nakaraang taon," paliwanag ni Clarrise.
"Ano bang meron? Baka ano ang wala dito?" Nakangiting sagot ni Clarrise. Biglang
umaliwalas ang mukha niya. Sa tantiya ko ay parang may good news siyang sasabihin.
"Ok. So, anong wala diyan?" kunot-noong tanong ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba
ang gusto niyang tumbukin e.
"Wala dito ang picture ni kuya Marcus. Ang ibig lang noong sabihin ay. My God.
Buhay pa siya." Nakangiting paliwanag ni Clarrise.
Natuwa naman ako sa narinig ko kaya bigla akong napangiti. Masaya ako para sa
kaniya. Dahil kung hindi namatay ang kuya niya ay siguradong makakatulong ito sa
amin. Kailangan lang namin itong hanapin.
"Pero nasaan na kaya siya ngayon? Alam mo ba?" tila na gets din Alexandria ang
pinatutunguhan ni Clarrise.
"Alam ko ok lang siya. Matapang ang kuya ko, alam kong hindi siya gano'n kadaling
sumuko. Kaya oo, siguradong ok lang siya," tila siguradong sambit ni Clarrise.
"Oo. Tutulungan ninyo ba ako?" balik na tanong ni Clarrise sabay tingin sa amin ng
isa-isa.
"Ok. Mag plano na tayo ngayon. Hindi tayo pwedeng magpahalata sa lahat na
nagtutulong-tulong tayong anim. Dahil pag nalaman iyon ng killer ay siguradong
paghihiwa-hiwalayin niya tayo," ani Clarrise.
"Tama si Clarrise, ngayon na natin ito pag-usapan. Dahil ang iniisip ng mga
classmate natin ay sasamahan lang natin si Alexandria dito. Malabong makarating sa
kanila ang pinag-uusapan natin ngayon dahil shield na shield tayo sa lugar na ito,"
sang-ayon naman ni Lara.
"Ok. So, bukas lalakad tayo ng pares. Si Lara at Scarlet ang magkasamang titingin
doon sa may lumang building malapit sa gymnasium. Nakita ko kasing nagpunta doon si
Tabitha kanina. Meron siyang mga kausap at parang aligagang patingin-tingin sa
paligid habang pumapasok sila sa building na iyon. Si Beatriz at ako naman ay doon
pupunta sa opisina ni Lady Vhern. Kahit mahirap ay susubukan naming pasukin ang
opisinang iyon. Panigurado kasing may makikita kami doon," paliwanag ni Clarrise.
"Ah, paano ako?" tanong ko sabay turo sa sarili.
Wala kasi akong pwedeng maging kapareha. Anim nga sana kaming lahat pero hindi pa
naman pwedeng magpagala-gala si Alexandria. Kailangan pa nito ng sapat na pahinga.
"No, hindi pwede. Malakas makatawag ng pansin ang tatlong miyembro. Tama lang ang
dalawa para hindi gaanong pansinin," pigil agad ni Clarrise sa suhestiyon ni
Scarlet.
"Tama si Clarrise. Hindi tayo dapat magpahalata sa killer para hindi siya maging
alerto," sang-ayon ko dito. "I'm fine. Lalakad akong mag isa. Mag iikot-ikot din
ako. Susubukan kong makatulong."
"Oo naman no. Kaya ko na ang sarili ko. Ako pa," pagkakampante ko dito.
"How about Alexandria? Iiwanan natin siyang mag-isa dito?" May pag-aalalang tanong
ni Scarlet.
"Ano ba, kaya ko na ang sarili ko no. Tsaka hindi kayo dapat mag-alala sa akin
hangga't kasama ko ang bagay na ito." Ini-angat ni Alexandria ang kamay niya at
ipinakita sa amin ang itinatago niyang kutsilyo na kinuha niya mula sa ilalim ng
unan niya.
"Doon sa babaeng sumaksak sa akin. Nahablot ko to kanina sa kaniya bago ako nawalan
ng ulirat. Itinago ko agad sa bulsa ko. Naisip ko kasing kailangan ko ng ganito,
para protektahan ang sarili ko. Alam ninyo sa tingin ko, dapat din kayong humanap
ng mga armas ninyo. We couldn't trust anyone. Mahirap na."
Napangiti ako. Ang galing naman at naisip pa ni Alexandria ang ganoong bagay, kahit
nag-aagaw buhay na siya.
"Ok. Kaya natin itong lahat. Kailangan natin itong kayanin." Iniunat ni Clarrise
ang dalawang braso bilang paanyaya sa amin ng isang yakap. Hindi naman namin siya
binigo. Nagyakap-yakap kaming anim. "Huwag kayong mag-alala, sinisigurado kong
makakalabas tayo ng buhay sa lugar na ito. We just have to find the right missing
piece of the puzzle," sabi pa ni Clarrise.
Yeah right. We just have to find the right missing piece. Kailangan tatagan namin
ang mga loob namin. Kailangan naming maging matapang para sa mga sarili namin.
Magagawa namin ito. Makakalabas din kami sa impyernong lugar na ito.
Hindi na kami gaanong nakapag-usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil
narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.
Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong
hiningan.
Ewan ko ba.
Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin
ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita-kita.
Para kaming mga dati ng magkakaibigan na bigla nalang nagkaron ng amnesia. Bukod sa
isa't-isa ay wala na kaming iba pang nakalimutan.
Iyong magkaka-amnesia ka tapos ilang alaala mo lang ang mabubura? Haha. Funny. Ano
ba naman kasi ang iniisip ko.
"Ok interns. I'm your P.E. teacher. Ito ang una nating pagkikita kaya naman
magpapakilala muna ako sa inyo." Dahil nasa likurang bahagi ako ng gymnasium ay
kinailangan ko pang isingit ng bahagya ang ulo ko para makita ang nagsasalita sa
harapan.. "Just call me Professor Mateo." Pakilala pa nito.
Nakasuot ito ng jogging pants na kulay black, katulad namin at isang simple puting
tshirt na fitted sa katawan niya. And yes, he's hot. Dahil narin siguro sa pagiging
PE teacher niya ay napaka-fit ng katawan niya.
"Wow ang yummy niya." Tila kilig na kilig na namilipit si Shanna. Nasa unahan ko
lang ito kaya kitang-kita ko ang pangingisay niya. Pangingisay na dala ng kalandian
niya.
Psh. Hindi ko siya gusto. Bakit? Dahil haliparot siya! Nakita ko lang naman silang
magkasama ni Denver kahapon. Wala naman akong pakialam ok, pero nakakainis lang
kasi ang ginagawa niyang pag-pulupot sa braso ng mokong na iyon e. Para siyang sawa
kung makalingkis. Nagmumukha tuloy siyang pokpok.
Aba! At iyong Denver namang iyon. Naku. Tuwang-tuwa naman sa atensyon na binibigay
sa kaniya ni Shanna. Mukhang nakalimutan na niya ang panganib na naghihintay sa
amin sa lugar na ito.
Ughhhh. Nakakainis!
Napaka walang kwenta rin ng Denver na iyon e. Porket sinabi ko lang na tigilan niya
na ako ay hindi na nga siya lumapit sa akin. Psh! Pwes magsama sila ng maharot na
Shanna na iyon. Bagay lang sila.
"You." Nagtaka ako ng bumaling ng tingin sa akin ang mga kaklase ko. Itinuro pala
ako si Sir Mateo.
Kahit medyo nalilito ay lumingon parin ako kay Denver. Siya kasi ang unang pumasok
sa isip ko e. Pero dahil nasa tabi niya lang si Shanna ay mabilis din akong nag-
iwas ng tingin. Balak ko pa naman sana siyang ituro. Pero dahil ayokong makagulo sa
love story nila ay si Sanzo nalang ang itinuro ko.
"Ok. Kayo ang magiging pair A." Sabi ni sir tapos ay muli itong humanap ng
estudyanteng ituturo. "Ikaw naman Mr. Villacorta? Humanap karin ng ka-partner mo."
Nilingon ko ang sumunod na itinuro ni sir.
"I don't take questions. Just do as I say." sagot naman ng guro namin.
"Pero kasi..."
"Don't waste my time Mr. Villacorta! Time is precious. At kung hindi mo susundin
ang inuutos ko ay bibigyan kita ng masamang review. You know, Lady Vhern would be
so disappointed." Sabi ni sir.
Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Si Kyra ang binagsakan ng tingin ko.
Napanganga ang dalaga. Hindi nito inaasahan ang lahat. Mukhang hindi nya rin
nagustuhan ang pagkakaturo sa kaniya ni Quartz kaya agad siyang nag-reklamo.
"At bakit hindi? Pumunta ka na sa partner mo!" Utos agad dito ni Mr. Mateo. "Kayo
na ang magiging pair B."
"Ah sir. I don't think that's a good idea. Ughhh. Alam ninyo po kasiŢ may konti
kaming hindi pagkakaunawaan ng lalaking iyan e. So baka po hindi namin magawa ng
maayos ang ipapagawa ninyo. Mabuti pa po, iba nalang ang i-partner ninyo sa
kaniya." paliwanag pa ni Kyra.
"Then make it up now. Nothing will change my mind Ms. Fuentez, kaya kung ano man
yang LQ na pinagdadaanan ninyo ay mabuti pang ayusin na ninyo iyan. And besides,
Quartz chooses you."
"I said make it up now!" Medyo sigaw ni sir sabay talikod. Pinagala ulit nito ang
tingin sa lahat ng kasama naming estudyante. At kahit may gusto pa sanang sabihin
si Kyra ay hindi na niya ito pinansin pa. Basta nagpatuloy nalang siya sa pagtuturo
ng mga magiging pares.
"Kasagutan."
Napatitig kaming lahat kay sir Mateo. Halatang na curious din ang mga kaklase ko sa
sinabi niya.
"Kahit ano? Talaga po? Aba maganda iyan a." Masayang tili ni Shanna.
Pwes kailangan kong manalo dito. Dahil baka may alam siya sa nangyari sa kuya ko.
Ughhhh. Why me? Ano ba ang gustong mangyari ng Quartz na 'to? Alam ko namang hindi
niya ako gusto kaya bakit ako pa ang pinili niya? May plano ba siya?
Dahil hawak ko ang itlog ay ako ang unang naghagis nito. Nasalo naman iyon ni
Quartz.
Simple lang ang objective ng laro namin ngayon. Kailangan lang naming saluhin ang
itlog na ihahagis ng kapareha namin. Magiging challenging lang dahil tuwing
maghahagis ang isa ay kinakilangang umatras ng isang hakbang ang partner nito. Kaya
palayo ng palayo ang magiging pagitan ng bawat pares. At ang pinaka masamang
pwedeng mangyari ay ang mabasagan ka ng itlog sa mukha kung sakaling magkamali ka
ng pagsalo dito.
"Third trow."
"Fou..."
Hindi pa natatapos ni sir Mateo ang sasabihin niya pero bigla nalang lumipad sa ere
ang hawak na itlog ni Quartz. Dahil hindi ko iyon inaasahan ay hindi ko iyon
nasalo. Sinubukan ko naman iyong habulin pero masyadong naging mabilis ang mga
pangyayari. Dahil sa pagtatangka kong saluin ang itlog ay nabasag tuloy iyon sa
mismong mukha ko. Bigla tuloy nagtawanan ang mga kasama namin sa gym.
"Too early. At dahil basag na ang itlog ninyo ay out na kayo. Ngayon ay tumabi na
kayo," utos ni sir.
Naiinis akong humakbang paalis sa pila tapos tinahak ko ang daan palabas ng gym.
Merong CR sa labas at balak kong maghilamos ng mukha doon. Nakakadiri. Ang lagkit
ng mukha.
"Ugh nakakainis! Siraulong Quartz iyon ah. Sinasabi ko na nga ba e. May masama
siyang plano kaya niya ako piniling maging kapareha. Bwesit siya." Nagpapadyak pa
ako habang naglalakad.
Naku. Sigurado talaga akong sinadya niyang gawin iyon. Katulad nalang ng ginawa
niya doon sa Dixon High. Masaya talaga siya, kapag naipapahiya ako. Napakasama ng
ugali niya. Patuloy lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong tila may sumusunod sa
akin. Agad akong lumingon sa likuran ko. Bumungad sa paningin ko si Quartz. Inis ko
siyang inirapan.
"Hindi kita sinusundan. Hindi ba dito ang daan papuntang banyo." Ngumisi lang siya.
Ang sarap niyang ingudngod sa kung saan.
"Look, hindi ko naman sinadya ang nangyari sa'yo ok. Nadulas lang sa kamay ko iyong
itlog," paliwanag niya.
Halata namang hindi totoo ang sinasabi niya. Tsk. Palusot pa.
Nang matanaw ko na ang banyo ay nagtatakbo na akong pumasok doon. Hindi ko na kasi
kayang tagalan pa ang pakikipag-usap kay Quartz e. Dahil habang tumatagal ang pag-
uusap namin ay nadadagdagan lang ang inis ko sa kaniya. Isipin mo naman kasi, kung
anu-ano pa ang ginagawang palusot. Imbes na imbes na humingi nalang ng sorry e
nagdadahilan pa siya. Hay naku. Bahala nga siya sa buhay niya. Mas marami pang
importanteng bagay akong dapat na bigyan ng pansin, kesa sa kaniya.
Pagkatapos kong maglinis ng mukha ay bumalik din ako kaagad sa gym. Dalawang pares
nalang ang naglalaban. Ang magkapares na sila Paloma at Nilo, laban kay Clarrise at
Sanzo. Ang layo na ng pagitan ng bawat pares. Hindi ko masabi kung sino ang
mananalo dahil parehong mukhang seryoso ang bawat pares. Hanggang sa tawagin ni
Shanna si Denver. Ang tahimik na gym ay natuon ang atensyon sa kanilamh dalawa.
Bahagyang nagyuko ng ulo si Shanna, tapos inangklahan nito ang hinahabol na si
Denver.
"OUT!"
Dahil sa pagsigaw ni sir Mateo ay sa kaniya naman sunod na nabaling ang atensyon
ko. Agad kong nakita ang sinabihan niya ng 'out'. Nakayukong lumakad palayo si
Clarrise. May konti itong dumi sa balikat. Mukhang doon tumama ang itlog na hinagis
ni Sanzo.
"Clarrise," sigaw naman ni Denver. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Shanna na
naka-angkla sa braso niya para habulin si Clarrise.
Tapos nakita kong tila nagtatalo sila. Maya-maya ay naiiling na lumayo si Denver.
Samantala, nagpatuloy lang sa paglalakad si Clarrise.
"Ok, sundan ninyo akong dalawa," utos ni sir Mateo. Lumakad ito patungo sa pintuan
na nasa sulok ng gym. Agad naman siyang sinundan nina Paloma at Nilo. "To others,
pwede na kayong umuwi. Ito muna sa ngayon. Pero sana ay 'wag kayong masanay na
ganito lang ang ginagawa ninyo sa klase ko."
Nagkibit-balikat lang ako sa huling sinabi ni sir Mateo. Dahil halos lahat ay
palabas na ng gym ay tinakbo ko na si Clarrise. Para kasing mabigat ang loob nito
dahil sa nangyari kaya pakiramdam ko ay kailangan ko itong aluin.
"Alam mo ang galing ng ginawa mo. Konti nalang sana e," aniko.
"Konti nalang sana, pero hindi parin ako ang nanalo," malungkot niyang sabi.
"Hay, buti ka nga nakaabot sa ganoon e. Ako nga una palang tanggal na hehe."
"Teka, ano bang balak mo sanang itanong kay sir Mateo?" dugtong ko.
"Siguradong may alam si sir Mateo doon. Lahat sila may alam. Ayaw lang nilang
magsalita. Baka iyon ang ipinag-uutos ng kanilang head master. Gusto nilang mag-
imbestiga tayo ng sarili natin. Gusto nilang ilagay natin ang sarili natin sa
kapahamakan. Iyon ang tingin ko."
"Speaking of head master? May idea ka ba kung sino ang peacekeeper? Siya ba ang
head master ng Wisconsin? Mas mataas pa siya kay Lady Vhern?" sunod-sunod kong
tanong.
"Si Cash." Napangiti si Clarrise at napatingin sa akin ng sabihin niya ang pangalan
na iyon. Ako naman ay napakunot ang noo.
"Oo."
"Paano mo nalaman?"
“Yep."
"Nasa form iyon na hindi mo binasa," aniya. Napayuko naman ako at tila nahihiyang
nagkamot ng ulo. "Every quarter, ay nagkakaroon ng pagsusulit sa Wisconsin
University. Para iyong periodical exams. Ang pinagkaiba lang ay ang makakakuha ay
pwedeng hamunin ang tumatayong peacekeeper at that time. Kung sakaling magagawa
mong talunin ang peacekeeper ay ikaw na ang papalit sa kaniya. And then your words
become the new law. Gano'n lang ka-simple."
"So paano kung hindi mo siya matalo? Paano kung ikaw nga ang makakuha ng
pinakamataas na marka da darating na pag-susulit pero natalo ka parin ng
peacekeeper?"
Halos magtayuan ang balahibo ko dahil sa huling sinabi ni Clarrise. Isipin mo, ang
dating estudyante na tulad namin ay biglang nag transform into a monster.
Kailangan na talaga naming gumawa ng paraan para makalabas dito. Bago pa maging
huli ang lahat. Bago kami maging katulad ni Cash.
"Aba. Nagsisimula ng mag-imbestiga ang mga junior detective natin ah. Sumasaya na
ang laro." Nakangisi kong sabi.
"Yes! Mas maganda pa ito kesa noong una Mr. Valdez," ani ni Mr. Yamashito. Sumandal
ito sa backrest ng kulay ginto niyang trono sabay tango-tango.
"Oo nga. Ibang klaseng mag-isip ang mga napili mong intern ngayon," sang-ayon rin
ni Mr. Duran.
"Actually, hindi ko sila pinili. Sila ang pumilit na makasali sa pustahang ito."
Tumawa ako ng malakas.
Pero sino nga kaya ang matitira sa kanila? Kahit ako ay walang idea sa mga
posibleng mangyari. Ibang-iba kasi ang takbo ng laro ngayon kesa noong una namin
itong ginawa.
"Mr. Valdez, bakit hindi mo dagdagan ang excitement ng laro?" request ni Mr.
Gallardo.
"Oo nga Mr. Valdez, bakit hindi pa pumapatay ulit iyong killer natin? Excited na
kami sa mga susunod niyang hakbang e. Napakatalino niyang bata. Hahaha. Hindi ko
inaasahan ang gagawin niya para maitago ang tunay niyang katauhan," wika naman ni
Mr. Kim.
"In that I don't have any access gentlemen. Hindi ko kayang kontrolin ang mga utak
nila. Gagalaw sila base sa naiisip nila. And they all played very well kaya huwag
kayong mainip," sagot ko naman.
"Well, ngayon palang ay binabati na kita Mr. Valdez. This is really a nice game,"
compliment ni Mr. Duran.
"Yes, let's talk about my investment after this game," ani Mr. Kim naman.
"Me too. I'm hundred percent sure to invest in this game," sang-ayon rin ni Mr.
Gallardo.
"Well, let's talk about it later. For now, let's all focus on the recent game."
Nakangisi kong sagot sa kanila.
---
"You deserved it," usal ng babaeng nasa unahan lang namin. Dinuraan pa nito ang
babaeng nakatali sa upuan.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa nakita ko. Hindi ko sana ibig na makisali sa
gulo nila pero ng makita ko ang pagluha ng babaeng nakatali sa upuan ay parang may
pumisil sa dibdib ko. Marahil may nagawa nga siyang mali, pero sa lugar na itoŢ
hindi mo masasabing mali ang ginawa nito. Maaring iyon lang kasi ang naisip nitong
paraan para makalabas na dito.
"Teka, hindi naman yata tamang ganiyanin mo pa ang taong nakita mo na ngang
nakatanggap na ng kaparusahan," ani ko sabay lakad palapit sa kanila.
"Alam mo, siguro nga wala pa akong alam kung ano talaga ang nangyayari sa lugar na
ito. Pero atleast, hindi ako halimaw na katulad mo." Nagpameywang din ako at
nagtaas ng kilay. Tapos nginisihan ko siya na parang nang-aasar pa.
"Ha-li-maw."
Sa galit ng babae dahil sa narinig niya agad niya akong sinunggaban. Hinawakan niya
ang buhok ko kaya naman gano'n rin ang ginawa ko. Ilang segundo lang ay kami na ang
naging main attraction sa lugar. Pinalibutan na kami ng mga estudyanteng naroon.
Samantala, si Clarrise naman ay sinusubukang awatin ang babae na nanabunot na akin.
"Halimaw pala ah. Pwes, ipapakita ko sa'yo kung paano magalit ang halimaw na ito,"
bulong ng babae habang patuloy lang ito sa pagsabunot sa akin.
Dahil wala ng ibang nakisawsaw sa away namin maliban kay Clarrise ay matagal din
kaming nagpaikot-ikot sa quadrangle. Dahil halos magkaparehas lang naman kami ng
lakas ay pareho lang din kaming nasasaktan sa ginagawa ng isa't-isa. Paminsan ay
napapapikit ako dahil sa kirot ng anit ko kapag may nabubunot na buhok pero
sinisigurado ko namang hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganoon.
"That's enough,"
Hanggang sa may boses na bigla nalang nakapagpatigil sa babaeng may hawak sa akin.
Isang malamig na boses ng lalaki ang narinig ko. Malumanay lang naman ang
pagsasalita nito pero parang biglang nag yelo ang babaeng kaaway ko. Bigla itong
tila nanigas na hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Bigla tuloy akong na curious
kung sino ba ang lalaking dumating at parang takot na takot sa kaniya ang babae.
Iyon nga lang, huli na ng mag-angat ako ng tingin. Hindi ko na nakita ang mukha ng
lalaki dahil pagkatapos na pagkatapos nitong magsalita ay tumalikod na ito kaya
tanging likuran nalang nito ang napagmasdan ko. Nakasuot ito ng uniform, na ang
ibig sabihin ay isa rin itong estudyante. Nakapamulsang itong naglalakad palayo sa
karamihan. Doon ko lang napansin na parang iwas sa kaniya ang mga estudyanteng mas
mataas na ang lebel kumpara sa amin ni Clarrise. Lahat kasi ng mga estudyanteng
dinadaanan niya ay nagyuyuko ng ulo kapag natapatan niya. Animo'y isa siyang
maharlika na binibigyan ng kakaibang paggalang.
Gano'n narin ang ginawa ng mga estudyanteng naroon. Isa-isa na silang nag-alisan sa
kumpolan. Hanggang sa maiwan nalang kami ni Clarrise sa lugar pati narin ang
babaeng nakaupo sa upuang kahoy at nakatali.
"Nakaligtas ka ngayon pero hindi titigil si Tamiya ng ganoon nalang," sabi ng babae
sa upuan.
"Ikaw! Sinaksak mo ang kaibigan namin!" Patakbong nilapitan ni Clarrise ang babaeng
nakatali at itinulak nito ang balikat ng babae na ngumisi lang.
"Makatulong? Siraulo ka ba? Halos ikamatay ni Alexandria ang ginawa mong babae ka!"
sigaw parin ni Clarrise.
Umiling-iling naman ang babae. Salitan kami nitong tinapunan ng tingin at muling
ngumiti.
"Ginawa ko lang iyon para seryosohin ninyo ang nangyayari sa inyo. Hindi lang ito
basta laro. Tungkol na ito sa kaligtasan ninyo. Kapag masyado kayong nagpadala sa
takot ninyo ay siguradong hindi kayo tatagal sa lugar na ito."
"Hindi ko ginawa iyon para makarinig ng pasasalamat. Tch. Ginawa ko iyo. Dahil
tumatanaw ako ng utang na loob. For sure may nahanap kayo sa kilinik," sagot naman
ng babae sabay tingin sa ibang direksyon.
May nahanap? Iyong listahan ba ng mga estudyanteng namatay ang tinutukoy niya?
Paano niya nalaman na mahahanap namin iyon doon?
Ano ang alam niya? At ano iyong utang na loob na binabayaran niya? Kanino siya
nagbabayad?
"Alam mo kalimutan mo na iyon Kyra. Siguradong nililito lang tayo ng babaeng iyon.
Baka gawa-gawa niya lang ang mga sinabi niya para hindi natin siya pag-initan,"
sagot naman ni Clarrise.
"Ano pa nga ba. Sa lugar na ito mahirap ng magtiwala sa sinasabi ng mga tao no,"
Clarrise.
"Handa na ba kayo?"
Dumiretso ako sa library. Naalala ko kasing may nakita akong pintuan sa likod na
bahagi noon ng minsan akong napadpad sa lugar na iyon. Naka-kandado iyon pero baka
magawan ko iyon ng paraan. Wala namang mawawala kung susubukan ko e. Pagdating ko
sa library ay agad kong pinagala ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. Walang katao-
tao sa loob. Dahil wala rin namang librarian ang nagbabantay sa library na iyon at
talagang mag-isa lang akong naroon.
May kadiliman sa loob. Maliliit na bombilya lang kasi ang nilagay nila sa bawat
gilid ng mga estante ng libro. Ang maliwanag na parte lang ay iyong doon sa may
reading area, na medyo malayo pa sa kinatatayuan ko. Tanaw ko na ang nasabi kong
pinto. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paglalakad palapit doon. Nagpalinga-linga
ako sa paligid. Nang makalapit na ako sa pinto ay pinakatitigan ko ang kandadong
nakakabit doon tapos sinubukan ko iyong sungkitin gamit ang hairpin na sinadya kong
ilagay sa buhok ko. Ganito kasi ang ginagawa doon sa mga napapanood ko kaya
susubukan ko at baka sakaling gumana dito.
Ilang minuto ko ring sinundot-sundot ang kandado para mabuksan iyon pero hindi
umuubra. Hindi naman pala totoo iyong mga nasa pelikula e. Pero isa nalang.
Susubukan ko ulit. Baka mali lang ang ginagawa ko.
Muli kong ipinasok sa butas ng kandado ang hawak kong hairpin at inikot ko ulit
iyon nang inikot. Hanggang sa isang malamig na boses ang narinig ko mula sa likuran
ko.
Tumawa naman si Quartz. "At ano bang feeling mo?ł May gusto ako sa'yo? Huy mahiya
ka naman sa itsura mo no!" aniya.
"Sino? Ako? Nagpapatawa ka ba? Para sabihin ko sa'yo mas nauna pa ako sa'yo dito
no! Stalker mong mukha mo."
"Siguro dahil bulag ka." aniya sabay turo sa likuran niya. Doon sa dulong bahagi ng
hallway ay maraming nagkalat na libro sa may lapag. Mukhang kanina pa nga siya
naroon at nagbabasa. Tsk. Ang bobo naman kasi e. Bakit naman doon siya nagbabasa e
may lamesa naman.
"Ewan ko sa'yo," aniko nalang sabay talikod sa kaniya. Muli akong humarap sa
pintuang binubuksan ko.
"In tail I have feet. In feet I have tail," biglang bulong ni Quartz.
“Sabi ko na nga ba type mo ako e." Tumatawa akong muling humarap sa kaniya. Pero
bago pa ako tuluyang makaikot ng tingin ay bigla niyang hinawakan ang ulo ko at
ipinihit niya iyon paharap sa pintuang binubuksan ko. Tapos itinapat niya iyon sa
maliit na karatulang nakadikit sa pinaka gitna ng pinto.
"In tail I have feet. In feet I have tail." Basa ko sa nakasulat doon.
"Malamang isa iyang clue." Binitiwan na ni Quartz ang ulo ko kaya maayos na akong
nakatayo.
Lumakad na si Quartz pabalik sa pwesto niya kanina kaya naman sinundan ko siya.
"Bakit mo hinahanap ang sagot sa riddle na nasa pinto? Gusto ring mabuksan iyon
no?" tanong ko.
Umupo si Quartz sa tabi ng mga libro habang ako ay nanatili lang na nakatayo sa
harap niya.
"Kung parehas lang naman pala ang pakay natin dito ngayon e, bakit hindi nalang
tayo magtulungan?" aniko sabay upo rin sa harap niya. Nag indian sit ako at kumuha
ng isang libro na nasa lapag.
"Ano ba 'to? Tungkol sa serena?" pag-iiba ko ng usapan. Sunod kong tiningnan ang
iba pang mga libro na nasa lapag. Tungkol rin iyon sa mga serena. Iba-iba lang ang
pamagat pero talagang lahat ng iyon ay puro mga serena ang larawan na nasa pabalat.
"Pwede ba tigilan mo nga muna yang kaka-ano mo. Baka anuhin kita diyan mamaya e."
"Ano?"
Siguro nga ay may kinalaman iyon sa mga serena dahil ang mga serena lang naman ang
pwedeng magkaroon ng buntot and at the same time ay magkaroon rin ng mga paa.
Malamang ay iyon rin ang naisip ni Quartz kaya siya naghahanap ng mga libro tungkol
sa serena. Pero. Ano naman kaya ang hahanapin namin sa libro? Doon ba nakaipit ang
susi ng kandado?
"Para saan?" tanong ni Quartz. Hindi siya nag-angat ng tingin pero alam ko namang
nakikinig siya kaya sinagot ko ang tanong niya.
"Sus, kahit magsungit ka pa. Alam ko naman deep inside eh mabait ka naman talaga.
Siguro ma-pride lang pero—" Napatigil ako sa pagsasalita ng mag-angat ng tingin si
Quartz. Tinitigan niya kasi ako ng masama. Mukhang nagsisimula na naman siyang
maging leon.
“Edi titigil na," aniko sabay yuko ng ulo. "Teka, ano bang libro ang dapat nating
hanapin? Ang dami naman kasing aklat tungkol sa mga serena e."
Ano nga kaya? Sandali kong ipinikit ang mga mata ko. Mariin kong pinag-isipan ang
mga kwentong may kinalaman na sirena na nabasa ko na hanggang sa may bigla akong
naalala. Iyong pambatang kwento na 'The Little Mermaid' iyong tungkol sa serena na
nagkaroon ng mga paa.
"Oo. In tail I have feet, in feet I have tail? So ang ibig sabihin nagkakaron siya
ng mga paa."
"Wow, may utak naman pala." Tumayo si Quartz at lumakad palapit sa isang shelf.
Pagbalik niya sa kinaroroonan ko ay hawak na niya ang isang libro. May title iyon
na 'The Little Mermaid'. Inilapag niya iyon sa harap ko at dahan-dahang binuksan.
Pero hindi katulad ng inaasahan ko ay wala namang susing nakaipit doon. Isa na
namang riddle ang nakaipit sa pinakaunang pahina nito.
Ano ito? Isa na namang riddle? Aba, gusto talaga nila kaming pahirapan ah.
"Ano na? Wala ka paring naiisip?" pasigaw kong tanong kay Quartz.
"Teka, alam ko na." bigla kong tili. Nakataas naman ang kilay na napatingin sa akin
si Quartz.
"Ano?Ţ
"Sus, aminin mo mas matalino kaya ako sa'yo. Tatlo na kaya ang nasagot kong riddle,
eh ikaw? Dalawa lang? Tch, mahina ka pala e," pang-aasar ko pa.
Nginisihan ko si Quartz tapos tumayo na ako para hanapin ang librong may title na
'Alice In Wonderland'. Samantala si Quartz naman ay nanatili na nakaupo at tahimik
na pinanuod ako sa ginagawa ko.
Nang mahanap ko na ang libro ay agad kong binuksan iyon. Ang whoa— isa na namang
nakakainis na riddle ang bumungad sa akin. Bumalik ako sa kinaroroonan ni Quartz
tapos iniabot ko sa kaniya ang hawak kong libro. Mukhang hindi naman nakaligtas sa
paningin niya ang bigla kong pagsimangot kaya nagtanong siya.
Nakangisi na naman siya. For sure ay may maiisip na naman siyang panlalait kapag
sinabi kong pagod na ako. Well, hindi ko siya hahayaan. Ano siya.
Magsasalita na sana ako pero bigla namang tumunog ang tiyan ko. Medyo malakas iyon
kaya paniguradong narinig din iyon ni Quartz. Nahihiya ko tuloy na hinaplos ang
tiyan ko.
Sa dami ng sinabi niya ngayong araw ay iyon lang ata ang nakakatuwang marinig.
Hindi ko tuloy napigilang mapangiti.
“Ano ang mukhang iyan?"
Nag smirk naman si Quartz. “Ano bang feeling mo? Kakain tayo sa labas ng
magkasama?"
“Dito ka lang. Ituloy mo lang iyang ginagawa mo. Ako na ang bahalang kumuha ng
pagkain natin," sabi niya sabay abot sa akin ng ibinigay kong libro tapos tumalikod
na siya. Tuloy tuloy siyang lumakad patungo sa labasan kaya naman sinigawan ko
siya.
“Hindi mo ako yaya. Mag-intay ka kung ano ang maisipan kong dalhin," sagot niya
Itinaas lang ni Quartz ang kanang kamay niya. At dahil tuluyan na siyang nakalabas
ng library ay wala na akong ibang nagawa kundi ang mapasimangot nalang.
Hayyyy. Kita mo nga 'tong lalaking ito. Napaka-walang modo talaga. Akala naman niya
gusto kong kumain sa labas na kasama siya e.
Naiiling kong binalingan ang hawak kong libro tapos walang gana kong binasa ang
nakasulat na riddle doon.
Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa iyon. Ang riddle na iyon. Ganoon na ganoon ang
sinabi ni Lady Vhern at Lorraine. Hindi ko alam na isa pala iyong libro.
Pinilit kong balikan ang mga pangyayari noong unang araw namin sa Wisconsin. Noong
sama-sama kaming natulog sa iisang kwarto dahil nagkatakutan kami. Noong bago
namatay si Lorraine. Natatandaan ko na may ipinakita itong papel. Iyong pina-print
niya. May nakasulat sa itaas ng papel na iyon e. Hindi ko maalala pero parang
nagsisimula iyon sa letter 'h'.
Teka, nasaan na nga pala ang papel na iyon? Noong namatay si Lorraine ay bigla
nalang din iyong naglaho na parang bula. Sigurado akong may kumuha noon, pero sino
naman kaya? Iyong killer kaya? Bakit naman niya iyon kukunin? Hindi kaya nandoon
ang sagot para makalabas kami sa lugar na ito? Baka kaya niya pinatay si Lorraine
ay dahil nalaman niyang marami itong alam? Ayaw niyang malaman namin ang lahat ng
nalalaman ni Lorraine kaya ito ang inuna niya. Tama. Dahil kung hindi niya
papatayin si Lorraine ay siguradong marami itong maiku-kwento sa amin.
Pero sino ba kasi siya? Sino ba ang killer? At bakit niya ginagawa ito?
Si Paloma ba? Siya ang number one suspect ko e. Siya kasi ang unang nakakita sa
bangkay ni Lorraine. Tapos ng araw na iyon may nakita rin akong mga sugat sa braso
niya. Para iyong galos na gawa ng matalim na kuko. Nang tanungin ko siya tungkol
doon ay sinabi niyang nakuha niya iyon ng makalmot siya ng pusa. Pero sa ilang araw
naming paglalagi dito ay never pa naman akong nakakita ng pusa, kaya maaring
nagsisinungaling siya?
Bukas ay hahalungkatin ko ang mga gamit niya. Kapag nakita ko doon ang papel ni
Lorraine ay magiging sigurado na ako.
Pero kung siya nga ang pumatay kay Lorraine? Ano na ang gagawin namin sa kaniya?
Kailangan rin ba namin siyang patayin? NO! Hindi ako mamamatay tao. Hindi ko kaya
iyon.
Naging alerto ako ng may narinig akong kaluskos mula sa ikalawang shelf. Sinilip ko
ang pinanggagalingan niyon. Dali-dali kong ibinalik ang hawak kong libro sa
pinanggalingan nitong pwesto at kumuha ng ibang libro.
Narinig kong papalapit na sa akin ang mga yabag. Medyo kinakabahan man ay inihanda
ko ang sarili ko. Titig na titig ako sa direksyong pinanggagalingan ng ingay.
Hanggang sa isang bulto ng lalaki ang unti-unting nabubuo mula sa kadiliman.
Palapit na ito ng palapit nang palapit. Isang may katangkarang binata ang tumambad
sa akin. Hindi man sobrang laki ng katawan nito ay masasabi kong may nagtatago
paring mga abs sa suot nitong v-neck shirt. Meron din itong kakaibang awra na hindi
ko maipaliwanag. Parang napaka-angas niyang tingnan.
Nakapamulsa siyang tumayo sa harap ko. Wala parin akong kakurap-kurap. Kinikilatis
ko siyang mabuti. Hindi namin siya kasamahan. I mean hindi siya isang intern
student kaya hindi ko siya kilala. Pero parang namumukhaan ko siya. Hindi ko lang
maalala kung saan ko ba siya nakita.
Nginitian ko rin siya. "Yes. Ah, I mean no! Ahh. Ano. Hindi ko lang kasi inaasahan
na may pupunta dito. I mean pwede namang pumunta dito ang lahat pero hindi ko lang
naisip na. Ay. Oo. Medyo nabigla nga ako." Halos magmukha akong tanga dahil sa
pinagsasabi ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba iyong mga sinabi ko dahil
ako mismo ay hindi ko iyon na gets eh.
Tinapunan niya ng tingin ang hawak kong libro pagkatapos ay muli siyang ngumiti.
“I see," makahulugang sabi niya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang pag-
ngisi niya kaya biglang napakunot ang noo ko.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya pagkatapos niyang tingnan
ang hawak kong libro kaya naman naguguluhan kong ibinababa tingin ko para tingnan
ang hawak kong libro.
Bigla akong napalunok. Huli na para itago ko ang librong hawak ko dahil mukhang
nabasa na niya ang title niyon at binigyan na niya ng kahulugan ang paghawak ko
no'n. Nakakahiya. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi. Tsk. Bwesit naman kasi e. Bakit
sa dinami-dami ng librong madadampot e, ito pa ang nakuha ko. Nakakaasar. Baka ano
pa ang isipin niya sa akin. Baka isipin pa niyang trip ko ang mga ganitong
babasahin. Hmp.
"Ah. Hindi ito katulad ng iniisip mo. Hindi ko talaga ito binabasa ok. Ah, uhmmm
nagkamali lang ako ng nadampot na libro," namumula kong sabi. Dali-dali kong
binalik sa shelf na pinagkuhaan ko ang librong hawak ko.
Samantala, lumapit din siya sa shelf na iyon at sinimulang tingnan isa-isa ang mga
pamagat ng librong naroon.
"At ano naman sa tingin mo iniisip ko?" tanong niya habang nakatingin parin sa mga
libro.
"Ah, hindi ko alam. Baka lang kasi may iniisip kang iba e. I was just—"
"Ewan."
"I'm Kyra," aniko nalang para matapos na ang pag-uusap namin. Masyado na kasi akong
napapahiya eh.
"Kyra? Wow. Ang ganda naman pala ng pangalan mo. Parang ikaw lang." Nakangiti
niyang sabi.
Talagang umiinit na ang pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin
pero parang may kakaiba akong nararamdaman ngayon.
Hindi kaya love at first talk na ito? Hindi love at first sight, kasi nga parang
nakita ko na siya kung saan eh. First talk kasi nga ito ang unang beses naming pag-
uusap.
"But you look so tense," aniya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin kaya naman
napalunok ako.
"Ahhh," bigla akong naubusan ng sasabihin. Siguro, dahil hindi na ako makapag-isip
ng maayos. Naiilang talaga kasi ako sa presensiya niya e.
"See? Your running out of words." Lumakad pa siya ng ilang hakbang. Halos wala na
tuloy maiwan na espasyo sa pagitan naming dalawa. Lalo tuloy akong nahihirapan.
Hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa kaba. "Don't be scared at me," dugtong
niya sabay wink. "Anyway. I don't want to bother you, I just need this book kaya
ako nandito." Iwinagayway niya ang kinuha niyang libro at ngumiti. Tapos umalis na
siya sa harap ko na parang walang anumang nangyari.
Haysss...
Teka, dahil sa sobrang kaba ko ay nakalimutan kong kuhain ang pangalan niya.
Nang hindi ko na matanaw ang lalaki ay agad kong binalikan ang hawak
kong libro kanina, iyong Alice In Wonderland. Muli ko iyong kinuha tapos bumalik na
ako sa pagkakaupo ko sa lapag. Nakakapanghinayang man dahil hindi ko nakuha ang
pangalan ng lalaking nakausap ko pero marami pa namang pagkakataon e. Apat na taon
pa naman akong mananatili dito sa Wisconsin, kaya tiyak na magtatagpong muli ang
mga landas namin.
Bigla siyang napatigil. Halos takbuhin niya ako ng makita niya ako. Dala na niya
ang kinuha niyang hapunan. Nakalagay iyon sa isang stainless na tray. Tapos may
dala rin siyang plastic bag na may lamang bottled mineral water.
"M-may nakita kasi akong lalaking nanggaling dito e. A-ang akala ko ay..." Napayuko
siya. Hindi niya tinuloy ang sinasabi niya. Para siyang biglang napahiya dahil sa
inaarte niya.
Agad namang nagbago ang hilatsa ng mukha niya. Mula sa tila pag-aalala ay bigla
siyang nagtaas ng kilay at sumimangot. "What? NO!"
"Weh, natakot ka no. Siguro iniisip mo na baka may nangyari na sa akin kaya
alalang-alala ka," medyo tudyo ko pa sa kaniya. Pinanliitan ko siya ng mata at
nakipag eye to eye ako sa kaniya. Mukhang hindi niya naman iyon kinaya kaya nagbaba
siya agad ng tingin. "Teka, nagba-blush ka ba? Wait, oo nga namumula ka oh." Tawa
ako nang tawa.
Well, hindi naman talaga siya namumula e. Sinasabi ko lang iyon dahil gusto ko
siyang asarin. Haha.
"Alam mo Quartz, sabihin mo na kasi kung may feeling ka para sa akin. Magtapat ka
na ngayon na, tutal naman huling-huli ka na sa akto e."
"Weh? Umamin ka na kasi. Sabihin mo na sa akin ngayon ang tunay mong nararamdaman
para naman makapagsimula na tayo ng love story natin. Mayaman ka, tapos mukha akong
pera. Aba, magiging perfect couple tayo no."
"Hell no! Hindi kita type no! Ambisyosang to. Diyan ka na nga!" Pilit nitong
iniabot sa akin ang dala niyang pagkain. Nang mabuhat ko na ang tray at mahawakan
ang plastic bag ay bigla nalang siyang tumalikod tapos padabog siyang lumakad
palayo sa akin.
"Hoy, iiwanan mo talaga ako dito? Alam mo, baka may masamang mangyari sa akin dito?
Siguradong hindi iyon kakayanin ng konsensiya mo!" natatawa ko paring pang-aasar sa
kaniya.
"Mag babanyo lang ako! Para kang tanga! Ayusin mo nga 'yang sarili mo," sabi pa
niya bago tuluyang mawala sa paningin ko.
Mwahahaha asar talo naman ang mokong! I bet, hindi siya sanay na inaalaska ng
gano'n. Haha.
Dahil wala na si Quartz ay ang iniabot niya namang pagkain ang binalingan ko.
Dalawang bowl ng spaghetti, dalawang overload sandwiches at dalawang pineapple
juice ang laman ng tray. In fairness naman mukhang nadali ng mokong ang mga gusto
kong pagkain.
---
Loka-loka talaga ang babaeng iyon! Tsk. As if naman interesado ako sa kaniya. What
the f! At saan naman niya nakuha ang ganoong idea? Dahil ba hinayaan ko siyang
tulungan ako ngayon? Tch, mukhang iba pa ang naging dating ng ginawa ko ah. Hindi
niya man lang ba naisip na hinayaan ko siya dahil gusto ko rin namang makalabas sa
lugar na ito. Kung kaya ko lang na makaalis dito ng mag-isa e, siguradong hindi ko
parin siya papansinin. Tsk! Napakalaki kaya ng atraso niya sa akin.
---
"Ano busog ka na ba?" Naka-smirk kong tanong paglapit ko sa kaniya. Naupo ako sa
harap niya.
"How would I know na walang lason itong dala mo? I mean, paano kung ikaw pala iyong
killer?" seryosong sabi niya.
Kanina ay pinagbibintangan akong may gusto sa kaniya, ngayon naman ay killer. Lakas
talaga nang tama ng babaeng ito. Napakalawak ng imahinasyon e.
Pero kung sabagay, may point rin naman siya. Sa panahon kasi ngayon ay wala naman
talaga kaming dapat na pagkatiwalaan. Pero, hindi naman kasi ako ang killer eh.
Susme. Bakit naman ako pa ang naging suspek niya?
"Kung ako nga yung killer, edi sana kanina ka pa nakahiga diyan sa sahig at wala ng
buhay. Tsk. Kanina pa kaya tayo magkasama," sagot ko sa kaniya. Kinuha ko na sa
tray ang isang bowl ng spaghetti at mabilis na hinalo iyon. Pagkatapos ay sumubo
agad ako.
Ano bang ginagawa ng bruhang 'to? She's starting to freak me out. Parang tanga lang
e.
"And how would you know na hindi ko iyan nilagyan ng lason habang nasa banyo ka?"
pabulong na tanong niya.
"I mean, paano pala kung ako yung killer?" dugtong pa niya, sabay tawa na parang
kontrabida sa mga teleserye.
Siya ba?
---
Hagalpak ako ng tawa ng makita ko ang naging reaksyon ni Quartz. Para siyang
natuyuan ng dugo. Halos mag kulay puti na ang mukha niya. Napatigil siya sa pagkain
at napatitig sa akin. Wala rin siyang kakurap-kurap.
Nakita ko namang para siyang nakahinga ng maluwag pero galit naman ang sunod na
pumaskil sa mukha niya.
"Ikaw! Baliw ka! Putcha!" Napapamura pa siya. Mukhang natakot ko talaga siya. Haha.
Mula sa pagkakaupo sa sahig ay tatayo na sana siya, kaya mabilis kong hinawakan ang
kamay niya para pigilan siya.
"Uy, joke lang. Ito naman. Tara kain na tayo. Last na yun promise," panunuyo ko sa
kaniya sabay ngiti ng sobrang tamis.
Pinigilan ko na rin ang sarili kong magpakawala ulit ng tawa dahil hindi ko naman
gustong tuluyan na siyang mainis sa akin. Baka kasi mamaya ay iwanan niya ako dito.
"Alam mo kung hindi ko lang talaga gustong makalabas dito. Naku, siguradong kanina
pa kita iniwanan."
"Kaya nga, konting tiis nalang. Pag tiyagaan mo na ako ha?" Naka-pout kong sabi,
sabay abot ko sa kaniya ng binitiwan niyang bowl.
Inis niyang kinuha iyon. Nginitian ko lang siya. Tinigilan ko na rin ang pang-aasar
sa kaniya dahil baka mamaya ay hindi na siya magpa-awat at tuluyan ng mag walkout.
Ang takot ko lang. Hehe.
---
Ilang minuto rin kaming nabalutan ng katahimikan. Pareho kaming naging busy sa
pagkain ni Quartz. Nang maubos na namin ang lahat ng laman ng tray ay sandali pa
kaming nagpahinga bago ko kinuha ang libro na naglalaman ng riddle na kailangan
naming sagutin.
"Once your in, death is the only way out." mahinang basa ni Quartz sa hawak niyang
libro. Napatingin siya sa akin.
"Meron ka bang idea kung anong libro tinutukoy niyan?" tanong ko.
Tumango siya.
Hell Game?
Iyon ang sinasabi nilang tawag sa nilalaro namin ngayon? So, isa pala iyong libro?
"Hell Game."
Nagkatitigan kami ni Quartz ng makita ang librong iyon. Saglit kaming natahimik.
Tila binabasa namin ang reaksyon ng isa't-isa.
This is it!
Pareho kaming napangiti ng makita ang kanina pa namin hinahanap. Sa pinaka gitnang
bahagi ng libro ay may butas na pahaba, tapos sa loob noon nakalagay ang isang
susi. Kulay kupas na ginto ang susing iyon. Korteng bungo ang pinaka hawakan na may
nakaukit na mga letra. Hindi ko naman iyon mabasa dahil ang ibang letra ay tila
wala sa alpabeto, tapos ang iba naman ay parang baliktad na hindi ko maintindihan.
Tumango ako bilang tugon. Nang lumakad na siya papunta sa pintuang gusto naming
buksan ay agad din akong sumunod sa kaniya. Nang huminto siya ay bahagya akong
umabante para makalapit sa pinto. Tapos kinakabahan kong ipinasok ang susi sa
susian.
Sobrang excited ako. Gustong-gusto kong makita ang nasa likuran ng pintuan pero
ganoon nalang ang pangungunot ng noo ko. Ayaw naman kasing umikot ng susing hawak
ko. Sakto naman ang sukat noon at naipasok ko iyon ng mabuti pero parang hindi iyon
para roon.
"Mukhang hindi para dito ang susing nahanap natin," malungkot na pahayag ko.
"Anong sabi mo?" frustrate na tanong ni Quartz. Inis niyang kinuha ang susi mula sa
kamay ko at siya naman ang sunod na sumubok nito, pero katulad lang ng nangyari sa
akin ay hindi rin iyon umubra.
"Buwesit!" Galit na hinagis ni Quartz ang susi kaya naman taranta ko iyong pinulot.
Mabuti nalang at hindi iyon pumailalim sa shelves. Dahil kung nagkataon ay sayang
naman ang effort namin.
"Ano ka ba, kitang pinaghirapan natin ito e." Nginusuan ko lang siya.
"Pinaghirapan para sa wala."
"Aba mukhang may mga nag-aaral dito ah," wika ng lalaking dumating.
Tumayo ito sa harap namin ni Quartz at salitan kami nitong pinasadahan ng tingin,
simula ulo hanggang paa. Mukhang estudyante rin siya, pero hindi siya naka-
uniporme. Nakasuot lang siya ng simpleng polo at pantalon na hapit sa katawan niya.
Ang angas niyang tingnan. Para siyang leader ng isang gang. Kitang-kita ang tapang
sa mukha niya.
"Halika na." Sinimulan na akong hilahin ni Quartz. Sabay naming nilampasan ang
lalaking dumating, pero nakakailang hakbang palang kami nang harangin naman kami ng
dalawa pang lalaki. Tumayo ang mga ito sa daraanan namin kaya napilitan kaming
tumigil sa paglalakad.
"Sandali naman, hindi pa tayo tapos na mag-usap e tinatalikuran nyo na ako." Umikot
paharap sa amin iyong lalaking nilampasan namin. Tapos ngumisi ito at tinapunan ng
tingin ang magkahawak na kamay namin ni Quartz.
Halos malaglag ang panga ko dahil sa narinig ko. Hindi ko naman kilala ang lalaki
kaya ano naman ang kailangan niya sa akin? Ano bang ginawa ko?ł
"F*ck!" usal pa ni Quartz. Kahit halata namang nasaktan siya ng matindi ay pinilit
niya paring makatayo ng maayos. Tapos tiningnan niya ako ng may pag-aalala.
"Gusto mo siyang makuha? Pwes, kailangan mo akong pigilan." Itinaas ng lalaki ang
kamay nito at sumenyas kay Quartz na parang naghahamon ng suntukan.
Gusto ko pa sanang makita ang mga mangyayari sa pagitan nila pero bigla na akong
binuhat ng isang lalaking may hawak sa akin. Pinaghahampas ko ito para mapatigil sa
ginagawa niya pero parang wala akong sapat na lakas para matinag siya. Nagtawanan
lang sila at umalis na sa library.
"Ano ba, saan nyo ba ako dadalhin? Mga hayop kayo!" sigaw ko sa kanila pero patuloy
lang sila sa pagtawa.
Medyo madilim na sa labas. Tahimik narin ang paligid. Sisigaw sana ako para mas
makatawag pa ng atensyon pero mabilis naman akong nabusalan sa bibig ng lalaking
nasa tabi ng may karga sa akin.
Susuko?
Hindi iyon maari. Hindi ko iyon pwedeng gawin. Kailangan kong lumaban. Hindi
pwedeng ibigay ko nalang ng ganoon ang gusto nila. Kailangan ko gawin ang lahat
para sa sarili ko. Kailangan kong umisip ng paraan para makatakas. Kung hindi man
ay kailangan ko pa ring gawin ang lahat ng makakaya ko, basta bawal ang sumuko.
Dinig kong reklamo ng isa sa mga lalaking kumuha sa akin. Naitali na nila ako sa
isang upuan na may sandalan kaya mas lalo tuloy akong walang magawa para tulungan
ang sarili ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Nasa isang bodega kami.
Napakaraming kahoy na nakasandal sa mga sulok, tapos mayroon ding mga nagkalat na
kung ano-anu sa paligid.
Bigla ko tuloy naalala si Quartz. Sana ay ayos lang ito. Sana ay magawa nitong
makatakas sa lalaking iyon. Sana ay makahingi ito ng tulong.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kaya hindi ko alam ang ire-react ko. Gusto ko
sanang ngitian ang lalaki pero nagdadalawang-isip naman ako. Baka kasi dahil pa sa
akin ay mapahamak lang siya. Baka matulad lang siya kay Quartz.
"Pero dapat ay kanina pa narito iyon," sagot naman ng kausap nito. Nakita kong
papalapit siya sa drumkaya dali-dali kong kinuha ang atensyon niya para mapatigil
siya sa paglalakad.
"Ano ba kasing plano ninyo sa akin ha? Bakit ninyo ba ako dinala dito?" sigaw ko.
Mabuti nalang at tumigil naman siya sa paghakbang dahil napatingin siya sa akin.
"Bakit ba ang kulit mo ha. Sabing experiment..."
Hindi na naituloy pa ng lalaki ang sasabihin niya dahil mabilis ng kumilos ang
nagtatagong binata sa likuran niya. Para itong may tinurok na kung ano sa leeg ng
lalaki na mabilis na lumagapak sa sahig.
"Putek!" gulat na usal naman ng isa. Tatakbo sana ito palayo pero agad naman itong
tinakbo ng lalaking dumating para iligtas ako.
Napakaliksing kumilos ng lalaki. Dahil kahit malayo ang pagitan nila ng lalaking
kumuha sa akin ay naabutan niya ito. Ganoon din ang ginawa niya dito. Pagkatapos
niya itong pigilin sa pagtakbo ay sinakal niya ito sa leeg gamit ang isang braso
niya habang kinukuha sa bulsa ng suot niyang jacket ang isang syringe. Nang
matanggal niya ang takip nito ay mabilis niya iyong itinusok sa leeg ng lalaki na
agad ding natumba. Ilang segundo lang ang tinagal ay bigla ng naging tahimik ang
paligid.
Dahil medyo shocked ako sa mga nakita ko ay mas lalo akong hindi makangiti sa
kaniya nang tumingin siya sa akin.
Sino ba ang lalaking ito? Saan siya galing at paano niya nalaman na nandito ako?
Unti-unting lumakad palapit sa akin ang lalaki tapos pagtapat niya sa akin ay naupo
siya sa harap ko at tinitigan ako ng nakangiti.
Napalunok ako. Parang kanina lang sa library ay napaka sweet ng mukha niya.
Samantalang ngayon ay parang ibang-iba na siya. Parang napakarami niyang kayang
gawin na hindi ko lubos na maisip.
"Yeah, it's me." Lalo pa siyang lumapit kaya mas lalo pang nanlaki ang mata ko
habang nakatitig sa mukha niya. Sobrang lapit na niya. Hindi naman ako makagalaw
para umatras. Kaya bahagya nalang akong napapikit.
Akala ko ay todo na ang pagkakalapit naming ganoon, pero nagkamali ako. Talagang
lumapit pa siya ng sobra, hanggang sa maikulong na niya ako sa dalawa niyang braso.
Lalo lang akong na shock sa ginawa niyang pagyakap. Halos hindi na tuloy ako
makahinga ng maayos. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang bigla kong nalunok ang
dila ko. Tuluyan narin akong napapikit. Naghintay ako na may kung anong dumampi sa
mukha ko pero wala naman kaya idinilat ko rin ang isa kong mata para makita siya.
Halos pamulahan ako ng mukha ng magsalubong ang mga tingin namin. Titig na titig
kasi siya sa mukha ko habang nakangisi. Parang sinasadya niyang gawin iyon para
mapahiya ako.
"Ano bang..."
Hindi ko pa natatapos pa ang sasabihin ko ng bigla niyang itinaas ang kanan niyang
kamay. Hawak na niya ang taling nakapalupot sa akin kanina lang. Dahil sa sobrang
tense ko ay hindi ko na namalayan na pinutol na pala iya ang nasa likod ko. Para
tuloy akong napahiya.
Sunod niyang inilahad ang kamay niya. Para siyang prince charming na inaalok ng
isang sayaw ang isang prinsesa. Ang romantic sana, kaso hindi ko parin magawang
makangiti e. Halo-halong emosyon na kasi ang nararamdaman ko.
Kahit medyo wala parin ako sa sarili ko ay tinanggap ko ang kamay niyang nakalad.
Sa paglapat ng mga palad namin ay parang may maliliit na boltaheng gumapang mula
roon patungo sa ibat-ibang bahagi ng katawan ko. Dahil doon ay hihilahin ko sana
ang kamay ko pero mahigpit naman ang pagkakahawak niya sa akin. Para ngang hinila
niya pa iyon para hindi ko maputol ang pagkakahawak-kamay namin. Hindi ko na iyon
sinubukang hilahin ulit dahil iginiya na niya ako patayo.
Hindi na ako naka-kontra pa sa gusto niya dahil para akong naging manikang de-susi
na sumunod nalang sa bawat hakbang niya. Nang makalabas na kami ng building ay
nakita ko sa pinaka-bukana nito iyong lalaking humarang sa amin ni Quartz kanina.
Nakahandusay ito sa may pintuan. Mukhang nauna na pala itong patumbahin ng
tagapagligtas ko.
Tagapagligtas?
Napatitig ako sa lalaking may hawak sa akin. Kahit hindi ko pa nakukuha ang
pangalan niya ay iba ang nararamdaman ko sa kaniya. Magaan ang loob ko sa kaniya
kahit hindi ko pa naman talaga siya kilala. Parang ganoon sa nararamdaman ko sa mga
bago kong kaibigan.
"Hindi ko pa nga pala nakukuha ang pangalan mo," aniko habang nakatitig sa binata.
Diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin pero nakita ko naman ang pag-ngiti
niya.
"Oo naman. Dahil kung hindi mo sasabihin ay hindi ko malalaman kung ano ang
itatawag ko sa'yo."
"Uhmmm tawagin mo na lang akong, ang iyong prinsepe."
Napangiti ako ng marinig iyon. Saglit siyang nagtapon ng tingin sa akin kaya
siguradong nakita niya ang pag-ngiti ko. Bigla tuloy akong namula.
"Siguro mabantot ang pangalan mo no! Mukha kasing hindi ka proud doon e."
"Just call me your prince, alright." Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
"Iniligtas kaya kita ngayon, so baka nga diba ako ang prince charming mo."
"Prince charming, hindi ka naman charming e. " Naka-pout kong sabi sabay malakas
kong hinila ang kamay ko. Nabitawan naman niya iyon kaya mabilis na akong naglakad.
"Excuse me, hindi ba kanina ka pa namumula? For sure, kinikilig ka dahil sa ginawa
ko no!"
"Hoy!"
Lihim akong napapangiti. Para kasing close na kami kung mag-usap e. Kung kanina sa
library ay sobrang awkward ng pag-uusap namin ay iba na ngayon. Parang akala mo ay
matagal na kaming magkakilala. Siguro dahil narin iyon sa ginawa niya para sa akin.
My prince?
Kanina pa kami hindi mapakali dahil sa kahihintay sa pagdating ni Kyra. Kung anu-
ano na ang iniisip ng bawat isa. Si Lara ang pinaka apektado sa lahat. Talagang
hindi ito mapakali at paikot-ikot na naglalakad. Ilang beses narin itong paulit-
ulit na tumitingin sa suot niyang relo.
Teka, anong oras na nga ba?
Alas-nuwebe pasado na. Kanina mga bandang alas-otso ay dumating si Quartz. May mga
pasa ito sa mukha at sugat sa braso. Tinanong namin kung ano ang nangyari sa kaniya
pero pangalan lang ni Kyra ang nasabi niya at agad na siyang nawalan ng malay.
Pinagtulungan nalang siyang buhatin ng mga lalaki paakyat sa kwarto niya.
Lalo tuloy kaming hindi makampante. Lalo pa at mukhang kasama ni Quartz si Kyra
bago iyon nangyari sa kaniya. Siguro ay magkasama sila sa Library. Pero naguguluhan
ako.
Sabay-sabay kaming napatigil sa mga ginagawa namin ng bumukas ang pintuan. Nang
makita namin na si Kyra ang iniluwa nito ay patakbo namin siyang nilapitan. Bago
tuluyang makalapit sa kaniya ay nakita kong may papalayong bulto ng lalaki na nasa
labas. Mukhang iyon ang naghatid sa kaniya.
Parang namumukhaan ko ang lalaking iyon. Hindi lang ako sigurado dahil hindi ko
naman talaga nakita ang mukha nito.
"My God, ano bang nangyari sa'yo Kyra? Bakit ngayon ka lang ha?" Humahangos na
salubong ni Lara kay Kyra. Niyakap niya ito ng mahigpit at pinakatitigan. Halatang
kinikilatis niya itong mabuti kung mayroon bang masamang nangyari dito.
"Sinong kumuha sa'yo?" tanong naman ni Lara habang hinihila papasok ng bahay si
Kyra. Dinala niya ito sa sofa kaya naman isa-isa narin kaming sumunod sa kanila.
Nang makaupo na si Kyra ay pinalibutan namin siya. Dahil lahat kami ay nag-aalala
sa kalagayan niya ay gusto naming malaman kung ano ba talaga ang nangyari sa
kaniya. Baka rin kasi may kung ano siyang natuklasan e.
Mukhang inisip niya pa ang pangalan ng lalaking tumulong sa kaniya kaya natigilan
siya.
"Prince?" Nakangising tudyo ni Lara. Mukhang nawala na ang pag-aalala sa mukha nito
at napalitan na iyon ng pang a-alaska.
"Oo, Prince nga. Bakit?" kumunot ang noo ni Kyra. Isa-isa niya kaming pinasadahan
ng tingin.
Samantalang ako...
Iyong lalaking nag pi-prisintang maging prince charming ko, iyon at ipinagtatabuyan
ko.
Mukhang tama nga ang hinala ko. Magkasama nga silang dalawa kanina.
"Sandali Kyra." Hinabol ko naman siya sa pagtakbo niya. Gusto ko rin kasing makita
ang kalagayan ni Quartz. Dahil nga sa nahimatay na ito kanina ay diniretso na ito
sa kwarto niya, hindi ko na tuloy nakita kung kamusta na ba ang kalagayan nito.
Maging si Lara ay sumunod rin sa amin. Habang ang iba pa naming kasamang naghintay
kay Kyra ay nanatili nalang sa baba.
Bati na sila?
Muli kaming nagkatinginan ni Lara. Para kaming tanga sa likuran ng dalawa habang
nag ngingitian.
"Tch, mukhang ayos ka naman na eh. Sige na makakalabas ka na ng kwarto ko. Isama mo
na rin ang mga baliw mong kaibigan," pagtataboy na sa amin ni Quartz.
Parang kanina lang ay alalang-alala ito tapos ngayon kunyari wala ng pakialam. Tsk!
Napaka plastik naman. Ayaw pang ipahalata na meron siyang konting concern kay Kyra
eh halata naman.
"Ano?" Lalakad sana palapit si Kyra kay Quartz pero agad nang tumalikod ang binata.
"Sige na, labas na! Baka mamaya kung ano pa ang isipin nila sa atin. Tch,"
pagsusungit pa ni Quartz. Bumalik na ito sa kama niya at humiga doon na parang wala
lang ang ginawa niya ng makita niya kanina si Kyra.
"Alam mo napaka mo." Pairap na tumalikod narin si Kyra. Nang lumabas na ito sa
kwarto ay sumunod narin kami ni Lara sa kaniya.
Paglabas namin ng pinto ay muli pang sumigaw sa amin si Quartz. Ipinasasara nito
ang pinto kaya padabog na kinuha iyon ni Kyra at pabalibag na isinara.
Oh, loko!
"Ano ba kasing nangyari? Bakit magkasama kayo ni Quartz kanina?" tanong ko.
"Kanina kasi, hindi ba nakatoka akong magpunta sa library. Noong naroon ako ay
nakita ko doon si Quartz. Nalaman ko na nag i-imbestiga rin siya. At dahil pareho
nga ang pakay namin sa lugar na iyon ay nakipag-tulungan siya sa akin," paliwanag
ni Kyra.
Nakita kong kumapa si Kyra sa bulsa niya. Parang mayroon siyang hinahanap mula roon
pero hindi niya iyon makita.
"Hindi rin namin alam e, basta sa tingin ko ay espesyal ang susing iyon. Nasaan na
ba kasi iyon. Bakit wala na dito."
Biglang nalungkot ang mukha ni Kyra. Napa-pout pa ito. "Hay, sayang naman iyon."
Nang gabing iyon ay hindi ako gaanong nakatulog ng maayos. Siguro dahil
iniisip ko pa rin si Denver hanggang ngayon.
Kanina kasi ay kinompronta ko ito at tinanong kung ano na ang estado nila ni Shanna
at inamin niya naman sa akin na nililigawan niya ito. Alam kong ginagamit niya lang
si Shanna para saktan ako. Alam ko iyon at oo, nasasaktan na nga ako. Nang marinig
ko pa lang mula sa labi niya ang katagang may nililigawan siyang iba ay parang may
kung ano ng kumurot sa dibdib ko. Paano pa kaya kung makita ko silang masaya?
Naiisip ko pa lang iyon ay parang dinudurog na ang puso ko.
Kasi naman e. Ang gusto ko lang naman ay layuan niya ako, para maging ligtas siya.
Pero hindi ko naman ginustong tuluyan siyang umalis sa buhay ko.
Pero ngayon...
Mukhang gano'n na nga ang mangyayari. Baka tuluyan na siyang mawala sakin dahil sa
kagagahan ko.
Pero...
Hindi pa naman huli ang lahat ah. Pwede ko pa siyang bawiin. I just need to eat my
own f*ckin pride. Iyon lang.
---
Ito na ba ang tamang oras? Sasabihin ko na ba sa kaniya ang totoo? Na hindi lang
basta kaibigan ang turing ko sa kaniya. Na meron pang mas higit doon, katulad ng
inaasahan niya? Na gusto ko naman talaga siyang kasama? Na natatakot lang ako na
makitang nasasaktan siya ng dahil sa akin?
Kakatok na sana ako, pero muli kong ibinaba ang kamay ko.
Hindi ko kaya...
Hindi ko kayang umamin. Hindi pa ito ang tamang oras para gawin iyon.
But when is the right time Clarrise? Kapag syota niya na si Shanna?
NO! It can't be! Kailangan ko ng gumawa ng paraan para hindi siya tuluyang mawala
sa akin.
Nilakasan ko na ang loob ko. Kung ano man ang kalalabasan ng gagawin ko ay handa na
ako. Basta bahala na.
Tatlong beses akong kumatok pero wala namang nagbubukas sa akin. Mukhang natutulog
na si Denver. Malamang, hatinggabi na kaya.
Denver is half naked. Wala siyang suot na pang itaas, habang si Shanna naman naka
bra lang at nakayakap sa leeg niya. Syempre nagulat ako. Hindi ko kasi inaasahan na
makikita ko mismo na ginagawa nila iyon. Habang nakatitig sa dalawa ay naramdaman
ko na lang ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Napangiti ako ng mapait at napayuko.
Huli na ang lahat. Hindi ko na mababawi pa si Denver. Psh! Nakakatawa, dahil wala
naman talagang Denver na dapat kong bawiin. Dahil hindi naman siya naging akin.
Hindi ko siya hinayaan dahil natatakot akong masaktan. But now? I'm still hurting!
Mabilis kong pinahid ang pisngi ko. Tatalikod na sana ako pero nagulat ako ng
mamalayan ko na nakatayo na pala si Denver sa harap ko.
"May itatanong lang sana ako sa'yo. Hindi kasi naka-lock yung pinto kaya pumasok na
ako. Hindi ko naman alam na may kasama ka pala. I'm sorry kung naka-istorbo ako sa
inyo." Tumalikod na ako sa kaniya. Hahakbang na sana ako palabas ng kwarto pero
bigla naman akong niyakap ni Denver mula sa likuran ko.
Nakagat ko na lang ang pang-ibaba kong labi. Pakiramdam ko ay tutulo na naman ang
luha ko.
Hindi ko alam kung para saan ang sorry niyang iyon pero sa tingin ko hindi ko
deserve iyon. Dapat ay ako pa ang mag sorry sa kaniya. Sorry dahil ang gulo-gulo
ko. Para akong tanga na uma-atras abante sa kung anuman ang meron kami. Ginugulo ko
lang tuloy ang buhay niya.
"Uhm excuse me, I'm still here," putol sa amin ni Shanna. Parang proud pa itong
tumayo at lumapit sa amin ni Denver kahit naka-bra lang ito.
Aalis sana ako sa pagkakayap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang ginagawa
niya sa akin.
"Excuse me?" mataray na sagot ni Shanna.
"Hay, bahala nga kayo! Ang da-drama nyo!" Inis na nag martsa si Shanna palabas ng
kwarto ni Denver.
Nang maiwan na kaming dalawa ay tsaka niya niluwagan ang pagkakayap niya sa akin.
Nanatili akong tahimik. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Sinubukan ko, ok. Pero hindi ko kaya," bulong ni Denver sa tenga ko. Nakayakap
parin siya mula sa likuran ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero kahit
ganoon ay nararamdaman ko na parang umiiyak siya.
"Mahal kita ok. Sinubukan kong iwasan ka Clarrise pero hindi ko talaga kaya. Hiyaan
ko si Shanna kanina pero hindi ko magawang tumugon sa kaniya. F*ck I really can't!
Pakiramdam ko ay tina-traydor ko ang sarili ko."
"Denver."
"Clarrise, please. Kung hindi mo talaga ako kayang mahalin, ayos lang iyon. But
please, don't push me away. Kahit pagkakaibigan lang ang kaya mong ibigay, Ok na
sakin iyon, basta dito ka lang sa tabi ko. Please..." dinig kong humihikbi na si
Denver.
Hinawakan ko ang kamay niya ay tinanggal ko ang pagkakayap niya sa akin pagkatapos
ay hinarap ko siya. Basang-basa na ng luha ang pisngi niya. This time ay ako naman
ang yumakap sa kaniya. Masuyo kong hinaplos ang likuran niya para mapakalma siya.
"Don't have to say sorry. It's my choice ok. Ayokong pilitin mo ang sarili mong
magustuhan ako. Basta ipangako mo na mananatili ka bilang kaibigan ko," sagot naman
ni Denver.
Binitawan ko na siya. Bahagya akong lumayo sa kaniya at kinuha ko ang dalawa niyang
kamay.
"Clarrise pakiusap 'wag mong sabihin iyan," nagmamakaawa niyang sabi. Napayuko na
siya. Nakita ko ang pagbagsak ng dalawang balikat niya. Parang bigla siyang
nanghina.
Biglang napaangat ang ulo ni Denver. Nanlaki ang mata niya, halatang hindi siya
makapaniwala sa narinig niya. "T-tama ba ang n-narinig ko?"
"Ano ba ang ibig mo kasing sabihin? Sinasagot mo na ba ako? So tayo na ba? Mahal mo
rin ako? Please answer me. Lalo akong hindi makakatulog nito eh," aniya habang
patuloy lang siya sa paghila ng pinto.
"Ang ibig lang nung sabihin ay matalino ka Denver. Matalino kaya, kaya dapat ay
alam mo ang ibig sabihin ng sinabi ko."
Yes, hindi pwedeng mabilanggo nalang kami dito habang buhay. Naniniwala akong
makakalabas kaming lahat dito. Him and my new friends.
Safe?
Natawa ako ng maisip iyon. Sa lugar na ito kasi ay wala naman talagang safe na
pwede mong puntahan. Yung feeling na kahit nasaan ka, ang pakiramdam mo ay may
nagmamasid sa'yo. Iyon ang palagi kong nararamdaman. Siguro dahil iyon rin naman
ang palagi kong naiisip e. Feeling ko anumang oras ay may taong magtatangka sa
buhay ko. Katulad nalang ngayon.
Kanina ko pa nararamdamang may sumusunod sa akin, pero tuwing lilingon naman ako
para tingnan ang paligid ko ay wala akong nakikita kung hindi kadiliman lang.
Napaka tamik naman ng paligid. Siguro ay napa-paranoid lang ako.
Napamulagat nalang ako ng may napakalakas na impact ang bigla nalang tumama sa ulo
ko. Sa lakas noon ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo na ikina-tumba ko. Lahat
unti-unting naging malabo sa paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nang buksan ko ang mata ko ay nakatali na ako sa isang higaan. Nakagapos ang
dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng kama. Habang ang paa ko naman ay ibinuka,
at pareho ring itinali sa magkabilaang gilid.
Pinagala ko ang tingin ko sa paligid. Bukod sa kulay pulang bombilya na nasa pinaka
gitna ng kwarto ay wala na akong malinaw na nakikita paligid. Masyadong mapula ang
lahat. Parang nababalutan ng dugo ang kwartong iyon dahil sa liwanang ng pulang
bombilya.
"Welcome to hell," may narinig akong nagsalita.
"Sino ka? Bakit mo ba 'to ginagawa? Pakawalan mo ako dito," sunod-sunod kong sigaw.
Mula sa madilim na sulok ng kwartong iyon ay lumabas ang isang nakaitim na lalaki o
babae. Ewan ko. Hindi ako sigurado. Hindi ko malaman dahil masyadong maluwag ang
damit niya. Naka tabon rin ang mukha niya ng hood na suot niya. Hindi ko rin ma-
identify ang boses niya, dahil parang may kung anong nakasalpak sa lalamunan niya
na nakapagbabago noon. Parang robot tuloy siya kung magsalita.
"Huwag ka namang masyadong magmadali. Hindi pa nga tayo nagsisimula eh," sabi pa ng
naka-hood. Nagsimula na siyang lumakad palapit sa akin.
"I-ikaw ba? I-ikaw ang pumatay kay Lorraine?" nauutal kong tanong.
"Yep! And you know what? Hindi ako nag-enjoy sa ginawa ko sa dalawang nauna, kaya
ngayon ay sisiguraduhin kong mag eenjoy na ako," and she or he laughs maniacally.
Dalawang nauna?
Kitang-kita naman namin ang naging pagkamatay ni Jessie. Bumagsak ito sa pader na
inaakyat niya. Nagkasugat-sugat ang katawan niya ng dahil doon. Tapos naubusan siya
ng dugo at iyon ang naging dahilan ng pagkamatay niya. Iyon ang sinasabi ng video
na napanuod namin. Wala kaming nakitang ibang tao sa lugar na iyon.
Parang may kausap nga si Jessie sa video. Sandali kasi siyang umikot ng tingin at
parang may kung anong sinabi bago umakyat sa pader. Ang akala ko ay umasal lang
siya ngbkung ano.
"Paanong pati Jessie? Nakita namin ang naging pagkamatay niya," pagtatanong ko.
"Siguro, dahil hindi nila hinayaan na mapanuod ninyo ang lahat ng nangyari."
Naupo siya sa nag-iisang upuan na naroon sa tabi ko at nagsimula na nga siyang mag
kwento.
---
FLASHBACK...
"Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang plano ko." Nakangising sabi ko kay
Jessie ng maabutan ko itong nasa tapat ng malaking pader. Dahil nakahood ako ay
siguradong hindi niya ako nakikilala. Medyo malayo rin ako sa kinatatayuan niya
kaya malabong mamukhaan niya ako.
Nag cross-arm lang ako habang nakatingin sa kaniya. Mukhang desidido talaga siyang
makalabas. Nakita ko kasi ang apoy na nakapaskil sa mga mata niya.
Nang muli niya akong talikuran at simulan ang pag-akyat sa pader ay tuluyan na
akong napatawa. Para naman kasing tanga. Siya na mismo ang magpapadaling matapos ng
misyon ko.
Pinanuod kong mabuti ang bawat pagkapit, pagtapak, pagsampa ni Jessie sa mga bubog
na nakakabit sa pader. Wala akong kakurap-kurap dahil talaga namang ini-enjoy ko
ang ganoong klase ng palabas. Para lang kasi akong nanunuod ng isang 3D na
pelikula. Ang bawat pagtama ng balat ni Jessie sa mga bubog na nagkalat ay talaga
namang nakakapag pangiti sa akin. Ang dami-dami na niyang sugat pero ayaw niya pa
ring tumigil.
Napakasarap niya tuloy panuorin.ł Sobrang frustrated na kasi siya. Ang akala naman
niya ay makakalabas siya dito ng buhay.
Isang pagkakamaling hakbang ay bumagsak na nga siya sa lapag. Ilang minuto rin
siyang hindi kumilos. Mukhang malala ang tama niya.
Lumakad na ako palapit sa kaniya. Itinapat ko ang isang daliri ko sa ilong niya.
Humihinga pa siya kaya napangisi ako. At dahil buhay pa siya ay may paglalaruan pa
ako.
Perfect.
END OF FLASHBACK...
---
"Nakakainis nga e. Dahil hindi ako nag enjoy sa kaniya. Eh kasi ang dami na niyang
sugat sa katawan. Kaya ayun, ang bilis lang ng naging paglalaro namin. Pero
ikaw..." Kinuha ko ang napili kong laruan at itinaas ko iyon para makita ni Agatha.
Isa iyong maso na nababalutan ng mga natuyong dugo.
Nahintakutan naman si Agatha ng makita ang hawak ko. Nagsimula na siyang mag
hysterical.
"To late Agatha, dahil nandito ako hindi para lubayan ka. Narito ako para pahirapan
at patayin ka." Sabay hampas sa kanang paa niya.
First smash was the greatest of them all. Iyong tunog ng nababaling buto. Iyong
dugong sumisirit sa mukha ko. Iyong pagsigaw na ginagawa ng biktima ko. Napaka
priceless niyon. Para iyong pagkain sa nagugutom kong kaluluwa.
Nakita kong namimilipit na siya dahil sa sakit. Kaya nakakatuwang may tapang parin
siyang nailalabas.
Hindi ko na siya sinagot. Bagkus ay tumawa nalang ako ng tumawa. Muli ay itinaas ko
ang hawak kong maso. Sabay nag ini-mini-mo ako sa dalawang braso at isang paa niya.
Ganoon nalang ang pagmamakaawang pumaskil sa mukha ni Agatha ng tumapat ang masong
hawak ko sa kanang braso niya. Pero imbes na makaramdam ako nhmg awa ay mas lalo
lang akong natuwa. Iyon kasi ang reaksyon na hinahangad kong makita. Isang
pagsusumamo na hindi ko naman pagbibigyan.
"Please..."
Ngumiti naman ako sa kaniya. Agad kong ibinaba ang hawak kong maso at bahagyang
umatras.
Just when she smile on her relief ay agad kong inundayan ng hampas ang kanang braso
niya.
Muli siyang nagsisigaw, na gustong gusto ko naman. Para kasi iyong musika sa tenga
ko. Ang sarap sarap sabayan ng pagsigaw niya ng isang nakaiindak na awitin.
Isa pang palo ang ibinigay ko kau Agatha. Ngayon ay ang kaliwang kamay naman niya
ang minaso ko. Dahil malapit lang ako sa kaniya ay hindi ko naiwasang matalsikan ng
dugong kumakawala sa katawan niya. Hindi na siya makasigaw. Kita kong nanghihina na
siya kaya naman tumigil na ako at lumapit ng mabuti sa kaniya.
Gusto kong makita ng malapitan ang mukha niya. Gusto kong makita niya kung sino ang
taong papatay sa kaniya.
Ibinaba ko ng bahagya ang ulo ko para makipag titigan kay Agatha, tapos unti-unti
kong ibinaba ang suot kong hood. Nang makita niya ang mukha ko ay ganoon nalang ang
naging gulat niya. Mabuti nalang at wala na siyang mapagsasabihan ng sikreto ko.
"I-ikaw?"
Iyong naging pagkagulat ni Agatha ang talagang inaasahan kong makita sa mga taong
nasa listahan kong patayin. Natutuwa talaga ako dahil kahit konti ay mga wala
silang idea kung sino ako. Para lang silang mga tangang naghahanap ng karayom sa
kumpol ng mga dayami.
Hahaha...
Bad news came up this morning. Ipinaalam sa amin, na kagabi ay namatay si Agatha.
Lahat syempre na-shocked doon. Sino ba naman ang hindi e parang kahapon lang ay
kasama pa namin si Agatha. But we all need to face the fact na parte na iyon ng
bago naming mundo. Kailangan na naming sanayin ang mga sarili namin dahil sa ayaw
man namin o gusto ay magpapatuloy ang ganitong pangyayari.
"Tama, kailangan nating malaman kung sino ang hayop na gumawa nito kay Agatha."
Nagsuot na ng guwantes si Kyra at huminga ng malalim bago lumapit sa bangkay ni
Agatha.
Tama. Narito kami ngayon sa Science Lab para tingnan ang katawan ni Agatha. Ipinag-
utos ni Lady Vhern na i-examine naming mabuti ang katawan ni Agatha. Kailangan
naming malaman kung anong klase ng armas ang ginamit sa kaniya. Gusto ni Lady Vhern
na gumawa kami ng report kung sino ang suspect namin at kung bakit ito ang napili
namin.
Hindi ko alam kung para saan ang mga ipinapagawa niya basta ang alam ko lang ay
gusto niyang magsimula na kaming mag-imbestiga. Gusto niyang makita na nag i-
imbestiga kami at hinahanap ang killer.
Pinasadahan ko ng tingin ang bangkay ni Agatha. Kung pagbabasehan ang mga braso
nitong halos humiwalay na sa kaniyang katawan ay siguradong hindi naging madali ang
mga huling oras niya. Mukhang pinahirapan talaga siya ng killer.
Maganda nga ang pagsisimula niya. Malalaman namin kung sino ang killer kapag
nalaman namin kung sino ang walang alibi. Maihihiwalay namin ang suspek sa mga
matitino, dahil dito.
"Ako, kasama ko si Beatriz nung oras na iyon. Nag pi-piknick kami sa kwarto habang
nanunuod ng movie. Tapos mga bandang alas-nuwebe ay nagpahinga na ako sa kwarto
ko," sagot ni Sanzo.
"Kami nila Scarlet at Clarrise, nasa bahay na kami noon. Iniintay namin ang
pagdating ni Kyra," sagot ko naman.
Nagyuko naman ng ulo niya si Kyra. Kagabi nga ay hindi namin ito nakasama. Pasado
alas-nwebe na ng dumating siya. Sinabi niya na may kumuha raw sa kaniya para sa
isang eksperimento, pero wala naman siyang anumang galos. Hindi katulad ni Quartz
na bago sila nagkahiwalay ay nabugbog pa.
"Oh my, ikaw ba Kyra ha?" Napatakip ng bibig si Shanna. Para lang itong nang-aasar
na hindi naman talaga takot.
"No, dumating ka Quartz ng bandang alas-otso. Ang ibig sabihin noon nasa bahay ka
na ng mangyari ang krimen," sagot naman ni Clarrise. Tama nga siya. Magkasama nga
sila ng hapon na iyon pero mas nauna naman siyang dumating kay Kyra.
"Ano Kyra, hindi mo man lang ba ipagtatanggol ang sarili mo ha?" usal pa ni Shanna.
"Katulad ng sinabi ko kagabi kay Clarrise, Scarlet, Lara at Beatriz ay may kumuha
nga sa aking mga lalaki. Dinala nila ako sa isang bodega, mabuti nalang at
iniligtas ako ni Prince," paliwanag ni Kyra.
"Aba, mukhang may kasabwat ka pang taga ibang lebel ah," Shanna.
"Alam mo sumusobra ka na Shanna ha! Pwede ba isara mo nga yang bibig mo!" sermon
din ni Scarlet dito.
"Bakit? Kayo ba naniniwala kayong may kumidnap nga kay Kyra? Isipin ninyo nga ha,
kung mayroon ngang kumuha sa kaniya ay bakit wala man lang siyang natamong sugat o
kahit galos man lang. Tingnan ninyo naman si Quartz. Bakit siya ay napakaraming
natamong pasa? Eh kasi ipinagtanggol niya si Kyra habang kinukuha kuno ito ng mga
kidnapper niya."
Talagang hindi titigil ang babaing ito ah. Mukhang gusto niya talagang isipin
naming lahat na si Kyra nga ang suspek.
Muli akong nag-isip. Isa-isa kong hinimay ang mga alibi nila sa isip ko.
Sina Beatriz at Sanzo ay nanunuod ng pelikula sa kwarto. Si Quartz, nagpapahinga
narin sa kwarto niya. Si Kyra ay kinuha naman daw ng mga hindi niya kilalang
lakaki. Si Denver at Shanna naman ay nasa bahay narin ng mga oras na iyon. Si
Clarrise naman, ako at si Scarlet ay nagku-kwentuhan lang sa sala habang
naghihintay sa pagdating ni Kyra. Habang si Alexandria, ay pinayuhan pa ng nurse na
manatili sa klinik ng isa pang gabi.
"Sandali nga, bakit si Kyra lang ang itinuturo ninyong suspek. Bakit hindi ninyo
tanungin si Paloma kung nasaan ito ng ganoong oras?" singit ni Alexandria.
Napatingin naman kami kay Paloma. Medyo namula ito ng mabaling ang atensyon ng
lahat sa kaniya.
"Kami ni Paloma kasi. Uhmmm nasa sementeryo kami kagabi at..." nauutal na salita ni
Nilo.
"We're making love doon, ok." Napayuko si Paloma. Halatang hiyang-hiya ito sa mga
isiniwalat niya.
At sa sementeryo pa talaga ah. Hindi ko ma-imagine kung paano nila ginawa ang bagay
na iyon sa ganoong lugar. Atsaka, hindi man lang ba pumasok sa isip nila ang
nangyayari sa amin ngayon? Lahat kami ay para na ngang mga tanga kakaisip sa mga
nangyayari tapos sila? Nagagawa pa nilang magpaka ligaya sa gitna ng ganitong
sitwasyon? Grabe naman sila.
"Lumalabas na lahat tayo ay may alibis. Ang ibig lang sabihin noon ay may isang
nagsisunungaling sa atin," Clarrise.
"Sandali nga, ano bang nagsisinungaling? Meron naman talagang walang alibi ah,"
singit na naman Shanna.
"Sino?" Sanzo.
"Si Alexandria!" Sabay turo nito sa dalaga na parang makapili. Ang pinakaiba nga
lang ay wala siyang suot na bayong. Tsk! Pero napaka hilig naman niyang magturo.
Mas nagdududa pa tuloy ako sa kaniya e. Baka inililigaw niya lang kami.
"Hoy! Nakita mo namang may sugat si Alexandria e. Kaya nga siya nasa clinic hindi
ba?" pagtatanggol agad dito ni Scarlet. Dahil nasa tabi lang nito si Alexandria ay
mabilis niya itong niyakap at ipinapakita niya ang buong suporta niya rito.
"Pero paano kung ginagawa niya lang alibi ang sugat niya? Tapos lumabas pala siya
kagabi? Huh? How would you know? Eh wala ka naman sa tabi niya ng mga oras na
iyon," Shanna.
"Yes, that could be possible! Baka siya nga ang killer," sang-ayon naman dito ni
Paloma.
"Oo nga. Matapang siyang babae kaya naman posibleng magawa niya ang ganoong bagay,"
segunda naman ni Nilo.
Lahat na sila ay nakatingin kay Alexandria ng mga sandaling iyon. Bawat isa ay
naghihintay na ipagtanggol nito ang sarili niya. Kung paano niya bubuhatin ang
sarili niya.
"Yes, tama nga kayo! I was outside the clinic last night."
Yes tama nga kayo! I was outside the clinic last night.
Nginitian naman kaming lima ni Alexandria. Tapos bumuntong hininga siya bago
nagsalita.
"Katulad nga ng sinabi ko, nasa labas ako. Pero hindi ko sinabing ako ang pumatay
kay Agatha." ani Alexandria.
"Lumabas lang naman ako dahil isinama ako ni doktora Jeycel sa tinutuluyan niya."
paliwanag ni Alexandria.
"Sabi ko na nga ba e, may dahilan ka." Niyakap agad siya ni Scarlet. Ginantihan din
naman ito ng yakap.
"At ano naman ang ginawa mo sa bahay ni doktora Jeycel?" Naka-smirk na tanong naman
ni Shanna.
Binitawan muna ni Alexandria si Scarlet bago ito sumagot. "Kinuha namin doon ang
panlinis ng sugat ko. Na ubusan na kasi ng stock sa may klinik kaya iyon nalang ang
naisip niyang paraan. Kaya isinama niya ako. At dahil gabi na daw ay pinilit niya
nalang na doon na rin ako matulog." Nakataas ang kilay na sagot ni Alexandria.
Nilingon ito ni Alexandria at nginisihan. "Eh ikaw Paloma? Bakit hindi mo sabihin
kung saan ka nagpunta bago kayo nagkita ni Nilo sa sementeryo." Napakunot ang ulo
ng lahat ng sabihin iyon ni Alexandria.
Mukhang may alam pa ito, pero ano naman kaya ang gusto niyang sabihin?
"Nakita kita. Bakit hindi mo sabihin ang ginawa mo bago ka nakipagkita kay Nilo.
Come on, wala ka naman sigurong itinatago. Wala nga ba?" Alexandria.
"Kung totoong hindi ikaw ang gumawa, bakit hindi mo ipahayag sa lahat ang nakita ko
kagabi? Sinusundan mo si Agatha. Nakita ko iyon Paloma," mapang-usig na sabi ni
Alexandria.
"Sabing hindi ako ang pumatay kay Agatha e." Humagulgol na ng iyak si Paloma. Pilit
parin itong pina-pakalma ni Nilo. "Wala akong ginawa kay Agatha. Oo tama, sinundan
ko nga siya kagabi pero noong ka-muntikan na niya akong mahuli ay tumigil nalang
ako. Ayoko rin kasing mapag bintangan na may gagawing masama sa kaniya e. Katulad
nalang ng ginagawa ninyo ngayon."
"Bakit? Kaya nga tayo nandito diba, para alamin ang totoo. Dahil siguradong isa sa
atin ang pumapatay.łAyaw mo bang mahanap ang killer? O natatakot ka lang na malaman
na iyang babaeng nakasaping mo ay isa pala talagang kriminal?" Alexandria.
"Watch your mouth! Wala ka pang napapatunayan!" pagtatangol parin ni Nilo kay
Paloma.
"Eh kaya nga nagtatanong hindi ba. Para may mapatunayan." Humakbang rin palapit si
Shanna kay Paloma at hinarap niya ito. Hinawakan niya ang baba ni Paloma at pilit
niya itong pinaharap. "Tell us the truth now Paloma. Kapag hindi mo nagawang
depensahan ang sarili mo, siguradong sa iyo ang turo ng sisi." dugtong pa ni
Shanna.
"Sinusundan ko si Agatha kasi gusto ko lang sanang alamin kung saan niya dadalhin
iyong ninakaw niyang kwintas ko. Iyon lang. I Swear to God I didn't do anything to
her." Paloma.
"Pero iyon nga ang totoo. Maniwala naman kayo sa akin." Paloma.
"Maniwala?" Lumakad na paalis sa tabi ni Paloma si Shanna at lumapit ito sa bangkay
ni Agatha. "Tapos ano? Kapag nakatalikod na kami ay papatayin mo na naman ang isa
sa amin? Katulad nalang ng ginawa mo dito kay Agatha." Kung kanina ay parang
bestfriend lang ang turing niya kay Paloma. Ngayon ay talaga namang puro pagdududa
nalang ang mababakas mo sa mga mata niya.
Pero nakakapagduda naman talaga kasi ang paliwanag ni Paloma e. Sa aming mga
nagbigay ng kani-kaniyang alibi ngayon ay iyong sa kaniya lang ang hindi kapani-
paniwala.
Muling lumakad pabalik si Shanna sa harap ni Paloma tapos nag cross arm ito.
"Ano papatayin ninyo ako?" gulat na tanong ni Paloma. "Dahil lang sa pagdududa
ninyo ay papatay kayo ng tao?"
"Walang mamamatay ok." Puma-gitna na si Kyra. Tumayo siya sa pagitan nina Shanna at
Paloma. Iniharang niya pa ang dalawang braso niya na para talagang umaawat sa
nangyayaring kaguluhan.
"Paanong wala e, may namatay na nga. At siguradong may mamamatay pa kapag hindi
tayo gumawa ng paraan." Shanna.
"Ipapakulong lang natin siya para hindi na siya makagawa pa krimen." Kyra.
"Huh? At saan naman natin siya ikukulong na hindi siya makakatakas aber? Sa mga
kwarto natin? Sa banyo? Haha." sarkastikong tanong ni Shanna.
"Hindi ordinaryo ang Wisconsin University Shanna. Meron ngang sementeryo dito hindi
ba? Kaya malamang ay mayroon ding kulungan dito." Kyra.
---
Nang kumalma na ang lahat ay sama-sama kaming nagtungo sa opisina ni Lady Vhern.
Plano kasi naming ipaalam dito na nahanap na namin ang killer.
Hindi ako makapaniwala na ganoon lang pala ito kadaling mahuhuli. Dahil kay
Alexandria ay magiging tahimik na ang pananatili namin sa lugar na ito. Makakapag-
aral na kami ng maayos at hindi na kami mag-aalala pa para sa mga buhay namin.
"Wow. Hindi ko ito inaasahan ah. Mukhang nahuli na ninyo ang impostor," natatawang
sabi ni Lady Vhern. Mula sa kaniyang kinauupuan ay nag di-kwatro ito at nag cross
arm habang nakangiting nakatingin sa amin. "So, ano naman ang plano ninyo sa kaniya
ngayon? Bakit ninyo siya dinala dito?"
"Kulungan? Hindi kaya mas inilalagay lang ninyo ang mga buhay ninyo sa panganib
dahil sa plano ninyo." Nakangising sagot ni Lady Vhern.
"So, ano ang plano mo ha? Patayin namin si Paloma? Nababaliw ka na ba? Hindi ako
papayag!" pagtatanggol agad ni Nilo dito. "Kaya ko hinayaan na dalhin ninyo si
Paloma dito ay dahil sinabi ninyong ikukulong lang siya. Nang sa ganoon ay makagawa
pa kami ng paraan para mapatunayan ang pagiging inosente niya. Kaya kung hindi
ninyo iyon tutuparin. Ako na ang makakalaban ninyo."
"Walang papatayin Nilo," sagot naman ni Kyra dito. Pagkatapos kay Nilo ay humarap
ito kay Lady Vhern at nagpatuloy sa pagsasalita. "Mayroon bang kulungan dito sa
Wisconsin?" tanong niya kay Lady Vhern.
"Uhm, meron naman. Pero, sinasabi ko sa inyo. Hindi talaga magandang idea ang plano
ninyo."
Less hassle nga iyon dahil hindi kami magiging mga kriminal and at the same time ay
matatahimik narin kami sa wakas. Malabo naman sigurong makatakas doon si Paloma,
hindi ba.
"Kung naniniwala kayo na si Paloma nga ang killer ay magtaas kayo ng mga kamay."
Alexandria.
Isa-isa ngang nagtaas ng kamay ang naroon sa kwartong iyon. Maging ako ay nagtaas
rin. Hindi naman sa kombinsidong-kombinsido ako na si Paloma nga ang killer pero
hindi kasi siya makapag paliwanag ng maayos eh. Kaya kahit paano ay nagdududa ako
sa kaniya.
Mukhang lahat naman ay naniniwalang si Paloma nga pumapatay. Lahat, maliban kay
Nilo na naka-akbay lang sa tahimik na si Paloma.
"Ok, dahil obvious naman na majority ang naniniwala ay isa namang katanungan ang
isusunod ko. Bukod sa naisip ni Kyra na pagpapakulong kay Paloma ay mayroon bang
gustong mag share ng mas magandang idea?" Alexandria.
"Alam ninyo, hindi dapat tayo magpabigla-bigla. Dapat ay makasigurado muna tayo na
si Paloma nga ang may gawa ng mga pagkamatay. Kaya ang pagpapakulong lang talaga
ang pinaka the best na magagawa natin ngayon," aniko.
"Ano pa bang gusto mong patunayan Kyra ha? Paaminin mo pa siya? Alam mo bang ang
taong sinungaling hindi umaamin kahit bistado na," Shanna.
"Ibidensiya Shanna. Iyon lang ang gusto ko," sagot ko naman sa kaniya.
"Psh! Ibidensiya? Kalokohan! Paano kung wala tayong makuhang sapat na ibedensiya?
Ano palalayain natin siya ulit? O paano kung makatakas siya at may namatay na
naman? Pwede bang ikaw ang sisihin at parusahan namin? Ha? 'Wag ka ngang bida-
bida." Shanna.
"Bakit Shanna, ano ba ang suhestiyon mo? Ano ba sa tingin mo ang mas mainam na
gawin natin kay Paloma? Sabihin mo naman sa amin," singit naman ni Alexandria.
Biglang natahimik si Shanna. Siguradong ayaw rin nitong mag mukhang masamang tao
kaya ayaw nitong magsalita.
"See, kung wala ka rin namang mai-suggest na maganda ay mabuti pang itahimik mo na
lang iyang bunganga mo! Kuda ng kuda e ayaw mo rin namang masisisi!" sermon sa
kaniya ni Alexandria.
"Pabor ako sa sinabi ni Kyra. Kahit sa tingin ko ay si Paloma nga ang Killer ay
hindi naman siguro tamang gawin rin natin sa kaniya ang mga ginawa niya sa iba. At
the end of the day ay mga estudyante lang tayo. Hindi natin dapat ilagay sa mga
kamay natin ang buhay ng isang tao," sagot ni Quartz.
"Eh iyong iba?" baling naman na tanong ni Alexandria sa iba pang estudyanteng
naroon. Iyong mga estudyanteng natatakot atang makisawsaw sa importanteng usapin na
kagaya nito. Mga natatakot magsalita dahil ayaw na mapagbuntungan ng sisi sa huli.
"Ok na rin sa akin iyon. Basta dapat ay masiguro natin na hindi makakatakas ang
babaeng iyan," wika ni Clarrise.
Sunod na binalingan ng tingin ni Alexandria ang iba pang hindi nagbibigay ng mga
kuro-kuro nila.
"Sige na. Ipakulong na 'yan kung ipapakulong. Sana lang ay tama ang desisyon na
ito," sagot ni Sanzo.
"Ako rin. Basta maalis lang ang babaeng iyan sa bahay natin," Beatriz.
"Agree na rin ako. At least hindi madudungisan ng dugo ang mga kamay natin,"
Denver.
"Ok, so ito na ang final decision nating lahat. Ikukulong natin si Paloma," pahayag
ni Alexandria.
----
"At ano Lady Vhern? Gusto mo bang patayin namin si Paloma?" tanong naman no
Alexandria dito.
Tumayo sa upuan niya si Lady Vhern at lumapit ito sa amin. "Bakit hindi? Alam ninyo
espesyal ang paaralang ito. Dito ay walang mga pulis, walang bawal, walang mali.
Kung para naman sa kaligtasan ninyong lahat, bakit ayaw ninyo?" Nakangiting sagot
ni Lady Vhern.
"Dahil hindi kami mga mamamatay tao katulad ng gusto ninyong gawin namin," sagot ko
naman.
"Hay naku, ano ba kayo. Hindi naman iyon ang gusto namin e. Ang tanging gusto lang
namin ay maging mga survivor kayo. Fight for life ika nga. Iyon ang ino-offer ng
school na ito. Be vigilant. Be powerful. Be a leader. Be confident. Be the best
person, you can be." Lady Vhern.
"And be a killer," dugtong ko sa sinabi ni Lady Vhern. Tumawa lang siya at naiiling
na itinuro ako.
"I like you Kyra. I like that attitude. Haha," ani Lady Vhern.
"Kaya ba ayos lang sa inyo na may isang estudyanteng nais na pumatay ng kapwa niya?
To train us? Ganoon? Matira ang matibay?" inis ko pang tanong.
"Kaya ninyo ba kami pinaglalaruan? Grabe kayo, para kayong hindi mga tao. Gusto
ninyong magpatayan kami para lang sa baluktot na paniniwala ninyo," aniko.
"Hay, enough of this conversation. Ayoko kasi ng drama e. Kung buo na ang desisyon
ninyong lahat ay ibigay na ninyo sa akin si Paloma at ipadadala ko na siya sa
kulungan," pag-iiba naman ng usapan ni Lady Vhern. Nilapitan na niya si Paloma pero
ng hahawakan na niya ito para kunin ay agad itong pinigil ni Nilo. Tumayo si Nilo
sa harap ni Paloma.
Not unless, habang naroon kami sa loon ng opisina niya ay may nanunuod sa amin kaya
alam na sasama kami sa pagdadalhan kay Paloma.
"Sige na, sumakay na kayo at masyado ninyo akong inaabala," utos na sa amin ni Lady
Vhern. Sumakay na ito sa isang van at naupo sa tabi ng driver.
Isa-isa na ring sumakay sa van na sinakyan ni Lady Vhern ang mga estudyanteng
kasama ko kaya iyong pangalawa nalang ang napili kong sakyan. Mas maluwag na kasi
iyon. Sasama sana sa akin doon si Lara pero bigla naman itong hinila ni Beatriz na
tumatawa pa habang pakindat-kindat sa akin. Tapos titingin kay Quartz at muling
kikindat. Hahabol sana ako sa kanila para doon narin sumakay at makipagsiksikan
pero napakabilis naman nilang isinara ang pinto ng van. Napakamot nalang tuloy ako
ng ulo.
"Ano VIP lang?" Bulyaw sa akin ni Quartz. Nang lingunin ko ito ay nakahawak ito sa
pinto ng van. Nakasakay na sina Paloma at Nilo.
Nginusuan ko lang ito at nilampasan. Dahil naka-pwesto sa pinaka likod ng van sina
Nilo at Paloma ay napilitan akong maupo sa likod ng driver. Doon din naupo si
Quartz na siya ng nagsara ng pinto. Napa cross-arm nalang tuloy ako.
"Ano, aarte pa dahil katabi mo ako," ani Quartz. Nagsimula ng umandar ang van.
Patay malisya lang ako.
Ayaw ko kaya siyang kausap. Akala niya ay nakalimutan ko na ang ginawa niya sa akin
kagabi. Tsk. Ako na nga itong nag-alala sa kalagayan niya e, ipagtatabuyan pa ako.
"Wow, ang kapal naman. Pagkatapos kong ipagtanggol ay aarte pa ng ganiyan," kunwari
ay bulong ni Quartz.
Kunwari lang bulong dahil halata namang piniririnig niya sa akin iyon. Tsk!
"Nagpasalamat na ako kagabi diba? Tsk! Akala ko ba ayaw mo akong kausap? Oh e ba't
kinakausap mo ako ngayon?" pagsusungit ko pa sa kaniya.
"Tsk! Magpasalamat ka nga kinakausap ka pa e." Nag cross-arm rin siya at tumingin
sa labas ng bintana.
"Salamat nga pala Kyra ha. Salamat sa pagtatanggol sa akin," wika ni Paloma mula sa
likuran ko. Kalmado na ito ngayon.
"Sana lang talaga ay hindi ako nagkamali sa isang ito," aniko sabay tingin sa labas
ng bintana.
Saan kaya nakalagay ang prison of hell? Mukhang malayo-layo iyon dahil
kinakailangan pa naming sumakay ng sasakyan para maka punta roon. Mukhang
napakalaki talaga nitong Wisconsin. Hindi lang ito paaralan e. Para na itong maliit
na bayan.
Lumampas na kami sa may sementeryo. Dahil gawa naman sa sementadong kalsada ang
dinadaanan namin ay maayos ang takbo ng sinasakyan namin. Bawat building na
nakikita ko ay tinititigan ko ng mabuti. May flower shop, boutique, barber shop,
salon, kainan. Lahat na ng makikita mo sa labas ay naroon, maliban nalang sa mga
bahay ng tao. Parang mga normal lang na bayan ang kinaroroonan namin. Hindi ko
tuloy ma-imagine kung paano nabubuhay ang mga trabahador ng bawat tindahan na
nadadaanan namin. Pinapasahod ba sila? Saan sila umuuwi? Kung walang mga kabahayan
ay saan sila nakatira?
Tumigil na ang sinasakyan namin. Agad na binuksan ni Quartz ang pinto ng van at
mabilis siyang bumaba. Sumunod rin naman ako sa kaniya, tapos sina Paloma at Nilo
na. Dahil nauna na roon ang sinakyan nina Lady Vhern ay naroon na rin si Lara na
sinalubong ako.
"Loko-lokong Beatriz 'yon bigla nalang akong hinila. Parang kidnapper lang,"
reklamo agad nito.
Iyon na ang kulungang sinasabi ni Lady Vhern? Hindi naman iyon mukhang kulungan e.
Para lang iyong lumang bahay-bakasyunan. Marami pang puno sa paligid kaya para lang
talagang nasa bakasyon ang mananatili roon.
Isa-isa namang sumunod na sa kaniya ang mga kasama namin. Nang hawakan ni Lara ang
kamay ko ay hawak kamsy kaming naglakad papasok sa cabin. Ganoon nalang nga ang
naging pagkagulat namin ng makita ang pinakaloob nito. Kung sa labas kasi ay hindi
mo talaga mahahalatang kulungan iyon, sa loob ay wala kang makikita kung hindi puro
rehas. Bawat isang selda ay parang maliit na kwartong may pinto at bintana. Tapos
sa pinakaunahan ng bawat kwarto ay may rehas na harang. Nag mistula tuloy iyong
isang maliit na teresa na may rehas ang bawat kwarto.
"Magandang araw Lady Vhern," bungad ng isang lalaki sa amin. "Mukhang mayroon na
naman akong bagong alaga ah," dugtong pa nito sabay tingin sa amin nang isa-isa.
Mga nasa trenta na ang lalaki. Nakasuot ito ng kulay pulang uniporme na may naka-
burdang 'The Warden'. Mukhang siya ang bantay ng kulungan. Mukha naman siyang
mabait. Palangiti kasi siya.
Teka nga, bagong alaga? Ang ibig ba noong sabihin ay hindi lang si Paloma ang
narito?
"Alam na alam mo talaga ang pakay ko sa iyo Hell," sagot dito ni Lady Vhern.
Para akong nakahinga ng maluwag dahil doon. Mukhang hindi naman pala kasi katulad
ng inaasahan ko ang lugar na ito.
"Aba syempre naman. Ilang taon na akong narito, hindi pa ba ako masasanay."
Tumatawang sagot naman ng lalaki.
"Sandali, iyang lalaki na iyan ba ang bantay sa kulungang ito?" singit na tanong ni
Nilo.ł Pinasahadan nito ng tingin si Hell na parang kinikilatis niya ng mabuti.
Saglit naman itong tiningnan ni Lady Vhern at sumagot. "Tama. Siya si Hell. Ang
warden dito. Kaya ito tinawag na Prison Of Hell ay dahil sa kaniya," nakagising
sagot niya.
"Sigurado bang mabuting tao ang lalaking iyan? Paano kung may gawin iyang masama
kay Paloma habang narito siya ha?" dis-kumpyadong tanong ni Nilo.
"Pero paano ako makakasigurado na wala siyang gagawin kay Paloma?" Nilo.
Biglang ngumiti si Hell. Dali-dali itong tumalikod sa amin. Nang bumalik ito ay may
dala na itong maliit na radyo. Dalawang walkie-talkie na kulay dilaw ang pilit
niyang iniaabot kay Nilo.
"Pwede mong kausapin palagi ang Paloma'ng sinasabi mo. Magtawagan kayo minu-minuto
kung gusto mo," sagot ni Hell.
Mukha namang nakuha ni Nilo ang nais iparating nito kaya napangiti na siya at
ibinigay kay Paloma ang isa sa walkie-talkie.
"Hell, yung milktea ko?" sigaw ng isang babae na bigla nalang sumilip sa rehas.
"Sandali lang Che, dumating kasi si Lady Vhern eh kaya hindi pa ako nakakalabas
para bumili," sagot nito sa babae.
"Sige, basta mamaya ah. Bago ka magpatay ng ilaw dapat may milktea na ako. Gustong-
gusto ko kasing uminom noon bago matulog e."
Nang makuha na ng babae ang gusto niyang sagot ay bumalik narin siya sa loob ng
pinaka kwarto niya kaya hindi na namin siya nakikita. Nagkatinginan lang kami mga
nakakita ng eksenang iyon.
Bakit parang VIP naman kasi ang turing sa mga nakakulong dito? May pa milktea pa.
Parang hindi tuloy warden ang dating ni Hell. Para lang siyang katulong na pwedeng
utusan. Wow.
"Nakita na ninyo. Hell is here to help. Hindi ninyo dapat alalahanin ang
estudyanteng dadalhin ninyo dito. As long as marunong siyang sumunod sa mga rules
ay walang magiging problema," pagbibida pa ni Lady Vhern.
Tumango-tango naman si Hell. Tumingin ito kay Nilo na niyakap naman si Paloma
bilang pamamaalam dito. Habang ginagawa nila iyon ay sinilip ko muna ang bawat loob
ng selda. Mukhang tig-isang bilanggo lang ang nasa loob ng pinaka kwartong selda.
Mag mu-mukhang VIP talaga ang mga nakakulong dito dahil may kama pa sa loob ng
bawat kwarto. Nakabukas kasi ang pinto ng isang walang laman na selda kaya kita ko
iyon mula sa labas. Bukod sa kama ay halos kompleto pa ang gamit na nasa loob.
Iyong tipong hindi rin maiisip ng nakakulong na isa siyang bilanggo dahil sa mga
bagay na iyon.
Tumango-tango naman ako. Sinubukan niyang silipin ang mga tao sa likod ko.
"Sabihin mo sa bago, kung gusto niyang maging maayos ang pananatili niya rito ay
pahalagahan at sundin niya ang mga patakaran ni Hell ha. Mahirap na," anito pa.
"Ano bang klaseng mga patakaran ang sinasabi mo?" curious na tanong ko.
"Lahat mahalagang sundin. Pero ang pinaka importante sa lahat ay iyong papatak ng
alas-sais ay wala na dapat nakabukas na mga ilaw." Nakangisi niyang sagot sabay
talikod sa akin.
"Sandali," tawag ko pa sa kaniya pero sinarahan na niya ako ng pinto kaya napanguso
nalang ako.
Pagpatak ng alas-sais?
"Bakit hindi natin halungkatin ang mga gamit ni Paloma pagkatapos nito," aniya.
Dahil wala pa namang umaalis sa grupo namin ay siguradong wala lang nakakagalaw ng
nasabing mga gamit ni Paloma kaya mukhang maganda nga iyong idea. Dahil kung
sakaling siya nga ang killer ay malamang sa malamang ay may makita kami sa mga
gamit niya. Kahit ano lang, na makapagpapatunay na tama nga ang inilagay namin sa
kulungan.
"That's a very good idea. Para kung sakaling mali ang hinala natin ay makagawa na
agad tayo ng paraan," sang-ayon naman ni Alexandria sabay balik sa pagsubo ng
kinakain na sandwich.
Pagbukas ng kwarto ni Paloma ay agad naming tiningnan ang mga gamit niya na naroon.
Isang itim na bag ang nakapatong sa kama niya ang kinuha ni Lara at dinala sa amin.
"Edi buksan natin." Hinablot bigla ni Shanna ang hawak na bag ni Lara at agad niya
nga iyong binuksan. Binuhos niya sa lapag ang lahat ng laman ng bag na iyon at doon
na nga tumambad sa amin ang mga weird na gamit ni Paloma.
"Oh my, ano ang mga iyan?" Bahagyang yumuko si Alexandria at dumampot ng isang
larawan na kuha mula sa isang polaroid na camera. Nang matitigan niya ang nasa
larawang iyon ay bigla nalang siyang napatulala. Sa pagkatakot, o pagkabigla ay
nabitawan niya rin ang kinuha niya kaya ako naman ang sunod na dumampot niyon.
Ganoon na nga lang ang panlalaki ng mata ko ng makita kung ano ang sabing larawan.
Larawan iyon ni Agatha habang nasa science laboratory.
Tama si Beatriz. Mga larawan nga ng namatau naming kaklase ang naroon. Iyong
larawan ni Lorraine sa banyo habang naliligo ito sa kaniyang sariling. Iyong
larawan ni Jessie na puno ng sugat ay naroon rin. At ang pinakahuli ay ang larawan
ni Agatha habang nakapatong sa stainless na lamesa, habang nasa science laboratory.
"I knew it! Siya nga ang killer!" Iiling-iling na usal ni Paloma.
Umupo ako para tingnan pa ang mga gamit na nasa lapag hanggang sa isang papel na
nakatupi ang nakatawag sa akin ng pansin. Kinuha ko iyon at binuklat. Napayuko
nalang ako at malungkot na tumayo.
Mukhang tama nga kasi na si Paloma ang killer. Iyong papel ni Lorraine kasi na
hinahanap ko ay nakita ko na rin sa wakas. Inilahad ko iyon kay Shanna at matamlay
na lumabas na ng kwarto. Sinundan naman ako ni Lara.
"Wala naman. Nakakalungkot lang kasi na totoong si Paloma nga ang killer. Akala ko
kasi ay inosente siya. Akala ko ay sinisiraan lang siya ni Shanna," sagot ko.
"Alam ko kasi Kyra, minsan talaga iyong mga taong inaakala nating mabuti ay iyon pa
pala ang gagawa ng masama. Don't judge the book by its cover, ika nga." Lara.
Mukhang tama naman si Lara sa bagay na iyon. Mahirap talagang pagkatiwalaan ang
isang tao dahil lang sa itsura nito. May pagkakataon nga na iyong mga sarili mo
pang kaibigan ang ta-traydor sa iyo.
Bigla akong napatingin kay Lara. Nakangiti ito habang nakatingin sa nilalakaran
namin.
Sana lang ay hindi ganoon si Lara. Sana tama rin ang pagtitiwala ko sa kaniya.
Bumaba kami ni Lara at dumiretso sa may sala. Naupo ako sa single sofa na naroon.
Tapos siya naman ay sa mahabang sofa naupo.
"Hay, sa wakas. Magiging tahimik narin ang pananatili natin sa lugar na ito," ani
Lara habang nag-uunat. Masayang-masaya talaga siya.
Dapat ay ako rin. Dahil nakakulong na ang killer namin ay makakahinga na kami ng
maluwag. Pero ewan ko ba. Parang hindi parin ako makahinga ng maayos e. Ang dami
dami ko paring tanong na wala pang kasagutan.
"Mukhang tama talaga na si Paloma ang hinahanap natin." Naupo si Alexandria sa tabi
ni Lara.
"Tinawagan ni Nilo si Paloma. Inamin ni Paloma na siya nga ang kumuha ng mga
larawan pero itinatanggi niya iyong papel na pagmamay-ari ni Lorraine. Hindi niya
raw alam kung paano iyon napunta sa bag niya." ani Clarrise. Ito naman ay naupo sa
armrest ng inuupan ko.
"Alam ninyo, case solve na ito no. Nag de-deny lang iyang si Paloma. Siguradong
hanggang ngayon ay gusto niya lang na makalusot. Tsk. Ibedensiya pa ang gusto, eh
ano pa ba ang tawag na nakita natin?" usal naman ni Beatriz.
"Siguro ang pag-aaral nalang sa ngayon ang atupagin natin. Let's all focus to our
studies. Dahil na kakulangan ng na si Paloma ay siguradong magiging masaya na ang
pananatili natin sa lugar na ito," ani Denver naman sabay kindat kay Clarrise.
Mukhang maayis na ang dalawa. Salamat naman at simula ngayon ay magiging mas
magaang na ang lahat. Makakapag enjoy na kami dito dahil hindi na namin iisipin pa
ang kaligtasan namin.
"Uy, bukas walang pasok. Pasyal naman tayo. Ang dami pa sigurong magandang spot sa
lugar na ito na hindi pa natin nakikita." Naka ngiting aya naman ni Scarlet.
"Ano ka ba Kyra. Lahat nga diba pwede nating kunin gamit ang ID natin. Hmmmm. Sa
tingin mo walang sasakyan dito na pwedeng magamit?" Scarlet.
"Sige, gusto ko ring malaman ang hangganan ng Wisconsin eh. Gusto kong makita kung
anu-ano talaga ang nasa loob nito yieeee." Tili naman ni Lara.
Hay. Sana nga ay tapos na ang lahat. Sana ay makapag enjoy naman kami. Sana ay
hindi na makalabas pa ng kulungan si Paloma.
At higit sa lahat.
Nang dumating ang van ay dali-dali itong pumasok doon at humanap ng pwesto.
"Basta road trip tayo. Ikutin lang natin ang Wisconsin," sagot naman ni Alexandria.
Dali-dali nitong tinanggal ang kamay ni Lara na nakahawak sa pintuan ng van at
nauna ng pumasok.
"Hay, basta bahala na! May dala naman tayong pagkain eh, kaya ok na iyon. Kahit
saan pa tayo makarating, siguradong hindi tayo magugutom." Sumakay na rin sa van si
Beatriz.
Dahil ako nalang ang nasa baba ay sumunod narin ako sa kanila.
"Hoy may dala ka bang extra na gasolina ha Denver? Baka mamaya bigla nalang tayong
tumigil sa kung saan ah," paninigurado ni Alexandria.
"Oo naman. Ayoko kayang mapahiya dito sa chicks na nasa tabi ko," sagot ni Denver
sabay tingin kay Clarrise. Sa sinabi niya ay bigla namang nagtilian ang mga kasama
ko sa loob ng sasakyan.
"Oo may namumuong libag," sagot naman ni Clarrise sabay tingin ng makahulugan kay
Alexandria.
"Hoy!" Sigaw naman ni Alexandria dito.
"Ay naku, tara na nga. Paandarin mo na nga ang sasakyan Denver at baka may mag walk
out pa. Haha," utos ko nalang kay Denver. Aba mahirap na kasi no, baka may magka-
initan pa.
"Hoy kanta naman tayo para masaya oh," ani Lara. Mula sa labas ng bintana ay
nabaling na sa kaniya ang tingin ko.
"Ay oo yung ginagawa ng magkaka barkada sa tulad nitong road trip. Yung sabay sabay
tayong kakanta," sabat naman ni Beatriz.
"Oo nga, yung ganito oh. ~I see reeeed, red ohhh red, a gun to your head, head to
your headddd. Now all I see is red..." Lara.
Isa isa kaming nagsidampot ng kung anu-anong mga maliliit na bagay at ibinato namin
iyon kay Lara. Agad naman siyang nagtabon ng mukha. At tumatawang nagsalita.
"Loko ka kasi! Sa dami ng kanta iyan pa talaga ang kakantahin mo," aniko.
"Eh wala e, nakaka LSS kasi ang kantang iyon. Palagi kong naririnig noong nasa
labas pa ako ng Wisconsin."
"Oy hindi a. Bata pa ko no. Di ko pinanuod iyon. Iyong teaser lang. Hehe." Lara.
"Are you lost baby girl?" bigla namang tanong ni Denver kay Clarrise.
Muli kaming nagtilian. Kita naman naming kinikilig si Clarrise na napayuko nalang
ulo dahil sa tila pagkailang.
"Aw sana all," ani Beatriz.
"Ano bang akala mo hindi ko iyan ginawa? Syempre niyaya ko siya ano. Kaso iyon,
masyadong pakipot e. Ayaw sumama." Nakasimangot na sagot naman ni Beatriz. Nag
cross arm pa ito at tumingin sa labas ng bintana.
Inakbayan naman siya ng katabi niyang si Scarlet. "Hay, hayaan mo na nga ang
damuhong iyon. Kung ayaw niya sa iyo ay hindi mo na iyon kawalan no. Hindi niya
alam kung gaano kalaki ang pinakakawalan niya."
"Kalaki? Ano naman ang ibig mong sabihin sa kung gaanong kalaki ha?" Naka-pout na
tanong namang ni Beatriz dito.
"Bakit hindi ba? Hindi ka ba malaki?" natatawang tanong naman ni Scarlet. Agad
siyang hinampas ni Beatriz sa balikat.
"Aray ang bigat ng kamay ha," tumatawang sagot parin ni Scarlet sabay yakap niya ng
mahigpit kay Beatriz. "Pero alam mo, kahit gaano ka pa kalaki ay mahal kita. Kung
hindi man nakikita ng damuhong Sanzo na iyon ang tunay mong halaga ay problema niya
na iyon. Basta nandito lang kami, ok. Ang dami dami mo kayang kaibigan."
Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay may nakita akong kawayan na nakahilera
sa may di kalayuan. Sa bawat dulo ng kawayan ay may bandera. Iba't-iba ang kulay
niyon at isinasayaw iyon ng hangin. Ganoon na ganoon ang mga nakikita kong
nakalagay sa beach o resort.
"Oy, mukhang may resort doon oh." Turo ko sa labas ng bintana. Agad itinigil ni
Denver ang sasakyan at sinilip ang tinuturo ko.
"Oo nga, mukhang resort eh. Tara swimming tayo," aya agad ni Lara.
"Tara na Denver the driver. Doon tayo sa resort." Hinampas na ni Clarrise ang
balikat ng katabi niya na napapailing naman dahil sa sinabi niya.
"Sus, kunyari lang yan Denver. Kunyari Denver the driver pero deep inside ang
sinasabi talaga niyan ay 'Denver my honey'," singit naman agad ni Scarlet.
"Tara na, i-swimming nalang natin iyan. Issue, issue. Tapos na ang issue ng mga
intern ano, kaya dapat masaya lang tayo today," sabi naman Alexandria.
Sa wakas. First day palang ng pagkakakulong ng killer namin ay parang ang gaan na
ng pakiramdam ko. I'm sure nararamdaman din iyon ng lahat kaya nagagawa na nilang
magsaya, katulad ngayon. Sana talaga ay magtuloy-tuloy na ito.
---
It's not hidden, the place it's located is the hidden one.
Basa ko sa quote ata iyon na nakapaskil sa itaas ng gate ng resort. Mabagal na ang
takbo ng sinasakyan namin dahil papasok na kami sa entrance.
"Here's mine."
Nauna ng nag-abot si Denver dahil sa pwesto niya naka silip ang babae. Dahil si
Clarrise ang nasa tabi niya ay ito naman ang nangolekta ng mga ID namin at ibinigay
niya rin iyon sa babae. Pagkatapos i-swipe ng babae ang mga ID namin sa isang
makina ay isinauli niya rin iyon sa amin at agad na nagyuko ng ulo.
"Again, welcome to Hidden Resort mga intern." Tumalikod narin ang babae pagkasabi
niya nito kaya hindi na namin nagawa pang magtanong.
Parang hindi totoong resort ang pinuntahan namin eh. Wala naman kasing nag ga-guide
sa amin. Pero bukod doon ay resort na resort naman ang dating ng lugar. Isang
nakatagong resort kaya konti lang ang mga tao.
Hinanap na ni Denver ang paradahan. Mabuti at madali lang naman iyong makita dahil
sa mga karatula. Sinundan lang namin ang mga iyon at dinala nga kami nito sa
maluwag na parking space ng resort. Nang makapag-park na kami ay isa-isa na kaming
bumaba ng sasakyan.
We feel a little awkward dahil sa mga suot namin. Dahil nasa resort kami ay
nakakailang ang mga suot naming pantalon. Ngayon lang namin iyon naisip dahil
kanina ay mga excited kami.
Nagkatinginan naman kaming lahat ng makita ang itinuro ni Clarrise. Isang tindahan
ng mga gamit na panligo ang matatagpuan malapit lang sa paradahan. Excited kaming
hinila ni Beatriz papunta sa tindahang iyon. Naghawak-hawak naman kami ng kamay
kaya sama-sama kaming nahila niya. Maliban kay Denver na nagpaiwan muna sa sasakyan
ay masaya kaming pumasok sa tindahan.
Sa loob ay maraming mga naka-display na bathing suit. May one-piece, may two-piece,
may mga dress at kung anu-ano pang damit na pwede naming pagpilian. Bukod pa doon
ay meron ding mga gamit tulad ng lotion, sunglasses, mga salbabida at marami pa.
Basta mga bagay na pwede mong gamitin sa pagligo.
"Hanap na ng maisusuot," utos sa amin ni Scarlet. Kaya ganoon na nga ang ginawa
namin.
Bawat isa ay may kani-kaniyang taste at dahil doon ay naghiwa-hiwalay kami para
puntahan ang mga nakita naming type namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay masaya na
kaming lumabas ng tindahan. Suot nag mga bikini na napili namin ay bumalik kami sa
pinag-iwanan namin kay Denver.
"Wow ang dami kong chicks ah." Tumatawang salubong sa amin ni Denver.
"Joke lang naman kasi eh. Bakit kasi ako lang ang lalaki? Hehe." Kakamot-kamot ng
ulong sagot naman no Denver.
"Tara na, kunin na natin ang mga gamit natin sa sasakyan at humanap na tayo ng
pwesto." Lumakad na papunta si Alexandria sa van kaya ginaya narin namin siya.
Lahat kami ay kumuha ng kani-knaiyang dalahin, bago masayang naglakad papunta sa
mga cottage na nakatayo sa gilid ng mga pool.
Yes. Mabuti nalang talaga at may nahanap kaming magandang lugar. For sure magiging
sobrang saya ng araw na ito.
Konti lang ang tao sa resort pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang
tila paglayo sa amin ng mga estudyanteng naroon din. Kahit sa school ay napapansin
kong iwas sila sa amin. Para kaming may mga nakakahawang sakit na nilalayuan nila.
Siguro ay dapat nalang naming sanayin ang mga sarili namin sa ganoong pakitungo
nila. Dahil matagal-tagal pa naman kaming mag-aaral dito ay dapat lang na matutunan
naming mag-adjust sa lahat, partikular na sa ganoong klase ng asta.
"Tara, doon tayo oh. Walang tao doon." Turo ni Scarlet sa isang tila espesyal na
swimming pool. Kakaiba iyon sa lahat dahil napakaganda ng pagkaka-ayos nun. Mayroon
iyong tulay sa gitna na pwede mong lakaran upang makarating ka sa kabilang bahagi.
Tapos ang daanan papunta sa pool na iyon ay gawa sa mga maliliit na bato na
kumukinang kapag nasisinagan ng araw. Ang gaganda rin ng mga halamang nakatanim sa
gilid ng pool. Basta parang natatangi ang pool na iyon.
Hindi ko nga alam kung bakit hindi iyon ginagamit ng iba. O baka talagang sinadya
ng pagkakataon na makita naming walang naka-pwesto roon para iyon ang gamitin
namin.
"Hayaan nyo lang sila. Manuod na lang tayo kung ano ang mangyayari."
"Ano naman ang masama kung gamitin natin ang pool na 'to? Eh wala namang gumagamit.
Mga mema sila." Umupo na si Lara sa isang wooden chair na nakita niya at inilabas
ang lotion na kinuha niya kanina. Tapos sinimulan na niyang pahiran ang bawat
bahagi ng katawan niya. Takot na takot na umitim e.
"Ewan ko sa mga iyon. Baka ng ti-trip lang. Anyway, 'wag nalang natin silang
pansinin. Nandito tayo para magsaya hindi ba, kaya alisin natin ang mga bad vibes
sa paligid," sagot ni Scarlet.
Ako naman ay naupo na sa isang bench. Mabuti nalang at lahat ng upuang naroon ay
may katabing payong na malaki, kaya kahit katanghaliang tapat ay hindi kami
nasisinagan ng araw. Marami ring puno sa paligid kaya malilim ang kalahati ng pool.
"Wait guys, naiwan n'yo ba si Alexandria? Sh*t nasaan na siya. Balikan natin siya
at hindi tayo kumpleto pag wala siya." Biglang sigaw ni Scarlet habang
nagpapalinga-linga sa paligid. Ang akala mo ay napaka seryoso niya. May patingin-
tingin pa sa malayo habang tila hinahanap ang taong nasa harap naman na niya.
Lokong babae.
"Ano ba! Ang sasama ninyong mga kaibigan. Tara balikan natin siya." Napatayo pa si
Beatriz at umarteng hindi niya rin nakikita si Alexandria.
"Ay 'bat ganyan kayo ha? Bakit n'yo naman siya iniwanan," at nakisakay narin ako sa
trip nila. Ayoko naman kasing matawag na KJ eh. Hehe.
"Sabi ng itali ninyo siya eh, para hindi natin makaligtaan," sabi rin ni Clarrise
na nakatingin narin sa direksyon namin. Si Denver naman ay nanatili lang na
nakangiti sa tabi nito.
"Mga ulol talaga kayo!" Hiyaw naman ni Alexandria. Nagmamadali itong tumayo at isa-
isa kaming nilapitan, tapos pinaghahampas niya kami sa balikat.
"Oh my. Nandiyan ka pala Alexandria. Thank God your safe," ayaw parin talagang
magpaawat ni Scarlet.
Talagang tuwang tuwa siyang asarin si Alexandria e. Mabuti nalang at cool na cool
lang ito at hindi ang dami naming nang-aasar sa kaniya ay hindi parin siya nag wa-
walk out.
"Hoy dyosang mahirap! Itikom mo nga iyang bibig mo kung ayaw mong bangasan kita!"
pagbabanta naman ni Alexandria kay Scarlet.
"To naman joke lang, love you! Hehehe," sagot ni Scarlet sabay kamot sa ulo.
"Hay naku, tama na nga iyan. Mag swimming na tayo." Aya ko na sa kanila, para
matigil narin ang asaran.
Tatalon na sana ako para magbasa sa tubig pero bigla nalang may pumigil sa akin.
May nagsalita kasi sa likuran ko.
Napatigil kami pati narin ang mga kaibigan ko at napatingin sa lalaking dumating.
"Bakit naman bawal gamitin ito? Eh, wala namang tao rito ah," reklamo agad ni Lara.
Oo Peacekeeper rin ang narinig kong sinabi ng lalaki. Iyong taong nagpaparusa sa
mga estudyanteng lumalabag sa batas. Tsk. Sinasabi ko na nga ba e. Narito rin siya.
Dito talaga siya nananatili sa Wisconsin.
"Sige raw. Ituloy nalang ninyo ang ginagawa ninyo." Sabay lakad nito paalis. Parang
sira.
Muli kong nilingon ang lalaking nasa malayo. Papasok na ito sa bahay. Well, kahit
papano ay may exception naman pala ang mga rules niya. Siguro dahil nakita niyang
mga intern naman kami ay naisipan niyang palampasin nalang ang ginagawa namin.
Tsaka maliligo lang naman kasi kami sa pool ah.
"Ano yun?" Clarrise.
"Hayaan nyo na. Ang mahalaga game na ulit. Tara na. Baka mamaya ay paalisin na
talaga tayo rito. Yieeee." Nagtatakbo ng lumapit sa pool si Beatriz. Pagtapat nito
sa gilid ng pool ay bigla an itong tumalon.
Mabilis akong sumilip sa bintana para tingnan ang sinasabing pusa ni Denver. Nakita
ko naman iyon na tumatakbo. Agad kong inutos kay Denver na sundan ang pusang iyon.
Mabuti naman at sinunod niya ako ng walang tanong tanong. Siguro kasi iniisip niya
na gusto kong mag-alaga ng pusa.
Dahil sa bilis nang pagtakbo ng pusa ay malayo-layo na ang narating nito bago namin
ito naabutan. Agad na itinabi ni Denver ang van. Nagmamadali naman akong bumaba
para kuhain ang pusa pero muli lang itong tumakbo. Nang mapalingon ako sa direksyon
na tinakbuhan nito ay isang bahay ang nakita ko mula sa di kalayuan. May malaking
gate na gawa sa kawayan ang bahay na iyon. Mula tuloy sa pwesto namin ay parang
isang farm ang lugar.
"May farm dito?" Hindi ko namalayan na bumaba rin pala si Scarlet. Nakatingin din
ito sa direksyon na tinitingnan ko. "Hey guys, gusto ninyong mag sleep over sa
isang farm house? Ha?"
""Farm?" Lara.
Para namang nangislap ang mata ni Lara. "Baka masarap ang lutong bahay nila diyan.
Tara," anito.
Dahil wala namang komontra ay pinuntahan nga namin ang nasabing farm. Agad kaming
nag tao po sa may gate. Pinagbuksan naman kami ng isang nakangiting matanda.
"Dalia, may bisita tayo." Sigaw ng matandang lalaki na nagbukas sa amin ng gate.
Maya-maya lang ay pagtakbo ng lumabas ng bahay ang tinawag nito. Sa tantiya ko ay
asawa niya iyon. Halos magka-edad lang kasi sila e.
Sa gilid nalang ipinarada ni Denver ang van. Nang bumaba na kami ay nakangiti rin
kaming sinalubong ng matandang babae. "Naku, tara pasok kayo. Welcome sa maliit na
farm namin."
"Naku maraming salamat po," sagot ni Scarlet. Nauna na itong sumunod sa mag-asawa.
Feeling comfortable lang ang bruha.
"Aba. Kayo po ba ang nag-aalaga ng mga halaman dito?" Tanong ko sabay nguso sa mga
halamang nadadaanan namin. Ang ganda kasi e. Pakiramdam ko ay nasa garden lang ako
ng bahay namin. Napakaraming ibat-ibang namumulaklak na halaman ang nakatanim sa
magkabilang gilid ng pathway. Ang ganda talaga niyong tingnan.
"Ay oo. Iyan lang kasi ang paraan para malibang ako eh," sagot naman ni aling
Dalia.
"Bakit po, parang ang saya ninyo?" curious na tanong naman ni Lara.
"Ay halata ba?" Natatawang sagot ng matanda. "Alam ninyo kasi mga iha, at iho.
Napakadalang ko lang makatanggap ng bisita e. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon,
para walang kahilig hilig sa farming," sagot agad ni aling Dalia.
"Kayo lang po bang dalawa ang nakatira dito?" tanong naman ni Alexandria.
"Oo. Kaming dalawa lang nitong si Gustin ang nananatili rito. Kaya kapag may bisita
ay talaga namang masaya kami."
"Hay naku medyo mahirap nga e. Mabuti nalang at kahit papaano ay may tumutulong sa
amin nitong asawa ko. Madalas ay may nag pupuntang lalaki dito at siya ang katuwang
namin sa mga gawain sa farm. Nakakatuwa nga ang batang iyon e." Nakangiting sagot
naman ni aling Dalia.
"Teka, may mga alaga din po pala kayong hayop?" Turo ko sa nakita kong kulungan ng
kabayo.
"Oo. Mayroon kaming manok, baboy, baka, kabayo, mga aso at pusa. Iyan ang mga alaga
namin dito," sagot naman ni aling Dalia.
Pagdating namin sa bungad ng pinaka bahay nila ay agad kaming pinag buksan ng pinto
ni mang Gustin. Pagkapasok sa loob ay pinaupo kami ng dalawa atł nagmamadaling
umalis ang mga ito sa harapan namin. Dumiretso sila sa kusina. Pagbalik nila ay may
dala na silang tig-isang tray. Isang pitsel na may malamig na juice at isang buong
pie ang nasa tray ni aling Dalia. Ang laman naman ng tray ni mang Gustin ay mga
platito, mga baso, at mga tinidor. Magkasunod nilang inilapag ang mga dala nila sa
center table na nasa harap namin.
"Tamang-tama at kaka-bake ko lang nito. Sige mag meryenda muna kayo. Mukhang
hapong-hapo ang mga itsura ninyo e," alok sa amin ni aling Dalia.
"Ah aling Dalia, wala po bang nagagawing intern dito bukod sa amin?" tanong ko
pagkatapos sumubo ng pie.
Naisipan ko iyong itanong dahil naalala ko ang sinabi sa akin noon ni Paloma. Noong
tinanong ko kung saan niya nakuha ang mga galos niya sa braso ay sinabi niyang sa
pusa niya raw iyon nakuha. Akala ko ay walang pusa sa Wisconsin dahil wala akong
nakikita sa paligid pero hindi na ngayon. Medyo marami kasing pusa dito sa farm e.
Nagkatinginan kami ni Alexandria. Ewan ko kung pareho kami ng iniisip pero sa akin,
sa tingin ko ay si Paloma iyon. Mukhang dito niya nga nakuha ang mga kalmot niya.
Ang ibig lang sabihin noon ay hindi siya nagsisinungaling nang sinabi niya na pusa
ang may gawa ng mga galos niya.
Napakunot nalang ang noo ko ng mapagdugtong ko iyon sa nangyari nitong kailan lang.
Para tuloy akong nalito.
Hindi kaya nagkamali kami ng naipakulong? Lumalabas kasi na hindi si Paloma ang
pumatay kay Lorraine e.
"Iyong intern? Ano nga ba ang pangalan niya?" tanong naman sa sarili ng matandang
babae.
"Ay pasensiya na kayo ha. Medyo ulyanin na ang matanda e." Kakamot kamot ng ulong
sagot naman ni aling Dalia.
"Basta may malaking nunal sa kanang pulsuhan ang babaeng iyon e. Nakita ko iyon ng
iabot ko sa kaniya ang hiniling niyang pusa at baboy e," singit naman ni mang
Gustin.
"Ano po? Pusa at baboy ang kinuha niya dito?" Kunot-noong tanong ko.
"Abay, akala ko pa naman ay kakatayin ninyo ang baboy na kinuha niya dito e. Iyon
kasi ang sinabi niya. Ipanghahanda ninyo raw ang baboy bilang pang welcome sa
pagkakatanggap ninyo rito," paliwanag naman ni mang Gustin.
Nagkatinginan nalang kaming lahat. Wala naman kasi kaming idea sa sinasabi ng mag-
asawang matanda e. Wala namang handaang naganap sa bahay.
So, sino kaya ang babaeng iyon? Kung si Paloma nga iyon. Bakit naman siya kukuha ng
baboy dito? Ano ang gagawin niya sa baboy?
Ughhh.
Bakit naman may pumasok pang ganoon sa isip ko e. Bigla tuloy akong nakaramdam ng
pandidiri. Teka, erase erase nga muna. Kumakain ako e.
Dahan dahan akong bumangon at maingat kong nilampasan sina Alexandria at Scarlet na
nasa bandang pintuan. Lalabas kasi ako. Balak kong magtungo sa kusina para kumuha
ng tubig. Pakiramdam ko kasi ay naninikip ang dibdib ko at kailangan kong uminom ng
malamig na malamig na tubig.
"Pasensiya na po at hindi ko alam na may mga bisita pala kayo ngayon," Boses iyon
ng isang lalaki. Parang pamilyar sa akin ang boses niya.
Nag tip toe ako palapit sa pinanggagalingan ng boses na iyon. Ayokong makagawa ng
anumang ingay dahil ayokong makatawag ng pansin. Ayoko rin silang mai-istorbo sa
ginagawa nila. Isa pa ay gusto kong makita ang mukha ng lalaking kausap ni aling
Dalia. Sigurado kasi akong iyon ang ikinu-kwento niyang binata na madalas na
nagpupunta dito.
"Ano ka ba namang bata ka! Pwede ka parin namang matulog dito kung gusto mo eh.
Alam mo namang hindi ko ipinapagamit sa iba ang kwarto mo," sagot naman ni aling
Dalia.
Maingat akong sumilip sa siwang ng pinto ng kusina. Isang nakatalikod na lalaki ang
nakita ko. Kainis lang dahil hindi pa siya ang nakaharap sa direksiyon ko, kung
hindi si aling Dalia. Hindi ko tuloy makita ang mukha niya.
Pero sino nga kaya siya? Kilala ko kaya siya? Pamilyar kasi talaga sa akin ang
boses niya e.
Sinipat ko rin si aling Dalia. Busy ito sa pagkuha ng mga gagamitin sa pag timpla
ng kape. Nang kumulo na ang iniinit nitong tubig ay tumalikod na ito sa binata.
Pinatay nito ang kalan at dinala sa lababo ang ginamit niyang takore. Tapos
sinimulan na niya ang pagsasalin ng mainit na tubig sa isang termos. Pagbalik ko ng
tingin sa binatang kasama ni aling Dalia ay hindi ko na ito makita. Wala na kasi
ito sa dating pwesto niya.
"Ako bang hinahanap mo?" Bigla akong nanlamig ng marinig kong bumulong sa tenga ko
ang binatang hinahanap ko lang. Hindi tuloy ako makakilos. Pakiramdam ko ay nahuli
ako na gumagawa ng kalokohan kaya napakalakas nang kabog ng dibdib ko.
Bigla ko nalang naalala na dalawa nga pala ang pintuan ng kusina. Tsk. Hindi ko
naman kasi inaasahan ang mangyayari e, kaya hindi tuloy ako nakapaghanda.
Pero teka-- bakit ba ako natatakot? W-wala naman akong ginagawang masama ah!
"Iinom lang sana ako ng tubig pero, narinig kong may kausap si aling Dalia kaya na
ako pumasok sa kusina," paliwanag ko. Kahit medyo kinakabahan dahil sa pagkabigla
ay nagawa ko namang makapagsalita ng maayos.
"Oh really?" sabi pa niya. Para lang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo nga, I swear hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ninyo." Nagtaas pa
ako ng kamay para ipakitang nagsasabi ako ng totoo. Tsk. Ayaw pa kasing maniwala e.
Narinig ko na lang na tumawa ang lalaking nasa likod ko. Bigla tuloy akong
napasimangot.
Pumihit na ako paharap sa lalaki. Pero dahil walang nakasinding ilaw ay hindi ko pa
rin makita ang mukha niya. Teka, may maliit na bombilya namang nakasindi sa
magkabilaang dulo ng hagdan pero pa-kontra naman ang liwanag niyon sa lalaki kaya
ang ending ay ako lang rin ang nasisilaw sa liwanag noon. Kainis!
Habang pinagmamasdan ko ang lalaki ay napakunot nalang ang noo ko. Para kasing
pamilyar sa akin ang tindig niya e. Pati ang boses niya, alam kong narinig ko na
iyon.
Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni aling Dalia. Lumabas na pala ito ng
kusina. Dala na nito ang tinimpla niyang kape at hinihigop niya iyon habang
papalapit sa akin.
Nakapamulsa lang itong nagtaas ng isang kamay bilang tugon. Ni hindi na ito humarap
para pormal na magpaalam. Tsk napaka bastos naman.
Doon na biglang nanlaki ang mata ko. Iyon na iyon kasi ang paraan ng ginawang
pamamaalam sa akin lalaking tagalagligtas ko. Hindi ako maaring magkamali. Siya
Prince. Oo. Kaya pala pamilyar sa akin ang boses niya at ang bulto ng katawan niya
ay dahil nakilala ko na siya noon.
"Hay naku ang batang iyon talaga. Walang kahilig-hilig sa mga tao." Natatawang sabi
ni aling Dalia habang pabalik na ang tingin nito sa akin.
"Prince? Hindi. Cash ang pangalan niya. Cash Verganza," sagot naman ni aling Dalia.
Cash Verganza?
Si Cash Verganza siya at hindi si Prince? Pero sigurado akong si Prince iyon e.
Never ko pang nakakausap ang Cash na iyonłkaya hindi ko masabi ang itsura nito at
imposible namang may dalawang tao na magkapareho ng asta, ng boses, at ng hulma.
Teka, kaya ba hindi niya masabi ang pangalan niya? Dahil natatakot siyang husgahan
ko kaagad siya? So si Cash at Prince ba ay iisa?
"Ay mukhang kamukha niya nga lang po iyong kakilala ko. Sige po at kukuha na ako ng
tubig." Kakamot-kamot ng ulong sabi ko nalang. Tumalikod na ako kay aling Dalia at
dumiretso sa kusina.
Pero ang totoo ay naguguluhan talaga ako. Kahit papaano ay bigla akong nakaramdam
ng takot dahil sa nalaman ko. Iyong tao kasi na kinatatakutan ng lahat, posibleng
nakilala ko na pero hindi ko man lang nalaman.
Tama nga kaya ang hinala ko? Si Cash at Prince ay iisa lang?
Kinakabahan akong bumangon para alamin kung ano ang may likha ng mga ingay na
naririnig ko. At gano'n na nga lang ang pagkalabog ng dibdib ko ng makita ang ilang
lalaking nakaitim na nagsisimulang umikot sa buong bahay.
Agad akong sumenyas na tumahimik siya kaya naman napakunot ang noo niya.
"Sa tingin ko ay may mga masasamang tao sa labas. Halika at gisingin na natin ang
iba pa," bulong ko rin sa kaniya.
Tumango-tango naman si Lara. Katulad ng utos ko ay tinulungan niya nga akong
gisingin ang iba pa. Nang magsidilat naman ng mata ang iba ay agad ko silang
sinisenyasan na huwag silang maingay. Mabuti nalang at kahit a-antok antok pa sila
ay sumusunod naman sila.
"Ano bang nangyayari?" Nalilito paring tanong ni Alexandria. Bumaling ito ng tingin
sa nakasabit na orasan. "Madaling araw palang ah."
"May mga tao kasi sa labas. Hindi ako sigurado pero sa tingin ko ay may masama
silang gagawin. Pinalilibutan kasi nila ang buong bahay," pabulong rin na paliwanag
ko.
"Hindi magandang mang trip ngayon Kyra ah! Ang sarap ng tulog ko, masasapak talaga
kita!" Sumenyas pa si Lara na manunutok.
"Wala namang tao ah. Kyra naman eh. Ang ganda pa naman ng panaginip ko!" Nakagpout
niyang sabi sabay tingin kay Denver.
Dali-dali naman akong tumakbo palapit sa bintana at maging ako ay sumilip roon.
Pero katulad ng nakita ni Clarrise ay wala nga ni isa mang tao roon. Wala na nga
doon ang mga lalaki. Kaya ang ibig lang noong sabihin ay baka.
"Ano?" Alexandria.
Hindi ko gusto ang iniisip kong susunod na mangyayari kaya kinakabahan akong
lumapit sa aantok antok ko pang mga kabigan. Hinila ko sila isa-isa, patayo. Mabuti
nalang at kahit mga hindi parin sila sigurado sa nangyayari ay nagsi-sunod naman
sila sa akin. Nang nakatayo na ang lahat ay nauna na akong pumwesto sa likod ng
pinto. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at dumungaw sa labas. Tahimik ang
paligid. Wala namang kakaiba. Pero sigurado ako e may nakita talaga ako.
Dahil hawak ko si Lara ay sinimulan ko na itong hilahin. Sumunod din naman samin
ang iba pa naming kaibigan. Kahit medyo naiinis dahil sa pagkakaudlot ng mga tulog
nila ay sinundan parin nila ako.
"Shhhh... Hinahaan mo nga lang ang boses mo!" utos ko naman dito.
Nasa bandang hagdanan na kami, pero wala parin akong nakikitang kakaiba. Ni anino
ng isa man sa mga lalaki ay wala.
Hindi naman sa hinahanap ko sila ah, pero dapat ay nandito na sila ngayon e.
Sigurado ako sa nakita ko. Hindi iyon panaginip lang dahil gising na gising talaga
ako.
Habang nag ti-tip toe ay biglang lumiwanag ang buong paligid. May nagbukas ng ilaw.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Hinanap ko agad ang switch.
Dinala ako ng mata ko sa nakatayong babae sa gilid ng pinto. Si aling Dalia ang may
gawa noon. Nakangiti itong pinasadahan kami ng tingin, isa-isa.
"Ano bang ginagawa ninyong mga bata kayo? Bakit hindi kayo magbukas ng ilaw?"
Natatawa nitong tanong.
"Ahhh... May nakita po ba kayong mga lalaki? Meron po kasi akong nasulyapan sa
labas ng bintana namin eh. Para pong may mga tao sa labas kanina." Paliwanag ko
kaagad.
"Teka... Meron ba? Kanina pa kasi ako dito, pero hindi ko naman nakita ang mga
sinasabi mo," sagot ni aling Dalia.
"Kyra!" halos mag koro pa nilang tawag sa pangalan ko. Kaya pilit nalang akong
napangiti.
"Hay, kayo naman nag-aalala lang naman itong si Kyra e. Paano nga kasi kung totoong
may mga tao nga sa labas. Ano tititigan na lang ba niya ng titigan ang mga iyon
para makasigurado. Tapos magiging huli na ang lahat kapag ginising niya tayo,"
pagtatanggol naman sa akin ni Denver.
Uy dalawa na. Sunod kong tiningnan ang iba pa tapos nginitian ko sila. Nang mag
ngitian narin sila, kahit pilit lang ay bigla akong nakahinga ng maluwag. Atleast,
kahit papaano naman kasi ay nakita rin nila ang point ng ginawa ko.
Hay baka epekto lang ito ng pag-iisip ko kay Prince e. Dahil kung sakaling meron
nga kasing mga tao sa labas ay dapat lang na kanina pa kami ginugulo ng mga ito.
Kung wala naman kasi silang planong masama eh, hindi sila magtatago sa mga halaman
at mag se-senyasan.
Pero dahil tahimik naman e. Wala namang kaguluhan sa loob ng bahay kaya baka nga.
Hehe. Baka imahinasyon ko lang ang nakita ko kaya sorry na.
"Teka aling Dalia. Bakit ang aga ninyo po atang nagising? Mag aalas-sais palang po
ah," tila nawala na ang antok ni Alexandria na nagawa ng magtanong.
"Ay oo, ganito talaga kasi ang gising ko eh. Ito na ang routine namin ng asawa ko
araw-araw. Sandali nga, babalik pa ba kayo sa pag tulog o gusto na ninyong mag
almusal? Naku, ipagluluto ko kayo ng piritong native na itlog at tuyo kung hindi
na." aling Dalia.
"Itlog po tapos tuyo? Ay bet ko yan aling Dalia," parang biglang nawala ang antok
ni Beatriz ng makarinig ng pagkain. Agad nitong inangklahan ang braso ni aling
Dalia. "Tara na po sa kusina at tutulungan ko na kayong magluto."
Pero sabagay naman kasi. Itlog? Tuyo? Tapos sinangag na may sawsawang kamatis? Ay,
parang nagugutom na rin ako.
"Sigurado ba kayong nariyan ngayon ang intern na iyon?" tanong ko sa mga tauhan
kong kasama kong nagtatago ngayon dito sa likod ng isang malaking puno habang
nakatingin sa bahay na kinaroroonan ng babaeng pakay ko.
Noong una ang akala ko ay nagkamali lang ako ng pagkakakilatis sa mga bagay pero
lalong lumakas ang paghihinala ko ng makita kong nakipag-usap si Cash sa babaeng
sinusundan ko. Doon sa may library ay nakipagkilala ito kay Kyra. Syempre gusto
kong gumawa muna ng eksperimento kaya naman tinangka kong kuhain si Kyra ng araw na
iyon. Hinintay kong makaalis si Cash. Tapos doon na kami lumabas ng mga kasamahan
ko.
Pagkatapos kong labanan, I mean bugbugin ang lalaking nagtangkang tumulong kay Kyra
ay bumalik na ako sa tambayan namin. But unluckily, hindi ako nakaligtas sa galing
ni Cash. Nagawa niya akong patulugin ng ganoon nalang. Hindi ko alam na naroon na
pala siya at naghihintay sa pagdating ko.
Tama. Pinatulog niya lang ako at iyon ang pagkakamali niya. Dahil hindi pa niya ako
pinatay ay magagawa ko na ngayon ang plano kong pabagsakin siya.
"Yes boss Howard. Sigurado po akong nariyan na siya," sagot naman ng tauhan ko.
"Sige pasukin na ninyo ang bahay at kunin ninyo ang Kyra na iyon. Patayin ninyo
kung sino man ang humarang sa daraanan ninyo. Basta gawin ninyo ang lahat para
makuha si Kyra," utos ko.
Nang marinig iyon ng mga tauhan ko ay isa-isa silang nagkulasan sa tabi ko. Pinili
kong manatili muna sa kinatatayuan ko dahil kailangan ko pa ring siguraduhin na
wala nga sa lugar si Cash. Baka mamaya ay ma-bulilyaso pa ang lahat.
Pagkalipas lang ng ilang minuto ay bumalik na rin ang mga tauhan ko. Nakayuko
silang lumapit sa akin. Agad kong naramdaman ang kakaiba sa kilos nila kaya
kinakabahan akong nagtanong.
"Ano nasaan na si Kyra?" Lumingon ako sa likuran nila pero wala naman doon ang
hinahanap ko. Wala silang hawak na dalaga.
Imbes na sumagot sila ay um-abante lang ang apat sa kanila at dahan-dahang itinaas
ang kani-kaniyang mga suot na damit. Doon tumambad sa paningin ko ang duguan nilang
mga tiyan. Bawat isa ay may naka-ukit na letra.
S-T-O-P
Stop. Iyon ang nabuo kong salita. Iniukit iyon sa mga tiyan nila gamit ang isang
matalim na bagay. Isang kutsilyong ang hawakan ay may nakaukit na bungo. Siguradong
iyon ang ginamit ni Cash sa kanila.
"Sino ang may gawa niyan?" inis na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang sagot sa
tanong na iyon ay gusto ko pa ring marinig sa mismong mga bibig nila.
Nagyuko ng ulo ang apat. Doon ko lang napansin na napakarami nilang pasa at sugat
sa katawan.
Napalingon ako sa likuran ng mga tauhan ko. Unti-unting lumalakad palapit sa akin
ang taong kinasusuklaman ko. Nakangisi ito at hawak ang paborito niyang kutsilyo na
may tumutulo pang dugo.
Wala akong mabasa na ekspresyon sa mukha niya. He was so good at that. Kaya nga
marami ang humahanga sa kaniya e. Dahil sa mga espesyal niyang katangian.
Kahit sabay kaming pumasok dito sa Wisconsin ay mas nauna siyang nakagawa ng
pangalan. Napakataas ng itinalon niya mula sa amin. Naging legacy ang pangalan niya
sa buong paaralan ng ganon-ganon nalang. Sa loob ng isang taon ay nalampasan niya
ang dating estudyante na may hawak ng Wisconsin.
"Wow, mukhang napaka loyal ng mga tauhan mo ah!" sarkastiko niyang sabi sabay tawa.
Hindi ko gusto ang tawa niya. Nakakainis iyong marinig. Para iyong nababasag na
bote sa pandinig ko. Ang sakit niyon sa tenga kaya napapapikit ako habang nakikinig
sa kaniya.
"Talaga ba?"
Bigla siyang sumeryoso. Nang tumigil siya sa pagtawa ay sunod naman siyang ngumisi.
May kinuha siyang kutsilyo sa likuran niya at inihagis niya iyon sa lupa.
Mukhang wala ng atrasan ito. Alam kong panghahamon iyon. Gusto niyang maglaban
kami. Kailangan kong manalo kung ganoon. Dahil kung hindi ko ito magagawa ay
siguradong ito na ang magiging katapusan ko.
Pinulot ko ang kutsilyong nasa lupa at itinapat ko ang dulo niyon kay Cash. Ngumiti
lang siya. Tapos sumenyas na siya na lumapit ako sa kaniya. Hindi ko naman siya
binigo. Patakbo ko siyang sinugod. Tinangka ko siyang undayan ng saksak pero
mabilis niya akong nailagan. Itataas ko sana ulit ang kutsilyong hawak ko pero
bigla ko nalang naramdaman ang matalim na bagay sa tagiliran ko. Dahil nakatitig
ako sa mukha ni Cash ay nakita ko ang naging reaksyon niya. Mas lalong lumuwag ang
pagkakangiti niya.
Kahit nararamdaman ko ang sakit ng ginawa niya ay pinilit kong itago iyon sa
kaniya. Bagkus ay ngumiti lang ako at muling sumugod.
Alam ko naman na wala akong panalo kay Cash pero iyong pagnanasa kong subukan ay
buong-buo sa loob ko. Gusto ko siyang matalo. Gustong-gusto kong maipakita sa
kaniya na kaya ko siyang lampasan. Kahit sa anong paraan.
"Uy kamatis oh! Ang cute." Tili ni Scarlet ng mapansin ang kulay pulang bunga ng
kamatis. Tuwang-tuwa niyang nilapitan ito at hinawakan. Maya-maya lang ay pinindot-
pindot niya pa ito habang kinikilatis ng mabuti. Parang mamimili lang sa palengke
habang ini-examine ng mabuti ang bibilhin.
Nakakatuwa naman talaga ang makakita ng ganoon. Kahit simpleng sangkap lang naman
iyon sa pagluluto ay iba parin sa pakiramdam iyong ikaw mismo ang pipitas noon sa
puno.
"Aba, tamang tama iyan. Pwede ninyo bang kunin ang mga gulay na nakalista dito at
ipagluluto ko kayo ng masarap na tanghalian." Iniabot sa akin ni aling Dalia ang
hawak niyang papel. Nang basahin ko ang nakasulat doon ay agad kong nahulaan ang
putaheng ihahanda niya.
"Aba, sige po. Tutulong rin ako." Lumapit din samin si Lara Inagaw nito sa kamay ko
ang listahan at isa-isang binasa ang nakasulat.
"Oh siya sige at maiwan ko muna kayo ha. Tutulungan ko lang sina Denver at Gustin
sa pagpapakain sa mga hayop." Kumaway na palayo si aling Dalia.
Nang wala na ito ay tsaka namin muling tiningnan ang listahan. Tapos inikot namin
ang mga tingin namin sa paligid para hanapin ang mga gulay na nakalista doon.
"Ikaw talaga Scarlet, ako na naman ang nakita mo." Naka-pout na reklamo ni
Alexandria.
"Ano ka ba, nakita mo na ngang hindi kita makita e. Kaya mali ang sinasabi mo ah."
Nakangisi namang sagot ni Scarlet.
"Hay naku napaka bully mo talaga." lalo pang sumimangot si Alexandria kaya naman
tinakbo na ito ni Scarlet at niyakap.
"Tara na nga. Kuha na tayo ng sitaw," aya ko na sa kanila. Nauna na akong lumakad
papunta sa taniman ng mga sitaw.
May kalawakan ang taniman ng mga sitaw. Tatlong hilera iyon na pahaba. Gawa sa
kawayan ang gapangan nito. Tamang-tama lang ang pagkaka-ayos niyon para makita
namin ang mga bunga ng sitaw.
Nang magsimula ng mamitas ng sitaw ang mga kasama ko ay biglang nagtanong si Lara.
"Teka, saan naman natin ilalagay ang mga gulay na kukuhain natin?"
Agad kong pinagala ang tingin ko sa paligid. Sakto naman at may nakita akong basket
na parang gawa sa yantok. Nakapatong iyon sa lamesa na nasa gilid lang ng bahay.
Agad ko iyong itinuro at ngumiti.
"Iyon oh. Sige, ako na ang kukuha," pagpe-prisinta ko. Dali-dali ko iyong tinakbo.
Dahil hindi naman kalayuan ang bahay mula sa taniman ng mga gulay ay mabilis akong
nakapunta roon. Habang papalapit ako sa lamesang kinaroroonan ng basket ay saglit
na natawag ang atensiyon ko ng mga bakas ng sapatos na nasa gilid ng bahay.
Maraming bakas ng sapatos ang naroon.
Bigla ko tuloy naalala iyong nakita ko kagabi. Ang lang ibig sabihin ng mga bakas
na iyon ay totoo nga ang mga nakita ko. Talagang may mga tao sa labas kagabi.
Ang nakapagtataka lang ay bakit wala namang nanggulo sa amin. Bakit wala namang
nanakaw, kung iyon man ang pakay nila? Bakit hindi naman nila kami pinasok?
"Hoy, ano mag a-adobong sitaw ba tayo? Bakit parang puro sitaw nalang ata ang
magiging sahog ng sinigang natin ha?" sermon ko sa kanila.
"Opsss, napasarap ang pamimitas e hehe." Tumigil naman agad sa pangunguha ng sitaw
si Alexandria. Lumakad siya palapit sa akin at inilagay sa dala kong basket ang mga
nakuha niyang sitaw.
Ganoon na rin naman ang ginawa ng iba. Isa-isa silang lumapit sa akin para ilagay
sa dala kong basket ang mga pinitas nila.
"Ok, next na. Anong nakasulat diyan sa listahan Lara?" tanong agad ni Clarrise.
"Iyon oh, mga labanos iyon hindi ba?" Turo ni Beatriz sa gulay na hinahanap namin.
"Ok, para hindi mapadami ang mga gulay na kukuhain natin ay maghati nalang tayo,"
aniko. Iniunat ko ang kamay ko para hingin kay Lara ang papel na hawak niya.
Ibinigay niya naman iyon. Agad ko iyong pinunit at ibinigay muli sa kaniya. "Sino
ang sasama sa akin?" sabay tanong ko.
Isa-isa na naming hinanap ang nakatokang gulay sa amin. Tatlo lang ang nakalista sa
papel na nakuha ko. Siling berde, gabi at kangkong. Una naming pinuntahan ang
nakita naming sili. Iyong siling pansigang na kulay berde. Naghatian pa kami ng
kuha. Para walang lamangan ay tig-tatlong bunga ang kinuha ng bawat isa.
"Ano, kanina adobong sitaw. Ngayon sinigang na sili naman?" Tinaasan ko lang siya
ng kilay.
Natatawa naman akong tinalikuran ni Beatriz. "Masarap kaya ang sinigang sili,
hehe," pahabol pa nito. Halata namang nag jo-joke lang ito e.
Sunod sa listahan namin ay gabi naman. Tawa kami ng tawa ng simulan na naming
hukayin ang puno ng gabi na napili namin. Wala kasi kaming mga gamit na pang hukay
e kaya kinamay nalang namin ang lupa. Mabuti nalang at hindi nakatanim sa matigas
na uri ng lupa ang mga gabi kaya hindi kami masyadong nahirapan. Isang malaking
puno lang ang pinagtulungan namin kaya mabilis namin nakuha ang laman noon. Tamang-
tama lang naman iyon para sa sinigang dahil napakalaki naman ng laman ng gabing
nahukay namin.
"Kangkong?" ani Beatriz. Ngumuso ito at itinuro ang taniman ng mga kangkong.
Nakatanim ang mga kangkong sa isang man-made na pond. Medyo malaki iyon at nagmu-
mukhang lawa na puro kangkong. Kahit man-made ang naturang pond ay sinadya naman
iyong hindi ipa-simento para siguro makapag-parami ng mabilis ang mga kangkong.
"Ayokong mabasa," ani Clarrise.
"Pwedeng pass rin ako diyan. Hindi naman sa nag-iinarte pero para kasing may hayop
na kung ano sa pond na iyan eh," Nakangising sagot naman ni Beatriz.
Dahil wala na akong choice ay napilitan nalang ako na mag-isang gumawa niyon.
Mabuti nalang at nag shorts ako kaya wala akong iisipin na mababasa sa akin, kung
hindi ang mga paa ko lang.
Agad kong sinimulan ang pangunguha ng kangkong. Ang tataba ng mga dahon niyon.
Saglit ko naman silang nilingon at nginitian. "Sige na mauna na kayo. Mabilis lang
ito."
Nakakatuwa nga dahil kahit wala namang ilog sa lugar ay nagawan ng paraan ng mag-
asawa para makapagtanim sila ng matatabang mga kangkong.
Pero ano na kaya ang mangyayari ngayong naikulong na namin ang killer namin?
Duda parin ako kung magiging safe na nga ang pananatili namin dito sa Wisconsin. Sa
tingin ko kasi ay hindi lang naman iyong killer ang may kakayahang saktan kami e.
Katulad nalang nung mga taong kumuha sa akin. Hindi naman iyon mga intern pero
nagawa nila akong kidnapin. Pati si Quartz ay nadamay pa nga.
"Pumili kayo ng kahit anong armas na gusto ninyong sanayin," utos sa amin ng guro
namin sa WEMAS.
WEMAS. Sa mahabang salita ay weapon mastery. Ito yung subject namin na nakatuon sa
paggamit namin ng mga armas. Ituturo rin dito kung paano namin po-protektahan ang
mga sarili namin.
"Ano Ms. Fuentez. Wala ka bang balak na kumuha ng armas? Sa tingin mo ba ay kaya
mong protektahan ang sarili mo gamit lang ang mga kamay mo?" tanong sa akin ni Ms.
Jacinto.
Tama, miss nga dahil babae siya. Isang babae na sa tingin ko ay talaga namang
kakaiba. Espesyal kumbaga. Kanina kasi noong nag demo siya ay kitang-kita namin ang
galing niya sa paggamit ng espada. Imagine, lahat kami ay magkakasunod na naghagis
ng iba't-ibang klase ng prutas tapos nagawa niyang hiwain iyon ng ganoon nalang.
Wala man lang nag mintis sa espada niya. Kahit pa mas maaga pa kesa sa pagbitaw
niya ng bilang ang ginawang paghahagis ng prutas nina Quartz at Sanzo ay nagawa
niya paring matamaan ang mga ito.
Nang tumingan ako sa mga ka-klase ko ay isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga
hawak nila.
"Ok, dahil nakapili na ang lahat ay unang leksiyon na tayo. First rule in WEMAS.
Gawin ninyong kaibigan ang mga armas ninyo. In short, palagi ninyo iyang dadalhin
ang mga iyan kahit nasaan man kayo. Treat it as your best buddy na palagi mong
maasahan. You'll never know, baka iyan pa ang magligtas sa mga buhay ninyo,"
pagsisimula ni Ms. Jacinto.
Pinaka titigan ko ang hawak ko. Kahit medyo takot parin ako sa bagay na ito ay
kailangan kong seryosohin ang paggamit dito. Ano ba kasing malay ko, baka balang
araw ay magamit ko ito.
"Ok so, subukan na ninyo ang paggamit sa mga armas na napili ninyo," ani maam.
Kanina ay ipinaliwanag niya na sa amin ang gagawin namin pagkatapos naming pumili
ng mga armas. Kailangan lang naming pumasok sa isang natatanging booth para doon
subukan ang gamit namin.
Marami ang espesyal na booth sa kwartong iyon. Bawat isa ay napapalibutan ng tila
maliliit na camera. Tapos sa mismong camera na iyon ay may lumalabas na iba't ibang
kulay ng liwanag. Para iyong liwanag ng gawa ng isang laser beam na paikot-ikot sa
loob ng booth.
Nang matapos ang pag flash sa screen ng objective ay napalitan ng kagubatan ang
nakapaskil doon. Nag mukha tuloy iyong malaking background.
Excited pa akong tumili sa isip ko. Pero nagulat nalang ako ng may lalaking bigla
nalang sumulpot sa harap ko. Galing ito sa likod ng malaking puno. Tapos meron din
sa gilid ko. Sa bilis ng mga pangyayari ay wala akong nagawa ng saksakin nila ako.
Agad kumalat sa screen ang pulang mantsa ng dugo. Kasunod noon ay ang salitang
'GAME OVER' na ikinasimangot ko. Pakiramdam ko kasi ay nadaya ako.
"Tsk. Tsk. Tsk. Patay ka na ngayon Ms. Fuentez," ani Ms. Jacinto.
Magpapaliwanag pa sana ako pero agad na niya akong tinalikuran para silipin ang iba
ko pang kaklase.
Mabuti nalang at may nakalagay doon na play again na agad kong sinabi ng
napakalakas.
"Play again."
"Kapag nasa laban ka, ang una mong kailangang gawin ay magmasid sa paligid. Habang
ginagawa mo iyon ay kailangan mong siguraduhin na hindi ka nakikita ng mga kalaban.
Hindi iyong nakatayo ka lang diyan na parang tuod."
Bigla ko na namang narinig ang sermon ni maam. Nakakainis na. Sabing hindi pa ako
handa e.
Muli kong sinabi ang salitang play again kaya nagbago na naman ang background sa
screen. Mula sa bodega ay naging isa naman iyong malaking loob ng bahay na may mga
malalaking estatwa sa paligid. Dahil may nabuo ring estatwa sa harap ko ay dali-
dali ko ng itinago ang katawan ko roon tapos itinaas ko ang hawak kong baril. Iyon
nga lang hindi ko napansin na sa pinagtaguan ko ay may lihim palang buton na ng
matamaan ko ay agad na sumabog. Muli na naman tuloy lumagay sa screen ang salitang
game over.
Paulit-ulit ang ginawa kong paglalaro pero kahit ano pa ang background at scenery
ng lugar ay ang nagiging ending ko ay namamatay ako. Sa huling subok ko ay isa
nalang sana ang dapat kong barilin pero naunahan naman ako nito. Inis na inis ko
tuloy na ginulo ang buhok ko.
Doon ko lang napansin na pinagtitinginan na pala ako ng mga kaklase ko. Mukhang
lahat sila ay nagawa ng manalo, samantalang ako ay parang may kadikit atang malas
ngayon.
Wala namang nagtatanong sa nangyari e, pero gusto ko lang ipaliwanag iyong side ko.
Kung bakit hindi ko magawang manalo doon sa laro hanggang sa naubusan na nga ako ng
oras. Tsk kainis!
"Ok lang iyan Kyra, ikaw lang naman ang hindi nagawang manalo sa laro e."
Tumatawang sagot naman ni Scarlet.
Lalo tuloy akong napasimangot. Nakakainis talaga! Teka ilang beses ko na bang
sinabi ang nakakainis? Tsk! Eh nakakainis naman kasi talaga e. Ilan naman kaming
baril ang ginamit na armas ah, kaya bakit ako lang ang hindi nakagawa ng maayos sa
nilaro namin.
"Yeah, try and try lang. Balang araw magagawa mo ring umasinta," ani Lara naman.
Tumayo na ako. Tapos naka cross arm akong lumakad paalis sa kumpulan. Napagod ako
sa pinag-gagawa ko kanina e kaya gusto ko ng magpahinga. "Oh siya, aakyat na ako sa
taas. Bukas, humanda kayo sa akin dahil siguradong magpapakitang gilas ako."
---
Ilang lingo pa ang mabalis na lumipas. Naging tahimik na para sa aming mga intern
student ang Wisconsin. Patunay lang iyon na tama ang naging desisyon namin sa
pagpapakulong kay Paloma. Hindi na kami iyong palaging nag-aalala kapag naglalakad
kami sa labas at wala na iyong takot na baka may pumatay sa amin. Bahagya naring
nagbago ang pakitungo sa amin ng mga dnoces student. Lahat naging smooth na ika-
nga.
"Oo. Iyon ang nakasulat dito e," sagot ko sabay abot kay Clarrise ng hawak kong
papel.
Binasa niya rin iyon at saka ipinasa sa iba pa para mabasa rin nila.
"Ay mabuti pa iyong iba diyan walang problema sa couple festival na iyon e," ani
Scarlet sabay tingin sa magkatabing sina Clarrise at Denver.
"Teka, ano ba ang meron diyan sa couple festival na iyan ha?" excited na tanong
naman ni Denver. May patingin-tingin pa ito kay Clarrise habang nagsasalita e. Alam
na!
"Sa wakas, magkakaroon na kayo ng alone time nitong si Clarrise, yieeee." Tili
naman ni Alexandria.
Bigla kong naalala si Prince, este si Cash pala. Ewan ko kung sino talaga siya.
Basta gusto ko sana siyang muling makita at makausap e pero hindi ko naman alam
kung saan ko siya hahanapin.
"Eh, ano pa nga ba. Mukhang wala naman akong choice e. Kailangan may partner di
ba?"
"Yep, at hindi lang ito basta ordinaryong festival ha. Dahil may grades din daw
ito," paliwanag pa ni Beatriz.
"Ikaw Lara, sino ang partner mo ha? Tayo nalang oh," aniko kay Lara.
"Teka, so ako nalang ang walang partner dito?" Turo ko sa sarili ko.
"Ano ba iyan. Bakit feeling ko palaging ako nalang ang naiiwan sa ere."
Dahil sa pumasok sa isip ko ay bigla akong tumayo. Napatingin naman sa akin lahat.
"Sige, partner pala ah. Mamaya lang may partner na ako. Hehe."
Iniwan ko na ang mga kaibigan ko para hanapin si Quartz. Nakita ko naman kaagad
ito. Naglalakad ito pauwi sa bahay.
"Ano naman ang kailangan mo?" pagsusungit niya. Medyo sanay na ako sa ganiyang
attitude niya eh kaya balewala na lang sa akin ang reaksiyon niya.
"Eh bakit naman? May grade kaya iyon. Kung hindi ako, sino aber? Sandali nga, hindi
naman kaya hindi talaga babae ang gusto mong partner ha? So may yayayain ka na bang
lalaki?"
"Siraulo," aniya.
"Weh, sige na para hindi na ako ma-stress sa kakaisip kung bakit mo ako
tinatanggihan ngayon. Umamin ka na lang. Bakla ka ba?"
"Baka nakakalimutan mo. The last time na magkasama tayo ay nabugbog ako. Ayoko lang
mangyari ulit iyon sa akin, for your information."
"To naman. Hindi ko naman iyon ginusto e. Huwag mo ngang isisi sa akin iyon. Grabe
ka."
"Pero naroon ka pa rin ng mangyari iyon. Malay ko ba kung may balat ka sa puwet."
Bigla akong namula dahil sa narinig ko. Hindi naman iyon totoo pero trip ko lang
paglaruan si Quartz kaya mahina ko siyang hinampas sa balikat niya. "Bastos ka ah!
Bino-bosohan mo ba ako?" tanong ko.
Napakunot naman ang noo niya sabay tumawa siya ng malakas. "So may balat ka nga
talaga sa ano mo hahaha."
Ngumisi naman ako. "Joke lang. So tayo na ang partner ha. Wala ng atrasan iyan.
Kapag in-indian mo ako ikaw talaga ang sisisihin ko kapag bumagasak ako."
"The hell? At ano naman ang ipagkakalat mo ha? For all I know wala naman akong
ginawa sa iyo doon ah."
"Oo nga pero, kapag may sinabi ako. Siguradong maraming maniniwala," aniko sabay
wink sa kaniya.
Saglit kaming nagkatingin ni Quartz. Dali-dali naming hinanap ang kahon na para sa
amin. Nang makita ni Quartz ang para sa kaniya ay binuhat niya iyon papasok sa
bahay. Ganoon na rin ang ginawa ko. Kinuha ko na ang kahon na para sa akin tapos
sinundan ko si Quartz.
Inilapag ni Quartz sa sofa ang dala niya pagkatapos ay umupo rin siya roon.
Dinahan-dahan pa niya ang pagtatanggal ng tape sa kahon. Bawat haltak na ginagawa
niya ay lumilingon pa siya sa akin, kaya naman mas lalo akong na suspense sa
panonood sa kaniya.
"Ano? Anong laman?" excited na tanong ko. Nang dungawin ko ang loob ng kahon ay
napasimangot naman ako.
Binuhat ni Quartz ang kulay itim na robe at ngumisi. "Oh my. Ito ata ang kailangan
nating isuot sa couple festival." tuwang-tuwa niyang sabi. Parang kinikilig pa e.
Hagalpak tuloy ako ng tawa. Tiningnan niya naman ako ng masama. Para hindi na siya
maasar ay agad akong sumenyas na parang sini-zipper ang bibig ko.
"Don't worry. Safe ang sikreto mo sa akin. Basta partner ah." Sabay tayo ko na.
Binalikan ko na ang kahon ko at iniwanan ko na sa sala si Quartz.
Huling-huli sa akto ang loko e. Mahilig pa ata sa Harry Potter kaya tuwang-tuwa sa
robe na isusuot namin. Hehehe.
"Hoy Kyra, bilisan mo nga diyan. Male-late na tayo oh." Bulyaw sa akin
ni Lara.
Halata naman na excited lang siya sa event ngayon e. Paano ba naman e nakadali ng
super gwapong partner ang bruha. Tsk! Kaya pala ayaw pumayag na kami ang maging
mag-partner e dahil sa gwapong dnoces student na inaya niya. Mabuti nalang at
mukhang type din naman siya noong guy kaya iyon. Sila ang partner ngayong araw.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang itsura ko sa salamin. Ughhhh hindi ko talaga
feel ang suot ko ngayon. Nakakabanas dahil mukha talaga akong wizard! Oo. Mga mukha
kaming wizard ngayon. Pero parang sa akin lang naman big deal iyon e. Dahil sa mga
kasama ko ay mukhang wala naman iyong problema. Psh, siguro dahil masaya sila sa
mga partner nila. Samantalang ako, hindi na nga satisfied sa partner. Ang pangit pa
ng suot ko.
Walang gana na akong sumunod kay Lara. Pagbaba namin ng hagdan ay nandoon na sila
Clarrise, Beatriz, Alexandria, at Scarlet. Katulad namin ay nakasuot narin ang mga
sila ng mga wizard costume nila.
Ano kaya ang meron sa robe na ito? Bakit kailangan ganito ang suot namin ngayon? Is
this some kind of tradition? Ano kaya ang kwento sa likod nito. Bigla tuloy akong
na-curious.
Isa pa iyang bruhang 'yan! Napakasaya rin sa partner kaya excited gomora.
"Bakit ba ganito ang suot natin ngayon?" medyo inis kong tanong. "Sino kaya ang
nakaisip ng design nito? Ang cheap tingnan e. Walang ka class, class. Tsk!"
"Ang isipin mo na lang ay hindi ito ang ginawa nilang uniform natin," sabi ni
Beatriz.
Habang nag-uusap kami ay narinig naming may bumababa sa hagdan kaya sabay sabay
namin iyong nilingon. Pababa narin sina Quartz, Sanzo, Denver, Nilo at si Shanna.
"Vertigo infertato." Sigaw ni Sanzo. Para lang siyang wizard na nag-cast ng spell.
Meron pa siyang hawak na stick na itinutok niya sa hangin. Ang akala ata ay nasa
isang pelikula kami.
"Kitams sabi na eh. Mukha talaga tayong mga characters sa Harry Potter! Hahaha..."
dugtong pa ni Sanzo. Tawa pa ito ng tawa habang hinahampas si Quartz na napapangiti
na rin.
"Tara na, ang mabuti pa umalis na tayo. Baka mamaya ay maging mga palaka pa kami
dahil sa magic mo." Nauna ng nagpatuloy sa pagbaba sa hagdan si Denver. Agad nitong
nilapitan si Clarrise.
"Let's go. Kanina pa naghihintay sa labas ang sasakyan natin e," aya na rin ni
Lara.
Tsk. Sasakyan ba talaga ang naghihintay sa labas o baka yung partner niya?
Sa labas ng bahay ay nakaparada na nga ang sasakyan naming mini-bus. Kulay itim ito
na may nakapintang pulang desenyo. May ilang sakay na iyon. Iyong mga kapareha ng
iba naming kaklase.
Pagkasakay ng lahat ay kani-kaniya na kaming hanap ng mauupuan. Dahil mamaya pa
naman ang pagpapa-posas magaganap ay malaya pa kami ngayon. Ang ibig lang sabihin
noon ay pwede pa muna kaming pumili ng gusto naming pwesto.
Katulad ko. Sa bandang likuran muna ako naupo, katabi si Lara. Samantalang iyong
partner ko naman ay iyon at nasa unahan. Kasama sina Sanzo at Nilo.
"Sus, masaya lang iyan dahil sa suot niya. If I know, pangarap niyang magsuot ng
ganiyang robe e."
"Hindi nga. Iba iyong mga titig niya sa iyo e. Iyong tipo na parang may lihim
siyang pagtingin. Mga ganoon."
"Hay tigilan mo nga ang paggawa ng issue Lara. Tamang hinala ka naman e."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Dahil maaga pa ay malinaw ko pang nakikita ang
dinadaanan namin. Hindi pa namin nararating ang hangganan ng Wisconsin pero sa
tingin ko ay napakalawak talaga nito. Halos araw-araw kasi ay may nadidiskubre
kaming bagong lugar e. Katulad ngayon. Medyo malayo-layo ata ang pagdadausan ng
couple festival na ito.
Pagbaba namin ng sinakyan namin ay kani-kaniyang hila na ang bawat isa sa mga
partner nila. Kasama na roon ang mga kaibigan ko na nakalimutan na atang may Kyra
silang kasama. Dahil pumila na ang lahat sa may entrance, kasama ang mga partner
nila ay saglit pa kaming nagkatitigan ni Quartz. Parang bigla kaming nagkahiyaan
ngayon. Ewan ko ba pero parang may iba nga sa kaniya ngayon. Hindi niya kasi ako
inaaway e. Samantalang dati kapag lalapit lang ako sa kaniya ay sisigawan na niya
ako. Although hindi naman na talaga siya masyadong nang-aaway ay dapat medyo
pinagtataasan niya parin ako ng boses ngayon.
Tumango naman si Quartz. Nang pumila na ako ay sumunod din naman siya kaagad sa
akin. Iyon nga lang, napansin ko na may sinusulyapan siya mula sa kabilang dako ng
gate. Wala naman akong makita mula roon, maliban sa kariton ng cotton candy.
Bigla nalang akong napangiti. Gusto ko sanang asarin si Quartz eh, kaso baka bigla
niya akong iwanan. Hehe. Pero in fairness naman kasi sa kaniya ah. Paano niya kaya
nalaman na mahilig ako sa cotton candy?
"Aww. Ang sweet naman ng partner ko," medyo lambing kong sabi.
Natawa lang si Quartz. Tatalikuran na niya sana ako pero agad kong hinawakan ang
braso niya para pigilan siya. "Sandali naman, iiwan mo ako dito sa pila?"
Sinulyapan niya ang simula ng pila at ngumiti. "Malayo pa naman tayo e. Promise
mabilis lang ako."
Wala na nga akong nagawa dahil tuluyan na akong tinalikuran ni Quartz. Ayoko namang
umalis sa pila dahil baka mamaya ay mapunta pa kami sa pinakalikod at maghintay na
naman kaya pinanuod ko na lang siya.
Tsk. Wala naman sigurong balak na mang indian ang loko no! Naku kapag talaga
iniwanan niya ako dito ngayon, hinding-hindi ko siya mapapatawad. I swear, gagawin
kong meserable ang pananatili niya sa lugar na ito.
Agad kong sinigawan ang mga nakita kong estudyante. Naglapitan naman sila. Kahit
minsan ay ayokong ginagamit ang kapangyarihan ko ay natutuwa naman ako kapag
ginagawa ko ito. Wala kasing kumo-kontra sa sinasabi ko e. Kahit pa ikapahamak nila
iyon. This is the power of being the Peacekeeper.
Kaya hangga't maari ay ayoko sanang patulan si Howard noon. Dahil sa lahat ng tao
dito sa Wisconsin ay siya lang ang namumukod tanging bumabali ng mga salita ko.
With him, I feel like a normal student once more. Parang katulad lang noong maging
intern ako. Pero wala e. Masyado niya akong sinagad. Maling mandamay pa siya ng
ibang tao kung ako naman talaga ang gusto niyang labanan.
Pagkalapit sa akin ng mga estudyanteng nakarinig sa pagtawag ko ay agad akong
nagsalita.
"Cotton candy?" tila naguguluhan pang tanong ng iba. Napailing nalang tuloy ako.
Hindi ko naman talaga kasi gusto sana ng cotton candy e pero gusto ko lang
manggulo.
"Yes cotton candy. Iyong asukal na pina ikot-ikot sa isang natatanging makina at
hinaluan ng espesyal na sangkap para maging maalsa na parang ulap. Cotton candy
bow." sarcastic kong paliwanag.
"Oo. Gusto ko lahat kayo may tag-sampung cotton candy. Bilis. Bago mauna ang mokong
na iyon!" Sigaw ko na. Kahit tila naguguluhan pa ay mabuti naman at lumakad na
silang lahat.
Ako naman ay naglakad pa kontra sa pintuhan nila. Sa direksyon kung nasaan si Kyra.
Habang naglalakad ay hindi ko napigilang mapangiti. Pero agad ko ring inawat ang
sarili ko.
Bigla akong tumigil sa paghakbang. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko. Ang
sabi ko kasi ay titigilan ko na ang babaeng iyon, kaya ano ba itong ginagawa ko
ngayon?
Bakit noong una ko palang siyang makita ay parang may iba na akong nararamdaman
para sa kaniya. Iyong pakiramdam na parang matagal na akong may lihim na pagtingin
sa kaniya. Na sa tingin ko ay ngayon ko lang nailalabas.
Inis akong tumalikod. Pero bago pa ako tuluyang makahakbang palayo ay nakarinig ako
ng pagtatalo sa registration booth. Nang marinig ko ang boses ni Kyra ay
awtomatikong napatigil ako.
"Tara na kasi intern. Wala ka namang partner e kaya tayo nalang dalawa." sabi ng
isang estudyante habang hinihila ang kamay ni Kyra.
Para akong nakaramdam ng pag-iinit ng katawan dahil sa narinig ko. Parang gusto
kong manapak ng tao. Galit akong humakbang palapit sa kinaroroonan ni Kyra.
Pagkatapos ay pwersahan kong hinila ang kamay niya na hawak ng lalaki. Tapos
tiningnan ko ng masama ang lalaki na bigla atang nabahagan nang buntot ng makita
ako.
"Cash," tawag pa nito sa pangalan ko. Dali-dali na itong umalis sa harap ko.
Nang tumingin ako sa mga estudyanteng naroon ay nakatingin na silang lahat sa akin.
Buwesit! Ang sabi ko pa naman ay hindi ako magpapakita sa maraming tao e. Pero
ngayon heto at nakatawag na ako ng pansin.
---
Nasaan ka na ba Quartz?
Para tuloy gusto kong maiyak. Alam ko namang pinilit ko lang siya na maging partner
ko ngayon e. Pero hindi ko naman akalain na iiwan niya ako ng ganito. Sana sinabi
niya na lang na ayaw niya talaga. Űߘ
Napatitig ako sa babaeng nakatayo sa loob ng booth. Isinuot na nito ang kabiyak na
posas sa kanang kamay ko, pero hindi ko parin nakikita si Quartz kaya naiilang
akong napangiti.
"Ah kasi..."
Nagulat nalang ako ng may humawak sa kamay ko. Noong una ay napangiti ako dahil
akala ko ay dumating na si Quartz pero agad ding nagbago ang reaksyon ko ng makita
ko ang isang hindi ko kilalang lalaki. Pilit nitong kinukuha ang kabiyak ng posas
na nakalawit sa kamay ko, mabuti nalang at nahila ko iyon kaagad at nahawakan.
"Ay sorry, may kinuha lang ang partner ko e. Babalik na din iyon," aniko naman.
Pilit kong hinihila ang kamay ko pero nakikipag-agawan parin ang lalaki.
"Tara na kasi intern. Wala ka namang partner e kaya tayo nalang dalawa."
Muling hinila ng lalaki ang kamay ko. Muli niya ring tinangkang agawin ang
nakakabit sa aking posas sa akin pero biglang may ibang humila sa braso ko.
Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko dahil sa tumambad sa paningin ko. Hindi ko
inaasahan na makikita ko siya ngayon.
"She's mine," Napalunok ako ng marinig iyon mula sa kay Prince, este kay Cash.
Lahat tumahimik. Maging iyong lalaking may hawak sa kamay ko ay bigla nalang akong
binitawan. "Cash?" tila hindi makapaniwalang sabi nito. Bigla itong tapayuko at
natatarantang umalis.
Mukhang tama nga ang hinala ko. Si Prince at si Cash nga ay iisa.
Napakunot naman ang noo ko. "Ano? Hindi naman ako na te-thank you ah."
"Pwes gawin mo na dahil baka magsawa ako sa pagtulong sa'yo." Lumakad na siya
paalis sa kumpulan.
Nagulat nalang ako ng mahila niya ako. Pagtingin ko sa mga braso namin ay ganoon
nalang ang panlalaki ng mga mata ko. Doon ko lang kasi napansin na naka posas na
pala kaming dalawa.
"Teka naman bagalan mo naman ang paglalakad oh," reklamo ko sa kaniya dahil bahagya
akong nakakaladkad. Napakabilis naman kasing maglakad e. Parang akala mo ay may
importanteng pupuntahan at nagmamadali.
Huminto naman si Cash. Tapos tila naiinis siyang humarap sa akin. "Huwag mo nga
akong artehan ngayon. Akala mo ba ay gusto kong maka-partner ka ha?"
"Teka, sinabi ko bang gusto kong maka partner ka ha?" pagtataray ko rin. Tsk. Akala
niya siya lang ang marunong mag sungit ah.
"Eh bakit ba kasi nagmamasungit ka ha? Alam mo sana si Prince nalang ang dumating.
Sana mas masaya pa ako." Naka-pout kong sabi.
Biglang napayuko si Cash. Tapos nakita kong napangiti siya. Nasisiraan na ata.
Siguro dahil nabuko ko na siya ngayon at nalaman kong hindi talaga Prince ang
pangalan niya.
"Sorry," aniya.
Inirapan ko siya. "Kaya ba ayaw mong sabihin sa akin ang totoong pangalan mo ha?
Dahil ikaw si Cash?"
Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Cash. Bigla akong natahimik. Ang dami-
dami ko pa sanang gustong sabihin e, kaso parang nabura lahat ng salita sa utak ko.
Parang bigla ring nagtayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pagdidikit namin.
Ganitong ganito iyong naramdaman ko noong una kaming magka-usap, doon sa library e.
Para akong biglang nawala sa sarili ko.
Nang pakawalan ako ni Cash ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako ng mabagal.
"So ano? Maghapon tayong manunuod nalang sa mga masasayang estudyante ha?"
sarkastiko kong tanong.
"Why not."
"Why not? Nakita mo ba iyon? Ang saya-saya nila oh." Turo ko sa mga estudyante sa
di kalayuan. Saglit naman iyong tinapunan ng tingin ni Cash bago muling tumingin sa
akin.
"So?"
"Alam mo, hindi ko alam na boring ka pala." Nag cross arm ako. Tapos irinirapan ko
si Cash. Tumawa naman siya.
"Para sa kaalaman mo, hindi boring ang buhay ko no. Araw-araw kayang may
nangyayaring action sa buhay ko."
Iniisip niya ba kung anu-ano ang lalaruin namin? Hehe, sana subukan namin lahat.
"Oy Quartz, nasaan si Kyra? Ba't di mo siya kasama ha? Don't tell me ni-indian mo
siya. Loko ka ah," sermon ko agad sa kaniya.
Tumitig naman siya sa akin. Dahil nakaupo parin siya ay bahagya siyang tumingala
para matitigan ako. Doon ko lang napansin na tila malungkot siya.
"My fault. Ang bagal ko kasi eh. Kaya ayun, naagaw pa siya ng iba sa akin," sabi
niya sabay tayo. Tapos nagsimula na siyang lumakad palayo sa akin.
"Hoy sandali lang. Ano bang sinasabi mo ha Quartz? Sinong umagaw kay Kyra?"
naguguluhan kong tanong. Dahil tinakbo ko si Quartz para harangin ay napilitan ring
tumakbo si Xander para hindi ko siya makaladkad.
Hahabulin ko sana ulit siya pero pinigil na ako ni Xander. "Don't tell me, mag
hapon nating hahabulin ang lalaking iyon?"
Sayang nga naman ang moment namin ngayon ng gwapong lalaking kasama ko e. For sure
ok lang si Kyra. Kaya na niya ang sarili niya.
---
Bahagyang napakunot ang noo ni Cash. Tapos ay tila ngingiti ito na ewan habang
nakatingin sa akin. Kinikilig ata e.
"Siguro, never mong naiisip na makakasama mo ako ng ganito no? Kaya ang saya-saya
mo," aniko.
Bigla namang tumingin sa ibang direksyon si Cash. Halatado talaga. Siguro na love
at first sight sa akin ang loko. Pwes, patas lang naman kami e. Hehe.
Bigla naman siyang humarap sa akin. Tapos napaka seryoso na ng mukha niya. Tsk.
Akala niya naman ay uubra ang ganiyang asta niya sa akin eh kilala ko na ang
totoong siya. Iyong totoong si Cash na isa talagang prince charming.
"Ay naku, 'wag mo nga akong ma-ganiyan ganiyan. Tsk. Kunyari ka pang susungit-
sungit eh tiklop ka naman sa ganda ko." Nakangisi kong sabi.
"Weh, pabibo ka pa. Aminin mo na lang kasi. May gusto ka sa akin no? Kaya palagi mo
akong sinusundan?"
"W-what? No way! N-nagkataon l-lang n-na p-palagi akong n-nasa lugar k-kapag may
nangyayari sa'yo 'no!" pautal-utal niya namang pagtatanggol sa sarili niya.
Bigla tuloy akong natawa. Naalala ko kasi iyong naging reaksiyon ko noong magkita
kami sa may library e. Parang ganiyan ata iyon. Iyong tipong parang may ginagawa
kang mali tapos may nakahuli sa'yo.
"Si Cash, ayaw pang umamin. Eh halata naman. Tsaka tingnan mo nga iyang mukha mo
oh. Parang nagba-blush ka pa. Tsk, attracted ka talaga sa akin no? Nahihirapan
kalang sigurong matanggap iyon dahil sa ego mo!" Tinuro-turo ko pa ang mukha niya.
Parang hiyang-hiya naman siyang napahaplos sa pisngi niya. Bigla rin siyang
natahimik at napa buntong-hininga. Tapos naiiling siyang pumaling ng tingin sa
ibang direksyon.
Saglit na namagitan sa amin ang katahimikan. Nakatingin parin ako sa kaniya pero
dahil hindi siya sumasagot ay hindi ko na tuloy maituloy ang pang aasar ko sa
kaniya.
"What if I'm really attracted to you?" mahina pero dinig kong sabi niya.
This time ay ako naman ang biglang natahimik. Bahagya pang napaawang ang bibig ko
dahil sa hindi ko inaasahang sinabi niya.
Attracted siya? Sa akin? Umaamin na ba siya ngayon? Teka naman. Anong isasagot ko?
Sasagutin ko na ba siya agad agad? Pero hindi pa niya ako nililigawan e. Ano iyon
bibigay kaagad ako?
Pero on the other side. Medyo type ko rin naman siya eh. Hehe. Kaya pwede naman
siguro. Tsaka nalang iyong ligaw ligaw. Pwede naman iyon habang magka-relasyon na
kami e. Hehehe.
Lalo pa akong nawindang ng ngumiti siya ng ubod tamis. Parang nalalasahan ko iyon.
Lasang bebble gem. Sa tingin ko ay magkaka diabetes ako kapag palagi ko siyang
makikitang nakangiti e.
"That. Is. One. Priceless. Reaction!" aniya. "Hoy 'wag kang assuming ha. Hindi
porket iniligtas ka ng minsan ay tipo ka na."
Kunwari hindi ako affected. Kunwari hindi ako umaasa. Kunwari wala lang sa akin ang
sinabi niya. Kunwari.
Agad akong tumalikod kay Cash. Kung hindi lang naka-posas ang mga braso namin ay
malamang nag walk-out na ako. Tsk! Ang harsh niya naman kasi e. Tinawag pa akong
assuming.
"Uy, galit ka?" Kinalabit niya ako pero siniko ko lang ang kamay niya.
Nanatili akong tahimik. Para tuloy nawala na ako sa mood na magsaya habang kasama
siya. Kanina ay excited pa naman sana ako e.
Ano pala ang ibig sabihin ng pagyakap niya sa akin kanina? Ano gawain niya ba iyon
sa lahat ng babaeng nakikilala niya? Kainis siya!
"Hey, joke lang iyon. Ito naman, hindi na mabiro. Nagpapatawa lang naman iyong tao
e."
Naramdaman kong bahagyang tumayo si Cash. Tapos lumipat siya ng pwesto. Pilit niya
akong hinaharapan pero agad ko rin naman siyang iniiwasan. Hanggang sa maramdaman
ko na kinuha niya ang kamay ko. Pinisil niya iyon ng mahina dahilan para mapatingin
ako sa kaniya pero syempre, nang nakasimangot parin.
"Alam mo ayaw na kitang maging prince charming. Hindi ka naman talaga charming e.
Isa kang..."
Lumuwa ang mata ko ng maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Sa bilis
ng pangyayari ay hindi ko nagawang ilagan ang ginawa niya. Sa gulat ko rin ay hindi
ko nagawang makapikit. Basta dilat na dilat lang ako habang gumagalaw ang bibig
niya. Iyong tipong kahit napakalaki ng pagkakadilat ko wala na akong ibang makita
sa paligid bukod sa kaniya.
Bahagya akong nagbaba ng tingin. Dahil dilat na dipat ako ay kitang-kita ko ang
mukha ni Cash habang magkadikit ang mga labi namin. He was effortless moving his
lips. Baliktad lang dahil siya ang nakapikit at hindi ako. At dahil doon ay kita ko
kung gaano niya ninanamnam ang ginagawa niya. Ang loko. Dapat ako iyong guma-ganoon
eh.
Bigla kong tinulak si Cash. Nangunot naman ang noo niya. May pag-aalala niya akong
tinitigan. Tila binabasa niya ang reaksiyon ko sa ginawa niya. Nakakita rin ako ng
takot sa mata niya. Siguro natatakot ang loko na baka magalit ako sa kaniya.
"Siraulo ka!" aniko sabay hawak sa kolar ng damit niya. Hinila ko iyon para
mapalapit siya.
This time ay ako naman ang humalik sa kaniya. This time ay nagawa ko na ring
makapikit para namnamin ang halik na pinagsasaluhan namin.
Sobrang init ng labi niya. He was so gentle. Parang tamang sayad lang ang ginagawa
niyang paggalaw sa labi niya. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay kapwa na kami
nakangiti sa isa't-isa. Iyong may mga gusto pa sana kaming sabihin pero ayaw pa
naming sirain ang magandang ambiance sa paligid.
So ano na? Kami na ba? Tsk! Parang mali ata ang ginawa ko ah.
"Hindi ko naman kasi alam na ganito ka pala kasikat e," sagot ko.
"Hindi ah. Proud nga ako dahil ikaw ang kasama ko e. Iyon nga lang, ayoko naman
kasing maging artista. Hindi kasi ako sanay na pinagkakaguluhan ng mga paparazzi
e."
"Huwag kang mag-alala, hindi na iyan magtatagal." Kinindatan pa ako ni Cash habang
hinihila.
Dinala niya ako sa isang booth na punong-puno ng mga cute na maskara. Mukhang na-
gets ko na ang ibig niyang sabihin. Siguradong iyon ang naisip niyang solosyon sa
problema namin para pareho naming ma-enjoy ang pag-iikot sa lugar na ito.
Nakangiti ko namang tiningnan ang lahat ng maskarang nasa harap ko. Hanggang sa
mabaling ang tingin ko sa magkapares na maskara. Dali-dali ko iyong dinampot at
ipinakita kay Cash. Agad namang kumulubot ang noo niya. Parang hindi rin maipinta
ang mukha niya kaya bigla akong napatawa.
"Ang ganda naman diba?" Nakangisi kong tanong. Umiling-iling naman si Cash.
"Sandali nga? Anong natin ka diyan?" Biglang kinuha ni Cash sa kamay ko ang
dalawang maskarang hawak ko at siya naman ang sunod na tumingin sa mga maskarang
nasa booth.
"Hoy, ang ganda kaya nito." Nakanguso kong sabi sabay kuha ulit ng maskarang
inilapag niya.
"Kung gusto mo iyan, edi isuot mo. Pero sinasabi ko sa iyo. Hinding-hindi mo
maipasusuot sa akin ang isang iyan."
Diring-diri talaga siya sa maskara e.ł Akala mo may nakakadiring nakadikit dito na
kung ano e kulay puti nga lang ito. Isang purong puti na maskarang ang siguradong
tatabon ng husto sa mga mukha namin para hindi kami makilala ng mga tao. Ang isa ay
nakangiti, habang ang isa naman ay malungkot na parang natatawa. Para iyong
ginagamit sa mga makalumang palabas. Iyong madalas ipakita sa isang masayang
pagtatanghal. Ganoon.
<img
src="https://img.wattpad.com/c8b8e758d32560d3fb0bd8cbecf8b5cfcea6403b/68747470733a2
f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53
746f7279496d6167652f6f4e78524d362d2d5048415652673d3d2d3337373834333036332e313634333
837316665376262376136633432393135333935303233332e6a7067" style='max-width:90%'>
*Ayan para di na kayo mahirapan pang mag imagine. Parang ganiyan. Hehe.
"Akala ko ba sabi mo pumuli ako. Tapos ngayon na nakapili na ako e ayaw mo naman,"
aniko sabay irap sa kaniya.
"Oo sinabi ko na pumili ka pero ang sabi ko ay iyong isusuot mo lang. Ako na ang
bahala sa isusuot ko," sagot naman niya. Nagpatuloy na siya sa paghahanap ng
maskara na magugustuhan niya. Ako naman ay nag cross-arm sa tabi niya.
"Basta. Hindi ako magsusuot ng ibang maskara. At isusuot ko lang iyan kapag isinuot
mo rin ang isa pang ganiyan."
Nilingon ako ni Cash tapos tinapunan niya ako ng naiiritang tingin. "Tigilan mo nga
ako. Kung gusto mong maging masaya, sana 'wag kang nandadamay ng iba."
"Eh sa masaya ako kapag tayong dalawa ang magsusuot niyan e. Tsaka ano ba ang
problema mo e hindi naman tayo makikilala ng mga tao kapag suot na natin iyan. So,
walang magtatawa sa'yo kung iyan ang inaalala mo no."
Biglang tumingala si Cash. Halata ko pa rin naman sa mukha niya na ayaw niya
talagang isuot ang maskarang pinili ko pero mukhang nag-iisip na siya dahil sa
sinabi ko.
"Fine, akin na nga iyan!" Inis ng hinablot ni Cash ang hawak ko kaya naman biglang
nag bunyi ang kalooban ko.
Dali-dali kong kinuha sa bulsa ng suot kong robe ang ID ko at iniabot iyon sa
bantay ng booth. "Kuya, itong dalawa po kukunin ko." Nakangisi kong sabi dito.
Agad naman kinuha ng lalaki anh ID ko. Pagkatapos niyang i-swipe iyon sa isang
machine ay may mga konti pa siyang ni-type doon at saka niya ibinalik sa akin.
Paglingkon ko kay Cash ay nakita kong suot na nito ang maskarang kinuha niya kaya
bigla akong natawa.
"Kitams bagay naman sa'yo ah. Para ka lang komedyanteng hindi matae."
Sakto naman kasi eh. Iyong parang masaya na malungkot ang nakuha niya.
"Tsk! Ito naman ang gusto mo e. Sige na, tumawa ka na ng tumawa. Sana lang hindi
sumama ang tiyan mo kapag na pasukan ng maraming hangin."
Isinuot ko na rin ang sa akin. Sa totoo lang hindi ko maipaliwanag ang mga itsura
namin ngayon. Imagine, naka-robe kami ng kulay itim tapos naka-maskara ng kulay
puti. Para kaming mga hacker. Pero ayos lang. Dalawa naman kaming mukhang tanga e,
hehehe.
Hinawakan ko na ang kamay ni Cash. Ang dami-dami niya pa kasing sinasabi e kaya
hinila ko na siya paalis sa booth. Baka mamaya kasi ay magbago pa ang isip niya,
mahirap na.
Mabuti nalang at kahit marami ang mga estudyante ay maluwag naman ang pinagdausan
ng couple's festival. Napakaraming booth ang nakikita ko habang naglalakad. Sa
bawat booth ay may mga palaro, at syempre meron kang makukuhang premyo kung sakali.
Para lang tuloy isang perya ang kinaroroonan namin ngayon. Ang pinagkaiba lang ay
puro pang lovers ang makikita mo sa paligid. Napakaraming mga heart-heart na
nagkalat sa lugar. Akala mo e valentines day lang.
Napatingin ako kay Cash at napangiti. Ang galing kasi. Para siyang may ESP at
nabasa niya ang gusto ko. O baka pareho lang talaga kami ng gusto? Ay nakeketewe
nemen.
Pagkakuha namin ni Cash ng cotton candy ay muli kaming umikot sa lugar. Dahil
kakain ay pareho muna naming ini-angat ang mga suot naming maskara. Minsan ay
napapasulyap ako sa kaniya at nakikita kong parang hindi maipinta ang mukha niya
pero agad din iyong nagbabago kapag nakita niya akong nakatingin sa kaniya. Noong
una akala ko ay nang-aasar lang siya pero noong huli ay mukhang alam ko na ang
dahilan ng ginagawa niya. Nakita ko kasing idinudura niya ang cotton candy na
kinakain niya e. Parang tanga. Akala ko pa naman ay gusto niya iyon. Iyon pala ay
para sa akin lang kaya siya nag-ayang kumain noon.
Mabilis ko nang inubos ang kinakain kong cotton candy pagkatapos ay inagaw ko ang
hawak ni Cash. Syempre, kawawa naman e hindi maka-reklamo sa akin.
460ߔBlack Doll [Hell Game]
Dahil nga medyo sanay na akong humawak ng baril ay kumpiyansa kong kinuha ang air
gun sa kinalalagyan nito at ipinasok ko na doon ang unang bala. Parang dart ang
balang iyon, kaya isa-isa lang ang paglalagay sa baril. Pagkatapos kong mai-ayos
ang bala sa loob ng baril ay itinutok ko na iyon sa target ko. Buong-buo ang loob
ko na tatamaan ko iyon. Kaso nagulat nalang ako ng biglang gumalaw ang tina-target
ko. Halos malaglag ang panga ko ng makita ko iyon. Hindi ko naman kasi alam na
gumagalaw pala iyon e.
Nang kalabitin ko na ang gatilyo ng hawak kong baril ay mabilis na lumipad ang dart
sa kung saan. Wala man lang iyong tinamaan na kahit ano. Sa dingding lang iyon ng
booth tumusok. Napasimangot tuloy ako.
Ganoon din ang nangyari sa sumunod kong tangka. Sa dingding lang iyon tumama.
Naiinis ako pero dahil ayokong mapahiya kay Cash ay kunwaring nagpa-praktis palang
ako.
"Ayan, nakapag warm up na ako. Ito na talaga ang totoo," aniko habang nag-uunat.
Nginisihan lang ako ni Cash. Halatang nang-aasar ang loko e. Sinabi nang wam up pa
nga lang iyon. Tsk.
Itinutok ko ulit ang baril na hawak ko sa target, tapos ipinikit ko pa ang isa kong
mata para asintahin ng mabuti ang target ko. Tapos huminga pa ako ng malalim para
lumuwag ang dibdib ko.
Nang muli kong kalabitin ang gatilyo ay kinakabahan kong sinundan ng tingin ang
lumilipad na dart. Tuluyan na akong nalungkot ng makitang sa dingding na naman iyon
tumama.
Oh diba, wala man lang akong natamaan kahit isa. Kahit consolation prize tuloy ay
wala man lang akong makukuha.
<img
src="https://img.wattpad.com/4c893ababc72cefae54494921e3f2cc425d376c6/68747470733a2
f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53
746f7279496d6167652f466b6d61784b7054717a433130673d3d2d3337373834333133362e313634336
264633830636138323566303831303832313237333231352e6a7067" style='max-width:90%'>
*Share ko lang iyong manika na type ni Kyra.
Pero pwede pa naman ah, habang may buhay may pag-asa kaya susubukan ko ulit. Hindi
bale ng mapahiya kay Cash, ang mahalaga ay makuha ko ang manika na gusto ko.
"Sorry po pero isang ID ay tatlong bala lang ang pwede kong ibigay," sagot nito.
"Ano?"
"Sorry miss."
Eh kung subukan ko nalang kayang hingin iyong manika? Tutal naman lahat ay nakukuha
namin dito e. Tama.
"Kung ganoon, pwedeng hingin ko na lang iyong manikang iyon." Nakangiting turo ko
sa manikang nagustuhan ko.
Sinundan naman iyon ng tingin ni Cash. Ngayon ay alam niya na ang isa sa dahilan ko
kung bakit ko siya hinila dito. Hehe.
Umiling-iling naman ang lalaking kausap ko. Parang alanganin itong ngumiti sa akin.
"Sorry pero para lang iyan sa premyo e. Rule is rule."
"Pero wala namang makakaalam na hindi ako nanalo e," bulong ko naman sa kaniya.
Para walang makarinig sa amin ay bahagya ko pang inilapit ang bibig ko sa tenga
niya.
Edi ako na ang sinungaling dito. Tsk, parang manika lang naman e. Hay naku! Anong
klase ba naman kasi ng rule iyon eh. Pwede naman naming kuhain ang gusto namin pero
ngayon bawal?
Pero sabi nga niya, rule is rule. Alam ko, kahit anong reklamo ko ay hindi ko iyon
pwedeng kunin. Dahil doon ay malungkot kong ibinaba ang suot kong maskara. Ayoko
kasing makita ni Cash ang mukha ko ng malungkot. Ewan ko ba. Talagang type ko kasi
ang manikang iyon e.
"Pahingi ng bala," biglang nagsalita si Cash. Iniabot niya ang ID niya sa bantay
kaya binigyan siya nito ng tatlong bala.
Muli kong iniangat ang maskarang suot ko tapos nagpapungay ako kay Cash.
Lalo ko pang pinapapungay ang mga mata ko. Nag beautiful eyes pa ako. "Ehhhh,
galingan mo ah!" aniko.
Naiiling niya lang akong nginitian. Nang mailagay na niya sa baril ang dart na bala
ay iniangat na niya ang kamay niya at itinutok sa target. Muli na namang umandar
ang target. Gusto ko sanang pumikit pars surprise ang kalalabasan ng gagawin ni
Cash pero ayokong may ma-miss e. Excited akong makita ang gagawin niya.
Nang lumipad na nga sa ere ang dart ay sinundan ko iyon ng tingin. Halos lumuwa ang
mata ko ng makita kung saan iyon tumama. Sakto kasi sa pinaka gitna ng target
dumikit iyong dart. Kahit napakaliit lang ng pulang dot sa pinakagitna ng target ay
tumama talaga doon ang dart na itinira ni Cash.
Dahil hindi agad ako nakapaniwala sa nakita ko ay sandaling na blanko ang utak ko.
Nagbubunyi ako dahil sa wakas ay makukuha ko na ang manika ko pero ang isa pang
ikibmnatutuwa ko ay ang ginawa ni Cash. Ang galing niya eh. Nakakabilib. Isang
subok niya palang pero tinamaan niya kaagad iyong target.
Tuwang-tuwa ko namang itinuro ang gusto kong manika sa lalaking bantay ng booth.
Pagka-abot niya noon sa akin ay agad ko iyong niyakap ng mahigpit. Nakita kong
iiling-iling naman si Cash.
Agad kong hinawakan ang kamay niya. Balak ko sanang angklahan ang braso niya e,
pero dahil naka-posas kami ay kamay nalang niya ang kinuha ko para hawakan.
Nakita ko namang ngumiti siya pero para itago sa akin iyon ay bigla niyang ibinaba
ang maskarang nasa ulo niya. Bigla tuloy akong natawa. Nakakatawa naman kasi ang
maskara niya e.
At dahil medyo mahiyain ang ka-date ko ay nag take out nalang kami ng pagkain sa
nakita naming restaurant. Take note ha, nag take out kami ng pagkain ng naka-
maskara. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng naroon. Pero keri lang. Di
naman nila kami makikilala e, kaya hindi nila kami mapag tsi-tsismisan.
Ilang minuto rin kaming naglakad. Dinala ako ni Cash sa isang mataas na lugar kung
saan tanaw parin namin ang pinagdadausan ng event. Para iyong malawak na picnic
area. May mga puno sa paligid at nababalutan ng maiikling damo ang lupa. Sa ilalim
ng malaking puno kami naupo. At kahit wala kaming dalang sapin ay masaya kaming
sumalampak sa sahig. Inilatag din namin doon ang mga pagkain na kinuha namin. Tapos
nagsimula na kaming kumain.
Kahit medyo nahihirapan ako sa pagsubo ay ayos lang dahil masaya naman ako sa
kasama kong kumain.
Masayang-masaya.
Humarap naman sa akin si Cash. Tumagilid siya at tumingin sa akin kaya naman ginaya
ko rin siya.
"Eh kasi nag sinungaling ako sa'yo tungkol sa totoong pagkatao ko."
Kinuha ko ang kamay ni Cash at pinisil ko iyon ng marahan. Muli naman siyang
tumingin sa akin. Naka tihaya parin ang katawan niya pero nakatingin siya sa mukha
ko.
Ang pagtitiwala.
Maya-maya ay may bandang biglang tumugtog. Kahit medyo malayo kami sa venue ng
couple festival ay dinig na dinig naman namin ang musikang nagsisimulang
umaalingawngaw sa paligid. Malamang ay dahil iyon sa malalaking speakers na nasa
labas ng gate.
Tumayo na ako. Tapos hinila ko ang kamay niya. 'Sige na, akong bahala sayo," I
smiled.
Naiiling man ay tumayo narin siya. Nang magsimula ng kumanta ang banda ay natatawa
akong gumiling-giling sa harap ni Cash. Ginawa kong kengkoy ang sarili ko. Bigla
naman siyang natawa. Alam kong hindi bagay ang sinasayaw ko sa tugtog dahil mabagal
lang naman ang kinakanta ng banda pero gusto ko lang naman siyang patawanin e.
Ayoko kasi ng masyadong malalim na usapan. Natatakot kasi ako na baka iwasan niya
ako ng tuluyan dahil sa mga doubt niya. Ayokong mag-isip pa siya ng kung ano. Gusto
kong ipakita na ayos lang ang lahat. Basta pareho kaming masaya, iyon ang mahalaga.
Pagdating sa korus ng kanta ay sumeryoso na ako. Inilagay ko ang kaliwa kong kamay
sa balikat niya. Sinundan niya naman ako at inilagay niya ang kanan niyang kamay sa
bewang ko.
ŰߎWish I could be every little thing you wanted all the time oohhh I wish I could
be every little thing you wanted all the time sometimesְߎ
Para akong natigilan ng maramdaman ko ang palad niya sa tagiliran ko. Bigla akong
nakaramdam ng kakaibang kaba. Tila unti-unting humihirap ang paghinga ko. Lumalakas
ang kalabog ng dibdib ko.
Sh*t bakit naman kasi kailangan pa niyang ngumiti e. Nanlalambot tuloy ako.
"Your nervous. Akala ko ba hindi ka natatakot sa akin," bulong niya sa tenga ko.
Bahagya akong napamulagat ng hapitin ni Cash ang balakang ko. Mas lalo niya pang
hinigpitan ang pagkakakapit sa akin. Mas lalo pa tuloy nagkalapit ang mga katawan
namin. Tuluyan ng nawala ang espasyo sa pagitan namin.
Napalunok ako ng mariin. Mas lalo akong nabigla dahil sa sunod niyang ginawa.
Unti-unti niya kasing ibinaba ang mukha niya at itinapat sa mukha ko. Napapikit
nalang tuloy ako ng wala sa oras. Alam ko na kasi ang sunod niyang gagawin. Alam ko
pero wala akong balak na pigilan iyon.
Matagal-tagal din akong naghintay sa paglapat ng labi ni Cash sa labi ko pero na-
disappoint ako ng wala akong anumang maramdaman. Nang magdilat ako ng tingin ay
nakita kong titig na titig lang siya sa akin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.
Parang biglang nag-init ang pisngi ko. Paniguradong namumula ako dahil sa hiya.
"Halika na, bumalik na tayo sa couple festival at malapit ng dumilim," aya na niya
sa sakin. Kinuha na niya ang inilapag kong manika kanina at hinila ako palayo sa
kinainan namin.
Walang gana naman akong sumunod sa kaniya. Kahit ayaw ko pa sanang umalis sa pinag
picnic'kan namin ay wala na akong magagawa. Hila-hila na ako ng boss ko e. Boss na
walang manners. Tsk! Hindi alam ang salitang perfect timing at perfect moment eh.
Kahit anong ikot ko sa higaan ay hindi ako dalawin ng antok dahil sa mga nangyari.
Parang ang bilis naman kasing natapos ng couple festival e. Napatingin ako sa
manikang nasa tabi ko at niyakap ko ito ng sobrang higpit.
Nang makaramdam ako ng tawag nang kalikasan ay tumayo ako para mag banyo. Dahil
trip ko ay isinama ko ang manika ko. Para tuloy akong batang naglakad habang yakap
ang paborito niyang manika. Well, ang cute ko naman e. Dapat pa nga yata nagtali
ako ng dalawang ponytail e. Hehe.
Pagkatapos kong umihi ay babalik na sana ako sa kwarto ko ng mapatigil ako ng isang
boses.
Napalingon ako sa may hagdan. Dahil hindi ko kita kung sino ang naroon ay sumilip
ako. Pag dungaw ko mula sa itaas ay nakita kong nakaupo si Nilo sa gitnang bahagi
nito. Hawak nito ang walkie-talkie na ibinigay sa kaniya ni Hell, iyong warden sa
kulungan. Mukhang kausap niya sa Paloma. Medyo matagal na ng makita namin ito pero
mukhang si Nilo ay halos araw-araw parin itong kina-kamusta.
"May nahanap ka na ba?" rinig kong sagot ni Paloma mula sa kabilang linya.
Mukhang naghahanap parin sila. Mukhang hanggang ngayon ay hindi parin matanggap ni
Paloma na siya nga ang killer at dinadamay pa niya si Nilo.
"Basta mag i-imbestiga parin ako. Konting tiis na lang. May lead na ako," sagot
naman ni Nilo dito.
Agad akong lumapit sa kinauupuan niya. Napatigil naman siya at agad nagpaalam kay
Paloma.
"Bukas nalang ulit, night," paalam na niya kay Paloma. Mabilis niyang isinilid sa
bulsa niya ang hawak na walkie-talkie at tumayo na. Paakyat na siya pero agad ko
siyang hinarang.
Ngumisi at umiling si Nilo. "Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan niya ngayon.
Masasabi mo kaya iyan?"
"Siguro hindi iyon mangyayari. Hindi naman kami magkapareho ni Paloma e."
"Oo hindi nga. Malayong-malayo. Dahil ikaw, sila, lahat kayo. Mga bulag kayo.
Pinaglalaruan lang kayo ng totoong killer e. Ipinapakita niya sa inyo ang gusto
ninyong makita."
"Basta ako, hahanapin ko ang totoong killer. Kakalap ako ng sapat na ibidensiya at
ipamumukha ko sa inyong lahat na mga bobo kayo." Binangga pa ako ni Nilo at umakyat
na siya sa ikalawang palapag.
Mukhang galit parin siya dahil sa nangyari sa girlfriend niya. Hindi ko naman siya
masisisi eh. Mahirap naman talagang tanggapin kapag mahal mo ang gumagawa ng
ganoong klase ng bagay.
Base sa boses ni Paloma ay mukhang nag i-imbestiga rin ito. Bigla tuloy akong
napaisip.
Siya ba talaga ang killer? Bakit niya gagawin iyon? Dapat nga ay hindi na niya
pinapahanap pa ng mga ibedensiya si Nilo dahil baka mas lalo lang siyang madiin.
Pero paano kung hindi pala siya? Paano kung nagkamali nga kami?
Nagsisimula na namang bumalik ang mga what if's ko. Nakakatakot lang na baka maging
huli na ang lahat kapag nagkataon. Lalo pa at nalaman ko noong nagpunta kami sa
farm na hindi pala si Paloma nagsisinungaling tungkol sa pusa.
Maari ngang hindi siya ang pumatay kay Lorraine pero kay Agatha? Teka nga. Posible
bang dalawa ang killer na hinahanap namin?
Patakbo kong hinabol si Nilo. Nakita kong pumasok siya sa kwartong ginamit ni
Paloma kaya sinundan ko siya roon. Pagpasok ko ay nakita kong nakaupo siya sa kama.
Tinitingnan niya ang mga gamit ni Paloma na nakapatong doon. Lumapit naman ako sa
kaniya. Tahimik akong tumayo sa harap niya at nakitingin rin sa mga bagay na
naroon.
Gusto ko sana siyang aluin pero ayokong namang ma mis-interpret niya iyon. Ayokong
isipin niya na naniniwala na ako sa kaniya. Pero gusto ko lang makasigurado. Gusto
kong malaman ang nalalaman niya dahil gusto kong mahuli ang totoong killer, kung
sakali.
Natuon ang atensiyon ko sa isang larawan na kuha sa polariod. Hindi ko iyon nakita
noong una dahil sa masyado akong na-stress at nag walk out agad, pero mukhang kuha
rin iyon ni Paloma. Para iyong selfie niya sa polariod. Sa tabi noon ay isa pang
larawan. Parang kuha iyon sa opisina ni Lady Vhern. Kumpleto ang mga intern doon.
Siguro iyon ang unang araw namin dito sa Wisconsin. Natatandaan ko, na-late kami ni
Lara noon e. Iyon ang dahilan kung bakit wala kami sa litrato.
"Basta may malaking nunal sa kanang pulsuhan ang babaeng iyon e. Nakita ko iyon ng
iabot ko sa kaniya ang hiniling niyang pusa at baboy e."
Ibig sabihin ay hindi si Paloma ang nagpunta sa farm. Itong babaeng ito ang
nagpunta roon. Siya ang kumuha ng baboy doon at nag dala ng pusa dito sa bahay.
Sandali nga, bakit niya naman gagawin iyon? Hindi kaya siya talaga ang totoong
killer? Tama ba si Nilo at Paloma? Naka set-up lang ang lahat.
Sandali, iyong pusa posibleng ginamit niya para pagmukain na si Paloma ang pumatay.
Eh iyong baboy? Tama nga kaya ang hinala ko kung saan niya iyon ginamit?
Kung totoo nga ang hinala ko ay kinakailangan kong gumawa ng paraan para mailabas
sa kulungan si Paloma bago pa may mangyaring masama sa kaniya.
"Alam mo ba kung bakit tinawag na prison of hell ang lugar na ito?" Napatingin ako
sa babaeng nasa kabilang selda. Dahil nasa labas ako ng kwarto ko ay kita ko ang
nasa kabila.
Si Hell, ang bantay sa lugar na ito kaya ito tinawag na Prison Of Hell. Parang
pagmamay-ari niya ito pero kabaligtaran naman ang turing sa kaniya ng lahat. Para
naman kasi siyang katulong dito e. Sunod niya ang lahat ng utos sa kaniya. Although
may mga rules siya na kinakailangan naming sundin.
"Hindi lang ito basta kulungan ni Hell. Kulungan kasi ito ng impyerno." Nakangising
sabi niya.
Hindi ko alam kung nababaliw na ba siya dahil sa tagal niya dito o nag ha-
hallucinate lang siya dahil sa gutom.
"Rules are rules. Lahat pwede mong lusulatan maliban sa isa. Kailangan, pagpatak ng
alas-singko ay nakapatay na ang lahat ng ilaw," dugtong pa niya.
Noong una ang akala weird na kautusan lang iyon. Pero naisip ko na baka nagtitipid
lang ng kuryente si Hell kaya niya ginawa ang rule na iyon. At dahil bago palang ay
ayoko namang suwayin siya kaya wala pang alas-singko ay patay na nga ang ilaw ko sa
loob ng kwarto. Meron naman siyang ibinigay na mga gasera sa amin eh at iyon ang
ginagamit ng namin ng ganoong oras.
Tinalikuran ko na ang babae. Dahil narinig kong tumunog ang walkie-talkie na hawak
ko ay pumwesto ako sa gilid na bahagi ng selda.
"Tama nga. Nandito ako sa klinik ngayon. Nakita ko na ang gamot na sinasabi mo,"
ani Nilo.
Halos mag diwang ako ng marinig iyon. Natataranta kong diniinan ang button para
makasagot.
"Oo. Hawak ko na ang folder na ibinigay sa akin nung staff ng klinik. Sandali at
hahanap muna ako ng mauupuan."
"Sige."
Walang mapaglagyan ang galak ko. Sa wakas ay mahuhuli narin namin ang totoong
killer. Mapapatunayan ko na, na inosente ako at makakalabas na ako dito.
Magkakasama na ulit kami ni Nilo na hindi ako iniwanan kahit pa ako ang itinuturong
kriminal nv lahat.
Maya-maya ay muli kong narinig ang pag static ng walkie-talkie. Mukhang nakahanap
na ng mauupuan si Nilo kaya kumu-kontak na ito ulit. Pero, wala namang nagsasalita
sa kabila. Napakunot nalang tuloy ang noo ko.
Ganoon parin. Wala paring nagsasalita sa kabila. Pero alam ko na pinipindot niya
iyon. Ganoon kasi ang tunog kapag nagsisimula siyang gumawa ng koneksiyon e.
Sa totoo lang, nagsisimula na akong mag-isip ng kung ano. Hindi naman kasi gawain
ni Nilo ang manakot eh, kaya nag-aalala ako.
"Hi Paloma."
Halos manlaki ang mata ko ng makarinig ng ibang boses mula sa radyo. Parang kilala
ko ang boses na iyon pero dahil sa tagal ko ng pananatili sa kulungan na ito ay
nawala na iyon sa memorya ko.
"Nasaan si Nilo? Anong ginawa mo sa kaniya ha? Sino ka?" sigaw ko.
Nagsimula na akong umiyak. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Mukhang huli
na ang lahat. Nahuli na kami ng killer. Alam na nito ang ginagawa naming pag i-
imbestiga kaya nagsimula na naman itong gumawa ng aksiyon.
"Poor Nilo. Gusto mo bang magpaalam muna sa kaniya bago ko siya patayin? Ha?" sabi
pa ng killer na kausap ko.
"Please 'wag. Huwag mong papatayin si Nilo. Ako dapat ang patayin mo dahil ako lang
naman ang nangungulit sa kaniya. Pakiusap huwag mo siyang idamay."
"Shhh, darating din tayo diyan. Sa ngayon, say babay muna sa boyfriend mo." Tumawa
pa ang killer bago tila inilapit kay Nilo ang radyo.
"I'm sorry." Tuluyan na akong humagulgol ng iyak ng marinig ko ang huling sinabi ni
Nilo bago may malakas na tunog ng pagbagsak akong narinig.
Alam ko hindi maganda ang bagay na iyon, pero wala naman akong magawa para
makatulong. Awang-awa ako sa kinahinatnan ni Nilo pero dahil nasa malayo ako ay
para akong paralitikong hindi man lang makatulong sa kaniya.
Napalunok ako. Mukhang inihulog niya sa mataas na lugar si Nilo. Siya ang killer na
hinahanap namin. Siya na nga walang iba.
"Alam mo, kamuntikan na ako doon ha. Ang galing. Dapat maging proud kayong dalawa,
dahil sa lahat ng intern student ay kayo lang ang nakaisip na imbestigahan ako.
Pero too late, dahil bago pa ninyo mailantad ang pagkatao ko ay nahuli ko na kayo.
Hindi kasi kayo magaling magtago e."
"Alam mo, wala kang puso. Ipagkakalat ko sa lahat ang totoo. Humanda ka. Mahuhuli
ka rin."
Kasunod ng pagsabi niya nun ay nawala na ang static na nalilikha ng radyo. Bigla
nalang iyong namatay. Mukhang inihagis niya rin iyon sa mula sa itaas.
I'm sorry Nilo. Patawad sa pagtutulak ko sa iyo sa kamatayan mo. I'm sorry. Ako ang
dapat sisihin sa nangyari sa'yo. Ako na siyang nangungulit na imbestigahan ang
lahat. I'm so, sorry.
I'm so sorry.
---
Tumunog ng malakas ang sirenang naka kalat sa paligid. Indikasyon na malapit ng mag
alas-singko. Kailangan na naming pumasok sa mga kwarto namin at magpatay ng ilaw.
Isa-isa ng namamatay ang mga ilaw sa hallway. Sa totoo lang, wala na akong gana
pang mabuhay pagkatapos ng nangyari kay Nilo. Plano kong magpahuli kay Hell para
maparusahan ako. Sa tingin ko deserve ko iyon. Gusto kong makaramdam ng matinding
sakit para mawala ang sakit na dulot ng pagkamatay ng minamahal ko. Iyong taong
buong-buo ang tiwala sa akin na itinulak ko sa kapahamakan.
"Huwag mong gawin iyan. Kung gusto mong mahuli ang pumatay sa boyfriend mo ay
kailangan mong lakasan ang loob mo. Magpakatatag ka," bulong ng babae na nasa
katabing selda ko. Pumasok na ito sa kwarto niya.
Dapat pa nga ba akong lumaban? Ano naman ang magagawa ko? Eh nakakulong naman ako.
Wala ring naniniwala sa akin kaya ano pa bang magagawa ko ngayon?
Nang pumasok sa isip ko kung para saan ang susing hawak ko ay dali-dali ko iyong
sinubukan. Gumana naman iyon kaya nagawa kong buksan ang gate ng selda ko. Sa tuwa
ay excited akong naglakad.
Sa wakas, makakatakas na ako. Kung sino man ang tumulong sa akin ay dapat akong
magpasalamat sa kaniya.
Patakbo kong tinahak ang daan palabas. Pero dahil wala ng nakasinding ilaw sa
paligid ay wala akong makita sa dinaraanan ko. Mabuti nalang at diretso lang ang
daan patungo sa labasan. Nang matanaw ko na ang pinto ng Prison Of Hell ay
nakangiti ako. Mukhang iniwang nakabukas din kasi iyon ng tumulong sa akin e. Kung
sino man siya ay tsaka na ako magpapasalamat sa kaniya. Tsaka ko na siya hahanapin
dahil si Nilo talaga ang gustong-gusto kong makita. Kahit alam ko na huli na ay
gusto ko parin itong makasama.
Bigla nalang akong napatigil sa paglalakad ng may narinig akong kaluskos mula sa
likuran ko. Pagpihit ko ng tingin para alamin kung ano ang may gawa noon ay nakita
ko ang isang kahindik-hindik na nilalang. Napakataba nito na halos puputok na ang
tiyan. Kulay pula ang mga mata nito na nanlilisik na nakatingin sa akin. Tumutulo
ang laway at parang takam na takam sa nasa harap niya.
"BAKIT KA NASA LABASSSSSS?" sigaw nito. Sa lakas ng sigaw nito ay lumipad sa ere
ang laway nito na ang iba ay tumama pa sa mukha ko.
Ngayon ay alam ko na ang totoong dahilan kung bakit tinawag na Prison Of Hell ang
lugar na ito. Dahil si Hell, ay isang tunay na impyerno.
Siguradong may nakasulat sa libro, tungkol doon at iyon ang hahanapin ko.
Dahil may pasok pa ay inintay ko munang dumating ang lunch break bago pumunta sa
library. Ang paalam ko sa mga kaibigan ko ay may libro lang akong gustong basahin
kaya hindi na nila ako sinamahan.
Dangerous Medicine/Drugs
Isa-isa kong binasa ang pangalan ng mga gamot na nakasulat sa libro, pati narin ang
epekto nito. Iyon nga lang, nakakailang gamot palang ako na nababasa ay nakaramdam
na ako ng pagkainip. Nang tingnan ko ang kapal ng libro ay ganoon nalang ang naging
panghihina ko. Masyado kasing makapal iyon kaya mukhang ilang linggo ang gugugulin
ko bago ko mabasa ang lahat ng gamot na nakasulat doon.
Hindi naman pwedeng mag ini-mini mayni-mo ako dahil baka makaligtaan ko ang
hinahanap ko.
Hay mukhang iu-uwi ko nalang itong libro sa bahay at doon ko nalang itutuloy ang
pagbabasa ko.
"Ahem."
Napa-angat ang tingin ko ng marinig ang pag tikhim na iyon. Dumating pala ang
bagong stalker ko. Isang gwapong stalker na bilugan ang mga mata. Bahagyang makapal
ang kilay ay may maangas na awra.
Naupo ito sa tabi ko at biglangł inagaw ang librong hawak ko. "Ano 'to? Nag-iisip
ka bang mag drugs?"
Muli kong inagaw ang librong kinuha niya tapos sinimangutan ko siya.
"Ano? At bakit naman ako mag da-drugs ha? Eh sa'yo pa nga lang adik na adik na ako
e." pa cute kong sabi.
Bigla namang natawa si Cash. Nakita ko na naman tuloy ang napakatamis niyang ngiti.
"Ikaw talaga." Ginulo niya ang buhok ko tapos muli siyang naging seryoso. "Hindi
nga, ano ba talaga ang hinahanap mo? Tell me, baka makatulong ako."
Bigla narin akong sumeryoso. Baka nga kasi makatulong sa akin si Cash. Baka alam
niya ang pangalan ng hinahanap ko.
"Ok, dahil gusto mo namang makialam sa buhay ko ay sige. Baka alam mo ang pangalan
ng gamot na ginagamit para sandaling mapahinto ang pagtibok ng puso. Meron namang
ganoon, hindi ba?" diretsong tanong ko.
Napakunot naman ang noo ni Cash. "Bakit? Bakit mo kailangan ng gamot na iyon?"
"Dahil sa tingin ko, kilala ko na ang totong killer. It was Lorraine. Iyong
estudyante na unang namatay sa bahay. Iyong babaeng inakala naming namatay."
"What?"
"Kaya naman pala nahirapan akong mai-konek sa pangalan ni Paloma ang lahat ng
nakakalap kong ibidensiya. Dahil hindi naman pala talaga siya ang killer. Na setup
lang siya katulad ng sinasabi niya. Ang hula ko ay si Lorraine ang naglagay sa bag
niya nung papel na hinahanap ko. Siya rin ang kumuha ng pusa sa farm na ginamit
niya para maging suspek si Paloma. Iyong baboy naman, sa tingin ko, ang dugo noon
ang ginamit niyang perperktong sangkap sa pagpapanggap niya. It was all set up.
Noong una palang ay nai-plano na niya ang lahat." napakahabang paliwanag ko.
"Are you sure?"
"Oo. Pero gusto ko pa rin ng proof. Kaya gusto kong malaman ang pangalan ng gamot
na iyon. Kapag nalaman ko na iyon ay balak kong magpunta sa clinic para kuhain doon
ang files na nagpapatunay na kinuha nga ni Lorraine ang gamot na iyon."
"Ok, then let's go to the clinic. Let's pick up the evidence you need." Biglang
hinawakan ni Cash ang kamay ko. Tumayo naman ako dahil sa tingin ko ay alam niya
ang gamot na hinahanap ko.
Magkahawak kamay kaming naglakad ni Cash papunta sa clinic. Ang saya sa pakiramdam
nung naglalakad kami ng magkasama pero wala na siyang pakialam sa mga nakakakita sa
amin. Mukhang nawala na iyong takot niya.
Pagdating namin sa clinic ay dumiretso agad kami ni Cash sa may bantay nito. Iyong
babaeng nakaputi na parang nurse ang humarap sa amin.
"Kailangan namin ang files tungkol gamot na Reveraclovin. Kailangan naming malaman
kung sinu-sino na ang kumuha ng gamot na iyon dito," sagot naman ni Cash dito.
"Sorry, pero may kumuha na nung files na sinasabi mo e. Kani-kanina lang. Kaaalis
lang nung intern na lalaking ang pangalan ay—" saglit pa nitong binasa ang resibo
na naiwan sa kaniya ng i-swipe niya ang ID ng sinasabi niya. "Nilo. Subukan ninyo
siyang habulin. For sure hindi pa nakakalayo iyon."
Dahil nakuha na namin ang kailangan namin ay agad na kaming lumabas ng klinik.
---
"Putek! Ano ba talaga ang role ng lalaking iyan ha? Bakit nakikialam siya sa
ginagawang pag i-imbestiga ng intern?" sigaw ko. Dali-dali namang lumapit sa akin
ang tauhan ko na may hawak ng file.
Binasa niya ang mga nakasulat doon at ng makita niya nga ang itinatanong ko ay agad
siyang sumagot sa akin.
"Iyon naman pala e. So ano ang ginagawa niya ngayon ha? Bakit. Siya. Nakikialam?"
Galit kong ibinato ang dinampot kong baso.
Bigla namang napayuko ang tauhan ko. "Baka po kasi sobra siyang na-attached sa
intern na iyon kaya nawala na siya sa role niya."
"Ano? Nawala?" Napamasahe ako ng sentido ko. Lalo akong nai-stress dahil sa
isinasagot ng tauhan ko e.
"Mr. Valdez ayos lang iyan. Matatapos na ang laro kaya chill ka lang. Relax."
singit ng isa sa mga nangakong mag i-invest sa laro ko na si Mr. Kim.
"Ano bang ayos? That Peacekeeper is going to ruin everything," sagot ko naman dito.
"Ikaw, gawin ang lahat para maalis sa eksena ang Peacekeeper na 'yan." muling
baling ko sa tauhan ko.
"Pero sir. Isa lang po ang paraan para maalis siya sa laro. Kailangan niyang
mamatay."
"Edi patayin ninyo siya. Humanap kayo ng papatay sa kaniya. Make it as soon as you
can bago pa ako ang pumatay sa inyo dahil sa mga kapalpakan ninyo."
Say bye bye peacekeeper. Ikaw naman kasi e, masyado ka ng nagiging pakialamero.
---
AUTHOR'S NOTE:
Must take a note. Hindi po totoo iyong pangalan ng gamot ah. Baka i-search ninyo e.
Mwahahaha.
PS: Malapit na ang ending. Lumabas na ang pangalan ng totoong killer. Nahulaan ba
ninyo? Taas ang kamay sa dito lang napagdugtong-dugtong ang lahat ng kaganapan sa
Wisconsin katulad ni Kyra?
Labyou!
Agad akong naging alerto dahil sa sinabi niya. Naging mapagmatyag ako sa paligid
pero wala naman akong nakita na kahit ano. Narito kami sa likod ng clinic dahil
dito daw nagpunta si Nilo pero wala namang katao-tao dito. Masyadong tahimik ang
paligid. Paniguradong walang estudyante na gagawi dito kung wala namang
importanteng gagawin dahil mga bodega lang ang narito. Iyong mga lumang building na
wala namang laman.
Biglang hinigpitan ni Cash ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa
kaniya."Pagka-bilang ko ng tatlo ay tumakbo ka ng mabilis hanggang sa kaya mo.
Huwag na huwag kang lilingon para sa akin."
"Ano bang sinasabi mo ha. Dito lang ako. Kung sino man ang sinasabi mong sumusunod
sa atin ay magkasama natin siyang haharapin," matigas ko namang sagot sa kaniya.
Ginatihan ko ng pisil ang kamay niya.
Nangunot naman ang noo ko. ŢSila? Teka, hindi ba si Lorraine ang sumusunod sa
atin?"
Iyon kasi ang iniisip ko. Dahil alam na namin ang sikreto nito ay malamang na
gumawa na ito ng hakbang parang mapatahimik kami.
"No. This is a group of young students. Siguradong wala itong kinalaman sa iyo,
kaya please. Sumunod ka na lang. Ok?"
Ngumiti naman siya sa akin. Na parang sinasabi niyang ok ang lahat. Ang nakakainis
lang ay hindi ko maramdaman ang ganoon. "Don't worry about me ok. Sanay na ako sa
ganito. Kayang-kaya ko ang sarili ko kaya 'wag mo na akong alalahanin pa, ok. Wala
ka bang tiwala sa boyfriend mo?" Nakangiting sagot niya.
Boyfriend?
Gusto ko sanang ngumiti katulad ng ginagawa niya pero hindi ko ma-kontrol ang labi
ko e. Iba kasi ang pakiramdam ko sa isang ito. Parang may mali e. At natatakot ako
sa pakiramdam kong iyon.
Umiling-iling naman ako. "Please, tutulungan kitang harapin sila, ok. Kaya natin
ito kapag dalawa tayo."
"Two..." pagpapatuloy niya. Parang hindi na niya naririnig ang mga sinasabi ko.
Masyado kasi siyang naka-focus sa pagtingin sa paligid namin e.
Binitawan na ni Cash ang kamay ko. Tapos bigla siyang naging seryoso. Iyong tipong
hindi mo lalabanan ng patigasan dahil hinding-hindi ka mananalo. Ganoon ang
ekspresiyon ng mukha niya.
Kahit ayaw ko pa sana siyang iwan ay mas pinili ko nalang na sumunod sa gusto
niyang gawin ko. Iyon ang ipinakita ko sa kaniyang ginawa ko, pero ang totoo ay
lumayo lang ako at nagtago sa likod ng isang pader. At mula nga sa pwesto ko ay
nakita ko ang pagsulpot sa kung saan ng mga taong sinasabi ni Cash.
Nang magsimulang sumugod ang mga estudyante ay biglang dumilim ang awra ni Cash.
Para siyang naging isang dragon na sa tuwing uundayan ng suntok ay iilag at
magbubuga ng apoy. Totoo ngang magaling siyang makipaglaban katulad ng mga
naririnig ko pero sobrang dami ng kalaban niya ngayon. Sabay-sabay pa itong
sumusugod kaya may nakakalusot talaga at tumatama sa katawan niya. Alam ko sa
bandang huli ay mapapagod din siya.
Iyon ang ikinaka-takot ko. Ang mamatay ang apoy ng dragon ko.
Mula sa suntukan ay biglang nauwi sa saksakan ang labanan. Naglabas kasi ng patalim
ang mga estudyanteng kalaban ni Cash. Mabuti nalang at naagaw ni Cash ang kutsilyo
ng isa sa kanila. At iyon nga ang ginamit niya na pang depensa sa sarili niya.
Dahil alam ko, na iba na ang patutunguhan ng laban nila ay kinakabahan ko ng kinuha
ang baril na naka-sukbit sa kaliwang hita ko. Oo, may maliit na lagayan ako ng
baril na nakasuot sa hita ko. Ibinilin kasi ni Ms. Jacinto na palagi naming
dadalhin ang armas na sinasanay naming gamitin eh. Although hindi ko nakikita ang
gamit nun noon ay iba na ngayon. Mukhang wala kasi akong choice kung hindi ang
gamitin ito ngayon.
Ayoko sanang gamitin ito pero kung ito lang ang makakatulong kay Cash ay
mapipilitan akong umasinta ng totoong tao.
Nang makita kong napahiga sa sahig si Cash napatakip ako ng bibig. Kailangan na
niya ang tulong ko kaya huminga ako ng malalim at nagsimula na akong lumakad
palapit sa kinaroroonan nila. Anim na estudyante na ang walang malay sa lapag.
Samantala iyong apat ay patuloy parin sa pagsugod kay Cash kahit nakahiga na ito.
Damang-dama ko iyong sakit sa tuwing tumatama ang mga suntok at saksak nila sa
katawan ni Cash kaya minabuti kong pigilan na sila.
"TAMA NA!" Sigaw ko. Itinutok ko sa direksyon ng apat ang hawak kong baril. Agad
naman silang napatigil sa ginagawa nila. "Umalis na kayo kung ayaw ninyong iputok
ko ang baril na ito," pagbabanta ko pa.
"Sa tingin ko, takot pa 'yan sa paggamit ng baril. Kahit patayin pa natin ang
lalaking ito ay wala iyang magagawa." Iiling-iling na sabi pa ng isa sabay tawa.
"I dare you!" matapang kong sabi. Agad kong kinasa ang hawak kong baril at muling
itinutok iyon sa kanila.
"Ang tigas talaga ng ulo mo no!" bigla namang nagsalita si Cash. Sinilip ko siya sa
likuran ng mga lalaki. Unti-unti na siya tumatayo. Ang dami-dami niyang kulay
pulang mantsa sa damit niya. Halos hindi ko na siya makilala dahil kahit ang mukha
niya ay puro dugo na.
Dahil nakita kong nagsenyasan ang mga lalaking nasa harapan ni Cash ay taranta ko
ng pinaputok ang baril ko. Tinamaan ko naman ang inasinta kong paa ng isa sa
kanila. Iyon nga lang dahil tatlo ang natira ay tatlo rin ang sabay-sabay na
sumugod kay Cash. Dalawa sa tatlong iyon ay mabilis na nasaksak ni Cash gamit ang
hawak niyang kutsilyo, samantalang ang natirang isa ay napuntirya naman ang dibdib
niya. Kasabay ng pagbagsak ni Cash ay ang pagtulo ng luha sa mata ko.
Muli kong inikinasa ang hawak kong baril at pinaputok ko iyon ng may kasamang
galit. Sapul ang ulo ng lalaking sumaksak kay Cash. Nang makita ko ang pagbagsak
nito ay tsaka ako nagmamadaling lumapit kay Cash.
Napakaraming dugo sa paligid. Hindi ko na alam kung saan-saan nanggagaling ang mga
dugong umaagos sa lapag. Dali-dali kong binuhat ang ulo ni Cash at inilapag ko iyon
sa kandungan ko.
"Ano ka ba, akala ko ba kaya mo sila. “ Nagsimula na akong umiyak. Pinunasan ko ang
mukha ni Cash gamit ang palad ko para kahit papaano ay mabawasan ang dugo sa mukha
niya.
Lalo pang umagos ang luha sa mata ko. Hinawakan ni Cash ang mukha ko. Kahit ramdam
ko iyong malagkit na pulang likidong nakabalot sa kamay niya ay hindi ko iyon
alintana.
"Salamat dahil hindi mo ako tinalikuran. Kung sakaling totoo ang buhay pagkatapos
nito ay hahanapin kita roon. Pangako."
Ngumiti si Cash. Kahit kita kong nahihirapan siya ay sinusubukan niya paring
ipakita sa akin na ok lang ang lahat. Pero hindi e. Hindi ok ang lahat. Hindi ako
ok. Hinding-hindi na magiging ok.
Sa pagbagsak ng kamay niya sa lapag ay biglang tumigil ang mundo ko. Iyong
kaninang pag-iyak ko ay naging hagulgol na. Niyakap ko pa siya ng mahigpit at
paulit-ulit kong niyugyog ang katawan niya pero hindi na siya sumasagot. Wala narin
akong maramdaman na kahit ano mula sa kaniya.
"Cash, please. Gumising ka!" Patuloy ko siyang niyuyugyog kahit alam ko na wala na
iyong silbi.
Hindi talaga ako makapaniwala na makikita ko ang ganoon. Ayoko iyong paniwalaan
pero narito na siya mismo sa harap ko. Hindi na siya humihinga. Wala na siya. Wala
na.
Dahil hindi na nakabalik si Kyra pagkatapos niyang mag paalam na pupunta sa library
ay sinundo na namin siya roon. Malapit na kasing magsimula ang susunod na klase.
Pero pagdating sa library ay wala naman si Kyra doon. Iyong libro na tungkol sa
medical chuchu lang ang nakita namin na nakapatong sa isang lamesa. Dahil inisip
naming baka si Kyra ang bumabasa noon kanina ay sunod naming naisipan na pumunta sa
klinik, kung saan makakakuha ng kahit anong uri ng gamot ang mga estudyante.
"Ay hindi ko alam ang pangalan ng babaeng iyon e. Pero kasama niya si Cash. May
kinukuha silang files tungkol sa gamot na Reveraclovin. Kaso lang may nauna nang
kumuha noon dito. Isa ring intern na ang pangalan naman ay Nilo. Sinundan nila
iyon. Doon sa may bahaging iyon sila dumaan," paliwanag sabay turo sa amin ng nurse
na nasa front desk.
Reveraclovin?
Ano bang klaseng gamot iyon? Tsaka si Cash kasama ni Kyra? Eh si Nilo naman, ano
bang kailangan nila sa files na iyon?
Ilang minuto lang ay ang dami ng tanong na nabuo sa isip ko. Mga tanong na ang
tanging makakasagot lang ay si Kyra. Kailangan namin siyang hanapin.
Sama-sama naming sinundan ang direksyon na itinuro ng nurse. Papunta ang pathway sa
likod ng clinic. Masyadong tahimik ang paligid.
"Ano sa tingin ninyo ang ginagawa ni Cash at Kyra? Bakit sila magkasama?"
pagbubukas ng usapan ni Alexandria.
Napatingin ako sa kaniya. "Oo nga at ano ang meron sa files na kinuha ni Nilo?
Bakit gusto ring makuha iyon ni Kyra?"
"Ano pa ba sa tingin ninyo ang gustong malaman ni Nilo? Hindi ba gusto nitong
patunayan na inosente si Paloma? Malamang, may kinalaman ang files na iyon sa issue
tungkol sa totoong killer," sagot ni Clarrise.
"Totoong killer? Ang ibig bang sabihin ay hindi talaga si Paloma ang killer? Kung
ganoon, sino?" tanong naman ni Beatriz.
"Pero paano iyong ibedensiya na nakuha natin sa mga gamit ni Paloma? Iyong papel na
kinuha niya kay Lorraine? Iyong mga litrato ng namatay na estudyante na
magpapatunay na weird siya? Iyong gasgas sa mga braso niya, noong namatay si
Lorraine? At iyong pagsunod niya kay Agatha? Ano pala ang mga iyon? Set-up lang?"
sunod-sunod na tanong ko.
Ang gulo na naman ng utak ko. Akala ko pa naman ay tapos na ang lahat dahil nahanap
na namin ang killer pero ngayon ay baka nagkamali lang pala kami.
" Siguro. Hindi ko alam. Ang makakasagot lang sa mga tanong mo ay si Kyra.
Kailangan natin siyang hanapin. "
Ganoon nalang ang naging gulat ko ng makita ko kung ano ang meron doon.
Napakaraming nagkalat na bangkay sa paligid. Halos matabunan na ng kulay pula ang
lugar. Naroon din ang hinahanap naming si Kyra. Tahimik itong nakaupo sa lapag
habang sinusuklay ang buhok ng lalaking nasa kandungan niya. Dali-dali namin siyang
tinakbo. Dahil nakatulala lang siya ay pauulit-ulit kong niyugyog ang balikat niya.
Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ni Kyra. Nakatingin lang siya sa kawalan.
Siguro ay matinding trauma ang dinanas niya. Agad ko siyang niyakap. Pagkatapos ay
paulit-ulit kong tinapik ang likod niya.
"My God, anong nangyari dito?" hindi rin makapaniwalang tanong ni Scarlet.
"Halika Beatriz, samahan mo ako. Bumalik tayo sa clinic at humingi ng tulong," utos
naman ni Alexandria.
Binitawan ko na si Kyra. Hindi parin ito nagsasalita. Basta nakatulala lang ito
habang umiiyak. Tinapunan ko ng tingin ang lalaking nasa kandungan niya. Doon ko
lang nakilala kung sino ito. Si Cash pala iyon. Si Cash na mukhang patay na.
---
Pagkalipas ng ilang araw ay ganoon parin si Kyra. Hindi namin ito makausap, dahil
hindi naman ito nagsasalita. Kumakain nga ito, naliligo, natutulog, naglalakad pero
para naman itong lutang at wala sa sarili. Hindi na nga ito pumapasok e. Mabuti
nalang at wala siyang natatanggap na kaparusahan. Siguro dahil wala na si Cash.
Wala na ang tinatawag nilang Peacekeeper.
"Sa tingin mo makikita talaga natin dito ang kasagutan sa lahat, Lara?" tanong ni
Scarlet.
"Tama ka. Narito nga ang sagot sa lahat ng katanungan natin. Narito iyon, kung wala
iyon rito." Sinimulan ko ng hukayin ang lupa gamit ang hawak kong pala.
Sinundan narin naman ako nina Scarlet, Alexandria at Beatriz. Dahil hindi pa okay
si Kyra ay sinamahan muna ito ni Clarrise sa bahay. Hindi rin kasi namin pwedeng i-
risk ang kaligtasan nito dahil alam na namin ngayon na hindi talaga si Paloma ang
killer. At itong ginagawa namin ngayon ang matibay na ibidensiya para sa bagay na
iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay nagawa na naming matanggal ang lupa na nakatabon sa
isang kabaong na wasak na ang takip. Nagkatinginan kaming lahat. Nagmamadaling
tinanggal ni Alexandria ang takit ng kabaong. Doon na napatunayan na tama nga ang
hinala namin. Wala nga ang bangkay ni Lorraine doon, patunay na ito talaga ang
hinahanap naming killer.
Patakbo kaming bumalik sa bahay para ibalita sa lahat ang natuklasan namin. Pero,
walang katao-tao sa bahay ng dumating kami. Inikot na namin at tiningnan ang bawat
sulok nito pero wala ni isa mang naroon. Kahit si Kyra at Clarrise ay wala din roon
kaya kinutuban na ako na baka may masamang nangyari na sa kanila.
"Wala talaga sila. My God. Ano na ba ang nangyayari ha? Nasaan na sina Clarrise at
Kyra?" Hinihingal na tanong ni Beatriz.
Nasa sala na kaming apat. Bago pa may makasagot sa tanong niyang iyon ay nabigla
kami ng may tumilapon na bagay sa harapan namin. Katulad iyonł ng bagay na inihagis
sa amin noong unang araw namin dito sa Wisconsin. Iyong araw na hindi kami pumasok.
Nang magsimula ng lumabas ang usok sa bagay na iyon ay taranta kaming nagtakip ng
ilong.
"Kahit ano ang manyari 'wag ninyong lalanghapin ang usok! Bilisan ninyo kailangan
nating makalabas sa bahay," sigaw ni Alexandria.
Muli na namang may boteng tumilapon malapit sa amin. Mga sampung bote ata iyon kung
tama ang pagkakabilang ko. Lahat iyon naglabas ng puting usok. Kalat na ang usok sa
paligid. Puro puti na lang ang nakikita ko. Hindi ko na tuloy malaman kung nasaan
ang pinto.
Maya-maya pa ay may nabuong bulto ng isang babae sa harap namin. Nakasuot ito ng
gas mask. May hawak itong maso at nakaporma na parang manunugod.
Kahit hindi ko nakikita ang mukha ng babae ay alam ko kung sino ito.
"Lorraine."
"Kyra, ayos ka lang ba?" May pag-aalala ang boses ni Lara. Nilingon ko ito.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang kinalalagyan niya. Nakaupo siya sa isang bakal na
upuan. May bakal din sa leeg niya. Umiiyak siyang nakatitig lang sa akin habang
punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya.
Nagsimulang tumulo ang luha sa mata ko. Pakiramdam ko, ilang araw na akong umiiyak.
Ramdam ko ang pamumugto ng mata ko dahil doon.
Mula kay Lara ay napatingin naman ako sa kabilang direksiyon ng kwarto. Naroon din
si Alexandria. Katulad ng sitwasyon ni Lara ay ganoon din ito. Sinimulan ko ng
ikutin ang paningin ko sa paligid. Naroon din sa kwartong iyon ang mga intern na
kasama namin sa bahay. Sina Quartz, Shanna, Sanzo, Denver lahat kompleto. Lahat
nakatali sa upuan.
Nang sinubukan kong kumilos para tumayo ay bigla kong naramdaman ang bakal na
sumasakal sa leeg ko. Kinapa ko iyon. Hindi lang pala sila ang nakatali sa upuan.
Pati pala ako.
Muli kong pinagala ang tingin ko paligid. Doon ko lang napansin na lahat pala kami
ay nasa ganoong posisyon. Naka pwesto ng paikot ang upuan namin at may nakatutok na
shotgun sa likuran ng bawat isa. May malaking lamesa sa pinakagitna at naroon
nakapatong ang monitor at camera na tag-iisang nakatapat sa bawat upuan.
"Well, well, well. Mukhang gising na ang lahat ah." Sabay-sabay kaming napatingin
sa monitor na nasa harap namin ng bigla iyong bumukas at mula roon ay may
nagsalita.
Lahat ng kaguluhan dito ay nangyari ng dahil kay Lorraine kaya dapat lang itong
makatikim ng kaparusahan.
"Bakit mo ba 'to ginagawa Lorraine ha? Ano bang kasalanan namin sa'yo?" naiiyak na
tanong ni Alexandria.
"To me? Ahhh wala naman. Hahaha. Masaya lang kasi itong gawin e. Alam ninyo, minsan
i-try ninyo rin. Makikita ninyo, mag e-enjoy talaga kayo. Lalo na kung mga tatanga-
tanga ang mga kalaro ninyo." pang aasar nito.
"So anong gagawin mo sa amin ngayon ha? Papatayin mo kaming lahat?" matigas na
tanong ni Quartz. Dumura pa ito sa lapag, indikasyon na naiirita ito sa nangyayari
sa kaniya.
"Na ah, hindi ako ang gagawa nun Quartz. Mas maganda kung magpapatayan kayo para sa
akin." Muli siyang tumawa. Ibang-iba siya sa Lorraine na nakilala namin noong una.
Malayong-malayo siya sa Lorraine na ipinapakita niya ngayon.
"NO WAY! Hindi mangyayari ang gusto mo!" sigaw naman ni Denver.
"Tingnan nalang natin," sagot ni Lorraine. Habang nagsasalita siya ay bigla nalang
nahiwa ang sahig. Tapos may lamesang lumabas mula roon. Isang maliit na lamesa,
para sa bawat isa. At sa ibabaw ng bawat lamesang iyon ay may nakapatong na baril.
"So I name this game 'Kapalaran'. Simple lang ang rules ng larong ito. Isa lang sa
baril na iyan ang may bala. Kailangan ninyong itutok sa isa sa mga kasama ninyo sa
kwartong ito ang baril na nasa lamesa ninyo. Bibigyan ko kayo ng limang segundo
para kalabitin ang gatilyo ng baril. Once na may isa lang na hindi nagpaputok.
Siguradong mas marami ang mamamatay. Well, nakita ninyo naman siguro ang baril na
nasa likuran ninyo hindi ba. Iyan ang siguradong puputok kapag hindi kayo
nakipaglaro sa akin."
"WHAT? HELL NO! WALANG GAGAWA NG SINASABI MO LORRAINE! FUCK YOU!" sigaw ni Sanzo.
"Edi tingnan natin."
Saglit na nawala ang mukha ni Lorraine sa monitor. Napalitan iyon ng mga numero na
nagka-countdown.
5
4
3
2
1
0
Lasog lasog ang ulo ni Shanna. Hindi na siya makilala dahil doon. Sa lakas ng
impact ng baril ay nagawang hatiin noon ang kaniyang bungo. Ang natirang laman
naman sa kaniyang mukha ay nakalaylay na. Nagkalat rin ang dugo sa paligid ng
katawan niya.
Nagsimula ng mag-iyakan ang mga babaeng kasama ko. Lahat sila, pati ako. Hindi ko
talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano makakatakas dito.
"I knew it. Sabi ko na nga ba walang magpapa-putok sa inyo eh. So Shanna is the
sacrifice. Hayaan ninyo na. Wala namang may gusto sa babaeng iyan e, diba?" wika
agad ni Lorraine. Bumalik na naman ang mukha nito sa monitor.
"Curse me if you want pero magpapatuloy parin tayo. So sa ngayon, malamang ay alam
na ninyo kung gaano ako ka seryoso sa larong ito. Just play with me ok. Kung sino
ang matitira sa inyo. Iyon ang haharapin ko ng one on one for the finale."
Saglit na bumaba ang mga lamesang nasa harap namin. Mukhang kino-kontrol iyon ni
Lorraine. Pag-angat nito ay may ibang klase na ng baril ang nakapatong sa ibabaw
nito. At dahil alam na ng lahat ang patakaran ay napipilitang kunin ng bawat isa
ang baril na nasa harap nila.
"Ganiyan nga. Makipaglaro kayo, para humaba naman ang mga buhay ninyo. Hahaha."
Lorraine.
Hindi ko alam kung kanino ko itututok ang baril na hawak ko. Lahat kami ay
nagkakatinginan. Sina Clarrise, Lara. Beatriz, Scarlet at Alexandria ay nag-iyakan
na maliban sa akin. Hindi ko na magawang umiyak dahil siguro ubos na ang luha ko
kakaiyak kay Cash.
Napapikit ako ng iangat ko ang baril na hawak ko. Itinutok ko iyon kay Sanzo.
Ngumiti lang ng mapait si Sanzo. Mukhang inihanda na niya ang sarili niya sa
mangyayari.
"Uy mukhang may all time favorite kayo ah," singit na naman ni Lorraine.
Pagtingin ko sa mga kasama ko ay doon ko lang napansin na kay Sanzo pala nakatutok
ang baril ng karamihan. Si Beatriz lang ang hindi nagtutok ng baril sa kaniya.
Mukhang iyon naman ang ikina-ngiti ni Sanzo.
"Hoy taba, kailangan mong mabuhay ah. Lumaban ka hanggang kaya mo! Huwag na huwag
mong dina-down ang sarili mo. Maganda ka. Sana makita mo iyon," ani Sanzo kay
Beatriz.
Ngumiti lang si Sanzo. Pagbalik ko ng tingin sa monitor ay muli na naman pala itong
nagbibilang pababa.
5
4
3
2
1
0
Muling umalingawngaw ang tunog ng baril sa loob kwarto. This time ay hindi na iyon
galing sa shotgun na nakatutok sa mga likuran namin.
Isa sa amin ang nakapatay kay Sanzo. Dahil pare-parehong tumunog ang mga hawak
naming baril ay hindi namin alam kung sino ang talagang nakapatay sa kaniya. Hindi
narin naman kasi iyon mahalaga e. Dahil ang totoong pumatay kay Sanzo ay iyong
babaeng nasa monitor. Si Lorraine. Siya lang ang dapat na sisihin dito. Siya na
walang alam gawin kung hindi ang mag pahirap at pumatay ng mga tao.
Nagsimula na namang mag-iyakan ang mga kaibigan ko. Gustong-gusto ko sana silang
lapitan at yakapin pero matindi ang pagkakabaon ng inuupuan ko sa simentong sahig.
Hindi ko rin naman matanggal ang pagkaka-lock ng mga paa at leeg ko kaya pinanuod
ko lang sila.
"Your a psychopath Lorraine! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito!" may gana pang
sumigaw si Alexandria kahit puno na ng luha ang mata nito.
Ayoko ng magturo kung sino ang mamamatay. Mas mabuti pa na maputukan nalang ako ng
shotgun na nasa likuran ko. Mas mabuti na iyon kesa naman ako pa ang pumatay ng
taong malapit sa akin.
Napapikit ako ng mariin. Handa ko ng tanggapin ang lahat. Atleast, pagkatapos nito
ay magkakasama na kami ni Cash.
"Kyra!" Beatriz.
Pumikit na ako. Kung ano man ang magiging kapalaran ko ay tatanggapin ko iyon ng
buong-buo.
5
4
3
2
1
0
Dalawang putok ng baril ang sunod na umalingawngaw sa paligid. Dahil walang naka-
kalabit ng gatilyo ay dalawang shotgun ang pumutok.
Akala ko ay babagsak na ang ulo ko pero wala akong naramdaman na sakit kaya
napamulat ako. Hindi pa ako patay.
Iginala ko ang tingin ko at nanlaki ang mata ko ng makita kong nakalaylay na ang
leeg nina Denver at Quartz. Malakas na umiyak si Clarrise dahil sa nakita niya.
Paulit-ulit nitong tinatawag ang pangalan ni Denver, pero hindi na ito sumasagot.
Ganoon na ganoon ang naging reaksiyon ko noong namatay si Cash. Alam ko kung gaano
iyon kasakit.
Muling nagpalit ang baril na nasa harap namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Kapag hindi ko iyon kinuha at pinaputok ay dalawa agad sa amin ang mamatay.
"Girls, kung sakali mang hindi na tayo makaligtas dito. Gusto ko lang sabihin sa
inyo na mahal na mahal ko kayo. Alam ko hindi maganda ang lugar na ito pero dahil
sa inyo, naging masaya ang pananatili ko rito," sabi ni Lara.
"Kung mamamatay din naman tayo sa huli, bakit hindi nalang nating hayaan na si
Lorraine ang pumatay sa atin. Hayaan nating gawin niya ang gusto niya pero huwag
natin siyang hayaan na maging masaya. Tapos na tayo sa pakikipaglaro sa kaniya.
Kung mamamatay tayo ngayon, mamamatay tayong magkakasama. Walang papatay sa kung
sino," matapang kong sabi.
Napatingin naman ang lahat sa akin. Bawat isa ay napipilitang ngumiti at tumango.
Mukhang sang-ayon naman sila sa sinabi ko. Ang ibig lang sabihin noon ay kapalaran
na ang bahala sa amin.
"Bakit pa? Hindi mo naman alam ang salitang patas. Kahit ano pa ang gawin namin,
papatayin mo parin naman kaming lahat e. Once your in, death is the only way out.
Iyon ang motto mo hindi ba?" sarkastiko kong sabi.
"Owww, mukhang may nakapag-review ah. Ok, ang boring ninyo na e. Ang mabuti pa
tapusin ko na ito. Bye girls." Lorraine.
5
4
3
2
Nagulat ang lahat ng bigla nalang namatay ang ilaw. Pati ang mga monitor na nasa
lamesa ay namatay din. Dahil sa dilim ng paligid ay wala na akong makita ng maayos.
Mabuti nalang at saglit lang na nangyari iyon. Dahil ilang minuto lang ay bumalik
na ang ilaw. Pero iyong monitor ay nanatiling nakapatay. Maya-maya ay bumukas ang
pinto. Mula roon ay pumasok si Xander. Siya iyong lalaking naka-date ni Lara nung
couple festival. Mukhang dumating siya para iligtas kami. Una niyang nilapitan si
Lara. Pinakawalan niya ito gamit ang hawak niyang susi na parang isang universal
key. Pagkatapos ni Lara ay isa-isa niya rin kaming pinakawalan.
"Halina kayo, lumabas na tayo rito. Sandali ko lang mapapatigil ang kontrol ng
babaeng iyon sa computer," nagmamadaling aya na sa amin ni Xander. Agad siyang
inangklahan sa braso ni Lara. Siguradong tuwang-tuwa ito dahil sa pagdating ng
lalaki para sa kaniya.
"Maraming trap ang building na ito! Kung gusto ninyong makalabas ay sumunod lang
kayo sa akin. Alam ko ang daan," paliwanag pa ni Xander
Tumango naman ang lahat.ł Maliban sa akin na busy sa pagkilatis sa lugar. Hindi
naman kasi ako interesadong lumabas e. Hindi na ngayon. Ang hinahanap ko ay ang
kwartong kinaroroonan ni Lorraine.
Lahat sila ay kani-kaniyang pasok sa mga kwarto, samantalang ako ay naglakad ng pa-
diretso sa hallway. Yumuko lang ako para hindi ako matamaan ng lumilipad na palaso.
Dahil sa taas na bahagi lang naman nagkakagulo ang mga iyon ay tumatama lang iyon
sa akin kapag nagkakabanggan sa ere at nalalalaglag.
-----ooo-----
Nang magliparan ang mga bala ng pana sa paligid namin ay taranta kaming
nagtakbuhan. Dahil malapit lang sa pwesto ko si Beatriz ay hahawakan ko sana ito
para hilahin. Pero bago ko pa siya maabot ay natumba na siya sa sahig.
Hindi agad ako nakakilos. Tiningnan ko ang kamay ko. Gano'n nalang ang pagkabigla
ko ng makitang may nakabaon na maliit na kutsilyo sa palad ko. Napasigaw nalang ako
ng makita kong tumagos ang kutsilyong iyon sa kamay ko.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero dahil sa ginawa ko ay mas lalo lang akong
naramdaman ng matinding sakit. Iyak na ako ng iyak. Tiniis kong hilahin ang kamay
ko. Nang maialis ko iyon sa door knob ay nakita ko ang nagawang butas ng kutsilyo
sa palad ko.
Sisigaw pa ulit sana ako para humingi ng tulong pero unti-unti ko ng nararamdaman
ang panghihina ng katawan ko. Para akong biglang nawalan ng lakas. Hanggang sa
tuluyan na akong bumagsak sa sahig. Naramdaman kong bumibigat na rin ang eyelids
ko. Parang may hindi ko nakikitang pwersa ang humihila ng mga talukap ng mata ko.
Doon ko lang naisip kung ano ang nangyayari sa akin. Napangiti nalang ako ng
mapait.
Ang kutsilyong bumaon sa palad ko. Siguradong mayroong lason ang talim nito. Kung
gano'n ay wala na akong ligtas.
Wala parin akong tigil sa pag-iyak. Bago kami pumasok ni Alexandria sa isang pinto
ay nakita kong bumagsak na si Beatriz sa sahig. May mga naka-baon na palaso sa
katawan nito. Hindi ko na siya nadamayan pa dahil sobrang bilis lang ng mga
pangyayari.
Narinig ko rin ang malakas na pagsigaw ni Clarisse. Siguradong may nangyari din na
masama dito. Patunay na hindi pa tapos makipaglaro sa amin si Lorraine. Mukhang
inihanda niya ang lugar na ito bilang aming libingan.
Alam ko iyon. Nararamdaman kong dito na magtatapos ang mga buhay namin. Siguradong
hindi kami hahayaang makalabas dito ni Lorraine. Papatayin niya kaming lahat.
"Shhh, pwede ba Scarlet tama na! Gagawa tayo ng paraan ok. Makakalabas tayo dito,"
pagkakampante sa akin ni Alexandria.
Sa totoo lang hindi siya magaling magsinungaling. Halata ko naman kasi sa boses
niya na pinipilit niya lang palakasin ang loob ko. Alam ko sinasabi niya lang iyon
para kampantehin ako eh. Kilala ko siya e. Matagal ko na siyang kasama kaya alam ko
kung hanggang saan lang ang tapang niya.
Hinaplos ni Alexandria ang buhok ko. Ramdam ko rin naman ang takot niya kahit
papaano pero hindi niya iyon ipinapakita sa akin. Tinatatagan niya ang loob niya
para sa akin. Kaya siguro ay dapat ko rin siyang gayahin.
Kailangan ko lang lakasan ang loob ko para sa aming dalawa. Kailangan naming
sandalan ang isa't-isa. Mas mainam sana kung narito ang lahat e. Pero dahil kaming
dalawa lang ngayon ang magkasama ay dapat naming kapitan ang isa't-isa.
"Hi ladies..."
Napaangat ako ng ulo ng marinig na bumukas LCD monitor na nasa itaas ng pinto.
Nakita ko na naman ang nakakasukang mukha ni Lorraine.
"Hayop ka talaga Lorraine. Bakit ba hindi mo nalang kami pabayaan ha?" sigaw ni
Alexandria.
"Kayo naman. Hindi ba nga, once your in death is the only way out ang motto ko. Eh
buhay na buhay pa nga kayo e." bigla naman siyang tumawa. "Ang mabuti pa tapusin na
natin ito dahil may iba pa akong mga aasikasuhin e. So here, I'll explain the rules
ok, kaya makinig kayo. This room is called, the riddle room. I have three riddles
here. Isang riddle para sa isang buhay. Siguro nagtatanong kayo kung paano ko kayo
mapapatay kapag hindi ninyo nasagot ang riddle no? Well, this room is fully loaded
with tiny lazer beam and sensors na kaya kong kontrolin. Thanks to technology. And
syempre isang pindot ko lang dito sa hawak kong buton ay siguradong may mamamatay
na sa inyo. That's all."
Binitawan na ako nito at nag-tangkang lumapit sa pintuan. Bubuksan niya sana iyon
pero bigla nalang umilaw ang pulang lazer kaya napatigil si Alexandria. Lalo pa
niyang hindi naituloy ang plano niya ng makita niyang nahiwa ang lamesa na dinaanan
ng lazer.
"Paano naman kami makakasiguradong pababayaan mo na kami pagkatapos nito ha? May
isang salita ka ba?" tanong ni Alexandria.
Hindi naman siya pinansin ni Lorraine. Basta nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
"Mayroon kayong sampung segundo para sagutin ang bawat riddle. Be alert girls dahil
ito na ang una kong tanong. Meron nito sa puso at paa. Wala sa kamay. Kapag
nilagyan mo ang atay magiging walang buhay!"
10
9
8
7
Meron nito sa puso at paa? Wala sa kamay? Kapag nilagyan mo ang atay magiging
walang buhay?
6
5
Napalingon ako kay Alexandria ng magsalita ito. Sana lang ay bilisan niya ang pag-
iisip dahil may orasang nag ka-count down.
4
3
2
Biglang nag-ilaw green iyong monitor at may lumabas na tsek. Ang ibig sabihin ay
tama siya.
Muli na namang lumabas ang mukha ni Lorraine sa monitor. Hindi parin napapalis ang
ngiting nakapaskil sa labi nito.
"Magaling. May letter P ang salitang puso. Ganoon din ang salitang paa. Ang kamay
naman ay wala. At kapag nilagyan mo ng letter P ang atay, magiging walang buhay.
Boom patay. Hahaha."
"Ok, huwag magpakampante. Hindi porket nasagutan mo iyong una ay makukuha mo rin
ang pangalawa. But anyway, ito na ang pangalawa kong riddle. Eroplano, Barko, Jeep,
Tren. Ano ang mataas sa apat?"
10
9
Kung iisipin ay eroplano ang sagot dahil ito lang ang lumilipad sa taas pero, isa
itong riddle. Hindi ganoon ka simple ang mga riddle.
8
7
6
5
4
Ano kaya kung manghula nalang kami? Malay mo tumama ang sagot namin.
3
Biglang nagkulay red ang monitor. Tapos lumabas ang ekis. Ang ibig sabihin noon ay
mali ang naging sagot ko.
Halos mapanganga ako ng makita ko ang sunod na nangyari. May lumabas kasing lazer
sa gilid ko. Dumaan iyon sa ulo ni Alexandria. Parang papel lang na nahiwa ang leeg
ng kaibigan ko. Agad bumagsak sa lapag ang naputol ulo na ulo nito. Hindi na niya
nagawa pang makasigaw dahil sa bilis ng pangyayari. Ako naman ay napatakip nalang
ng bibig.
Wala talaga siyang puso. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa ang ganoong bagay.
Parang wala lang halaga sa kaniya ang buhay ng tao.
10
9
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. Inihanda ko nalang ang sarili ko. Ayoko na rin
kasing patagalin pa ang paghihirap ko. Sigurado naman akong kapag nakaalis ako sa
kwartong ito ay hindi parin ako makakatakas kay Lorraine. Patuloy niya lang akong
pahihirapan.
8
7
Ayoko na.
Pagod na ako.
Ayoko ng tumakbo.
3
2
1
"Halika na lumabas na tayo dito." Hila sa akin ni Xander pero imbes na sundin ko
siya ay pinalo ko ang kamay niya. Kumunot naman ang noo niya at napatitig siya sa
akin. "Ano bang problema mo? Ikaw na nga itong tinutulungan e."
"Xander, mga kaibigan ko sila. Kailangan, kasama ko silang lumabas dito." Turo ko
sa daang pinanggalingan namin. Wala pa naman kami sa labas ng building pero dahil
siguradong-sigurado si Xander sa nilalakaran namin ay alam ko na malapit na kaming
makalabas.
Pero ayokong magdiwang ng mag-isa. Gusto ko ay kasama ko ang mga kaibigan ko.ł Ang
dami na naming napagdaanan at ayoko silang basta na lang iwan.
"Lara, hindi safe ang lugar na ito. Siguradong maraming inihanda ang killer ninyo.
Halika na bago pa maging huli ang lahat." Muli akong hinila ni Xander pero katulad
ng una kong ginawa ay kumontra lang ako sa gusto niya.
"Umalis ka na lang Xander. Hayaan mo nalang akong tulungan ang mga kaibigan ko.
Laban naman namin talaga ito e! Kaya labas ka na dito."
"Lara naman."
"I'm sorry dahil hindi ko magagawang talikuran ang mga kaibigan ko. Pero gusto kong
magpasalamat sa pagtulong mo. Kung sakali mang makalabas ako rito ay hahanapin agad
kita." Hinalikan ko sa pisngi si Xander bago nakangiting tumalikod sa kaniya.
Binalikan ko ang mga dinaanan namin. Hindi pa naman kami nakakalayo. Padating ko sa
hallway pinanggalingan ko kanina ay sinalubong ako ng maraming bala ng pana sa
sahig. Habang naglalakad ay napatakip ako ng bibig ng makita kong nakahiga sina
Beatriz at Clarrise sa lapag. Ang daming nakatusok na palaso sa katawan ni Beatriz.
Mukhang wala na itong buhay. Si Clarrise naman ay butas ang palad. Inakala ko na
buhay pa siya dahil sa kamay lang naman ang sugat niya. Pero ng lapitan ko siya
para tingnan ay wala na siyang pulsuhan. Nang titigan ko nang mabuti ang kamay niya
ay nakita ko ang kulay berdeng likido na nasa mismong sugat niya. Mukhang iyon ang
pumatay sa kaniya. Mukhang nalason siya ng kutsilyong naka-usli sa gitna ng door
knob.
"Kyra? Alexandria? Scarlet?" tawag ko sa mga natitira ko pang kaibigan. Umaasa ako
sana ay buhay pa sila.
Sinubukan kong magbukas ng pinto. Sa unang pinto na binuksan ko ay wala naman akong
nakita na laman noon kaya hindi na ako pumasok sa loob. Sa pangalawang pinto naman
na binuksan ko ay nagulantang ako ng makita ang duguang bangkay nina Scarlet at
Alexandria. Mga putol na ang ulo nila. Para iyong hiniwa ng matalim na espada.
Masyadong naging mapula ang sahig dahil sa dugo nilang dalawa.
Bigla kong naalala si Kyra. Hindi ko pa nga pala nakikita ang bangkay nito. Kaya
may posibilidad na buhay pa ito. Kahit konti lang ang porsyento ay dapat ko paring
panghawakan ang porsyentong iyon.
Baka kailangan ako ni Kyra kaya kailangan kong magmadali na hanapin siya.
"Nahanap mo ako?"
Maya-maya ay nakita kong lumabas din sa monitor si Kyra. Lumalakad ito palapit kay
Lorraine habang hawak ang isang automatic na baril. Iyong isang kasahan lang ay
siyam na beses mo ng maipuputok. Napag-aralan namin iyon sa WEMAS.
Biglang nagdiwang ang loob ko. Nalaman ko kasi na buhay pa si Kyra. May makakasama
parin akong lumabas dito.
"Well, noon pa naman ay iba na ang tingin ko sa iyo e. Alam ko na espesyal ka. Pero
hindi mo ako kaya Kyra. I am warning you," ani Lorraine kay Kyra.
Ako ang natatakot sa kalalabasan ng ginagawa niya e. Kaya ang mabuti pa ay hanapin
ko na sila. Kailangan ko siyang tulungan at baka maisahan pa siya Lorraine.
Iyon lang at namatay narin ang monitor. Napalingon ako sa tatlong kabinet na nasa
gilid. Kasya ang isang tao sa bawat pinto. Nilapitan ko iyon at isa-isang
kinilatis. Halos pare-pareho naman ang itsura noon. Mahirap ma-identify kung alin
ang kinalalagyan ng susi.
Alin kaya sa mga ito ang may lamang susi? Ano ba ang nakatago sa mga kabinet na
ito? Pwede ba akong mapatay ng isang kabinet lang?
Kahit anong gawin kong isip ay siguradong wala parin naman akong makukuhang sagot
e. Nauubusan na ako ng oras. Kailangan ko ng makarating sa kinaroroonan ni Kyra at
Lorraine kaya bahala na.
Pilit kong pinalalakas ang loob ko. Wala naman kasing mangyayari kung matatakot ako
e. Marami na ang namatay at kailangan ako ng natitira pang buhay na si Kyra, kaya
kailangan ko ng lumabas dito. Kailangan ko itong gawin.
Bumuntong-hininga muna ako. Sinusubukan kong bawasan ang takot na nararamdaman ko.
Maingat at dahan dahan ang ginawa kong paghila sa takip ng kabinet. At sa tuluyan
kong pagbukas noon ay bigla nalang parang meron akong nahila atsaka umalingawngaw
ang malakas na putok ng baril.
Saglit lang akong nakaramdam ng sakit, dahil maya-maya lang ay nawala narin ang
pakiramdam ko.
Sa dulong bahagi ng hallway ay meron ngang natatanging kwarto. Kapareho lang ang
kulay ng pintura nun sa iba pero iyon lang kasi ang may nakalagay peephole sa
harap. Mukhang nahuli ko na ang nagtatagong daga.
Gotcha!
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa loob ng kwartong iyon ay nakita ko nga
hinahanap ko. Nakaupo ito sa isang upuan na may sandalan at tila may hinahanap sa
CCTV monitor na nasa harap niya. At dahil masyado siyang abala sa ginagawa niya ay
hindi niya namalayan ang pagdating ko. Tamang-tama lang dahil nga sa hindi niya ako
nakikita ay nakuha ko ang baril na nasa lagayan ng mga armas na nasa gilid lang ng
pintuan.
Napakaraming gamit sa loob ng kwartong iyon. May kulay itim na mini-ref sa bandang
kaliwa. Sa tabi naman nito ay may maliit na lamesa at isang upuan. Sa kabilang
bahagi, kung saan mayroong bintana ay makikita naman ang maliit na lababo.
Nakapatong doon ang isang superkalan. Ang dami-daming hugasan sa lababong iyon na
halos nilalangaw na. Mukhang ito ang naging munti niyang kweba, habang iniisa-isa
kaming mga intern.
"Well, noon pa naman ay iba na ang tingin ko sa iyo e. Alam ko na espesyal ka. Pero
hindi mo ako kaya Kyra. I am warning you," aniya.
Lalo pa akong lumapit sa kaniya. Nanatiling nakatutok ang hawak kong baril sa
direksyon niya. Gusto kong makaramdam siya ng pag-aalala para sa kaligtasan niya,
kaya naman mas lalo ko pang niluwagan ang pagkakangiti ko.
Nakita kong dadamputin niya ang baril na nakapatong sa lamesang nasa tabi niya kaya
naman inunahan ko na siya. Bago pa niya magawa ang plano niya ay kinalabit ko na
ang gatilyo ng hawak kong baril. Walang pagdadalawang isip ko iyong pinaputok at
pinatamaan ang kanang hita niya. Agad naman siyang nawalan ng balanse at natumba.
Lalo akong lumapit sa kaniya. Nanatiling nakatutok ang hawak kong baril sa kaniya.
Biglang nawala ang ngisi sa labi niya. Siguradong hindi niya inaasahan ang ginagawa
ko ngayon. Ibinabalik ko lang sa kaniya ang mga ginawa niya.
Ako naman ang ngumisi. Muli ko siyang binaril. Pinatamaan ko naman ang kaliwang
hita niya. Halos mamilipit siya sa sakit. Dalawang pang magkasunod na putok ang
pinakawalan ko. Binaril ko rin ang dalawa niyang kamay.
"Ano Lorraine? Ngayon sabihin mo sa akin kung masarap ba ang pakiramdam na maging
isa kang kawawang biktima."
Dahil hindi na siya makakilos ay naupo ako sa tabi niya. Mariin kong idinutdot ang
dulo ng hawak kong baril sa sugat niya sa braso. Nagsisigaw naman siya dahil sa
sakit, kaya mas lalo ko pang nilakasan ang ginagawa ko.
"Hindi ako nababaliw. Ikaw ang baliw dito Lorraine. Imagine, pinalabas mong patay
ka na, para malaya kang makapanakit ng mga kasamahan mo."
"Hayop ba ang gusto mo? Hindi mo naman sinabi," sarcastic kong sabi.
Nagpalinga-linga ako sa paligid. Sa tabi ng desk niya ay nakita ko ang isang maso
na nakasandal. Iiling-iling akong tumayo. Pinuntahan ko ang maso at kinuha ko iyon.
Pagbalik ko sa harap ni Lorraine ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
"A-ano a-ang gagawin m-mo diyan ha?" nauutal na tanong ni Lorraine. Ramdam ko na
ang takot sa tinig niya. Unti-unti na siyang nanghihina. Dahil unti-unti na siyang
nauubusan ng dugo ay siguradong unti-unti na rin siyang namamatay.
Pero syempre, bago siya tuluyang magpaalam sa mundo ay kinakilangan niya munang
lasapin ang napaka pait niyang karma.
"So, ito pala ang laruan mo? Ilan na ang napatay mo gamit ito ha? Sinu-sino sa mga
intern ang ginamitan mo nito? Bukod sa mga intern, meron pa bang iba?" Itinaas ko
ang maso. Dahil hindi naman iyon masyadong malaki ay madali ko lang iyong nabuhat.
"Ngayon, gusto kong matikman mo ang sakit na ipinaramdam mo sa lahat."
Galit na galit kong binayo ang katawan ni Lorraine. Agad na dumaloy palabas ang
dugo sa katawan niya. Dumaan iyon sa butas na nagawa ko sa balat niya. Ang iba ay
dumikit pa sa masong itinaas ko. Karamihan sa dugong iyon ay tumalsik sa katawan at
mukha ko.
Nang pumasok ako sa Wisconsin ay napakarami kong pangarap sa buhay. Ang dami kong
gustong marating. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong plano, na akala ko ay
makukuha ko dito. Akala ko ay mai-aangat ng paaralang ito ang kalidad ng pamumuhay
ko at ng pamilya ko. Ang akala ko ay matutulungan nila akong makakuha ng magandang
trabaho. Ang akala ko ay masayang mag-aral sa kakaibang paaralang tulad nito. Pero
nagbago ang lahat ng malaman ko ang itinatagong baho ng lugar na ito.
Walang pangarap na matutupad dito. Walang tatagal na pagkakaibigan. Walang pang
habang buhay na pagmamahalan.
Kailangan mong pumatay para mabuhay ka. Kailangan mong utakan ang iba para
mangibabaw ka. Parang nasa isang lugar ka na wala kang kalayaang magpasya para sa
sarili mo. Ganoong klase ang lugar na ito.
Magugulat ka nalang , isang araw hindi mo na kilala ang sarili mo. Sa dami ng
pagbabagong kahaharapin mo ay mapipilitan ka na lang na mag adjust.
Muli kong nilingon si Lorraine. Humihinga pa siya pero siguradong malapit na siyang
bumigay kaya tinalikuran ko na siya. Taas noo akong lumakad palabas ng kwartong
iyon. Hindi ko na sinubukan pang tingnan ang kinahinatnan ng mga kaibigan ko. Hindi
ko iyon kaya. Ayokong makita ang mga nangyari sa kanila. Gusto ko ay puro
magagandang alaala lang nila ang manatili sa utak ko.
Kasunod ng mga salitang iyon ay mas marami pang salita at tila sinusulat sa langit.
Para iyong mahabang mensahe. Gusto ko pa sana iyong basahin pero bigla nalang akong
nakaramdam ng kakaibang pagkahilo.
Umiikot na ang lahat sa paligid ko. Unti-unti nang nagiging blurred ang lahat sa
paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat.
Maaga kaming uuwi ngayon. Dahil absent ang dalawang huling professors
namin ay naisipan naming mag-uwian na. Tutal naman ay wala narin kaming gagawin
kaya mas mabuti na iyon kesa tumambay sa room.
"Bakit? Hindi ba adventure iyon ha? Ang hirap kayang makalapit kay, kay, kay..."
Hindi na naituloy pa ni Scarlet ang sasabihin niya dahil dumaan na sa harap namin
ang tinutukoy niya.
Iba talaga kasi ang presensiya ni Cash e. Palagi itong may dalang malakas na awra.
Kahit palagi itong tahimik at nag-iisa ay marami paring babaeng nagkaka-crush sa
kaniya.ł Sobrang talino niya kasi. Iyong tipong hindi naman siya sumasama sa mga
group activity pero matataas parin ang nakukuha niya sa mga test. Halos perfect
niya nga ang lahat ng exams e.
Kasabay niyang naglalakad ang pinsan niyang si Quartz na kabaliktaran naman niya.
Hindi katulad ni Cash na tahimik lang, si Quartz naman ay palaging may gulo na
kinasasangkutan. Kung hindi nga lang ito malakas sa head admin ng Dixon University
ay baka napatalsik na ito.
Bagay na bagay talaga silang magsama. Para kasi silang apoy at tubig. Tama lang
dahil balance na balance ang mga ugali nila. Mukhang may pupuntahan sila. Bukod sa
kanilang dalawa ay kasama rin nila si Sanzo. The great trio lang ang peg.
"Magtigil ka nga Scarlet! Hindi naman sa'yo nakatingin si Cash e." sabi ni
Alexandria sabay tingin sa akin.
"Alam mo, napapansin ko nga rin iyan. Minsan napapatingin ako kay Cash tapos
nakikita kong nakatitig siya sa'yo Kyra," sang-ayon rin ni Clarrise sabay tili.
"Oy, basta akin si Sanzo ha! Akin lang siya," singit naman ni Beatriz.
"Ay naku, tigilan ninyo na nga iyan. Bumalik na tayo sa pinag-uusapan natin bago
dumaan ang dalawang kolokoy na iyon," awat na sa amin ni Clarrise. Bigla na naman
tuloy sa kaniya napunta ang atensiyon ng lahat.
Huminto si Clarisse sa paglalakad. Gano'n din ang ginawa namin. Saglit kaming
tumabi at ipinagpatuloy ang pag-uusap.
"Basta, ipapaliwanag ko na lang ang lahat kapag nandoon na tayo. Ano game ba kayo?"
Clarisse.
"Tara!" Lara.
"Ako rin. Wala naman akong gagawin sa bahay e," pumayag din si Alexandria.
Dinala kami ni Clarisse sa isang napakataas na building. Doon daw nagta-trabaho ang
kuya Marcus niya, bilang isang computer programmer.
"Ladies, welcome to VALDEZ GAMING CORPORATION. I'm Conrad Valdez, the owner and the
CEO of this company." Salubong na pakilala sa amin ng isang may katangkarang
lalaki.
Nginitian namin siyang lahat. Nang ayain niya kaming sumunod sa kaniya ay hindi
namin siya binigo. Iginala kami ni Mr. Valdez sa ibat-ibang bahagi ng building,
habang ipinapaliwanag ang gagawin namin.
"So, this is the programing room. Lahat ng mga memories ng character ninyo sa game
ay mga programmed memories lamang. Pero syempre, as much as possible ay gagawin
naming malapit sa experience ninyo ang ipo-program sa inyong avatar kaya naman naka
design ang mga machine dito para kumuha ng ilang memories ninyo sa totoong buhay.
Especially the details about your family. Para mas maging makatotohanam ang lahat."
Tahimik ang lahat habang nagpapaliwanag si Mr. Valdez. Siguro dahil lahat kami ay
curious sa sinasabi nitong laro.
Kahit experimental palang naman ay safe naman daw iyong laruin. Sinabi rin nito na
hindi kami ang unang susubok ng tinatawag nilang HELL GAME. Dahil may isang grupo
ng kabataan na daw ang nakasubok nito at maayos naman ang naging resulta kaya hindi
na kami dapat pang mabahala. Isa pa ay naroon naman ang kuya ni Clarrise na si
Marcus kaya alam naming hindi kami nito ilalagay sa alangin, lalo na ang kapatid
niya.
"Next on the list, is the medical room. Isang kwarto na punong-puno ng mga
mabubuting tao. Sila ang mag-aayos ng lahat kapag nasa game na kayo. Sila ang
titingin ng brain activity ninyo. Nang heart rate, ng blood pressure. Anything na
may kinalaman sa medical issues at mga pagbabago sa katawan ninyo ay sila na ang
bahala."
"And lastly, the gaming room." Inilibot ko ang tingin ko sa tinatawag ni Mr. Valdez
na gaming room. May ilang natutuping higaan ang nakalagay doon. Maraming wire at
cord ang nagkalat sa paligid. Marami ring computers na may nagpa pop-up na salitang
Hell Game. "Alright! That chair, is going to be your personal computer. Yung mga
naka ready na wire diyan ay iko-konekta sa iba't-ibang bahagi ng katawan ninyo.
Papasukin namin ang brain cells ninyo at iko-konekta sa mga computers. Kaya naman
ang sarili ninyo ang magiging avatar ninyo. Lahat ng maisipan ninyong gawin, kapag
nasa loob na kayo ng laro ay pwedeng pwede ninyong gawin. Kahit ano. Specially,
killing people! You can kill them, torture them. It's all up to you."
"Cool..." usal ni Scarlet. Lumapit ito sa isang upuan at tila in-examine niya iyong
mabuti.
"It was just in a game dear. Sinisigurado namin na safe kayong makakalabas. Kahit
anong mangyari sa loob ng laro ay hindi nito maaapektuhan ang totoong katawan
ninyo. Although, mararamdaman ninyo ang sakit kapag nasugatan kayo sa laro ay hindi
naman iyon mangyayari sa inyo in real life. Talagang sinadya lang namin na gawing
makatotohanan ang tinatawag nilang effects ng laro."
"Ok. Ano ba ang objective ng laro?" curious na tanong ko naman. Sa totoo lang,
excited na akong laruin iyon. Para kasing ang sayang pumasok sa ganoong klase ng
laro e.
"Well the motto of this HELL GAME is, was once your in, death is the only way out!
It only means na makakalabas lang kayo kapag napatay na ninyo ang killer or vice-
versa. Kapag napatay na kayong lahat ng killer ay matatapos na ang laro."
"Teka, kaming anim lang ba ang maglalaro nito? So magiging isa sa amin ang killer,
gano'n?" tanong ni Lara.
"Well, mabuti nalang at hindi lang kayo ang bisita namin ngayon. To the other
room." Itinuro ni Mr. Valdez ang kabilang kwarto na tinutukoy niya. "Meron ding mga
estudyanteng gustong subukan ang HELL GAME. Ang totoo niyan ay nauna lang sila sa
inyo ng bahagya. Nagsisimula na sila ngayon." Nakangiting paliwanag ni Mr. Valdez.
"Pero posible paring maging isa amin ang killer?" tanong parin ni Lara.
"Oo. Pero bilang killer ay hindi niya maaring ilantad ang sarili niya. Well, sa
loob ng laro ay pwedeng hindi na kayo magkakaibigan kaya hindi na rin iyong
magiging problema. Isa pa ay kapag naging killer kayo ay iba na ang mapo-program sa
utak ninyo. Dahil ang magiging goal ng killer sa laro ay ang patayin ang lahat ng
players."
"Well about that, kami na ang bahala sa lahat. Huwag narin kayong masyadong mag-
alala dahil may mga mag ga-guide naman sa inyo throughout the game. Dahil bukod sa
inyong susubok ng laro ay marami rin namang naka-program na characters doon. So,
shall we? Let's start the Hell Game?"
"Ang cool mo doon Kyra ha. Angas!" Bilib na bilib na naupo si Lara sa kama ko.
Inakbayan pa ako nito. Hindi nito alintana ang mga medical team na nagtatanggal ng
chord sa katawan ko.
"Oo nga, buti pa si Kyra nakabawi eh ako? Bwesit! Ang sakit ng pagkamatay ko."
Naiiling na wika naman ni Alexandria. "Ang bobo kasi nitong si Scarlet e." Sabay
tingin nito sa katabing si Scarlet.
"Oy grabe ka sa akin ah. Nagpakamatay na nga rin ako dahil namatay ka e." Nag pout
naman si Scarlet. "Tsaka, ikaw ba? Alam mo ba ang sagot sa riddle na yun? Eh ang
tahimik mo nga lang."
Agad naman siyang nilapitan ni Alexandria at niyakap. "Joke lang. Alam ko naman
love mo ako e."
"Buti nga kayo, nahiwa lang ang ulo e, isang aray lang. Eh ako? Ginawang target ng
mga pana? Bwesit! Lamog na lamog ang katawan ko e." singit naman ni Beatriz.
Biglang natawa si Lara. "Eh kasi naman ang lapad mo na nga e, hindi ka pa yumuko.
Talagang binalandra mo pa ang katawan mo. Sakop na sakop mo kaya ang hallwayl."
"Eh sa nagulat yung tao e. Tapos natamaan pa ako kaya nataranta na ako." Tumatawang
kumamot naman ng ulo si Beatriz.
"Hoy Kyra, ba't ka nakatulala?łAyos ka lang ba?" may pag-aalalang tanong sa akin ni
Lara.
Nginitian ko lang ito. Ang totoo, bigla akong napaisip. Bigla kasing pumasok sa
isip ko si Cash e.
Tumakbo ako papunta sa itinurong kwarto ni Mr. Valdez na kinaroroonan ng iba pang
manlalaro. Pagbukas ko ng pinto ay nagtinginan sa akin ang mga tao sa loob. Naroon
sina Sanzo, Quartz, Denver, Nilo, Paloma, Lorraine, Agatha, Jessie at Shanna.
Agad kong hinanap si Cash sa loob. Nakita ko naman ito. Ini-interview ito ng isang
medical team.
Nanatili lang akong nakatayo sa pwesto ko. Gusto ko sanang lumakad at lumapit kay
Cash pero bigla akong natigilan.
Napayuko ako. Parang bigla akong nakaramdam ng pagkahiya. Nang mag-angat ako ng
tingin ay nakita kong nakatingin na sa diresiyon ko si Cash. Hindi ko alam kung
ngingiti ba ako o hindi. Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong reaksiyon sa
kaniya.
"Kyra, halika na. Kailangan mo ng mag take ng interview para makauwi na tayo."
tawag sa akin ni Lara. Nakatayo lang siya sa pintuan ng pinanggalingan kong kwarto.
Muli akong nagyuko ng ulo. Walang gana akong tumalikod at lumakad palayo. Pagbalik
ko sa naging kwarto namin ay agad akong inasikaso ng babaeng nakatoka sa akin. Ang
dami niyang naging tanong pero hindi ko alam kung nasasagot ko ba iyon ng maayos.
Para kasing lutang ako.
Ang lakas kasi ng epekto sa akin ng mga ginawa ko sa Wisconsin University e. Lalo
na iyong namagitan sa amin ni Cash.
Alam ko naman na laro lang iyon pero, para kasi talagang totoo e.
---
Kinabukasan ay balik na sa normal ang lahat. Parang wala lang ang mga nangyari.
Balik na sa kulitan at asaran ang mga kaibigan ko, maliban sa akin. Ewan ko ba.
Nahihirapan kasi akong mag focus e. Patuloy kong iniisip kung dapat ko bang bigyan
ng halaga ang mga nangyari, o laro lang iyon talaga?
Napatingin ako sa direksyon na inuupan ni Cash. Dahil wala pa ang guro namin ay
parang bored lang siyang nakayuko at nakasubsob ang ulo niya sa desk niya. Hindi ko
tuloy makita ang mukha niya. Kung pagmamasdan siya, parang wala lang naman sa
kaniya ang lahat. Balewala lang iyong nangyari sa Wisconsin.
"Ako ba ang iniisip mo?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ng lalaking
tinitingnan ko. Naroon parin naman ito sa upuan niya kaya paanong napunta ang tinig
nito sa likuran ko.
Dahan dahan ang ginawa kong pagpihit ng ulo. Halos malaglag ang panga ng makita
kong naroon nga si Cash sa likuran ko. Muli ko pang sinulyapan ang upuan niya.
Naroon parin naman ang lalaking inakala kong siya pero nakaupo na ito ng maayos at
kumakaway sa akin. Si Quartz pala iyon.
Nakatingin na sa akin ang mga kaibigan ko. Parang gusto ko tuloy lumubog sa
kinauupuan ko. Hindi kasi ako sanay na nagiging main attraction e.
Humila ng upuan si Cash at iniharap niya iyon sa akin pagkatapos ay doon siya
naupo. Ramdam kong pinagbubulungan na kami ng mga kaklase namin.
Dahil nga hindi siya mahilig makipag-usap sa mga kaklase namin ay siguradong
nagtataka ang lahat kung bakit niya ako kinakausap ngayon. Ako rin naman eh
nagtataka.
"A-anong tanong?"
Itatanong niya ba kung itutuloy namin ang namagitan sa amin sa Wisconsin? Ehhhhhh,
'wag naman dito sa classroom. Masyadong maraming tao e. Nakakahiya.
Hindi iyon ang inaasahan kong marinig mula sa kaniya kaya medyo nalungkot ako.
"Ah, ewan. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang?" pagdadahilan ko.
"Eh bakit bigla ka ring umalis? Hindi mo pa nga ako nakausap, umalis ka na."
"Eh kasi..." Lumingon ako sa mga kaibigan ko. Nang makita ko si Lara ay bigla kong
naisipan ang isasagot ko. "Tinawag na ako ni Lara. Mukhang ok ka naman na e, kaya
umalis na lang ako."
"Sinungaling."
"Hoy, ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong sinungaling no! Baka
nakakalimutan mo, ikaw nga itong nagsinungaling sa akin e. May pa prince prince
charming ka pa diyan. Mukha mo! Hindi ka naman charming no." sigaw ko. Kahit nasa
harap ko lang naman siya ay gusto ko kasing ipagduldulan sa kaniya ang mga pinag-
gagawa niya.
Nagtataka naman ang ibang mga ka-klase namin. Siguradong wala silang ka ide-idea sa
pinag-uusapan namin ni Cash ngayon.
"Sinubukan lang naman kitang iligtas no. Kaya hindi ko agad sinabi ang pangalan ko
sa'yo."
"Iligtas? Ang yabang mo. Isang beses mo lang naman akong iniligtas." sabi ko sabay
cross arm.
"Isa? Hindi mo ba alam na kahit hindi kasama sa role ko ang pag-sunod sa'yo ay
ginawa ko parin ha? Iyong sa farm? Sinubukan kang kuhain ni Howard doon, pero ano?
Nalaman mo ba na pinigilan ko siya at pinatay para sa'yo ha?" sigaw rin ni Cash.
Pagtingin ko sa mga kaklase namin ay hindi na mai-pinta ang mga mukha nila.
Naiilang ko tuloy silang nginitian. Sabay bulong na." Laro lang iyon guys. Laro
lang."
Nang ibalik ko ang tingin ko kay Cash ay muling sumeryoso ang mukha ko. Balik ulit
sa pakikipagtalo dito.
"Sinong Howard? Wala akong kilalang Howard ok." medyo mababa na ang boses ko.
Nagmumukha na kasi akong war freak e.
"Akala mo salamat lang ang gusto kong marinig mula sa'yo ha." Biglang inilapit ni
Cash ang mukha niya sa mukha ko dahilan para matigilan ako. Titig na titig ako sa
mukha niya at habang ginagawa ko iyon ay para akong kakapusin ng hininga.
"A-ano ba ang gusto m-mong marinig mula sa akin?" muli na naman akong nautal. Iyong
klase ng pakiramdam na minsan ko ng naramdaman patungkol sa kaniya.
Pagkasabi ni Cash noon ay bigla nalang nagsigawan ang mga kaibigan ko. Sinimulan na
nila kaming palibutan. Parang mas masaya pa sila kesa sa akin e.
Napangiti lang naman si Cash. Ngayon lang ito parang nahiya at napakamot ng ulo.
"Hoy Kyra, ano pwede daw bang manligaw si Cash? Yieeeee..." Tili ni
Lara. May pahampas-hampas pa ito sa balikat ko. Parang kilig na kilig lang na
nanunuod ng koreanovela.
Muli kong hinarap si Cash. "Edi manligaw ka! Basta 'wag kang umasa na sasagutin
kita ha!" sagot ko sa kaniya.
"Sus, kunwari ka pa e, alam ko namang mahalaga din ako sa' yo e. Baka nga mamaya
pag uwian palang eh sagutin mo na ako at tawaging boyfriend ko..." Natatawang sabi
naman ni Cash.
"Excuse me, ako ba? Ikaw naman itong nagsabing boyfriend kita ah."
"Hoy."
"So see in after school soon to be girlfriend ko." sabi ni Cash sabay kindat.
Tumayo na siya at bumalik sa upuan niya.
Excited namang naupo sa tabi ko nag mga kaibigan ko. Magdadaldal pa sana sila pero
dumating na ang una naming professor kaya nagsibalikan narin agad sila sa mga
pwesto nila.
Habang nakikinig sa guro namin ay paminsan pa akong sumusulyap kay Cash. Minsan ay
nahuhuli kong nakatingin dkn siya sa akin. Hindi ko tuloy napipigilang mapangiti
lalo na kapag nag me-make face siya. Iyong binabago niya ang itsura niya para
magpatawa. Hindi ko alam na may pagka-kengkoy rin pala siya.
Dati kasi ang alam ko lang ay tahimik siya. Minsan lang siya makipag-usap sa mga
kaklase namin. Madalas siyang mag-isa. At dahil kabaligtarawn niya ang ugali ni
Quartz ay madalas siyang iwanan nito.
Natatawa ko naman iyong sinagot. Nagmamadali rin akong kumuha ng papel at sinulatan
ko iyon gamit ang pink na stabilo ko. Para medyo cute ay nilagyan ko pa ng smile
face ang dulo ng sulat ko.
Sunod na sumenyas naman si Cash. Sumulat siya sa hangin ng isang malaking question
mark.
Muli naman akong nagsulat sa hawak kong papel. Pinilas ko na iyong una at doon sa
pangalawang page ko na inilagay ang sagot ko.
(Hinanap mo ba ako?)
Ngumiti naman si Cash ng mabasa niya iyon. Muli siyang kumuha ng bondpaper at
sinulatan niya iyon. Ang tagal ng ginawa niyang pagsusulat, pero hindi ko na iyon
nabasa dahil bigla siyang nilapitan ng guro namin at kinuha ang hawak niya.
(Basta mamaya.)
---
"Oh ba't ganiyan ang mukha mo ah?" sita sa akin ni Lara ng lapitan ako nito.
"Wala."
"Ano bang wala eh ba't nakabusangot iyang mukha mo? Wait, huhulaan ko ha. Dahil ba
iyan sa date mo?" nang-aasar na sabi naman ni Scarlet sabay tingin sa kanila ni
Clarrise, Lara, Alexandria at Beatriz.
"Date, date! Walang date!" inis kong sigaw. Pagkatapos kong ayusin at ilagay ang
lahat ng gamit ko sa backpack ko ay tinalikuran ko na silang lahat.
"Alam mo Kyra, 'wag kang masyadong manakal. Parang umalis lang agad iyong tao e.
Malay mo may kailangan pa siyang gawin bago makipagkita sa'yo. Masyado ka e." sabi
naman ni Alexandria.
Bigla akong napahinto. Tama nga naman ang sinabi nito. Baka kaya nagmamadali si
Cash ay para matapos niya agad ang gagawin niya. Para makapunta siya sa date namin.
Hinanap kita.
Napangiti ako ng mabasa iyon. Dahil doon ay biglang nagbago ang awra ko. Masaya ko
ng hinarap ang mga kaibigan ko.
"Tara na girls. Doon na tayo sa quadrangle. Samahan ninyo akong hintayin ang prince
charming ko doon," aya ko na sa kanila.
"Sana all, may lovelife." ungot ni Beatriz. Agad ko itong inangklahan sa braso.
"Hayaan mo, kapag kami na Cash. Ilalakad kita kay Sanzo. Tamang-tama dahil palagi
pa naman nila ito kasama."
Bigla namang nangislap ang mata ni Beatriz. Tinanggal nito ang kamay ko na naka-
angkla sa kaniya at siya naman ang kumapit sa akin.
Nang makarating na kami sa quadrangle ay hindi ko alam kung saan ang banda pu-
pwesto para maghintay kay Cash. Wala naman kasi kaming napag-usapan e. Nagpaling-
linga nalang ako sa paligid. Nagbabaka sakali na makikita ko ang hinahanap ko pero
nabigo lang ako. Sa dami ng estudyanteng naroon ay wala naman iyong espesyal na
taong hinahanap ko.
Oom kung hindi ako nagkakamali ay iyon ang kantang tinugtog ng banda soon sa
Wisconsin, noong couple festival.
Maya-maya ay nagsigawan ang mga estudyanteng malapit sa akin kaya napalingon ako.
Agad ko namang nakita ang pinagkakaguluhan ng lahat. Naglalakad palapit sa akin si
Cash. May dala siyang bouquet ng pulang rosas. Nanatili lang akong tahimik habang
nakatitig sa kaniya. Parang gusto kong maiyak.
Pag-unat niya ng kamay niya para ibigay ang dala niya ay mahina ko siyang hinampas
sa balikat.
"Salamat dahil hindi mo ako tinalikuran. Kung sakaling totoo ang buhay pagkatapos
nito ay hahanapin kita roon. Pangako."
Napatitig ako kay Cash. Iyon na iyon ang sinabi noong nasa Wisconsin kami.
Niyakap ako ni Cash. Muling nagsigawan ang mga estudyanteng nakapalibot sa amin.
At higit sa lahat.
Dito sa mundong sinasabi nilang walang forever pero marami paring sumusubok na
hanapin ito.
Sana ang pagsisimulang ito ay maging daan sa forever rin na gusto ko.
-----WAKAS-----
❤️ ALLYSADIN BAUTISTA
as Scarlet
❤️ GENEVA GARCIA
as Clarrise
as Beatriz
<img
src="https://img.wattpad.com/76fb42e3c40c70646090cf2036d332c1dd88cfb0/68747470733a2
f2f73332e616d617a6f6e6177732e636f6d2f776174747061642d6d656469612d736572766963652f53
746f7279496d6167652f524a65333933504b315358786a513d3d2d3337393831363737342e313461376
633313933396334626238373436393835363634383638382e6a7067" style='max-width:90%'>
I wanna say, thanks to this girls na nagtulak sa akin para matapos ang kwentong
ito. Salamat sa suporta. Your all gaving me inspiration kaya mabilis kong natapos
ang kwentong ito
Sana nabigyan ko ng hustisya ang mga role ninyo. ߘ At sana nag enjoy kayo sa
paghula kung isa na ba sa inyo ang killer. Hehe.
Lablab you.
آAte Bhernz
ߔPasasalamat [Hell Game]
That's all.
Muaah muaaah..
Love,
-ate Bhernz ️آݤ
---
RIDDLE #1: Meron nito sa puso at paa. Wala sa kamay. Kapag nilagyan mo
ang atay magiging walang buhay.
SAGOT: Letter P
RIDDLE #2: Eroplano, Barko, Jeep, Tren. Ano ang mataas sa apat?
SAGOT: Lima
RIDDLE #3: Hindi kailangan ng gumagawa. Hindi ginagamit ng bumibili. Hindi nakikita
ng gumagamit. Ano ito?
SAGOT: kabaong
-----ooo-----
Ano ang totoong nangyari kay Marcus? Nasaan na ito? Bakit ng nabanggit tungkol dito
hanggang sa katapusan ng kwento?
* Dahil nasa information lang naka program kay Clarrise ang tungkol sa kapatid
niya. In short wala naman talagang nag e-exist na Marcus sa laro kaya nga wala ito
sa records ng Wisconsin. Remember, wala sa file na nahanap nila ang pangalan ng
kuya niya?
-----ooo-----
AUTHOR'S NOTE:
Kung may gusto pa kayong itanong, ay welcome po iyan dito. Comment lang kayo sa
ibaba and please don't forget to follow me, and vote each chapter if you like HELL
GAME.
Thank you!