You are on page 1of 13

Room 13

Introduksiyon

Sa isang lumang paaralan Ng Magsaysay Street ay doon nag aaral Ang anim na magkakaibigan
na Sina Ana, Luna, Sabel, Lisa, Isay at Clara.

Sa paaralang puno Ng kababalaghan at misteryoso na nakubli.

Ano-ano kayang misteryoso at kababalaghan Ang kanilang matutuklasan Ng magkakaibigan?

Tunghayan Ang kwento Ng Broad River University Room 13.


KABANATA 1

3rd Person POV

"Ngayong malapit na Ang pasukan, magkukuloheyo na tayo, saan niyo balak mag aral? dba
usapan natin sa iisang Universidad lang tayo mag aaral" Saad ni Sabel sa kaniyang mga
kaibigan. "Narinig niyo na ba yong Unibersidad sa Tungawan 'yong Broad River University,
Sabi nila maganda daw doon" Sabat naman ni Lisa habang nagbabasa Ng libro. "Sige, ngunit
kailangan Muna nating magpaalam Lalo't malayo ito Dito sa probinsya" dagdag ni Ana. "Oo
nga baka Hindi Tayo payagan" pag-sang-ayon ni Luna. SI Luna Ang pinaka tahimik sa kanilang
magkakaibigan. "Oh, pano ba Yan mga bes maggagabi na, uuwi na tayo baka hinahanap na
tayo Ng atong mga magulang" pagpapa alala ni Luna sa mga kaibigan. Agad namang
nagpaalaman Ang magkakaibigan. "Siya nga pala kita pa rin Tayo bukas Dito para pag isipan
natin kung saan Tayo mag kokoloheyo". Wika ni Ana bago Sila naghiwalay Ng daan.

(Kinabukasan)

"Mga bes pinayagan ba kayo" Sigaw ni Lisa nang Makita niya Ang mga kaibigan. "Oo,
pinayagan kami" sabay-sabay na sagot Ng mga ito. "Iwan ko lang Dito Kay Luna, mahigpit pa
naman Ang kaniyang magulang". Ang wika ni Isay. Ang pinakapilyo sa magbabarkada.
"Pinayagan kaba?" Tanong nila agad namang napatango Si Luna na may pag alinlangan. "Bakit
parang Hindi Ka sigurado sa iyong sagot?". Tanong ni Ana dahil bahid sa kaniyang mukha Ang
pagalinlangan kanina. "Malayo kasi ang Universidad na iyon Kay medyo nag alinlangan Si Inay
na payagan Ako. Pero huwag katong mag alala dahil pinayagan naman niya Ako, Kaya sama-
sama parin tayong mag aaral doon". Wika ni Luna na may mga ngiti sa labi. "Ano mga bes
shopping Muna Tayo". Sigaw ni Isay. Sa magkakaibigan Si Isay talaga Ang mahilig mag shopping
at magasta.

"Sige ba, Lalo na't malapit na Ang pasukan, Hindi na tayo masyadong makapagshopping dahil
sa mga aktibidad". Agad na Saad ni Ana sa mga kaibigan.

"Nga pala bes sa susunod na Araw bibisitahin natin Ang Broad River University dapat 8 a.m
nasa bus stop na Ang lahat". Pahabol ni Ana sa mga kaibigan.

KABANATA 2

3rd Person POV


Agad na nagkikita kita Ang magkakaibigan sa paradahan Ng bus. Makikita sa kanilang mukha Ang
pagkasabik na Makita Makita Ang sikat na Universidad Ng Tungawan sa gusto nilang pasukan.

"Bes, nasaan na pala Sina Luna at Isay" Tanong ni Sabel Nang mapansin na Wala pa Ang dalawa,
bagama't magkakapitbahay lamang Ang dalawa. "Tawagan niyo nga kung asaan na Sila", naiinip na
Saad ni Clara dahil gusto na talaga itong Makita Ang Universidad. Lumipas Ang ilang sandali namataan
nila na paparating na Ang dalawa. Makikita nila na inip na inip na Ang kaibigan kakahintay sa kanila. "Oii
bes, Aning klaseng mga mukha 'yan pang byernes Santo dahil sa sama Ng timpla". Natatawang Sabi ni
Isay sa mga ito. Habang Si Luna agad na humingi Ng tawad dahil sa pagkalate nito.

Agad naman Silang sumakay Ng bus, habang nasa bus panay Ang usap Ng magkakaibigan sa kung ano
nga ba Ang itsura Ng Broad River University.

Pagkatapos Ng isang Oras Ng kanilang byahe agad huminto Ang kanilang bus tanda na narating na nila
Ang pupuntahan. "Tara hanap Tayo Ng masasakyan papunta sa Universidad". Saad ni Clara dahil sa
kagustuhang Makita na Ang Universidad at dahil na rin sa init Ng panahon. Agad naman Silang
nakahanap Ng trycicle. "Kuya sa Broad River University Po kami", pagkasabi ni Ana nito agad napatingin
Si kuyang driver na gulat na gulat. "Bakit gulat na gulat Po kayo kuya?" Tanong ni Sabel Nang mapansin
nitong gulat na gulat Ang Driver pagkasabi sa pangalan Ng Universidad. "Wala naman ineng, nabigla
lang Ako, huwag niyo na akong intindihin, at siya nga pala mag ingat Po kayo sa inyong pupuntahan",
agad na wika ni kuyang driver at pinaandar na Ang sasakyan. Namayani Ang katahimikan. Si Luna ay
nanahimik lamang at iniisip Ang kinikilos Ng driver.

Pagkaraan Ng ilang minuto narating nila Ang Board River University. Kahit nasa labas pa lamang Sila Ng
gate namangha na Sila dito dahil malaki talaga Ang Universidad. Pinapasok naman Sila Ng guard na
nakatukang magbantay nito. Habang nasa loob Sila labis Ang kanilang pagkamangha dahil mas malaki pa
pala ito sa kanilang inaasahan.

"Wow Ang Ganda naman Dito, gusto ko na talagang mag aral Dito" Sigaw ni Isay dahil sa
pagkamangha.

"Ako din, parang gusto ko na tuloy mag enroll ngayon na" Sabat naman ni Clara. "OA mo naman"
Ungot naman ni Sabel bago natawa.

KABANATA 3

3rd Person POV

"Maglibot Muna Tayo para ma check natin lahat Ang Lugar upang makapag desisyon Ang
lahat kung dito ba talaga Tayo mag-eenroll sa darating na pasukan," Saad ni Ana na
nangunguna sa grupo. Sa kanilang magkakaibigan Si Ana Ang pinakamatanda Kaya tinuturing na
nila itong Ate.

Habang naglilibot Sila sa Universidad marami Silang napansin at marami Silang


nakakamanghang nakita. Tulad na lamang Ng naglalkihang school building idagdag pa Ang
malaking plaza. Ngunit Si Luna Iba Ang pikiramdam niya sa Universidad na ito, palagay niya may
binabalot itong misteryo. Dahil habang napadaan Sila sa kaliwang bahagi ng paaralan, agad nag
sitayuan Ang kaniyang balahibo. Pero pinagwalang bahala lamang niya iyon. Hanggang sa
natapos na Sila sa kanilang paglilibot.

"So, Anong desisiyon niyo, para sa akin mukang maganda naman Dito, Dito na ba Tayo mag
eenroll? Tanong ni Ana na bakas sa kaniyang mukha Ang pagkasabik.

"Oo naman, tuloy na tuloy, sobrang Ganda didto tapos Ang lawak pa Ng Lugar" tugon ni Lisa
at agad namang sinang ayunan Ng kanilang Kasama.

"Ikaw Luna, gusto mo ba Dito? Kanina Ka pa kase tahimik Mula Ng sumakay Tayo Ng trycicle"
naitanong ni Clara Kay Luna dahil napansin niya Ang pananahimik nito. Agad namang ngumiti SI
Luna at sabay Sabi,"Oo, gusto ko Dito dahil sa tingin ko kumpleto Sila Ng pasiladad para sa
atin bilang mag eenroll Ng Nursing".

"Okay pinal na ito ha, Wala Ng bawian, sa susunod na Linggo Ang enrollment Kaya dapat
maaga tayong pupunta Dito. Sa Bahay nalang Tayo matulog lahat para Wala Ng ma late pa.
Pagkatapos Ng enrollment maghahanap pa Tayo Ng Boarding House natin". Mataas na litanya
ni Ana sa mga Kaibigan at agad namang nagsitanguan Ang mga ito.

Agad namang nagsiuwian Ang magkakaibigan sa kadahilanang malayo pa Ang kanilang uuwian.

KABANATA 4

3rd person POV

Ngayong Araw na mag-eenroll Ang magkakaibigan Kaya maaga Silang nagising. Pagkatapos
nilang gawin Ang pang-araw-araw na gawain sa Umaga ay agad Silang nagsialisan papuntang
bus station. At tumungo agad Sila sa Universidad.

Nang nakarating na Ang magkakaibigan.


"Magandang Umaga po ateng guard, papaenroll Po sana kami" bati nila sa nakatukang
gwardiya doon. "Magandang Umaga din sa into, pumunta lang kayo Ng Rigestrar may fifill-
outan kayo na mga porma doon" sagot Ng gwardiya at sabay baling sa bagong dating na mga
mag-aaral.

Agad namang tumalima Ang magkakaibigan para makapagpa enroll na. Pagkatapos Ng ilang
Oras nakatapos rin Sila. Kinailangan nilang magmadali dahil maghanap pa Sila Ng uupahang
Bahay.

"Hay! But naman natapos na tayo, tagal nun ah!" Reklamo ni Isay dahil sa tagal nilang
nagpipila. "So, Ano na? maghanap na Tayo para Hindi Tayo gabihin kakahanap" Sabat ni Lisa.

Nagsimulang maghanap Ng magkakaibigan Ng uupahang Bahay Ngunit mag iisang Oras na


Silang naghahanap Wala parin. Nang biglang sumigaw Si Isay Ng, "Rent Boarding House, dun sa
may pulang gate nakapaskil oh." "Oo nga noh, Dali puntahan natin baka may bakante pa"
wika ni Ana. Nagtanong agad Sila sa may ari at nalaman nila na may bakante pa at maganda Ang
Lugar Kaya naisipan nilang Kunin Ang isang kwarto na kasya Silang Anim.

"Sige madam Kunin Po namin Ang isang kwarto" kausap ni Ana sa may ari nito. "Mabuti,
kailan kayo lilipat mga Ineng? Para malinisan ko pa ulit Ang silid ninyo, marami na kasi iyong
alikabok". "Sa susunod na Araw Po madam lilipat na kami Dito" sagot ni Ana. Kailangan na
kase nilang maghanda para sa unang pasukan na darating.

KABANATA 5

3rd Person POV

Kakatapos lang nilang hinanda Ang kanilang mga gamit, kakarating lamang nila kaninang Umaga
sa inuupahang Bahay. Kaya tanghali nang matapos nila Ang pagaayos Ng gamit. Nagpapahinga
na Ang magkakaibigan.

"Hindi lang pala Tayo Ang studyante Ng Broad River University Dito sa inuupahang Bahay,
May nakausap Ako kanina second year college engineering siya" Basag ni Clara sa
katahimikan. "Talaga! Magtanong Kaya Tayo tungkol sa Universidad na iyon" Untag naman ni
Lisa. Agad namang nagkatinginan Ang magkakaibigan at agad napatango Si Luna dahil may
gusto siyang malaman sa Universidad na iyon, Lalo't may kakaiba siyang naramdaman doon.

Tok! Tok! Katok nila sa kanilang silid kung asaan nakatuka Ang silid nito. Agad naman itong
bumukas. "Magandang Umaga po, kami Po pala iyong bagong lipat lang, andito kami kasi
nalaman namin na mag aaral Ka daw sa Broad River University" mahabang bati ni Ana nito. "
Pasok Po kayo at umupo, siya nga pala Ako Po SI Ammy" pagpakilala nito sa kanila. Agad
namang pinakilala ni Ana Ang mga kaibigan.

"Ano pala Ang gusto nitong itanong sa akin tungkol sa Universidad?" Pagbubukas Ng topic ni
Ammy. "Maganda ba Ang Universidad na iyan?" Tanong ni Sabel. "Oo naman, may
kumpletong pasilidad at magahaling magturo dyan Ang mga guro" pagmamalaking sagot ni
Ammy."May nababalot ba fiyan na kababalaghan o misteryoso?" Naitanong ni Luna dahil sa
kyuryusidad Kaya nabaling lahat Ang atensiyon nila sa kaniya. "Bakit mo naitanong iyan?"
Gulat na Tanong ni Ammy sa kaniya. "Gusto ko lang malaman". "Sa totoo lang may
nagpakamatay raw diyan sa Universidad matagal na panahon Ang lumipas, Iwan ko lang kung
totoo dahil sa tagal ko na sa Universidad Wala naman akong naramdaman kahit Gabi na Ako
umuuwi" mahabang paliwanag niya. "Huwag katong matakot Hindi naman kase totoo iyang
multo multo na iyan" dagdag nito dahil bigla kasing natahimik Ang magkakaibigan.

"Sige Ammy alis na kami baka masyado na namin kayong naabala, salamat nga pala sa
pagsagot Ng Tanong namin" paalam ni Ana.

Binalewala lamang Ng mga Kaibigan ni Luna Ang sinabi ni Ammy tungkol sa multo ngunit Si Luna
gusto man niyang ayaw paniwalaan pero masyadong malakas Ang kutob niya na totoo Ang
sinabi ni Ammy. Napatanong tuloy siya kung sino Ang taong nagpakamatay, Anong dahilan at
saan ito nagpakamatay.

KABANATA 6

3rd Person POV

4 a.m pa lamang naririning mo na Ang ingay Ng alarm clock sa silid Ng magkakaibigan. Agad
naman Silang nagsibangon para maghanda sa unang pasukan Ng klase. 8 a.m Ang una nilang
pasok Kaya kinailangan nilang magmadali upang Hindi mahuli sa klase.

Pagdating nila sa Universidad agad Silang tumungo sa opisina Ng Dean para kumuha Ng
Schedule nila. "Good morning Po ma'am andito Po kami para kumuha Ng Schedule mga
nursing students Po kaming Lahat" Agad naman itong binigay sa kanila, pagtingin nila pare-
pereho lang Sila Ng schedule, habang abala Sila sa pagtingin biglang nagsalita Ang Dean
"Building 7, room 13 Ang silid aralan niyo at ito Ang mga susi Ng locker ninyo" sabay bigay Ng
susi sa kanila Isa-isa. Biglang napaangat naman Ng tingin Si Luna dahil parang may kutob siya na
nakalocate Ang kanilang building sa kaliwang bahagi sa Campus kung saan nakaramdam siya Ng
kilabot nung naglibot Sila dito.

Agad naman Silang umalis at nagtungo sa kanilang silid aralan. Natunton nila agad ito. Nalaman
nila na nasa kaliwang bahagi pala ito Ng Universidad kung saan malapit Ang abandonadong C.R.
Makikita mo sa silid nila na medyo kalumaan na ngunit maganda parin itong tignan. To

"Bakit Dito Tayo Banda, medyo may kalumaan at creepy pa naman Ang Lugar na ito" Reklamo
ni Clara. Inaasahan kase nito na mapupunta Sila sa bagong Tayo na gusali. "Maganda naman
Dito, tyaka tahimik Ang paligid Kaya pumasok na Tayo dahil limang minuto nalang
nagsimulang na Ang klase." Sabat naman ni Sabel sa kaartehan ni Clara.

Pagpasok pa lamang ni Luna agad na siyang nakaramdam Ng kaba, wala pa naman Ang guro at
medyo maingay Ang silid ngunit pakiramdam niya may mabigat itong presensya na Hindi niya
maipaliwanag. Agad siyang umupo malapit sa bintana at makikita Dito Ang abandonadong C.R.
malapit sa may malaking puno Ng manga. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya
dahil bago sya makaupo may nakita siyang nakaputing babae na nagmamadaling tumakbo sa
abandonadong C.R. Ngunit baka namamalikmata lamang siya dahil maaga siyang nagising
kanina Kaya iniisip na lamang niya na baka naparanoid lang siya dahil sa narinig niyang kwento
ni Ammy noong nakaraang Araw.

KABANATA 7

3rd Person POV

Sobrang bilis Ng Araw, magiisang buwan ng pumasok Ang magkakaibigan sa Universidad ng


Broad River.

Ala sais Ng Gabi na ngunit Hindi parin tapos Ang klase nila. Iba na Ang pakiramdam ni Luna
parang may naririnig siyang bulong. "Alis, umalis kayo, Ang ingay!" bulong nito sa tainga ni
Luna agad naman niyang napatayo at nagpalinga linga. Kaya nagulat Ang kaniyang guro na Si
Luiza, at nahinto Ang ingay Ng mga mag-aaral sa pagsagot Ng aktibidad. "May problems ba Ms.
Luna" taas kilay na Tanong nito nang bigla siyang napatayo kanina. "Wala naman ma'am,
pasensya na Po kung naabala ko Ang pagtuturo" paghingi Ng paumanhin ni Luna. SI Gurong
Luiza Ang Last Period nila, isang guro na may pagka strikta ngunit mabait naman. Agad
nagpatuloy Ang diskasyon at grupong aktibidad Kaya nagingayan na naman Ang mga ito, Nang
biglang sumigaw Si Luna sa Hindi maipaliwanag na boses, "tahimiiikkk!!!" Nakakarindi Ang
kaniyang sigaw at until unting nangisay Ang katawan ni Luna at pumuti Ang mata. Nagulat Ang
lahat sa nangyari, puno Ng takot Ang silid nila at sobrang nag alala Ang kaniyang mga kaibigan
dahil sa kanilang nasaksihan. Biglang nahinto Ang pangingisay nito at bumukas Ang kaniyang
namumuting mata sabay bigkas Ng katagang, "Maria! Maria! Mariaaa!", Pagkabigkas nito agad
siyang nawalan Ng Malay. Agad-agad naman siyang nilapitan Ng mga Kaibigan.

"Sanib! May kaluluwang sumanib sa kaniya" Sigaw Ng kaklase niya.

Biglang nagulat Ang guro at natakot Kaya pinauwi na lamang niya Ang kaniyang studyante kahit
Hindi pa naman tapos Ang kaniyang Oras.

Agad namang binuhat Ng magkakaibigan Si Luna at pinagpahinga nila ito dahil Hindi parin ito
nagising.

Habang nasa boarding house na Sila, alalang alala Sila Kay Luna dahil sa nangyari. Hindi nila
aakalain na totoo pala Ang sanib at Isa pa talaga sa mga kaibigan nila Ang nakaranas nito. Bigla
tuloy Silang napaisip kung sino SI Maria. Hindi Kaya siya Ang nagpakamatay? O siya Ang dahilan
Ng pagkamatay Ng studyante? Maraming Tanong Ang namuo sa kanilang isipan.

"Hindi Kaya Si Maria Ang sumanib Kay Luna?" Tanong ni Sabel sa katahimikan Ng silid.

"Bukas na bukas hahanap Tayo Ng record ni Maria" wika ni Ana.

KABANATA 8

3rd Person POV

Kinabukasan, Araw Ng byernes nasa silid lamang Ang magkakaibigan dahil hapon pa naman Ang
pasokan nila. Dahil sa kyuryusidad ni Luna tungkol sa Nangyari sa kaniya, naisipan niyang nag
search sa google tungkol sa kababalaghan Ng Universidad, habang nag scroll siya Wala siyang
nakitang info ngunit biglang may lumabas na isang website na nakapangalang "Bloody Mary of
Broad River University" Kaya agad niya itong binuksan may Isa nabasa sya na Kaya
nagpakamatay Ang estudyanteng Si Maria dahil sa thesis binagsak siya, hiniwalayan Ng
Boyfriend, problems sa buhay at marami pang ibang dahilan ngunit Hindi ito alam kung ano
talaga Ang dahilan Ng kaniyang pagbigti. Kaya agad niyang tinawag Ang mga kaibigan.

"So, walang nakakaalam talaga kung ano Ang dahilan" wika ni Clara, agad namang tumango
Ang lahat. Nalaman nila na nagbigti ito sa punong manga malapit sa abandonadong C.R sa likod
Ng kanilang silid-aralan. Kaya naisip ni Luna na Hindi siya namamalikmata noong unang
pasukan.
"Mamayang Gabi bago Tayo uuwi puntahan Muna natin Ang opisina na tambak Ng papeles sa
record Ng mga estudyanteng matagal Ng nag aaral doon" suhestiyon ni Ana, agad namang
pumayag Ang lahat.

******

Kakatapos lang Ng kanilang klase Kaya agad-agad Silang lumihis Ng daan papunta sa storage
room upang maghanap Ng record tungkol Kay Maria. Hanap Sila Ng Hanap Halos umabot Sila
Ng dalawang Oras kakahanap. Pagbukas Ni Isay sa isang cabinet may nakita syang folder na
nakapaskil Ang pangalang Maria Mendez. Agad nila itong kinuha dahil ito Ang pangalan Ng
Babae doon sa nabuksan nilang website.

Nang biglang bumukas Ang pinto sa sobrang takot agad na tinago ni Ana Ang folder sa loob Ng
damit. Nakita nila Ang Ang kanilang guro na Si Luiza, mababakas Ang gulat at pagtataka nito sa
mukha.

"Anong ginagawa niyo Dito?" Tanong nito sa kanila. "Wala Po ma'am, napadaan lamang Po
galing kase kami sa library" Agarang sagot ni Isay at agad namang sinang ayunan Ng lahat.
"Umuwi na kayo sobrang Gabi na andito pa rin kayo" malditang Saad Ng guro sa kanila. Agad
naman Silang nagpaalam Dito

KABANATA 9

Someone's POV

"Hindi, Hindi nila dapat malaman Ang tungkol Kay Maria". Galit na wika nito habang Hindi
mapakali. Agad niyang tinignan Ang litrato ni Maria na hawak niya.

3rd Person POV

Pagdating Ng magkakaibigan sa kanilang inuupahang Bahay agad nilang binuklat Ang folder.
Nalaman nila na isang graduating student si Maria sa panahong nag bigti ito. Nalaman nila na
may nagiisang Kapatid ito na nag alaga sa kaniya Buhat Ng namatay Ang kanilang magulang, ito
ay Si Matilda.

"Baka alam ni Matilda Ang dahilan Ng kaniyang pagkamatay?" Bigkas ni Luna sa namumuong
Tanong sa kaniyang isipan, agad naman itong sinangayunan ng mga kaibigan. "Nakalagay Dito
na nakatira sila noon sa Daisy Avenue Street, baka may mapagtanungan Tayo doon" wika ni
Clara habang binabasa Ang folder ni Maria.
"Bukas na Bukas pupunta Tayo Doon, ngayon kailangan Muna nating matulog maghahating-
gabi na" May bahid ng pagrereklamo Ang boses ni Lisa.

***

Habol Ang paghinga ni Luna Ng siya ay nagising. "Bes Luna, ayos kalang ba agad Ka kasing
napabalikwas Ng bangon diyan" naitanong ni Sabel dahil nagising din siya. "Napanaginipan ko
Si Maria, iyak Ng iyak at nanghingi Ng hustisya sa kaniyang pagkamatay" mabilis na sagot ni
Luna Kaya nag sitayuan Ang kaniyang mga kaibigan para maghanda upang makaalis Sila Ng
maaaga. Hindi pa kase nila alam saan hahanapin Si Matilda, ang Kapatid ni Maria.

****

Narating na nila Ang Daisy Avenue Street. Sa kanilang pagtatanong Nalaman nila na nasa
probinsya Ng Culambay Ang nag iisang Kapatid ni Maria. Kailangan nilang bumyahe pa Ng 3
Oras para marating Ang Culambay. Kaya agad Silang umalis patungo sa kinaroroonan nito.

KABANATA 10

3rd person POV

Pagdating nila sa probinsya, makikita mo talaga Ang masaganang pamumuhay Dito. Puno Ng
naglalakihang sakahan sa gilid ng daan.

Sa kanilang pagtatanong natunton nila Ang tirahan ni Matilda.

"Tao Po, tao Po, may tao ba diyan" Sigaw Ng magkaibigan Ng Makita na Nakasira Ang pintoan
nito. Agad naman itong bumukas pagkailang minuto.

"Sino Po Sila?" Tanong nito nang Makita Sila na Hindi pamilyar Ang mga mukha. "Galing pa Po
kami Ng Tungawan, may sadya kami sa inyo". "Sige magsipasok kayo, sobrang layo pa pala
Ang pinanggalingan niyo"

Agad naman Silang umupo sa kawayang gawa na upuan. Makikita nito na simple lang Ang
pamumuhay Ng mga tao Dito.

Hindi na Sila nagpaligoy ligoy pa at agad na nag Tanong. "May alam ba kayo sa dahilan Ng
pagkamatay ni Maria?" Biglang Tanong ni Ana. "Hindi namin alam kung bakit sumasanib siya
sa Kaibigan namin na Si Luna, Hanggang sa pagtulog nito napanaginipan niya Si Maria, baka
meron kayong alam nito at para malaman natin kung paano patahimikin. Ang kaniyang
kaluluwa" Dagdag pa ni Ana. Naawa rin Kasi ito sa Kaibigan.

Agad namang tumango SI Matilda at nagsimulang magkwento, "Dalawa nalang kaming


magkakapatid, maagang naulila sa magulang at Ako Ang tumayo bilang magulang niya.
Mabait na Bata Si Maria, matalino at masipag, lagi ko Nga siyang ipinagmalaki. Lagi niyang
inuuna Ang pag-aaral at kailan man Hindi siya nagkaka boyfriend. Hanggang isang Araw
nabigla Ako nang umuwi siya sa Bahay na iyak Ng iyak. Tinanong ko siya kung ano Ang
nangyari agad niyang sinabi na binagsak raw Sila Ng kanilang guro sa thesis. Noon paman
laging nagkekwento Si Maria tungkol sa isang guro dahil lagi raw itong may Galit sa kaniya sa
Hindi malamang dahilan. Nung Hindi siya nakapasa sa thesis labis Ang kaniyang
pagdaramdam, gabi-gabi itong umiyak. Hanggang isang Araw pumunta siya Ng Campus Hindi
na umuwi kahit gabing Gabi na Kaya agad ko itong pinuntahan, nakita ko nalang nakabitin ito
sa punong manga sa likod Ng silid-aralan nila."mahabang kwento nito.

"Nasabi niya Po ba Ang pangalan Ng guro?" Tanong nila. "Ahh oo, Si teacher Luiza Valdez
raw." Wika nito na may bahid ng Galit Ang boses.

KABANATA 11

3rd Person POV

"Kailangan nating makausap Si Maria upang malaman natin Ang gusto niya" wika ni Matilda
"Kailangan natin Ng albolaryo upang kumausap sa kaniyang kaluluwa"

"Paano natin makausap Si Maria?" Pagtatanong ni Lisa. "Diba Sabi niyo sumasanib siya sa
Kaibigan niyong Si Luna, Kaya kailangan natin Ng albolaryo upang kumausap Kay Maria na
pumasok sa katawan ni Luna" mahiwang litanya ni Matilda na sinangayunan naman ito Ng
magkakaibigan. Kailangan na nila itong tapusin upang matahimik na Si Maria.

"Dito Muna kayo Ako na Ang pupunta Kay Mang Ambo sa isang Albolaryo sa bayan namin,
kailangan nating magmadali upang Hindi na makagambala pa Ang kaluluwa Ng aking
Kapatid" At agaran na itong umalis pa.

Habang naghihintay Sila biglang napaisip Sila sa nangyari kagabi.

"Ibig sabihin Hindi nagkataon Ang pagpunta ni Teacher Luiza kagabi sa storage Room" Sabi ni
Clara at agad namang sinangayunan nila, "palagay ko may kutob na siya na hahanapin natin
Ang record ni Maria, upang Hindi malaman Ang tunay na dahilan Ng kaniyang pagkamatay,
base Kasi Doon sa article na nabasa natin, Ang nangibabaw na dahilan ay tungkol sa
hiwalayan Ng Boyfriend niya ngunit Sabi ni Matilda Wala itong boyfriend" dagdag na pahayag
ni Lisa sa sinabi ni Clara.

Ilang sandali pa ay dumating na Si Matilda Kasama Si Mang Ambo. Hindi na Sila nagpaligoy ligoy
pa at agad lumuwas papuntang Tungawan upang pagsapit Ng Gabi makakausap at matatapos
na Ang misteryo sa loob Ng Building 7 Room 13, ng Broad River University.

5 p.m nang narating nila Ang Tungawan, agad nilang pinuntahan Ang gurong Si Luiza dahil
kinailangan itong sumali sa ritual dahil siya ang puno't dulo Ng pangyayaring ito.

"Teacher Luiza! Teacher Luiza! Lumabas Ka diyan, Kailangan mong sumama sa amin ngayon
din" Sigaw Ng magkakaibigan habang katok Ng katok sa labas Ng pinto nito.

"Ano ba kailangan Ka lang sumama sa amin at magpaliwanag" pagpupumilit Ng kaibigan sa


guro. Hindi nag tagal lumabas ito at pumayag na sumama.

KABANATA 12

Ala siete Ng Gabi, nakahanda na Ang gagamiting kagamitan upang makausap Ng albolaryo Si
Maria. Agad Silang nag pa bilog at nakahiga Si Luna sa Gitna na may kandlang nakapalibot Dito.
Nang biglang lumakas Ang hangin at agad sinimulan ni Mang Ambo Ang Ritual.

Ilang minuto lang huminto Ang malakas na hangin. Gumalaw Ang kamay ni Luna at unti-unti
itong bumangon at umupo, makikita mo Ang kaibahan sa galaw ni Luna, naging Puti Ang
kaniyang mata at uniti unting umikot paharap Kay Teacher Luiza. Tatakbo na sana Si Teacher
Luiza dahil sa takot ngunit agad naman itong pinigilan ni Matilda. Agad namang lumakas Ang
buhos Ng hangin.

"Bakit!!!Bakit!!! Mo nagawa nito sa akin, ginawa ko Ang lahat para pumasa ngunit Anong
ginawa mo!!!!!" Malakas na Sigaw ni Maria na nasa loob Ng katawan ni Luna. Ang Sigaw ay
napalitan Ng hikbi at nagsalita itong muli "Gusto Kong malaman kung bakit may lihim Ka
nagalit sa akin, Kaya Hindi matahimik Ang aking kaluluwa dahil gusto ko malaman Ang
dahilan!!, Magsabi Ka Ng totoo Teacher Luiza" matigas na Sabi ni Maria. Agad naman
nagsituluan Ang luha ni teacher Luiza sabay bigkas "Sorry!! Patawarin mo/niyo Ako, sobrang
pagsisi Ang ginawa ko sa iyo Maria, Mabait Ka na Bata, matalino ngunit sa sobrang Galit ko sa
inyong Ina Kaya nagawa ko ito" bakas Ang gulat ni Matilda dahil Hindi niya akalain na kasali
pala Ang kaniyang magulang. "Magkaibigan kami noon Ng inyong Ina pareho kaming
nagkagusto sa isang lalaki ngunit isang Araw nalaman ko nalang na naging Sila na. Oo Ang
pareho naming nagustuhan ay Ang inyong Ama. Pinilit kung tanggapin na Wala na talagang
pag asa pero Hindi mawala sa isip ko na bakit Hindi nalng Ako" hagulhul nito dahil sa sakit na
naramdaman sa nakaraan. "Akala ko nakalimutan ko na Ang nakaraan Hanggang nalaman ko
na anak Ka Ng dati kong kaibigan, nabuhay muli Ang poot sa aking puso Kaya
napagbuntungan kita Ng Galit." Lahat tahimik na nakikinig, Hindi nila akalain na ito pala Ang
dahilan, dahil lamang sa pagibig naging bulag Ang isang tao.

"Patawarin niyo Ako, maawa kayo!!! Matilda! Maria! Patawad, matagal ko Ng pinagsisihan
Ang lahat, Hindi Ako makatulog, makapamuhay Ng maayos dahil sa konsensya. Maria!
Patawad Hindi ko sana ginawa sa iyo iyon, Hindi ko sana pinutol Ang pangarap mo, matagal
ko Ng pinag sisihan iyon" pagmamaka-awa nito na lumuhod. Makikita sa mga mata nito na
talagang nagsisi ito sa nagawang kasalanan.

Biglang ngumiti Si Maria sabay Sabi "Pinapatawad na kita, sana kalimutan na natin Ang
nakaraan. Gusto ko na rin magpahinga. Kaya sa inyong lahat na tumulong, Lalo na Kay Luna,
Maraming salamat. Kaya ngayon Unti unti ko Ng nakikita Ang liwanag at kailangan ko Ng
umalis, paalam sa inyo. Mahal na mahal kita aking Kapatid" pamamaalam nito at agad
nahimatay Si Luna.

"Pinapatawad na kita Luiza, alam kung nagawa mo lang iyon dahil sa pag-ibig. Kalimutan na
natin Ang nakaraan" wika ni Matilda sa guro.

3 months later

"Bes hali na kayo malapit na tayong malate sa klase natin" nagmamadaling Sabi ni Clara.
Mataas na kase Ang Araw nang magising Ang magkakaibigan. Agad naman Silang nagsitakbuhan
papuntang Building 7, Room 13 at nandoon na Ang kanilang guro. Agad naman humingi Sila Ng
tawad.

Agad naupo Si Luna sa gilid Ng bintana at napasilip sa punong manga, Hindi niya inaasahan na
makikita niya Si Maria na nakangiti at biglang umalis papalayo. Agad namang ngumiti Si Luna at
nakinig na sa guro.

Mula noon naging maayos na Ang paaralan, Wala Ng kababalaghan na nangyari at nasagot na
Ang misteryo sa likod nito.

WAKAS

You might also like