You are on page 1of 3

C COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Tungawan, External Campus

Name: Yap, Mechaguey C. Date of Submission: 08/29/2022


Date of Teaching: 09/02/2022

Course Instructor : Mr. Marionito Alacio Jr. Course/ Year/ Section: BEED II

Planong Aralin sa Filipino 103

I. Buod ng Paksa

 Layunin
a. mabatid ng mga mag-aaral ang ibig ipahiwatig ni Dr. Rizal sa kaniyang liham o
kung ano ang nilalaman ng kaniyang liham.
 Materyales
Visual aids, marker, manila paper.
 Sanggunian
Panitikan Book pahina 44-50

II. Introduksiyon

Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos nasinulat noog 1889, ipinahahayag ni Jose
Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng
karapatansa edukasyon. Isang di-karaniwang hakbang para sa maraming kababaihan sa
kanyang panahon. Ayon kay Rizal. namulat siya sa pananaw na ang kababaihang Pilipino ay
katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng bayan. Batay sa kanya, ang mithiin ng mga
kadalagahan ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan
ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na
pag-iisip. Bnibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan bilang dalaga at asawa sa
pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya ang
katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing Sparta bilang
huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang halimbawang ito upang
maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan. Bahagi rin ng liham ang
pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Diyos, upang matukoy ang
katotohanan at hindi maging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi kanais-nais na gawain ng
mga prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon. Ang payo ni Rizal
ay "mulatin ang mata ng anak sa pag-iiñgat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa
tinubuang bayan, at sa pagtupad ng ukol. Ulit-uuliting matamisin ang mapuring kamatayan sa
alipustang buhay".

III. Ang Katawan ng Paksang Iuulat

Ito ay isinulat ni Dr. Jose P. Rizal o Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Naisulat ito
noong Ika labingpito ng pebrero isanglibo walong daan at walumpot siyam. Nakasulat ito sa
wikang tagalog at isinulat niya ito sa London, England.

Dahilan kung bakit naisulat ang akda.

• dalawampung dalagang Pilipina sa Malolos, Bulacan na humiling ng “paaralang panggabi”


para sila makapag-aral ng salitang espanyol sa ilalim ng pagtuturo ni Teodoro Sandiko.
Nakarating ang balita kay Marcelo H. Del Pilar na kasalukuyang nasa Barcelona, at kanyang
sinulatan si Dr. Jose Rizal para humiling na makahingi ng mensahe na ipapamahagi niya dahil sa
katapangang nagawa ng mga kababaihan na taga-Malolos.

Mga Karakter sa akda

• 20 babae • Teodoro Sandiko

• Heneral Weyler • Felipe Garcia

• Marcelo H. Del Pilar • Señorita Guadalupe Reyes

3 kundisyon

Una, ang klase ay gaganapin sa umaga.

Ikalawa, babayaran ng mga babae ang kanilang aaralin at;

Ikatlo ay si Señorita Guadalupe Reyes ang magiging guro.

Layunin ng Liham

Iparating sa mga iba pang Pilipina ang kanilang kahalagahan sa bayan at mga responsibilidad
nila sa pamilya at iba.

Ayon sa kaniyang introduksiyon. “dala ng malabis na kabaitan, kababaan ng loob o


kamangmangan kaya: anaki;y mga lantang halaman, sibol at laki sa dilim; mamulaklak ma’y
walang bango, magbunga ma’y walang katas.”

Ngunit at ngayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako’y
namali, at tuwa ko’y labis. Di sukat ako sisihin, di ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban
sa isang Emilia, at ito pa’y isang ngalan lamang.

Ipinahayag ni Rizal ang kaniyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas ng mga ito sa
pagsulong ng karapatan sa edukasyon — isang di-karaniwang hakbang para sa maraming
kababaihan sa kaniyang panahon.
Binibigyang diin din ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan bilang dalaga at asawa. Kaugnay nito,
inilalarawan niya ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang
babaing esparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinayo ni Rizal na gamitin ang
halimbawang ito upang maktaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa bayan.

“Ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malaking kuwintas, libaging
kalmin, kundi ang mabuting asal, matuwid na loob, at matuwid na isip.”

Bahagi rin ng liham ang pagpapaalaala ni Rizal sa lahat na gamitin ang isipang kaloob ng Dios,
upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin ninuman. Pinupuna ang mga hindi
kanais nais na gawain ng mga prayle, gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay na huwad na
relihiyon. Ang payo ni Rizal ay mulatin ang anak sa pag-iingat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa
kapwa, tinubuang bayan, at sa pagtupad ng ukol. Ulit-uliting matamisin ang mapuring
kamatayan sa alipustang buhay.

IV. Gawain: PALAISIPAN

Panuto: Sagutan ang palaisipan.

PATAYO PAHALANG

(1) Ito ang kura na tumutol sa balak ng (2) Ang orihinal na balak gawing guro ng mga
dalawampung babae.
babae. OROETDO NDIKONSA
EILIFE RACGAI
(5) Ang naging guro ng mga babae.
(3) May akda ng sanaysay. OJES IRLAZ
DLUAPGUAPE SYEER
(4) Ang nagmungkahi kay Rizal na sulatan

ang dalawampung babae.

RMELOARC ELDARILP

You might also like