You are on page 1of 6

Independent Module No. 2.

KMEM RIZLIFE AC101

Mga Katanungan: 1.Ano ang nais na ipamalas ng liham?

Sa liham ni Dr. Jose P. Rizal na pinamatagang, Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos, ninanais niyang iparating ang kanyang paghanga sa katapangang ipinamalas ng mga babae sa probinsya ng Bulacan partikular na sa lungsod ng Malolos. Ang mga dilag sa bayan na ito ay nagsumite ng petisyon upang humingi ng permiso sa Gobernador Heneral na si Valeriano Weyler (na naglingkod mula 1888 1891) na sila ay mapagbigyan sa kanilang kahilingang makapagtayo ng paaralang panggabi, ito ay nagananap noong ika-12 ng Disyembre taong 1888. Ang paaralang kanilang nais ipabukas ay naglalayong magturo ng wikang Kastila sa ilalim ng pamamatnubay ni Ginoong Teodoro Sandiko. Hindi pinagbigyan ng Gobernador Heneral ang hiling ng mga kababaihan ng Malolos ngunit dahil sa pagpupumilit at pag-aapila ng mga ito, sa tulong na rin ni Doreteo Cortes at ni Guadalupe Reyes, nagbukas ang paaralan na nagtagal lamang ng iilang buwan. Ang pagbubukas ng eskwelahan ay may nakapaloob na mga kondisyon. Una, ang mga kababaihan ang magbabayad ng mga gastusin sa pagpapatayo at pamamahala nito sapagkat tumanggi ang gobyerno na pondohan ito; at ikalawa, ang magiging guro sa paaralang ito ay si Guadalupe Reyes sa halip na si Teodoro Sandiko. Kalakip din ng liham na ito ang ilang mga paalala na nais ipasok ni Rizal sa isip ng mailan ilan na siya naway may malaking maitulong sa ikauunlad, hindi lamang ng bayan, kundi ng atin ring mga sarili. Nagbigay rin si Rizal ng mga halimbawa at rason kung bakit siya dapat paniwalaan at ito ay nakatala sa pitong punlo. Naniniwala rin ako na nais ipamalas ni Rizal ang pagpapahalaga at pagpapasalamat sa nagging gawaing ng mga kababaihan sa Malolos. Maaring ito ay isang maliit na bagay lamang,

ngunit lagi nating tandaan na ang mga malilit na bagay, kapag pinag sama-sama, ay nakabubuo ng isang malaking hangarin at ideya. Maaring ito rin ay magsilbing inspirasyon sa nakararami na huwag magpa api at hayaang mayurak an gating dignidad lalo na sa mga nahahari-harian sa ating baying sinilangan. 2.Ano ang pananaw ni Rizal sa mga babae ng Malolos?

Nang isinulat ni Rizal ang liham, agad siyang nagbalik sa kanyang ala-ala sa kung ano ang pagkakakilala niya sa mga kababaihan partikular na sa mga Pilipina. Ginunita niya ang mga babaeng kanya ng nakasalamuha hindi lamang siguro sa Malolos o sa Bulacan, maaring sa buong Pilipinas din, o mula sa kanyang pagkabata. Sinabi niya na ang mga dalagang Pilipina (o ang mga kababaihan ng Pilipinas) ay may iisa lamang na larawan; tunay at labis ang matamis na loob, maganda ang kanilang mga pag uugali at may mabuting asal lalo na sa pagharap sa iba, binibi ang anyo at kagalang galang at, ang mahinhin na pagkilos. Ngunit, aniya, ang lahat na ito'y laguing nahahaluan g lubos na pagsuy at pagsunod sa balang sabi hiling nang naggagalang amang kalulua. Nais iparating ni Rizal sa kanyang isinulat sa kanyang liham, na sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan sa mga nagdi-diyos diyosan dito sa ating teritoryo sa kabila ng kanilang magagandang katangian. Subalit hindi na nagtagal ang pagtingin na iyon sa oras nang malaman niya ang aksyon na isinagawa ng mga babae ng Malolos. Naniniwala ang mga kababaihan ng Malolos sa kahalagan ng edukasyon para sa bawat isa at naglakas loob ang mga ito na ipaalam sa katas-taasan ang kanilang pananawagan at paniniwala. Hindi sila sumuko kahit na silay minsan nang tanggihan ng Gobernador Heneral. Muli silang gumawa ng paaran at nagtungo ng Maynila upang ipa-follow-up ang kanilang kahilingan, at hindi naman sila umuwing luhaan dahil nakuha nila ang pakikiisang damdamin ni (Spanish Minister of Colonies) Manuel Becerra. Dahil sa pangyayaring iyon, tumaas ang tingin ni Rizal sa mga kababaihan. Humanga ang manunulat sa katatagan ng loob at prinsipiyo ng mga ito at pinapalakas nito ang loob ng mga babae na ipagpatuloy ang kanilang hangarin. Naging kapansin-pansin ang pangyayaring ito sapagkat lubhang madalang ang mga ganitong uri ng insidente na nagpapakita ng angking katatagan at determinasyon ng mga kababaihang Pilipina. Ipit ang kilos ng mga kadalagahan

noon dahil sa rin sa ideya ng patriarchal system at ng mga standards na nakalaan at dapat sundin ayon na din sa simbahan. Mula doon, wala nang dapat iyuko ang mga babae sa Pilipinas.

3.Sino ang laman ng kritisimo ni Rizal?

Sa kanyang liham, tinuligsa ni Rizal ang kanyang mga napapansin sa mali at bulag na pagsunod sa simbahan (na siyang pinamamahalan ng mga prayle). Ayon sa kanya, isang kahangal at isang malaking pagkakamali ang maniwala na ang pagiging banal ay ang basta na lamang pag-sunod at pagsubaybay. Itinulad tayo ng Kataas-taasaang Kamahalan sa kanyang sariling imahe, pagkakagawa at pagkakatulad. Hindi niya kailanman ninais na tayo ay lokohin o gawing mga sunud-sunuran basta nino lamang. Ang kanyang tunay na hangarin ay gamitin natin sa ating ikabubuti at sa mabuting paraan ang mga talentong iginawad niya sa atin, lalo na ang ating kakayahang mag-isip nang kung ano ang tama sa mali. Ginusto niyang gamitin natin ang ilaw ng ating pag-iisip. Ang ilaw na ito ang siyang magsisilbing gabay sa pagtahak natin sa ibat ibang landas. Ngunit dapat pa rin tayong maging mapagmasid dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay mabuting ilaw ang gumabagay sa mga hakbang na tinatahak natin. Hindi tayo dapat basta basta na lamang sumunod sa ilaw ng iba, mas maigi nga kung tayo ay may kakayahang magsindi n gating sariling sulu. Isinulat at tinalakay din ni Jose Rizal ang bahaging gagampanan at ginagampanan ng mga kababaihan bilang mga ina o mga ilaw ng tahanan. Sila ang responsible sa pagpapalaki sa mga susunod na lahi ng ating lipi. Kinuwestiyon nya ang uri ng mga mamamayan na mabubuo kung ang ina na nagpalaki sa kanila ay walang alam kundi ang magdasal at mag nobena lamang. Ngunit ating tatandaan na hindi niya ito sinabi upang maliitin ang mga kababaihan partikular na ang mga ina, sinabi niya ito marahil upang paalalahanan ang mga ito sa kahalagahan ng papel na

kanilang ginagampanan sa buhay ng kanilang mga anak. Sinabi niya rin ito dahil alam niyang lubhang masunurin ang mga Pilipina at ang ugaling ito ay siyang dahilan kung bakit siya madaling mamanipula ng simbahan.

4.Bakit babae ng mga Malolos?

Simple lamang, mga babae ng Malolos ang sinulatan ni Rizal dahil dito nag-udyok ang katapangan na ipimalas ng mga kababaihan na hindi naman natin kakikita noon. Sila ang naglakas loob na kausapin ang Gobernador Heneral at ang iba pang opisyal sa lipunan upang sil ay mapagbigyan sa kanilang panawagan. Sa kanila nagsimula ang pagsusulong ng karapatan sa edukasyon na isang di-karaniwang hakbang para sa maraming kababaihan sa kanyang panahon. Naniniwala ako na kaya sinulatan sila ni Rizal ay dahil maaari silang maging mitsa, susi o magsilbing imspirasyon sa iba pang mga kababaihan sa ibang nayon nang sila rin ay magkaroon ng lakas ng lood at ng ideya na kailangan pahalagahan at bigyang pansin ang importansya ng pag-aaral o edukasyon.

5. Bigyan ng patibay o kontradiksyon ang awtentisidad ng liham mula kay Rizal? Naniniwala ako na si Rizal ang sumulat ng liham para sa mga kababaihan sa Malolos.

Unang patibay: Ayon sa ipineresentang sulat, ito ay nilikha ni Rizal sa Europa noong 1889. (Mga citation at kaukulang larawan mula sa internet)

http://joserizal.info/Writings/Other/malolos_tagalog.htm

Yahoo Groups - rizlife_ac101@yahoo.com *Attached with the Independent Study Module No. 2

http://www.joserizal.ph/tr36.html

IKALAWANG PATIBAY: Si Dr. Jose Rizal ay isang malaking taga-suporta ng edukasyon. Naniniwala siya na ito ay para sa lahat, lalo na sa mga indio. Naaalala niyo pa ba nang niyaya siya ni Pio Valenzuela upang makisama sa paghihimagsik? Tinanggihan niya ito dahil naniniwala siyang hindi pa handa ang mga Pilipino at kailangan pa ng mas mahabang paghahanda sa pamamagitan ng pagpasok sa eskwela. Mapapansin din natin na idinaan ni Rizal sa paggamit ng kanyang intelektwal na kakayahan (pluma at papael) sa paglaban sa mga mapang-abusong Kastila at hindi

niya forte ang paggamit ng dahas sa pagtuwid sa mali. Kaya naman, hindi nakapagtataka na hindi niya agad tutugunan ang aksyon ng mga kababaihan sa Malolos lalo nat malapit sa puso niya ang ginawa ng mga ito. At maaari na dahil sa kanila ay, maging matagumpay ang kanyang hangarin na makapag-aral ang mga indio.

You might also like