You are on page 1of 4

Letters to Women of Malolos

Ayon kay GAT Jose Rizal, “it is the duty of the mothers to teach
their children to prefer death with honor to life with dishonor” na
isa sa mga mahalagang punto na gustong mahikayat ni Rizal
kasama ang mga mensahe na sinulat nya sa mga kababaihan ng
Malolos. Nagsimula ito na maghikayat ang mga kababaihan ng
Malolos na magpatayo ng paaralan para sa hangaring
makapag-aral ng wikang Kastila na sa una, di ito pinahintulutan
ng mga prayle dahil labag sa batas na makapag-aral ng wikang
Kastila ang mga Indiyo. Pero di ito ang nagtigil sa kanila ito na
pinaglaban ang layunin hangga’t nakahanap ng pagkakataon ang
mga kababaihan na nakaabot yun panukala nila sa bagong
gobernador-heneral ng Pilipinas na si Valeriano Weyler na
pinayagan nya ang panukala na ito dahil sa layo rin nya na
mapalawak ang wikang Kastila sa Pilipinas. At ang balita na ito ay
napaabot kay Rizal na nagpahayag siya ng kanyang papuri at
paggalang sa katapangang ipinakita upang mapanukala ang
ninanais nila at naging halimbawa sila sa mga kababaihan ng
Pilipinas. Dahil sa kaganapang nangyari, namulat si Rizal sa
pananaw na ang kababaihang Pilipino ay parte ng pagpapabuti
ng ating bayan lalo ng ating mga nanay dahil sila rin naghuhugis
ng ugali ng ating mga kabataan na makakatulong sa iba’t ibang
tagumpay nila sa marangal na pamaraan di lang sa sarili nila pati
sa bayan natin. Binigyang-diin ni Rizal ang paglaki ng mga anak
ayon sa aral at imahe ng Diyos at pagkakaroon ng iba’t ibang
magagandang pag-uugali ng galing sa kanilang ina. Inilarawan ni
Rizal ang tungkulin at responsibilidad ng mga babae bilang mga
dalaga at mga asawa at ang kontribusyon nito sa pagiging
Pilipino natin at sa lipunan na kinahaharap ngayon. Isinalaysay rin
nito ang mga payo ni Rizal sa mga dalagang kababaihan sa
pagpili na mapapangasawa nila at mga ugali na kailangang
hanapin sa lalaki. At ipinahayag rin nya sa liham ang maling
paglaganap ng mga prayle sa salita ng Diyos na ginagamit nila ito
upang maipakita ang kanilang kapangyarihan at sa layunin nila na
magpayaman.

Sa personal ko na naranasan ko, meron ako dalawang babae sa


buhay ko (yun nanay ko at ang babaeng kapatid ko) na may iba’t
ibang responsibilidad sa bahay na ang nanay ko na sya ang
nagmamanage at nagtuturo ng tamang pag-uugali naat pagkilos
upang di kami kahiya-hiya sa ibang tao at mga aral na iyon ay
nakatulong sakin upang maging matibay ang loob ko at
pagbibigay ng respeto at halaga sa mga bagay-bagay na
makakatulong rin sakin sa hinaharap pag kakailanganin at ang
kapatid ko naman, nag-aaral ng sekundarya sa homeschool na
kung saan pantay-pantay ang kanilang karapatan sa mga
kalakihan na nakikilahok ang kapatid ko sa iba’t ibang paligsahan
lalo na sa isports at sining na napapakita ang kanyang kakayahan
sa iba’t ibang bagay lalo na sa katalinuhan na naging inspirasyon
ko para maging doktor na matustos ko ang tersiyaryo at mabigay
ng iba’t ibang kaalaman at karunungan sa mga bagay-bagay na
di pa nya alam sa buhay. Meron rin ako na nakasalubong ako
mga kababaihan sa aming paaralan na naghahanap-buhay at
nagtratrabaho sa mga call center upang matutos lang ang
kanilang pangangailangan kasama ang pambayad ng kanilang
matrikula at di sila dumedepende sa ibang tao kahit may mga
kasintahan sila. Sa mga nailarawan ko sa pang-araw-araw na
buhay ko, ipinapakita ni Rizal ang paghanga nya katapangan na
humarap sa iba’t ibang mga pagsubok at ang hangarin ng mga
kababaihan na makapag-aral upang makatulong di lang sa sarili
nila, pati sa magiging mga anak nila. At ang liham na ito ay
naging inspirasyon sakin upang matulungan ang bawat Pilipino sa
may sakit nila kahit anuman kasarian yan or kung may
kapansanan o wala basta’t mabigyan ng tamang lunas ang mga
pasyente kahit anong isyu o pagkakakilanlan nila sa buhay.

Sa kasalukuyang panahon, maraming kababaihan ang


nakikisabay sa daloy ng lipunan ngayon lalo na rin nakikisabay rin
sila sa karapatan ng mga kalalakihan ngayon. May mga
kababaihan na nagtratrabaho bilang mga security guard, jeepney
driver, at iba pa na tinatrabaho ng mga kalalakihan lalo na politiko
na may mga babaeng senador, congressman, bise-president at
presidente na lumalaban sa karapatan ng bawat tao dito sa
Pilipinas lalo sa mga kababaihan natin dito. Pangalawa, napansin
ko sa lipunan ngayon, marami ang nangangarap na mag-aral
ngayon pero kahirapan ang humahadlang nito katulad
paghadlang ng mga prayle sa pagtayo ng paaralan ng mga
kababaihan ng Malolos. Kaya may mga bata na nasa murang
edad ay napilitang magtrabaho para sa pamilya o para matustos
ang kanilang edukasyon at gagawin nila lahat upang makatapos
sa pag-aaral kahit umaga or gabi silang magtratrabaho na ang
kapalit nito ay makagraduate at makakuha ng magandang
trabaho na magbibigay ginhawa sa mga pagsubok na
nalampasan upang makuha ito. At pangatlo, ang simbahang
Katoliko ngayon ay nakasentro sa pamilya at pano mailalawak
ang salita ng Diyos sa bawat ng miyembro ng pamilya upang
makatulong ito sa sarili nila at maimpluwensya ito sa
pang-araw-araw na buhay at makatulong sa iba’t ibang pagsubok
ng pamilya nila pero meron pa rin ginagawa ito para lang sa pera
at kapangyarihan na nabawasan dahil sa mga liham ni Rizal at sa
reporma nais nya para sa mabuting paglaganap ng salita ng
Diyos sa mga mamamayang Pilipino.

Sa pagsaliksik ng lihim na ito, dito nabuo ang ideolohiyang


feminismo. Dahil sa katapangang ginawa ng mga kababaihan ng
Malolos, naging magandang halimbawa at modelo sa mga
kababaihan na tumulong sa kanila na ipaglaban ang kanilang
karapatan na pinagpatuloy sa mga susunod na henerasyon
upang mailaganap ang pagkapantay-pantay na karapatan sa mga
kababaihan. Pinili ang ideolohiya na ito dahil rin sa nais ni Rizal at
mga kababaihan ng Malolos na malayang makapag-aral at
makapagtrabaho kahit anong kasarian pa yan at malayang
magawa ang kanilang gusto na malayo sa tradisyonal na
pamamaraan ng mga kasarian nila. Kaya dapat ang liham na ito
ang magsilbing aral sa mga kababaihan upang tulungan nila ang
sarili at mapalawak ang kanilang kaisipan mula sa kinasasanayan
nila ayon sa kasarian nila

You might also like