You are on page 1of 16

"Ang Liham ni Dr.

Jose Rizal sa mga


Kadalagahan sa Malolos"
May-akda: Dr. Jose Rizal
Petsa: Pebrero, 1889

Lugar: Europa
BUOD NG LIHAM NG KABABAIHAN
SA MALOLOS
• Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng malolos na
sinulat noong 1889, ipinahahayag ni Jose Rizal ang
kanyang papuri at paggalang sa katapangan ipinamalas
ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon -
isang di-karaniwang hakbang sa maraming kababaihan
sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal, namulat sya sa
pananaw na ang kababaihang pilipino ay katuwang sa
layunn para sa ikagagaling ng bayan.
Kaugnay nito, inilalarawan nya ang
katangian ng kababaihan sa Europa at bilang
halimbawa ay pinakita ang babaeng Sparta
bilang huwaran ng pagiging mabuting ina.
Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang
halimbawang ito upang maitaguyod ang
isang anak na marangal at magtatanggol sa
bayan.
• Bahagi rin ng liham ang pagpapaala ni Rizal sa
lahat na gamitin ang isa pang kaloob ng Diyos,
Upang matukoy ang katotohanan at hindi maging
alipin ninuman. Pinupuna ang hindi kanais nais na
gawain ng mga prayle, gayundin ang pagiging
mulat ukoy sa tunay at huwad na Relihiyon.
Ang payo ni Rizal ay “ mulatin ang mata ng anak sa
pagiingat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapwa sa
tinubuang bayan, at sa pagtupad ng ukol. Ulit uliting
matamisin ang papuring kamatayan sa alipustang
buhay”.
Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuwid, ano
man ang mangyari. “ gawa at hindi salita ang hiling ko sa
inyo”, ani Cristo; “ hindi anak ni ama ang nagsasabing ulit
ulit Ama ko, Ama ko, kundi ang nabubuhay alin sunod sa
hiling ng aking ama”. Ang kabanala'y wala sa pulpul na
ilong at ang kahalili na sinasabi dito ni Rizal na dapat
magkaroon ng pagka pantay pantay ng mga babae at
lalaki noong panahon ng mga Kastila. Ipinakita din dito
ang katapangan ng mga kababaihan para isulong ang
edukasyon noon. Dahil ang mga babae noong panahon ng
kastila ay di kapantay ng mga kalalkihan noon.
Batay din kay Rizal, ang mithiin ng mga kababaihan ng
malolos para sa karunungan ay patunay ng pagkamulat sa
tunay na kahulugan ng kabanalan-kabanalang nakatuon
sa kabutihang asal, malinis na kalooban at matuwid na
pagiisip. Binibigyang diin ni Rizal ang tungkulin ng
kababaihan- bilang dalaga at asawa- sa pagbangon ng
kanilang dignidad at halaga sa lipunan.
• Ang liham na ito ay isinulat ni Rizal sa Tagalog, noong
siya ay naninirahan sa London, ayon sa kahilingan ni
M.H. Del Pilar. Ito ang istorya sa likod ng liham na ito
Noong December 12, 1888, may isang grupo ng binubuo ng 20
kababaihan sa Malolos na nag-petisyon kay gobernador-heneral
Weyler para sa pagpapahintulot ng magbukas ng “night school” nang
sa gayon ay makapag-aral sila ng wikang Kastila sa ilalim ni Teodoro
Sandiko. Tumutol sa petisyon na ito si Fr. Felipe Garcia, ngunit buong
loob pa rin na ipinagpatuloy ng 20 babae ang kanilang pagpetisyon. Sa
katapusan ay nagtagumpay sila na makuha ang pahintulot ng gobyerno
sa kanilang kahilingan sa kondisyon na si Senorita Guadalupe Reyes
ang kanilang magiging guro.
Naging kapansin-pansin ang pangyayaring ito sapagkat lubhang madalang ang
mga ganitong uri ng insidente na nagpapakita ng angking katatagan at
determinasyon ng mga kababaihang Pilipina. Isa na marahil sa mga dahilan kung
bakit hindi laganap ang pagpupumilit o pagiging agresibo ng mga kababaihan ay
sa mga itinalagang “norms o standards” ng simbahan kung paano maging isang
“babae” at ang papel nito sa lipunan, alinsunod din sa sistemang “patriarchal” na
isinulong ng mga Kastila. Dahil dito, nakita ni Del Pilar, na ang ginawang
pagpupursige ng mga kababaihan sa Malolos ay dapat magsilbing ehemplo at
inspirasyon hindi lamang sa mga kababaihan kundi sa buong bayan na rin. Agad
niya itong sinabi kay Rizal at nakiusap siyang magsulat ito ukol dito, kaya naman
noong Ika-22 ng Pebrero, 1889 naipadala na sa Malolos ang liham.
Mga Lumagda:
Mga kababaihang Lumagda:
• Alberta Ui Tangcoy Maria Tantoco
• Merced Tiongson Basilia Tantoco
• Feliciana Tiongson Leoncia Reyes
• Agapita Tiongson Olimpia Reyes
• Olimpia Tantoco Elisea Reyes
• Teresita Tantoco Aurea Tanchangco
• Basilica Tiongson Eugenia Tanchangco
• Paz Tiongson
Mga hindi naglagay ng apelyido:

• Selya
• Juana
• Filomena
• Anastacia
• Rejina
• Cecilia
Mayroong pitong bagay na binigyang linaw ni Rizal
bilang mga rason kung bakit dapat siya paniwalaan:
• Una: nagaganap lamang ang pagiging dominante ng iba kung ang
iba ay duwag at mapagpabaya.
• Ikalawa: Nagiging kahiyahiya ang isang tao ay kung siya ay
natatakot sa mga taong ikinakahiya siya.
• Ikatlo: ang pagiging ignorante ang siyang nagdudulot ng pagka-
alipin. Kung paano mag-isip ang tao, ay ganito rin ito. Ang
indibidwal kasi na hindi nag-iisip para sa kanyang sarili at
pumapayag na sumunod na lamang sa iba ay parang hayop na
kinokontrol lamang ng tali.
• Ikaapat: Ang taong nagmamahal sa kalayaan, ay dapat munang tumulong sa
kanyang kapwa sapagkat ang taong hindi tumatanggap ng proteksyong dala
ng ibang tao ay makikita sa huli na wala siya nito,tulad na lamang ng mga
walis tingting na nawala ang tali at naging magkakahiwalay.
• Ikalima: Kung hindi babaguhin ng mga Pilipina ang kanyang moda ng
pagkatao, dapat tumigil na ito sa pagpapalaki ng mga anak. Sapat na ang
manganak ito pero hindi na dapat ito magsilbing ilaw ng tahanan at
humubog ng mga anak sapagkat ipinagkakanulo nila nang hindi nalalaman
ang kanilang mga asawa, anak at ang bayan.
• Ikaanim: Lahat ng tao ay ipinanganak ng pantay-pantay. Hindi lumikha ang
Diyos ng nilalang na magiging alipin o di kaya’y binigyan tayo ng
katalinuhan upang magpaloko lamang. Hindi masama ang humanga sa
kapwa at higit na paunlarin ang kamalayan at katalinuhan, nagiging
masama lamang ito kung nagpapanggap na ito bilang Diyos at ginagamit ang
kapangyarihang iyon sa pang-aalipin ng ibang tao ubang sumunod ito sa mga
gusto nila na hindi naman tama at makatarungan.
• Ikapito: Dapat pag-isipang mabuti kung anong uri ng relihiyon ang tinuturo
nila. Maingat ninyong suriin kung ang nais ba ng Diyos ang mga
ipinapagawa nila pati na rin ang kanilang mga itinuturo.
Reporters:

Manansala, Nika S.
Bombio, Haira M.

Professor:

Mr. Garcia, Jafet S.

You might also like