You are on page 1of 2

Roblo, Lesther S.

November 28, 2023

BGT – AT 3A Thursday (8:30 am – 11:00 am)

Reflection Paper

Mga Kababaihang Dalaga sa Malolos

Assignment #4

Ang sanaysay na ito ay tumatalima sa mga kabataang kababaihan na nagpupunyagi


para maabot ang pangarap na makapag-aral ng wikang Espanyol. Bagamat mayroong mga
pagbabawasang naranasan, hindi sila nawalan ng pag-asa na isang araw, matutupad din ang
kanilang hangaring makamit ang edukasyon. Noong mga panahong iyon, hindi kinikilala
ang boses ng kababaihan sa lipunan, at lalo pang nadagdagan ng dikta ng Simbahan kung
ano ang mga akto ng babae ang tinatanggap at hindi. Ang pagkakataon na makapag-aral ng
wikang Espanyol ay isang malaking kagalakan para sa kanilang lahat.

Sa pamamagitan ng sanaysay na ito, ipinahayag ni Jose Rizal ang kanyang suporta


at paggalang sa tapang na ipinakita ng mga kababaihan sa kanilang pagtutol para sa
karapatan sa edukasyon. Ayon kay Rizal, napagtanto niya na ang mga kababaihang Pilipino
ay kaakibat sa layunin ng pagsusulong ng kabutihan para sa bayan. Aniya, ang hangarin ng
mga kabataang babae ng Malolos para sa karunungan ay patunay ng kanilang pagiging
mulat sa tunay na kabutihan - isang kabutihang nakatuon sa mabuting asal, mabilisang
isipan, at matuwid na pag-iisip. Binigyang diin ni Rizal ang papel ng kababaihan - bilang
dalaga at asawa - sa pagtataguyod ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Inilarawan
niya ang katangian ng babaeng Sparta bilang isang huwaran ng mabuting ina. Ipinayo ni
Rizal na gamitin ang halimbawang ito bilang inspirasyon para sa pagpapalaki ng isang anak
na may dangal at handang ipagtanggol ang bayan. Isinama rin ni Rizal sa sanaysay ang hindi
kanais-nais na gawain ng mga prayle at ang pangangailangan ng masusing pagsusuri sa
tunay at huwad na relihiyon. Pinapaalala rin ni Rizal sa lahat ang paggamit ng isipan na
ibinigay ng Diyos upang matukoy ang katotohanan at huwag maging alipin sa sinuman.
Sa sanaysay na ito, ipinakita ni Rizal ang kagitingan ng mga kababaihan. Sa
kasalukuyan, pantay na ang karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan. Nakikita natin
ang kanilang lakas sa iba't ibang larangan, tulad ng pagsasakay ng trisikel, jeep, at taxi, at
ang paglilingkod sa pulisya at militar. Pangalawa ay ang pangarap na makapag-aral, na
noon ay hadlangan ng mga prayle at ngayon ay dulot ng kahirapan. Ang lahat ng Pilipino ay
nangarap na makapagtapos ngunit hindi lahat ay may kakayahan dahil sa kahirapan.
Minsan, mas pinipili ng iba na magtrabaho na lang sa murang edad upang makatulong sa
pamilya kaysa mag-aral. Subalit, may mga kabataan pa rin na nagpapakita ng
determinasyon tulad ng mga kababaihan sa Malolos, na handang gawin ang lahat at hindi
nawawalan ng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Ipinakita rin ni Rizal ang iba't
ibang paraan ng pagsusumikap ng mga kabataan, tulad ng pagtatrabaho sa umaga at
pagsusunog ng kilay sa gabi para makapag-aral. May mga iskolar rin na pinapaaral ng iba't
ibang ahensya, pribado man o sa gobyerno, na nagbibigay ng mataas na grado at serbisyong
pampubliko pagkatapos ng kanilang pag-aaral.

You might also like