You are on page 1of 3

PRINCESS KYLA P.

DAP-OG BSED-FIL 3 04/24/2023

BUWAN NG PANITIKAN 2023 KUSINA NG TALINGHAGA


ANG SINING NG PAGKATHA: TARA NANG TUMULA

"Walang mang-aalipin kung walang nagpapaalipin." Ilang beses na sa aking


buhay narining ang mga katagang ito na nagmula sa batikang manunulat na si Dr.
Jose P. Rizal na muli kung nadinggan na winika ni Ginoong Pedro Jun Cruz Reyes.
Nais lamang ipahiwatig ng Ginoo na hindi tayo nararapat na manatili sa tanikala ng
nakaraang pagsulat sapagkat mayroon tayong kakayahan at kalayaan na maging
makabagong manunulat sa ating sariling pamamaraan na mayroong dignidad at
kalidad sa pagsulat. Ang webinar na ito ay nakapokus sa sining ng pagkatha at
pagsulat ng sariling tula. Unang inawit ang pambansang awit na sinundan naman ng
awit ng Kusina ng Talinghaga na may pamagat na “Pitumlibong Pulo” at tinapos sa
pamamagitan ng panalangin. Lahat ng mga nakilahok ay binigyang pagbati ng
pagtangganp ni Dr. Jovert R. Balunsay na isang Direktor ng Sentro ng Wika at
Kultura sa Catanduanes State University. Pagkatapos ay ipinakilala naman ni
Propesor Mary Jane C. Tambes mula Unibersidad ng Antique ang naging unang
tagapanayam.

Ang unang tagapanayam ay walang iba kundi si Propesor Jun Cruz Reyes na
isang nagkamit ng Gawad Alagad ni Balagtas 2022. Ang kanyang talakayan ay
nakapokus sa pagbubuo ng pambansang Naratibo. Ika ni Reyes, ang aklat ni Rizal
na Husesus ay naglalaman ng footnote ni Rizal na nagsasabing hindi sugarol ang
mga Pilipino, hindi tamad ang mga Pilipino subalit lahat ay nagbago sa pagdating ng
bagong impluwensiya mula sa kolonisasyon. Ito ay nananatiling talakayan sa
ngayong panahok. Ika nga ni Bonifacio sa kanyang libro na may pamagat na “Ang
dapat mabatid ng mga katagalugan” Mayroong uri ng tao na Primares at mayroon
ring Insulares na ipinanganak sa Pilipino. Ang mga Pilipino ay hindi pumayag na
tawagin na lamang na mga Indio na isa rin sa Interrogatory na diskusyon sa mga
nakalipas na taon. Indio ang tawag sa mga Pilipino sapagkat inakala ng mga ito na
tayo ay bahagi ng India. Mayroong dalawang bagay na dapat mabatid ng mga
katagalugan, ikalawa na rito ay ang ideyang binubuhay tayo ng katutubo kaya’t
tamad ang mga Pilipino. Subalit ano nga ba ang Pilipinas kapag ito ay naging
malaya? Kung babalikan ang mga paghihimagsik sa hindi makaturangan lipunan na
ating ginagalawan, nagkaroon ng isyu tulad ng pagtuturing sa mga kababaihan na
pambahay lamang. Naitalakay din ang mga akda nina Aurelio Tolentino sa kanyang
“Kahapon, Ngayon at Bukas”, Gregorio del Pilar na “Ang sagot ng Espanya sa Hibik
ng Pilipinas” at ang akda ni Andres Bonifacio na “Katapusang Hibik ng Pilipinas sa
Espanya”. Naitalakay din ang ukol sa Pambansang Panitikan at binigyan pokus ang
distribusyon ng mga akda mula doon at sa ibayong mga bundok. Binigyang-tuon din
sa talakayang ito na ang bawat rehiyon sa Pilipinas ay may mga nakatago at
inihandang mga akda. Lahat ng panitikan mula sa Rehiyon ay bumubuo ng identidad
mula sa pinaka-ugat ng ating kultura. Kung ating titingnan sa Maynila ay
kasalukuyang dumaranas ang mga tao ng tinatawag na Dystopia sapagkat hindi
matanggap ng mga tao ang ganitong sistema sa paggamit ng wika. Ang mga
kawikaan na ginagamit sa mga akda ay nagpapahiwatig ng karanasan o di kaya’y
mga realisasyon ng manunulat. Malalaman din kung ano ang umuusbong na
ideolohiya at katotohanan kung sisisirin ang mga akda. Gaya na lamang ng akda ni
Garcia Martes na kinwento ang sariling buhay at dito nahinuha ang kamalayang
Latin American.

Subalit bakit nga pa mahalaga ito? Sa muling pagpasok ng katanungan ay


ang muling pagtalakayang sa iba’t ibang alokasyon. Una na rito ang akda ni Rizal na
gumamit ng kolokyal o mas kilala bilang tienda-espanyol at nakitaan ng Identidad ni
Rizal. Kung ating titingnan sa Noli Me Tangere at El Filibustersimo, ang mga
kababaihan ay loka-loka. Halimbawa na rito ay ang pagkabaliw ni Sisa samantalang
ang kalalakihan naman ay isinadyang ipakita na duwag ang mga ito. Sa mga
panahong yaon ay hindi pa tayo handang lumaya sa tanikala. Naisabi din ang
proyektong pambansa ni Rinzal na Dekolonisasyon. Dito naman papasok ang Post-
collonial Discourse kung saan papasok na malakas ang retelling ang mga chronicles
tulad nina Blair at Robertson ay nagsi-usbong.

Sa panahon naman ng Kastila ay binigyang pokus ang kwento ng pag-ibig


subalit may nakatagong mga totoong problema sa likod ng bawat salita. Merong
kwento sa hindi nakwekwento. Ang mga katagang “Ang Pilipinas ay pinaliligidad ng
dagat ngunit bakit wala tayong asin.” Nais lamang ipahiwatig na mayroong problema
at kinakailangan na makabuo tayo ng Identidad. Ito ay binigyang-reaksyon ni Dr. Lita
A. Bacalla na isang Direktor ng Sentro ng Wikat at Kultura mula sa Cebu Normal
University. Naipunto na nararapat mayroong pagbabatayan ang akda at hindi dapat
gawa ng gawa. Subalit ang tanong ay paano tayo magkakaintindihan? Ang kastila
ang bumuo ng ideyang magkahiwa-hiwalay ang mga pangkat sa Pilipinas. Naipunto
din sa tanong Abet Umil ang tungkol sa Nativist na tumutukoy sa paghahanap sa ng
Golden Age na isang sagisag ng insekyuridad sapagkat lahat ng sibilisasyon ay
nagbabago. Mula sa pananakop hanggang sa paglaban ni Rizal hanggang sa
pagpasok ng mga Katipunero . Dito naman papasok ang ideyang Austonesian na
nagpapakita ng paggalang sa mga babae at matatanda.

Ang tagapanayam sa ikalawang talakayan ay si Rebecca T. Amonuevo na


isang Premyadong Makata/Manunulat. Sa kanyang pagtatalakay ay isinaad na may
katahimikan sa mga salita, importante na may malalim na kaalaman ang nais ng
magsusulat at nararapat na alamin kung ano ang isusulat. Bagamat karaniwang
karaniwan ang mga salitang naririnig ay pagkabukas ng pinto ay mag-iiba ito.
Sinundan ito ng isang reaktor ay pamukaw sigla mula sa UA at SPC. Pagkatapos ay
nagbigay ng anunsyo si Ginoong William P. Nucasa na magpasa ng mga akda sa
ganap na alas dos ng hapon.

Ang ikalawang bahagi ng webinar ay ang pagkritik sa mga akda. Ang mga
unang nakritik ay kina Hemeno Abad na pinamagatang “Ang pagtula...”, kay Jesan
Antinero na “Multo ng ‘Di-tao”, kay Judith Roseti na “Yapos ng Silid” at marami pang
iba.

You might also like