You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Commission on Higher Education


Polytechnic University of the Philippines
Santa Rosa, Laguna

MIDTERM SA MALAYUNING KOMUNIKASYON


Pangalan: BALUSERO, Jerome Erik R. Iskor:
Kurso/Seksyon: BSA 1-1 Guro: Sir. Marion Laguerta

Midterm sa Buhay, Mga Gawain at Sinulat ni Rizal


Pangkalahatang Panuto: Mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng pangongopya o pandaraya sa
pasulit na ito. Ang pagsusulit na ito ay sasagutan lamang sa loob ng 2 hrs magsisimula ng 9:30 at matatapos
ng 11:30 ng umaga sa bawat tugon dapat nagtataglay ito ng basehan o basis na magpapatunay ng
kawastuhan at bigat ng kasagutan na batay sa inilahad na patunay. 10pts bawat isa. Bibigyan lang kau ng ng
10 minutong dagdag sa itinakdang oras ng pagpapasa. Ang inyong guro ay nakamonitor sa oras ng
pagpapasa.

1. Talakayin ang Batas Republika 1425. Ilahad ang mahahalagang puntos

Noong Hunyo 12, 1956 ay ipinagtibay ang Batas Republika 14425 ay tinawag na Batas Rizal. At ito ay naisabatas
agad noong Agosto 16, 1956 sa pangunguna ni Senador Jose P. Laurel. Ang Batas Republika 1425 o kilala bilang Rizal Law
ay minamandato na ang lahat ng mga edukasyonal na institusyon sa Pilipinas ay kailangan magturo ng kursong Rizal. Sa
SB 438 ay sinasabi na ang pagbabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay gagawing “compulsory” sa lahat ng
pampubliko at pampribadong kolehiyo at unibersidad. Sinasabi nga na ang buhay at akda ni Rizal ay makapagmumulat
ng mga isip ng mga kabataan. Hindi laman ito babasahin para sa mga marka o grado; itong pag-aaral nito ay
makakatulong sa pagpapausbong ng ating pagiging makabayan. Ayon nga ito sa sinasabi ni Senador Recto na ito ay
upang buhayin ang nasyunalismo ng mga Pilipino. Magsisilbi ding aral ang buhay at akda ng ating bayani sa paglinang at
paglago ng ating pagkatao at maging isa ring inspirasyon tulad ng pinag-aaralan nating bayani. Marami nga ang
bumatikos sa Rizal Law lalo na ang mga katoliko dahil sa mamumulat ang mga katoliko sa kung ano ang ginawa ng mga
prayle noong panahon ni Rizal.

2. Ibigay ang tatlong (3) teknikal na katuturan ng Bayani. Magbigay ng halimbawa sa buhay ni Rizal na aayon sa bawat
katuturan.

Ang tatlong tekninak na katuturan ng Bayani nating si Rizal ay 1)Mapagmahal sa bayan o Makabayan. 2)
Mayroong paninindigan sa ipinaglalaban 3) Mahusay at matalino. Lahat ng katangiang ito ay masasabi nating makikita sa
ating bayani na si Rizal. Una, mapagmahal sa bayan, bata pa lamang si Rizal ay nabuksan na ang kanyang isipan sa
pagmamahal sa bayan kung saan kanyang naisulat ang “Isang Alaala Ng Aking Bayan”. Sa tulang “Sa Aking Mga Kabata”
ay masasabi rin nating mayroong pag-ibig sa sariling wika si Rizal na kakikitaan ng pagiging makabayan. Pangalawa,
mayroon siyang paninindigan sa kanyang ipinaglalaban, dahil halos lahat ng kilala niyang mga akda ay tungkol sa
pagmamahal sa sarili nitong wika; kanya nga ring patuloy na sinasabi na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan kung
saan kanyang pilit na minumulat ang mga isipan di lamang ng mga Pilipino kundi pati na rin ang mga kabataan. Pangatlo,
Mahusay at matalino, masasabi rin nating si Rizal ay isang mahusay at matalinong tao, siya ay isang estudyante na
mayroong “Straight E” noong kolehiyo ngunit ito ay nawala nang siya ay nalipat sa UST dahil hindi maganda ang turo
dito, ngunit nagpakita naman siya ng kanyang husay sa ibang larangan tulad ng pagsusulat ng mga tula at ang kanyang
paguukit ng mga imahen. Kakikitaan rin ng husay at talino si Dr. Jose Rizal base sa mga akdang kanyang sinulat.

3. Talakayin ang mga kaganapan sa mundo at Pilipinas sa ika-19 th daantaon.

Maraming pagbabago ang naganap sa mundo at Pilipinas noong ika-19 dantaon, sa panlipunan, pampolitika,
pang-ekonomiko, at pangkultura. Sa panlipunan ay maraming mga paaralan ang naitayo kung kaya't marami na ang
nakakapag-aral, dito rin itinuro ang mga kultura at lengguwahe ng mga Kastila. Dumami nga rin ang mga dayuhan at mga
mestizo sa Pilipinas kung saan nagbago ang social pyramid at nagkaroon ng middle class o clase media. Sa dakong
pampolitika ay kakikitaan ang paglaganap ng liberalism sa Pilipinas; ang pamahalaan ay naging pamahalaang
sentralisado kung saan ang gobernadora-heneral ang pinakamataas na opisyal. Ang mga cabeza de barangay rin ang mga
naniningil ng mga buwis ng mamamayan. Sa pang-ekonomiya naman ay lumaki ang oportunidad ng mga katutubong
Pilipino sa kalakalan nang buksan ng Espanya ang pandaigdigang kalakalan nito sa bansa kung kaya’t dumami ang mga
daungang nabuksan kung kaya’t maraming katutubong Pilipino ang yumaman mula sa agrikultura at marami sa kanila
ang nakapag-aral sa Maynila. Nagbago rin ang sistemang pang-ekonomiko na umiiral sa kolonya dahil kay Jose Basco Y
Vargas na kanyang ginamit ang Plan General Economico kugn saan mayroon tayong direktang ugnayan sa kalakalan. Ang
monocropping rin ay isinagawa sa bansa kung saan may ispesipikong tinatanim sa iba’t ibang rehiyon o lugar. Panghuli
ay ang pangkultura kung saan umusbong ang relihiyon paniniwala natin kung saan Kristiyanismo ang naging relihiyon
noon. Natuto tayong pumunta ng mga simbahan. Maraming akda ang naging tungkol sa relihiyon at dumami ang mga
superstitious beliefs; mga kinagawian ay dumami rin tulad nalang ng "mañana habit".

4. Ipaliwanag ang konsepto ng bayani at heroe. Magbigay ng halimbawa.

Ang pagiging bayani ay hindi laman ang pagtulong sa ating kapwa kundi pati ang pagmamahal at pagtulong sa
kanyang kinalakihan. Sinasabi nga sa aking mga nabasa at nalakap na impormasyon ay ito ay isang taong ilalagay sa
alanganin ang kanyang buhay para mabago ang kalagayan ng bansa at. Kung ating ibabatay ito sa ating Pambansang
Bayani ay masasabi nating hindi laman siya tumulong sa kanyang kapwa kundi pari na rin sa pagbabago ng bansa. Siya
nga ay isang repormista kung saan gusto niya ng pagbabago gamit ang kanyang mga sulatin. Ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ang kanyang naging panlaban sa pananakop ng Espanyol kung saan ilang beses siyang ipinadampot at sa
kalauna’y binaril.

5. Sa iyong palagay si Rizal ba ay separista o isang repormista. Magbigay ng patunay

Batay sa mga depinisyon nito ay masasabi kong si Rizal ay isang repormista. Ang repormista ay ang mga tao na
gusto ng pagbabago gamit ang mga kasulatan kung saan si Rizal nga ay isa sa mga lider ng Propaganda. Kung saan sa
Propaganda ay ginusto nilang maging pantay ang pagtingin sa Pilipino at mga Espanyol dahil mayroon ring karapatan ang
mga Pilipino sa sarili nitong bansa. Ang La Solidaridad nga ang naging pahayagan nito kung saan dito sila nagsusulat ng
mga gusto nilang pagbabago o reporma sa bansa. Ito rin ay upang manghikayat na gamitin nila ang Propaganda
Movement upang makawala sa kolonya ng Espanya.

6. Batay sa mga sulatin ni Rizal, talakayin at ipaliwanag ang pananaw ng mga bayani sa mga sumusunod na konsepto:
(20pts.)

a. bansa – Sa halos lahat ng akda ni Rizal ay kanyang binabanggit o isinasama ang Inang Bayan. Bata pa lamang siya ay
sumulat na agad siya ng isang tula na may adhikain ukol sa wika, na ang pagmamahal sa sariling wika. Dito rin nakasulat
ang tanyag na linya na “ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda”; si Rizal ay kakikitaan
na ng nasyunalismo sa batang edad. Sa kanyang akdang Noli Me Tangere ay ipinakita sa pabalat nito ang bahagi ng
manuskrito ng paghahandog ni Rizal kung saan nakasulat ang Berlin rito; sinasabi nga na mayroon siyang layunin na
ipaalam sa kaniyang mga mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas. Sinabi
niya ito mismo sa kanyang kaibigan na si Bluementritt. Masasabing hindi lamang negatibo ang mga akda ni Rizal ukol sa
bansa, sinasabi niya rin na malaki ang oportunidad dito kung atin lamang itong papayabungin.

b. relihiyon – Batay sa akda ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay kanyang iniinsulto ang mga prayle
dahil sa pamamalakad nito. Sinasabi niya na hindi makatarungan ang mga ginagawa ng mga nakatataas kung kaya’t siya
ay gumamit ng mga simbolismo sa mga pari sa nobela; tulad na nga ni Padre Damaso na inilarawan niyang mataba dahil
may mga paring sakim sa pera at maluho. Bagaman malaki ang galit niya sa kaparian ay siya parin ay relihiyosong tao
dahil sa impluwensiya ng kanyang nanay sa si Teodora kung saan tinuruan siya ng mga dasal. Naging parte rin si Rizal ng
isang organisasyong relihiyoso. Siya rin ay umukit ng iilang mga imahen tulad ng Sagradong Puso ni Hesus.

c. edukasyon – Isa sa kanyang naisulat na akda ay ang “Education Gives Luster to Motherland” kung saan ang tula ay
kinapapalooban ng impostansya ng edukasyon sa buhay ng isang tao hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa
bayan. Sinasabi nga rin dito na ang edukasyon ay makakapag-usbong ng mga karakteridad na gugustuhin mo ng
kapayapaan, ekwalidad, pagbabago, at kalayaan. Kung saan mapapatunayan natin na malaki nga ang panata ni Rizal sa
edukasyon dahil marami siyang natapos na kurso hindi lamang para sa kanyang sarili at pamilya, kundi pati na rin sa
pagbabago sa bayan.

d. pamahalaan – Simula nang pagbitay sa tatlong paring Gomez, Burgos, at Zamora o kilala sa tawag na GomBurZa ay
talagang naapektuhan si Rizal at namulat siya sa maling pamamalakad ng pamahalaan. Bata pa lamang si Rizal ay
nasaksihan niya na ang pagtapak ng mga karapatan sa lipunan ng mga nakatataas. Kung saan Nakita ni Rizal na kailangan
nga ng pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila at kanyang ginusto ang reporma.
e. hustisyang panlipunan - Sa akda naman ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay pinapakita niya nga rito ang
maraming karakter na hindi nabigyan ng hustisya tulad ng nangyari kay Sisa kung saan ito ay nabaliw dahil sa mga
ginawa ng mga Kastila noon. Ipinakita nga ni Rizal kung gaano tayo inaalipusta ng mga Kastila dahil kanya ring naranasan
ang hindi makatarungang pamamalakad nito nang siya ay nag-aral sa UST. Hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang
pamamalagi doon kahit na siya ay mahusay at matalinong tao. Malaki nga ang naging galit ni Rizal sa pamamahala ng
kolonya ng Espanya dahil siya rin ay isa sa naging lider ng Propaganda kung saan sa La Solidaridad ay humihingi sila ng
reporma tungkol sa mga nakatataas.

You might also like