You are on page 1of 38

JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L.

CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer
should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may
write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the
paper and your course, year and section below it while the name of your professors should be
indicated in the upper right.

1. Do you think that the passage of the Rizal bills into a law warranted the objectives that
the sponsors conceived in 1956? Explain your answer.
Ang Rizal Bill ay isinulat ng dalawang senador na sina Jose P. Laurel at Claro M.
Recto sa kadahilanang nais nilang makamtan at maisabuhay ang nasyonalismo at
pagiging makabayan ng mga kabataan sa Pilipinas. Ang panukalang-batas na ito ay
naisulong upang mabigyan ng edukasyon ang mga mag-aaral tungkol sa buhay ni Jose
Rizal at mga naisulat nitong tula, isama pa rito ang pag-aaral at pag-unawa sa sikat
niyang nobela na tumatalakay sa isyung panlipunan sa kamay ng mga Espanyol na Noli
Me Tangere at El Filibusterismo, ito ay sinasabing pinakamabisang ugat ng
nasyonalismo. Hindi maitatangging ang bayaning si Jose Rizal ay nagpakita ng ganitong
mga katangian kung kaya't ang akdang isinulat nina Sen. Jose P. Laurel at Sen. Claro
M. Recto ay naisakatuparan. Ang hangarin ng batas na ito ay mabuti ngunit ang
pagpapatupad sa mga paaralan ay hindi angkop at sinasabing naging sapilitan na lang,
idagdag pa rito ang relihiyong impluwensya ng mga dayuhan.
Taong 1956, ika-12 ng Hunyo ay pinirmahan ng pangulong si Ramon Magsaysay
ang Rizal Bill, ito ay naging isang ganap na batas at kinilala bilang Republic Act 1425 o
Rizal Law. Mula sa mababang paaralan hanggang kolehiyo ay maisasama na sa mga
asignatura, partikular ang asignaturang Filipino, ang pagtuturo sa buhay at mga nagawa
ni Rizal. Noong naisakatuparan ang batas na ito, ang Pilipinas ay umaasa pa rin sa
kamay at tulong ng mga Amerikano. Nagkaroon rin ng malakihang gulo laban sa mga
Pilipinong nais maisakatuparan ang kalayaan mula sa kamay ng mga Amerikano at
gobyernong nakatali pa rin sa dayuhan. Kung kaya't hindi maipagkakaila na ito ay
agarang naisabatas upang mapahinto ang kaguluhan at maipakita ng pamahalaan na
mayroong batas na magpapalawak sa matinding hangarin na kalayaan at nasyonalismo.
Upang hindi magaya sa nakaraang kasaysayan na naging alipin at sunod-sunuran sa
mga dayuhan ang mga Pilipino, naging malakas ang pinanghahawakan ng batas na ito.
Ngunit, mayroon ding nagkontra sa pagpapalawig nito sa bansa. Ang senador na sina
Francisco Rodrigo at Decoroso Rosales, bukas loob nilang pinakinggan ang panig ng
simbahang katoliko ukol sa aspetong relihiyon ng batas na ito sa pangunguna ng padre
na si Jesus Cavanna. Kanilang ipinaglaban na mababahiran ng masamang pagkilala at
hindi paggalang sa simbahan ang mga nakasaad sa mga akda ni Rizal na maaaring
maging dahilan upang magrebelde ang mga kCavanna laban dito.
Ang paggamit ng edukasyon upang mailayag ang hangaring pangmakabansa ay
naging susi upang makamtan ang nararapat na mahuli nito—ang pagiging makabayan
ng mga Pilipino. Ang batas na ito ay naging tulay upang mabuksan ang kamalayan ng
mamamayan sa bansa at pagbibigay halaga sa mga bayaning ibinuwis ang kanilang
buhay. Hindi man nila sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan at hangaring
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

maipagtanggol ang bayan mula sa mga dayuhan ay isang napakalaking tagumpay.


Hindi lang iigting ang nasyonalismo, bagkus magkakaroon din ng kaalaman ang mga tao
tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang pag-aaral ng kanilang mga buhay, pagbabasa
ng mga akda at pagtangkilik sa mga nagawa ng mga bayani ang tanging maibabalik
natin sa kanilang pagsasakripisyo para sa bansa. Ika nga nila, "Hindi tayo Pilipino kung
nasa kamay ng mga dayuhan ang bansang ito."

2. Do you think that the objectives were attained thereafter and that their attainment
resonated until the present? Expound your answer.
Ang pangunahing layunin ng nagpalaganap ng Rizal Law ay mapatatag at
maisabuhay ang nasyonalismo at patriyotismo ng mga Pilipino sa bansa kung kaya’t
ipinalaganap ang batas na ito sa mga paaralan dahil mga kabataan ang dapat na
maunang magkaroon ng kamalayan at paghinuha sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
pakay nito ay hindi malinaw na nailatag sa mga paaralan sa kadahilanang mayroon pa
ring bahid ng kolonyalismong pag-iisip ang mga Pilipino. Isama pa rito ang malaking
bilang ng mga mamamayan na hindi pinapalad makatuntong sa mga eskuwelahan.
Nang mapirmahan ng dating pangulong si Ramon Magsaysay ang Rizal Law o kilala
bilang Republic Act 1425 at ito ay naging ganap na batas, ang pagsulong nito sa bansa
ay tila minadali. Basta na lamang itinapal sa isyung panlipunan para makamtan ang
sinasabing kapayapaan laban sa mga Pilipinong hindi sang-ayon sa ginagawang
pagkontrol ng mga Amerikano. Dito ay maipapasok ang usaping kolonyalismo na
nagpapahiwatig na hanggang sa kasalukuyan ay hindi maisakatutuparan ang layunin ng
Rizal Law.
Isa pa sa mga dahilan kung bakit ito ay naging malabo, higit na nananaig ang
paggamit ng Wikang Ingles sa paaralan. Sa aming asignaturang Readings in Philippine
History, mayroong binigay na babasahin ang aming propesor na galing kay Bonifacio
Sibayan at Renato Constantino. Sa librong isinulat ni Sibayan, ang tono ng kanyang
pagsasalaysay ay pagsuporta sa paraan ng pagtuturo ng mga Amerikano. Samantalang
ang sanaysay na ibinahagi naman ni Constantino na mayroong pamagat na
Miseducation of the Filipinos, ang kanyang saloobin ukol sa edukasyon ng mga
Amerikano na itinuturo sa Pilipinas ay hindi makatarungnan at hinahaluan ng panlalason
sa utak ng mga Pilipino. Ito ay nangangahulugan lamang na may halong kolonyalismong
pag-iisip na ang utak ng mga Pilipino.
Maraming kahinaan ang batas na ito, maraming butas ang hindi napunan at hindi
nito mapipilit ang kabataan na diktahan ang kanilang nasa looban. Kung susuriing
mabuti ang naging bunga ng Rizal Law sa buong bansa, sa aking pananaw, ang
pagpapatupad nito ay hindi lubos na nakamit. Ang pagkakaroon ng ganitong batas ay
hindi mahalaga sa mga taong walang paninindigan. Ang paninindigan ng mga Pilipino sa
kanilang bansa ay hindi dapat sinasabi o tinuturo. Hindi ito natututunan sa paaralan dahil
isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi ito naisakatuparan ay ang maling edukasyon.
Kung hihimayin ang kasaysayan, katulad na lamang ng pagtuturo sa mga nasabing
kaganapan bago ipanganak at pagkatapos mamatay ni Rizal, ay higit nitong mahihinuha
ang puso ng mamamayan ngunit hindi lamang si Rizal ang bayani ng bansa, maraming
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

tao na hindi kilala ng karamihan ang nagbuwis ng buhay para sa kabutihan ng bansa
ngunit ito ay hindi naituturo sa paaralan. Kung titingnan sa kasalukyan, ang
nasyonalismo at patriyotismo sa bansa ay nagsisilab. At marahil ay sa isang punto,
nakamit talaga ng batas na ito ang kanyang layunin, ito ay ang pagiging bukas ng isipan
ng mga Pilipino. Isang halimbawa na rito ang nalalapit na eleksyon, ang mga tao ay may
kanya-kanyang desisyon para sa nararapat na pangulo. Ang iilan dito ay may halong
kolonyal na kaisipan, ngunit marami pa rin ang naghahangad ng kabutihan ng bansa.
Dahil sa kolonyalismo, mayroong Pilipino ang hindi tumatangkilik sa reyalidad at mga
impormasyong galing sa masusing pag-aaral bagkus, sila ay kuntento sa mga haka-
haka na lamang. Si Rizal ay mayroong paninindigan, kabutihang loob, katalinuhan,
pagmamahal sa bayan at marahil ay nakagagalak mabasa ang kanyang mga nagawa at
kwento ng kanyang buhay na dapat lamang ay itinuturo sa mga paaralan ngunit dapat
ring isama ang ilang bayani na nagpamalas ng kagitingan.

Assessment 2

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer
should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may
write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the
paper and your course, year and section below it while the name of your professors should be
indicated in the upper right.

1. Develop your own list of historical figures that you consider to be national heroes.
Justify your chosen list and recommend which historical figures may or may not fall
within the criteria set by the National Heroes Commission.
Kapag narinig ng mga Pilipino ang salitang bayani, unang pumapasok sa
kanilang isipan ay si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio na kilalang kilala bilang mga
magigiting at matatalinong mga pinuno. Hindi biro ang kanilang napagdaanan lalo pa’t
dayuhan ang kanilang kalaban upang maipagtanggol ang bansa. Mayroon ding kapwa
Pilipino ang kumaliwa sa kanila at hindi isiniwalat ang mga plano sa mga dayuhan.
Subalit, ano nga ba ang bayani? Bakit ito ang itinawag sa mga taong nagbuwis ng
buhay para sa bayan? Sapat ba itong kataga upang maipagmalaki sila sa mga
mamamayan at bigyan ng buhay ang kanilang nagawa para sa bansa?
Bago pa lamang dumating ang mga dayuhan, ang mga Pilipino ay tahimik na
namumuhay, sagana sa materyales, minerals at sapat na pagkakaroon ng maayos na
buhay. Ngunit, ang sariwang pamumuhay na ito ay nawala nang sakupin ang bansa ng
mga dayuhan. At ang tanging paraan lamang upang mapaalis ang mga ito ay ang
pakikipaglaban. Mahaba-habang pakikibaka ang ginawa ng mga bayani. Nang manalo
at nawala na ang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay nagtatag ng
Araw ng Kalayaan at Araw ng mga Bayani. Mayroon ding araw na ginugunita si Jose
Rizal at Andres Bonifacio. Ayon kay Esteban de Ocampo na kilalang darakila, “A hero
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

means a prominent or central figure that plays an admirable part in any remarkable
action or event; a person of distinguished valor or enterprise in danger or fortitude in
suffering; and a man honored by public worship after his death for an exceptional
service to mankind. The true heroes of Philippine history deserve to be called and
studies because they had no idea that one day they would be measured, they just act
upon their principles.” Ang pahayag na ito ay mga katangian at kahulugan ng isang
bayani. Ang mga taong nagpakita ng kagitingan ay ang dahilan sa kung ano ang
nararating ng bansa. Ilan na lamang dito ang aking tatlong napili na sina Fracisco
Dagohoy, Teresa Magbanua at si ramon Magsaysay.
Si Francisco Dagohoy ay isang bayani sa Bohol at namuno ng pag-aalsa laban
sa mga Espanyol mula 1744 hanggang 1829, ito ay itinuring na pinakamatagal na
himagsikan sa kasaysayan ng Pilipinas. Si Dagohoy ay isinilang sa Inabangan, Bohol at
walang malinaw na ulat tungkol sa kaniyang buhay noong bata pa. Siya ay naging
cabeza de barangay ng kaniyang bayan. Ang tunay niyang pangalan ay Francisco
Sendrijas ngunit nakuha ang pangalang “Dagohoy” mula sa pinaikling “Dagon sa
huyuhoy” sa wikang Boholano. Ang isa sa dalawang kapatid ni Dagohoy, si Sagarino, ay
naging sundalo sa hukbong Espanyol, at namatay ito sa pakikipaglaban sa mga
rebeldeng ipinahuhuli ng kura ng Inabangan. Nang dalhin ni Dagohoy ang bangkay ng
kapatid sa simbahan upang mabasbasan, tumanggi ang kura. Ayon daw sa batas ng
simbahan, hindi binibendisyunan ang namatay sa duwelo. Dahil dito, tinalikuran niya ang
simbahan at nagtatag ng kilusan laban sa mga Espanyol. Nagkuta siya sa bundok ng
Inabangan Dahil sa nagtagumpay sa maraming pagsalakay sa kampo ng mga Espanyol
ay lalong dumami ang mga mamamayang sumama sa kaniyang kilusan. Napaslang din
ni Dagohoy ang kurang tumangging magbasbas sa kaniyang kapatid. Nagtayo siya ng
mga pamahalaan sa mga bayang napalaya sa mga Espanyol.
Nagtayo rin siya sa mga bundok sa labas ng nayon ng maliliit na pamayanan
upang bigyan ng tirahan ang mga aliping nailigtas niya. Walang makatiyak kung paano
at kailan siya namatay. Pero kahit wala na siya’y nagpatuloy pa rin ang kaniyang kilusan
na tumagal nang 85 taon at 20 gobernador-heneral ang nakapanungkulan. Itinatag at
ipinangalan sa kaniya ang isang bayan sa Bohol noong 1956. Tunay ngang siya ay
bayani sapagkat ipinaglaban niya ang karapatan at iniligatas ang mga kababayan sa
kamay ng mga pari. Ang patuloy na pagsalakay sa mga bayang hawak ng Kastila,
simbahan at mga lupang ari ng Heswita ay paraan ni Dagohoy upang muling ibalik ang
kalayaan ng mga Pilipino. Marami silang pinatay na Heswitang pari, isa na rito si Padre
Morales, dating kaaway ni Dagohoy. Maaaring ang kanyang dahilan sa paghihimagsik
ay ang paghihiganti sa kanyang kapatid ngunit aang tumagal, hindi na pansariling
dahilan kundi ang kalayaan ng Bohol ang kanyang ipinaglaban.
Si Teresa Magbanua naman ang sumunod na aking napili upang ipakilala ang
kanyang buhay at nagawa sa bansa. Si Teresa Magbanua ay ang unang babaeng
mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas". Siya ay isang guro at
lider ng militar na isinilang sa Pototan, Iloilo noong Oktubre 13, 1868. Siya ang
pangalawa sa anim na anak ni Don Juan Magbanua at Doña Alejandra Ferraris. Si
Alejandro Balderas ang kanyang asawa, isang mayaman na may-ari ng lupa mula sa
Sara, Iloilo. Sa kabila ng pagsalungat mula sa kanyang asawa, si Magbanua ay
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

sumunod sa kanyang dalawang kapatid at lumahok sa rebolusyonaryong kilusan.


Nakuha niya ang mga armas laban sa mga Espanyol at pinangunahan ang mga tropa at
nanalo sa mga labanan habang nasa ilalim ng pamumuno ni Heneral Martin Delgado.
Nagpakita ng lakas ng loob, patriyotismo at taktika sa militar, kinuha ni Magbanua ang
kanyang unang panalo sa labanan sa Barrio Yating, Pilar, Capiz noong Disyembre 3,
1898 kung saan pinamunuan niya ang isang banda ng mga rifle sharpshooter at mga
sundalo. Dito ay pinabagsak ng kanilang grupo ang mga tropang Espanyol na nasa
lugar. Tinatawag ng kanyang yunit bilang "Nay Isa". Si Magbanua ay naging isang
kumander ng yunit at nakipaglaban sa Labanan ng Sapong Hill kung saan siya at ang
kanyang mga tropa ay nagtagumpay. Sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano,
nakilahok si Magbanua sa ilang mga digmaan laban sa mga armadong pwersang
Amerikano, tulad ng kanyang mga kapatid na si Pascual at Elias, na parehong mga
opisyal. Noong Pebrero 11, 1899, si "Nay Isa", kasama si General Martin Delgado, ay
nakipaglaban sa Labanan ng Iloilo City. Lumahok din siya sa Labanan ng Balantang,
Jaro ng Marso 1899.
Ang digmaan ay nagdala sa kanya ng labis na paghihirap pagkatapos mawala
ang kanyang dalawang kapatid. Ang kanyang mga kapatid na sina Pascual at Elias ay
parehong namatay sa di maipaliwanag na pangyayari. Matapos ang maraming labanan,
napagtanto ni Teresa na ang kanyang pangarap sa isang independiyenteng Pilipinas ay
kailangang maghintay. Binuwag niya ang kanyang mga tropa at sumuko sa mga
Amerikano noong 1900. Habang hindi aktibong manlalaban noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, ginawa ni Magbanua ang kanyang makakaya upang labanan ang pwersang
Hapon. Ibinenta niya ang kanyang ari-arian upang may pambili ng pagkain at mga
materyales upang punan ang pangangailangan ng mga gerilya. Lumipat si Magbanua sa
Mindanao pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dooan ay nanirahan
kasama ang kanyang kapatid na si Maria sa Pagadian, Zamboanga del Sur. Sa
kasamaang palad, siya ay namatay noong Agosto 1947.
Ang susunod na aking napili ay si Ramon Magsaysay, siya ay kilala bilang
pangulo ng Pilipinas ngunit ang kanyang natatanging katangian na pagmamahal sa
bansa ay hindi maikukumpara sa iba. Maraming Pilipino ang humahanga sa kanya dahil
sa taglay nitong kabutihan ng loob. Siya ay anak-mahirap kung kaya’y nararamdaman
niya ang hirap ng mga mahihirap. SI Magsaysay ay tinaguriang “Idolo ng Masa” bago pa
magwaging pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1953. Naging malaking bentahe
niya kay Quirino ang mga matagumpay na kampanya laban sa Pag-aalsang
Hukbalahap. Ipinagpatuloy niya ang simpleng búhay at katapatan sa bayan. Isinilang si
Magsaysay sa Zambales noong Agosto 31, 1907 at anak ng panday na si Exequel
Magsaysay at Perfecta del Fierra. Hindi rin katangi-tangi ang kaniyang mga grado bilang
mag-aaral. Pumasok siya sa inhinyeriyang mekanikal sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit
lumipat sa Jose Rizal Colleges at doon nagtapos noong 1932 ng komersiyo. Ngunit
nagbago ang takbo ng buhay niya nang maging mekaniko sa Teodoro R. Tanco
Transportation Company. Ang kanyang ranngo ay tumaas at napalakas ang kompanya
bago magkaroon ng digmaan. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig siya ay
sumikat bilang pinuno ng kilusang gerilya. Tinawag itong Magsaysay Gerilya at nahirang
siyang gobernador militar ng Zambales na naging landas nito sa politika. Si Magsaysay
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

ay tumakbo at nagwaging kinatawan ng Zambales noong 1946. Matatapos na ang


kaniyang ikalawang termino nang hirangin siyang kalihim ng tanggulang bansa ni
Pangulong Quirino. Ang tagumpay niyang laban sa Pag-aalsang Hukbalahap ang umakit
sa Partido Nacionalista upang ikandidato siyang pangulo noong 1953. Napakapopular
na pangulo ni Magsaysay ngunit ito ay pinutol ng aksidente sa kaniyang pamumuno.
Napangasawa niya si Luz Banzon ng Balanga, Bataan at nagkaroon ng apat na
anak. Isa, si Ramon Jr. ay naging senador. Ang totoo, namana ng kaniyang kapatid na
si Genaro ang paghanga ng bayan at naging senador din, bukod sa patuloy na
nagwawagi sa eleksiyong lokal sa Zambales ang apelyidong Magsaysay. May Ramon
Magsaysay Foundation din ngayong nangangasiwa sa isang pondo na iginagawad sa
mga dakilang Asyano sa iba’t ibang larang ng paglilingkod sa bayan. Kaya isang
pambansang pagluluksa ang bigla niyang pagpanaw nang bumagsak ang eroplanong
sinasakyan sa Bundok Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957. Para sa akin, si
Magsaysay ay ang pinakamagaling na presidenteng namuno sa bansa. Ang kanyang
natatanging katapangan at paglilikod sa bayan ay hindi maikukumpara. Nakilala ko si
Magsaysay dahil sa babasahing binigay ng aming propesor sa asignaturang Readings in
Philippine History, galing sa katrabaho ni Magsaysay ang pahayag na iyon at kanyang
nabanggit na maraming tao ang dumalo upang makiramay sa pagkamatay ng dating
pangulo. Ito ay nagpapatunay lamang na maraming nakasaksi sa kanyang mga nagawa
dahil maraming nais magpasalamat sa kanya hanggang sa huling sandali.
Ang mga nabanggit na indibidwal sa itaas ay pasok sa mga katangian ng bayani.
Ang kanilang pagkamit ng kalayaan at pagbibigay ng karampatang kabutihan para sa
bayan ay hindi maitatangging nakatulong sa kasalukuyan. Ang pakikipaglaban ni Teresa
na isang babae ngunit pinili pa ring kunin at ipaglaban ang nararapat sa mga Pilipino ay
nagtataglay ng matagumpay nitong laban. Si Dagohoy na sa una ay pansariling
kagustuhan at paghihiganti lamang ang nasa isip ngunit kalaunan ay ipinagpatuloy ang
laban. Ang kanyang paghihimagsik pa ay naging pinakamatagal na pag-aalsa. Si
Ramon Magsaysay na naging pangulo ng Pilipinas ngunit namatay sa isang aksidente.
Marami ang nagluksa dahil sa panghihinayang sa dating pangulo. Ang mga taong ito ay
hindi kilala ng karamihan lalong lalo na si Teresa at Dagohoy dahil sila ay hindi
kadalasanag itinuturo sa paaralan ngunit para sa akin, ang mga taong ito ay nararapat
lamang ilagay at kilalanin bilang bayani. Ang mga personalidad na ito ay dapat ring
bigyan ng pansin dahil sila ay mayroon ding katangian at mayroong malakas na
paninindigan para tawaging bayani.

Sanggunian:

Dagohoy, Francisco. (2015). In V. Almario (Ed.),  Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for
Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/dagohoy-francisco/

Limabawan, J. (2019). Talambuhay ni Francisco Dagohoy. Scribd. Retrieved from Talambuhay Ni


Francisco Dagohoy | PDF (scribd.com)

Bayaning Filipino (2009). Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino. Talambuhay ni Teresa
Magbanua. Retrieved from Talambuhay ni Teresa Magbanua | Talambuhay ng mga Bayani ng Pilipinas
(bayaningfilipino.blogspot.com)
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Magsaysay, Ramon F.. (2015). In V. Almario (Ed.),  Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission
for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/magsaysay-ramon-
f/

Assessment 3

Instruction: Write down the changes and developments felt in the Philippines in the nineteenth
century.

Change and Development


Political  Ang mga namumuno ay tinatawag
Gobernador y Capitan-General. Ang
lahat ng mga namumuno ay mga
Espanyol na ginagawang alipin ang
mga Pilipino.

 Tanging gobernadorcillo and


cabeza de barangay lamang ang
ibinigay na posisyon sa mga
Pilipino. Ang cabeza de barangay
ang kumukuha ng mga buwis para
sa mga gobernadorcillo.

 Ang Intramuros ang pinakasentro ng


pamahalaan, relihiyon, at
ekonomiya ng Pilipinas.

 Hindi naging madali ang


pagpapabago sa politikal na aspeto
ng Pilipinas sapagkat maraming
Espanyol ang nagmamatigas na
huwag itong baguhin. Ang mga pari
at mga nasa matataas na posisyon
ay malalakas kung kaya’t hindi
nagwagi si Jose de Basco y Vargas.

 Ang edukasyon ay hindi rin


napagtuunan ng pansin dahil sa
malawakang imppluwensya ng
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

relihiyon. Hindi pinapansin ng mga


Espanyol ang pagbibigay ng
edukasyon sa mga Pilipino dahil sila
ay natatakot na magkaroon ito ng
kaalaman sa mga bagay-bagay na
maaaring magsilbing paraan upang
sila ay labanan. Isama pa rito ang
pagkakaroon ng ideya sa kalayaan
at sariling pamumuno.

Economic  Nagkaroon ng Royal Philippine


Company na kung saan ito ay
nagbibigay pondo para sa mga
proyekto sa agrikultural at
nakikipag-ugnayan sa
pakikipagkalakalan sa pagitan ng
Pilipinas, Espanya at iba pang mga
bansa. Ang ganitong pagbabago ay
salungat sa dating kalakalan na
Galleon Trade.

 Nawala ang paghihigpit sa mga


Tsinong na nagnenegosyo sa bansa
sapagkat ang mga ito ay nandaraya
sa pamamagitan ng pagbabago ng
presyo.

 Nagkaroon ng pagpapabuti sa
pagsasaka ng mga pananim at
maayos na presyo para dito lalo na
ng mga cash crops (mga kape,
tobacco at asukal). Ngunit mayroon
ding mga magsasaka na
nagkakaroon ng problema lalo na sa
mga hacienderos na nagbubunga
sa agawan sa lupa o pag-angkin
nito.

 Binuksan ang buong Manila para sa


bukas na kalakalan sa mga karatig
na bansa.

 Ang Tobacco Monopoly ay


isinagawa upang higit na
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

magkaroon ng pagbabago sa
pandaigdigan kalakalan.

Dahil sa mga pagbabagong ito, naging


matagumpay ang Pilipinas sa pagkamit ng
pagluluwas ng mga produkto sa loob at
labas ng bansa sa larangan ng ekonomiya.

Socio-cultural  Ang mga Pilipino ay naging alipin at


pinapahirapan ng mga Espanyol.
Mayroon ding nabuong social class
na kung saan ang mga Espanyol
ang nasa pinakamataas na
posisyon. Ito ay ang mga
sumusunod:

o Mga opisyales, peninsulares


at mga pari na nasa
pinakamatataas na
posisyon. Sila ay mayroong
kapangyarihan na gawin ang
lahat ng kanilang nais gawin
sa mga Pilipino na
karamihan ay pinipili ang
pang-aabuso. Ang
peninsulares ay mga
Espanyol na ipinanganak sa
Espanya.
o Mga katutubo, mestizos at
criollos o insulares. Ang mga
katutubo ay mga purong
Pilipino na nasa middle
class. Ang mga mestizo ay
mga Pilipino ngunit
mayroong ibang lahi katulad
ng Amerikano, Espanyol at
Hapon. Ang mga criollos o
insulares ay mga taong iba
ang lahi ngunit ipinanganak
sa mga bansang
nasasakupan ng Espanya.
o At ang pinakamababang
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

antas sa lipunan ay ang mga


Indios. Sila ay mga may
purong dugo ng Pilipino at
nasa mahihirapn na
kalagayan.

Assessment

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer
should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may
write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the
paper and your course, year and section below it while the name of your professors should be
indicated in the upper right.

1. Who are the personages mentioned and what is their relationship with each other?
Si Rizal ay nagsulat ng petisyon kasama ang ulat para sa kita at produksyon sa
lupa. Nakapahayag sa nasabing ulat ang hindi pagbabayad ng buwis ng mga pari at ito
nakalagay rin ang mga listahan ng pangungurakot sa Hacienda de Calamba. Ang
pagtaas ng buwis ay nailatag din sa mga problemang nakapaloob dito. Ito ay isinulat ni
Rizal taong 1888, siya ay nanlumo sa pangyayaring ito dahil maraming Pilipino ang
nahirapan at naagrabyado sa ginawang pang-aabuso sa lupain ng mga pari. Ito ay
naging kaso ngunit isinuka sa Real Audiencia sa Manila. Muli itong ipinasa ni Rizal sa
Madrid ngunit ito rin ay hindi tinanggap dahilan para mapaalis ang mga naninirahan
doon kasama na ang pamilya ni Rizal.
Ang mga taong nabanggit sa petisyon ay ang Gobernadorcillo de Calamba na
kung saan dito ibinigay ang petisyon. Sa unang bahagi ang kanyang posisyon ay
nakalahad kasama na ang pangunahing isyu at dahilan kung bakit ang petisyon ay
ginawa. Ang administrador na kung saan ibinigay ang mga impormasyon galing sa mga
naninirahan sa lupain kasabay na rin dito ang mga dapat gawin o hinihinging parusa
para sa nagawang kasalanan ng mga pari. Mayroon ding Gobernadorcillo at principales
na nagsumite rin ng mga ulat at pinagsama-sama ang mga impormasyong kanilang
nakalap na galing sa mga naninirahan sa lupain. Mayroon ding mga naninirahan ang
nagbigay ng panayam at mga detalye sa nangyayaring hindi pagbaabayad ng buwis.
Ang mga pari rin ay nabanggit bilang mga salarin sa nasabing petisyon. Ang mga parin
gito ay hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga naninirahan sa lupain kahit na sila ay
nagbibigay ng buwis sa mga pari ngunit ang buwis na iyon ay hindi naman
napapakinabangan. Masahol pa rito ay hindi rin nagbabayad ng buwis ang mga pari sa
gobernadorcillo ng Calamba. Isama pa rito ang pagtataas ng bayarin sa kanilang
tinitirhan. Ang pagkakaroon din ng abuso sa presyo at paggawa ay hindi makatarungan.
Ang pagbabayad sa mga upa sa mga lupain ay hindi na sinusukat bagkus binibigyan na
lamang ng presyo. Mabuti sana kung ang bayad ay bumababa ngunit ito ay tumataas
nang hindi man lang lumalaki ang lupa. Sinasabi na ang basehan ng bayad sa lupa ay
ang sukat nito, ngunit nakapagtataka lamang na tila mayroong hindi nakikitang elemento
ang nasa lupa at himalang ito ay lumalaki.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Ang mga saloobin at reklamo ng mga magsasaka ay pinakinggan ni Jose Rizal


kung kaya’t siya ay gumawa ng paraan upang ito ay mapanagutan ng mga taong
namumuno dito kabilang na ang mga prayle. Ang mga magsasaka at naninirahan sa
lugar na iyon ay walang anumang relasyon kay Rizal ngunit siya ay nagkusang
ipaglaban ang karapatan ng mga ito. Sinasabing dapat lamang na magbigayan ang
dalawang panig ngunit ang ginagawa ng mga pari ay hindi makatarungan. Tila hindi na
nakinabang ang mga magsasaka dahil ang kita pa lamang nila ay ubos na agad para
ipambayad sa upa.

2. Why was this document written? Provide evidences from the document.

Ang petisyon na naglalaman ng mga impormasyon ukol sa saloobin na


kinikimkim ng mga nakatira doon ay isinulat dahil sa malakihang hindi balanseng
paglalapat ng buwis at upa sa mga tao. Ang hindi rin pagbibigay ng magandang trato at
patas na karapatan ay hindi nakakamit. Isama pa rito ang pambababoy at tila
ginagawang laruan ang mga Pilipino. Maraming Pilipino ang piniling manahimik kahit na
sila ay patuloy na ibinababa at inaabuso ng mga nasa itaas. Ito ang naging dahilan ni
Jose Rizal kung bakit niya piniling ipaglaban ang mga mamamayang ito.
Ayon sa huling bahagi ng babasahin, nakapaloob dito ang linyang “There are
many considerations besides that the peoples leave to clear intelligence of their rulers,
accustomed to put themselves in the place of their subjects in order to understand better
their needs. The people have suffered a long time, excessively, without complaining,
without raising their voice. Now, being impoverished, exhausted, in all long and terrible
crisis, and hearing that foreign governments favor agriculture and commerce of their
respective countries at the cost of enormous sacrifices and heroic measures, appeal
also to their own government, enlightened and full of paternalistic intentions, to a
government such as they have dreamed of and desired in their misery. However, they
appeal to it, not to ask either for subsidies or privileges or sacrifices, but only for light,
justice, and equity to which they have a right as member of a nation known for its sense
of justice and noble qualities.” Dahil sa pagkakaroon ng kapangyarihan, hindi na nagawa
pa ng mga Pilipinong ibigay ang kanilang hinanakit lalo na’t kapag sila ay humngi ng
tulong sa iba, sila ay ipagsasawalang bahala lang din naman.
Ang nasabing dokumento ay nagpapatunay sa pagiging matulungin ni Jose
Rizal. Nakalahad dito na hindi pagmamataas o mga dagdag na kita ang kailangan ng
mga Pilipino, kundi karapatan, hustisya at balanseng pamumuhay dahil pare-pareho
lamang silang bahagi ng bansa. Bilang tao, sila rin ay nararapat bigyan ng maayos na
trato, hindi minamaliit bagkus binibigyan ng pansin ang kakulangan ng mamamayan
nito.

3. What can you tell about life in the Hacienda de Calamba during the time the document
was written?
Ang Hacienda de Calamba ay sa aking imahinasyon at bago pa lamang mabasa
ang dokumento, ito ay isang bukirin na maraming pananim at sariwa ang hangin. Ang
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

mga magsasakang nakatira roon ay masayang nagtatanim kasabay ang tawanan ng


mga batang naglalaro sa putikan. Kapag naririnig ko ang Hacienda, ang unang
pumapasok sa aking isipan ay ang kagandahan ng paligid nito. Puno ng berde at mga
bulaklak na namumulaklak ang paligid na tila hardin. Ang mga hayop ay paikot ikot
lamang at sagana ang pagkain.
Ang nasa itaas ay tanawin lamang sa aking isipan ngunit ang tunay na buhay sa
Hacienda de Calamba noong nasulat ang petisyon ay salungat dito. Dahil sa pagbibigay
ng maraming problema at pang-aabuso sa kapangyarihan, hindi naging maayos ang
takbo sa loob ng hacienda. Purong kahirapan at pagmamaliit lamang ang ibinibigay sa
mga tao doon. Maging ang mga pananim ay nauubos na at ang bukirin ay nakakalbo na
dahil sa pagkalugi ng mga magsasaka. Ang mga masasayang ngiti ay napalitan ng galit
at nakakaawang mga mukha.
Ang buhay sa loob ng hacienda ay nagpapatunay ng paraan kung paano
namuhay ang mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila. Ang napakahirap na buhay ay
lalo pang humirap dahil sa mga ginagawa sa kanila. Isama pa rito ang paghihinagpis at
pagdudusa ng mga naninirahan dito na naging dahilan ni Rizal upang ipaglaban sila.
Nais lamang nilang mabuhay nang matiwasay ngunit ito ay hindi pinapakinggan at
binibigyang-pansin ng mga mananakop.

4. What are the complaints of the tenants? Enumerate at least three.


Maraming reklamo na nais solusyunan ng mga nakatira roon. Ilan na rito ang
pagtataas ng upa sa mga lupain o tahanan, ang estado ay hindi nagbibigay ng agarang
solusyon o lunas sa mga pangyayari sa kanilang lugar, bigla na lamang nagkakaroon ng
dagdag sa upa nang hindi man lang sinusukat ang lupain. Ito ang mga nasa saloobin ng
mga naninirahan sa loob ng hacienda na naging dahilan upang isulat ni Rizal ang
mungkahi. Pakiwari’y ang mga mamamayan dito ay naging lugmok dahil sa walang
tulong na natatanggap sa pamahalaang Espanyol at hindi nabibigyan ng maayos na
kalagayan. Ang maliit at kakarampot na kita ay naging mas maliit pa dahil sa mataas na
presyo ng kanilang mga gastusin dahil ito ay pinapatungan pa ng mga korap na
opisyales.
Ang una’y pagkakaroon ng taas upa sa mga lupain, masyadong umaray ang
mga naninirahan dito sapagkat maliit na nga lang ang kita nila ay dinagdagan pa ang
pasakit sa kanilang pamumuhay. Ang kalooban ng reklamong ito ay sa unang mga taon,
mabuti at maayos ang kanilang pamumuhay dahil ito ay malapit sa kagubatan. Nang
dumating at sumali ang mga magsasaka sa pag-upa ng lupain ay tumataas na rin ang
renta sa lugar. Nakapagtataka lamang daw dahil ang nasa kasunduan ay hindi nasunod
at binago pa ito ng Estado.
Ang pangalawa naman ay ang hindi pagbibigay ng tulong o kahit na anong
ambag sa mga pangyayari, mga piyesta o may handaan sa lugar. Kahit na
pagpapaganda ng lugar ay wala itong inaabot. Kung kaya’t nagtataka ang mga
mamamayan kung saan napupunta ang buwis na kanilang ibinabayad sa namamahala
doon. Tila sila ay wala ring napapakinabangan sa nangyayaring pagbibigay ng pera sa
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

gobyerno ngunit tila mamamayan pa ang may kasalanan sa nangyayaring isyu na ito sa
loob ng hacienda.
Ang pangtalo naman na animo’y nagkakaroon ng mahika o milagro sa lugar dahil
sa pagtaas ng upa dito. Nasa kontrata na tataas lamang ang upa kapag nadagdagan
ang kanilang lupain ngunit isa lamang kakatuwang pangyayari na dumagdag ang lupain.
Maliban na lamang kung ikaw ay magdadagdag mismo at kukuha sa katabing lupa
ngunit ang kaso sa loob ng hacienda ay kakaiba. Ang lupa ay hindi dinadagdagan nang
may-ari ngunit ito raw ay lumalaki kung kaya’t pati ang renta dito ay nadadamay. Labis
na lamang ang panlulumo ng mga naninirahan doon dahil sa mga pangyayaring ito.
Alam nilang sila ay pinagloloko lamang ngunit takot na lumaban dahil alam nilang talo na
agad sila dito.

5. What was the reaction to the complaint?


Agarang nagbigay ng solusyon si Rizal upang maibahagi agad sa higit na
nakatataas ang problema sa loob ng hacienda ngunit tila pati ang mga mayroong
matataas na kapangyarihan ay ginagawa rin ang ganitong gawain. O marahil ay dahil sa
sila ay magkababayan ay pinipili na lamang magbulag-bulagan at hayaan ang mga nasa
laylayan. Nabuhayan ang mga taga-hacienda dahil sa solusyong naisip ni Rizal at
nagkaroon ng pag-asa na matuldukan ang paghihirap nila. Hirap na nga silang
makisama sa mga Espanyol ay lalo pa silang nahirapan dahil sa paghihirap na
ginagawa nito sa kanilang pamumuhay.
Ang naging reaksyon sa reklamo ay hindi naging maganda sapagkat tila sila ay
pinagpasa-pasahan lamang. Nang makarating sa Tribunal at napirmahan ng tatlong
opisyales, ito ay nakarating sa nanunungkulan bilang pinuno ng Reverend Dominican
Fathers. Ang gulo na ito’y lalong lumaki dahil tinakot pa nito ang mga naninirahan doon
na itataas muli ang presyo ng upa. Tanging gobernadorcillo lamang ang dapat at
nararapat na sisihin dahil sa pangyayaring ito. Ang mga mamamayan daw ay naninisi
dahil sa mayaman ang kanilang institusyon at nais lamang ng mga mamamayan na
bigyan sila ng pera. Lalo lamang lumala ang pangyayari sa loob ng hacienda.
Di nagtagal, ito ay ibinasura ng korte. Kung kaya, labis na panlulumo ang
naramdaman ng mga Pilipino. Nagkaroon ng alitan at si Rizal ay hindi sumuko. Muli
niyang isinumite ang ulat sa Real Audiencia na nasa Manila ngunit ito ay naibasurang
muli. Dahil sa nararamdamang awa at pagmamalasakit ni Rizal, ang ulat ay ibinigay
niyang muli sa Tribunal Supremo sa Madrid ngunit sa tatlong pagkakataon, ito ay hindi
tinanggap at muling ibinasura ng korte. Marahil noong panahon ng mga Espanyol, ang
hustisya ay para lamang sa mga Kastila. Noong 1980, ang pamilya ni Rizal at mga
naninirahan doon ay pinalayas.

6. What were the final demands of the petition?


Hindi mahirap sundin ang mga nais ng naninirahan sa hacienda dahil ito ay
simple lamang. Ang kanilang hiling sa namamalakad doon ay pantay-pantay at
nararapat na pakikitungo. Ang walang lamangan at panloloko ay isa sa
pinakadapat na gawin ng pamahalaan doon. Nang dahil sa pang-aabuso sa
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

kapangyarihan ang pagkakaroon ng hindi pantay at maayos na turing ay


nasisimulan. Ngunit dahil sa mataas ang kanilang puri at dangal sa sarili, hindi
pumapayag ang mga ito. Bagkus ay lalo lang pinahirapan ang mga Pilipino.
Ngunit dahil sa hindi matapos na mga problema sa magkabilang panig,
nagkaroon ng suhestiyon ang mga naninirahan sa lupain.
Ayon sa kanila, upang matapos na ang gulo at pang-aabuso sa kanila,
sila ay nagpahayag na isalin na lamang sa kanilang pangalan ang lupain. Isama
pa rito na kung maaari ay ibukod ang interes sa lupa. Binanggit rin na hindi
lamang para sa kanila ang nasabing mungkahi, bagkus ito ay para sa ikabubuti
ng lahat. Ang relasyon ssa pagitan ng mga pari at Pilipino ay hindi nagiging
maayos kung kaya’t kapag ang lupain ay naibenta sa mga naninirahan doon,
maaaring mawala o maalis ang alitan sa dalawang panig.
Nakasaad sa huling talata na “The people have suffered a long time,
excessively, without complaining, without raising their voice. Now, being
impoverished, exhausted, in a long and terrible crisis, and hearing that foreign
governments favor agriculture and commerce of their respective countries at the
cost of enormous sacrifices and heroic measures, appeal also to their own
government, enlightened and full of paternalistic intentions, to a government
such as they have dreamed of and desired in their misery. However, they appeal
to it, not to ask either for subsidies or privileges or sacrifices, but only for light,
justice, and equity to which they have a right as member of a nation known for its
sense of justice and noble qualities.” Ipinararating lamang nito na tila ba nais pa
ng gobyerno na maghirap ang mga mamamayan ng bansa. Hindi na nga
pinapahalagahan ang agrikulturang pangkabuhayan ay binibigyan pa sila ng
pasakit sa buhay. Ang mga nangunugpahan sa lugar na iyon ay hindi humihingi
ng espesyal na trato dahil ninanais lamang nilang magkaroon ng hustisya,
pantay
na karapatan na nararapat lamang nilang tinataglay bilang mamamayan ng
bansa.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer
should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may
write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the
paper and your course, year and section below it while the name of your professors should be
indicated in the upper right.

1. Construct a timeline of reforms implemented by the Spanish colonial government in the


19th century. Identify important events in the life of Jose Rizal and locate these events
in the timeline you constructed. How did the reforms implemented by the Spanish
colonial regime in the 19th century relate to the experiences of Rizal and his family?
Attached to the module is a template where you can put your answers.

TAON MGA REPORMA AT IMPORTANTENG PANGYAYARI SA


BUHAY NI RIZAL (19th century)
1815 Ipinatigil ang Galleon Trade, ito ay pinakamahabang
pangkalakalang ruta gamit ang mga sasakyang pandagat o
sa makatuwid, gamit ang mga Galleon na pabalik-balik sa
Manila, Cebu, Acapulco at Mexico.
1834 Nagbukas ang Manila port sa kalakalan
1855 Ang Sual, Pampanga, Iloilo, at Zamboanga ay nagbukas rin
para sa pandaigdigang kalakalan.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

1863 Nagkaroon ng edukasyon ngunit ito ay pinapatakbo ng


simbahan na naging dahilan kung bakit maliit lamang na
bilang ng mga Pilipino ang nakakapagsulat at
nakakapagbasa ng Espanyol.
December 20, 1863 Naitatag ang pagkakaroon ng principalia
1865 Naging bukas sa kalakalan ang Cebu
November 17, 1869 Ang isang artipisyal na daan, Suez Canal ay nailatag. Ito ay
mayroong layunin na mapagdugtong ang Red Sea at
Mediterranean Sea sa Egypt sa pangunguna ni Ferdinand
de Lesseps.
1870 Si Rizal ay nagsimulang pumasok at naging promal ang
kanyang edukasyon.
1872 Nakulong ang ina ni Jose Rizal na si Dona Teodora
1872 Pumasok si Rizal sa Ateneo na karamihan sa mga nag-
aaral ay Mestizos ngunit siya ay naging isang ganap na
pinuno pa rin ng paaralan.
1877 Si Rizal ay pumasok sa University of Sto. Tomas
1880 Maraming anak ng mga mayayaman ang ipinadala sa bang
Europa. Sa liberal na kapaligiran, nasyonalismo at ang
kagustuhang makapagbigay nang maayos na pamumuno.
1982 Siya ay nakapagtapos sa UST sa kursong Philosophy of
Letters and Medicine.
March 03, 1882 Si Rizal ay napasama sa isang paglaalkbay sa Singapore
na kugn saan siya ay mayroong alyas na Jose Mercado
upang hindi makilala.
May 09, 1882 Si Rizal ay tumigil sa Singapore na kung saan ito ay
sinasakop pa ng Britanya. Siya ay sumakay rin sa Djemnah
na isang French steamer upang mapagpatuloy ang
paglalakbay sa Espanya.
1884 Nagkaroon ng bagong pagbabayad ng buwis na kung saan
ang dating 12 pesos na tax ay pinalitan ng pansariling
cedula tax.
December 30, 1887 Nagsimula ang isyu sa Hacienda de Calamba kung saan
nakatira sila Rizal. Mayroong di makatarungang nangyayari
sa loob na pinapangunahan ng mga paring Dominikano.
1887 Nalimbag ang Noli Me Tangere sa Berlin
1888 Isinulat ni Rizal ang isang petisyon ukol sa Hacienda de
Calamba
1892 Ipinatapon sa Dapitan si Rizal na umagal ng apat na taon at
taong 1992 din nabuo ang la Liga Filipina
1896 Si Jose Rizal ay binaril sa Bagumbayan
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

How did the reforms implemented by the Spanish colonial regime in the 19th century
relate to the experiences of Rizal and his family? Attached to the module is a template where
you can put your answers.

Ang 19th century sa panahon ng mga Espanyol ay puno ng mga kaganapan. Ang mga
pagbabago na ipinatupad at naipalaganap sa Pilipinas ay nangunguna ang pang-aabuso sa
kapangyarihan. Isama pa rito ang agrikultural, ekonomiya, edukasyon, sosyal, at politikal na
aspetong nagbigay-daan upang mapalawig ang nagaganap na rebolusyon. Sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila, isa sa pinakamalaking kalaban ng mga Pilipino ay ang mga
Dominikanong mga prayle at kinain ng kapangyarihan. Ang naging isyu sa Hacienda de
Calamba ay isa sa mga dahilan kung bakit naghirap at napalayas ang kanilang pamilya sa lugar
na iyon. Ang mga naninirahan doon ay pinaalis dahil sa petisyong ipinanukala ni Jose Rizal
ngunit dahil mas malaki at mas makapangyarihan ang mga dayuhan, nabasura lamang ito.

Ang pang-ekonomiyang hangarin ng mga Espanyol ay naisakatuparan. Maraming mga


dayuhan ang pumupunta at bagong mga ruta ang nagawa na nagdudugtong sa mga bansa sa
iba’t ibang panig ng muno. Maraming mga sasakyang pandagat ang nagawa, at lumalayag
dagat. Ang ganitong reporma ay nagamit ni Jose Rizal sa kanyang paglalakbay. Sa sosyal
naman ay nagkaroon ng klase ng mga tao sa lipunan kung saan ito ay binansagang pricipalia,
mestizo, at mga indio na naipatupad noong 1863. Nagkaroon din ng ilustrados na nailatag dahil
sa mga iskolar na mayroong matataas na antas ng pag-aaral, isama pa rito ang pagiging mulat
nila sa lipunan.

Sa edukasyong reporma naman ay namumukod-tangi. Higit na pinagtutuunan ng pansin


ng mga mayayamang tao ang edukasyon ng kanilang mga anak at sila ay pinapadala pa sa
ibang bansa upang lumawak lalo ang kaalaman sa mundo. Hindi rin maitatanggi na natutukan
ang pag-aaral ni Rizal dahil ang kanilang pamilya ay mayaman. Nakakapaglakbay rin siya sa
iba’t ibang bansa at nakakakuha ng mga kaalamang nais niyang makuha.

Mga Pinagkuhanan:

(Hipolio, 2021) 19th century Philippines as Rizal’s context retrieved from


https://www.slideshare.net/YosefEricHipolito/19th-century-philippines-as-rizals-context

(Borloza, 1999) Encyclopedia Britannica. Philippine History. retrieved from


https://www.britannica.com/place/Philippines/additional-info#contributors

(The Colonial History of the Philippines Timeline, n.d.) Timetoast Timeline retrieved from
https://www.timetoast.com/timelines/the-colonial-history-of-the-philippines
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment

Instruction: Discuss the item thoroughly. Write the question before each answer. Your answer
should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences each. You may
write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper left corner of the
paper and your course, year and section below it while the name of your professors should be
indicated in the upper right.

1. Mi Ultimo Adios was not titled by Jose Rizal. His friend, Mariano Ponce, gave the title Mi
Ultimo Pensamiento while a Fr. Dacanay republished the poem and gave the title Mi
Ultimo Adios which we are all familiar with. Based on the context, what were the reasons
did Rizal not place a title for his last work?

Ang Mi Ultimo Adios ay isang tula, kung isasalin sa wikang Ingles ay My


Last Farewell o sa Tagalog naman ay Ang Huling Paalam Ko o Pahimakas, ay
isinulat ni Jose Rizal ngunit ito ay walang pamagat. Ito ay nakatago sa isang
maliit na kalan subalit hindi tinanggap ng kanyang pamilya. Ang tulang ito ay
isinulat niya bago siya ay patayin sa Bagumbayan. Habang nakakulong sa
Dapitan, siya ay nagsulat ng kanyang mga huling habilin, sa kabila ng kanyang
nasasangkutan at kahahantungan dahil sa umaga ding iyon ay ang katapusan
niya, di siya nagpatinag sa mga Espanyol. Ang tulang ito ay nakasulat sa wikang
Kastila at mayroong 14 na saknong, sa bawat saknong ay mayroong limang
linya. Ang pagmamahal ni Rizal sa bayan ay bukod-tangi, ang kanyang
pagbubuwis ng buhay at pagbibigay nito para sa bansa ay isang alay na
nagpabugso sa damdamin ng mga Pilipino. Walang halong pagsisisi at
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

kalungkutan ang puso ni Rizal dahil ito ay napupuno ng kagalakan,


pagmamalasakit at pagmamahal sa bayan. At katulad ng mga digmaan, may
mga taong magbubuwis ng buhay para sa bansa nang buong puso, walang
halong sakit at hinagpis ngunit puno ng kasiyahan. Nasa kabataan pa lamang si
Rizal, siya ay nangangarap na sa bansang malaya,
Nakapaloob sa tula ang mga kalapastanganang ginawa ng mga Kastila,
kasama na rito ang pagpapahirap sa mga Pilipino at mga nararamdaman ng mga
pamillyang namamatayan ng kamag-anak dahil sa labis na pagpapalupit dito,
Hindi ni Rizal kailangan ng monumento, magarang libingan o kabaong at kahit pa
na walang makaalala sa kanya, ang kanyang abo ay mabubuo at hayaan na
lamang ang alikabok na ito na yakapin ang lupa dahil ito ay ang Pilipinas na
kanyang pinakamamahal. Sa huling bahagi ng kanyang tula, nakalagay ang
kanyang pagpapaalam. Sa lugar na walang alipin, namumuno, at uhaw sa
kapangyarihan ay doon siya mananatili. At katulad ng ginagawa ng mga pari na
ginagawang kapangyarihan ang simbahan, sa lugar na yon ay hindi pumapatay
bagkus Panginoon ang naghahari.
Ang Mi Ultimo Adios ay hindi binigyan ni Jose Rizal ng pamagat, hindi
dahil sa nakalimutan niya ngunit ito ay tila ba intensyon niyang ginawa. Tanging
si Mariano Ponce at Fr. Dacanay ang nagbigay ng pamagat dito. Mi Ultimo
Pensamiento ang ibinigay dito ni Ponce at Mi Ultimo Adios naman ang kay Fr.
Dacanay na nakilala na ng lahat bilang pamagat nito. Kung susumahin ang mga
nakalagay na saloobin ni Rizal sa tula, sa kung paano niya ipakita at sabihin ang
kanyang pagmamahal sa bayan, ito ay hindi kailanman matutumbasan. Isa sa
mga dahilan kung bakit hindi ito nilagyan ni Rizal ng pamagat ay dahil ayaw
niyang malaman ng mga Espanyol ang nilalaman ng tula. Tanging mga Pilipino
lamang ang dapat na makabasa nito dahil ito ay para sa inang bayan na
kanyang iniibig at hindi para sa mga dayuhang dinudungisan ang bansa. Ang
kanyang mga huling habilin ay nagsasabing kailangan ng bansa ang mga nag-
aalab na puso upang ito ay mailigtas mula sa kalayaang dapat na kinakamit ng
mga Pilipino. Ang tulang ito ay walang pamagat at hindi tiyak ang petsa kung
kailan ito isinulat, ito rin ay palihim na ibinigay sa pamilya ni Rizal, na kung saan
para sa akin, ay isang paraan niya upang maikalat ang kanyang hangarin. Nais
ni Rizal na mabasa ito ng kanyang mga kababayan at sila na mismo ang
maglagay ng pamagat dito dahil ang tulang ito ay nagsasalita sa kung gaano
kaganda ang bansa nang walang dayuhang namumuno.

2. Based on Mi Ultimo Adios, what are his comments on his last resting place?
Hindi humihingi at wala sa isip ni Rizal na magkaroon ng monumento sa
itaas ng kanyang puntod o kahit na larawan niya bilang karangalan sa kanyang
ginawa. Bagkus, nais niyang magkaroon ng karangalan sa pamamagitan ng
muling pagyakap sa kanyang bayan. At kahit na ang kanyang abo ay maging
alikabok, hayaan itong dumapo sa balat ng Inang Bayan. Ang kanyang mga
huling sinabi ay pagpupugay at pagpapasalamat sa Inang Bayan, inilahad niya
na sa kanyang pagkamatay ay uusbong ang isang makabagong bansa at mga
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Pilipino. Wala ng matatakot lumaban dahil ang kanyang buhay ay iaalay niya sa
bansa, at ito ang magsisilbing apoy ng pag-asa upang makamit ang kalayaan.
Ang Pilipinas, sa mata ni Rizal, ay isang hardin na puno ng mga bulaklak.
Isang paraiso na panatag ang buhay kapag mayroong kalayaan. Ang bansang
ito ay kahanga-hanga kung kaya’t labis na lamang ang pagpapahalaga ni Rizal
dito, ngunit ito ay tinanggalan ng mga bulaklak. Ang kalayaan at karapatan ng
mga Pilipino ay nakabaon na lamang sa lupa at pinagpipitas ng mga dayuhan,
na naging dahilan kung bakit nais ni Rizal na makita ng kanyang mga kababayan
ang katotohanang dapat labanan ang mga lumalapastangan. Ninais niyang
mamatay sa kanyang sariling bansa, sa lupa na kung saan siya ay ipinanganak
at sa ilalim ng mga talang kumikinang, sa Perlas ng Silanganan na kanyang
iniibig.
Ipinahayag din ni Jose Rizal sa dulo na ang pagkamatay sa kanyang
sariling bansa ay walang katumbas na kagalakan. Ang dugong galing sa kanya
ay kakalat sa lupang kanyang pinakamamahal at sa wakas ay makakamit na
niya ang kapayapaan. Ang lugar na walang bahid ng pagka-alipin, walang mga
uhaw sa kapangyarihan na namumuno at hindi ginagamit ang relihiyon para
pumatay. Nais niyang katulad ng mga ibon, ang mga Pilipino ay matututo ring
umawit ng mga kantang sila lamang ang nakakaintindi nang hindi iniisip ang
kanilang kaligtasan. Kapayapaan, kalayaan, karapatan, ay dapat lamang na
makuha ng bansang ito dahil sa una pa lamang ay nagtataglay na ito ngunit
ninakaw lamang ng mga hindi kilalang tao. Katulad ng ulan, binanggit niyang
ayos lamang na bumuhos ang luha ng kanyang pamilya at kaibigan dahil sa
maaga nitong pagkamatay ay hindi na sila muling makakapag-usap nang
harapan. Ang pagkamatay niya ay ang kanyang kapayapaan at kapahingahan.

3. In your reading of Mi Ultimo Adios, how did Rizal see the future of the country?
Ang pagtingin ni Rizal sa Pilipinas ay napakataas. Ito ay Perlas ng
Silangan na dapat lamang ingatan at alagaan ngunit dahil sa mga mananakop,
ito ay nadudungisan. Sa kanyang babasahin, nakalatag ang kanyang mga
hangarin sa bansa, at mula dito ay nakikita niyang ang bansa ay lumaya sa
kamay ng mga Kastila. Ang kanyang ideya at paniniwalang ang kanyang
kamatayan na ibinigay sa Inang Bayan ang magsisimula ng mga rebolusyon
laban sa mga Espanyol. Isama pa rito na ito rin ang magmumulat sa maraming
bulag sa katotohanan na kumilos para sa bayan. Hindi man sabihin, ito ang
naging inspirasyon ng karamihan upang ipagpatuloy ang laban ng kalayaan.
Sa panahon ng digmaan, maraming Pilipino ang magbubuwis nang
buhay at makikipaglaban nang walang pag-aalinlangan. Iniaalay ang kanilang
buhay para sa malayang bansa nang maluwag sa puso at mayroong kagalakan.
At katulad ng kanyang dugo na kakalat sa lupa, iwawagayway ng mga tao ang
kulay pulang bandera. Ibinahagi niya na sa mga susunod na henerasyon,
matututong lumaban ang mga kabataan dahil sa kanyang paniniwala, sila ang
pag-asa ng bayan. Mula sa mga payo at hangaring magkaroon ng pangarap ang
mga ito, hindi lamang para sa kanilang sarili ngunit pati na rin sa bayang sila ay
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

nagsisilbi. Ang kanyang mga binanggit sa huling mga saknong na siya ay hindi
nagdalawang isip sa kanyang ginawa, hindi natatakot sa kamatayan dahil siya ay
makakapagpahinga na sa lugar na walang alipin, mga naniniil at Panginoon
lamang ang naghahari.
Kung susumahin ang mga hangarin ni Rizal at nakikita sa mga susunod
na henerasyon ng bansa, katulad ng kanyang sinabi na: “Kabataan ang pag-asa
ng bayan” siya ay mayroong malakas na paniniwala sa mga kabataan. Dapat
lamang na mulat sa katotohanan at hindi nagbubulagbulagan ang mga ito.

Assessment 7

Instruction: Read the excerpts from the Memoirs of Pio Valenzuela on his Conference with Rizal
in Dapitan, then answer the questions that follows.

A. Based on the excerpt of Pio Valenzuela’s visit to Jose Rizal in Dapitan,


1. What were Rizal’s views on the impending revolution? Explain your answer and
provide evidences from the excerpt.
Ang Katipunan, isang rebolusyong samahan na nais gumamit ng dahas
laban sa mga mananakop. Ayon kay Rizal, ang pagsisimula ng rebolusyon na
walang hawak na sandata ay isang malaking kalokohan kung ang lalabanang
bansa ay puno ng armas. Ang mga Espanyol ay kilala sa gumagamit ng dahas
sa labanan, isama pa rito ang mga baril, bomba at mga kanyon na kung tutuusin,
kapag nilabanan ito ng mga Pilipino gamit ang kamay o mga espada ay matatalo
agad. Ang mga sumali sa rebolusyon ay karamihang mga mahihirap na
magsasaka, mangangaso, at mangingisda na laging tampok sa
paglalapastangan ng mga dayuhan. Kung kaya, nagbigay si Rizal ng payo na
kung maaari ay humikayat ng mga mayayaman at matatalinong Pilipino na
sumali sa samahan. Dahil ang mga ito ay maaaring magbigay ng pondo upang
makabili ng mga armas sa Japan. Ayon din sa kanya, kailangan munang makuha
ang tiwala ng mga ito at kunin ang atensyon upang pumanig sa samahan.
Sinabi ni Rizal na “So, the seed grows. The resolutions of the association
are very just, patriotic, and above all, timely because now Spain is weakened by
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

the revolution in Cuba. I approve these resolutions and I suggest that they be
complied with as early as possible in order to take advantage of opportunity.”
Ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng pagbabago at lumalago. Ang mga layunin
ng asosasyon ay tama at makabuluhan, Ngunit para ka Rizal, kung ang mga
Pilipino ay lalaban nang walang armas, silal ay tuluyang lulugmok at
pagtatawanan ng mga dayuhan.
Nais niya na kung maaari ay magsimula agad ang alyansa laban sa mga
Espanyol kapag ang mga paghahanda ay natapos na dahil nasa matinding
sigalot rin ang mga Kastila. Hindi nagsang-ayon si Rizal sa mga mungkahi ng
ilang mga sundalo na dapat ay magsimula na ang rebolusyon nang hindi
dumadating ang mga armas at kagamitan sa labanan. Ang ideyang ito ay
tinutulan niya dahil ang ganitong gawi ay pagiging ignorante at tila naghuhukay
ng sariling libingan. Ang pagkakaroon ng armas, mga baril at bomba ay dapat
lamang na tinataglay ng mga lalaban dahil ganon din ang mga gamit ng
kakalabanin.

2. What did Rizal learn from the history of Cuba and his intentions of going there?

Ang Cuba ay isang bansa na nasakop din ng mga Kastila ngunit ngayon ay nasa ilalim
na ng proteksyon ng United States dahil ito ay humingi ng tulong. Ang kanilang pag-aalsa ay
hindi naging matagumpay, sinundan pa ito ng pangalawa at katulad ng ng una, ito rin ay hindi
naging maayos. Ngayong ito ay sasabak muli para sa pangatlo, ang kanilang bansa at mga
mamamayan ay nagbabayad ng malaking halaga dahil sa mga armas na nasasayang dahil sa
sunod-sunod na pagkatalo. Ngunit ang Pilipinas ay hindi pa at walang balak humingi ng tulong
sa mga Hapones. Nais ni Rizal na ito ay tulungan ng bansang Japan dahil mahirap magkaroon
ng pangalawang rebolusyon kapag hindi napanalo ang nauna.
Nang mag-usap si Pio Valenzuela at Rizal ay nabanggit nito ang liham na kanyang
isinulat sa Ministro ng Digmaan sa Spain (Minister of War of Spain) na si Marcelo de Azcarragal
na sa pamamagitan ng gobernador-heneral na si Ramon Blanco ng Pilipinas, na kung saan siya
ay pumasok bilang isang doktor sa militar na nakadestino sa Cuba. Ngunit ang liham ay hindi
pa rin sinasagot ni Weyler na isang chief ng mga Espanyol sa Cuba. Subalit, si Pio ay
sumalungat sa ideyang ito ni Rizal dahil maaaring siya ay barilin ng general-in-chief ng Cuba
dahil sa siya ay itinuturing nitong kalaban. Lalo pa itong lumala dahil sa pagkakaroon ng
malaking isyu sa Hacienda de Calamba ngunit si Rizal ay tumugon na uunahin niyang barilin si
Weyler kung magkataon man.
Ayon kay Rizal, ang kanyang pagsali sa mga nais magdoktor sa militar sa Cuba ay
upang mapag-aralan ang digmaang nagaganap doon sa pamamagitan ng praktikal na pag-iisip.
Ang kanyang intensyon ay para magkaroon ng ideya sa kung paano maitatawid ang Pilipinas sa
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

laban ng mga Kastila. Nais niyang pag-aralan ang mga gawi at desisyon ng mga Kastila habang
nakikipaglaban sa mga mamamayan ng Cuba na ginugusto ring makamit ang kalayaan. Ani pa
ni Rizal na kung sakali mang siya ay matanggap at mapapunta sa Cuba bilang doktor-militar,
uuwi siya ng Pilipinas kung sakaling siya ay kailanganin sa bansa. Si Rizal ay nangangamba rin
na dadating ang oras na may mga bansang nais makasakop sa Pilipinas, ang bansa Hapon.
Kapag hindi pa nakukuha ng mga Pilipino ang kalayaan mula sa mga Kastila ay makikisali ang
mga Hapones upang mapasakamay ang bansa.

3. What were Rizal’s warning in dealing with the rich and influential Filipinos?
Ang mga mayayaman at mayroong mataas na antas sa lipunan ay maaaring
makatulong o makahadlang sa ginagawang rebolusyon, ang kanilang pagkapanalo ay
nakasalalay sa kung mayroong kakampi sa kanilang nakakaangat. Sinabi ni Rizal na
“These Filipinos will be your worst enemies if you commit the imprudence of attacking
the Spaniards without the necessary preparation. When they see you without arms, they
will go over the side of Spain to persecute you; and being Filipinos and rich too, they will
win over your soldiers with their money.” Isa lamang itong patunay na kapwa Pilipino
ang sumisira sa kapwa niya Pilipino lalo na kapag nalaman nilang talo na agad ang
kanilang kababayan ay hindi na ito kakampi sa kanila. Ang paghahanap ng mga
mayayamang Pilipino ay hindi lamang nakasentro sa Manila dahil kasama rin dito ang
mga nasa karatig probinsya. Nagrekomenda pa si Rizal na si Antonio Luna ay dapat na
isa sa mga iyon sapagkat siya ay matalino at maraming kilala na mayayamang tao.

B. Utilizing the principles introduced in the lesson, write an essay that applies the idea of
difference, context, and process. There should be at least three paragraphs in which
each paragraph is focused on one principle with supporting evidences from the
discussion above.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment
Instruction: Discuss the following items thoroughly. Write the question before each answer.
Each answer should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences
each. You may write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper
left corner of the paper and your course, year and section below it while the name of your
professors should be indicated in the upper right.
1. Create a Table of Antonio De Morga and Jose Rizal's Perspectives on Filipino culture,
compare the two based on internal and external perspectives.

JOSE RIZAL ANTONIO DE MORGA


Sa mga pahayag naman ni Rizal, Si Antonio de Morga ay napahanga at
binanggit nitong ang mga katutubong babae bumibilib sa mga katutubo, na kung saan ang
ay hindi katulad ng mga babae sa Europa na kanilang pakikipagsalamuha sa mga
hindi kailanman mawawala ang mga samahan ay iba sa kanyang inaakalang
marangal na titulo. Kung ang kasal ay pag- maging tugon ng mga ito. Binigyan niya ng
uusapan, aniya, ang mga asawang lalaki ang kahulugan at binaggit ang pinagmulan,
dapat na magbigay ng mamamanhikan at pagkakaiba, at mga pribilehiyo ng mga sosyal
magbibigay ng mga magagara at hihingin na klase patungkol sa pababang
ang kamay ng babae sa kanyang mga mobilisasyon. Ang pagkakaroon ng mga
magulang dahil sila ay mawawalan ng pamana ay naging kaugalian na rin ng mga
pinakamamahal na babaeng anak. Para kay ito. Inasawa ay ang tawag sa asawang babae
Rizal, asawa ang tawag sa mga asawang na ipinakasal sa isang katutubong lalaki.
babae ng mga katutubong lalaki. Sinabi ni Morgan na ang pang-araw-
Kung sa paksa naman ay ang kultura araw na pamumuhay ng mga Pilipino ay
ng pagkain na tumutukoy sa bagoong. binubuo ng kuto o bigas na pinino sa mga
Nagbigay ng saloobin si Rizal na ang isdang piraso ng kahoy at kapag ito ay niluto,
sinasabi ni Morga na hindi masarap ang isda malalasap rito ang tinatawag na “morisqueta”
kapag ito hindi pa nabubulok. Bagkus, na ginagamit bilang hilaw na kasangkapan.
pakiwari niya’y ang bagoong ang nabanggit Ang lutong isda ay katambal nito na nilalagay
ni Morga. Ang bagoong ay mga isda o mga nila sa banga na mayroong kasamang karne
itlog ng isda na nakalagay sa isang lagayan ng kalabaw, baka at isda na alam nilang
na mayroong mga asin. Ang mga Pilipino ay masarap kapag ito ay nagsimulang mabulok
ginagamit ang ganitong pagkain uoang at bumaho na. Ang mga ito ay ibinababad sa
sawsawan. Ang maliliit namang isda na araw at lulutuin sa kung ano-anong paraan.
nakapaloob sa sinasabi ni Morga ay tawilis o Ito ay tinatawag niyang lawlaw.
mga dilis na galing pa sa Batangas. Ang mga Ayon din kay Morga, ang mga unang
malalaki naman isda ay pinag-asinan at isla na nasakop ng mga Espanyol ay may
tuyong sardinas, Ang “moriqueta” ay isang mga taong puro tattoo ang katawan. Ang
salitang Espanyol na nangangahulugang pinakamatataas at malalakas sa nayon ay
“kanin” sa Tagalog. mga lalaking naninirahan doon dahil simula
Ang pagpipinta sa katawan ay naging pagkabata ay nilalagyan na ng palamuti ang
kultura na ng mga Bisayans na kung saan sa kanilang katawan sa pamamagitan ng
kasalukuyang panahon ni Rizal, ito ay pagpipinta. Ang mga padron na inilalagay sa
katulad sa paraan ng pagpipinta ng mga katawan ay ginagamitan ng matalas na
Hapones sa kanilang katawan. bagay at nilalagyan ng itim na pulbos na
Ang mga wika ng mga Pilipino sa kung saan maraming dugo ang lumalabas.
panahong iyon ay mahahalintulad sa wikang Ang mga pintang ito ay buong buhay
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

ginagamit sa Spain, Portugal, at Italya. nakakabit sa kanilang katawan dahil ito ay


Tanging ang gamit at layunin lamang nito ang hindi nabubura.
pinagkaiba nito sa ibang lingguwahe. Ayon Ang lingguwahe ng mga nasa Luzon
kay Rizal, ang pamahalaan ay tinuturan ang at mga karatig nitong isla ay walang iisang
mga Pilipino na bigyan ng edukasyon at wika sapagkat ito ay iba-iba. Sa kanyang
kaalaman ngunit sa ilalim ng koseptong ito ay obserbasyon, napansin niyang ang mga tao
namumuhay ang pagkaignorante at ibinigay ay may sari-sarili at natatanging wika katulad
ang obligasyon sa mga pari na napunta na lamang ng mga nakatira sa Cagayan,
lamang sa pang-aalipin. Marami ang hindi Zambales, at Pampanga. Ang kanilang tono
sumang-ayon kay Rizal na mga kilalang ay magkakaiba at hindi pare-pareho ang
manunulat ngunit ito ay kanyang ipinaliwag paggamit nito lalo na nang makita at
na, “Maaaring ang mga simbolo ay payak at mapagmasdan ang wika na ginagamit ng
malinis. Nahirapan marahil ang mga mga nasa Visayas. Ang mga tao sa Manila
manunulat na ito na unawain ang teksto dahil naman ay mayroong wika na mayaman at
sa mga katinig nito. Ipinaliwanag din niya na sagana na ninanais ng lahat, lalo na ng mga
mayroong dalawang klase ng pagsusulat ang nasa probinsya. Na ito ay magamit sa
nakapaloob sa isla. Sa unang panahon, ito ay sopistikadong paraan upang maging madali
isinusulat nang patayo dahil ito ay isinusulat ang pagkatuto at pagsasalita nito. Bukod sa
lamang sa dahon at kawayan ngunit nang wika, napag-alaman din ni Morga ang tungkol
makilala na ang papel, ito ay naging pahiga sa mga letra at simbolo na ginagamit ng mga
na. nasa Pilipinas sa pagsusulat. Ang mga ito ay
Ang mga kababaihan ay nananatili may pagkakapareho sa mga Greek at Arabic
lamang sa bahay at gumagawa ng mga na simbolo na kung saan may kabuuang
gawaing bahay. Ang paglilinis, pag-aayos at labing-limang simbolo, tatlo ang mga patinig
pag-aalaga sa mga anak ay hanap-buhay ng at labing-dalawa ang katinig. Ang mga
mga ina. Ang mga hanap-buhay naman ng kagamitang ginagamit sa pagsusulat ay mga
mga lalaki ay hindi mabibigat at magagaan piraso ng kawayan na nagsisimula ang linya
lamang ayon kay Rizal. Kung para kay sa kanan papuntang kaliwa katulad ng Arabic
Morga, ito ay tinatawag na “bahandin” ang na pagsusulat.
sabi naman ni Rizal, ito ay “pamamahay” Ang mga kababaihan ay kilala sa mga
Imposibleng ang “bahandin” ay maging gawaing bihasa. Ang mga gawaing may
tahanan dahil ito malayo sa dapat nitong kinalaman sa pagtatahi ay isa sa
kahulugan. pinakahinahangaan ni Morga dahil ang mga
Sa mga paniniwala naman ng ito ay hindi lamang nila ginagawang libangan.
katutubo, ang misteryosong pagsamba sa Bagkus, ang pagtatahi ay naging
mga buwaya ay mula sa mga paniniwala at pangangailangan na rin dahil dito
imahinasyon ng mga Malayan Filipinos. nanggagaling ang mga kasuotan ng kanilang
Mayroong mga pari na kinakain ng mga mga anak at asawa. TIla ba perpekto rin ang
buwaya habang ang mga Indio ay pagsasaing nito ng bigas at marangyang
nakakatakas. Ayon ka Rizal, ang mga Indios napapalaki ang mga alagang hayop at
ay maingat na hindi maligo tuwing siesta at tanging ang ginagawa ay mga bawaing baha
pagkatapos kumain. Ang mga Pilipino raw ay samantalang ang mga lalaki ay sa bukid o
mayroong hygienic custom o mayroong dagat naghahanap-buhay. Tinawag ni Morga
tamang paraan sa pagligo. “Kasama” ito ay na “bahandin” ang isang tahanan na nakatira
ang tawag ni Rizal na mga alipin at o nagsasama-sama ang mga anak at
tumutulong sa mga amo. Ngunit, ito ay hindi magulang.
na kasama sa bahay bagkus ito ay mga Sa konsepto naman ng mga
kasama na ng mga magsasaka, paniniwala, ang mga buwaya na malalaki ay
mangingisda, kapitalista at mga tinuturing na panginoon o bantay ng mga
manggagawa. katutubo. Ito ay naging sagisag na rin sa mga
Nilinaw ni Rizal na ang sinsabing taong kinamumuhian nila lalo na ang mga
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

cotton ni Morga ay “sinamay” na isang tela Kristiyano. Ang mga Pilipino ay hindi rin
mula sa sinulid ng abaca na nanggagaling sa inaalala ang kanilang mga sarili lalo na kapag
torso at hindi sa dahon. maliligo dahil kahit na mga bagong silang na
sanggol ay pinapaliguan agad. “Namamahay”
ay ang mga taong tumutulong sa kanilang
amo na mag-ayos sa bahay at kapag
mayroong bisita, ang kanyang amo ay
pagsisilbihan nag hindi binibigyan ng kahit na
anong kapalit.
Ang cotton ay malawakang lumalago
at tumututubo sa lahat ng isla sa Pilipinas na
ipinagbibili ng mga mamamayan bilang
sinulid, seda at mga tela sa Tsino at iba pang
dayuhang mangangalakal.

2. At the end of the table, give an overall analysis of the differences between the two in
Filipino culture.
Ang dalawang panig ay nagbigay ng kanilang mga pananaw tungkol sa kultura ng mga
Pilipino. Sa pagbabasa ng mga ito at paglalathala ng kanilang mga pinagkaiba ay aking
napagtanto na walang katunayan ang mga ibinahagi ni Morga. Ang iilan sa mga ito ay hindi pa
totoo at malayo sa tunay na kahulugan na agarang ipinaliwanag at binigyang linaw ni Rizal. Ang
mga ibinahagi ni Morga na karamihan ay pagbibigay dito ng di kaaya-ayang panghuhusga
katulad na lang ng pagpapaligo ng mga Pilipino sa bagong silang na sanggol, ay walang
katotohanan. Ang mga kultural na gawain, paniniwala, pagkain, wika at katutubong dulog ng
mga Pilipino ay malinaw na hinusgahan lamang at tila ba may halong paninira ang pagbibigay
obserbasyon sa mga ito. Dahil dito, si Rizal ay kumilos at agad na itinama ang mga patutsada ni
Morga.
Sa tono at mga pahayag ni Morga, tila ba minamaliit niya ang mga Pilipino. Lalo na sa
kung paano niya ilahad ang kanyang obserbasyon sa wika at mga karakter na ginagamit ng
mga ito. Kung susumahin, walang bakas ng Arab o mga Greek ang Pilipinas ngunit ang
kanyang palagay sa mga ito ay may pagkakahawig sa mga wikang Greek. Ito ay nagsisilbi
lamang pahiwatig na ayaw niyang ihalintulad ang kultura ng mga Pilipino sa mga Espanyol kahit
na ito ay magkahawig. Ang paglalarawan niya ng mga pagkain at sinabing ang kanin ay dinurog
na kuto, isama pa rito na ang ang mga kinakain ay ipinapabulok. Ang pagbibigay ng hindi
makatarungang paliwanag ay pagsang-ayon lamang sa kanyang pagiging ignorante. Ang
pagbibigay niya ng saloobin patungkol sa cotton na ipinagbibili ng mga Pilipino ay tila ba
sinasabing hindi ito natatangi. Ang paggamit ng salitang “malawakang tumutubo sa iba’t ibang
panig ng isla” ay tila ba ipinapahayag na hindi dapat pinagkakaguluhan ang mga ito sa iisang
lugar lamang dahil ito ay maaari ring lumago sa kanilang bansa. Ang mga nakapaloob sa akda
ni Morga ay pawang nasa panig ng mga Espanyol. Isinama pa niya ang paggamit sa buwaya na
sinasabing kinamumuhian ang mga Kristiyano.
Sa mga anotasyon ni Rizal, kanyang ipinahayag ang mga maling pagpapakahulugan ni
Morga sa kulturang Pilipino. Binigyan niya ng sapat na katunayan, nang may halong paliwanag,
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

ang mga pahayag na siya ay hindi sang-ayon. Ang mga di makatotohanang nakapaloob sa
akda ni Morga ay kanyang itinama at nilagyan ng mga impormasyong makakapagpatunay na
mali at hindi tama ang sinasabi ni Morga. Dahil sa mga punang ito, tila ba nasa aking isip na, di
kailanman maiintindihan ng mga Kanluranin ang kulturang Asyano. Sapat na ang kanilang
pagbisita at paghanga ngunit ang pag-unawa nang lubos sa mga kultura ay hindi nila
makakamit.

Assessment
Instruction: Complete the table below by identifying what major character in Noli me Tangere
and El Filibusterismo symbolize in relation to colonial Philippine society.

Character Symbolism
Crisostomo Ibarra Si Crisostomo Ibarra ay isang binata na bumalik sa San Diego
matapos ang pitong taon. Dahil sa napakaraming pagsubok na
nangyari sa kanya at sa kanyang mga mahal sa buhay, siya ay
lubos na nagtanim ng galit sa mga paring Katoliko. Ang karakter
na ito ay sumisimbolo sa mga taong biktima ng mapang-abusong
kapangyarihan. Ang mga taong nakabasa ng nobela ay
inihahalintulad si Rizal sa pangunahing tauhan sa akda na si
Crisostomo Ibarra. At ang pag-uugali, pananaw at katangian ni
Ibarra ay ang nais ni Rizal na maging ideyolohiya ng mga
kabataang Pilipino.

Elias Si Elias ay sumisimbolo sa mga karaniwang Pilipino na ang laban


ng bansa ay laban ng lahat ng Pilipino. Hindi lamang dapat siya
ang nakakaalam sa kanyang pagkamulat, bagkus ang kanyang
kaalaman ay ginamit upang maipaglaban ang Inang Bayan. Si
Elias ay si Rizal at ang taumbayan na kumakatawan sa mga
Pilipino. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, ipinagbuti at
ipinagtibay niya ang kanyang mga naranasang pagmamalupit
mula sa mga Kastila. Sinasabi ring ang katangian ni Elias ay ang
katangian ng bagong Rizal. At katulad ng gagawin ng mga
mamamayan para sa bansa, handang isakripisyo ni Elias ang
kanyang sarili para sa bayan.
Basilio Si Basilio ay isa sa mga tauhan sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Ang kanyang ipinakitang karakter ay isang batang
lalaki na nakaranas ng pagmamalupit ng simbahan sa panahon
ng Espanyol. Ang kanyang mga naranasan ay higit na
nakakapanlumo sa murang edad kung kaya siya ay sumasagisag
sa walang malay at inosente sa lipunan. Ang kawalan ng
kataruangan sa nangyari sa kanyang kapatid, ina at sarili ay
nagdala kay Basilio upang bumangon muli. Siya ay sumisimbolo
sa sa pagbangon ng mga Pilipino kahit na anong hirap man ang
dumaan. Ang hikahos na kalagayan ay makararating din tungo sa
kaunlaran.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Sisa Si Sisa ay ang ina ni Crispin at Basilio. Ang asawa ni Sisa ay


abusado ngunit ito ay iniibig niya pa rin nang buo. Ang turing niya
sa kanyang mga anak ay anghel. Sa ganitong gawi ni Sisa,
mahihinuha na agad na siya ay isang mabuting ina. Ang simbolo
ni Sisa ay isang mamamayang Pilipino na kahit patuloy ng
inaalipin ng mga Kastila (asawa) ay minamahal pa rin ito. Ang
pagkabaliw ni Sisa ay nagpapakita ng kung paano sirain ng mga
dayuhan ang Pilipinas. Ang kanyang karakter din ay sumasagisag
sa Inang Bayan na nakakaranas ng paninira, pagmamalupit, at
sumasailalim sa pagdurusang ginagawa ng mga Kastila sa
bansa. Maraming nagsasabi na si Sisa ay martyr dahil hindi nito
maiwan ang asawa ngunit, katulad ng mga Pilipino na hindi
kayang ipaglaban ang Inang Bayan, ito ay simbolo lamang ng
pagbubulag-bulagan.
Padre Damaso Si Padre Damaso ay isang kurang Pransiskano na napalipat sa
ibang parokya matapos maglingkod nang matagal sa San Diego.
Ito ang tunay na ama ni Maria Clara. Ang buong katangian mismo
ni Padre Damaso sa nobela ang sumisimbolo sa kanyang
pagkatao at pagkatao ng mga pari sa panahon ng Espanyol. Ang
mapang-abuso at malupit na ma prayle ay sumasagisag sa mga
ginagawa ng pari. Ang kanyang mapang-aping dulog sa mga
Pilipino, pamamaliit sa mga ito at inaalisan ng karapatan ang mga
mamamayan ay mga ginagawa ng mga prayle na mayroong
kapangyarihan sa Pilipinas.

Assessment

Instruction: Venn Diagram: Looking back at the points made by Rizal on the article Sobre La
Indolencia de los Filipinos¸ compare and contrast (A) the Shortcomings of the government and
(B) the Cultural problems among Filipinos between Rizal’s time and our current time. Use the
summary of the article to extract Rizal’s points and use your own observations to enumerate our
current conditions.

Copy the diagrams in a clean sheet of paper (allot one-page per diagram) and present your
answers in bulleted forms.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

A.

B.

 Hindi binibigyan ng sapat na


 Mayroong tinatawag na mga
karapatan ang mga
benepisyo para sa
manggagawa at tanging ang
manggagawa na maaaring
mga Pilipino lamang ang  Hindi pinagtutuunan
gamitin sa mga susunod na
gumagawa ng lahat. Tila ba ng pansin ang
taon para sa loan. (SSS, PAG-
ginagawang makina ang mga agrikultural na sektor
IBIG)
Pilipino dahil buong araw at inaapi pa ang mga
pinagtatrabaho
Ang paniniwala sa himala ay  Ang pasahod sa mga
ng mga magsasakang
nakahiligan na ng mga Pilipino mangagagawa ay nakadepende
dayuhan. nagtatrabaho sa
sa oras na kanilang nagawa.
 Angdahil
sahod tanging
o bayadhimala
sa mgalamang ang
 pamamagitan ng
Sinisisi sa magulang ang
Ngunit dahil sa kahirapan pa
manggagawa ay hindi sa
kanilang kinakapitan pagkuha ng mababang
asal at ugali ng anak
nangyayaring kalapastanganan rin ng bansa, masasabi kong
makatarungan. halaga ngklase
dahil sa bigas.ng
ng mga forced
Espanyol. Hindi hindi pa rin makatarungan ang
 Mayroong labor o  Bulag sa katotohanan
pagpapalaki dito.
maitatangging ang ganitong minimun na sweldo ng ating
sapilitang paggawa. Kapag at hindipainiisip
 Kahit ang
na mayroong
gawi ayangbinibigyan pa ngsila
sapat mga kababayan.
tumanggi mga Pilipino, mamamayan. Mahirap
nagawang kasalanan
na pagsisikap kaysa gumawa ng  Wala na ang tinatawag na
ay tahasang paparusahan at baguhin ang Pilipinas
ang pamilya o tao na
tamang forced labor ngunit dahil sa
tatakutin naparaan
papatayinupang angito ay ngunit ito aysa
tumatakbo hindi
isang
magkatotoo. kahirapan sa buhay, marami
pamilya. nangangahulugang
posisyon sa gobyerno,
 Ang pagiging sapat at kontento ang napipilitang maghanap ng
 Minamaliit ang mga Pilipino at sirain
maramilalopa
ito.ring may
sa buhay na pagiging isang trabaho sa malaalyong lugar
kahit tirik na tirik ang araw ay  Mga
naisdayuhan
na ihalal paito rin
dahil
dahil sa mas mataas na sahod.
pilitalipin o sunod-sunuran
na pinagtatrabaho. nang
Kapag ang
ito nangangasiwa sa
ay kilala. Ang mabilis
hindi iniisip ang sosyal na  Ang gobyerno mismo ang
tumigil o huminto sa ginagawa pagpapasahod,
na pagtanggap sa hindi
pananaw.o parurusahan. lumalabag sa karapatang
ay papaluin na nakawala
ganitong mga angpolitiko
AngAng pag-iisip na mababa ang pantao at hindi tinutugunan
masakit pa rito ay Pilipinas
ay nangyayari paatrin
sa rehas
ang pangangailangan ng
tatawaging tamad at batugandahil
mga Pilipino at mahihina bakod.
hanggang ngayon.
bansa.
angsa kondisyon
mga ng pananakop ay
manggagawa.  Mula noon at hanggang
naging isang dahilan
 Wala kahit upang
na ngayon ay mahina ang
humina ang loob anumang nila na labanan
loob ng mga Pilipino
ang mga dayuhan.benepisyo ang dahil sa kolonyalismong
 Ang pagbibigay mga ng kung ano- pag-iisip. Isama pa rito
anong opinyon at pagpasok ng
mangagawa ang paghila sa kapwa
relihiyon sa mga problema at pababa dahil ayaw
buhay ng mga Pilipino. malamangan.
Ito ay ginagawa na ring
panata o dahilan upang
maging tama
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment

1. Examine Rizal’s predictions in the entire summary and pick at least three.
2. Provide your insights as to why these predictions HAPPENED or DID NOT HAPPEN at
all and expound your answers.
3. Each answer to each prediction must be at least a paragraph long.
4. Pick another 2 predictions that you wish HAVE HAPPENED and  explain
Tanging mga
why.matatanda na
lamang ang naniniwala sa mga
milagro at himala dahil ang
mga kabataan o mga Pilipino
Mga napili:
sa kasalukuyan ay kumikilos at
higit na pinagtutuunan
1. Thus, it is the United States that has the most reasons to make Philippines its territory ng
as
pansinthe
it doesn’t have any interest in colonizing Africa and is looking towards angPacific.
mga makabuluhang
bagay para makamit ang
Ang Pilipinas ay tinulungan ng mga Amerikano na mapasakamay ang bansang
ninanais na resulta.
ito. Iba ang ginawang taktika ng Estados Unidos upang makuha ang loob ng mga
 Kapag ayaw ng tao sa kanilang
tao sa pananakop. Hindi gumamit ng dahas ngunit nagpakita ng kabutihan sa
trabaho, sila ay umaalis. Hindi
mga Pilipino. Hindi na nag-abala ang mga Amerikano na sakupin ang kontinente
sunod-sunuran at naghahanap
sa Africa at mga bansa doon sa kadahilanang ito ay sinasakop na rin ng Europa.
ng mas mataas na sahod.
Mahihirapan silang kalabanin ang Europa habang kinakalaban ang Japan at
Marahil mayroon pa ring iba na
Spain.
nakokontento na, marami pa
Kung tutuusin, isa sa mga dahilan ng pagsakop ng Amerikano ring pinipili
sa mga ang karapatan
bansang at
nasa Pacific ay ang likas na yaman nito. Maraming mgakagustuhang
ginto, mineral umahon. Wala na
at langis
sa mga bansa sa Pasipiko. Hindi maiitanggi na angsakanilang kanilang isipan ang pagiging
hangarin ay
alipin.
kayamanan lamang at hindi kabutihan. Nag-iwan ng bakas sa utak ang kanilang
ginawang pagbibigay edukasyon dahil ito ay may halo  pa ring kolonyalismo na
dala-dala sa kasalukuyan.

Ang pangyayaring ito ay nangyari dahil sa tulong ng mga Amerikano. Taong


1898, ika-12 ng Hunyo ay naiwagayway ng mga Pilipino ang bandila ng Pilipinas.
Ang Treaty of Paris na kasunduan ay nilagdaan ng United States at Spain upang
matigil na ang digmaan. Ang prediksyon ni Rizal ay katotohanan dahil ang
Pilipinas ay nakuha ng United States mula sa mga Espanyol. Isa rin sa layunin
ng United States sa Pilipinas ay makapagtatag ng base militar upang makita ang
mga kalakal sa Asya at Pasipiko.

2. Japan might crush the Philippines but it shall find Korea more attractive due to proximity
and must also keep an eye on Russia on its north.
Matapos makuha ng Amerika ang Pilipinas at kinukuha ang pakay sa
bansa, ang mga Hapones naman ang nanakop dito. Binulabog nito ang buong
Asya dahil sa nais na lumaki ang nasasakupan dahil sa lumulubo rin nitong
populasyon. Sa kadahilanang mas malaki ang Pilipinas kaysa sa heograpiya ng
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

ilang mga karatig bansa sa Asya. Ang Pilipinas ay nasa ilalim pa rin ng
pananakop ng mga Amerikano nang lusubin nito ang bansa.
Naging daan ang Pilipinas upang manalo laban sa mga Amerikano
subalit matapos ng ganitong pangyayari, Hapon naman ang sumakop sa
Pilipinas. Nag-usap ang dalawang panig, Hapon at Amerika na huwag na ituloy
ang pagsakop bagkus ay idaan na lang sa usapan ngunit hindi sumunod ang
mga Hapones. Sila ay lumusob pa rin sa bansa.
Malapit ang bansang Korea sa Japan kung kaya isa rin ito sa bansang
nasakop ng mga Hapones. Ang pinuno ng Japan ay nahihibang na sa
kapangyarihan kaya ang lahat ng bansang Asya ay nais niyang masakop. Ang
kapangyarihan, politikal at pwersang militar anf nais niyang makuha mula sa
bansang Korea. Upang mapalakas ang pwersa militar at masabing malakas ang
kanilang bansa, siya ay pilit nananakop. Ang prediksyon ni Rizal ay naging totoo.
Ang Pilipinas at Korea ay parehong napasakamay ng mga Hapon.

3. Rizal stated that despite being deprived of many liberties and rights (especially
education), the Filipino will still seek enlightenment somewhere else. They will try to get
it no matter what.
Ang prediksyon na ito ay naging katotohanan. Ang pagiging matibay o
tinatawag na “Filipino Resilience” ay mabubuo at mag-aalab ang puso ng mga
Pilipino na makuha ang kalayaang nais nilang makamtan. Ang minimithing
soberanya at pamahalaan ay naging dahilan din upang sila ay lumaban sa mga
mananakop. Kahit na mayroong nangyaring kasunduan sa pagitan ng United
States at Spain ay hindi pa rin maitatanggi na lumaban ang mga Pilipino. Sa
kadahilanang matapos masakop ng Spain ang Pilipinas ay pumalit naman ang
United States at nang mapaalis ng mga Pilipino ang mga Amerikano, sumunod
naman na nanakop ang Japan sa bansa.
Ang sunod-sunod na pagsakop sa Pilipinas ay nagbigay ng kasagutan at
kamulatan sa mga Pilipino na naging dahilan upang sila ay maghanap ng
katarungan, karapatan at kalayaan para sa kanilang bansa. Kahit na walang
edukasyon at mga mananakop ang namamahala ay hindi nagpatinag ang
kanilang mga sarili. Kahit na anong paraan ay kukunin at pipilitin nilang makuha
ang kanilang kagustuhan. Sa kabila ng maraming balakid, ang pang-kalahatang
kamalayan ay nakuha pa rin nilang magising.
Ang pagpapakita at pagkakaisa ng mga Pilipino ang nagdala sa kung ano
ngayon ang bansa. Ang pahayag ni Rizal ay naging totoo dahil kahit na
pahirapan at halos patayin na ang mga tao sa bansa, sila ay hindi nagpatinag.
Lumaban, ipinakita ang katapangan at buong pusong nagmamahal sa bayan.
Kahit na ilang Pilipino pa ang namatay, pinarusahan, pinagmalupitan at
malalakas ang mga Espanyo, sila ay hindi sumuko sa digmaan.

DALAWANG PREDIKSYON NA NINANAIS KONG MAGKATOTOO


JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

1. The Filipinos will be still under Spain but with conditions far better than what they had in
the past.
Ang mga pang-aabuso at pagmamalupit ng mga Kastila ang dahilan kung bakit
lumaban ang mga Pilipino ngunit kung maayos lamang ang pmamalakad na
ginagawa nito ay nasasakupan pa rin tayo ng mga Pilipino. Isa ito sa maaaring
magandang pangyayari kung nagkataon. Kahit na sabihin pang nangangailangan
ang Pilipinas ng sariling soberanya, hindi pa rin masasabing kaya nitong mag-
isa. Matagal na panahon ang nilugok ng mga Espanyol sa Pilipinas at karamihan
sa mga kultura ng Pilipinas ay galing pa rito. Kung tutuusin, naging moderno at
ang mga estruktura sa bansa ay kahanga-hanga ngunit ito ay galing sa pawis at
dugo ng mga Pilipino. Kung naging magkatapat lamang ang antas at pagkilala sa
mga Pilipino ng mga Espanyol, maaaring maayos at maganda ang kondisyon sa
pagitan ng dalawang bansang ito.

2. England will not give up India for a poor possession like the Philippines but will become
its active partner in commerce once the latter opens up its ports.
Alam ng lahat na ang layunin ng bansang Inglatera ay mga kagamitang
kalakal na galing sa iba’t ibang bansa. Ngunit, ang kalakalan at palitan ay hindi
naging matampok sa pagitan ng Pilipinas at England. Kung aktibo lamang ang
pakikipagkalakan at palitan ng dalawang bansa, maaaring maging maganda rin
ang takbo ng produkto sa Pilipinas, Nang buksan ng Pilipinas ang daungan
pambansang kalakalan noong 1855, hindi aktibo ang partisipasyon ng England.
Kung ang ganitong pangyayari lamang ay nagkatotoo, ang pakikipagkalakalan
ng Inglatera sa bansa ay magiging malaking kapakinabangan sa Pilipinas dahil
sa ang mga kagamitan dito ay maaaring makatulong sa pang-industriyang
gawain.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

Assessment 12
Gumawa ng matrix na may paghahambing ng papel ng kababaihan sa lipunan sa konteksto ng
panahong kolonyal at sa kontemporaryong panahon. Ipakita ang magkakatulad at
magkakaibang identidad ng mga kababaihan, kalakip ang kanilang mga naging tungkulin.
Papel repleksyon tungkol sa aktibong papel ng kababaihan sa pagtugon sa kasalukuyang
pangangailangan ng pamilya at bayan.

PAPEL NG KABABAIHAN SA LIPUNAN SA PAPEL NG KABABAIHAN SA LIPUNAN SA


PANAHONG KOLONYAL KONTEMPORARYONG PANAHON
Pananatili sa loob ng tahanan na Ang mga kababaihan sa kotemporaryong
nangangahulugang kawalan ng karapatan. panahon ay hindi na lamang nananatili sa
Sila rin ay inaasahan sa mga gawaing-bahay. loob ng tahanan dahil ang iba ay
Tanging ang papel lamang nila sa lipunan ay naghahanap-buhay na rin. Hindi na rin
maging asawa at ina na nangangalaga sa inaasahan ang iba na marunong at
kanilang pamilya. Taga-sunod lamang sa tumutulong sa gawaing-bahay. Sila ay
asawa, sumusunod sa utos ng mga mayroon na ring karapatang makapaghanap-
namumuno at walang karapatang buhay ngunit kadalasan, sila na rin ang
magtrabaho. inaasahan sa usaping pagtataguyod sa
pamilya.
Kawalan ng karapatan na makapag-aral o Nagkaroon na ng karapatan ang kababaihan
edukasyon. na makapag-aral, higit pa rito ay maaari na
rin silang kumuha ng mga propesyong dati ay
para sa mga lalaki lamang.
Kawalan ng karapatan sa pamamahayag at Ang mga debate at diskusyon ay naging
hindi pinapakinggan ang panig ng bukas na rin sa mga kababaihan. Naging
kababaihan kapag mayroong diskusyon. malaya na sa pakikipagkomunikasyon sa
mga tao at pinapakinggan na ang mga
pahayag na binabanggit.
Ang mga babae ay walang puwang sa Naging pantay-pantay na ang tingin
lipunan, itinuturing din silang mahihina at mapalalaki man ito o babae. Hindi na
minamaliit ang hanay. itinuturing na mahina ang kababaihang hanay
dahil sa mga katangiang ipinapakita nila sa
lipunan. Bukod pa rito, ang iba sa mga
inhinyero, guro, arkitekto at mga namumuno
sa malalaking kumpanya ay mga babae.

Sa usapang pulitika, hindi pinapanigan at Ang pulitika ay para na sa lahat at mayroon


tanging mga kalalakihan lamang ang na ring upuan ang kababaihan sa usaing ito.
maaaring lumahok sa kadahilanang hindi Nagkaroon na rin ng presidente at bise-
dapat pinagtutuunan ng pansin ng presidenteng ang kasarian ay babae.
kababaihan ang mga panglalaking gawain.
Ang pangarap nila ay pangarap na lamang Mayroon na ring karapatan mangarap ang
dahil sila ay walang karapatan sa mga kababaihan. Bukod sa sila ay nagsisipag at
ganitong usapan. pilit itinataas ang pamilya sa hirap, sila rin ay
mayroong mataas na pangarap na para sa
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

sarili at para sa pamilya. Kahit na gaano man


ito kataas, ito ay kanilang susungkitin upang
makamit ang mithiin.
Sila ay duwag at hindi nagtataglay ng Sa kasalukuyan, ang kababaihan ay
matipunong katawan. Walang silbi sa lipunan nagtataglay na rin ng katapangan at
at tanging pamilya lamang ang nakikinabang. malalakas na katawan. Sila ay
nanunungkulan na rin sa iba’t ibang sektor ng
lipunan at hindi lang sarili at pamilya ang
nakikinabang dahil pati ibang tao ay
natutulungan.

MAGKATULAD NA PAPEL SA LIPUNAN SA PANAHON NG ESPANYOL AT SA


KONTEMPORARYONG PANAHON

Wala mang karapatan mag-aral, makapaghanap-buhay o minamaliit man ng mga Espanyol at


kapwa Pilipino, hinding hindi malilimutan ng mga kababaihan ang mabuting asal na dapat pa
ring ipakita sa kapwa. Sa magkaibang panahon, parehong ipinaglalaban ng mga kababaihan
ang karapatan ng bawat isa na hinangaan ni Jose Rizal. Dahil dito, ang karapatan na
magkaroon ng edukasyon ay naging para na sa lahat. Ang mga kababaihan ay nakararanas
din ng pang-aabuso, hindi lamang sa nakaraan kundi pati na rin sa kasalukuyan, marami pa
rin ang nahahalay, nakakaranas ng pamamaliit, pang-aalipin at sinasaktan pa sila.

Papel repleksyon tungkol sa aktibong papel ng kababaihan sa pagtugon sa kasalukuyang


pangangailangan ng pamilya at bayan.

Ang mga kababaihan ay mahalagang bahagi sa lipunan ngunit noong panahon ng mga
Kastila, sila ay nakaranas ng matinding diskriminasyon. Ang pagtrato ng mga Espanyol sa mga
Pilipino ay malupit ngunit ang higit na mas malupit ang nangyayari sa hanay ng mga babae.
Ang panahon ng mga Kastila ay nakatuon lamang sa kalalakihan, sa patriyarkal na pamumuno
ang niyayakap nila simula nang sila ay isilang. Iba’t ibang klase ng paghihirap at pang-aabuso
ang naramdaman ng kababaihan. Panghahalay, pang-aalipin, pananakit, pinagmamalupitan at
kadalasan ay pinapatay pa nang walang laban. Ang lahat ng ito ay dahil sa walang karapatan
ang mga kababaihan, hindi nabibigyan ng hustisya ang lahat ng may kasalanan.
Sa kasalukuyan, ang ganitong klase ng diskriminasyon ay hindi na napapansin dahil sa
tumataas na bilang ng kababaihan na patuloy na kinakamit ang kanilang karapatan. Nang
mawala ang mga dayuhan, tanging kolonyal na pag-iisip na lamang ang naiwan sa mga
Pilipino. Ngunit habang tumatagal ang panahon, ito ay nawawala na rin at binibigyang-pansin
na ang mga babaeng Pilipino. Sa lipunan, marami na ang babaeng naglilingkod sa bansa. Sila
rin ay nakatatanggap ng iba’t ibang mga medalya sa magkakaibang larangan na kumakatawan
sa bansang Pilipinas. Ilan rin sa mga Mayora, Alkalde, Gobernador, Senador at ang
kasalukuyang bise-presidente ay kasama sa hanay ng mga babae.
Sa bawat pamilya, ilaw ng tahanan ang tawag sa mga nanay. Ang pangangailangan ng
mga anak at ama ay ibinibigay ng ina. Ang pag-aasikaso, pag-aalaga at pagsisigurong nasa
mabuting kalagayan ang kanyang pamilya ay tila ba naging libreng trabaho na nila. Ang ilan
naman sa mga ina ay naghahanap-buhay sa malayo at pinapadalhan ang mga anak ng mga
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

bagay na kailangan nito. Ang ilan naman sa kababaihan ay inaahon ang pamilya nang mag-isa
dahil walang asawa at ang lahat ng ito ay kanilang ginagawa para sa magandang kinabukasan
ng mga anak.

Instruction: Discuss the following items thoroughly. Write the question before each answer.
Each answer should contain at least three (3) paragraphs of not less than four (4) sentences
each. You may write your answers in Filipino. Do not forget to write your full name in the upper
left corner of the paper and your course, year and section below it while the name of your
professors should be indicated in the upper right.
1. Explain the relationship between Rizal’s writings, Noli me Tangere, El Filibusterismo,
annotation of Sucesos de las Islas Filipinas and Filipinas Dentro de Cinaños.

Ang Noli Me Tangere, El FIlibusterismo, annotation of Sucesos de las Islas


Filipinas at ang Filipinas Dentro de Canaños ay mga babasahin at akda ni Rizal na
nakapaloob sa aralin. Ang mga naisulat niyang ito ay nagpabago at minulat ang
nawawalang mga mata mga Pilipino sa panahon ng mga Kastila. Iba ang paraang
ginamit ng pambansang bayani sa pagkamit ng kalayaan dahil nais niyang kapwa niya
kababayan ang lumaban para dito. Para sa kanya, siya ay isa lamang instrumento sa
musika at ang kanyang pagkamatay ang magsisibling simula para sa musikong ninanais
tugtugin ng Inang Bayan. Maraming simbolismo, katotohanan, isyu sa lipunan at mga
suliranin ang nasa loob ng mga akdang ito. Ang obra-maestrang sulatin ay tumatalakay
sa pagsasalamnin ng mga karanasan ng mga Pilipino sa lipunan.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Rizal na nailathala noong
1887 sa Europa. Kung ang pamagat ay isasalin sa Ingles, ito ay nangangahulugang
“Touch Me Not” o kung sa Tagalog naman ay “Huwag mo akong salingin”. Ang sulatin
na ito ay naglalaman ng maraming simbolismo na ikinakabit sa kasalukuyang
kaganapan sa bansa. Dahil sa mga pangyayari at pang-aabuso sa Inang Bayan, naging
daan ang Noli Me Tangere upang mamulat ang mga Pilipino. Ito ay naging inspirasyon
nila sa paglaban sa mga Espanyol at maghangad ng malayang bansa. Ang mga tauhan
sa akda ay konektado rin sa takbo ng lipunan sa Pilipinas. Bukod sa pangunahing
tauhan na minimithi ang karapatan, mayroon ding mga katunggaling tauhan na
sumisimbolo sa kalaban ng mga Pilipino. Ang akda na ito ang nagsisilbing ala-ala sa
mga nangyari sa panahon ng mga mananakop at nagpapahayag na dapat ay maging
isang mabuting mamamayan tayo, lalo na ang mga kabataan.
Sumunod naman ay ang El Filibusterismo. Ito ay isa ring nobela na isinulat ni
Rizal noong 1891. Ang babasahing ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na siya rin ang
may akda. Ito ay mayroong layunin na lalong usigin ang mga bulag na mata ng mga
Pilipino dahil palala nang palala ang ginagawang kalapastanganan ng mga Espanyol sa
bayan. Dito ay lantarang ipinarating ni Rizal ang simbolo ng mga pari sa nobela, sila ay
mga makasariling prayleng makasarili at nagpapakain sa kapangyarihan. Ibinahagi niya
ang ilang mga pang-aabuso na ginagawa nito, kabilang na ang paggamit ng dahas
upang makuha ang nais, pagsisinungaling, pagpatay at pang-aalipin para lamang
makuha ang kanilang mga kagustuhan. Mayroon ding mga Espanyol na namumuno at
nagpapakita ng kabaitan ngunit ito ay para lamang sa kanilang sariling kasiyahan at
kapakinabangan dahil sa gawaing pagtuturo sa mga mas mababa sa kanila, tumataas
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

ang kanilang tingin sa sarili. Sa nobelang ito, mas higit na kabagsikan ang
mararamdaman dahil nakapaloob ang paghihinagpis at paghihiganti ng pangunahing
tauhan.
Sa anotasyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas, siya ay nagpahayag ng
iba’t ibang kaalaman patungkol sa nasabing akda. Ang orihinal na nagsulat nito ay si
Antonio de Morga na kung saan ito ay naglalayong magpahayag ng tungkol sa mga
kultura ng mga Pilipino kahit na ito ay isang kanluranin. Ito ay kanyang itinama, mga
kultura, tradisyon at paniniwala nang may halong eksplinasyon. Ayaw ni Rizal na ganito
ang mga nakapaloob dito dahil ito ay isang pro-Spanish na lathalain. Mula dito, binanggit
din ng bayani ang kanyang dahilan kung bakit ito ay kanyang itinama. Ayon sa kanya,
hindi makikilala ng mga Pilipino ang kanilang tunay na kultura sa pamamagitan ng isang
sulat lamang ng kanluranin na may halong pangmamaliit sa bansa at maaaring ito ay
kanilang paniwalaan. Ito ay naglalayong maimulat ang isip ng mga Pilipino sa mga
kamaliang ginagawa ng Espanyol at bigyan ng ideya na sila ay sinisira ang
pagkakakilanlan.
Ang pang-apat ay ang Filipinas Dentro de Canaños na isang sanaysay na puno
ng mga prediksyon ni Rizal. Ang mga ito ay nakasentro sa Pilipinas at sa kinabukasan
nito na naglalayong mabuksan ang kanilang kamalayan na mayroon pang pag-asa, na
maaari pang makawala mula sa mga kadena ng Kastila. Marahil ito ay isinulat din ni
Rizal sa kadahilanang mayroong kaalaman ang mga Pilipino sa kanilang mga susunod
na hakbang. Kahanga-hanga dahil ang ilan sa mga prediksyon ni Rizal ay nagkatotoo.
Binaggit niya sa sanaysay na kapag patuloy ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa
mga Pilipino, sila ay matututong lumaban sa mga ito.
Kung susumahin, tunay na si Rizal ay isang Pilipinong may malasakit sa bansa,
hindi lamang sa mga Pilipino dahil pati na rin sa Inang Bayan. Ang kanyang pagsusulat
ng iba’t ibang klase ng sulatin ay isa lamang katunayan na “pen is mightier than sword”
hindi gumamit ng dahas sapagkat ang kanyang katalinuhan at talas ng pag-iisip ang
kanyang ginamit sa pakikipaglaban. Dahil sa patagal nang patagal na pananakop ng
mga Espanyol, tila ba sumuko na ang mga Pilipino. Bukod sa sila ay naimluwensiyahan
na ng pagiging Katoliko at niyayakap na ang pagiging relihiyoso, sila rin ay nasanay na
sa mga gawaing hindi makatarungan ng mga namumuno. Ang kanilang mga isip ay
nahaluan na ng mga dayuhan, ito ang mga napansin ni Rizal sa mga Pilipino. Ang
kanilang mga sarili rin ay pumapayag na lamang magpa-alipin. Walang laban at
nababahag ang buntot dahil natatakot sa gagawing masama kapag sila ay hindi
sumunod. Dahil dito, hindi na nila kilala ang kanilang mga sarili. Ito na ang dahilan kung
bakit siya ay nagsulat, bago niya simulan ang kanyang mga lathala, pinag-aralan niya
muna ang lahat. Mula sa pinakamaliliit na detalye hanggang sa mga maling akala ng
mga tao. Sa makatuwid, ang apat na akda ay tumatalakay at nakasentro sa Inang
Bayan, na kung saan ito ay mayroong relasyon sa isa’t isa. Ang paggising sa diwa ng
nasyonalismo, pagmamahal sa bayan, pag-asa at pagmulat ng kamalayan ang nag-
uugnay sa mga ito. Nais niyang lumaya ang bansang Pilipinas sa kamay ng mga
mananakop, ang tunay na kalayaan ay mararanasan lamang sa kanilang tunay na
pagkakakilanlan. Kung kaya, nais ni Rizal na makilala muli ng mga Pilipino ang kanilang
mga sarili.
JUDY MAE A. CANDIASAN. MR. NARCISO L. CABANILLA
BSCE 2-4

2. What are the major differences between Noli Me Tangere as compared to El


Filibusterismo? Elaborate your answer. How did the two novels affect the Filipino quests
for freedom.
Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isinulat ni Jose Rizal upang
mamulat ang kamalayan ng mga Pilipino, ang dalawang akda na ito ay
mayroong magkatulad at magkaibang ideya sa isa’t isa. Maraming simbolismo at
sagisag na tinutukoy sa loob nito na maihahalintulad sa reyalidad na lipunan
noong panahon ng mga Kastila. Ang mga nobelang ito ang naging dahilan sa
pagbuo ng mga organisasyon, mga kilusan at pagkakaisa sa pagitan ng mga
Pilipino dahil ito ay naging isang mabisang katalista na nagpaalab sa puso ng
mamamayan. Ang layunin nito ay parehong labanan ang mga Espanyol upang
makamit ang kalayaan at karapatan nga mga Pilipino. Ang hustisya na matagal
na nilang hindi natatanggap dahil sa patuloy na pananakit at pagpatay sa mga
walang kamalay-malay na tao. Ngunit, sa kabila ng mga magkakatulad na
prinsipyo ng dalawang nobela, sila ay mayroon ding pagkakaiba.
Sa nobelang Noli Me Tangere na naunang isulat ni Rizal, ay nakasulat sa
romatikong aspeto na mayroong damdamin at gawa mula sa puso ng may akda.
Ang mga eksena dito ay mayroong katatawanan, kalungkutan, nakakakilig,
nakakaiyak at magaan ang daloy. Ngunit kung ito ay ihahambing sa El
Filibusterismo na nakasulat sa politikal na aspeto. Ito ay naging gawa na mula sa
isip at puno ng kaisipan na mayroong damdaming kapaitan, kalungkuta,
pagkasuklam at paghihiganti mula sa mga dayuhan. Ang Noli Me Tangere ay
para sa Pilipinas, para sa mga Pilipino at para sa mga kabataan. Samantalang
ang El Filibusterismo ay iniaalay ni Rizal para sa GomBurZa na sina Mariano
Gomez, Jacinto Zamora at Jose Burgos. Sila ay tatlong pari na pinugutan ng ulo
gamit ang garote na sinasabing kaugnay sa pag-aalsa sa Cavite. Ang unang
nobela ay nakatuon sa isyu ng lipunan katulad ng edukasyon ngunit ang
pangalawa ay lumawak ang tuon, dahil ito ay gumamit na ng dahas at puno ng
paghihiganti. Ang pangunahing tauhin na si Crisostomo Ibarra na nagsusulong
ng edukasyon, kumakapit sa katarungan, mapagmahal, at nagtitiwala sa tao. Sa
El Filibusterismo, ang dating Crisostomo Ibarra ay naging si Simoun na puno ng
galit, poot at paghihiganti ang nais makamit. Ang Noli Me Tangere ay
naglalayong ibangon ang Pilipinas na puno nang pag-asa at hindi gumagamit ng
dahas ay naging kabaligtaran ng El FIlibusterismo dahil ito ay naglalayong
ibangon ang Pilipinas nang lumalaban sa mga dayuhan, walang kasiglahan puro
galit lamang at hindi humihiling ng kahit na ano. Ang Noli Me Tangere ay
mayroong 64 na kabanata at ang El Filibusterismo ay mayroong 38 na kabanata.
Sa makatuwid, ang dalawang aklat na ito ay tumatalakay sa mabagsik at
hindi patas na pamamahala ng mga Espanyol. Dahil sa pagkalimbag at
pagbibigay ng importansya sa kalayaan, ito ay naging daan sa umaalab na
pagmamahal sa bayan at paghahanap ng karapatan ng mga Pilipino. Naging
inspirasyon ng mga mamamayan upang ipagtanggol ang mga sarili laban sa
mga mananakop. Ito ang nagmulat sa kanilang mga sarili na hindi dapat
mamuno ang mga taong ganid sa kapangyarihan. Ang kanilang bansa ay
nararapat lamang na makawala sa kamay ng mga Espanyol.

You might also like