You are on page 1of 13

Batay sa katangian ng

panitikan at ang panganib ng


pagsasalin maisasakatuparan
bang lubos ang Republic act
1425? Bakit oo bakit hindi
Sagot:Hindi..
Maraming mga tao ang nkarinig na ng
Republic Act 1425 o mas kinikilalang Batas
Rizal, ngunit, alam nga ba talaga natin
kung ano nilalaman nito? Ano ang mga
pinagdaan ng mga tao para lang
maipatupad ang batas na ito? Sa
pagbabasa ng blog na ito,
masmaiintindihan natin ang tungkol sa
bats na ito at paano ito nipatupad. Dito rin
masasagot ang mga taonong kung ano
nga ba ang kahalagahan ng batas na ito
sa atin at kung anu ano ang mga
argyumento sa batas na ito.
 Ang unang unang tanong na dapat natin maisagot ay kung ano nga
ba talaga ang mga nilalaman ng batas na ito. Sa sobrang haba ng
nilalaman ng batas na ito, maari natin itong isummaraze ng isang
maikling talata. Ang Republic Act No. 1425, mas kilala bilang
Rizal Law o Batas Rizal, ay inaprubahan noong ika-12 ng Hunyo
1956 noong ito ay tinatawag pang House Bill No. 5561 at Senate
Bill No. 438. Ito ay nagsasalaysay ng pagsasama sa kurikulum ng
lahat ng paaralang pampubliko, pribado, kolehiyo at mga
unibersidad ang kurso tungkol sa buhay, mga ginawa at sinulat ni
Jose Rizal, lalo na ang kanyang mga nobelang “Noli Me Tangere”
at “El Filibusterismo”, na pinapahanitulutan ang pagpapalimbag at
pamamahagi ng mga nabanggit sa itaas at para sa iba pang
layunin. Ang mga may “exception” sa batas na ito ay ang pagbasa
lamang ng “abridged version” ng mga nobelang ito ng mga dayuhan
na nag aaral sa bansa. Kung ikaw ay isang Pilipino, kinakailangan
mong pagaralan ang buong bersyon ng mga nobelang ito.
 Upang masmaintindihan ang kahalagahan ng batas na ito, kailangan
rin nating malaman kung anu ano ang mga layunin ng batas na ito
kaya ito naipatupad. Ito lamang ang iba sa mga layunin ng batas na
ito:

 – Nilalayon ng R.A. na ito na maging inspirasyon ng mga taong bayan,
lalo na ng mga kabataang Pilipino ang naging buhay, at karanasan ni
Rizal noong panahon ng Kastila.
 – Ang batas ay naghahangad na magkaroon ang mga Pilipino ng
kanilang sariling simulain ng kalayaan at pagiging nasyonalismo na
binigyang halaga ng ating mga bayani.

 – Nilalayon nitong muling gisingin ang damdaming makabayan ng
bawat mamamayang Pilipino upang maipamana at maisaalaala ng mga
kabataan ng susunod na henereasyon.
 – Nilalayon din nitong mabigyang parangal ang
pambansang bayani, na si Dr. Jose Rizal at ipaalala
sa bawat Pilipino ang kanyang naging malaking
bahagi sa kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan
ng kanyang mga ginawa para sa bayan. Ang kanyang
buhay, mga ginawa, at mga sinulat, tulad ng “Noli
Me Tangere” at “El Filibusterismo”, ay magsisilbing
inspirasyon sa kaisipan ng bawat pilipino upang
magkakaroon ng pagmamahal sa bayan.
Noong hindi pa batas ng RA 1425, maraming mga kontrobersya na
lumibot sa isyung ito. Naglaban dito ang iba’t ibang mga kilalalang mga
tauhan sa panahong ito kung kaya’t naging mainit ang pagdedbatehan
ng batas na ito. Ilan lang ang mga sumunod sa mmga sumuporta at
tumanggi sa RA 1425.
 PRO:
 – Claro M. Recto: Pinaglaban niya upang maipatupad ang bill.
 – Jose P. Laurel: Kasama ni Recto na ipinaglaban ang batas upang
maipatubad ito.
 – Emilio Aguinaldo: Kasama ni Recto at Laurel na ipinaglaban ang
batas upang maipatubad ito.
 – The Spirit of 1896, Alagad Ni Rizal, Freemasons, Booklovers
Society, Philippine Public Scool Teachers Association: mga
organisasyong sumuporta kanina Recto at Laurel upang maipatupad
ang batas.
 – Fidel V. Ramos: Memorandum niya – mas pinapatibay ang
pagpapatupad sa RA1425.
 Kapag pinagisipan natin ng mabuti ang batas na
ito, mas maraming mga mas magagandang
epekto sa bansa natin kapag patuloy natin
ipatupad ang batas na ito. Pagisipan mo, kung
mawala ang batas na ito, iilan lang ito sa mga
maaaring mangyari sa bansa natin. Ang maaring
unang resulta ay ang pagkawala ng trabaho ng
mga guro sa mga Pilipinong kurso. Ikalawa,
maaring tuluyan ng makalimutan ng mga Pilipino
ang kabayanihan at mga aral ni Rizal. Ikatlo,
maaring lubusang bumaba ang nasyonalismo ng
mga Pilipino. Base lang dito, nakikita na natin na
masmaganda kung patuloy na ipatupad natin ang
batas na ito.
 Base na rin sa napagkunan ko ng impormasyon, hindi na ito dapat pag-
aralan, dahil hindi na ito gaanong tinatangkilik ng mga mag-aaral ngayon
lalo na iyong mga mag-aaral sa kolehiyo. Lagi nilang inuusisa kung ano
nga ba ang halaga ng pag-aaral ng buhay ni Rizal at ng kanyang mga
nagawa sa kani-kanilang napiling larangan. Sinasabi nila na ito ay pag-
aaksaya lamang ng oras at pera. Ngunit sa kabilang banda, nararapat nga
lang naman na ating gunitain at pag-aralan ang kagitingan ng ating
pambansang bayani. Hindi natin dapat kaligtaan ang nagawa nyang
kabutihan sa bayan – napalaya niya tayo sa mga manunupil. Kailangan pa
rin talagang pag-aralan dahil bahagi na ito ng ating kasaysayan.
Nagpapatunay na kailangan pa rin natin itong pag-aralan dahil ito ay
kabilang sa mga batas na ipinatupad; layunin ng batas na ito na dapat
lahat ng mga eskuwelahan sa buong pilipinas ay mayroong mga libro at
mga nagawa ni Rizal. Dapat natin siyang gawing simbolo ng ating
kalayaan. Ang pag-aaral sa kanya ay para na ring pagpapasalamat sa
nagawa niyang kabutihan.
 CON:
 – Archbishop Santos, Sen Tanada, Quitin Paredes, Sen. Rodrigo, Sen.
Rosales: Ayaw ng simbahan na gawin required na reading materials ang
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal dahil anti-churh ang mga
nilalaman nito. Hindi rin nitatanggap ng simbahan na pwedeng gawing
inspiration ng mga kabataan ang mga libro. Kapag binasa ng Catholic ang
isang uncensored version, siya ay papatawan ng heresy.

 Ngayon ay alam natin ang tungkol sa batas Rizal, sa pagaaral nito, may
mga nakuha akong mga input na puwede nating idagdag o ibago sa batas
na ito. Ang “exemption” sa R.A. 1425 ay maaring tanggalin sa
kadahilanang, wala namang masamang epekto ang mga sulatin ni Rizal sa
pananampalataya ng tao. O kung hindi man tanggalin, huwag nang
ipakuha sa mga Pilipinong estudyanteng “foreigners” ang mismong kurso
at sa halip ay papiliin sila ng alternatibong klase. Ito ay dahil hindi natin
dapat pilitin sa kanila kung ang mga paniniwala nila ay iba dahil lang nag-
aral sila sa Pilipinas. Isa rin sa mga dahilan ay dahil pwede silang pumili
ng klase, kung gugustuhin nila, puwede pa rin nila kunin ang klaseng ito
kung ginugusto nila.
 Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay
pinangunahan ng dating pinuno ng Pambansang Kapulungan ng
Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo
12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob
ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na
pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate
Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi
makakapagtaka na sila ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito,
dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may marubdob na
pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban
upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto
naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa
Estados Unidos.
 RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON
 Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay
muling pag-alabin ang diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na
henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum ng
lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng
buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang
dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila
na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga
kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at
ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa para sa
bayan
 BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL
 Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil
sa malakas na pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan
at ang mga mambabatas na pumanig sa kanila na ang dalawang nobela ni
Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban sa simbahan. Ayon sa
kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
ay maaaring mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga
itinuturo ng simbahan.Iba’t ibang taktika ang ginamit nila upang takutin
ang mga nagtataguyod sa batas na ito. Nariyang magsasara daw ang
lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa oras na maipatupad ito at
hindi daw makakaasa ng suporta mula sa mga katoliko ang mga
nagtaguyod nito sa mga susunod na halalan. Ngunit kaparis ng RH Bill,
naipatupad ang Batas Rizal sa kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan
 BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON
 Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal.
Ngunit nakatulong nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat
ni Jose Rizal upang makamit ang mga adhikain ng mga nagtaguyod sa
batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating naging
matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may
bantayog si Rizal. Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating
pambansang bayani. Madalas din nating gamitin ang mga salitang iniwan
niya, katulad ng walang-kamatayang “ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.”

 Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging matagumpay
lamang ang batas na ito na gawing pambansang simbolo si Rizal, na halos
walang pinagkaiba sa kalabaw at sampaguita. Ngunit sa puso ng
maraming Pilipino, diwang busabos pa rin ang naghahari. Sa katunayan
wikang banyaga pa nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng
kursong ito dahil ito ang nakasaad sa batas. Hindi ko nauunawaan ang
lohika sa likod nito (para kaya hindi ito lubusang maunawaan ng
karaniwan tao?). Nasaan ang nasyonalismo doon?
 Aanhin naman natin kung alam natin ang mga detalye ukol sa buhay ni
Rizal, kung patuloy ang korapsyon ng ilan sa ating mga lider at ang mga
tao sa social media imbes na bigyang inspirasyon ang isa’t isa sa diwang
Pilipino ay minumura naman ang isa’t isa? Tayo pa ba ang Pilipinas na
pinangarap ni Rizal?

You might also like