Professional Documents
Culture Documents
MGA
GANTIMPALANG
NATAMO SA
ATENEO DE
MANILA
(1872 – 1877)
Pumasok si Rizal Sa Ateneo
Hulyo 10, 1872 – araw kung kailan si Jose ay sinamahan ni Paciano papunta sa Maynila upang kumuha ng
eksamen sa Doktrinang Kristiyano, Aritmatika, at pagbasa para makapasok sa Kolehiyo ng San Juan de
Letran.
Padre Magin Ferrando – (tagapagtala sa kolehiyo) ayaw tanggapin si Jose Rizal sa kadahilanang:
(1) Huli na sa patalaan.
(2) Sakitin at maliit para sa kanyang edad.
Padre Jose Burgos – isa sa tatlong pareng martir na walang salang binitay.
Rizal – apelyido na ginamit ni Jose dahil pinagsususpetsahan na ng mga Opisyal ng Espanya ang Mercado.
Mga rason kung bakit mas nakakalamang ang Sistemang Heswita sa ibang kolehiyo
• Imperyong Romano – binubuo ng mga internos o mga mag-aaral na nangangasera sa loob ng bakuran ng
Ateneo. (pulang bandila).
• Imperyong Carthagena – binubuo ng mga externos o mga mag-aaral na nangangasera sa labas ng bakuran
ng Ateneo. (asul na bandila)
5 Ranggo ng Imperyo
Umuwi si Rizal sa Calamba para sa kanyang bakasyon, ngunit hindi siya gaanong nagsaya dahil nakapiit pa rin
ang kanyang ina. Isinama siya ng kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan upang maaliw ngunit di pa rin
nalunasan ang kanyang kalungkutan. Pinuntahan niya ang kaniyang ina ng di nagpapaalam sa kanyang ama.
Pagkatapos ng bakasyon ay bumalik na siya upang sa ikalawang taon niya sa Ateneo.
Donya Pepay
Tunay na “ipagmamalaki ng mga Heswita” si Rizal. Siya ay naging pinakamahusay sa lahat ng asignatura.
Nagtapos siya nang nangunguna na klase, nagkamit ng pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura at may
gradong pinakamahusay sa lahat ng asignatura.
Noong Marso 23, 1877 ay nakamit niya ang digri ng Batsilyer sa Sining na may pinakamataas na karangalan sa
edad na 16 na taong gulang.
Tiyo Manuel
Mga Istatwang Ginawa sa Ateneo
Imahen ng Birheng Maria – inukit niya mula sa kahoy ng batikuling, na nagpahanga sa mga Heswitang Pari
dahil sa ganda at rikit nito.
Padre Lleonart – matandang Heswita na humiling na ipag-ukit siya ni Rizal ng Imahen ng Sagradong Puso ni
Hesus.
Feliz M. Roxas – isa sa mga kapanahon ni Rizal sa Ateneo na nagkwento ng isang anekdota tungkol sa
insedenteng nagpakita sa pagiging mapagpatawad ng bayani.
• Manzano at Lesaca – dalawang Atenista na nagaway at nagbatuhan ng mga aklat at nakatama at nagpadugo
sa mukha ni Rizal ng aklat.
Manuel Xeres Burgos – maybahay ng inuupahan ni Rizal bago naging interno sa Ateneo na nagkwento ng isang
anekdotang nagpapakita tungkol sa pagiging matulungin ni Rizal kahit isalang pa ang sarili sa panganib.
• Julio Meliza – isang tiga-iloilong estudyante na pinakamaliit sa mga kalaro nya na pagpapalipad ng
saranggola sa Azotea na pinatahan at tinulungan ni Rizal sa pagkuha ng kanyang saranggola.
Mga Tulang Isinulat sa Ateneo
• Mi Primera Isnpiracion (Aking Unang Inspirasyon) – unang tula na maaaring naisulat ni Rizal bago siya
maglabing-apat na gulang noong siya’y nasa Ateneo. Inihandog niya ito para sa kaarawan ng kanyang ina
upang maipahayag niya ang kanyang pagmamahal.
• Felicitacion (pagbati)
• El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa Plota ni Magellan)
• El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Ang Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng Jolo)
• Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay Espanyol: Elcano, ang Unang
Nakaikot sa Mundo)
• Un Recuerdo a Mi Pueblo (Sa Alaala ng aking Bayan) – tulang nagbibigay dangal sa Calamba, ang baying
sinilangan ng bayani.
• Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting
Edukasyon)
• Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)
• El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil (Ang Pagkabilanggo at ang Tagumpay: Ang
Labanan ng Lucena at ang Pagkakulong ng Boabdil) – ang tulang ito ay naglalarawan sa pagkakadakip ng
Boabdil, Huling Morong Sultan ng Granada.
• La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada (Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong
Monarkiya sa Granada) – ang tulang ito ay nagsasalaysay sa matagumpay na pagpasok nina Haring Fernando at
Reyna Isabela sa Granada, ang huling morong kuta sa Espanya.
• El Heroismo de Colon (Ang Kabayanihan ni Columbus) – ang tulang ito ay pumuri kay Columbus, ang
tagapagtuklas ng America.
• Colon y Juan II (Columbus at Juan II) – ang tulang ito ay nagsalaysay kung paano nawala ang katanyagan at
yaman ni Haring Juan II ng Portugal dahil hindi niya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni
Columbus sa Bagong Daigdig.
• Gran Consuelo en la Mayor Desdicha (Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang Kamalasan) – ito ay isang alamat
na patula tungkol sa trahedya ng buhay ni Columbus.
• Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los Colegiales (Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral) – ito
ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo: ito ay makabagbag-damdaming tula ng pamamaalam sa kanyang
mga kaklase.
Mga Tula ni Rizal Tungkol sa Edukasyon
• Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)
• Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting
Edukasyon)
• Al Niño Jesus (Sa Sanggol na Si Hesus) – isa sa mga relihiyoso nyang tula ay ang maikling oda na ito na
isinulat nya noong 1875 noong siya ay 14 na taong gulang.
• A La Virgen Maria (Para sa Birheng Maria) – isa pa sa mga relihiyoso nyang tula na walang petsa kung
kailan naisinulat. Maaaring isinulat ito niya ito pagkaraan ng kanyang oda para sa Sanggol na si Hesus.
THE END