You are on page 1of 3

MGA TULONG SA PAGBABALIK-ARAL:

 Sa pangangailangang buuin ang ABC para sa pagkakaroon ng kabatiran sa ilang katotohanan at naaantig pa
ang damdamin. Narito ang dapat taglaying katangian ng isang talumpati: A- Accuracy o katumpakan B- Brevity o
kaiklian C- Clarity o kalinawan
 Sa panahong (year) 1872-1896, ito sa loob mahabang panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas,
maraming tangkang paghihimagsik ang naganap ngunit walang nagtagumpay sapagkat iba iba ang layunin ng
bawat isa.
 Kilala si del Pilar sa mga sagisag na Dolores Manapat, Piping at Pupdoh na isinilang noong Agosto,1850.
Itinatag niya ang pahayagang Diariong Tagalog.
 Ang isang manunulat ay makabubuo ng isang mahusay na akda kung sa kanyang paglalatag ng mga
sitwasyon ay ginamit niya ang isa sa mga bagay na nakapangyayari sa panitikang tumtutukoy sa
magagandang tanawin, saganang kabukiran na magiging tuon paglalarawan ang epekto ng pook o
kinatitirhan.
 Mahalagang linawin kaugnayang pahayag na ito dahil: Makilala ang ating mga kahusayan gayundin ang
mapaningning at mapagyaman, kailangang tayo ay magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.
 Upang matanto ang kalinangang Filipino, ang henyo ng ating lahi at mga manang yaman ng kaisipa. Dapat
alam mong tayo ay may marangal na tradisyon na katulad sa ibang lahi. Upang matalos ang mga
kapintasan at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito ay maituwid.
 Sa hanay ng mga bagay na nakaaapekto o nakapangyayari sa panitikan ito ang tumutukoy sa pamahalaan,
ang ideolohiya at ugali sgayundin ang kultura ng tao na nasasalamin sa panitikan ng bansa.
 Sa loob ng halos 24 taon nagbago ang takbo ng buhay ng masang Pilipino dahil namulat sila sa malupit na
pamamalakad ng mga mananakop.
 Ang mga sumusunod ay halimbawa ng: Katawanin ang bansa sa Cortes ng Espanya, karapatang makaboto,
kalayaan sa pagsasalita, pagtitipon at pamamahayag at kalayaan sa komersiyo at kahilingan ng mga
repormista
 Nabuo ang layunin ng mga Propagandista, kalayaan sa pamamahayag pananalita at pagtitipon.
 Sinabing ang talumpati isang sangay ng panitikang inihanda upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong
handang makinig. Ito’y isang sanaysay sapagkat may layong maglahad ng kaisipan ng pangunahing ideya at
ng mensahe.
 Ayon kay Jacinto, kaugnay ng akdang “Pag-big sa Tinubuang Lupa sa nabanggit niya ang “Ulit-ulitin mang
basahin sa isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita't buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito'y
namamasid”
 Matutukoy ang angkop na kahulugan ng tiyak na layunin ng alinmang talumpati kung ito ay humihikayat,
pumupukaw ng damdamin, tumutugon, mangatwiran, maglahad ng opinion at kuro-kuro.
 Sa pamamaraang pagsasagawa o pagtitipon ng mga materyales, ito naipakikita paghahanap ng gagamitin sa
pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga
impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay
ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
 Masasabing sa pagbabasa o pakikinig ng isang talumpati, naaangkin ang bisang pangkaisipan at bisang
pandamdamin. Ang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
 Intelektwal na naghahangad ng pagbabago ang mahalagang pangangailangan upang mabuo ang makatwirang
grupo ang mga propagandista.
 Kung titipunin o pagsasama-samahin ang inihanay na layunin ng La Solidaridad alin ang kakailanganin upang
maging buo ang mga ito? Labanan ang mga reaksyon nito, pigilan ang lahat ng pagsisikap na panatililihing
makaluma ang bansa at itaguyod ang kaunlaran.
 Nagmumula kay Casanova na ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang
pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula.
 Nag- ugat ang Dula sa salitang GRIYEGO na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang
komposisyon na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor.
 Ang relasyong kultural ang tunay na dula ay ikinikwento ang paghihirap, pagpupunyagi sa buhay ng
katutubong Pilipino.
 Kung implikasyong pangkultura, may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino
bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim
napangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng
nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon.
 Taong 1876, isinulat ni Graciano Lopez Jaena ang isang akdang tumutuligsa at naglalarawan sa mga paring
masisiba, ambisyoso at hindi karapat-dapat na alagad ng simbahan. Pinamagatan niya itong Fray Botod.
 Sinimulan ang ideya ng asimilasyon sa Pilipinas , nagkaroon ng pagbabago ang buhay ng mga Pilipino mula
sa pagiging Indio bilang reporma.
 Propaganda ang tawag sa grupong naglalayong ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa
ilalim ng batas at gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
 Sa konseptong nakapaloob ang pahayag na ito “Ang Samahang Maka-Pilipino” Naniwala ang mga Pilipino na
mas makabubuting humingi ng tulong sa mga Espanyol na may liberal na pag-iisip.
 “Sa panahon din ito nagising ang matagal ng nahihimbing na damdaming makabayan ng mga Pilipino.”
Nagkaroon ng pagbabago ang takbo ng daigdig sapgkat unti-unti ng namulat ang mga Pilipino.
 Paraan ng pagsulat , ang nagsasabi sa atin na “Isang kamalayan para sa katutubong tradisyon na magiging
gabay, sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik na maangkin ng mga maga-aaral. Sa pananaw ng isang Pilipino
na sa anumang wika na isusulat ito”.
 Masasabing mayroong sariling kinamulatan at naksanayan o tradisyon ang ibang pook sa daigdig, makikintal
din sa kanyang isipan na nararapat na pagyamanin ang magagandang kinagisnan at higit na pagbutihin ang
kasalukuyan at hinaharap
 Maituturing na nakabuo at orihinal ang isang salawikain kung ang isang indibidwal at nakapaglapat ng danas
o sariling damdamin para sa isang karunungang bayan tulad ng salawikain ,sawikain o palaisipan.
 Mula sa panahon ng Kastilang mananakop naging paksain ng mga akda ang pansimbahan.
 Maging Ang mga akdang Ibong Adarna at Florante at Laura ay kabilang sa kategoryang Awit at Korido.
 Ang mga tula ng mga ninunong Pilipino ay malaya o nasa sarili-sariling hanay ng paglalahad sa makatuwid
ito ay maituturing na wala sa kaanyuan.
 Sa pagbabasa ng mga akdang Ibong Adarna at Florante at Laura bilang isang indibidwal na nakakikila ng
taglay na kahulugan ng isang korido ito ang dapat kang maging madamdamin.
 Dalit
Huwag kang maglingong likod:
Dito sa bayang marupok
Parang palaso, at tunod
Sa lupa rin mahuhulog.
INANG SAKDAL LINIS - nobena
Inang sakdal linis, Ave, Ave, Ave Maria.
kami ay ihingi Ave, Ave, Ave Maria
Sa Diyos Ama namin,
awang minimithi.

Bayang tinubua'y Ave, Ave, Ave Maria.


ipinagdarasal Ave, Ave, Ave Maria
At kapayapaan
nitong sanlibutan.
 Ayon kina Noceda at Sanlucar , ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang matas ang uri at binubuo ng
isang
matayog na guniguni at marangal na kaisapan.
 Ang sukat ang sistemang sa pagbuo ng isang tula na kung saan may pangangailangan ng maayos na bilang
pantig sa bawat taludturan.
 Uling - Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!
 Isip-Kolonyal - Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha’y natali,
Sarili’y inaglahi.
 Nasa isalalim ng kolonya ng Estados Unidos kaya’t sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa
karamihang
manunulat ng Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang pangyayaring ito na mahusay siya
sa Ingles , globalisadong merkado ng trabaho, at itinaguyod ang wikang pambansa
 Sa tula ni Lope K. Santos “Makata ng Buhay mababakas ang pagkamakata sa pamamagitan ng pagbanggit sa
mga bagay-bagay sa buhay, lalong-lao na iyong nauukol sa pangkalahatang bagay sa paligid kalipunan siya ng
mga kuwentong tula na hango sa mga katutubong salawikain.
 Itinatag ni Pascual Poblete ang payahagang EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan noong
1900.
 Ang Pilipinas ay nasakop ng Amerika noong ika-19 na siglo na kinikilala rin bilang dantaon ng modernismo o
Panahon ng Industriyalismo. Kung kaya natuklasan ang iba't ibang imbensyon at tumaas ang produksiyon ng
lahat ng industriya.
 Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila, maaaring magsulat nang lantaran ni sa paraang pahiwatig ng kahit na
anong makapagpapaalab sa damdaming Makabayan laban sa mga Amerikano.
 Sa edukasyon nakatuon ang panahon ng pananakop ng mga Amerikano, ang mga kwentista o manunulat ay
di maaaring magsulat laban sa mga dayuhang nabanggit, laban sa kanilang pagmamalabis laban sa kanilang
mga layunin na hindi naman pawang sa kapakanang Pilipino.
 Kapag pinag-usapan ang pananakop ng mga Amerikano ay nagpapaalab sa mga Pilipino, hindi nakapuwang
ang pagsulat ng nobela. Sa halip, mga sanaysay at talumpati ang behikulo ng pamamahayag para magsilbing
propaganda na magaganap sa damdamin at kaisipan ng mga mamamayang Pilipino
 Sa Uncle Tom’s Cabin– si Harriet Beecher Stowe ng bansang Amerika ang nagbukas ng mata para sa mga sa
kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng demokrasya sa daigdig.
 Panitikan ang nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon atmga karanasang
nakukulayan ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kalungkutan, pag-asa, pagkamuhi, takot at pangamba
 Kung nagsasaad at nagpapahayag ng mga bagay-bagay na hindi nahahawakan ngunit nasa puso ng tao
kaya
maituturing na walang kalagayan ang kalagayan sa panitikan maliban lamang kung ano ang isinisigaw ng puso,
isipan at damdamin o saloobin.
 Nagkaroon ng paligsahan sa inyong pamayanan, bilang isang mag-aaral nararapat mong pagtuunan ng
pansin ang bagay na ito upang makabuo ka ng isang akda ayon sa hinihingi: Malaki ang nagagawa ng init o
lamig , bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin ng tao, samakatuwid di lingid sa iyong
nakapangyayari sa panitikan ang klima.

You might also like