You are on page 1of 11

MENSAHENG HATID SA TULA NI

JOSE RIZAL

Isang Sulating Pananaliksik na iniharap kay G. Roy Martin Y. Arrojado ng


Proverbs Ville Academy Foundation Inc.

Bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng asignaturang pagbasa at


pagsusuri ng ibat-ibang teksto tungo sa pananaliksik

Pangkant I:

Juje B. Sultan

Mark V. Neri

Steven Jay L. Salgarino

Edrian D. Canillo

Petsa:

Marso 11, 2020


Kabanata I.
ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW

Rasyonal na Pag-aaral

Ang tula ay isa sa pinakasikat na panitikan ditto sa ating bansa. Ang panulaan o
tula ay isangg uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba’t-
ibang anyo ng estilo. Ang tula ay ginagamit din ng mga taong may pagbabatid sa
kanilang kapaligiran at sa mga taong may pinagdaanan. Ito rin ay nakapaloob ng mga
mensahe o mahalagang aral na maaring mahihinuha sa totoong buhay.

Mahalaga ang tula sa ating bansa lalo na sa mga pilipinong ating bansa
nagpupursiging gumawa nito. Dahil dito naipaparamdam ang emosyon ng bawat isa, ito
rin ay nakakatulong sa pagsasaayos ng isyung pambansa. Ang tula ay importante dahil ito
rin ang paraan upang mas maintindihan ng ating mundo. Minsan ginagamit ito bilang
isang inspirasyon ng mga tao para sa pang araw-araw na kabuhayan nila. Ang tula ay
pwede rin nating ibase sa ating karanasan kaya ito ay nakakabighani naririnig o
sinusulat?

Ang pananaliksik na ito ay nakakatulong sa mga kabataang pilipino dahil ito ay


nakabase sa mga tula ni Jose Rizal na bayani ng ating bansa. Ang mga tula ni Jose Rizal
ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat pilipino lalong-lalo na ang tulang “Sa Kabataang
Pilipino.” Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak ng pagsusulat
ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario. Ang tulang ito ang kauna-unahang
lantarang pagpapahayag ni Rizal ng kaniyang damdaming makabansa.
Batayang Teorya
Teoryang Humanismo ito ay isang pag-aaral sa pananaw ukol sa
paniniwala ng tao. Ito ay nagpapakita na ang tao ang sentro ng mundo at
nagbibigay tuon sa mabuting katangian ng tao. Base sa teoryang ito ang tao
ang hari ng kanyang buhay at kapalaran kaya walang kahit na sinuman ang
pweding magdesisyon kung anuman ang maari niyang gawin. Isinasaad din
sa teoryang humanismo na ''ang tao ang nakasentro sa lahat sa halip na ang
Diyos''. Kaya napili namin ang teoryang ito dahil nakasaad din sa tula ni
Rizal na ang mga kabataang pilipino ay may kalayaan sa halip na tayo ay
nasa ilalim ng mga spanyol at kahit iginagalang natin sila ay may kakayahan
parin tayo na gumawa ng sarili nating desisyon.

Ayon kay Protagoros (villafurte, 1988) Ang tao ang sentro ng


daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
Ang ibig sabihin ng teoyang ito ay tayo mismo ang may hawak ng sarili
nating mundo at tayo rin mismo ang panginoon ng ating buhay kaya pwedi
natin gawin ang gusto natin, at hanggang nararamdaman natin na ang
desisyon na ito ang nagpapalaya saating kapalaran. Dahil ito ay nakaayon
lamang sa ating gusto at sa madaling salita di pweding desisyonan ng iba
ang ating kapalaran.

Ang tula ay naayon sa humanismong paniniwala sapagkat napuna ni


Rizal sa mga nangyayari sa paligid na ang mga kabataan ay rasyunal na
maykakayahang maging mabuti at siyang taguyod sa kasarinlan ng bayang
sinilingan. Sa pamamagitan ng isang masining na pamamaraan ng
pagpapahayag, naiparating niya ang mensahe sa kapwa kabataan.(Jeffrey
Romasanta Dangilan). Ang teoryang ito nagpapahayag lamang na si Rizal ay
naniniwala na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan sapagkat ang
kabataan ay mas mabilis turuan at mas madaling makaintindi at higit sa lahat
ang kabataan ay may malakas na paniniwala na kaya nilang itaguyod ang
bansa ng buong lakas, pagtitiyaga, at pagtitiwala sa sarili. At sa
pamamagitan ng pagtula ay naiparating ni Rizal sa mga kabataan ang
mabuting mensahe na pweding mag bago ng ating kabukasan.
BALANGKAS CONCEPTUAL:

MENSAHENG
HATID SA TULA
NI JOSE RIZAL

TEORYANG
HUMANISMO

SA KABATAANG
PILIPINO

MGA MGA
KABATAAN SUMUSUNOD NA
MAGULANG
MANANALIKSIK
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nakakabenepisyo sa mga sumusunod:

MGA KABATAANG PILIPINO


Ito ay makakatulong sakanila para makuha at maabot ang magandang
mensaheng iniwan ni Rizal.

MGA MAGULANG
Ito ay makakatulong sa mga magulang upang maging isa sa mga
instrument sa pag-abot ng mensahe ni Rizal at pag gabay sa kanilang mga
anak.

MGA MANANALIKSIK
Ito ay makakatulong sa mga sumusunod na mananaliksik upang
magkaroon ng gabay sa kanilang pananaliksik at may matututunan pa sila.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pananaliksikna ito ay naka pokus sa tulang “Sa Kabataang
Pilipino (1979)”.Ang pananaliksik na ito ay para maunawaan ang tula na
ibinahagi ni Jose Rizal sa mga kabataang pilipino.
PAGIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA
Sanghaya

-Pagtala ng mga nagamet at pangyayari sa Kultura at sining.

Bunying

-Pagbibigay pugay .

Tambuling

-Hinihipang instrumentong pantugtug.

Panulaan
-Isang uri ng sining at panitikan.
Mahihinuha
-Konklusyon o Interpretasyon.
Paglalahad ng Suliranin:

Ang pananaliksik na ito ay para maunawaan ang mensaheng hatid ni


Jose Rizal sa tulang ”Sa Kabataang Pilipino”.

1. Paano nakaapekto ang tula sa buhay ng tao?

2. Ano ang implikasyon na makukuha sa tulang Sa Kabataang Pilipino?

3. Ano ang magandang naidudulot ng tulang ito sa mga kabataan?


KABANATA II.
PAGBABALIK-TANAW NG MGA BABASAHING KAUGNAY

Ang akda ay isang tula na kinapapalooban ng lalabindalawahing pantig, may


sukat ngunit di tugma ang taludturan. Mayroong tono na nagpapakita ng emosyon o
damdamin ng persona. Ito ay nagtataglay ng kahulugang higit na malalim sa literal na
ipinapahayag. Ginamit ni Rizal ang pamaraang daloy ng kaisipan sapagkat tinangka
niyang pukawin ang isipan ng bawat kabataan na ipinagmamalaki ng lahing Pilipino mula
sa pagiging mangmang hanggang sa nagig pag-asa ng inang bayan.

Sa tula ay inilahad ni Rizal

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng


kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino upang
mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag itong
“Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang malimit
banggitin.Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga Pilipino at ang
salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga katutubo ng Pilipinas,
hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na siyang gamit ng salitang
ito.Makikita kaagad sa unang taludtod ang ipinaparating na mensahe ni Rizal na ang
kabataan ay ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga salitang “kabataan ng aking
pangarap” at “pag-asa ng bayan”. Isinaad din nya na hinihintay niyang mangibabaw ang
katalinuhan ng mga kabataan upang magtulong-tulong sa pagunlad ng bayan.
Pinapayuhan din niya, na gamitin ng kabataan ang karunungan sa agham at sining upang
makawala sa gapos na nagsisiil sa damdamin ng mamamayan.

Orihinal itong nakasulat sa wikang kastila na “A La Juventud Filipina”. Ito’y


nagbigay ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagiging makabansa ng mga Pilipino. Isang
kulturang hindi maiaalis sa sansinukuban. Tulad ng isinasaad sa tula na " kilos kabataan
at iyong lagutin, ang gapos ng iyong diwa at damdamin" na sumisimbolo ng
kapangyarihan, kapangyarihang nagbibigay pag-asa para iligtas ang naghihingalong
Inang Bayan. Ninanais din ni Jose Rizal magpa hanggang ngayon n asana tayong mga
kabataang Pilipino ay magkaisa upang maging instrumento ng pagbabago. Isang
pagbabago na nagbibigay ng pagkakataon upang maiahon ang bansang sinilangan.

You might also like