You are on page 1of 7

Name: Wency Lawreece P.

Salonga
Crse&Sec: MMA32
Subject: G-SOCS002
Professor/Instructor: Jumel G. Estrañero
University: De La Salle University Dasmariñas

EPEKTO NG PAG-BABASA NG LIBRO SA PAGKAMULAT NI RIZAL LABAN SA


PAGMAMALUPIT NG MGA PRAYLE

I. INTRODUCTION
Kadalasang nagiging pangalawang abilidad ng mga tao sa pag-laki nila ang pag-babasa.
Ito ang isa sa mga abilidad na kasama ng pag-sasalita. Sinabi ni Marian Wolf (2021), isang
iskolar, ang pag-imbento raw ng pag-babasa ay nakatulong sa progresibo ng kaisipan limampung
taon na ang nakalipas. Dagdag pa niya, kung hindi raw dahil sa ating mga ninuno ay hindi
matututuhan ng isip na mangolekta ng kaisipan tungkol sa kasanayan. Bukod doon, sinabi rin ni
David Comer Kidd (2021), isang sikologo, na ang pag-babasa raw ay nakakatulong upang mas
maintindihan ang nararamdaman ng mga tao lalo na sa aspetong emosyonal. Dagdag pa niya na
ang pag-babasa raw ang siyang dahilan upang malaman natin kung ano ang ibigsabihin ng
lipunan, pagkakaibigan at personalidad.
Ito ang ilan sa mga sinabi ng eksperto patungkol sa pag-babasa, ang benepisyo nito sa
mga tao at kung ano ang ginagawa nito sa mga tao. Bilang koneksyon dito, nais malaman ng
pag-sasaliksik na ito kung ano ba ang mga naging epekto kay Rizal ng mga librong Harriet
Beecher Stowe's "Uncle Tom's Cabin" at Eugene Sue's "The Wandering Jew" upang mamulat sa
pag-mamalupit ng mga prayle noong panahon ni Rizal.
Ang pag-aaral na ito ay labis na makakapag-bigay ng benepisyon hindi lamang sa
nagsaliksik, kundi pati narin sa mga susunod na mag-aaral upang malaman nila ang mga naidulot
ng simpleng pag-babasa upang makamtan ang kalayaan na ibinigay ni Rizal sa bawat Pilipino.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang Epekto ng Pagbabasa ng Libro
sa Pagkamulat ni Rizal sa Pagmamalupit ng mga Prayle
Tiyak na layunin ng pagsasaliksik na ito ang mga sumusunod:
1. Matukoy ang mga libro na binasa ni Rizal na may koneksyon sa kaniyang pag-kamulat.
2. Anu-ano ang epekto nito kay Rizal upang siya ay mamulat?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

SA MGA MAG-AARAL
Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman ang kahalagahan ng pag-babasa at ang
mga benepisyon nito sa ating isip. Matutulungan rin sila maging aktibo sa pagsasaliksik ng
katotohanan at maging inspirasyon ang ginawa ni Rizal upang maging mulat.

SA MGA MAGULANG
Matutulungan ang mga magulang upang pagpokusan ang mga totoong impormasyon.
Matutulungan gawing inspirasyon si Rizal sa mga desisyon.

SA MGA GURO
Matutulungan ang mga guro na magkaroo ng bagong perspektibo na ibahagi ang mga
dahilan at nagawa ni Rizal hindi lamang sa kaniyang mga naiwang katuruan, kundi pati narin sa
kaniyang kagustuhan at nararamdaman para ipaglaban ang bansa.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


Ang pananaliksik na ito ay tungkol lamang sa mga epekto ng pagbabasa ni Rizal upang
maliwanagan sa pag-mamalabis ng mga prayle. Ang pag-aaral ay nakatuon din sa koneksyon ng
pag-babasa upang maging bukas ang mga pilipino sa tamang impormasyon.

DEPENISYON NG MGA KATAWAGAN

LIBRO
Ito ay isang bagay na binubuo ng sangay, ito ay kadalasang gawa sa papel.
PRAYLE
Ito ang tawag sa mga misyonerong nagpapakalat ng impormasyon ng Katolisismo.

II. BODY
Sa lugar na Dunedin, sinabi ng isang sikologo na si Dr. Gregory Burns (2021), madalas
ay nakikita raw natin ang sarili natin sa posisyon ng karakter na ating binabasa sa tuwing may
nararanasan ito. Maaaring ito ay pag-mamalupit, pagiging masaya o pagkagalit. Ito rin ang ilan
sa dahilan kung bakit marami ang nais mag-basa, dahil nais nilang maramdaman ang
pakiramdam ng mga bida sa mga libro. Bukod rito, naipakita rin sa isang istatistika noong 2017
na ginawa ng NBDB Readership na mas mataas ang kagustuhan ng mga pilipino na mag-basa
dahil gusto nila ng bagong kaalaman.

Bilang koneksyon dito, si Rizal ay isa rin bata noon na nagkaroon ng kagustuhan sa pag-
babasa. Ayon sa kasaysayan, 12 taong gulang nagdesisyon siyang ilaan ang kaniyang oras sa
pag-babasa ng mga nobela at tula, labis niyang kinamamanghaan ang mga linya at dialogo ng
mga karakter sa kaniyang binabasa. Bukod pa rito, sinabi ng mananalaysay na si Dr. Esteban de
Ocampo (2011), labis labis ang pagkagalit ni Rizal sa tuwing may kumukuha ng libro niya sa
kaniyang silid-aklatan at hindi ito naisasauli. Ang silid-aklatan na ito ay iniwan niya kay Jose
Maria Basa bago ito nasira noong World War II.
Gayunpaman, noong 1960 ay kinolekta ni De Ocampo ang lahat ng sulatin at librong
binasa ni Rizal. Dito nalaman ni De Ocampo na ang pag-kamulat ni Rizal sa pampulitikong
usapin at sa pagmamalupit ng mga prayle ay nagmula sa kaniyang pag-babasa ng mga librong
kanluranin.

UNCLE TOM’S CABIN


Noong 1952, sinabi ni Langston Hughes na ang Uncle Tom’s Cabin ay isang nobelang
sigaw ng pag-tangis. Ito ang nobela na tungkol sa pang-aalipin at pag-trato sa mga tao bilang
isang pag-aari. Dagdag pa rito ni Beecher Stowe, ang sumulat ng Uncle Tom’s Cabin, inilagay
niya ang sarili niyang karanasan at inilathala ang koleksyon ng mga dokumento at patotoo ng
pang-aalipin sa kaniyang librong A Key to Uncle Tom’s Cabin upang patunayan na totoo ang
pang-aaliping nirepresenta sa kaniyang nobela.

THE WANDERING JEW


Noong 1845, isinulat ni Eugene Sue ang Wandering Jew. Ito ang nobelang naging
tampok sa diyaryo noong una at ginawan ng libro. Ito ay tungkol sa maraming mga bagay tulad
ng, pag sisinungaling, pag-kakakulong sa maling dahilan, pagmamalabis sa droga, pagmamalabis
ng namamahala at iba pa. Bukod rito, ang pamagat ng nobelang ito ay konektado sa isang jewish
na sinabing magpatuloy lang si Hesus kahit ito’y gusto ng magpahinga. Pinarusahan siya ni
Hesus ng walang hanggang pag-gagala sa mundo.

III. ANALYSIS
Ang kabanatang ito ang nagpapakita ng pag-aanalisa patungkol sa epekto kay Rizal ng
mga librong nabanggit upang siya ay magkaroon ng kaliwanagan.
Ayon sa pag-aaral ni Burns (2021), madalas na nagiging repleksyon ng tao ang mga
karakter na binabasa nito. Ang pag-aaral na ito ay siyang nagsusuporta na ang mga nabasa ni
Rizal na nobela ang nag impluwensya sa kaniya upang mag-karoon ng malawak na pag-iisip
tungkol sa pagmamalupit ng mga prayle. Higit pa rito, inilarawan sa nobelang Uncle Tom’s
Cabin ang sitwasyong pang-aalipin kagaya ng pang-aalipin sa mga pilipino noon. Ipinakita na
naramdaman ni Rizal ang pagkagalit dahil sinabi niya noong 1887 na mas pipiliin ng mga
Pilipino ang makipag-patayan kaysa mag-tiis ng matagal sa pang-aalipin. Gayon rin sa
Wandering Jew, na nagpakita ng iba’t ibang anumalya.
Ipinakita rin ni Rizal ang kaniyang pag-kilos sa pamamagitan ng mga libro na kaniyang
sinulat tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, higit pa rito ay ang isang sulat sa
Blumentritt noong 1888 na nagsasabing hindi na ang tiwala niya ang para sa sarili at sa mga
pilipino at hindi sa gobyerno. Isa ring patunay noong Abril 1890, sinabi ni Marcelo H. Del Pilar
na walang ibang mag-sasalba sa atin kundi ang ating pag-aaral at pag-iisip.
Ito ay ilan sa nagbigay suporta sa mga epekto at benepisyo ng mga libro upang
matulungan ang mga tao na maging bukas sa lahat ng posibilidad.

IV. RECOMMENDATION
Ang papel na ito ay naglalarawan ng mga impormasyon patungkol sa pag-babasa at
paano ito nakakaapekto sa pag-iisip ng tao partikular kay Rizal na siyang maagang naging mulat
sa pagmamalabis ng mga prayle. Bagama’t maraming kayang gawin si Rizal ay mas pinagtuunan
niya ng pansin ang magkaroon ng bagong kaalaman. Ito ay sa kadahilanang nailagay niya ang
kaniyang sarili sa sapatos ng kaniyang mga nabasa kaya nailarawan niya ang kalagayan ng mga
Pilipino sa kaniyang mga isinulat na hanggang ngayon ay napapakinabangan pa ng mga tao. Isa
si Rizal sa mga halimbawa ng mga bayani na isinabuhay ang kanilang mga nararamdaman upang
maipakita ang kahalagahan ng pananaig ng kabutihan.
Iminumungkahi ng mananaliksik na paghusayin at palawakin ang pag-aaral tungkol sa
epekto ng mga nobela kay Rizal at sa mga Pilipino na hanggang ngayon ay nakakaranas parin ng
pag-mamalabis. Iminumungkahi rin ng mananaliksik na isama ang usapin tungkol sa kalayaan ng
impormasyon at pag-sasalita dahil naniniwala ang mananaliksik na hindi parin malawakang
nangyayari ang pagiging malaya ng media.
Naniniwala ang mananaliksik na makakatulong ang pag-aaral na ito sa buhay ng tao lalo
na sa prinsipyo at pagkamulat ng mga susunod na henerasyon.
V. CONCLUSION
Base sa isinagawang pag-aaral at nakalap na impormasyon napag-alama na ang mga
sumusunod:
1. Ang mga nobelang binasa ni Rizal ay nakatulong upang siya ay tuluyang mamulat sa
pang-aalipin ng mga prayle, na naging daan upang maisulat niya ang sarili niyang nobela,
ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
2. Ang mga epekto ng pag-babasa niya ay nakatulong upang maibahagi niya ang tamang
impormasyon sa mga pilipino.

VI. REFERENCES
NBDB. (2017). Readership Survey: Reading behavior and patterns of purchase. GOVPH.
Retrieved from https://booksphilippines.gov.ph/readership-survey-reading-behavior-and-
patterns-of-purchase/

B P. (2011). Reading shaped Rizal’s POLITICAL consciousness. Inquirer. Retrieved from


https://newsinfo.inquirer.net/14303/reading-shaped-rizal%E2%80%99s-political-
consciousness

The scientific world. (2021). Why Should You Read Every Day: Scientific Benefits of Reading
Books. The Scientific World. Retrieved from
https://www.scientificworldinfo.com/2021/03/why-you-should-read-every-day.html

Britannica The Editors of Encyclopaedia (2021). "Uncle Tom’s Cabin". Encyclopedia


Britannica.
Retrieved from
https://www.britannica.com/topic/Uncle-Toms-Cabin

Biography.com Editors. (2022). José Rizal Biography. A&E Television Networks. Retrieved
from
https://www.biography.com/political-figure/jos%C3%A9-rizal
VII. Message to your Professor
Buong pasasalamat ang nais kong ipaabot sa aking Propesor Sir Jumel G. Estrañero sa
pag bibigay ng payo at aral sa buong klase ng Multimedia Arts 32 simula una hanggang huli.
Nais kong iparating na labis naming nakikita ang inyong pag-hihirap upang matulungan at
gabayan kaming lahat sa klase. Labis rin naming pinag-papasalamat na bukas ang inyong isipan
sa amin, dahil nakita namin kung paano ninyo kami pinagpasensyahan. Ito ay hindi magiging
posible kung wala kayo bilang aming guro.

Maraming Salamat Sir Jumel

You might also like